Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18

Himig mula sa hangin ang aking naririnig
habang ako ay nasa isang hardin na pinuno ng ating memorya
saya, lungkot, poot
ang mga ito ay nabuo sa aking hardin.

Sa paglisan ng araw
ikaw at ikaw pa rin
kahit hindi ako
kahit hindi ako ang nilalaman ng puso mo.

Ngunit sa bawat sandali na nilalabanan ko ang aking kalungkutan
ikaw ang tangi kong sandalan kahit malayo tayo sa isa't isa
ngunit minsan, ang kalungkutan ay naghahari sa aking puso.

Aking kaibigan
ako'y nalulumbay sa iyong presensya
ngunit hinihintay kita
nang may ngiti sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro