13
Sa bawat himig ng kanta
Ikaw lang ang aking iniisip
sa bawat patak ng ulan
tanging ikaw ang aking naaalala.
Sa bawat taludtot ng tula
ang lahat ng iyon ay para sa'yo
bawat salita ay para sa'yo, lahat ay nakaalay para sa'yo.
Ngunit iyo ba'ng papansinin ang bawat salita na inialay para sa'yo?
kung hindi mo nalalaman ang tunay kong nararamdaman sa'yo?
Oo, magkaibigan tayo, kasangga natin ang isa't isa sa lungkot at ginhawa
ngunit magiging kasangga pa rin ba tayo?
Kung ako'y umiibig na sa'yo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro