Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter

Ang wakas




Mula ng nakilala ko si Aziel. Mag tumindi ang paniniwala ko na walang impossible sa mundong ito. Kahit pa gaano kayo kalayo sa isa't isa, kahit ano pa ang katayuan niyo sa buhay. Kung itinakda talaga kayo para sa isa't isa. Gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para magkita kayo.

Wala ng mas sasaya pa sa mga buwan na nakasama ko ang pamilya ni Aziel. Hindi man naging maganda ang aming naging simula ay unti unti din naming nakalimutan ang lahat ng masasakit na nangyari sa nakaraan.

"Piero nakita mo ba yung kapatid mo?" Inis na tanong ko kay Piero.

Kakalabas ko lamang ng kwarto namin ni Aziel. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang uminit ang ulo ko ng makita kong wala na ito sa aking tabi.

Nagulat si Piero dahil sa tono ng tanong ko sa kanya. Mula sa kanyang cellphone ay nalipat ang atensyon nito sa akin.

"Asawa mo yun, bakit sa akin mo hinahanap?" Balik na tanong niya sa akin.

Mas lalo akong napairap. "Hindi ko nga din alam, naiinis ako" nanggigigil na sabi ko pa sa kanya. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito dahil sa pag ngisi.

"Bakit nagaway ba kayo ni Tadeo?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Mag aaway pa lang!" Asik ko sa kanya at tsaka siya kaagad na inirapan at tinalikuran.

Narinig ko pa ang tawa ni Piero sa aking likuran pero hindi ko na lamang pinansin. Imbes na hanapin pa si Aziel ay bumalik na lamang akong muli sa aming kwarto para mag shower. Hindi ko din maintindihan ang aking sarili. Umagang umaga ay mainit na kaagad ang aking ulo. Gumaan kahit papaano ang aking pakiramdam. Ngunit pagkalabas ko ng banyo ay kaagad kong nakita si Aziel.

Nakadapa ito sa aming kama habang busy sa pagkalikot sa kanyang cellphone. Muling uminit ang ulo ko, lumabas na ako at lahat pero hindi pa din niya ako pinansin. Tutok na tutok ito sa kanyang hawak na cellphone. Sinadya ko ding magdabog para kuhanin ang atensyon niya pero hindi pa din siya gumalaw. Tumatawa tawa pa ito habang nag cecellphone.

Mabilis akong lumapit sa kanyang harapan pagkatapos kong magbihis. "Hoy Aziel" tawag ko sa kanya.

Sandali niya akong nilingon. "Oh baby..." tawag niya sa akin at tsaka muling ibinalik ang kanyang buong atensyon sa kanyang cellphone.

Halos maiyak ako sa inis. Gusto ko na siyang sapakin. "Aziel may babae ka ba?" Galit at diretsahang tanong ko sa kanya, hindi na din naiwasang hindi dumulo ang luha sa aking mga mata.

Nagulat siya dahil sa aking biglaang pagiyak. Kaagad niyang binitawan ang hawak na cellphone, tumayo at tsaka lumapit sa akin.

"Hey, anong problema?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Pansin ko lately, panay ka cellphone! Pangiti ngiti kapa diyan" galit na asik ko sa kanya at tsaka siya sinuntok sa kanyang dibdib.

Napadaing ito dahil sa aking ginawa, pero ipinagpatuloy ko lamang ang pagiyak. "Gusto mo nang mamatay ha!?" Pananakot ko sa kanya. Pero imbes na sagutin ako ay kaagad niya lamang akong hinila papalapit sa kanya. Niyakap ako nito ng mahigpit.

"Ano ba yang iniisip mo? Wala akong babae Castellana. Takot ko lang sayo..." pangaasar pa niya sa akin pero hindi pa din nawala ang inis ko sa kanya.

Hindi na ako nagsalita pa. "Busy ako lately kasi, may inaalok na mission sa akin. Importante. Napaka importante..." kwento pa niya sa akin.

Nabigla ako kaya naman mabilis akong kumawala sa kanyang pagkakayakap para harapin siya. "Hindi ba napagusapan na natin toh, lalagay na tayo sa tahimik at normal na pamumuhay?" Pagpapaalala ko sa kanya.

Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Aziel. "I was born to be a soldier Castel. Ilang mission na ang tinanggihan ko, pero itong mission na ito, hindi ko pwedeng tanggihan ito" seryosong paliwanag pa niya sa akin.

Muling tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata. Pansin ko din lately na masyado na akong nagiging emosyonal. Kahit gusto kong pigilan ay hindi ko magawang tumahan.

"Ayokong lumaban ka ulit Aziel. Natatakot ako..." umiiyak na sabi ko pa sa kanya.

Marahan niyang ikinulong ang aking magkabilang pisngi gamit ang kanyang maiinit na palad. "Last na ito, promise after nito sayo na ako, buong buo" pangako pa niya sa akin at paninigurado.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Parang bulang nawala ang pagkainis ko sa kanya at wala na lamang akong nagawa pa kundi ang yakapin siya ng mahigpit. Ilang araw kong inisip ang bagong misyon na sinasabi ni Aziel. Maging si mama Maria ay nilapitan ko na dahil dito.

Naabutan ko ito sa may Garden na nagaayos ng mga bulaklak isang umaga. Kaming dalawa lamang ang natira sa bahay bukod sa mga kasambahay ay guard.

"Ma, nasabi na po ba ni Aziel sa inyo yung bago niyang misyon?" Tanong ko sa kanya.

Kita ko ang gulat sa mga mata nito. Kaya naman kaagad akong nagkaroon ng kaunting pagasa na hindi din siya papayag sa misyong iyon ni Aziel. Pwede na niya akong matulungang pigilan si Aziel.

Sandali pa itong nagisip bago napangiti. "Ah oo, the mission. I agree with it" masaya pang sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

"Hindi po ba delikado iyon?" Tanong ko pa sa kanya.

Hinawakan nito ang aking kamay. "Isang magaling na sundalo si Tadeo. He can make it, trust him. He needs it before he settles" pagpapaintindi pa nito sa akin kaya naman napanguso na lamang ako.

Wala na akong nagawa kundi ang manahimik at kimkimin na lamang ang aking opinyon tungkol sa bagong mission ni Aziel. Labag man ito sa aking loob ay hindi ko kayang pilitin siyang wag na itong ituloy. Ano na lamang ang laban ko? Maging ang pamilya nga niya ay suportado siya. Bakit ko naman siya pipigilan?. Sundalo si Aziel ng magkakilala kami, hindi ko siya pwedeng pigilan sa mga bagay na gusto niya. Dahil bago pa man niya ako pinakasalan sa bundok maranatnay nauna na siyang ikinasal sa kanyang tungkulin sa bayan.

Dahil marahil sa aking pagiisip ay kaagad akong nakaramdam ng pagkahilo. "Ma, aakyat na po muna ako" paalam ko dito.

"May problema ba? May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Kaagad akong umiling. "Wa...wala po ayos lang po ako" pagsisinungaling ko.

Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ng bigla na lamang akong matumba.

"Castellana!" Rinig ko pang sigaw ni Mama Maria. Bago ako tuluyang nawalan ng malay.


Dahan dahan kong imimulat ang aking mga mata mula sa mahimbing na pagkakatulog. Kaagad kong nakita ang pamilyar na kisame ng kwarto ni Aziel.

"Oh thank goodness, gising ka na hija" salubong sa akin ni Mama.

Nakita ko duon si Sir Alec kausap si Kenzo. Sa gilid ko naman ay ang titig na titig na si Aziel sa akin. Kita sa mga mata nito na kagagaling lamang niya sa pagiyak.

"Bakit?" Nanghihinang tanong ko sa kanya.

Hindi ito nakasagot, hanggang sa magsalita si Sir Alec. "Iwanan na muna natin sila, para makapagusap silang magasawa" seryosong sabi nito kina mama Maria at Kenzo.

Bago tuluyang lumabas ay hinawakan pa nito si Aziel sa balikat. "Congrats mga anak" nakangiting sabi pa niya kaya naman hindi maiwasang tumaas ang aking mga balahibo sa braso hanggang sa dibdib.

Napatingin ako kay Aziel. "Ano bang nangyayari?" Tanong ko pa sa kanya ng tuluyan ng umalis si Sir Alec para iwanan kami.

Muling tumulo ang mga luha sa mata ni Aziel. "You are pregnant Castel, magkaka anak na tayo" emosyonal na sabi niya at kaagad akong niyakap ng mahigpit.

Hindi kaagad ako nakapagsalita at nakapagreact ng sabihin iyon ni Aziel sa akin. "Magiging tatay na ako" tuwang tuwang sabi pa niya sa akin.

Kusang tumulo ang aking mga luha, kaya naman napahigpit na lamang din ang yakap ko sa kanya. "Hindi ko alam kung anong dapat sabihin, pero napakasaya ko" umiiyak na sabi ko.

Dahil sa magandag balitang iyon ay kaagad na nagpahanda si Mama Maria ng Dinner kasama ang aking pamilya. Tuwang tuwa sina ama at ina ng sabihin ko sa kanila ang magandang balita.

"Kaya pala napakasungit mo nitong mga nakaraang araw" pangaasar ni Piero sa akin.

Napangiti na lamang ako habang nakahawak sa aking sinapupunan. "Siguro nga, mainit talaga ulo ko kay Aziel" natatawang pagsangayon ko pa dito.

Naging mas dumoble ang pagiingat ni Aziel sa akim simula ng malaman naming nagdadalang tao ako. Ramdam na ramdam ko din ang pagaalaga ni Mama maria. Kung minsan ay dumadalaw sina ama at ina sa akin. Kung hindi naman ay ako ang pumupunta sa kanila.

"Siguradong masayang masaya si Papa Aziel" kinikilig na sabi ni Ducusin sa akin. Nagkita kami sa Mall para mamasyal.

"Sobra, at sobrang maalaga din siya ngayon." Kwento ko pa dito.

"Akin na lang kasi si Papa Cairo o si Papa Piero" pangaasar niya sa akin.

Napatawa ako. "Wag ka dun kay Piero sasakit ulo mo dun" balik na asar ko pa sa kanya.

Inirapan niya ako. "Yun nga gusto ko eh, yung medyo hard" sabi pa niya kaya naman kaagad ko siyang kinurot sa kanyang tagiliran.

Natigil lamang kami sa pagtawa ng muli itong magsalita. "Sana naman dahilan na yang baby niyo para hindi na siya tumuloy sa misyon niya" seryosong sabi pa ni Ducusin.

Natahimik ako. Hindi pa kasi kami nakakapagusap ni Aziel ulit tungkol sa sinasabi niyang misyon. Ayoko talagang tumuloy siya duon. Pero hindi ko alam ang gagawin ko.

"Kausapin mo siya ng masinsinan. Maiintindihan niya yun" suwestyon pa ni Ducusin sa akin.

Napanguso ako. "Hindi ba dapat ko ding intindihin si Aziel. Kasi sundalo siya, at hindi ko dapat siya papiliin between sa amin ng anak niya at sa serbisyo niya" malungkot na sabi ko kay Ducusin.

Muling umikot ang mga mata nito dahil sa pagirap. "Like duh, umalis na siya sa pagsusundalo hindi ba?" Pagpapaalala niya sa akin.

Imbes na sumagot ay napatango na lamang ako. Susubukan ko ulit na kausapin si Aziel tungkol duon.

"I'm home!" Masiglang sabi ni Aziel pagkauwi niya kinagabihan. May dala nanaman itong basket ng prutas at ilang mga paborito kong pastries.

Sinalubong ko siya ng yakap at isang pilit na ngiti. "Hey, ayos ka lang ba?" Tanong pa niya sa akin ng mukhang mahalata niya ito.

"Can we talk?" Alanganing tanong ko sa kanya.

"Ofcourse, tungkol saan?" Tanong niya sa akin. Inilapag nito ang mga dala sa center table.

Ilang beses akong bayolenteng napalunok bago ako tuluyang magsalita. "Pwede bang wag ka ng tumuloy sa misyon?" Pakiusap ko sa kanya.

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ni Aziel ng marinig niya iyon. "Please..." medyo emosyonal na pahabol ko pa.

"Baby..." medyo paos na tawag niya sa akin.

Lumapit siya sa akin at tsaka ako niyakap. "Last na ito baby..." malambing na sabi pa niya.

"Is this will make you happy?" Malumanay na tanong ko. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.

"Magiging masaya ka ba pag nagawa mo ang misyon na ito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Napakagat ako sa aking labi ng unti unting tumango si Aziel. Mariin akong napapikit at pinilit na tanggapin ang kanyang desisyon.

"Trust me Castellana. Ito na yung matagal ko ng gusyong mangyari. I want to win this mission" desididong sabi pa niya sa akin kaya naman kahit labag sa aking loob ay napatango tango na lamang ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi. "Promise me, na babalik ka sa amin ng magiging anak natin" utos ko sa kanya.

Buong lambing ako nitong hinalikan sa aking noo. "Sayong sayo ako pagkatapos ng Misyon na ito" paninigurado niya sa akin.

Kahit anong pilit kong ipasok sa isip ko na tanggapin ang desisyon ni Aziel ay hindi ko pa din magawa. "Natatakot pa din ako..." sumbong ko sa kanya.

Napatawa ito. "Saan?" Tanong niya pa sa akin. Parang wala lamang sa kanya ito. Kung umasta siya ay parang hindi siya natatakot na lumaban at iwan kami ng magiging anak niya.

Hindi ko siya nasagot. Para saan nga ba ang takot ko?

"Hey listen. I'll gonna do this to make our child proud. Ito na ang pinakatamang desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko" pagpapaintindi pa niya sa akin.

Inintindi ko si Aziel. Kahit pa araw araw na gumugulo iyon sa aking isip. Inintindi ko na lamang na ito talaga siya, isang sundalo na lalaban para sa alam niyang tama. Palihim na lamang akong naiyak isang araw ng umuwi ito na may dalang folder. May logo ng militar duon at may nakasulat na mission. Sabi sa akin ni mama Maria, ganuon daw talaga sa tuwing uuwi si Aziel sa bahay sa tuwing may kakaharapin siyang laban. Kahit daw mahirap para sa kanya ito ay tinatanggap na lamang niya ang napiling daan ni Aziel.

Pumasok ito sa aming kwarto habang nakasukbit ang kulay itim na duffle bag na naglalaban daw ng kanyang uniporme. "Kailan ang alis mo?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

"Bukas ng umaga" sagot niya sa akin.

Paulit ulit pinaintindi sa akin ni Aziel na magiging ayos lang ang lahat. Na kagaya ng iba niyang misyon ay magagawa niya ito ng maayos at babalik siya sa amin.

Naging mabilis ang oras sa tuwing ayaw mo ng mga susunod na mangyayari. Kumpleto ang lahat para ihatid si Aziel. "Bago to ah, sa tuwing may laban ako parang normal na araw lang" nakangising puna pa niya da mga kapatid.

Napakibit balikat si Kenzo. "Thing became different, we are here para sumuporta kay Castel" sabi ni Kenzo na halatang nangaasar pa.

Umiiyak na ako pero nagawa pa akong asarin ng mga ito. Pabiro siya sinuntok ni Aziel sa braso. "Wag niyong inaaway yung asawa ko" suway niya sa mga ito.

Itinaas ni Piero ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. "I can't promise" nakangising sabi pa niya dito.

He wave goodbye for his Family. Hanggang sa lumapit siya sa akin kaya naman umiyak ako ng umiyak. "Wag ganyan, paano ako lalaban kung makikita kong umiiyak ka?" Malambing na suway niya sa akin.

Napanguso ako at parang batang nagpahid ng luha. "Basta magingat ka, pag kailangan mo ng tulong sabihan mo ako" paalala ko pa kay Aziel. Natawa si Piero sa aming likuran, sinamaan siya ng tingin ni Aziel.

Pag kaalis ni Aziel ay hindi pa din ako tinigilang asarin ng tatlo. "Wala ba kayong mga trabaho? Umalis na nga kayo" pagtataboy ko sa kanila dahil sa inis.

Natawa ang mga ito. "Sira ulo talaga neto, pinapaalis tayo sa bahah natin. Amputa..." nakangising reklamo no Piero pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Buti pa, sumama ka na lang sa amin Castel. Mag mall tayo para naman malibang ka" yaya ni Cairo sa akin na kaagad kong tinanggihan.

Pero hindi nagpatalo ang mga herrer na iyon dahil sa huli ay sama sama kaming nagpunta sa mall. "Bilhan na natin ng gamit ang baby mo" ideya ni piero na kaagad kong pinigilan.

"Hindi pwede, kami ni Aziel ang mamimili nuon" pagtanggi ko sa kanya.

Inirapan niya ako. "Regalo naman namin iyon para sa baby hindi sa inyo ni Tadeo" masungit na sabi pa niya.

Magkakasama kaming nagtungo sa baby section kahit pa ilang beses kong sinabi sa kanila na hindi ako bibili ng gamit ng hindi kasama si Aziel. Pero tuwang tuwa ang tatlo na para bang mga batang nakakita ng laruan.

"Kukuha kami ng tig iisa ng lahat ng klase" seryosong utos ni Piero sa sales lady tukoy sa mga baby bottles.

"Piero..." pagpigil ko sana sa kanya.

Natawa ang sales lady. "Sino po ba sa inyo ang Daddy?" Tanong pa niya.

"Kaming tatlo mismo" sagot ni Piero dito kaya naman nagulat yung sales lady at napapailing na nakangisi na lamang sina Cairo at Kenzo.

Nakasuporta silang tatlo sa akin kaya naman kahit papaano ay hindi ko naiisip na wala si Aziel. Namimiss ko siya pero kaagad na may ginagawa ang tatlo para libangin ako.

Pangalawang araw simula ng umalis si Aziel ay si Piero ang nakasama ko sa bahay. "May gusto ka bang kainin?" Tanong niya sa akim habang kumakain siya ng chips.

Kaagad ko siyang nilingon at inilingan. Magsasalita pa sana siya ng iritado niyang sinagot ang tumatawag sa kanyang cellphone. Hindi siya nagsalita, nanatiling nakikinig sa nasa kabilang linya.

"Wala akong panahon na hanapin si Amaryllis ngayon. Kayo ang maghanap. Ikulong niyo kaagad pag nakita niyo" kaswal na sabi niya sa kanyang kausap.

Nabigla ako sa nadinig pero wala lamang kay piero iyon kahit pa nadinig ko.

"Sino iyon?" Tanong ko.

Nakabusangot ang mukha nito. "May utang sa akin, gustong tumakas amputa" inis na sagot niya sa akin.

Hindi na lamang ako sumagot pa. Muling tumunog ang cellphone ni Piero. Hanggang sa mabitawan niya ang hawak na chips. "May problema ba?" Tanong ko.

"Sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo" seryosong sabi niya at kaagad akong hinila.

"Piero anong problema? Kinakabahan ako" kinakabahang sabi ko.

Diretso ang kanyang mga mata sa kalsada. Hindi niya ako sinagot, nagawa pa niyang huminto sa isang fastfood. Mula sa backseat ng kanyang sasakyan ay may kinuha siyang paper bag.

"Isuot mo ito, may assignment tayo agent luna" seryosong sabi niya sa akin kaya naman nagulat ako.

"Ano?" Naguguluhang tanong ko sa kanya pero tinulak na lamang niya ako para lumabas. Nangako si Piero na sasabihin niya sa akin ang problema pagkatapos kong magbihis. Wala sa sarili kong isinuot kung ano ang ibinigay ni Piero sa aking damit.

"Teka bakit ganito ito?" Tanong ko sa kanya pagbalik ko sa loob ng kanyang sasakyan.

"We need to attend a secret party. Order from the organization." Sabi pa niya kaya naman napaawang na lamang ang labi ko.

"Ready agent luna?" Nakangising tanong pa niya sa akin bago niya pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Pamilyar ang daang tinahak namin. Patungo iyon sa bulacan. Dumiretso kami patungo sa Norzagaray at duon ay nakumpirama kong sa bundok maranat ang tungo namin.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya pagkalabas namin.

"Wag kang mabibigla Castel, nawawala si Tadeo" seryosong sabi niya sa akin kaya naman halos takasan ako ng hangin sa katawan.

"Hindi magandang biro yan Piero" pagbabanta ko sa kanya.

Seryoso lamang ang mukha nito. "Mukha ba akong nagbibiro castelana?" Tanong niya pa sa akin.

"Pero bakit dito?" Hindi mapakaling tanong ko.

Napakibit balikat siya. "Dahil dito sa nawawala" tamad na sagot niya sa akin.

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya ulit kaagad na akong tumakbo papasok sa bundok. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Piero para pigilan ako pero hindi ako nagpapigil.

"Aziel!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Unti unting bumalik sa akin ang lahat. Sa kung paano ko takbuhin ang loob ng gubat sa bundok ng maranat habang nakapaa at nakasuot ng puting bestida.

Mahaba man ang suot kong puting bestida ngayon ay hindi naman ako nahirapan sa pagtakbo dahil sanay na ako sa mga naglalakihang ugat ng puno.

"Aziel!" Muling sigaw na tawag ko.

Hingal na hingala ko habang parang mababaliw sa paghahanap sa kanya. Tumulo na din ang masasaganang luha sa aking mga mata.

"Aziel!" Pagsigaw ko pa.

Hinihingal akong napahinto sa gitna ng nayon. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Kakaiba ang ayos nito. May nga bulalak, mga silya at mga palamuti. May lamesa din ng pari sa unang bahagi na para bang may ikakasal dito ngayon.

"You found me again" sabi ng boses sa aking likuran.

Tuluyan akong napahagulgol ng makita ko kung sino iyon. "Aziel!" Sigaw na tawag ko sa kanya. Tumakbo ako papalapit sa kanya at tsaka siya niyakap ng mahigpit.

"Akala ko kung ano ng nangyari sayo" umiiyak na sabi ko pa.

"Damn that piero" galit na utas niya.

Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap sa kanya. "Umuwi na tayo, please..." pakiusap ko sa kanya.

"Hindi pa pwede" sagot niya sa akin.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. Mula sa bulsa ng kanyang pansundalong uniporme ay may kinuha siyang isang maliit na kahon. Napatakip ako sa aking bibig ng unti unting lumuhod si Aziel sa aking harapan.

"Pwede mo ba akong pakasalan, diwata ng bundok maranat?" Emosyonal na tanong niya sa akin.

Bumuhos ang luha naming pareho. "Pero kasal na tayo di ba?"

Napangisi si Aziel. "Yes, but not with them" sabi niya sabay tingin sa aming paligid.

Mas lalo akong naiyak ng makitang kumpleto ang aming mga pamilya at mga kaibigan. "You did all of these?" Hindi makapaniwalang tanong ko dahil sa pagkamangha.

Tumango tango siya. "So will you give my last mission a success?" Muling tanong niya sa akin.

"This is the mission?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Napangisi siya. "Ang tunay na misyon ko ay ang hingin sa isang napakagaling na pinuno ang kamay ng kanyang kaisa isang anak. Para patunayan sa pinuno na iyon na proprotektahan ko ang diwata ng bundok maranat kagaya ng pagproprotekta niya dito" umiiyak na sabi niya sa akin.

"Aziel..." umiiyak na tawag ko. Naguumapaw sa saya ang aking puso.

"So, Diwata ng bundok maranat, agent Luna, Hannaniel, Castellana o kahit na sino ka pa. Pwede mo bang pakasalan ang isang sundalong minsang nangahas na pasukin ang nayon niyo?"

"I want to be part of your family, i want to build a family with you Castellana, Please marry me...i don't want to be the lost soldier anymore. I want you to be my home" buong pusong tanong niya sa akin.

Napatango tango ako. "Yes Captain, I will marry you" sagot ko pa sa kanya bago namin narinig ang masagang palakpakan ng aming pamilya.

And finally, the lost soldier found his home. Castellana is his home.













The End.






[A/N]
Thank you for reaching this far.
See you on Piero's story. "THE HEARTLESS MASTER"






(Maria_CarCat)







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro