Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Syudad






Kaagad kaming nataranta dahil sa pamimilipit ni Aziel sa sakit. Napaupo na ito sa lupa habang nakahawak ant kanyang magkabilang kamay sa kanyang ulo.

"Aziel anong nangyayari sayo?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Gusto ko sanang sabihin niya sa akin kung ano ang nararamdaman niya para naman mabigyan ko siya ng halamang gamot para pawiin iyon.

Napasigaw na ito sa sobrang sakit kaya naman kaagad na nagsilapitan sa amin ang ibang taga nayon. Nagkagulo din sila at kanya kanyang alok ng tulong. Pero hindi nagtagal ay nahawi ang lahat dahil sa pagdating ni Lily.

"Anong nangyayari dito?" Gulat na tanong niya at halos manlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kalagayan ngayon ni Aziel.

"Bigla na lang sumakit ang ulo niya" sabi ko sa kanya.

Kaagad siyang lumapit sa amin pero nagulat ako ng bigla niya akong itulak palayo dahilan para maitukod ko ang aking mga kamay sa lupa dahil sa takot na dumiretsong sumubsob.

"Tulungan niyo ako, dahil natin siya sa bahay pagamutan" sigaw ni lily sa ibang nga taga nayon.

Nagtulong tulong ang mga ito na mabuhat at madala si Aziel sa bahay pagamutan. Nanatili akong nakalugmok sa lupa at nakatanaw sa kanilang paglayo.

"Taya na diyan castel..." nagaalalang sabi ni ducusin sa akin at tsaka pa niya ako tinulungang makatayo.

Napapagpag na lamang ako ng aking magkabilang kamay dahil dito. Pero kaagad kinuha ni Ducusin ang aking atensyon. "Mag kaaway ba kayo ni Ate lily?" Tanong niya sa akin, ramdam ko ang pagtataka niya dahil sa nasaksihan.

Napailing ako bago sumagot. "Wala, ok pa naman kami kahapon" sabi ko pa dito kaya naman humaba na lamang ang nguso ni Ducusin.

Hindi na lamang siya nagsalita pa at dinamayan na lamang ako. Nang lumipas ang ilang minuto ay bumalik na din ang lahat sa normal. Naging tahimik na din at kanya kanyang balik sa kanilang mga ginagawa at mga bahay.

"Oh teka saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Ducusin sa akin ng kaagad akong tumayo mula sa kinauupuan namin.

Mabilis ko siyang nilingon. "Pupuntahan ko si Aziel, kakamustahin ko ang lagay niya" sabi ko sa kanya. Gusto pa sana niyang magsalita para pigilan ako pero sa huli ay mas pinili na lamang niyang bitawan ang aking kamay at hayaan akong magtungo sa bahay pagamutan.

Tahimik ang buong lugar pagpasok ko duon. Tanging ang nakahiga at walang malay na si Aziel lamang ng naabutan ko. Kaagad akong lumapit sa kanya at ilang hakbang na lamang sana ang layo ko sa kanya ng kaagad na humarang si lily sa aking harapan. Matalim itong nakatingin sa akin habang habol habol pa niya ang kanyang hininga na para bang may kinikimkim siyang galit sa akin.

"Gusto kong kamustahin si Aziel" malumanay na sabi ko sa kanya pero mas lalo lamang tumigas ang mukha nito.

"Hindi mo ba napapansin Castel? Oh sadyang wala ka lang talagang pakialam sa mga tao sa paligid mo?" Galit na tanong niya sa akin.

Napakunot ang aking noo. Hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy.

"Anong ibig mong sabihin? Wala naman akong ginagawang masama" laban ko sa kanya pero napangisi ito. Napailing iling at napaiwas ng tingin.

"Walang ginagawa?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Dahil hindi ko siya sinagot ay siya na rin mismo ang sumagot ng kanyang sariling tanong. "Makasarili ka nga pala, walang ibang iniisip kundi ang sarili mo" mapanuyang sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Hindi yan totoo, hindi ako ganyan!" Asik ko sa kanya pero masyadong sarado ang kanyang isip tungkol dito.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bata ka pa castel...para sa bata ka din" sabi niya na nagpataas ng aking balahibo.

"Hindi na ako bata...nasa tamang..." hindi niya ako muling binigyan ng pagkakataon namakapagsalita pa.

"Nasa tamang edad ka na? Eh ni hindi ka nga marunong magsuklay ng buhok mo, magsuot ng tsinelas..." natatawa tawang sabi niya pa sa akin kaya naman napaawang na lamang ang aking bibig.

"Hindi naman iyon ang basehan ng..."

"Iyon yun castel, sa tingin mo ba may lalaking magkakagusto sa itsura mo? Ang dungis dungis mo" patuloy na panlalait pa niya sa akin.

Gusto kong maiyak pero pinigilan ko na lamang. Ayokong umiyk sa harapan ni lily. Magmumukh lamang akong talunan at mapapatunayan ang sinasabi niyang isip bata p din ako.

"Naliligo ako, marunong akong magayos ng sarili ko" sabi ko pa sa kanya pero muli ay tinawanan niya lamang ako.

"Ipakita mo castel, wag mong sabihin...gawin mo" panghahamon pa niya sa akin.

Napatingin ako kay Aziel, mahimbing pa din ang pagkakatulog nito. Hindi ko alam kung bkit hinihintay ko siyang bumangon duon at ipagtanggol ako.

"Hindi porket anak ka ng pinuni ay dapat ka na din naming sundin, mas matanda pa din kami sayo" sabi pa niya sa akin.

Nagiwas na lamang ako ng tingin at kaagad n tumalikod para makaalis na, pero mukhang hindi pa talaga tapos si Lily sa kanyang mga panlalait at pagbabanta sa akin.

"Wag ka na ding lumapit kay Aziel. O sa kahit na sinong taga nayon. Lahat sila napapahamak sa tuwing kasama ka nila" sabi pa niya sa akin kaya naman tuluyan ko ng hindi kinaya at nagmadali na akong umalis duon.

Hindi nawala ang mga sinabi ni Lily tungkol sa akin. Lahat iyon ay kaagad na tumatak sa aking isip kaya naman nagdadalawang isip tuloy ako kung talaga bang tama siya. Baka nga ako ang may problema, masyadong akong nagiging kampante na gusto ako ng mga taga nayon pero ang totoo ay ayaw nila sa akin.

Hindi ako nakatulog kinagabihan kaya naman lutang na luta ako kinabukasan habang naghahanda sa pagpasok sa leksyon namin. Kahit may kasamang excitement dahil muli ko nanamang makikita si Tadeo ay hindi pa din mawala sa aking isipan ang dapat kong pagiwas kay aziel.

"Haba ng nguso natin ngayon ah" puna ni ate wena sa akin bago ako lumabas ng aming bahay.

Tipid ko na lamang siyang nginitian at tsaka ako nagpatuloy sa pagpunta sa hintayan namin, sa gitna ng nayon. Nanduon na ang ilang mga bata pero hindi ko pa nakikita si Ducusin. Pinagpatuloy mo ang paglalakad papunta duon pero kaagad na humarang si Aziel sa aking harapan.

Nginitian ako nito. "Nag balot ako ng kakanin na gawa ni aling doray para sayo, baun..." hindi ko na siya hinayaan pang matapos ang kanyang sasabihin dahil kaagad ko na siyang pinutol.

"Hindi na kailangan, may baon na ako" sabi ko pa sa kanya. Pagtanggi na din.

Bahagyang nagulat si Aziel dahil sa aking sinabi pero kaagad din naman siyang nakabawi. "Pwede mo tong gawing mirienda" sabi pa din niya sa akin pero napanguso na lamang ako at napayuko.

"Bakit, hindi ka ba kumakain ng kakanin?" Tanong pa niya sa akin. Napakagat ako sa aking labi dahil sa iniisip kong pagsisinungaling.

"Oo, hindi ako kumakain" pinal na sabi ko at kaagad sana siyang lalagpasan ng hinabol pa din niya ako at sinabayan pa ng paglakad.

"Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba akong mali?" Sunod sunod na tanong niya sa akin pero puro iling lamang ang isinagot ko sa kanya.

"Castel...tell me" giit niya pa sa akin, ramdam na ramdam ko ang frustration sa kanyang boses.

"Wala nga sabi" parang batang sabi ko pa sa kanya.

Pilit ko siyang iniiwasan pero mukhang mahihirapan pa ata ako dahil si Aziel mismo ang lumalapit sa akin.

"Kung ganuon ano? Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ka na lang nagkaganyan, ayos pa naman tayo kaha..." hindi na niya nadugtungan pa ang sasabihin niya ng para bang may biglang pumasok sa isip niya, para bang bigla siyang may naalala.

"Dahil ba dun sa lalaking sinasabi ni Ducusin?" Tanong niya sa akin, seryoso ang kanyang pagkakatanong na akala mo ay tatay ko siya.

"Hindi noh!" Sita ko sa kanya.

Nagtaas siya ng isang kilay sa akin. "Isang araw mo pa lang nakilala ang lalaking iyon, gusto mo na agad, kayo na ba?" Tuloy tuloy na sabi at tanong pa niya kaya naman halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa grabe ng kanyang mga tanong.

"Walang ganuon, kakakilala pa nga lang namin kahapon" giit ko pa.

Pero hindi pa din natinag ang seryosong mukha ni Aziel. Nakakatakot, para siyang tatay ko na ano mang oras ay papaglitan ako.

"Bata ka pa para duon, tigilan mo yan" seryosong suway pa niya sa akin. Pero sa hindi malamang dahilan ay imbes na magalit ak dahil sa pakikialam niya ay uminit pa ang magkabilang pisngi ko.

"Hindi na ako bata, bakit ba lahat kayo ay bata ang tingin sa akin?" Tanong ko sa kanya. Naging malumanay ako dahil sa kakaibang nararamdaman.

"Bata ka pa din para duon, bata ka pa" paguulit pa niya sa akin kaya naman humaba yung nguso ko at kaagad na nakaramdam ng pagtatampo sa kanya.

"Bahala ka na diyan, ikaw na kumain ng kakanin mo" asik ko pa sa kanya at hindi na niya ako napigilan pa ng tuluyan na akong umalis sa kanyang harapan.

"Castellana" matigas na tawag pa niya sa akin pero ni paglingon ay hindi ko na ginawa pa.

Habang naglalakad patungo sa kabilang nayon ay mukhang napansin ni Ducusin ang aking pagiging tahimik.

"Di ba dapat excited ka dahil makikita mo yung tadeo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Pinilit kong ngumiti. "Excited ako!" Masayang sambit ko at pagsisinungaling.

Sumama tuloy ang tingin ni ducusin sa akin dahil sigurado akong alam niyang nagsisinungaling lamang ako. Pero hindi ko na nagawa pang magpaliwanag sa kanya at nagpapasalamat naman ako dahil hindi na siya nagsalita pang muli.

Maagang nagsimula ang leksyon ni titser ana para sa amin, pero isang hindi inaasahang bisita sa loob ng silid aralan ang nakasama namin, hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang.

"Sasamahan tayo ni tadeo dito para panuorin sa mga ginagawa natin" nakangiting sabi pa ni titser ana sa amin.

Nagiba tuloy ang tingin ni Ducusin sa akin, nangaasar na ito ngayon. Alam kong gustong gusto na niya akong lapitan pero hindi niya lang magawa dahil nagtuturo pa din si titser ana sa harapan at ayaw namin na bastusin siya sa pamamagitan ng paguusap sa gitna ng klase.Natahimik kaming dalawa at tsaka itinuon ang buong atensyon sa mga itinuturo sa amin ni titser ana.

Sa gitna ng aking pakikinig ay hindi sinasadyang nahulog ko ang lapis na ginagamit ko at kaagad akong yumuko para pulutin iyon. Pero hindi pa man nakakasayad ang kamay ko sa sahig ay may nagabot na nito sa akin.

"Ito na" sabi ni tadeo n medyo ikinagulat ko pa.

Napaawang ang aking bibig, gusto ko sanang magpasalamatblero walang ni kahit isang salita ang gustong lumabas sa aking bibig. Parang may kung anong malaking bagay ang nakabara sa aking lalamunan.

Ramdam ko din na para bang may hinihintay siya sasabihin ko pero dahil sa aking pagkabato ay tuluyan na itong nairita. Napairap at tsaka kaagad na bumalik sa kanyang pagkakaupo.

"Uhmnm...sa...salamat" nauutak utal pang pahabol ko sa kanya pero tamad na lamang niya akong tinanguan at tsaka nagiwas ng tingin.

Hindi sinasadyang napatitig ako kay tadeo. Makapal ang kilay nito, mahaba ang mga pilik mata, malinis ang gupit, may maliit siyang balat sa kanyang baba at matikas din ang katawan kagaya ni Aziel.

"Stop staring" matigas na sabi niya sa akin kaya naman napaiktad pa ako sa gulat at kaagad na napatalikod sa kanya.

Habol habol ko ang aking hininga dahil sa pagkahiya. Sobra sobrang ang pagtatambol ng dibdib ko dahil dito. Pero hindi rin naman iyon nagtagal dahil mabilis din akong kumalma.

Pagkatapos ng unang parte ng leksyon ni titser ana ay sandali kaming nagbreak para kumain. May libreng sopas na si titser ana mismo ang nagluto para sa amin.

"Tutulong na po ako magpamigay titser" pagvovolunteer ko pa na kaagad naman niyang nginitian.

"Salamat castel" sabi pa niya sa akin.

Binigyan namin ng tigitigisang baso ng sopas ang mga bata. Pagkatapos nuon ay kumain na din ako ng sa akin pero halos mapahiyaw ako sa sobrang init ng bigla bigla na lamang akong sumubo dahilan kung bakit kaagad napaso ang aking dila.

"Aray..." naiiyak na daing ko dahil sa sakit nuon.

"Ang laki laki mo na, hindi mo pa magawang kainin ng maayos yang sopas mo" sita sa akin ni Tadeo.

Nakaramdam ako ng hiya at pagkailang sa kanya pero imbes na umalis at tumabi pa siya sa akin at nakiupo din sa inuupuan kong malaking ugat ng puno.

"Malayo ba ang nayon niyo dito?" Tanong niya sa akin.

Kaagad kong nilunok ang pagkain na nasa aking bibig para masagot ko siya ng maayos. "May kalayuan, pero pag nasanay ka na mabilis na lang iyon para sayo" sagot ko pa sa kanya na ikinatango niya.

Natahimik siya habang nakatingin sa malayo. Napanguso tuloy ako habang iniipon ang lahat ng lakas ng loob na pwede kong maipon para makapagtanong din sa kanya.

"Tadeo ba talaga ang pangalan mo?" Tanong ko.

Napangisi siya bago niya tiningnan ang dog tag na suot niya. Napatingin siya sa akin at tsaka napakibit balikat. "Siguro? Iyon ang nakalagay dito eh" sagot niya sa akin kaya naman tipid akong napangiti sa kanya.

"Para saan ba iyan? Para pag nawala kayo?" Panguusisa ko pa sa kanya.

"Siguro? O dahil baka isa akong sundalo at nakalimutan ko lang" sabi niya pa kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Tama! Tama isa kang sundalo" pagpilit ko pa kaya naman napangisi siya.

"Bakit parang siguradong sigurado ka?" Tanong niya sa akin.

Bigla tuloy akong kumalma. "Eh sa tingin ko lang naman. Baka nga..." pagpapalusot ko pa sa kanya kaya naman napangiti siya.

Napaiwas ako ng tingin ng pagmasdan niya ako, matagal tagal dito iyon kaya naman halos pigilan ko din ang aking paghinga.

"Ilang taon ka nga ulit?" Tanong niya sa akin.

"Magdidisiotso sa susunod na buwan" sagot ko sa kanya.

Napatango tango siya. "Matanda ka na" sabi niya kaya naman bigla akong parang naliwanagan.

"Talaga? Buti ka pa...yung iba bata ang tingin nila sa akin" pagsusumbong ko pa sa kanya.

Napangisi siya at tsaka hindi sinasadyang dumapo ang tingin niya sa aking mga paa. "Nasaan kasi ang tsinelas mo?" Tanong niya sa akin.

Ipinaliwanag ko sa kanya ang dahilan kagaya ng paliwanag ko sa lahat ng nagtatanong sa akin tungkol sa hindi ko pagsusuot ng sapin sa paa. Sa huli ay naging kumportable na akong kausap sj tadeo. Mukha lang siyang masungit sa una pero mabait din naman pala sila.

"Aalis na kami" paalam ko sa kanya kinahapunan. Aalis na kami para bumalik sa aming nayon.

Tumango si Tadeo. "Ingat kayo" sabi niya sa amim at kumaway pa.

Nakangiti ako sa buong oras na naglalakad kami pabalik sa nayon. Panay tuloy ang asar sa akin ni ducusin. Hinahayaan ko lamang siya at hindi na pinapansin hanggang sa makarating na kami sa bukana ng aming nayon.

Biglang nawala ang ngiti sa aking labi ng hindi ko makita si Aziel duon kagaya ng ibang araw na palagi siyang nakabantay sa aking paguwi.

"Uy, biglang naging malungkot?" Pangaasar niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang siniko.

"Tigilan mo nga ako" suway ko sa kanya pero tinawanan niya lamang ako.

Biglang bumagsak ang balikat ko. Nakayuko akong naglalad pabalik sa aming bahay. Pero nang tuluyang makalapit ay nagtaka ako ng hindi nagingay si chicky. Nang tingalain ko iyon ay nakita kong may pagkain na pala siya kaya hindi na siya naexcite sa aking pagdating.

"Oh sino ang nagpakain sa inyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero kaagad na lumabas si aziel sa kung saan habang hawak hawak ang aking alagang kuneho na si Rafa.

"Ang tagal mong umuwi, gutom na ang mga alaga mo" sabi niya sa akin habang hinihimas himas ito.

Nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. Parang kanina lamang ay nakaramdam ako ng pagtatampo dahil hindi ko siya nakita sa bukana ng nayon pero heto ngayon at nasa harapan ko na siya, pinakain pa niya ang aking mga alaga.

"May ginawa pa kasi kami bago umuwi" sagot ko sa kanya.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang hawak pa din si rafa. "Akala ko duon ka na titira sa lalaking gusto mo eh" sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon.

"Bakit naman ako titira duon? Edi pinagalitan ako ni ama" laban ko pa sa kanya. Pero kahit anong gawin kong pagmamatapang sa harapan ni Aziel ay hindi ko pa din kayang pantayan ang awra niya, ang dating niya dahilan kung bakit nanghihina ako sa tuwing malapit siya sa akin.

"Exactly, gusto mo isumbong kita kay pinuno. Hindi ba't ipinagbabawal niya iyan sayo?" Pananakot pa niya sa akin.

Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. "Bakit mo ba ako pinapakialaman?" Laban ko sa kanya dahil na din sa nararamdamang pagkainis.

"Dahil bata ka pa" seryosong sagot niya sa akin.

Dahil duon ay naikuyom ko ang aking kamao. "Buti pa si Tadeo, hindi niya ako tinatawag na bata! Hindi bata ang tingin niya sa akin" galit na sabi ko pa sa kanya.

Dahil duon ay mabilis ko siyang tinalikuran at tsaka ako pumasok sa aming bahay at isinara ang pinto. Hindi ako galit kay Aziel pero namuo ang pagtatampo sa aking kalooban.

Madilim na ng lumabas ako sa aming bahay. Magtutungo ako sa gitna ng nayon para makisaya sa aking mga kaibigan. "Castel, pumunta ka daw sa may sapa" sabi ni dan isa sa mga kabataang kasiedaran namin ni ducusin.

Napakunot ang aking noo. "Sino nagsabi?" Tanong ko sa kanya.

Napatigil ito, parang biglang nagulat sa aking tanong sa kanya. Bigla tuloy akong nagtaka kung bakit naging mahirap sa kanyang sagutin ang tanong ko sa kanya.

"Si ano...si Aziel daw" parang nauutal utal na sagot pa niya sa akin.

Napakunot ang aking noo. Hinawakan ko siya sa kanyang braso, "okay ka lang ba dan? May problema ba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero umiling lamang ito at mabilis na tumakbo palayo sa akin.

Ayoko man sanang puntahan ito sa may sapa ay pinuntahan ko na lamang para malaman ang kanyang pakay sa akin.

"Aziel?" Tawag ko sa kanya dahil sa dilim.

Ilang beses ko pa siyang tinawag pero napatigil ako ng imbes na si Aziel ang aking maabutan duon si lily.

"Anong ginagawa mo dito? Asaan si Aziel?" Tanong ko sa kanya.

Napangisi siya. "Sinabi ko lang iyon para pumunta ka" sabi pa niya sa akin.

Kaagad akong napasimangot. "Ano bang kailangan mo sa akin?" Inis na tanong ko.

Napahalukipkip ito sa aking harapan. "Nalaman ko kasing matagal mo ng gustong makarating sa syudad" paguumpisa niya.

"Oh tapos?"

"Napagisip isip kong tulungan ka...sabihin mo lang castel. Ako pa mismo ang maghahatid sa iyo sa sakayan" sabi niya sa akin kaya naman nagulat ako.

"Bakit mo ginagaw ito?"  Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dahil pareho tayong nakikinabang dito, masosolo ko si Aziel matutupad mo pa ang pangarap mo" sabi niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot. "Makikilala mo pa ang tunay mong ina" dugtong pa niya.

"Kilala mo ang aking ina?" Gulat na sambit ko.

Napatango tango ito. "Maganda at marangyang buhay ang naghihintay sayo sa syudad kasama siya castel..."














(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro