Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Tadeo





Nakatitig lamang ako kay Aziel sa gitna ng aming pananahimik. Hinihimas himas ng kanang paa ko ang kaliwang paa ko na lubos na natamaan. Napanguso ako dahil sa dinaramdam na sakit. Nang mapansin ni Aziel ay kaagad siyang napatingin sa akin at sa aking paa.

"Tsk, ano ba yan hindi ka nagiingat" galit na sabi niya sa akin at kaagad na lumuhod sa aking harapan para hawakan ang aking paa.

Kaagad ko iyong binawi sa kanya ng maramdaman ko nanaman ang sakit dahil sa pagkakahawak niya.

"Wag masakit" suway ko sa kanya.

Matalim itong tumingala sa akin. "Magkakapasa ka nito" sabi pa niya.

Sinimangutan ko siya. "Ayos lang, tatapalan ko lang yan ng dahon" masungit na sabi ko pa sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin ng tumayo siya sa aking harapan. Napatingala kaagad ako dahil sa tangkad nito.

"Bumalik na tayo sa nayon" matigas na utos niya sa akin.

"Magisa akong babalik duon" laban ko sa kanya at tangkang tatalikuran ko na siya ng kaagad niyang kinuha ang aking kamay at mahigpit na hinawakan ang aking palapulsuhan sapat na para hindi ko makawala sa kanya.

Hinila niya ako muli papasok sa may kubo kung saan kaagad na nagulat sina lily at ang babae kanina. Nagpabalik balik ang tingin ni lily sa amin.

"Castel, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya.

"Naku andito pa pala ang diwata" tuwang tuwa na sabi ng ale.

Dahil dito ay bahagya akong napatago sa likuran ni Aziel. Nang mapansin niya ay siya na mismo ang nagtago sa akin.

"Kailangan ko ng iuwi si Castel sa nayon" seryosong sabi niya kay lily.

Kitang kita ko ang pagpinta ng pagkadismaya sa mukha nito dahil sa narinig. "Pero, may tatlong bahay pa tayong kailangang puntahan" sabi niya dito.

Napabuntong hininga si Aziel. Hindi alam kung ano ang susunod na gagawin.

Kinuwit ko siya sa likuran. "Ako na lang magisa ang uuwi, kaya ko naman" sabi ko sa kanya pero matigas pa din siya, inilingan niya lamang ako.

"Hindi kita hahayaang umalis magisa" pinal na sabi pa niya kaya naman natahimik na lamang ako at tsaka muling napatingin kay lily.

"Kung ganuon, pwede naman nating isama na lang si Castel. Hanggang sa matapos tayo sa panggagamot" labas sa ilong na suwestyon pa niya. Ramdam ko na hindi niya talaga gustong kasama ako, ang kaso ay wala na siyang magagawa.

Napatingin sa akin si Aziel kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata at napatango tango.

"Gusto ko, gusto ko...matagal ko ng gustong mamasyal" excited na sabi ko sa kanya.

"Pero hindi dapat ito malaman ni pinuno dahil sigurading malalagot tayo" nagaalalang sabi pa ni lily kaya naman bumagsak ang aking balikat. Nakaramdam ng hiya at pagaalala dahil nilagay ko pa silang dalawa sa kapahamakan.

Hawak hawak pa din ni Aziel ang aking kamay habang naglalakad kaming tatlo papunta sa susunod na bahay na may pasyente. Hindi tuloy makapaglakad ng maayos si lily dahil sa paglingon lingon nito.

Ramdam ko ang hindi niya pagiging kumportable sa magkahawak naming kamay ni Aziel. Ilang beses ko ng sinubukang bawaiin iyon pero mas lalo lamang hinihigpitan ni Aziel ang hawak duon.

"Magandang hapon po" pagbati ni lily sa may ari ng bahay.

Nakangiti nito kaming tinanggap sa loob ng kanilang bahay, pero ng muli siyang napatingin sa akin ay nanlaki ang mga mata nito. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan.

"Diwata..." tawag niya sa akin.

Sa gulat ay napatulala na lamang ako sa kanya. Mabuti na lamang at kaagad na hinarangan ni Aziel ang lalaki.

"Pasencya na diwata, lubos lamang akong nagalak dahil sa pagpunta niyo dito sa aming tahanan" sabi niya ng makatayo na.

Napahawak ako ng mahigpit sa likuran ni Aziel. "Hindi po ako diwata..." laban ko sa kanya pero hindi siya natinag, pumasok at lumabas lamang iyon sa kanyang magkabilang tenga.

"Kamusta na ang lagay ninyo diwata? Nabalitaan naming pinagkaguluhan kayo kanina sa may bayan...narinig din naming nasaktan kayo dahil sa pagkuha nila sa inyong buhom" tuloy tuloy na kwento nito kaya naman muling napatingin si Aziel sa akin. Nakakunot ang kanyang noo.

"Sinaktan ka nila?" Nagaalala ngunit seryosong sabi pa din niya.

Kaagad akong napailing. Ayoko na sanang may makaalam pa ng naranasan ko dito sa bayan. Kahit nakita ko ang ganuong pangyayarinay naniniwala pa din ako na may kabutihan silang taglay. Kailangan lang nilang maliwanagan na hindi ako diwata kagaya ng inaakala nila.

Habang nag gagamot si Lily sa loob ay nanatili kami ni Aziel sa may sala. Pinaghandaan kami ng mga ito ng iba't ibang uri ng kakanin.

Kain lamang ako ng kain. Sarap na sarap ako sa mga iyon habang si Aziel naman ay tahimik na nunuod sa akin. "Ayaw mong kumain?" Tanong ko sa kanya.

Inilingan niya lamang ako. "Saan ang masakit?" Seryosong tanong niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

"Huh?"

"Sinaktan ka nila? Saan?" Patuloy na tanong niya sa akin.

Napatigil tuloy ako sa pagnguya. Dahan dahan kong hinawakan ang aking ulo. "Kinuhanan nila ako ng buhok. Gagawin daw nila iyong agimat. Masakit nung una pero ok na ngayon...tutubo naman to ulit" sabi at paliwanag ko sa kanya para sana hindi na siya gaanong magalit.

Nagulat ako ng tumayo ito at kaagad na umupo sa aking tabi. "Patingin nga" sabi niyanat kaagad na hinawakan ang ulo ko.

Ramdam ko pa din ang pananakit ng aking anit. Pero kaagad akong napakagat sa aking labi ng maramdaman ko ang maingat at malambing na pagmasahe niya sa aking ulo.

"Dito ba?" Malambing na tanong niya sa akin. Napapatango na lamang ako.

Nasa ganuon kaming posisyon ng kaagad na lumabas si lily. Gulat na gulat siya sa kanyang nakita kaya naman kaagad kong naitulak si Aziel palayo sa akin.

"Uhmm...tapos na?" Kaagad na tanong ko ng bigla din akong mapatayo.

Napatango na lamang si lily. Kaya naman mabilis kong iniwanan si Aziel na nakaupo pa din sa may upuan.

Sa mga sumunod na bahay na pinuntahan namin ay sinubukan kong iwasan si Aziel. Pero kahit anong gawin ko ay nakasunod pa din siya sa akin. Nang matapos ang lahat ay sabay sabay pa din kaming naglakad pabalik sa nayon. Nang madaan sa bayan ay kaagad akong hinawakan ni Aziel ng mahigpit.

Pero wala duon ang aking atensyon. Nasa may mga candy at mga tsokolate na nakikita ng aking mga mata. Napalunok ako dahil sa pagkatakam. Pero napanguso din ng huli dahil alam kong hanggang tingin lamang ako duon.

"Oh bakit ka huminto?" Gulat na tanong ko sa kanya ng bigla bigla na lang siyang huminto kaya naman halos bumunggo na ako sa kanya.

Hinila niya ako papalapit sa tindahan ng may iba't ibang klasw ng candy at tsokolate.

"Sige pumili ka ng kahit anong gusto mo" utos niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Kahit ano? May pera ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Imbes na sumagot ay inilabas nito ang ilang perang nakalukot pa galing sa kanyang bulsa.

"Umextra akong magbuhat ng mga gulay kanina" sagot niya sa akin.

Nawala tuloy bigla ang excitement ko. "Wag na, pinaghirapan mo yang pera, ibili mo na lang ng kung anong gusto mo" sabi ko dito.

"Para talaga ito sayo, balak talaga kitang pasalubungan" sabi niya kaya naman nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Uminit din ang magkabilang pisngi ko dahil dito.

Wala na akong nagawa kundi ang pumili ng mga gusto ko. "Bumibili kayo?" Tanong ni lily ng lapitan niya kami.

Kaagad ko siyang tinanguan. "Nanlibre si Aziel..." nakangiting sagot ko sa kanya kaya naman unti unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Kaagad ko ding naisip na mali ang aking pagkakasabi kaya naman napakagat ako sa aking ibabang labi. "Pili ka din ng gusto mo, si Aziel naman ang magbabayad" naiilang na sabi ko sa kanya kaya naman kaagad na napatingin si Aziel sa akin pero hindi ko na lamang siya pinansin.

Sa huli ay pumili din si lily. Pareho kaming kumakain habang naglalakad kami paakyat ng bundok.

"Aray!" Sigaw niya at tsaka kaagad na namilipit sa sakit.

Napaupo ito sa lupa. "Natapilok ako" mangiyak ngiyak na sabi niya sa amin.

Gusto ko sanang tumulong pero si Aziel lang ang kinakausap niya. Nakatunganga lamang ako sa kanilang dalawa, pinapanuod si Aziel habang nakaluhod ito sa harapan ni Lily at dahan dahang minamasahe ang paa nito.

"Kakayanin mo bang maglakad?" Tanong ni Aziel dito.

"Hindi ko ata kakayanin, sobrang sakit" sabi pa niya.

Sa huli ay nakasunod na lamang ako sa kanilang dalawa habang pasan pasan ni Aziel si lily sa kanyang likod. Nagmamaktol ako habang naglalakad kasunod nila.

"Kanina nga ako..." inis na bulong ko habang inirereklamo sa hangin ang nabagsakan kong paa pero heto pa rin ako at nakakapaglakad ng maayos.

Nagaalala ang lahat pagkabalik namin sa nayon. Panay ang tanong nila sa kung ano ang nangyari kay lily. Nakasunod lamang ako hanggang sa makarating na kami sa bahay pagamutan. Papasok na din sana ako pero kaagad akong nilingon ni lily.

"Ayos na kami dito, pwede ka ng umalis" sabi niya sa akin at pagtataboy na din.

Sa gulat ay napahinto na lamang ako. Sandali pang napatingin si Aziel sa akin pero tumigas na lamang ang aking mukha at kaagad na tumango sa kanya.

"Okay" medyo mataray pang sagot ko sa kanya at mabilis na tumalikod para tumakbo sa kung saan.

"Castel!" Sigaw ni Ducusin sa akin ng makita niya ako.

Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin. Kaya naman napahinto na lamang ako. "Saan ka ba nanggaling! Ang saya saya sa kabilang nayon. Ang dami naming bagong kaibigan" kwento pa niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. "Sumakit bigla ang tiyan ko kanina" palusot ko sa kanya pero hindi ko pa din naiwasang mapakagat sa aking ibabang labi dahilan kung bakit nahuli nanaman ako ni Ducusin.

"Hay naku castel, nagsisinungaling ka nanaman sa akin" suway niya.

Nginitian ko na lamang siya, kilalang kilala niya talaga ako pag nagsisinungaling ako.

"Oh magbibihis lang ako. Magkita na lang tayo sa may talon. Pupunta kami sa gubat mangunguha kami ng saging" sabi niya sabay takbo palayo sa akin.

Napakamot ako sa aking ulo. "Sayang yung saging ko..." isip isip ko.

Nauna na akong nagtungo sa may talon. Tanging ang ingay lamang ng pagbagsak ng tubig mula sa talon ang aking naririnig. Umupo ako sa may malaking bato at kaagad na pinagmasdan kung ano ang meron kami. Sa amin ito, ni hindi ito napuntahan o nakita man lang ng mga taga bayan.

Unti unti ay naisasapuso ko na kung ano ang gustong sabihin sa akin ni ama. Kung ano ang gusto niyang maisip ko, na hindi ko na kailangan pang maghangad ng mas higit dito. Na hindi ko kailangan ang bayan at ang syudad.

"Castellana!" Maarteng tawag sa akin ni Ducusin.

Napatawa na lamang ko at tsaka agad na tumayo para makaalis na kami.

Nang sumunod na araw ay maaga akong nagising para maghanda na sa pagpasok sa kabilang nayon. Madilim pa lamang sa labas ay bukas na halos lahat ng gasera sa mga bahay. Dahil na din sa pagpasok sa leksyon ng kanilang mga anak.

"Himala at ang aga mo atang nagising ngayon" puna sa akin ni ate wena ng puntahan niya ako para dalhan ng almusal.

"Excited po kasi akong pumasok" masayang kwento ko sa kanya.

Napasimangot ito. "Ewan ko ba sa mga kabataan dito, aral aral pa eh isa lang naman ang patutunguhan nilang lahat, giyera. Kagaya ng mga kasapi...lalaban para sa hukbo. Hindi kailangan ng utak ang kailangan katawan, para sumalo ng bala" sabi niya sa akin kaya naman napatameme ako dahil sa kanyang mga sinasabi.

"Siguro ikaw Oo, pero castel hangga't nabubuhay ang ama mo hinding hindi ka makakalabas dito sa nayon. Takot lang nun na kuhanin ka ng ina mo" sabi niya na ikinabato ko.

"Kukuhanin ako ni ina? Pero hindi ba't matagal na siyang pumanaw?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagulat si ate wena dahil sa aking biglaang tanong sa kanya.

Napatakip siya sa kanyang bibig na para bang pinagsisisihan niya ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Wala akong sinabi, wag mo ng isipin iyon" natatarantang sabi niya sa akin.

Pero hindi ako tumigil. "Sige na ate wena, gusto kong malaman" pakiusap ko pa sa kanya pero napailing na lamang siya.

"Nakikiusap ako sayo Castel, wag na wag mong sasabihin kay pinuno ang mga nabanggit ko sayo. Siguradong papalayasin ako nuon dito sa nayon" pakiusap niya sa akin, hindi ako makapaniwala sa kanyang mga sinasabi.

"Hindi iyon gagawin sayo ni ama. Hindi ba't mahal ka niya?" Tanong ko sa kanya.

Napairap siya. "Walang mahal ang pinuno kundi ikaw...ikaw na anak niya ang pinakamamahal niya, ang kayamanam niya" sabi pa nito sa akin.

Dahil sa paguusap namin ni ate wena ay natahimik ako. Halo halong emosyon ang aking nararamdaman. Hindi ko na alam kung ano ang aking iisipin. Nakasukbit sa aking likuran ang bag ko na gawa sa bayong. Ginawa iyon ni ama para sa akin bago siya umalis. Pagkalabas ko ng bahay ay kaagad kong nakasalubong si Aziel. May hawak pagkain na nakabalot sa dahon ng saging.

"Nagluto si Aling doray ng maruya. Humingi ako para sayo, pwede mo itong gawing mirienda sa klase niyo." Sabi niya sa akin.

"Salamat" sabi ko ng kaagad kong tanggapin iyon.

"Gusto mong ihatid kita?" Tanong niya sa akin kaya naman nagulat ako.

"Naku naku, hindi na kailangan. Magkakasabay kaming lahat" sabi ko sabay turo sa mga kaibigan ko at ibang bata na makakasama ko papunta sa kabilang nayon.

Napatingin din siya duon at tsaka napakamot sa kanyang batok. "Ah ganun ba, sige...magingat ka" paalam niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Tatalikod na sana ako sa kanya ng muli siyang magsalita. "Bababa ako sa bayan mamaya. May gusto ka bang pasalubong?" Tanong niya sa akin kaya naman muli nanamang nainit ang aking magkabilang pisngi.

"Uhmm...hindi na, ibili mo na lang iyon ng gamit mo" sabi ko pa sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita pa pagkatapos kaya naman nagdirediretso na ako patungo sa gitna ng nayon kung saan duon kami magtitipon tipon para sabay sabay na magtungo sa kabilang nayon.

"Bakit may pabaon si Aziel sayo...sa akin wala?" May halong pagtatampong sabi ni Ducusin kaya naman napangiti ako.

"Hindi ko naman alam na..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng kaagad niya akong tiningnan na mapangasar.

"May gusto ka ba kay Aziel?" Tanong niya sa akin.

Kaagad kong tinakpan ang kanyang bibig. "Wala, wala syempre wala. Baka may makarinig sayo..." suway ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang naghinala sa akin.

Hindi niya ako tinigilan hanggang sa makarating kami sa kabilang nayon. Ngiting ngiti si titser ana ng makita niya kami. Dahil sa sobrang tuwa ay nauna na akong tumkbo palapit sa kanya at mabilis na yumakap.

"Titser ana, na miss ko po kayo" sabik na sabik na sabi ko sa kanya.

Ginantihan niya ang mahigpit na pagkakayakap sa akin. "Na miss ko din ang pinakamatalino, pinakamabait, at pinakamagandang estudyante ko" sabi niya sa akin kaya naman napatawa ako.

"Binobola niyo naman ako titser eh" sabi ko sa kanya pero napailing siya.

"Totoo lahat ng sinabi ko" sabi pa niya sa akin.

Nagsimula ang aming klase. Tutok na tutok ang lahat habang nagtuturo si titser ana. Lahat ay makikitaan mo ng kagustuhang matuto. Tutok na tutok ako kay titser ana ng makuha ng isang lalaki ang aking atensyon.

Dumaan lamang ito sa silid na aming kinalalagyan pero ang kuhang kuha niya ang aking atensyon. Kaya naman hindi sinasadyang napataas ako ng kamay.

"Ano iyon castel?" Tanong sa akin ni titser ana.

"Pwede po ba akong gumamit ng palikuran?" Tanong ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan.

Kaagad akong lumabas at sinundan ang daang tinahak ng lalaki. Halos mabali ang leeg ko kakalingon sa pinuntahan nito hanggang sa umabot na ako sa pinakadulo ng pasilyo.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Seryosong tanong niya na kaagad kong ikinagulat.

Napahawak tuloy ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. "Uhmm...hindi" pagsisinungaling ko sa kanya.

Pero dumapo ang mga mata ko sa kwintas nitong nakasabit sa kanyang leeg. Napaawang ang bibig ko ng makita at mabasa ko ang pangalan duon.

"Tadeo..." pagbasa ko nuon.

Kumunot ang noo niya. Pero naputol iyon ng kaagad na dumating si titser ana. "Oh castel akala ko ba ay sa banyo ang punta mo?" Tanong niya sa akin kaya naman hindi kaagad ako nakapagsalita.

Napatingin din siya sa lalaking nakatayo sa aking harapan. "Mukhang nakilala mo na pala itong si Tadeo, isa siyang dayo...nakita ng mga magsasaka sa gubat. Nawala ang kanyang ala ala. Pero may nakasabit namang dog tag sa kanyang leeg. Tadeo ang kanyang pangalan base dito" sabi nito sa akin kaya naman muli ay nabato ako.

Bumilis ang tibok ng aking puso. Si tadeo ang may ari ng jacket. Ang sundalong sakay ng bumagsak na eroplano.

"Castel?" Pagtawag sa akin ni titser ana.

"P...po?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Halika na at bumalik na tayo sa klase" pagyaya niya sa akin kaya naman wala sa sarili akong napatango ang aking buong atensyon ay na kay tadeo.

"Castellana" pagtawag na ni titser ana sa aking buong pangalan kaya naman kaagad akong lumapit sa kanya at walang lingon lingon na umalis duon.

Nang matapos ang unang parte ng aming leksyon ay pinalabas kami upang kumain na ng recess.

"Ducusin, naaalala mo yung ikimwento ko nuon sayo...yung pangalan na nakita ko" paguumpisa ko sa kanya.

Patango tango lamang ito habang nguya ng nguya. "Oh ano?"

"Nakita ko na siya, nakita ko na si tadeo" sabi ko sa kanya kaya naman halos mabilaukan ito.

Mabilis niyang nilagok ang isang baso ng tubig. "Yung lalaking crush mo?" Gulat na tanong niya pero napakunot ang noo ko.

"Nasaan, nasaan?" Tanong niya sa akin habang nagpalinga linga.

Kaagad ko siyang hinampas sa braso. "Wag kang magpahalata" suway ko sa kanya.

Muling hinanap ng mga mata ko si Tadeo. Pero nakita ko siya sa malayo. Nakaupo sa malaking bato at tahimik na nakatingin sa malayo. Imbes na ituro kay ducusin ay hindi ko na lamang itinuloy.

"Bakit parang ikaw lang ata ang hindi masayang maguwian?" Tanong niya sa akin habang pabalik kami sa aming nayon.

Napanguso ako at hindi siya sinagot. "Akala ko nung una si aziel si tadeo, hindi pala" sabi niya na nagpahinto sa akin.

"Bakit mo naman naisip yan?" Tanong ko sa kanya pero wala din akong nakuhang maayos na sagot. Nagkibit balikat lamang siya.

Hanggang sa makarating sa aming nayon ay iniisip ko ang mga sinabi ni ducusin. Pero malayo pa lang ay natanaw ko na kaagad si Aziel na naghihintay sa amin.

"Yes naman girl, ang haba ng hair mo" bulong niya sa akin.

Nang makalapit ay kaagad niya akong sinalubong. "Kamusta ang klase mo?" Tanong niya sa akin.

"Ayos naman" medyo nahihiyang sagot ko sa kanya.

Maya maya ay iniabot niya sa akin ang isang plastick. "Ube iyan. Masarap daw, palagay ko ay magugustuhan mo" sabi pa niya sa akin pero sumingit si Ducusin.

"Naku Aziel, kay Ate lily ka na lang...may tadeo at franco na iyang si Castel" natatawang sabi pa niya.

Kaagad kumunot ang noo ni Aziel. "Tadeo?" Gulat na sambit niya at tsala siya napahawak sa kanyang ulo na para bang may iniindang matinding sakit.

















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro