Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Castellana's POV

Matapos ang nangyari sa amin ni Anton ng gabing iyon ay hindi na ako nagpakita pa sa kanyang flower shop. Nagutos na lamang ako ng ibang tao para ifollow up every now and then ang mga bulaklak na kakailanganin sa kasal nila tito Zacharius at tita Ana. Hindi ko alam kung bakit, kahit pa sabihing isang halik lamang iyon ay hindi ko pa din iyon mapapalagpas. Pakiramdam ko ay nagkasala ako kay Aziel.

"Wow! Bagay na bagay sayo girl!" Pagpuri ni Ducusin ng isuot ko na ang bride's maid gown ko.

Kararating lamang lahat ng mga susuotin para sa kasal. Dalawang araw na lamang at magiging opisyal ng parte ng aming pamilya si tita ana. Tipid ko siyang nginitian, it was a baby pink color long gown.

Maya maya lamang ay ipinakita na din sa akin ni Ducusin ang kanyang coat na kakulay ng sa akin. Napangiti ako ng makita ko ito. "Ikaw na ikaw talaga iyan Ducusin" natatawang sabi ko sa kanya pero nagtaas lamang ito ng kilay.

Handang handa na ang lahat, maging ang simbahan at reception. "Hindi pa din ba kayo bati ni Papa antonio?" Out of nowhere niyang tanong sa akin pero napanguso lamang ako.

Imbes na sumagot ay nagkibit balikat na lamang ako. "Ikaw naman kasi, halik lang naman iyon. Hindi naman malalaman ni Papa Aziel eh" suway niya din sa akin pero napailing ako.

"Hindi naman kasi tama yung nangyari, dapat ay hindi ko na hinayaan pang umabot kami sa ganuong punto" malungkot na sagot ko kay Ducusin.

"So, warla na talaga? Forget each other na?" Tanong pa niya sa akin.

Pagod akong umupo sa tabi ni Ducusin. "Gusto ko namang maging kaibigan si Antonio eh, ang kaso pagkatapos nung nangyari pakiramdam ko ang awkward na para sa aming dalawa" kwento ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ducusin. "Pero kung gusto mo talagang maging kaibigan lang yung tao, pwede mo namang sabihin sa kanya eh. Para alam niya kung hanggang saan lang kayo" pagpapaliwanag niya sa akin na ikinatanong ko na lamang.

Napatigil kami ng paguusap ni Ducusin ng may kumatok sa pintuan. Pumasok ang isa sa aking mga kasambahay at sinabibg mayroong naghahanap sa akin.

"Hala, sino naman kayo iyon?" Nagtatakang tanong ko kay Ducusin.

Mabilis kaming lumabas na dalawa para puntahan sa may sala ang sinasabing bisita ko. Nagulat ako ng makita ko si Antonio.

Napahinto kaming dalawa ni Ducusin sa paglalakad. Napatayo din ito mula sa pagkakaupo ng makita ako. Tipid siyang ngumiti sa akin habang hawak hawak ang isang bouquet ng bulaklak.

"Antonio..." pagtawag ko sa kanya tsaka ako dahan dahang lumapit sa kanya.

"Parang ang aga naman ata niyan para sa kasal" pagsabat ni Ducusin.

Napailing si Anton dahil duon. "Ah hindi, dala ko ito para kay Castel" sabi niya na mas lalo kong ikinagulat. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay tsaka niya inabot ang bulaklak sa akin.

Medyo naghesistate pa akong kuhanin iyon. Pero ayoko namang mapahiya si Anton kaya naman kinuha ko na. "Salamat"

"Upo ka" pahabol ko pa sa kanya.

Napatingin ako kay Ducusin ng makita kong wala itong balak na umalis. Prenteng prente siyang nakaupo sa armrest ng aking inuupuan. Titig na titig din siya kay anton na para bang pinagaaralan niya ang buong pagkatao nito.

Nang hindi ko siya nakuha sa tingin ay bahagya ko na lamang siyang siniko. Tiningna ako nito na para bang nagtatanong pa kung bakit ko siya siniko. Sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasan na umalis na muna pero hindi pa din niya iyon magets.

"Iwan mo muna kami" pabulong na sabi ko sa kanya habang pinanlalakihan ko pa siya ng mata.

"Ay ang damor, pa sight seeing lang eh" pagmamaktol na bulong pa niya sa akin.

"Bye anthony..." malanding sabi pa niya.

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Anong anthony ka diyan?" Suway ko sa kanya at tsaka ako nahihiyany tumingin kay anton.

"Anton" nakangiting pagtatama niya dito.

"Ahh, anton" sabi niya at tsaka natawa sa kanyang sarili.

Hinintay ko munang makaalis si Ducusin bago muling hinarap si Anton. "Salamat pala ulit dito" sabi ko tukoy sa dala niyang bulaklak. Napatango lamang siya kaya naman muli akong nagsalita.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Napakamot siya sa kanyang batok. "Yung sa nangyari" bitin na sagot niya sa akin.

Muli akong nakaramdam ng awkwardness dahil sa muli niyang pagpapaalala nito sa akin. Sandali pa akong nagiwas ng tingin ng muling naging sariwa sa akin ang mga nangyari.

"Gusto kong magsorry sa nangyari, pero hindi ako nagsisi na hinalikam kita" malumanay na sabi niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.

Titig na titig din siya sa akin. "Can i invite you out?" Desididong tanong niya sa akin kaya naman bayolente akong napalunok.

Nakita niya siguro ang pagaalinlangan ko kaya naman muli siyang nagsalita. "Hindi naman kita pinipilit o minamadali. But i'm willing to wait, kung kailan ka pwede" paninigurado niya sa akin.

Alanganin akong ngumiti kay Anton. "Salamat. Pasencya ka na medyo busy kasi ngayon para sa kasal nina tito zacharius" pagdadahilan ko pa kay anton na nakita ko namang naintindihan niya.

Natigil kami ni Anton sa paguusap ng makita kong bumalik si Ducusin at ngayon ay kasama na niya si Tita ana. Kitang kita ko ang pamomorblema sa mukha nito.

"Bakit po?" Hindi ko na napigilan pang magtanong kahit pa nasa harapan ko si Anton.

Sa sobrang stress ay hindi na napansin pa ni tita ana ang aking bisita. Kaagad din naman niya akong sinagot. "Yung partner mo kasi nagback out" malungkot na sabi niya sa akin.

"Ok lang po yun, andyan naman si Ducusin" sabi ko pa pero kaagad na nagreact ito.

"Kapartner ko yung baby greg ko noh!" Laban niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng kapalit" muling pamomorblema nito.

Pilit siyang pinapakalma ni Ducusin pero napaiktad ako ng humiyaw ito. "Si anton ang sagot!" Sigaw niya sabay turo dito, maging si anton ay nagulat din dahil sa ginawa nito.

Hindi pa nakuntento si Ducusin. Nilapitan pa niya si Anton at pilit na pinatayo ito.

"Naku tita ana, magkabuilt sila ng katawan. Kasyang kasya kay anton yung suit" sabi pa ni Ducusin.

Nagliwanag ang mukha ni tita ana at tsaka lumapit kina ducusin at anton. "Pwede ka ba?" Tanong ni tita ana sa kanya.

Dahil sa mga nangyayari ay mukhang mas natense pa ako kesa kay Anton. "Hindi pwede!" Kaagad na pagtutol ko na may kasama pang pagtayo.

Nagulat silang tatlo. "Kasi, busy si anton...sa flower shop. Di ba anton?" Paghingi ko pa ng suporta dito.

Napatingin si Ducusin at Tita ana kay anton. "Busy ka ba?" Sabay na tanong nila dito.

Napakamot muli si anton sa kanyang batok. "Hindi naman po" sagot niya kaya naman mariin akong napapikit.

"So pwede ka na?" Excited na tanong ni Ducusin sa kanya.

Nahihiyang tumingin si Anton sa akin. "Pwede naman kaso baka ayaw ni Cas..." hindi na natapos ang sasabihin ni Anton ng kaagad ng napahiyaw sa tuwa si tita ana at ducusin na may kasama pang pagtalon.

Napasapo na lang ako sa aking noo. Pakiramdam ko ay nagtaksil nanaman ako kay Aziel sa pangalawang pagkakataon. Hindi na lamang ako nagsalita pa, hindi ko din naman gusto na isipin ni Anton na ayoko siyang maging kapartner. Pero kailangan ko talaga sigurong sabihin sa kanya na hanggang pagiging magkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Isang araw bago ang kasal ay mas lalong naging busy ang lahat. Naideliver na din ni Anton ang lahat ng bulaklak na kakailanganin para sa reception at sa may simbahan. Gustuhin man daw sana niyang magtagal ay naging full ang sched niya ngayong araw dahil ikinancel niya ang lahat ng appointments niya para bukas para lamang makaattend ng kasal.

Naisipan kong pumunta muna sa isang coffee shop para duon magbasa basa. Marami kasing tao sa bahay para sa preparation. Wala din naman akong makusap dahil lahat sila ay may ginagawa. Kahit magalok man ako ng tulong ay sila na ang may alam ng lahat.

"1 tall americano" pagorder ko at tsaka mabilis na dumiretso sa isang lamesa para umupo.

Dala dala ko ang libro na nabili ko sa isang book store. Tungkol iyon sa medical disease at ang mga gamot para dito. Gusto ko pa din talagang maging Doctor. Ilang beses na din akong naghanap ng mga university dito sa italy. Ang kaso ay kung magpapatuloy man ako at magaaral ng pagmemedisina, mas gusto kong gawin iyon sa pilipinas.

Hindi nagtagal ay may naglapag ng kape sa aking lamesa. Hindi na ako nagabala pang tingnan ito. "Thank you" sabi without looking at him. Nakita kong lalaki ito dahil na din sa tangkad at build ng kanyang katawan.

Pero nagtaka ako ng mapansin kong wala itong balak na umalis. Pero para akonh binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko kung sino ang lalaking iyon. Muntik na akong tumalon para yakapin siya, mabuti na lamang at nahalata ko kaagad na hindi siya si Aziel, kamukha niya lamang ito.

"Piero?" Hindi pa siguradong tawag ko sa kanya.

Napangisi ito at walang sabi sabing umupo sa kaharap kong upuan. "Long time no see Castellana" mapanuyang sabi niya sa akin. Napaayos ako ng upo, kaagad kong inilapag sa lamesa ang librong binabasa ko. Nakita ko ang pagsunod ng tingin ni piero sa aking libro kasabay ng pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sa kanya, buong tapang ko siyang hinarap.

"Bakit? Sayo na ba ang italy?" Mapanuyang tanong pa din niya sa akin.

"Cut the nonsense piero. Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko pa.

Sandali pa niya akong tiningnan bago siya may inilabas na kung anong papel sa kanyang coat. "I just want to check on you" sagot niya sa akin.

"Check on me for what?" Nagtatakang tanong ko.

Nagkibit balikat siya, sabay lapag nung papel sa taas ng aking libro. Hindi lamang iyon basta papel, isa iyong wedding invitation.

"Para saan yan?" Tanong ko.

"I invite you, hindi ba obvious?" Nakangising tanong niya sa akin.

"On your wedding?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Alam ko kung gaano kalaki ang galit ni Piero sa akin kaya naman hindi ako makapaniwala.

Dahan dahan siyang umiling. Hindi ko alam kung bakit iba kaagad ang aking naramdaman sa ginawa niyang iyon dagdag mo pa ang kakaibang tingin niya sa akin habang nakangisi.

Hindi pa natapos si Piero sa pagpapahula sa akin, muli siyang may inilapag sa taas ng mesa. This time isa naman iyong litrato ng babae, isang babaeng Doctor dahil na din sa suot niyang White coat.

"She is Doctor Marianna Cortessi from spain, my future sister in law" proud na pagpapakilala pa niya sa akin.

Kaagad akong nagkahint na baka ikakasal na si Doc Kenzo. "Masaya ako para kay Doc kenzo pero..."

"Not Kenzo" nakangising sabi pa niya.

Bayolente na akong napalunok, ang lakas ng kabog ng aking dibdib. "Tadeo is getting married" proud na proud na sabi niya pa.

Biglang tumigil ang aking paghinga, parang unti unti akong nanghihina dahil sa aking nadinig. Walang salita na gustong lumabas sa aking bibig. Hindi na ako makapagisip ng maayos. Kinuha ni Piero ang pagkakataon na iyon para muling magsalita at pasakitan ako.

"My mom liked her...a lot. She has no criminal records. She save lives, like a soldier. Isn't a perfect combo? A soldier and a Doctor..." nakangising pagbibida niya sa akin.

Gusto kong umiyak. Pinilit ko lang tatagan ang loob ko dahil ayokong makita ni Piero na umiiyak ako.

"Anyways, you're invited" pangaasar pa niya sa akin.

Tinanggal ko ang invitation at litrato sa taas ang aking libro. Kaagad ko yung kinuha at naghanda ng umalis pero pinigilan ako ni Piero.

"Masaya na si Tadeo. Marianna is perfect for him. You will never be like Marianna" pangiinsulto pa ni piero sa akin kaya naman hindi ko na napigilan pang mapaluha.

Mabilis kong pinahiran ang aking pisngi. Pinilit kong tumawa para itago ang sakit. "You're funny piero, nageffort ka pa talagang pumunta dito para ibalita sa akin iyan" laban ko sa kanya.

Hindi siya natinag. "Because i want to see you hurt. Gusto kong makita yung reaction mo pag nalaman mong wala ka ng hinihintay Castellana. Hayaan mo na yung kapatid ko, move on" giit pa niya sa akin.

"Sa tingin mo ba hindi ko gustong sumaya si Aziel? Kung totoo ngang masaya na siya ngayon, masaya ako para sa kanya. I also want the best for him...kahit hindi ako iyon, basta gusto ko lang na maging masaya siya. Ayos na ako duon" emosyonal na sabi ko kay piero. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa aking mga sinabi.

"Nakakaawa ka, mukhang hindi mo pa naranasan how to love deep. Hindi mababaw ang pagmamahal ko sa kapatid mo piero...wala kang alam" umiiyak ng sabi ko sa kanya ay tsaka mabilis na kinuha ang mga gamit ko para makaalis na duon.

Mabilis akong lumabas ng Coffee shop at hinayaan si Piero na maiwan duon. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko pagkalabas ko ng coffee shop ng kaagad akong mapatigil ng hinigit ni Piero ang aking braso.

"Nasasaktan ako, bitawan mo ako" umiiyak na daing ko sa kanya. Pagkalabas na pagkalabas ko ng Coffee shop ay bumuhos ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha.

Galit na galit akong hinarap ni Piero. "Wag mo akong susumbatan kung paano magmahal dahil wala kang alam! Hindi lang si Sachi yung pinatay mo Castellana! Pati ako!" Sigaw niya sa pagmumukha ko kaya naman nabato ako.

Tumigil ako sa pagpupumiglas dahil sa aking narinig. Naguguluhan ako, may ibang pumasok sa aking isip pero gusto kong masigurado.  "Para mo na din akong pinatay. Nakuntento akong mahalin siya kahit malayo, dahil hindi kami pwede. Masaya na akong makita siya araw araw, bilang kapatid ko. Pero ipinagkait mo pa iyon sa akin. Napakasama mo!" Galit at nanggigil na sabi pa niya sa akin.

Napaawang ang aking bibig. "Hindi ko alam..."

"Dahil wala ka naman talaga alam! Hindi ako titig hangga't hindi ka napaparusahan!" Patuloy na sigaw pa niya sa akin.

Nang hindi na siya nakapagpigil ay bayolente niya akong binitawan at tsaka mabilis na umalis duon para iwanan ako. Nang hindi ko na natanaw pa si Piero ay patakbo akong umuwi pabalik sa amin. Nagkulong ako sa kwarto, iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit, parang akong pinapatay.

"Castel anak" tawag ni ina sa akin ng lumalim na ang gabi. Sinadya niya ng pinakuha ang susi para makapasok sa aking kwarto.

"Anak" segunda naman ni ama.

Kahit nahihiya man akong harapin sila dahil sa aking itsura ay nagawa ko pa ding umayos ng upo. "Pasencya na po, napahaba ang tulog ko" palusot ko pa sana.

"Anong problema?" Tanong ni ama sa akin.

Ilang beses akong umiling sa kanila. Pero sa huli ay muling bumuhos ang aking mga luha. "Ikakasal na po si Aziel" umiiyak na sabi ko sa kanila at tsaka yumakap sa kanilang dalawa.

"Anak..." malungkot na tawag ni ina sa akin.

Hinayaan nila akong umiyak, hinayaan nila akong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang kumalma na ay tsaka lang sila nagsalita. "Ganuon talaga anak, may mga bagay na kahit mahirap ay kailangan nating tanggapin" malungkot na payo sa akin ni ina.

"Mahal ko po si Aziel. Hindi ko alam kung paano ko matatanggap..." patuloy na daing ko pa.

Ikinulong ni Ina ang aking magkabilang pisngi gamit ang mainit niyang mga palad. "Matapang ka, makakaya mo yan...alam kong kaya mo yan" pagpapalakas ni ina ng aking loob.

Hindi na ako nagsalita pa, tahimik na lang akong umiyak. "Hindi ko naman sinasabi sayong wag mo ng mahalin si Aziel. Pero kung mahal mo talaga siya, matututunan mo ding tanggapin, magiging masaya ka din para sa kanya soon..." payo ni ina sa akin.

Hindi na nagsalita pa si Ama. Mahigpit na lamang niyang akong niyakap. Malalim na ang gabi ng iwanan nila ako ni ina. Sinigurado nilang nasa tamang pagiisip ako bago sila umalis.

Maagang nagising ang lahat kinaumagahan para sa magaganap na kasal. Nanatili pa akong nakahiga sa kama ng pinasok ako ni Ducusin.

"Castellana..." malambing na tawag nito sa akin.

Hindi ako umimik, nanatili akong nakapikit. "Gumising ka na, mukhang makapal na make up ang kailangan mo para diyan sa eyebags mo" pabirong sabi pa niya sa akin.

Dahan dahan kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa akin. Paiyak na sana ako sa harapan ni Ducusin ng kaagad niya akong pinigilan. "Wag mo akong iiyakan, iiyak din ako. Hindi pwede masisira ang beauty ko" pagpipigip niya sa akin.

Umupo na lamang ito sa aking gilid. Dahan dahang tumulo ang aking mga luha. "Magpapakasal na siya..." sabi ko kay ducusin.

Napabuntong hininga ito. "Ganuon talaga...may mga bagay na hindi natin kayang kontrolin" malungkot na sabi niya sa akin.

"Pero sabi niya, hihintayin niya ako" pagtatampong sabi ko.

"Besh, dalawang taon kayong hindi nagkita ni Aziel. Nasa spai siya, marami siyang nakilalang ibang tao. Parang ikaw kay anton" giit pa sa akin ni Ducusin.

"Pero naging loyal ako sa kanya. Wala akong ibang nagustuhan kasi para sa akin. Kay aziel lang dapat ako" umiiyak ng sabi ko.

Malungkot akong tiningnan ni Ducusin. "Hindi ba ang sabi mo sa akin, pag mahal mo yung isang tao papakawalan mo siya pag gusto na niyang kumawala" pagpapaalala niya sa akin.

Napakagat ako sa aking labi dahil sa nagbabadyang paghikbi. "Ganuon ba kadaling itapon ang lahat, hindi man lang ba niya naisip na puntahan ako dito?" Punong puno ng hinanakit na sabi ko pa.

Hinawakan ni Ducusin ang aking mga kamay. "Sige nga, itanong mo nga iyan sa sarili mo. Ikaw Castellana, may ginawa ka ba para makita ulit si Aziel?" Mapanghamon na tanong niya sa akin.

Kumirot ang aking dibdib. Tama si Ducusin, hindi ko pwedenh isisi kay Aziel ang lahat dahil maging ako ay wala ding ginawa para muli kaming magkita.

"Pahiram ng cellphone mo" matapang na sabi ko kahit umiiyak.

"Bakit anon gagawin mo?" Nagtatakang tanong ni Ducusin.

Hindi niya pinahawak sa akin ang cellphone niya, siya na ang gumawa ng dapat kong gagawin.

"Marianna Cortessi..." pagbigkas niya habang isinesearch niya iyon sa facebook. Hindi nagtagal ay nakita na namin ni Ducusin ang account nito.

"She's a doctor, same age with Aziel...maganda siya at mukhang mabait. No wonder..." kaagad na napatigil si Ducusin sa pagpuri dito ng marealize niyang nasa tabi niya lang ako.

Bayolente akong napalunok. "Sana mahalin niya si aziel, pagmamahal na higpit pa sa kaya kong ibigay. Sana wag niyang iwanan si Aziel kagaya ng ginagawa ko. Wala silang magiging problema dahil tanggap siya ng pamilya ni Aziel, hindi kagaya ko."

"Castel, hindi makakatulong kung ikukumpara mo ang sarili mo sa kanya. Iba siya, iba ka...alam ng lahat kung gaano mo kamahal si Captain" pagpapalakas ng loob ni Ducusin.

"Sana maging masaya na siya...we both deserve to be happy right?" Emosyonal na tanong ko kay ducusin.

Bago sumagot ay nagpahid din muna ito ng luha sa kanyang mga mata. "Yes ofcourse, deserve mo ding maging masaya." Sabi pa niya sa akin.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko. Pero hindi ako nagtagumpay dahil muli lang bumuhos ang aking mga luha.

"Paano? Sabihin mo nga ducusin, paano maging masaya? Sobrang sakit na" umiiyak na pakiusap ko na parang bang nagmamakaawa akong tulungan niya ako dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat. Pinaharap niya ako sa kanya. Duon ko lang nakita na umiiyak na din si Ducusin.

"Let go Castel, pakawalan mo na si Captain" seryosong sabi niya sa akin.

Napailing iling ako. "Hindi ko kaya, mahal ko siya" giit ko.

"May mahal na siyang iba!" Galit na sabi niya pa para magising ako sa katotohanan.





















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro