Chapter 52
Hahalikan ko siya
Hindi naputol ang walang kaemoemosyong pagtitig sa akin ni Antonio. Ang katabi ko namang si pepita ay ramdam ko pa din ang pagkagulat dahil sa aking sinabi sa kanya. Nang hindi na siya nakatiis pa ay kinuhit na niya ako.
"As in pinatay mo?" Hindi pa ding makapaniwalang tanong niya.
Nilingon ko ito at pinanlakihan ng mata. "Syempre joke lang" sabi ko pa sa kanya kaya naman nakita ko sa kanyang mukha na parang nakahinga siya ng maluwag.
Naputol ang paguusap namin ni pepita ng tumikhim si Antonio. Sinadya niya iyon para makuha niya ang aming atensyon. "Tell me ms. Hermosa, bakit mo ito ginagawa?" Seryosong tanong pa din niya sa akin na para bang napakalaki at bigat ng aking kasalanan.
"Eh kasi..." halos hindi ako makasagot sa kanya. Matapang akong tao, kayang kaya kong makipagsabayan sa mga lalaki, kaya ko ding pumatay pero sa hindi malamang dahilan ay natatameme ako pag kaharap ko si antonio.
"Ano? Tell me..." utos pa niya sa akin.
Napanguso ako. "Gusto lang naman kitang bigyan ng coffee eh, may masama ba duon?" Parang batang pinagalitan na tanong ko sa kanya.
Inirapan ako nito bago siya lumapit sa kanyang lamesa at kinuha ang sticky notes na nakadikit sa dala kong kape. Binasa niya iyon kaya naman ang nakakunot niyang noo ay mas lalo pang kumunot.
"Alam mo bang nakakairita to?" Masungit na pagbaling niya sa akin.
Napaawang ang aking bibig. "Anong nakakairita diyan? Sabi ko lang naman Don't forget to smile today eh" laban ko pa sa kanya.
Sa aking harapan ay nilamukos ni Antonio ang sticky notes na galing sa akin. "Stop this, hindi na ako natutuwa" pagbabanta niya sa akin at tsaka ako tinalikuran at umupo na sa kanyang lamesa.
Napanguso na lamang ako. Pabulong na nagpaalam si Pepita sa akin na babalik na siya sa kanyang pwesto. Naiwan akong nakatayo duon, hindi ko din magawang makahakbang palayo duon. Halos hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Naikuyom ko na ang aking kamao kaya naman binalingan ko si Antonio na nakatuon na ngayon ang buong atensyon sa kanyang laptop.
"Bwiset, sunget" inis na sambit ko na sinadya ko talagang iparinig sa kanya. Pero ang mas lalong nakakainis dahil hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong emosyon, parang wala lang siyang nadinig.
Aalis na sana ako ng bigla itong magsalita. "Bring your coffee with you" cold na utos niya sa akin.
Nagsimula na talagang kumulo ang dugo ko kaya naman muli akong naglakad pabalik sa harap ng office niya at malakas na hinampas iyon. Dahil sa pagkakahampas ko ay namutawi sa buong flower shop ang tunog nuon, maging si pepita ay napahiyaw pa sa gulat.
Sinamaan ako ng tingin ni Antonio. Ni hindi ito nageffort na tumayo. Nakatingala lang ito sa akin. "Alam mo, hindi ka marunong mag appreciate ng effort. Kahit sinong tao mapapagod na sumuyo sayo" akusa ko sa kanya.
Dahan dahan siyang tumayo kaya naman ako na ngayon ang nakatingala sa kanya. "Sino ba ang nagsabi sayo na suyuin mo ako? Sino nagutos sayo na gawin ito?" Panghahamon niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot. Titig na titig lang ako sa mukha ni antonio. May pagkakahawig kasi ito kay Aziel. Para akong kinain ng sarili kong imahinasyon.
"Ms. Hermosa" matigas na tawag niya sa akin dahilan kung bakit nabalik ako sa aking wisyo.
"Wa...wala. Pero gusto kitang tulungan. Gusto kong iparealize sayo na masarap mabuhay" pagdadahilan ko pa sa kanya.
Nagulat ako ng mapangisi ito. "You don't know anything about what i've been through" sabi niya pa habang napapailing.
Tangkang uupo na siya ulit ng hinawakan ko siya sa kanyang braso. "Help your self antonio..." sabi ko pa sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso.
"Leave ms. Hermosa, marami pa kaming kailangang gawin" walang kaemoemosyong utos niya sa akin kaya naman dahan dahan ko tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.
Hindi na ako nagdalawang isip pang umalis duon. Bagsak ang aking balikat na bumalik sa amin. Kaagad kong hinubad ang aking suot na coat. Sinalubong ako ni Ducusin, maingat itong naglakad papalapit sa akin dahil sa hawak na tasa ng kape.
Nang makita ko iyon ay napairap pa ako. Mukhang hindi na ako makakainom ng kape ng mga ilang araw dahil paniguradong maalala ko lamang si antonio sa tuwing makakakita ako nuon.
"Oh huwesbes pa lang, biyernes santo na sayo" pangaasar pa niya sa akin.
Inirapan ko siya. "Nahuli ako" sabi ko.
Alam kasi nito ang mga pinaggagagawa ko. Alam din niya ang tungkol kay antonio. Napatakip ito sa kanyang bibig. "Nahuli ka ni captain look alike?" Paguulit na tanong pa niya na tinanguan ko na lamang.
Maging ito kasi ay sumangayon sa akin na may pagkakahawig si antonio kay Aziel. "Oh anong sinabi?" Panguusisa pa niya sa akin kaya naman ikimwento ko kay ducusin ang lahat ng nangyari.
"Eh siraulo naman pala iyon eh, libre na nga coffee niya every morning ayaw pa niya?" Sabi nito ng maikwento ko na sa kanya ang lahat.
"Basta bahala siya, hindi ko na ulit siya dadalhan ng coffee" nakabusangot na sabi ko kay ducusin.
Lumapit ito sa akin at tsaka hinawakan ang aking balikat. "Hindi pala effective yung payo ko. Change plan tayo" sabi pa niya sa akin kaya naman hinampas ko na siya sa kanyang hita.
Napadaing naman ito at napatayo pa. "Ano ka ba besh. Kakapashave ko lang..." daing niya sa akin na hindi ko na lamang pinansin pa.
Sabi kasi nito na kung hindi magiging kami ni Aziel hanggang sa huli ay maghanap na lang ako ng kamukha nito. Hindi ko naman ginawa iyon dahil sa sinabi ni Ducusin. Ginawa ko iyon dahil gusto kong tulungan si Antonio na makabangon.
Ilang araw akong naging busy sa pagaayos ng aming mga negosyo. Tumutulong ako kay ama at kay tito napoleon. Si tito Zacharius naman ay busy dahil sa nalalapit na kasal nila ni teacher ana.
Umiinom ako ng mainit na tsokolate sa may veranda habang nakatapat sa aking laptop ng lumapit si ina sa akin. "Ma..." tawag ko sa kanya at tsaka ako tumayo para humalik sa kanya.
"Hindi ka na nagjojogging?" Tanong niya sa akin.
Nung nga oras kasing dinadalhan ko si Antonio ng kape sa flower shop ay sinasabay ko na din anh akinh pag jojogging. At dahil ayoko pang dumaan duon ay hindi na din muna ako lumalabas ng bahay.
"Kailangan ko po kasing tapusin ito. Kailangan na ni tito napoleon" palusot ko na lamang.
Tumango si ina sa akin. "Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin na para bang hindi kami araw araw magkasama.
Nakangiti akong tumingin sa kanya. Nahalata niya ang aking pagtataka. "What i mean is...kamusta na, ikaw? Si captain?" Medyo magulo pang tanong niya sa akin pero kaagad kong natukoy kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Wala na po kaming communication, simula ng umalis tayo" sagot ko sa kanya.
"Hindi ka ba naghanap ng paraan para makibalita tungkol sa kanya?" Panguusisa pa sa akin ni ina.
Tipid lang akong ngumiti at umiling sa kanya. "Para saan pa po? Lalo ko lang siyang mamimiss pag ginawa ko iyon" malungkot na sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "Mahirap, but when the time is right...what meant for you will be yours" sabi pa sa akin ni ina bago niya ako hinalikan sa ulo.
Naging magaan ang mga sumunod na araw para sa akin. Hanggang sa kinailangan ko na muling bumalik sa flower shop para ifollow up ang mga bulaklak para sa kasal nina tito zacharius at tita ana. Gustuhin ko mang iutos iyon sa iba, ay hindi ko ginawa dahil nangako akong magiging hands on ako duon.
"Gusto mo bang ipagdrive kita?" Tanong sa akin ni franco bago ako lumabas ng bahay.
Nginitian ko siya at inilingan. "Hindi na, may dadaanan pa ako pagkatapos eh" sagot ko sa kanya at tsaka na ako umalis duon dala ang aking kulay puti na mustang. Sa isang restaurant parking lot malapit duon ko iniwan ang aking mustang. Bago maglakad papunta duon ay dumaan ako sa isang cafe para bumili ng hot choco. Hindi pa kasi ako nakakapagalmusal.
"Castela!" Excited na sigaw ni pepita sa akin pagkapasok ko.
Nakangiti ko siyang sinalubong pero hindi ko naiwasan na hindi tumingin sa loob ng office ni antonio. Wala pa ito.
"MagpoFollow up ako" sabi ko kay pepita.
"Ah oo, oo...teka hintayin mo lang si sir anton" sabi pa niya sa akin at tsaka ako pinaupo. Gustuhin mang makipagkwentuhan ni pepita sa akin ay hindi niya magawa dahil sa iba pang mga costumer na naghihintay din.
Sumisimsim ako sa aking mainit na tsokolate ng tumunog ang bell sa taas ng pinto. Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon na lingonin iyon dahil baka isa lang iyon sa mga costumer niya.
"Good morning sir anton" bati ni pepita dito kaya naman kaagad akong napaayos ng upo.
Kahit pa alam kong dumating na siya ay hindi ko pa din siya nilingon. Unang tumayo ang unanh costumer na dumating bago ako. Pumasok ito sa office ni antonio. Pinanuod ko na lamang ang ginagawa ni pepita. Mahirap din pala ang kanyang trabaho, lalo na kung ganyan ang ugali ng boss mong parang araw araw may regla.
Napakagat ako sa pangibababg labi ko ng marinig kong nagpaalam na ito sa unang costumer. Ang bait pa niya dito dahil hinatid pa niya ang mga ito hanggang sa pintuan.
Nakita ko sa aking peripheral vision na may sinenyas ito kay pepita bago siya dumiretso papasok sa kanyang office. "Castel, ikaw na daw" sabi nito sa akin kaya naman tumayo na ako at pumasok sa kanyang office.
Dala dala ko ba din ang hot choco ko papasok duon. "Morning" tamad na bungad ko. Nakita kong napatingin ito sa hawak kong cup kaya naman kaagad akong nagsalita.
"Akin to no, duh..." mataray na sabi ko sa kanya sabay simsim pa sa aking mainit na tsokolate.
Inirapan na lamang ako nito. "You may take your seat ms. Hermosa" sabi niya sa akin kaya naman iyon ang ginawa ko.
May ilan itong pinindot sa kanyang laptop. "You ordered, Calla lily and lavender..." paguumpisa niya.
"And a tulip!" Paalala ko pa.
Kita ko ang pagkainis nito dahil sa pagsabat ko pero hindi ko siya pinansin. "Violet and cream color" paalala ko pa sa kanya.
Kumunot sandali ang kanyang noo. "Walang naproduce na violet tulip sa supplier ko, sabi mo pwede ang maroon?" Tanong niya sa akin.
Nanlaki ang aking mata. "Sabi ko pwede ang maroon, pero gusto ko violet" laban ko sa kanya.
Kita ko ang pamomorblema nito. "Sabi mo kasi pwede ang maroon" sambit pa niya.
"Aba, kasalanan ko pa ngayon" pagpaparinig ko.
Tumingin ito sa kanyang maliit na kalendaryo na nakapatong sa kanyang table. "The wedding will happen in 8 days. Maghahanap pa ako ng ibang supplier, iinform kita bukas" sabi niya sa akim at kaagad na kinuha ang kanyang cellphone.
Napailing ako. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo naisusire na may violet kang tulips" laban ko sa kanya.
He seems so helpless habang nakatingin sa akin. "Maghahanap na nga di ba?" Sabi pa niya sabay pakita ng cellphone niya sa akin.
Inirapan ko siya. Sandali siyang tumayo at may tinawagan, maya maya ay bumalik ito at mabilis na iniligpit ang kanyang mga gamit. Nagulat ako habang pinapanuod ko siyang ginagawa iyon.
"Pepita aalis ako" sabi nito kaya naman kaagad na napatakbo si pepita papasok sa office.
"Sir..."
"I'm going to chiaravalle. Dadanan ko na din yung ibang suppliers para sa mga orders" sabi niya kay pepita na kaagad naman nitong tinanguan.
"Teka teka...sasama ako" pagpigil ko sa kanya na ikinagulat niya.
"For what?" Tanong niya sa akin.
I lost words. "Pa...para masigurado" laban ko pa.
Hindi na nakatanggi pa si Antonio sa aking pagsama nang ako na mismo ang nagsakay sa sarili ko sa kanyang sasakyan. Isang kulay metallic black 2010 mercury milan ang sasakyan ni antonio.
"Nice car" puri ko dito pero inirapan na lamang niya ako.
"Wear your seatbelt" utos pa niya sa akin kaya naman nakangiti ko iyong ikinabit sa aking sarili.
Buong byahe akong nakatanaw sa may bintana. Kahit halos dalawang taon na kami dito sa milan ay hindi ko pa nalilibot ang ibang lugar dito.
Nakarating kami sa unang supplier ni Antonio. Pero bigo kaming makahanap ng kulay violet na tulips. Narinig ko pa ang paguusap nila, hindi daw kasi panahon ngayon ng tulips, kaya naman ang tipikal na kulay lang ang madami ngayon.
"Let's go for maroon ms. Hermosa" sabi niya sa akin pero humalikipkip ako.
"No" laban ko sa kanya at sumakay na din sa kanyang sasakyan.
"Wag mo na nga ako tawaging ms. Hermosa. Castel na lang" sabi ko pa sa kanya pero hindi naman niya ako pinansin.
Nang magalas dose ay inaya ko si Antonio na kumain na muna dahil nakaramdam na ako ng gutom. "Gusto ko duon sa Ms. Polly's" turo ko sa kanya sa isang sikat na restaurant na cakes and desserts ang specialties.
Sandaling tiningnan iyon ni Antonio pero nagiba ang kanyang itsura. "Ayoko" matigas na sagot niya sa akin.
"Hala, eh gusto kong kumain ng prague ngayon eh" pagpupumilit ko sa kanya.
Hindi nagpapilit si Antonio. Kaya naman kahit gutom ay hindi ko naenjoy yung kinain ko. Tahimik lamang siyang kumain.
"Ako naman magbabayad ng prague ko eh, libre pa kita" patuloy na pagmamaktol ko pa.
Hindi pa din siya nagsalita, pero kita ko pa din sa kanya ang mabigat niyang paghinga na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Muli kaming bumalik sa byahe na nakakunot pa din ang noo ni Antonio.
"Pag wala pa din sa susunod na supplier, i'll refer you na lang sa mas malaking flower shop" sabi niya sa akin.
Hinawakan ko siya sa braso. "Mas gusto ko sayo...tsaka kaibigan ko kaya si pepita" pagdadahilan ko pa.
Hindi siya nagsalita, pupuntahan namin ang huli niyang alam na supplier ng mga bulaklak. Halos abutan na din kami ng dilim, narinig ko pang kinausap niya si pepita sa cellphone para ipaalam na nagsara na ang flower shop para sa araw na ito.
Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Antonio ng dahan dahang pumatak ang ulan. Medyo masikip ang daan papasok sa pinaka taninam kaya naman kinailangan niyang lumabas at takbuhin ito.
"Sasama ako" sabi ko sa kanya.
"Wag na umuulan" pagpigil niya sa akin kaya naman napaguso ako. Nakita kong tumakbo si Antonio sa kung saan, nang ilanh minuto pa siyang hindi bumalik ay nainip na ako at walang pagdadalawang isip akong bumaba at sumulong sa ulan.
Sumunod ako sa kung saan ito tumakbo kanina. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ito sa isang maliit na bahay na gawa sa bato. May kausap itong matandang lalaki. Mukhang maayos na ang paguusap nila dahil saktong pagpunta ko duon ay nagpapaalam na si Antonio sa kanya.
Nagulat ito ng makita ako. Kagaya ko ay basang basa din siya. "Anong ginagawa ko dito?" Tanong niya sa akin.
Yakap yakap ko ang aking katawan dahil sa lamig. Mas lalong sumama ang tingin ni antonio sa akin dahil dito. "Hindi ba't sinabi ko sayong maghintay ka sa sasakyan" parang tatay ko kung pagalitan ako.
"Eh kasi eh..." hindi na niya ako hinayaang makapagsalita.
"Ayoko sa lahat matigas ang ulo" galit na sabi pa niya at kaagad akong iniwanan duon. Tumakbo na din siya at sumulong sa ulan para bumalik sa sasakyan.
"Matigas din naman ulo mo" sabi ko pa at kaagad ding tumakbo para sumunod kay antonio.
Naabutan ko itong galit na galit. Pinagsisipa ang gulong ng kanyang sasakyan. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Tuloy pa din ang buhos ng ulan at hindi na namin iyon inalintana.
"Nasa loob yung susi" galit na sagot niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata at nagtungo sa may salamin para sipatin iyon. Nanduon nga.
"Bakit ka pa kasi lumabas?" Paninisi niya sa akin.
"Eh kasi ang tagal mo eh, nagalala lang naman ako sayo" pagdadahilan ko sa kanya.
Mahina itong napamura. "Ang problema kasi sayo, akala mo palaging kailangan yung tulong mo" pangiinsulto pa niya sa akin.
Napanguso ako at sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo akong makilala?" Pagbabanta ko sa kanya.
Nakakunot ang noo nito habang nakapamewang. "What?" Inis na tanong niya sa akin.
Inirapan ko na lamang siya. "Wala" pagbabaliwala ko. Baka kasi gusto niya ding malaman kung ilang tao na ang napatay ko.
Walang sabi sabi ako nitong hinila sa pwede naming masilungan. Sa di kalayuan ay namutawi ang ilaw mula sa bus stop. Walang katao tao, maging ang kalsada ay tahimik. Duon kami sumilong ni antonio. Naramdaman ko na ang panginginig ng aking mga labi dahil sa lamig at sa basa kong katawan.
Nagulat ako ng bigla na lamang lumapit si antonio sa aking harapan. Ikinulong nila ang aking magkabilang pisngi ng kanyang mga palad. Nang maglaon ay napansin niyang hindi naman iyonh effective ay ganuon na lamang ang gulat ko ng hilahin niya ako at yakapin.
"Bakit kasi ang tigas ng ulo niyong mga babae?" Matigas na sambit niya.
Hindi na ako nakaimik pa, tunay nganga nakatulong ang ginawang iyon ni antonio dahil kahit papaano ay nabawan ang lamig na aking nararamdaman. Hindi nagtagal ay tumila na din ang ilan. Pero nanatili kami duon sa may bus stop. Nakaupo at nakatingin sa kung saan.
"Her name was Kristina" paguumpisa niya.
"You remind me of her, mahabang buhok...maamo ang mga mata, makulit, matigas ang ulo. Kaya ayaw kitang makita sa shop, cause everytime na kaharap kita, i missed her more" paguumpisa ni antonio.
Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siya. "He likes prague too, kaya ayokong pumunta duon" habol pa niya.
Maya maya ay natawa ito at napayuko, pero kasabay nuon ang pagsinghot ni antonio. He's crying.
"Magdedeliver ako nuon ng bulaklak, because it's valentine's. Ang sabi ko sa kanya, hintayin niya na lang ako sa shop dahil pagbalik ko magdadate kami. But she insisted to come with me, then the accident happend. Kung kinuha siya, sana kinuha na lang din ako..." emosyonal na kwento ni Antonio.
Wala akong ibang nagawa kundi hawakan siya sa kanyanh likuran, para pakalmahin. "Kung nasaan man si Kristina ngayon. Alam kong masaya siya, kasi buhay ka" paninigurado ko sa kanya.
Napailing siya. "Mas magiging masaya kung magkasama kami" laban niya sa akin.
"Mahal ka ni kristina, kaya naman alam kong hanggang sa huling hininga niya, gusto niyang maging ligtas ka. Kagaya ng siya din yung nasa isip mo nung nga oras na iyon" pagpapaliwanag ko pa kay antonio.
Nilingon niya ako. "Bakit, namatayan ka na ba?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.
"Sobra pa nga sa namatayan..." malungkot na sagot ko.
"Buhay siya, pwedeng pwede ko siyang puntaha, pwedeng pwede ko siyang yakapin. Pero hindi ko pwedeng gawin dahil bawal" pagpapatuloy ko pa.
"Bawal, bakit bawal?" Tanong niya sa akin.
Mapait akong ngumiti. "Dahil magkaiba ang mundo namin" simpleng sagot ko na lamang sa kanya.
Napatango tango si antonio. "And naaalala mo siya sa akin?" Panguusisa pa niya na tinanguan ko na lamang.
Sandaling natahimik ang paligid. Hanggang sa magsalita si antonio. "Kung makita mo siya ngayon, anong gagawin mo?" Tanong niya.
"Ayoko na lang siyang makita, kung hindi pa din kami pwede. Ayoko na lang siyang makita" makahulugang sagot ko.
"Eh kung pwede na?"
"Tatakbo ako papunta sa kanya, yayakapin ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. At sasabihin ko sa kanya ng paulit ulit kung gaano ko siya kamahal" punong puno ng emosyon na sagot ko kay antonio.
Ako naman ang bumaling sa kanya. "Kung ikaw, makita mo ulit si kristina anong gagawin mo?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Ako?" Paguulit pa niya.
Tumango ako, hanggang sa tumingin si Antonio sa akin. Nagulat ako ng dahan dahan siyang humilig sa akin. "Hahalikan ko siya..." paos na sabi niya pa hanggang sa maramdaman ko na lamang ang labi niya sa aking labi.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro