Chapter 51
Coffee and sticky notes
"Mahal na mahal kita Aziel" umiiyak na sambit ko kahit pa alam kong hindi niya na iyon maririnig pa dahil nasa loob na ako ng helicopter.
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Parang gustong kumawala ng aking puso dahil sa malakas na pagtatambol sa aking dibdib. Kasabay ng unti unting pagangat ng helicopter sa lupa ay parang unti unti ding napuputol ang aking paghinga. Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha habang nakatitig ako kay Aziel. Nakatingala ito sa akin, titig na titig din. Ni walang gustong pumutol ng pagtitig sa pagitan naming dalawa.
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Gusto kong bumalik. Gusto kong lumabas sa helicopter at tumakbo pabalik kay Aziel. Ayoko siyang iwanan, hindi ko kaya. Sobrang bigat ng dibdib ko, sobrang sakit.
"Gusto kong bumaba..." umiiyak na sabi ko sa piloto.
"I'm sorry ma'm" paghingi niya sa akin ng paumanhin dahil alam kong hindi na din pwedeng mangyari ang gusto ko.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa paninikip nito. Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Akala ko magiging madali ito para sa akin dahil sa oras na makaalis kami sa pilipinas ay magiging tahimik at maayos na ang buhay namin sa italya, makakapagsimula na kami ng bagong buhay.
Sabik na sabik na akong makasama siya
Gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya
Pwede bang ibalik pa yung pag-ibig naming dal'wa
O wala na talaga
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Napahawak ako sa bintana ng helicopter, gustong gusto kong muling yakapin ng mahigpit si Aziel, pakiramdam ko ay hindi sapat ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Bayolente akong napalunok ng dahan dahan ng tumaas ang lipad namin. Wala na lamang akong nagawa kundi ang itaas ang aking kamay at tsaka sumaludo sa kanya.
Ganuon na lamang ang pagbuhos muli ng aking mga luha ng makita kong itinaas din nito ang kanyang kamay para sumaludo sa akin. Nakita ko din ang pagtakbo ng ilang mga sundalo papalapit dito na para bang gusto pa nilang pigilan ang pagaalis namin ngunit huli na sila dahil tuluyan na kaming nakalayo sa kanila hanggang sa hindi ko na natanaw si Aziel.
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Napayakap na lamang ako sa aking kamay kung saan nakasuot ang singsing na ibinigay ni Aziel sa akin nuon ng ikasal namin ang aming sarili sa gitna ng bundok ng maranat. Habang buhay kong pangangalagaan ang lahat ng alaala namin ni Aziel. Bahala na ang tadhana kung mamarapatin nitong muli kaming magkita.
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Muling bumuhos sa akin ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sa mga oras na ito ay iyon na lamang ang aking natatanging mapanghahawakan.
Napakasakit ng dinaranas ko ngayon
Para bang ako'y sinaksak at sa puso ko'y binaon
Ang pinakamahaba at makalawang na balisong
Para din wala ng buhay ang katawan ko
Bulong ng bulong ng bulong ang hangin
Tapusin ko na itong paghihirap ko
Mahirap harapin ang panahon kung wala na siya talaga sakin
Hindi ko na kaya yon
"Aziel" umiiyak na sambit ko. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata lalo na ng dahan dahan siyang lumuhod sa aking harapan.
"Castellana, i've never been this so sure all my life. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay" madamdaming sabi pa niya sa akin.
Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil sa kanyang sinabi. "Are you willing to give up everything with me? Iiwan natin ang lahat sa syudad. Handa akong mag stay dito kasama mo. I'll give up my city life for you" sabi pa niya sa akin.
"Will you accept me in your life Castellana hermosa? Will you marry me and be my wife?" Tanong niya sa akin matapos niyang itaas ang hawak na singsing sa aking harapan.
Kailangan ko yung pag-ibig na ibig ibigay noon
Yung mga araw na may araw pa akong nakikita
Bago nawala ang liwanag sa aking kapaligiran
Bago pa nangyari na bumagsak ang aking mundo
Bago nawasak ang lahat ng mga pinapangarap ko
Di ko na yata talaga kaya manatiling ganito
Naubusan nako ng luha umiiyak ng dugo
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko siya sinagot. "Oo Aziel, magpapakasal ako sayo" sagot ko sa kanya.
Sagot kasabay ng pagbitaw ko sa lahat ng tungkulin ko kay ama, pagbitaw sa aming misyon. Lumuluhang isinuot ni Aziel sa akin ang singsing na hawak niya.
"Saksi ang bundok maranat, sayo na ako Castellana...bihag mo na ako" malambing na sabi pa niya bago niya ako hinalikan.
"You found me Castellana, you found the lost soldier"
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Matapos ang halos walang isang oras na byahe ay nakarating na kami sa Cebu, hindi nasunod ang unang plano na sa iloilo. Papalapag pa lang ang helicopter ay natanaw ko na sina ina kasama si ama na naghihintay sa akin. Silang lahat ay nakatingala at naghihintay sa aming pagbaba. Hindi ko na naisip pa ang aking sugat dahil sa tama ng baril.
Ramdam ko ang aking panghihina dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Muling bumuhos ang aking masasaganang luha hindi dahil sa sakit ng aking sugat kundi dahil sa sakit ng pagkakahiwalay namin ni Aziel. Hindi madaling magpaalam sa taong mahal mo.
"Castellana" nagaalalang pagtawag nila sa akin. Kaagad akong binuhat ni ama ng makita niya ang aking sugat.
Wala na akong lakas na magsalita pa at magpaliwanag sa kanila. Unti unti na lamang pumikit ang aking nga mata at hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari.
Nagising na lamang ako at nakitang madalim na. Hindi na pinagpabukas pa nila ama ang aming pagbyahe patungo sa italy. Sasakyan namin ang isa sa mga private plane ni tito napoleon. Isa isa silang umakyat at pumasok dito. Nakabenda na ang aking sugat at nakasuot na din ako ng bago at malinis na damit. Hinangin ang aking mahabang buhok, dahan dahan ko iyong hinawi kasabay ng paghawi ko sa aking mga luha.
Iiwan namin ang pilipinas na alam naming mabuting tao ang mamumuno dito. Tapos na ang kasamaan ni anton gomez. Nakuha na namin ang hustisya na nais namin. Tapos na ang misyon namin dito.
"Castel anak..." malambing na tawag sa akin ni ama at tsaka niya inabot sa akin ang kanyang kamay.
Tipid akong ngumiti sa kanya tsaka ko tinanggap ang kanyang kamay. "Mission accomplished..." sabi niya pa sa akin.
"Mission aborted Captain Hermosa" balik na sabi ko pa sa kanya. Hinawakan ako nito sa balikat.
"Umuwi na tayo" sabi sa akin ni ama at tsaka kami sabay na pumasok sa private plane.
Hindi ko alam kung bakit kumirot ang aking dibdib dahil sa aking nadinig. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay mas gusto kong umuwi sa nayon. Dahil iyon na ang tinuring kong tahanan namin, at si Aziel. Aziel is my home.
Matapos ang ilang oras na byahe at stop overs ay nakarating na din kami sa italy.
Rome Fiumicino International Airport
Mula sa airport ay sinundo kami ng mga tauhan ni tito napoleon. Dumiretso kami sa Hilton Garden Hotel para magpalipas ng magdamag bago kami muling lumipad patungo sa milan italy.
Matapos sa milan ay magtutungo kami sa maliit na syudad. It was located in the Alps north-west of italy kung saan matatapuan ang kingdom of sicily.
"Grabe, ang ganda dito Castel...parang mga palasyo yung mga bahay" manghang manghang sabi sa akin ni Ducusin kaya naman napangiti ako sa kanya.
"Gusto mo ba dito?" Tanong ko sa kanya.
Napanguso siya. "Iba pa din talaga sa pilipinas. Pero kung nasaan ka, duon ako" sabi pa niya sa akin kaya naman napayakap na lamang ako kay Ducusin.
Masaya ako na kasabay ng pagkapanalo namin sa aming misyon ay mas lalo pang lumaki ang aming pamilya. Hindi naman lingid sa aming kaalaman na mukhang may namamagitan ng pagtitinginan kina tito Zacharius at teacher ana.
"Sa tingin mo makakahanap din ako ng love life dito?" Pabulong na tanong sa akin ni ducusin kaya naman napangiti ako.
"Ayan si Franco oh, yan na lang gawin mong love life" natatawang pangaasar ko sa kanya.
Narinig ni Franco iyon kaya naman inirapan niya kami ni ducusin. "Wag na noh, gusto ko pang mabuhay" pagtanggi ni ducusin kaya naman napangiti ako.
Hindi na lamang nagsalita pa si franco. Kaagad siyang lumapit sa akin. "Kamusta na yang sugat mo?" Tanong niya sa akin.
"Ayos lang ako...ayos na ako" sagot at paninigurado ko sa kanya.
Tumango na lamang ito sa akin. Tumuloy kami sa aming dating bahay. Kahit sakop kami ng malapalasyong mansion ng mga savoy ay malayo pa din kami sa kanila. Si tito napoleon lamang ang pwedeng maglabas masok duon. Isang priviledge niya ang madala kami dito at mamuhay nang marangya.
Ilang araw kaming nanibago bago kami unti unting nasanay sa weather at sa lugar. Matagal na din kasi ng huli akong nandito. Hindi na din problema ang gawaing bahay dahil mayroon ding nagsisilbi para sa amin, hindi naman kami nahirapang makipagusap sa kanila dahil bawal iyon sa kanilang batas na makipagusap sa kanilang mga amo. Kahit pa ganuon ay hindi namin iyon sinasamantala, hangga't kaya naming gawin ay gagawin na namin at hindi na iuutos pa.
Kung saan saan na din kami nakarating kasama ang buong pamilya namin. Unti unti ay nakakalimutan na din namin ang mga mapapait na nangyari sa nakaraan.
(After 2 years)
"Il mio amore" tawag ni Ducusin kay giovanni. Nagcelebrate na sila ng kanilang anniversary. Kaya naman masaya ako para sa aking kaibigan.
Tinawanan ko ito habang sumisimsim ako ng mainit na tsokolate sa aming hardin. "Yang kaibigan mo, mauuna pa atang magpakasal kay ana at zacharius" puna sa akin ni franco.
Napatawa ako. "Baka maunahan ka din niyan" pangaasar ko pa sa kanya.
Napairap ito sa kawalan. Muling hinahingin ang medyo mahaba ng buhok ni franco. Tinanong ko siya nuon kung bakit hindi pa niya pinapaputulan ang kanyang buhok. Ang sagot niya sa akin, malalaman ko lang na may babaeng nagpapatibok na ulit sa kanyang puso sa oras na ipaputol na niya ito.
"Pansinin mo na kasi si Antonia" pangaasar ko pa sa kanya pero sumama lamang ang tingin niya sa akin.
Napatigil ako sa pangaasar kay franco ng makita ko si Giorgia. Pagewang gewang itong tumatakbo patungo sa aking gawi. Napangiti ako ng makita ang pulang laso na nakatali sa kanyang maliliit pang buhok.
"Mammina!" Tawag niya sa akin.
Napatawa ako at napangisi naman si franco. Kaagad akong tumayo para salubungin na ito at buhatin. "Ang ganda ganda naman ng baby giorgia namin" pangaasar ko sa kanya at tsaka kiniliti ito. Tawa ito ng tawa habang pinipilit kumawala sa akin. Itinuturo niya si franco, gustong gusto kasi nitong nagpapabuhat kay franco. Palagi niyant hinihila ang buhok nito.
Magdadalawang taon na ito kaya naman sobrang kulit na. "Hoy hindi mo ako daddy..." mapangasar na pagsusungit ni franco sa kanya.
Pabiro ko itong hinampas. "Buhatin mo, gustong gusto yang baho mo" natatawang sabi ko dito kaya naman wala na siyang nagawa pa kundi kuhanin si giorgia sa akin.
"Napagkamalan ka nanamang nanay nitong kapatid mo" sabi pa ni franco.
Dahil masyado na daw akong matanda ay nagpasya sina ama at ina na magampon, kaya naman nagkaroon kaagad ako ng kapatid. Minsan ay napagkakamalan ako nitong si ina dahil sa pareho naming kulot na buhok, at sabi nga nila magkamukhang magkamukha kami ni ina.
Napangisi ako. "Bata pa ako..." laban ko sa kanya.
Inirapan ako ni franco. "Bata ka pa, kaya ayaw mong pansinin yung mga nanliligaw sayo"
Napanguso ako at tsaka itinaas ang kamay ko. "Kasal na ako" laban ko pa. Hindi na lamang siya nagsalita pa dahil alam niyang hindi ako magpapatalo sa kanya.
Naging busy kami para sa magiging kasal nila tita ana at tito zacharius. Matapos ang halos magdadalawang taong relasyon nila ay napili nilang lumagay na sa tahimik. Nakakalakad na din ng maayos si tito zacharius, kahit paminsan minsan ay kailangan pa din niya ang kanyant tunkod para sumuporta. Si tita ana ang nagbigay sa kanya ng rason para muling subukang makalakad.
Dahil sobrang saya ko para kina tita ana at tito zacharius ay isa ako sa naging hands on para sa preparation ng kanilang kasal. Sa akin nakatoka ang mga flowers kaya naman ako na ang nagaayos nuon.
Euroflora
"Buongiorno!" Masayang bati ni pepita.
Isa siyang pilipina na nagtratrabaho sa flowers shop na kukuhanan ko ng bulaklak para sa kasal nila tito zacharius. Isang pinoy din ang mayari ng flower shop na ito.
"Magandang umaga pepita" balik na bati ko sa kanya kaya naman nanlaki ang kanyang nga mata at tsaka ako kaagad na sinalubong.
"Castel, ano na nakapili ka na ba ng bulaklak?" Tanong niya pa sa akin.
Ngumuso ako at tumango tango. "Meron na, asaan na ba yung masungit mong amo?" Tanong ko sa kanya tsaka ko iginala ang aking buong paningin sa flower shop.
"Nagdeliver, alam mo naman iyon" sabi pa niya sa akin.
Masungit at masyadong mysterioso ang amo ni pepita. Kung minsan pa nga ay siya din ang nagdedeliver ng mga bulakla gamit ang kanyang bisikleta. Tahimik ito at minsan mo lang maririnig magsalita. Matangkad at matipuno, medyo may kahabaan din ang buhok na parang kay Aziel.
"Andyan na pala si sir anton" sabi ni pepita kasabay ng pagtunog ng bell sa taas ng kanilang pinto.
Dahan dahan akong napalingon dito. Anduon nanaman ang kakaibang dating nito sa akin, sandaling tumigil ang oras dahil sa kanyang pagdating pero mabilis din akong napairap.
"Antonio na lang, ang sama ng pangalang anton sa akin eh" suway ko kay pepita.
Napangiti ito. "Anton ang tawag ng halos lahat sa kanya dito eh" sabi pa niya sa akin kaya naman bumagsak na lamang ang balikat ko.
Mas lalo talagang naginit ang ulo ko ng parang wala lang itong nakita at mabilis na pumasok sa kanyang opisina. Hindi man lang bumati sa customers niya, hindi accomodating. Hindi ko to bibigyan ng five na star sa ratings. Unlike ko din ang facebook page nila kung meron man.
"Sige na, pasok ka na duon para masabi mo na yung order mo" pagtulak sa akin ni pepita kaya naman dumiretso na ako papasok sa kanyang office.
Bilang pagbibigay galang ay sandali pa akong kumatok kahit nakabukas na ang kanyang pintuan. "Good m..." hindi ko na naituloy pa ang dapat sanang pagbati ko sa kanya ng kaagad niya akong pinigilan.
"You can just sit down, just write your order" sabi niya at kaagad na may inilapag na papel sa harapan ng kanyang lamesa.
Sinamaan ko na lamang ito ng tingin at tsaka nagmartsa palapit dito. "Ang sasama talaga ng nga anton, bwiset" bulong bulong ko pa habang halos mapunit yung papel na hawak ko dahil sa sobrang inis.
Nang maisulat ko na ang lahat ng order ko ay ibinigay ko na iyon sa kanya. Isa isa niya iyong itinype sa kanyang laptop. Hindi naman maiwasang hindi ako mapatitig sa kanya habang pinapanuod ang paminsan minsanh pagkunot ng noo nito habang nagtytype.
"Staring is rude, ms. Hermosa" sabi niya sa akin kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin.
Imbes tuloy na tumigil ay hindi ko na naiwasan pang magtanong sa kanya. "Alam mo ang sungit mo, buti hindi nahahawa yung mga bulaklak mo sayo" sabi ko pa sa kanya.
Mas lalong kumunot ang noo nito. "Masungit saan? Sayo...why? Should i always smile for you?" Mapanuyang tanong niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko. "Like duh, wala ka man lang paaaccomodate sa mga costumers mo, suplado mo" sabi ko pa sa kanya.
Napangisi ito. "So what do you want me to do? Magpacute sayo?" Tanong niya.
Tinasaan ko siya ng kilay. "Pacute mo mukha mo, hindi ka naman cute" laban ko sa kanya.
Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin. "Not everyone is lile you ms. Hermosa. Hindi lahat ng tao kayang ngumiti just like that" laban pa niya sa akin.
"Impossible iyon, lahat ng tao kayang ngumiti. Wala bang nagpapasaya sayo?" Panguusisa ko pa.
Kaagad na sumeryoso ang mukha nito. "You can leave now, papatawag na lang kita kay pepita pag ok na yung order mo" pinal na sabi niya sa akin at tsaka itinuon ang kanyang buong atensyon sa kanyang laptop na para bang nagpapahiwatig ito na kailangan ko na talagang umalis dahil wala na siyang balak pang kausapin ako.
Umirap muna ako bago ako tuluyang tumayo at naglakad palabas. Hinabol pa ako ni pepita. "Nagaway nanaman kayo ni sir anton?" Pangkukulit niya sa akin.
Napahalukipkip ako. "Oo, napakasungit" sabi ko pa.
Hinila ako ni pepita ng mas malayo pa duon. "Alam mo kasi, kaya ganyan yang si sir anton. Namatay yung fiance niya sa isang car accident. Dalawa sila sa sasakyan, pero siya lang yung nakaligtas" kwento pa sa akin ni pepita kaya naman napaawang ang aking bibig.
Ikinwento nito lahat sa akin. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit siya nagkalaganyan. Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil inaway away ko pa siya. Kinaumagahan ding iyon ay muli akong bumalik sa flower shop. Nagulat pa si pepita ng makita ako.
"Oh, wala pa yung order mo ah" bungad niya sa akin.
Imbes na magpaliwanag ay dumiretso ako sa office ni antonio para ilagay ang kapeng may sticky note.
Don't forget to smile today...
Ps: kahit isa lang!
Natawa si pepita dahil sa aking ginagawa. Maaga akong pumupunta duon habang wala pa si anton. Pinakiusapan ko din ito na wag sasabihin kay antonio na sa akin nanggaling iyon.
Biyernes ng umaga ay medyo nalate ako ng dating. "Oh akala ko ay hindi ka na darating. Bilisan mo at baka dumating na si sir" sabi pa sa akin nito at tinulungan pa niya akong ayusin iyon sa lamesa ni antonio.
"Eh bakit mo ba ito ginagawa para kay sir anton?" Tanong niya sa akin.
"Pakiramdam ko kasi ganyan din si Aziel simula nung nagkahiwalay kami. Nakikita ko sa kanya si aziel..." sagot ko dito.
"Kaya naman gusto kong pagaanin kahit papaano yung loob ni antonio, para bumalik siya sa dati..." dugtong ko pa. Pero pareho kaming napaiktad ni pepita ng marinig namin ang boses nito.
"Anong karapatan mong pakialaman kung ano dapat ang maramdaman ko?" Seryosong tanong niya sa akin.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Ayoko na talaga sa mga anton" kinakabahang sabi ko kay pepita na ngayon ay takot din.
"Bakit ba ayaw mo sa mga anton?" Nagawa pa niyang magtanong sa akin.
"Yung huling anton na nakilala ko. Pinatay ko..." sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro