Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

Hanggang sa muli








Tahimik kong ginamot ang sugat ni Aziel. Hindi ko naman naiwasang mailang dahil sa pagkakatitig nito sa akin. Sandali ko siyang sinamaan ng tingin.

"Wag ka ngang tumingin sa akin" masungit na suway ko sa kanya ngunit hindi ito natinag, seryoso pa din ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

Tumaas ang isang kilay nito. "Bakit, may batas ba na nagsasabi na bawal tumitig sa isang tao?" Laban niya sa akin kaya naman mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Sexual harassment yun!" Akusa ko sa kanya pero mas lalo lamang nagtaas ang kanyang kilay at napangisi pa.

"Tinitingnan pa lang kita, nababastusan ka na?. Mukhang ikaw ang may maduming isip hindi ako" pangaasar niya sa akin kaya naman sa sobrang inis ay hinampas ko siya sa kanyang braso.

Napadaing ito pero hindi ko siya pinansin. "Bahala ka diyan! Ang panget mo" inis na sabi ko pa.

Natawa na lamang ito, mukhang tuwang tuwa dahil sa nadinig. "Edi panget" nakangising pagsuko niya habang hindi pa din nawawala ang ngisinsa kanyang labi.

Inirapa ko na lamang siya habang nilalagyan ng benda ang kanyang sugat para tumigil ang malakas na pagdudugo. "Kailangan mo itong dalhin sa hospital ngayon din mismo" paalala ko sa kanya.

Hindi na lamang ito nagsalita, tahimik niyang hinintaynna matapos ako sa aking ginagawa. Nang maayos ko na iyon ay nagumpisa na akong magpaalam sa kanya.

"Tapos na, aalis na ak..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng kaagad niya akong hinigit sa aking bewang.

"Ano ba..." gulat na daing ko sa kanya.

Nakayakap ito sa akin habang nakaupo siya sa may kama habang ako naman ay nakatayo. Napaiwas na lamang ako ng tingin habang yakap yakap niya ang aking bewang.

"Why do we need to hide like this?" Mapait na tanong ni Aziel sa kawalan.

Hindi ako nakasagot kaagad, hinayaan ko siya magsalita. "What if, hindi ako isang sundalo, at hindi ka isang rebelde...siguradong may dalawang anak na tayo ngayon at buntis ka pa" natatawang sabi niya sa akin pero damang dama ko duon ang kanyang kalungkutan.

Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa nadinig. Ilang beses ko ding naisip ang mga what if's. Na sana kung sa ibang pagkakataon lang kami nagkakilala ni Aziel ay hindi magiging ganito kahirap para sa amin ang lahat.

"Kung hindi ka isang sundalo at hindi ako nakatira duon sa nayon, hindi tayo magkakilala ngayon..." laban ko sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita marahil ay napaisip din siya sa aking sinabi. "Kung nabuhay ka bilang si Hannaniel na apo ng dating presidente at anak ni lady henrietta, sigurado masungit ka din at maarte kagaya ng mga spoiled brat na mayaya..." hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sinasabi ng kaagad ko siyang piningot sa tenga.

"Spoiled brat ka diyan, siraulo" suway ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa ni Aziel, pero hindi din nakaligtas sa akin ang garalgal ng kanyang boses. He's about to cry kaya naman kaagad kong ikinulong sa aking nga kamay ang magkabila niyang pisngi para paharapin siya sa akin. Duon ko nakitang namumula na ang kanyang mga mata.

"Bakit ka umiiyak, hindi naman umiiyak yung mga sundalo?" Suway ko sa kanya pero kahit ako ay nanlalabo na din ang aking mga mata.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking bewang. "Bakit pa tayo nagkita, kung hindi din naman tayo hanggang sa huli" punong puno ng hinanakit na sabi niya.

Tipid akong napangiti kahit sobrang bigat din ng aking dibdib. Ilang beses ko na ding itinanong iyon. Bakit nga ba, kailangan mong makilala ang taong hindi mo naman pwedeng makasama hanggang sa huli, kahit anong pilit mo, kahit paulit ulit mo siyang piliin ngunit ang sitwasyon at oras ang inyong kalaban.

Tumulo ang aking luha kahit anong pilit kong matawa. "Bakit, nagsisisi ka bang nakilala mo ako?" Kunwaring pagtatampong tanong ko sa kanya.

Napairap ito sandali. Ngunit imbes na magsalita pa ay hinawakan na lamang niya ako sa batok at dahan dahan niya akong hinila papalapit sa kanya. Hindi na ako nagprotesta pa ng malambing na inangkin ni Aziel ang aking labi.

Para akong nakikiliti, sobrang init at lambot ng kanyang labi. Mas lalong bumigat ang aking dibdib, pero sa kabila nuon ay ramdam na ramdam ko yung security, yung saya, yung pagmamahal na nararamdaman ko para kay Aziel na kahit kailan ay hindi nawala sa akin.

Pareho kaming umiiyak ng magkahiwalay ang aming mga labi. "Di ba sabi ko sayo, wag tayong mawalan ng pagasa. Na darating yung araw na pwede na tayo?" Pagpapagaan ko ng kanyang loob ay pagpapaalala sa kanya.

Napangisi siya. "At talagang pursigido ka diyan ha" pagbibiro niya sa akin.

Napanguso ako. "Ikaw lang naman itong hindi naniniwala sa akin eh, hindi ka kasi makapaghintay!" Pangaasar ko pa sa kanya. Para kaming tanga na umiiyak habang tumatawa.

I kissed him in his forehead. "Pag dumating yung araw na pwede na tayo...ako pa ang magaalok sayo ng kasal" natatawang sabi ko habang umiiyak.

Tumulo din ang masasaganang luha mula sa mga mata ni Aziel. "Kahit hindi mo na ako tanungin. Papakasalan na kaagad kita" sabi pa niya sa akin.

Sobrang hirap sa part namin na kahit gaano namin kamahal yung isa't isa ay hindi pwedeng maging kami. We are both settled in life, nasa tamang edad na din naman kami, we are mature enough to start our family, we are capable to build one. Pero yung fact na hindi kami pwede dahil sa serbisyong pinili namin ay mas lalong nagpapabigat sa lahat.

We stayed there a couple of hours more. Hindi na namin inisip kung anong nangyayari sa labas. Basta't panatag kami na si ang dating senador panfilo gomez ay nasa mabuting kamay. Kapwa kami nakaupo sa sofa, nakayakap ako kay Aziel habang ganuon din naman siya sa akin. Pinanuod namin ang mga ilaw sa buong maynila sa malaking salamin sa kwartong iyon.

"How's tita maria? Galit na galit siguro siya sa akin dahil sa ginawa ko kay Sachi" malumanay na tanong ko at the same time ay paninisi din sa aking sarili.

Naramdaman ko ang marahang paghalik ni Aziel sa aking ulo. "Nagalit siya, pero hindi naman marunong magtanim si mommy ng sama ng loob...i know for sure, darating yung araw na mapapatawad niya tayong dalawa" sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

Sandali ko siyang nilingon. "What do you mean?" Tanong ko.

"Hindi na ako sa amin nakatira, i have my own place sa pasay. I stayed there almost a month or two?" Hindi din siguradong sabi niya pa.

Nalungkot ako para sa kanya. "I wanted to make them realize na kahit mas pinili kong mahalin ka, i will always stick to oir family. Na kahit mahal kita, i will always be part of them grieving for our lost, grieving for sachi" malungkot na kwento pa niya sa akin.

"I'm sorry" malungkot na sabi ko sa kanya.

Nilingon niya ako. "Why are you saying sorry?" Tanong niya sa akin.

"For killing your sister, for killing your bestfriend..." naiiyak na paghingi ko ng tawad.

"For being me..." patuloy ko pa.

"Hey...kahit gaano ka pa naging masama. Nanduon pa din yung mabuting bagay na nakita ko sayo, kaya kita minahal" pagpapaalala sa akin ni Aziel.

Tumango na lamang ako at tsaka ngumiti sa kanya. Parang ang bilis ng oras pag magkasama kaming dalawa na we want more time together. Pero hindi namin iyon afford sa mga oras na ito dahil may laban pa kaming dapat paghandaan.

"Please, make anton gomez pay for everythingby putting hi, to jail. Hindi sagot ang pagpatay sa kanya, i don't want you to do it again" paalala sa akin ni Aziel bago kami maghiwalay.

Hindi aio nakasagot, napayuko na lamang ako. Hindi ko naman gustong mangako sa kanya dahil alam ko sa sarili kong buo na ang aking desisyon. Papatayin ko si senator anton gomez, para ginawa niya ang aking pamilya.

Marahang hinaplos ni Aziel ang aking pisngi. "Hey...i love you, kahit anong mangyari, kahit anong kahihinatnan nito sa dulo. You will always have me" pagpapaalala pa niya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo pababa sa aking mga labi.

Para akong nakalutang sa era pagbalik ko sa mansion ni tito napoleon. Imbes na ipakita sa kanila ang aking kahinaan ay tumigas ang aking mukha ng makita kong nagpupulong na sila sa may conference room. Nasa akin ang mata ng lahat pagkapasok ko, hindi naman na ako nagsalita pa at dumiretso upo sa aking upuan.

Nakita ko ang makahulugang tingin ni franco sa akin pero nagiwas na lamang ako ng tingin sa kanya. Isang video ang magsisimula na nilang panuorin ngayon. Kumunot ang aking noo ng makita kong si dating senator panfilo gomes ang nasa video.

Umiiyak ito habang inisa isa ang lahat ng kasalanan ni senator anton gomez. Nuon ko lamang din nalaman na step son niya lamang ito, at isiniwalat din niya duon na si anton gomez ang pinaghihinalaan niyang pumatay sa kanyang sarili anak para makuha at masolo ang buong kayamanan at ari arian ng mga gomez.

"Sakim nga talaga ang taong iyon" galit na sabi ni ama.

Nang matapos ang video ay kaagad akong nagsalita. "Pumayag ba siyang ilabas ito sa publiko?" Tanong ko sa mga ito.

Mabibigat ang mga paratang nito para sa kinikilalang anak, kaya naman alam ko kung gaano kahirap iyon para sa kanya. Nagtaas ng kilay si tito napoleon. "Kailangan pa tayo humingi ng opinyo sa ibang tao, gagawin natin kung anong gusto natin. It's part of the plan anyway" nakangising sagot niya sa akin.

Napatango tango na lamang ako. Kinaumagahan din nuon ay pumutok ang balita tungkol sa video. Ibinigay ni tito napoleon iyon sa kakilala niya sa media. Iyon ang laman ng lahat ng balita, kating kati na din ang mga tao na makakuha ng pahayag mula kay senator anton ngunit hindi pa ito naglalabas ng kanyang statement.

"2 days bago ang halalan" natatawang sabi ni tito napoleon na isa sa mga tuwang tuwa dahil sa kahihiyang inaabot ngayon ni anton gomez.

"Sa tingin mo ba ay magsasalita pa iyan?" Tanong ni ama sa kanya.

Napangisi si tito napoleon. "Kung may mukha pa siyang ihaharap sa taong bayan, pero hindi ako magtataka kung susubukan pa din niyang ipagtanggol ang sarili niya" sagot ni tito napoleon dito.

Buong araw kaming naghanda para sa darating na eleksyon. Hindi din nawawala sa aming plano ang eksena na maaring may mangyaring aberya sa pagdadala ng mga balota sa main office ng comelec.

Handa na ang lahat ng aming gagamiting sasakyan, mga armas maging ang aming mga tao. "Mauunang lilipad papuntang italya ang iyong ina maging ang iyong mga kaibigan kasama ang iyong tito zacharius" sabi sa akin ni ama isang hapon habang inaayos ko ang aking mga gagamiting baril.


Tumango ako. "Salamat po ama..." sagot ko pa sa kanya.

Hindi ito kaagad umalis sa aking tabi. "Kung sumabay ka na lang din sa kanila?" Suwestyon niya. Napangiti ako.


"Ako po ang papatay kay Anton Gomez" paninigurado ko sa kanya.

Kita ko ang pagaalangan ni ama dahil sa aking sinabi. Alam kong nagdadalawang isip na itong isali ako sa aming huling misyon. "Buo na tayo anak, hindi ko na ata kakayanin kung isa pa sa atin ang malagay sa kapahamakan" sabi niya pa sa akin.

Tipid kong nginitian si ama. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Buo tayong makakabalik sa italya...magsisimula tayong muli" paninigurado ko pa sa kanya.

Isang araw bago ang eleksyon ay nagsalita na nga si Anton gomez sa harap ng media. Hati ang opinyo ng taong bayan laban sa videong nagsasabi ng lahat ng kanyang mga kasalanan. Pilit nitong binabaliktad ang sitwasyon at sinasabing pinilit lamang daw ang kanyang ama na sabihin iyon dahil binihag siya ng mga rebelde. Kami nanaman ang ginawa niyang masama, gayong inililigtas lamang namin ang taong bayan at ang buong bansa laban sa kanya.

Hindi biro ang pagpili ng susunod na magiging presidente. Gusto man lang naming bago namin lisanin ang bansang pilipinas ay masigurado naming nasa mabuti silang pinuno. Mas dumoble ang aming paghahanda, kasabay ng pagdoble ng galit ng buong hukbo kay senator anton gomez. Nagawa pa kasi nitong umiyak sa harap ng media at nagmakaawa na ibalik na ang kanyang ama sa kanya.

Gabi bago ang aming tunay na laban ay pumasok si ina sa aking silid. Mahigpit ako nitong niyakap. "Hindi pa din ako makapaniwala na magkakasama na tayo ngayon, kumpleto na tayo" masayang sabi niya sa akin.

"Ako din po ina" pag sangayon ko pa sa kanya.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bago siya muling nagsalita. "Alam kong hindi na kita mapipigilan sa laban na ito, ngunit gusto ko lang na malaman mong naghihintay ako na makabalik kayong dalawa ng ligtas ng iyong ama. Matagal kong pinangarap na makumpleto tayo at magkasama sama" paalala niya sa akin.

Nginitian ko si ina, niyakap at hinalikan sa pisngi. "Kaya nga po mas lalo kaming naghahanda ni ama para matapos na ito. Para makapagsimula na tayo ng bagong buhay sa italya" paguumpisa ko.

"Ipinapangako po naming babalik kami ng ligtas para sa inyo" paninigurado ko pa.

Bago tuluyang umalis si ina ay nakapagtanong pa ako sa kanya. "Paano po iyon?" Tanong ko.

"Paano ang alin?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Umasa na magkikita ulit kayo ni ama, kahit naging kayo ni senator anton" tanong ko pa.

Dahan dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni ina. "Alam mo, hindi naman nawala ang pagasa ko na magkikita ulit kami. Hindi nawala ang pagasa ko na kami pa din hanggang sa huli...pero kasabay nuon ay hindi nawawala sa aking isip na kung mayroon mangdumating na taong mas hihigit sa akin para sa kanya, hihilingin ko na lamang ang kaligayan niya" paliwanag niya sa akin.

"Po? Hindi ko po maintindihan" tanong ko po dahil sa pagkalito.

Napangiti si ina. "Pwede kang umasa na darating yung oras na magkikita kayo ulit ni captain Tadeo. Pero anak darating yung oras na kailangan mo ding tanggapin na maraming pwedeng mangyari sa mga oras na hindi kayo magkasama. Kaya naman wala kang ibang magagawa kundi ang hilingin na lang ang kaligayahan niya, dahil man iyo sayo o hindi" paliwanag pa ni ina sa akin, kumirot ang aking dibdib dahil duon, alam kong masakit iyon.

"Nagawa niyo po iyon?" Tanong ko.

Napangiti siya at napatango. "Magagawa mo iyon anak, lalo na kung sobrang mahal mo yung isang tao. Pinapalaya mo siya dahil umaasa kang babalik pa din siya sayo sa huli" sabi pa ni ina na mas lalong nagpapagulo ng aking isipan.

Kinabukasan araw ng eleksyon ay abala na ang lahat para sa kani kanilang mga assignment. Nakabihis na din ako ay nakahanda na. Nagulat ako ng bigla na lamang pumasok si Ducusin sa aking kwarto.

"Kinakabahan ako" sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako.

"Bakit naman? Eh sasakay ka lang naman ng helicopter" nakangiting sabi ko sa kanya.

Napanguso ito. "Hindi naman iyon eh, sayo...kinakabahan ako para sayo" nagaalalang sabi pa niya.

Mabilis kong niyakap si ducusin. "Magiging ayos lang ako, basta at sumama ka kila ina magiging ayos ang trabaho ko pag nasigurado kong ligtas kayo" paalala ko sa kanya.

Nakanguso na lamang itong tumango at tsaka yumakap sa akin. "Basta magiingat ka" paalala pa niya.

"Opo" natatawang paninigurado ko sa kanya.

Tanghali pa lamang ay kalahati na ng aming hukbo ang nakakalat sa buong maynila. Mas madami ang nasa palibot ng comelec. Ilan ang nasa malalaking botohan at ang iba naman ay nakastand by sa mga dadanana ng balota papasok sa comelec.

"Nasa tatlong tower ang tatlong helicopter. 8:45 ng umaga bukas aalis ang unang helicopter. Duon sasakay sina lady henrietta, ducusin, ana at sir zacharius" paliwanag ni franco sa amin.

Nakapalibot kami sa isang malaking mesa kung saan naalatag ang mapa kung nasaan ang tatlong tower na paglalapagan ng helicopter. "9:15 ang lipad ng pangalawang helicopter, dito na tayo sasakay" sabi pa ni franco sa amin. Tukoy sa akin, sa kanya, kay ama at kay tito napoleon.

Napatango ako. Pero napansin ko ang pangatlong helicopter. "Eh ito, anong oras aalis ito?" Napatingin si franco sa akin habang nakakunot ang noo.

"This is for emergency purpose, at we are aiming na hindi na tayo aabot sa 3rd helicopter" giit niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. "So anong oras nga?" Pagpupumilit ko pa.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. Kita kong gusto pa sanang niyang magtanong sa akin pero hindi na niya ginawa. "10 oclock, at masyadong delikado iyon para sa atin. We're not aiming for that, 10 dapat nasa ere na ang lahat" paalala pa ni franco sa amin pero diretso ang tingin niya sa akin.

Mahigpit kong niyakap si ina, ducusin, teacher ana at tito zacharius, ang susunod kasi naming pagkikita ay sa iloilo na, kung saan nanduon ang aming private plane patungo sa italya. Panay ang paalala sa amin ni ina habang umiiyak.

Si ama at tito napoleon ang papasok sa comelec, samantalang kami naman ni Franco ang papasok sa hotel kung nasaan si senator anton gomez naghihintay ng magiging resulta ng botohan.

Humalik ako kay tito napoleon, humalik din ako kay ama at tsaka mahigpit na yumakap. "Para sa hukbo ng norzagaray, para sa ating nayon, para kay tito zacharius, para kay Captain Castillo Hermosa" matapang na sabi ko kahit pa nagtutubig na ang aking mga mata.

Imbes na tuluyang maiyak ay mabilis na akong tumalikod sa kanila, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag na ako ni tito napoleon. Naglakad siya papalapit sa akin, "With or without this battle, i just want you to know that you always makes me proud castellana..." sabi ni tito napoleon kaya naman yumakap na din ako ng mahigpit sa kanya.

Nagkanya kanya na kaming sakay sa aming mga sasakyan. Si franco ang nagmamaneho habang nakatanaw ako kila ina na naiwan sa mansion.

"Please castellana, don't aim for the third helicopter" pakiusap ni franco sa akin.

"Wala naman akong sinabi" laban ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa kaya naman nagpatuloy na kami sa aming byahe. Handa na ang buong hukbo nakarating na din kami sa hotel kung nasaan si senator anton gomez. Sa isang hotel room kami ni franco magiistay, isang pinto ang layo sa room ni senator. Bago pa man ang araw na ito ay nakapaghanda na kami. Tatlong araw bago ang araw na ito ay nagcheck in na din si franco duon dahilan para makabitan na niya ang loob nuon ng mga camera at audio recorder.

Mabilis na inilabas ni franco ang kanyang laptop para maimonitor namin ang nangyayari sa loob. Pero pagkabukas na pagkabukas ay napaiwas na lamang ako ng tingin duon.

"Last sex" nakangising sabi ni franco.

Lumayo ako sa kanya at lumapit sa may malaking bintana ng hotel. Tinanaw ang buong kamaynilaan. Ilang oras na lamang ay iiwan ko na ang lahat ng ito.

"At talagang papanuorin mo pa yang sex video ni gomez?" Galit na tanong ko kay franco ng makita kong tutok na tutok ito sa kanyang laptop.

Napangisi ito. "Ilive stream natin" natatawang sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang binato ng throw pillow.

"Baka matrace ka!" Banta ko sa kanya.

"Oo na oo na, alam ko naman. Niloloko lang kita" sabi pa niya sa akin kaya naman napairap na lamang ako.

Mananahimik na sana ako ng muli nanaman itong magsalita. "Nasa lobby si Aziel. Kararating lang ng mga bantay na sundalo" sabi ni franco sa akin.

Gustuhin ko mang tumakbo papalapit sa kanya para makita si Aziel kahit man lang sa laptop ay pinigilan ko ang aking sarili. Hindi na nagsalita pa si franco, mukhang nakita niyang nagfofocus ako ng mabuti para sa misyon. Nanging mabilis ang oras para sa amin, alasiyete ng kagabi ng ibinyahe ang mga balota mula sa iba't ibang lugar sa pilipinas. Nakatanggap na din kami ng mga report mula sa ibang miyembro ng hukbo na nakasagupa na sila ng ilang kaaway na balak nakawin ang mga ito.

Kaliwa't kanan ang balita tungkol sa nangyayaring bilangan ng boto. Mapapabilis ang pagbibilang ng mga balota dahil sa bagong mga machine ng comelec kung saan bukas ng alas diyes ng umaga ay magkakaroon na ng bagong presidente ang pilipinas.

Pag dating ng alas nuebe ng gabi ay safe na nakarating ang lahat ng balota sa comelec. Nagumpisa na din ang bilangan sa mga probinsya. Mula sa balita ay nakikita na ang bilang ng mga boto para sa pahkapresidente. Nangunguna si Senator Santi Gatchalian. Halos isang daang libo lamang ang pagitan niya sa pumapangalawang si senator anton gomez.

"Kung natuloy ang pagnanakaw ng nga balota, siguradong nangunguna ngayon yang si gomez" sabi no franco habang nanunuod kami ng Tv.

Nasa loob na din ng kwarto ni gomez ang ilang sundalo para sa kanyang siguridad. Ang ilang miyembro ng aming hukbo ay ipinadala na din namin sa tahanan ng mga gatchalian upang masigurado ang siguridad nito. Walang tulugan sa paghihintay ng resulta. Pagputok ng araw ay nakita na ang malaking lamang ni senator santi gatchalian sa pagkapresidente.

"Castel" tawag ni franco sa akin.

Kaagad akong lumapit sa kanya, kita sa camera ang pagwawala ni senator anton gomez sa kabilang kwarto. Nagbabasag ito ng kung ano ano, mukhang kitang kita na niya ang kanyang pagkatalo.

8:45 ng umalis ang unang helicopter. Panatag na ang loob ko na ligtas sina ina. "Tara na" yaya sa akin ni franco.

Nakatanggap na din kasi kami ng message kina ama na patungo na sila sa pangalawang tower kung nasaan ang pangalawang helicopter na aalis ng 9:15. Tagumpay sila sa kanilang misyon na siguraduhing walang dayaang mangyayari sa comelec.

"Sa fire exit tayo dadaan. Paalis na din sila gomez" sabi nito sa akin.

Tumango ako. Ang opisyal na anunsyo na lamang ng comelec ang kulang, sigurado na ang pagkapanalo ni senator santi gatchalian. "Nakakalat na ang hukbo. 20 minutes castellana. Kung sakali mang magkahiwalay tayo. Magkita tayo sa 2nd tower bago mag 9:15" paalala nito sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

Maingat kaming lumabas ni franco. Pero wala pang ilang segundo ay nakarinig na kami ng palitan ng putok. Ilang sibilyang tauhan ni gomez ang aming nakasagupa.

"Gomez!" Sigaw ko dito na nagpahabol pa ng putok sa akin bago siya sumakay ng elevator.

"Ako na ang susunod!" Sigaw na paalam ko kay franco na may ilang sibilyang kalaban ngayon.

Tumakbo ako paakyat gamit ang fire exit. Hingal na hingal ako paakyat sa 12 floor. Duon bumukas ang elevator na sinasakyan ni gomez. Nakipag barilan pa siya sa akin. Natamaan ko ang isa sa mga kasama niyang bantay.

Napabuntong hininga ako ng makita kong isa si Aziel sa nagproprotekta sa kanya. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya, kasama ito sa kanyang trabaho. Pero buo na ang akibg desisyon. Hindi ako lalabas ng building na ito na humihinga pa si gomez.

Nakipagtakbuhan ako sa kanila. Umabot kami sa rooftop kung saan kaagad na humarang sa aking si Aziel. "Castel" pagharang niya sa akin.

Hindi ako natinag kaagad ko siyang binayagan dahilan para mamilipit siya sa sakit. 9:10 na sa aking orasan. Mabilis akong lumabas sa roof top at inilock ang pinto sa labas para hindi na makapasok pa si aziel.

"Gomez!" Sigaw ko dito ng maabutan ko siyang tarantang taranta sa pagtatago.

Pero napangisi ito ng makita ako. "Babae..." natatawang sabi niya.

Duon ko napansin na mahina ang tingin niya sa mga babae kaya naman kinakaya kaya niya lamang kami. "Katapusan mo na" sabi ko sa kanya at tsaka siya tinutukan ng baril.

Medyo na out of focus ako ng marinig ko ang kagustuhan ni Aziel na makapasok, halos sirain niya ang bakal na pinto. "Hindi isang babae ang papatay sa akin" nakangisi sabi nito.

Ako naman ang ngumisi sa kanya ngayon. "Hindi lang ako basta babae senator anton gomez" sabi ko sa kanya.

Ang kaninang pagkakangisi niya ay naging seryoso. "Anong kailangan mo sa akin?" Seryosong tanong niya sa akin.

Imbes na makasagot ay kaagad na tumunog ang aking telepono. Niloud speaker ko iyon. "Castellana tatlong minuto na lang, asaan ka na?" Galit na tanong ni franco.

Nakatuon ang tingin ko kay senator para hindi na ito makatakaw pa. "Mauna na kayo, susunod ako" sabi ko pa kay franco.

Narinig ko pa ang pagkakagulo nila sa kabilang linya, maging si ama at tito napoleon ay nagsalita na din. "Mauna na kayo franco, mas makakakilos ako ng maayos pag nasigurado kong ligtas na kayong lahat. Susunod ako pangako" sabi ko pa.

Hindi ito nagpatinag. Ilang beses niya akong tinanong kung nasaan ako. Sa huli ay boses na ni ama ang aking nadinig. "Ama, magtiwala ka sa akin. Susunod ako, pakiusap. Magtiwala ka" sabi ko sa kabilang linya bago ko tuluyang pinatay ang tawag.

"Ikaw pala, ang diwata ng bundok maranat" nakangising sabi ni senator sa akin, halatang nangaasar pa.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. "Hindi lang ako basta babae, hindi lang ako basta diwata ng bundok. Isang akong high profile serial killer, isang rebelde. Ako si Hannaniel Hermosa" pagpapakilala ko sa kanya na kaagad na ikinalaki ng kanyang mga mata.

"Ikaw ang anak nina henrietta at castillo?" Galit na sabi pa niya. Punong puno ng pagtataka ang kanyang mukha.

"Pero..." may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya ito maituloy.

Nagulat ako ng bigla na lamang may pumutok sa kung saan. Duon ko lang napansin na may ilang sundalo sa mga katabing building. Dahil sa gulat ay nagawa akong malapitan ni gomez. Nakipagagawan ako sa kanya ng baril. Sinubukan niya akong suntukin, mabuti na lamang at marami kaming natutunan ni franco sa martial arts. Nakipagagawan siya ng baril sa akin, hanggang sa mapadaing ako ng matamaan ako ng bala sa braso. Nagmula iyon sa mga sundalo sa kabilang building.

Bahagya akong nanghina dahil sa tama. Sa gitna ng aming pagaagawan ay pumutok na ang hawak kong baril. Sandaling tumigil ang oras sa pagitan namin ni gomez. Hanggang sa dahan dahan na itong napahiga. Natamaan siya sa kanyang tiyan.

"Para ito sa pagsira mo sa pangalan ng aking ama, para sa pananakit mo kay ina, para sa paggamit mo sa aking lolo, para kay lily, para sa buong hukbo ng norzagaray na pilit mong sinisira ang imahe. Mas masahol ka pa sa hayop gomez" pagbabanta ko sa kanya.

Walang pagkurap kong inubos ang bala ng aking baril sa kanyang katawan hanggang sa sumuka na ito ng dugo. Muli nagpaputok ang mga sundalo.

"Castellana!" Sigaw ni Aziel sa akin.

Nang makita siya ng mga kasamahan ay kaagad tumigil ang putulan. 9:40 sa aking orasan. Alas diyes ang lipad ng huling helicopter. Mabilis akong tumakbo palabas ng roof top. Kung binilisan ko ang pagtakbo ay aabot pa ako sa 3rd tower.

"Castellana!" Tawag ni Aziel sa akin ngunit hindi ko na siya nagawa pang lingonin.

Inda inda ko ang tama ng baril sa aking braso. Naramdaman kong hindi kaagad nakasunod si aziel sa akin kaya naman tumakbo na ako ng mabilis. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakalasalubong ko. Ilang minuto na lamang ang natitira para sa akin.

Dalawang minuto bago mag alas diyes ng makarating ako sa roof top ng tower. Hingal na hingal ako habang papalapit sa helicopter. Nanduon na ang piloto. Dahan dahan ng umikot ang rotor blade ng helicopter.

Ilang hakbang na lamang ang layo ko ng kaagad akong mapahinto dahil sa pagsigaw ni Aziel.

"Itaas ang kamay!" Umiiyak na sigaw niya sa akin.

Dahan dahan ko siyang nilingon. Umiiyak ito habang nakatutok ang kanyang baril sa akin na para bang huhulihin niya ako. Naiyak na din ako, imbes na matakot sa kanya ay mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya para yakapin siya.

"Aalis ka ng hindi nagpapalam!" Galit na sabi nito habang umiiyak. Binitawan na niya ang hawak na baril, mahigpit niya din akong niyakap.

"Magiingat ka palagi Aziel, mahal na mahal kita" umiiyak na paalam ko sa kanya.

Humiwalay ako para hawakan ang kanyang magkabilang pisngi. "Wala akong ibang hihilingin kundi ang sumaya ka, habang patuloy akong umaasa na tayo pa din hanggang sa huli" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Iyak din ito ng iyak. Sandali niya akong siniil ng halik. "Kasama mo akong maghihintay ng tamang panahon na iyon" sabi pa niya sa akin.

Gusto ko pa sana siyang yakapin ng mahigpit ngunit humiwalay na siya sa akin. "Papunta na dito ang mga sundalo, umalis ka na..." pagtulak niya sa akin.

Halos hindi ko na siya makita dahil sa aking pagiyak. "Mahal na mahal kita Captain" nakangiting sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagiyak.

Nakangiti siyang sumaludo sa akin. "Mahal na mahal kita, diwata ng bundok maranat"

"Hanggang sa muli" magkasabay naming sambit bago ako tuluyang sumukay ng helicopter.

















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro