Chapter 49
Soldiers don't date bad girls.
Inipon ko ang buong lakas ko para maakay si lily palabas ng kwartong iyon. Hindi pa man kami nakakailang hakbang ay may hindi bababa sa limang lalaki na ang nanutok sa amin ng baril. Ngunit dahil sa bugso ng aking damdamin at sa galit na namumutawi sa aking dibdib ay hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad din silang pinaputukan. Ilan sa kanila ay sa braso ko lamang natamaan, ngunit hindi na sila nanlaban pa at kaagad ding humiga sa sahig.
Wala ng malay si lily, ayoko mang tanggapin ngunit alam kong wala na siyant buhay, hindi na ito humihinga. Ang kanyang bigat ay mas lalo pang dumoble. Pero kahit hirap na hirap ay sinubukan ko pa din siyang buhatin. Nagulat ako ng may tumakbo papalapit sa amin, babarilin ko na sana ito ng kaagad akong magulat ng makita ko si franco.
"Franco" umiiyak na tawag ko sa kanya.
Hindi kaagad ito nakagalaw, nabato siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa nakikitang kalagayan ni lily. "Franco si lily" patuloy ang aking pagiyak.
Nakailang kurap pa ang kanyang nagawa bago siya humahangos na lumapit sa amin para buhatin niya ito. "Anong nangyari?" Natatarantang tanong niya.
Hindi na ako nakasagot pa. Binuhat niya ito kahit pa hindi gaanong magaling ang kanyang sugat sa braso. Kita kong napangiwi si franco ng pinwersa niya ang kamay niyang may sugat. Pero hindi niya iyon inalinta. Nakasunod ako sa kanilang dalawa habang pababa kami sa may hagdan.
Kaagad na dumapa ang mga katulong ng makita kami. "Walang susunod sa amin" pagbabanta ko sa kanila habang nakatutok sa mga ito ang hawak kong baril.
Mabilis kaming nakalabas ng bahay. Sa tapat ng gate ay nanduon na ang itim na hiace van na ginawa naming runaway vehicle. Si ama ang nagmamaneho habang si ina naman ang nasa passenger seat.
"Dalhin natin siya sa Hospital" pagpipilit ko kahit pa alam kong wala ng saysay dahil wala na si lily.
Napatingin ako kay franco. Nakaunan si lily sa kanyang hita, nabigla ako ng makita ko ang pagiyak nito. Hindi naman linggid sa kaalam ko na may namamagitan sa kanilang dalawa. Alam kong kahit papaano ay mahalaga din si lily sa kanya. Umiiyak si ina habang nasa harapan ng sasakyan. Kita ko din ang lungkot sa mukha ni ama. Wala na akong luha na mailabas pa, basta't ang alam ko ay namamanhid na ngayon ang aking buong katawan, punong puno na ako ng galit. Wala akong ibang naiisip kundi ang manakit, gustong gusto kong patayin si senator anton gomez ngayon din mismo.
"Wala na siya, wala na si lily" paos na sabi ni franco sa amin habang nagpapahid siya ng kanyang luha.
Imbes na umiyak muli ay naikuyom ko na lamang ang aking kamao. Hindi ako titigil hangga't hindi nagbabayad si Senator Anton Gomez sa ginawa niyang paninira kay ama, sa pananakit niya kay ina, at sa pagpatay niya kay lily. Ako mismo, sa mga kamay ko mismo dadanak ang kanyang dugo.
Si franco ang nagayos ng libing ni lily. Nalungkot ang lahat dahil sa sinapit nito, kahit pa kasi hindi maganda ang ugali nito minsan ay mayroon pa din naman siyang mabuting puso, iniisip pa din niya ang ikabubuti ng nakakarami.
"Anak, magpahinga ka na muna" malumanay na sabi sa akin ni ina, nagaayos ako para bumalik sa pinagburulan kay lily. Hindi siya makakapunta duon dahil hindi siya pwedeng lumabas sa mansion, hindi siya pwedeng makita ng mga tao dahil hanggang ngayon ay pinaghahanap pa din siya ni Anton Gomez.
"Ayos lang po ako ina, wag niyo po akong alalahanin" paninigurado ko sa kanya.
Kita ko pa din ang pagaalala sa mukha nito. Kita kong gusto pa din niyang magprotesta, ni hindi na din kasi ako natutulog para lang magbantay sa libing ni Lily.
Sa huli ay wala pa ding nagawa si ina, nagtungo pa din ako sa burol ni lily kung saan ilan sa mga dating taga nayon ang tumutulong sa amin, ilang mga kaibigan at kaunting kamaganak ni lily ang nanduon.
"Oh bakit nandito ka nanaman?" Tanong ni ducusin sa akin ng magulat siya dahil sa aking biglaang pagbabalik.
Tinapunan ko na lamang siya ng tingin at hindi na nagsalita pa. Natanaw ko pa si teacher ana kasama si tito zacharius, kapalit kasi ng kanilang pagtira sa bahay ni tito napoleon ay nagpresinta na lamang ito bilang personal nurse ni tito zacharius.
"Kain ka muna, pumapanget ka na girl" paglapit sa akin ni ducusin, wala pang ilang segundo umupo ako ay inabutan niya na kaagad ako ng sandwich at kape. Tinanggap ko na lamang din iyon dahil nakakaramdam na din ako ng gutom.
"Ano patagalan ba kayo ni franco sa pagbabantay dito? Gusto niyo na bang sumunod kay lily?" Pabirong turan ni ducusin na hindi ko na lamang pinansin dahil alam kong nagaalala lamang ito para sa aming dalawa ni franco.
Dumami ang bisita ng dumating ang ilang kaibigan at kaklase ni lily sa nursing school. Nabigla ang lahat dahil sa nangyari sa kanya. "Franco" pagtawag ko dito.
Tahimik itong nakaupo sa gilid, walang kaemoemosyon ang kanyang mukha, pero alam kong labis din siyang nagluluksa dahil sa nangyari. Tiningala niya ako. "Bakit may problema ba?" Tanong niya sa akin kahit pa ramdam na ramdam ko sa kanyang boses ang pagod.
Umupo ako sa kanyang tabi. "Kasama mo ako sa laban, wala na akong urungan sa mga oras na ito, buo na ang loob ko. Pamilya muna" paninigurado ko sa kanya
Nakita ko ang paglingon ni franco sa akin kahit pa hindi ko siya lingonin. "Sigurado ka na ba? Magiging madugo ang mga susunod na laban" paalala niya sa akin.
Bayolente akong napalunok. "Tapusin na natin ito, pagod na ako" desididong sagot ko sa kanya.
Hinawakan ni franco ang aking kamay. Marahan niya iyong pinisil. "Darating ang araw na ipapakita sayo ng langit, kung bakit kinailangan mo munang maghintay" pagpapagaan niya sa aking loob.
Tipid ko siyang nginitian tsaka ako yumakap kay franco. "Maraming salamat sayo franco, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka dito" malumanaynna sabi ko pa sa kanya.
Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likuran. "Lagi lang akong nandito para sayo diwata" nakangiting sabi pa niya sa akin.
Napahinto kaming dalawa at napalayo ako ng bahagya kay franco ng bigla na lamang sumulpot si Ducusin sa aming harapan. Kumunot ang aking noo, nang makita kong halos hindi na maipinta ang mukha nito, humaba din ang kanyang nguso sa kakaturo ng kung sino sa aming gilid.
"Ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanya hanggang sa sinundan ko na lamang kung sino ang kanyang nginunguso.
Nagulat ako ng makita ko si Aziel kasama ang ilan pang sibilyan na mga sundalo. Pero nawala kay Aziel ang aking tingin, kaagad na kumulo ang aking dugo ng makita ko si Senator Anton Gomez. Nagkukunwari itong malungkot habang nakatingin sa wala ng buhay na si lily. Gustong gusto kong kuhanin ang akibg itinatagong baril at barilin siya sa ulo ngayon din mimso. Pero kumalma ako ng hawakan ako ni franco sa braso.
"Hindi pa ngayon Castellana, hindi sapat ang mabilis na pagkamatay para sa hayop na iyan" paalala sa akin ni franco. Ramdam ko din ang gigil at galit sa kanyang boses.
Hindi sinasadyant napatingin ulit ako kay Aziel na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa pagiging malapit namin ni franco. Nakaramdam ako ng kaunting kaba ngunit mabilis ko din iyong isinantabi.
Walang may gustong lumapit kay Senator anton, sa huli ay isa sa kapamilya na lamang ni lily ang nagentertain sa kanila. Hindi naman kami nabahala sa kung anong pwede nilang sabihin dito dahil wala naman kaming pinagkwentuhan sa tunay na nangyari bukod sa miyembro ng hukbo.
"Aalis na muna ako dito, hindi ko masikmura ang presencya ng anton gomez na iyan" galit na sabi ko kay franco at tsaka ako mabilis na lumabas duon.
Hindi pa man din ako gaanong nakakalayo ng kaagad ng may humila sa aking kamay. "Ano bang..." hindi ko na naituloy ang aking pagproprotesta ng makita ko kung sino iyon, si Aziel.
"Anong kailangan mo?" Walang kaemoemosyong tanong ko sa kanya.
Titig na titig pa din siya sa aking mga mata. "Ano?" Pagkuha ko ng kanyang pansin.
Sandali itong napaiktad, bago siya tuluyang bumalik sa wisyo. "Gusto kong malaman kung ano ang alam niyo sa pagkamatay ni lily" seryosong sabi niya sa akin.
Nanliit ang aking mga mata. "Nahihibang ka na ba? At bakit ko naman ibibigay sayo ang impormasyon na iyon?" Matapang na sagot ko sa kanya.
Sinubukan ako nitong hawakan sa kamay ngunit kaagad ko din iyong binawi. "Simply because, magkakampi tayo dito. Iisa lamang din ang pakay namin kay senator gomez, ang hanapan siya ng baho at maipakulong" giit ni Aziel sa akin.
Napangisi ako. "Tama ka, parehong pareho tayo ng pakay. Ang pinagkaiba nga lang, kulong lang ang gusto niyo, buhay ang gusto namin" laban ko sa kanya kaya naman nakita ko nanaman ang pagkunot ng kanyang noo.
"Papatay ka nanaman Castellana?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Ngumisi ako sa kanya, tinitigan ko siya sa kanyang nga mata. "Pumapatay ka din naman Aziel, sino bang sundalo ang hindi nagpaputok ng bala para mabuhay? Kung ni minsan sa buhay mo, hindi mo nagawang pumatay ng kalaban. Sa tingin mo ba buhay ka pa din hanggang ngayon?" Pagpapaintindi ko sa kanya.
"Pareho lang tayong lumalaban para sa hustisya dito, ang pinagkaiba nga lang sundalo kayo at rebelde kami" dugtong ko pa.
"Pero castellana, may iba pang paraan, ang maipakulong si Senator Gomez, hindi ang kanyang agarang pagkamatay ang solusyon sa bagay na ito" laban din sa akin ni Aziel, ngunit masyado ng binalot ng galit ang aking puso. Ni wala na ata akong nararamdamang kahit katiting na awa para sa walang pusong senador na iyon.
"Humanap kayo ng hustisya, hahanap din kami nang sa amin. Paunahan ng lang ng pagpaparusa kay senator gomez. Iisa lamang ang order sa amin, at hindi naman iyon babaguhin. Shoot to kill, diretso sa ulo hangga't maaari" matapang na sabi ko pa sa kanya. Sinasabi ko ang mga salitang iyon habang nakikipagtitigan ako kay aziel.
Kita ko ang pagawang ng kanyang bibig. "Castellana..." tawag niya sa akin.
"Fair enough, right captain herrer?" Matapang na saad ko. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot. Mabilis akong umalis duon at tsaka iniwan si Aziel. I need to focus.
Matapos ilibing si lily ay kaagad kaming nagensayo ni franco. Wala kaming inaksayang oras, ilang linggo na lamang ay maguumpisa na ang paghahanda para sa halalan. Handang handa na si senator anton gomez na buong buo ang loob na siya ang magiging susunod na presidente ng pilipinas.
Nagaral kami ni franco ng mga self defense training, may alam na kami ngunit dinagdagan pa namin. Hindi ito basta basta laban lang. Ito na ang huli at hindi kami pwedeng matalo dito. "Break!" Anunsyo ng trainor namin.
Hinihingal kaming umupo ni Franco at kaagad na kumuha ng maiinom. "Ang bilis mo talagang matuto" puri sa akin ni franco. Tinaasan ko lamang siya ng kilay kaya naman mas lalo siyang natawa.
"Umamin sa akin si lily na may gusto siya sa akin" paguumpisa niya ng kwento kaya naman sandali akong napatigil.
Napatingin sa malayo si franco. "Eh kaso, hindi ko pa siya gusto nung mga panahon na iyon. Kaya, sex sex lang muna...walang feelings, pumayag naman siya" dugtong pa niya, muli kong naramdaman ang sakit ng pagkawala ni lily. Kahit hindi kami magkasundo palagi, never kong hiniling na mawala siya. Kakampi pa din siya, pamilya.
"Paulit ulit niya akong tinatanong, kung kailan ko siya magugustuhan, ang kulit. Sobrang kulit, kaya naman sabi ko sa kanya pag natapos ang lahat ng ito at gusto pa din talaga niya ako magdadate na kami" patuloy na kwento pa ni franco sa akin, napasinghot pa ito para lamang pigilan ang kanyang nagbabadyang pagiyak.
Hindi ko din napigilang hindi maging emosyonal sa aking nalaman. "Sayang, at hindi man lang nalaman ni lily na gusto mo din siya" panghihinayang ko din.
Napanguso si franco. "Pero ayos na din iyon, kasi hindi naman talaga ako marunong magalaga ng babae, baka masaktan ko lang si lily pag nagkataon" sabi pa niya na kaagad ko namang inilingan.
"Sinong nagsabi sayo niyan? Ang bait bait mo, maalaga ka..." puri ko pa sa kanya.
Napangisi si franco. "Kung hindi ko lang alam na si Aziel ang gusto mo aakalain kong may crush ka sa akin" natatawang sabi niya sa akin.
Kaagad ko siyang hinampas sa braso. "Pwede ba, magfocus tayo" suway ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang natawa.
Kahit gaano namin sinusubukang pagaanin ni franco ang lahat ay hindi pa din maiaalis sa amin ang matinding dedikasyon na maipanalo ang laban.
Umingay ang kaliwa't kanang balita tungkol sa mga kampanya ng mga tumatakbo sa senado at sa pagiging bise presidente at presidente. Mas lalo naming pinaigting ang aming lakas, hindi lamang si senator gomez ang kalaban namin dito kundi ang buong militar.
"Castellana, kailangan bang sumama ka talaga diyan?" Malungkot na tanong ni ducusin sa akin isang araw.
Tipid ko siyang nginitian. "Ano ka ba, handang handa na nga ako oh" pagbibiro ko pa sa kanya at pagpapakita ng aking muscles.
Hindi siya natinag, nakanguso pa din ito na para bang ano mang oras ay maiiyak na siya. "Castel naman, ikaw na lang ang meron ako. Wag mo akong iiwan, sige ka magiging palaboy na ako nito" pagdradrama niya kaya naman natawa ako.
Niyakap ko si ducusin. "Kaya natin ito, pagkatapos nito...pupunta na tayo sa italy. Duon na tayo titira lahat" paninigurado ko pa sa kanya.
Tuwang tuwa si ducusin sa aking sinabi lalo na ng malaman niyang kasama sila ni titser ana duon.
"Nakakuha kami ng tip about sa mangyayaring 70th birthday ng dating senador Panfilo Gomez" paguumpisa ni Tito napoleon ng ipatawag niya kami ni franco kasama ang ilan sa pinakamagagaling niyang tauhan.
"Papatayin ni Anton ang sarili niyang ama, para gumawa ng balita, para kaawaan pa lalo ng mga tao" sabi niya sa amin na ikinagulat ko.
Hindi kagaya ni Anton ay mas marangal na nanilbihan si Senador Panfilo gomez. Hindi ito sakim kagaya ng kanyang anak na si anton.
"Kaya niya iyong gawin?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili.
Napangisi si tito napoleon. "Sakim ang taong pinaguusapan natin dito" sagot niya sa akin.
Napailing na lamang ako. Masama nga talaga si Anton. Pinlano namin ang mga kailangan naming gawin. Muli ay dadalo kami sa kaarawan nito kahit hindi kami imbitado. "Magdoble ingat kayo dahil baka may makakilala sa inyo duon" paalala ni tito napoleon sa amin.
Nang araw ng misyon ay maagang naghanda ang lahat, gabi pa ang simula ng party ngunit marami na kaming kailangang iset up na camera's sa paligid ng venue. "Kailangan nating mailigtas si Senador Panfilo, siya mismo ang maglalabas ng baho ng kanyang anak" paalala pa sa amin ni tito napoleon.
Nagkanya kanyang ayos na kami. Suot ang aking kulay matoon na off shoulder longsleeve dress ay napabilang ako sa isa sa mga event organizer. Suot ang pekeng ID ay maaga akong nakapasok duon.
Ang ibang tauhan ni tito napoleon ay nakapasok bilang mga waiter. Mula sa pagiging organizer ay nakapuslit ako ng isa pang invitation para sa pagpasok ni franco.
"The event will start in 5 minutes" anunsyo ko sa mga kasama namin, kumagat na din ang dilim at dumdami na ang mga tao. Ilang kilalang tao at mga artista ang aking nakita. Hindi nagtagal ay dumating na din si Senator Anton gomez, kasama ang mga bantay niyang sundalong civilian kasama si aziel.
Nagiwas na lamang ako ng tingin dahil kung tititigan ko pa siya ng matagal ay baka mawala lamang ako sa focus. Mabilis na nagkumpol ang mga media kay senator anton, iba't ibabg klase tanong ang ibinato sa kanya. Ilang tanong ang tungkol kay ina ngunit hindi ko na narinig pa kung ano ang isinagot niya dito.
Nakatanggap ako ng impormasyon kung nasaang hotel room ang nakatatandang gomez. Mabilis na nagtungo duon ang ilan sa aming mga kasamahan. Tumahimik at nagsiupo ang lahat ng iannounce ng emcee na magsisimula na ang program. Isang video presentation ng naging buhay ni mr. Panfilo gomez ang ipinapanuod sa mg bisita.
Panay ang hingi ko ng update sa kung ano na ang nangyayari sa itaas. Madaming bantay sa labas ng kwarto nito. Kung sapilitabg papasok ang aming mga kasama ay siguradong magkakagulo. Kailangan naming magisip ng plano.
Kumabog ang aking dibdib ng tumayo si senator anton gomez, sa kanyang pagtayo ay nakasunod sa kanya si aziel at dalawa pang sundalong civillian. Nakita kaagad ako ni Aziel at mabilis na dumapo ang kanyang mga mata sa aking kabuuan. Nagiwas na lamang ako ng tingin, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pagkakatitig ni Senator sa akin.
Kahit gustong gusto ko na siyahg patayin ay ngumiti pa din ako sa kanya. "Good evening senator" nakangiting pagbati ko.
Bumaba ang tingin niya sa akin katawan. Halata ngang may pagkamanyak ang isang ito. "Hi, you look familiar. Have ee met before?" Malanding tanong niya sa akin na may kasama pang paghaplos sa aking braso.
Kahit nandidiri ay nagawa ko pa din siyang nginitian. "I don't think so, senator...ngayon ko lang po kayo nameet" sagot ko naman sa kanya.
Kita ko ang matalim na tingin ni Aziel sa akin at sa kamay ni Senator na nakahawak sa aking braso. "May kamukha ka talaga eh, hindi ko maalis ang mga mata ko sayo" pambobola pa niya.
Kailangan kong magkumwaring natutuwa at kinikilig ako sa mga pinagsasabi niya. "Kayo po talaga senator..."
Natigil ang pagtitig niya sa akin ng may lumapit na lalaki sa kanya at may ibinulong. Kaagad na nagbago ang mukha nito kaya naman alam kong may nangyayari na sa itaas. Mabilis niya akong tinalikuran.
"Teka po senator" pagpigil ko sa kanya at tsaka ko pa siya hinaplos sa kanyang braso.
Napatigil siya ngunit maya maya ay kumunot ang kanyang noo ng titigan niya ako. "Take this woman" utos niya sa isa sa kanyang mga tauhan.
Nanlaki ang aking mga mata, maging si aziel ay nagulat din sa nangyari. "Wag kang gagawa ng eskandalo" pagbabanta sa akin ng tauhan nitong nakahawak sa akin. Tahimik akong sumama sa kanya. Naghihintay lamang ako ng tiempo na walang tao dahil kaagad ko na siyang papatulugin.
Naglakad kami papasok sa fire exit, bumubwelo pa lamang ako ng kaagad na akong magulat ng matumba ang lalaking nakahawak sa akin.
"No one can touch my woman" galit na saad ni Aziel sa kanya na humabol pa ng isang sipa.
"Let's go" paghila niya sa akin paakayat sa hagdanan.
Hiningal ako dahil sa bilis nitong tumakbo. "Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya kahit hirap na hirap ako sa suot kong heels.
"Nalaman ko din ang plano ni senator gomez sa kanyang ama, nandito ako para tumulong, gusto ko ding mailigtas ang dating senador" sagot ni Aziel sa amin.
Ginamit ko ang aking buong lakas para bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Aziel. "Hindi kami nandito para iligtas si senador panfilo gomez, nandito kami para kidnapin siya at pilitan na magsalita laban sa kanyang anak" paliwanag ko kay Aziel.
"Kahit na, tutulong ako" laban pa din niya kaya naman hinayaan ko na lamang siya.
Pagdating namin sa tamang palapag ay nakarinig na kami ng mga sigawan, kanya kanyang daing. Dahil sa pagsusuntukan. Walang nagabalang magpaputok ng baril dahil kung nagkataon ay nagkagulo na ang lahat. "My gun has a silencer" pagbibida ko kay Aziel.
Kaagad siyang napatingin sa nilabas kong baril at mabilis na kinuha iyon sa akin. "Hindi ka lalaban dito, sayang ang ayos mo. I want to date you after this" seryosong sabi pa niya kaya naman kaagad ko siyang sinuntok sa braso.
"No, asa ka..." laban ko sa kanya.
Half of me missed moments like this, yung parang mga normal na couples lang kami, nagaasaran kung kailan nila gusto. But our case is different.
Kaagad kaming napalaban ni Aziel. Sa kabilang dulo ng hallway ay nakita ko na ang paglalabas nila franco kasama ang iba pa naming kasamahan sa nakatatandang gomez. Kahit nakasuot ng dress ay hindi naging sagabal iyon pars magamit ko ang mga inaral namin ni franco.
"Aalis na ako" sabi ko kay aziel ng mapatumba na namin ang mga tao sa floor na iyon.
"How about our date?" Tanong niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "I don't have any appointment with you captain" mapanuyang sabi ko sa kanya tsaka ko siya tinalikuran.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng kaagad akong mapatigil ng makarinig ako ng putok ng silencer. Kahit kinakabahan ay kaagad kong nilingon si Aziel. Naikuyom ko ang aking kamao ng makita kong may tama ito sa kanyang tagiliran. Ang aking baril ay mabilis kong kinuha at pinaputukan ng tatlong beses ang bumaril sa kanya.
"Hindi ka nagiingat!" Galit na sabi ko kay Aziel at tsaka siya mabilis na hinila papasok sa isa sa mga bakanteng kwarto.
Dumudugo ang kanyant sugat. "Istorbo ka sa mission ko, dapat hindi na ako sumama sayo" patuloy na reklamo ko sa kanya habang natataranta akong patigil ang pagdudugo.
Pero mas lalo lamang akong nainis dahil sa sinabu nito. "How can i get an appointment then? I miss you so damn much" tanong niya pa sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Soldiers don't date bad girls" sabi ko pa.
Napangisi siya. "Who said? I can marry one soon..." nakangising pagyayabang pa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Soon..." mapanuyang sabi ko sa kanya, ngunit ang puso ko ay punong puno ng pagasa.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro