
Chapter 48
Patawarin mo ako lily
Mas lalong lumakas ang palitan ng putok ng batil kasabay ng paghiyaw ng mga taong nagkakagulo, kung saan saan sila nagtatatakbo kaya naman nahirapan din akong lapitan ang pamilya ni Senator Santi Gatchalian. "Tabi, tabi...lumabas na kayo" paulit ulit na sabi ko sa mga taong nakakabangga ko.
Muli kong isinuot ang mascara sa aking mukha. Mahigpit kong hinawakan ang aking baril. "Franco, nasaan na sila?" Tanong ko dito mula sa device namin.
Ilang sandali lamang ay sumagot ito. "Paakyat sa fire exit, may kasamang isang sibilyang sundalo" sagot niya pero nahalata kong may kakaiba sa boses nito.
"Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
Rinig ko pa din ang paghahabol nito ng kanyang hininga mula sa kabilang linya. "Oo, ayos lang...natamaan lang ako sa kanang braso. Daplis lang ito wag kang magalala" sabi pa niya sa akin pero hindi ko maalis na hindi isipin ang kalagayan ni Franco.
"Nasaan ka? Pupuntahan kita." Tanong ko sa kanya at desidido na talaga akong puntahan siya.
"Ayos lang ako, sundan mo na sila Senator santi, magkita na lang tayo mamaya" pinal na sabi pa nito bago niya pinatay ang connection. Kaya naman kahit labag sa aking loob at may pagaalinlangan ay wala na akong nagawa kundi ang sundan ang pamilya ni Senator Gatchalian para siguraduhing ligtas sila.
Tinakbo ko ang daan patungo sa fire exit na sinasabi ni Franco. May ilang sibilyan pa akong nakabirilan bago ako tuluyang makapasok duon. Mula sa ground floor ay rinig ko ang iyak at takot ng pamilya nito mula sa itaas. Kahit may suot na high heels ay sinikap kong makaakyat ng mabilis para makasunod sa kanila.
Nasa 7th floor na sila ng hotel ng abutan ko. "Sen..." hindi ko na naituloy ang pagtawag ko dito ng tutukan ako ng baril ng kasama nilang sibilyang sundalo. Duon ko lang narealize na si Aziel ang katapat ko ngayon, nang makilala niya ako ay kaagad din naman niyang binaba ang kanyang baril.
"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Nandito ako para siguraduhin ang kaligtasan ng buong pamilya ni Senator, kakampi ako...hindi kalaban" paninigurado ko sa kanila.
Kaagad na lumapit sa akin ang umiiyak na asawa ni senator. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Pilit mang maging matapang para sa kanilang tatlong anak ay hindi nito mapigilang matakot.
"Tulungan niyo kami, gusto nila kaming patayin" pakiusap niya sa akin.
Kaagad ko siyang tinanguan. "Wag po kayong magalala mrs. Gatchalian, hindi po namin hahayaan na may mangyaring masama sa inyo" paninigurado ko pa sa kanya.
Tipd itong ngumiti. Ngunit kaagad na bumalik ang takot nito maging sa kanyang mga anak ng namatay ang ilaw sa buong building. Narinig namin ang malakas na hiyawan ng mga tao mula sa baba. At kaagad akong naging alerto maging si Aziel ng marinig namin ang pagakyat ng ilang mga lalaki para habulin kami.
"Umakyat na tayo, kailangan natin silang maitago" sabi ni Aziel ng kanyang plano.
Tumango ako kahit pa hindi kami gaanong nagkakakitaan dahil sa dilim. "Sige na, dalhin mo na sila sa ligtas na lugar. Ako na ang bahalang humarang sa kanila dito" pagprepresinta ko. Naghanda na ako para magpaiwan duon ng magulat ako ng may humawak sa aking braso.
Ang init ng kanyang palad ay sobrang pamilyar sa akin, kahit hindi ko na tingnan pa ay alam kong si Aziel iyon. "Hindi ka maiiwan, sasama ka sa amin" seryosong sabi niya sa akin at hindi na ako nakapalag pa ng hilahin niya din ako.
Gustuhin ko mang lumaban at tumanggi ay hindi ko na nagawa dahil kung makikipagtalo pa ako sa kanya ay matatagalan lamang kami at mas lalong malalagay sa kapahamakan ang pamilya gatchalian.
Nauwi kami sa isang bodega sa 9th floor. Mabilis na sinigurado ni Aziel ang lock ng pinto para hindi kaagad kami mapasok. "Kailangan niyong makapagtago" sabi ko sa mga ito at tsaka sila isa isang tinulungang makahanap ng pwedeng pagtaguan. Hindi namin kakayaning dalawa ni Aziel kung sakali mang mapasok kami at pagbabarilin, mas ayos nang nakatago sila para mas safe.
Tumunog ang dalang walkie talkie ni Aziel. Hindi ko naintindihan ang paguusap nila sa kabilang linya kaya naman hinintay ko muna silang matapos bago ako magtanong. "Kamusta ang lagay sa baba?"
"Bihag ng mga rebelde ang buong building" problemadong sagot niya sa akin.
Kaagad na kumunot ang aking noo. "Hindi rebelde ang may gawa nito, nandito kami para protektahan ang mga Gatchalian, hindi para bihagin ang buong hotel" giit na laban ko kay Aziel. Ipaglalaban ko ang karapatan at pangalan ng aming grupo hangga't maaari.
Sandaling natahimik si Aziel. "Hindi lang ang hukbo niyo ang rebelde sa buong pilipinas" sagot niya sa akin kaya naman tumaas ang kilay ko.
"Exactly, mabuti na yung malinaw na hindi kami ang may gawa nito" mataray na sagot ko pa sa kanya sabay irap.
Nagulat ako ng lumabas si Senator mula sa kanyang pinagtataguan, nakatingin siya sa akin. "Ibig sabihin..." naguguluhang panghuhula pa niya kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at dahan dahang hinubad ang suot kong mascara.
Nang tuluyan niyang makita ang aking buong mukha ay bahagya pang nanlaki ang kanyang mga mata. "Ikaw ang anak ni Castillo Hermosa" parang naaamaze na sambit pa niya.
"Ako nga po" sagot ko.
Akala ko ay magagalit ito o kaya naman ay manunumbat. Ngunit nagulat ako ng inabot pa niya sa akin ang kanyang kamay. "Ikinagagalak kong makilala ang diwata ng bundok maranat" nakangiting sabi pa niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot, ngunit mabilis kong inabot ang kamay ko sa kanya bilang paggalang. "Ikinararanggal ko din pong makilala kayo senator, ang aming buong kampo ay nasa inyong likuran para sumuporta sa inyo" pagbati ko pa sa kanya.
Napangiti siya at napayuko. "Sinasabi ko na nga ba, ang mga masasamang balita kay Castillo ay gawa gawa lamang. Nuong una pa lang ay hindi na talaga ako naniniwala sa mga paninirang ibinabato sa kanya. Isa siya sa pinakatapat at magaling na sundalo nung kanyang panahon..." sabi pa niya at tsaka tumingin kay Aziel.
"Parang si Captain Tadeo" paghahalintulad pa niya dito.
Sandali ko lamang sinulyapan si Aziel at kaagad ding nagiwas ng tingin. Marami sa sanang gustong sabihin si Senator Santi pero mas pinili na lamang namin na magtago na muna siya hanggat hindi pa namin nasisigurado ang kanilang kaligtasan.
"Wala pa bang mga sundalo sa baba?" Hindi mapakaling tanong ko kay Aziel.
"Napapalibutan na ng mga sundalo ang buong building, pero hindi nila basta basta mapapasok to, siguradong may mga bihag sila sa baba" sagot at pagpapaliwanag niya sa akin.
Mas lalo akong nagalala para kay franco at sa kalagayan nito. "Lalabas ako" desididong sabi ko sa kanya na ikinabigla niya.
"Delikado na sa labas" giit niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. "May tama si franco sa kanang braso, kung hindi iyon maaagapan. Baka maraming mawalang dugo sa kanya" paliwanag ko kay Aziel.
Nanatili siyang nakatitig sa akin. "Stay" tipid, ngunit mabigat na sambit pa niya.
"Pero..." pagdadahilan ko pa sana.
"Stay castellana" paguulit pa niya.
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya, pero alam ko sa aking sarili na desidido na talaga akong lumabas para hanapin si franco at tulungan siya. Naghihintay pa man si Aziel sa aking sagot ay kaagad kaming napaikatad ng may magtangkang magbukas ng pinto mula sa labas.
"Naka lock to pre"
"Buksan mo"
Rinig naming paguusap ng mga ito mula sa labas. Dahil duon ay muli naming binalikan ang mga anak at asawa ni senator gatchalian para siguraduhing nasa maayos silang taguan.
"Senator, kahit ano pong mangyari wag na wag kayong lalabas" pagpapaalala ko sa kanya.
Tumango naman ito. "Ang pamilya ko, wag niyong papabayaan ang pamilya ko, pakiusap" pagmamakaawa niya.
"Wag po kayong magalala, gagawin namin ang lahat nang aming makakaya" muling paninigurado ko pa sa kanya.
Mas lalong nagpursige ang mga lalaki sa labas para buksan ang pintuan. Naghahanap na ako ng magandang pwepwestuhan para sa oras na bumukas ang pinto ay makakabaril ako kaagad.
"Anong ginagawa mo? Halika dito" paghila sa akin ni Aziel kaya naman nagulat ako.
Dinala niya ako sa isa sa malaking cabinet at pumasok kami duon pareho. "Ano bang ginagawa mo? Kailangan tayo sa labas" galit na sabi ko pa sa kanya.
Sobrang dikit ng aming mga katawan dahil na din sa liit ng cabinet na sakto lamang para sa aming dalawa. Nakatitig lamang siya sa akin, kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang.
"Aziel..." frustrated na tawag ko na sa kanya.
Mas lalo pa niyang nilapit ang kanyang sarili sa akin, pero hindi ako duon nagulat kundi ng marinig kong nabuksan na ng mga lalaki ang pintuan mula sa labas.
Nanlaki ang aking mga mata pero hindi lamang nagbago ang ekspresyon ni Aziel, nanatili pa din siyang kalmado. "Aziel!" Galit na tawag ko sa kanyang pangalan.
"How can i let you go?" Malungkot na tanong niya sa akin kaya naman nabato ako.
Hindi ako nakaimik, pero ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Napaawang lamang ang aking bibig, gusto ko din sanang magsalita ngunit walang gustong lumabas sa aking bibig.
"You make me happy" dugtong pa niya.
"You inspire me in life...you push me to be my best everyday" sabi pa niya bago siya naging emosyonal. Bumigat ang aking dibdib, parang may kung anong gustong kumawala.
"How can i let you go Castellana? I'm not that strong...you make me strong" sabi pa niya kasabay ng pagpatak ng luha mula sa kanyang kanang mata.
Hindi ko na namalayan na umiiyak na din pala ako. Hanggang sa mapapikit na lamang ako ng buong lambing na humalik si Aziel sa aking noo.
"You will always be my great love, kahit magkalayo tayo, kahit hindi tayo magkasama araw araw, tama ka i won't lose hope for us" madamdaming sabi pa niya sa akin.
Bayolente akong napalunok. "May problema ba Aziel? Bakit ganyan ka magsalita?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
Hinaplos lamang nito ang aking pisngi. "We're leaving for Madrid after the election..." paalam niya sa akin.
Biglang sumikip ang aking dibdib, para akong nawalan ng hangin ss katawan. "Babalik na din kami sa italy pagkatapos ng elekyon" malungkot na kwento ko sa kanya.
Malungkot na ngumiti si Aziel. "Maybe this is part of our story, but i'll meet you soon...maghihintay ako" paninigurado niya sa akin.
Kahit punong puno ng luha ang aking mukha ay nagawa ko pa ding nginitian si Aziel. "I'll wait for you Aziel" buong lambing na sabi ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa labi.
Natigil lamang ang tagpo na iyon ss pagitan namin ni Aziel ng may tumawag sa kanya mula sa labas. "Captain..." paghahanap ng mga ito sa kanya.
Bago siya lumabas at magpakita ay binigyan niya muna ako ng direction sa kung paano ako makakalabas duon ng hindi ako nakikita ng mga sundalo.
"Magiingat ka" paalala niya sa akin na ikinatango ko.
Tuluyang lumabas si Aziel para harapin ang mga kasamahang sundalo. Nang ako na lamang magisa ay duon na muling bumuhos ang aking luha. Masyadong malupit ang tadhana para sa amin ni Aziel. Wala kaming ibang pwedeng gawin kundi ang umasa na darating ang araw na magkikita kaming muli, kung saan tama na ang lahat para sa amin.
Apat na araw ang lumipas pagkatapos ng pangyayaring iyon. Naging malaking balita ang nangyari sa simpleng debut lang sana ng anak ni senator gatchalian. Marami mang inspekulasyon ay ayaw pa ding aminin ng mga media na si Senator antonio gomez ang may pakana ng lahat.
"Kayang kaya niyang idiin si Gomez" galit at gigil na sabi ni tito napoleon pagkatapos naming mapanuod ang isa sa mga interview kay senator gatchalian.
"Nagiingat ang lahat, maging ang kapulisan at militar ay hindi din nagbibigay ng opinyon tungkol dito" sabi ni ama sa kanya.
Napamura si tito napoleon dahil sa pagkainis. "Mga mangmang, ang sabihin nila napasakan na ng pera ang mga bunganga nila" galit na galit na sabi pa niya.
Nanatili lamang akong tahimik at napatingin na lamang sa nakatayong si Franco sa may gilid. Hindi naman gaanong malalim ang kanyang tinamong sugat.
Maya maya ay dumating ang isa sa mga imbestigador ni tito napoleon. "Siguraduhin mong may maganda kang ibabalita sa akin alfred ha" pagbabanta ni tito napoleon sa kanyang tauhan.
Napatango ang lalaking nagngangalang alfred. "Nakakuha po ako ng balita na pwedeng ikasira ni senator Gomez" paguumpisa niya.
"Ano?" Tamad na tanong ni tito napoleon dito. Halos lahat ay naghihintay din sa kanyang ibabalita.
Mayninabot itong brown envelope kay tito. "Halos magiisang linggo na pong hindi lumalabas sa telebisyon ang asawa nitong si Lady Henrietta, napagalam ko pong sinasaktan niya ang kanyang asawa..." hindi na naituloy pa ni alfred ang kanyang pagkwekwento ng halos sabay kaming mapatayo ni ama dahil sa aming nadinig.
Kaagad siyang nataranta, hindi siya mapakali. Sinuway na siya ni tito napoleon pero hindi pa din siya nagpapigil. "Sinasabi ko na nga ba, hindi ligtas si Henrietta sa kamay ng anton na iyon" galit at problemadong sabi ni ama.
Nakaramdam din ako ng bigat sa aking dibdib. Hindi ko din naatim ang aking nadinig. "Anong plano mo kung ganuon castillo?" Mapanghamong tanong ni tito napoleon sa kanya.
"Ililigtas ko siya, kukuhanin ko siya kay anton" desididong sagot ni ama dito.
"Sasama ako sayo ama" pagsangayon ko sa kanya ngunit napahinto kami at kaagad na napalingon kay tito napoleon ng tumawa ito ng pagak.
"Para saan pa ang pagpapanggap ni lily bilang hannaniel, para saan pa ang pagtatago mo Castillo kung magpapakita ka lang din sa kanya?" Mapanuyang pagpapaalala niya sa amin.
Gusto kong sagutin si tito napoleon, kaunti na lamang talaga ay iisipin kong wala na siyang puso at tuluyan na lamang nabalot ng galit at paghihiganti ang kanyang pagkatao. Mabuti na lamang at nanahimik ako, dahil si ama na ang nagsalita para sa aming dalawa.
"Kukuhanin namin si Henrietta at walang makakapigil sa amin napoleon" desidido ng sabi ni ama sa kanya.
Nagtaas ito ng kilay. "Kahit ako?" Mapanghamong tanong niya.
Napatingin ako kay ama, kita ko sa kanyang mga mata ang galit at determinasyon. "Kahit ikaw" matapang na sagot ni ama sa kanya kaya naman wala ng nagawa pa si tito napoleon kundi ang manahimik.
Mabilis na umalis si ama kaya naman sumunod ako sa kanya. "Ama kasama mo ako dito" pagpapaalala ko sa kanya.
Tinanguan niya lamang ako. "Pagaaralan ko munang mabuti ang pasikot sikot sa bahay ng mga gomez, ipapatawag kita mamaya para sa magiging plano" sabi pa ni ama sa akin at tsaka na siya tuluyang lumayo.
Wala naman akong nagawa pa kundi ang maghintay sa magiging utos niya. Napaiktad naman ako nang saktong paglingon ko ay si franco. "Gusto kong tumulong" seryosong sabi niya sa akin.
"Franco, hindi pa pwede. Hindi pa ganuon kagaling ang sugat mo. Salamatm pero kaya naman na siguro namin ito ni ama" pagtanggi ko sa kanyang alok dahil nagaalala pa din ako sa nangyari sa kanya.
Kita ko ang lungkot sa mga mata ni franco. Alam ko kung gaano niya kagustong tumulong sa amin. Alam ko namang isang ama na din ang turing niya sa aking ama. Hinawakan ko siya sa kanyang braso. "Kahit wala ka duon, alam kong magiging masaya si ama dahil nakasuporta ka sa amin" pagaalo ko sa kanya.
Madilim na sa labas ng ipatawag ako ni ama sa meeting room. Kagaya ng inaasahan ko ay kaming dalawa lamang ang nanduon. Hindi kagaya sa tuwing mayroon kaming mission. Maraming tao, maraming tutulong.
"Ipinagbawal ng tito napoleon mong tulungan tayo. Takot ang lahat na sumama sa ating magiging mission" seryosong bungad sa akin ni ama.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Naglakad ako papalapit sa kanya. Hindi ako nagpakita ng kahit anong takot at pangamba. "Kaya natin itong dalawa ama." Paninigurado ko sa kanya at pagpapalakas na din ng kanyang loob.
Inilatag ni ama sa akin ang magiging plano. Nakinig ako ng maigi sa kanya. Kita ko ang kagustuhan niyang mabawi namin si ina.
"Magpahinga ka na, kailangan mo ng lakas para bukas" paalala niya sa akin ng matapos na ang pagaayos namin ng plano.
Imbes na sumunod ay nanatili ako sa aking kinauupuan. "Ama bakit ngayon lang?" Magulong tanong ko sa kanya.
Napahinto siya sa kanyang ginagawa. "Bakit ngayon lang ang alin?" Balik na tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga ako at nagkibitbalikat. "Bakit sa tinagal tagal ng panahon, ngayon mo lang naisipang kuhanin si ina mula kay anton gomez" tanong ko sa kanya.
"Dahil akala ko ay masaya na siya, dahil sa tingin ko ay tama ang dating presidente, na hindi ako karapatdapat sa kanya. Na mas karapatdapat si anton gomez, isang politiko, mayaman, galing sa marangal na pamilya" malungkot na sagot niya sa akin.
"Pero hanggang ngayon ay umaasa pa din po kayo na babalik si ina hindi ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya kahit pa ako na ang kusang nasasaktan habang iniisip ko ang mga pinagdaanan nila.
"Hindi naman ako kailanman tumigil na maghintay sa kanya. Sa lahat ng nangyaring ito, alam kong para parin kami sa isa't isa" sabi pa niya sa akin.
Mas lalo akong humanga kay ama, ngayon alam ko na kung kanino ko namana ang pagiging matyaga ko. Ang mga paniniwala ko sa pagibig. Ang determinasyon kong umasa at maghintay na darating ang araw na kami pa din ni Aziel hanggang sa huli.
Kinaumagahan din nuon ay naghanda na kami ni ama. Ni walang gustong lumapit sa amin para tumulong dahil sa takot kay tito napoleon. Pero iba si franco.
"Hindi ka ba natatakot kay tito napoleon?" Tanong ko sa kanya habang inaayos at sinisigurado niya ang mga kakailanganin naming armas at gamit.
Napanguso ito, nagawa pa din niyang tumulong kahit ang isang kamay niya lang ang nagagalae niya. "Hindi ko naman siya amo. Si pinuni pa din ang susundin ko" seryosong sagot niya sa akin. Napangiti ako.
"Sasabihin ko kay ama, ampunin ka na lang para may kuya na ako" walang preno prenong sabi ko kaya naman napairap na lamang siya franco at kaagad na nabugnot.
Huli ko na nang marealize ang aking sinabi. Umalis kami sa mansion habang nakatingin lamang si tito napoleon sa amin, walang ni kahit anong lumabas na salita sa kanyang bibig.
Bago din kami makaalis ay nabanggit sa akin ni Franco na nakausap niya si Aziel. Sinabi niya dito ang tungkol sa mga ginagawang anumalya ni senator anton gomez. Gusto man niyant maniwala na ito talaga ang dahilan ng kaguluhan sa debut ng anak ni senator gatchalian ay wala siyang magawa. Isa siyang sundalo at wala dapat siyang kampihan sa dalawa. Kasama sa kanyang tungkulin ang pangalagaan ang bawat mamamayang pilipino.
"Hindi natin malalapitan si Gomez. Si herrer ang nagbabantay sa kanya ngayon" sabi ni ama sa akin habang nasa byahe kami. Nagulat ako, kaya siguro hindi ako mapakali kanina habang kausap ko si franco. Ramdam ko kasing may gusto pa sana siyang sabihin sa akin pero hindi niya na naituloy.
"Wala po siyang magagawa, tungkulin po niya iyon." Malungkot na sagot ko kay ama na ikinatango niya naman. Ss aming dalawa ay siya ang mas nakakaalam ng tungkulin ng isang sundalo. Na kahit gaano kasama ang isang pulitoko ay wala silang choice pag naassign sila na magprotekta dito.
Nataon na busy ang kanya kanyang kampo sa magaganap na miting de avance sa tondo. Nakita naming lumabas ang senatorial car ni anton gomez at nakita naming walang ni kahit anino ni ina sa loob nuon.
"Nasa loob ang iyong ina, kailangan nating siyang makuha bago bumalik si gomez" sabi ni ama sa akin kaya naman napatango ako.
Sinunod namin ang plano. Kitang kita ko na inaral talaga ni ama ng maigi ang pasikot sikot sa mansion ni Gomez. Kagaya ng inaasahan ay nakatutok ang lahat ng kanyang bantay sa kanyang pansariling seguridad. Bukod sa guard sa harapan ng kanyang bahay ay iilang mga katulong na lamang ang naiwan sa loob na mabilis naman naming napagtataguan.
Naghiwalay kami ng direction ni ama, ilang kwarto na mula sa second floor ang binuksan ko ngunit wala pa din duon si ina. Kaya naman nagpasya na akong umakyat patungo kay ama. Sa pangatlong kwarto ay napatigil ako sa aking nasaksihan.
"Sinasabi ko na nga ba at magkikita ulit tayo ilyo...hindi ako nawalan ng pagasa na makita ka ulit" umiiyak na sabi ni ina habang yakap yakap ang aking ama.
Lumambot ang aking puso, para itong unti unting natutunaw. "Hindi ka kailanman nawala sa puso't isip ko...kayo ng ating anak" patuloy na pagiyak ni ina.
"Nasaan na si lily?" Tanong ni ama dito.
"Nalaman ni anton na nagpapanggap lamang ito, hindi ko alam kung saan nila dinala ang babaeng iyon, pero sigurado akong nasa panganib ang kanyang buhay" sabi pa ni ina dito.
Nakaramdam ako ng pagaalala para kay lily. "Castellana?" Tawag ni lady henrietta sa akin ng mapansin niya akong nakasilip.
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok at lumapit sa kanila. "Siya si Hannaniel, ang ating anak" pagpapakilala ni ama sa akin.
Muling bumuhos ang mga luha sa mga mata ni ina. Ni hindi na halos siya makapagsalita pa. Niyakap niya na lamang ako ng mahigpit na kaagad ko din namang ginantihan.
"May nakapasok!" Sigaw ng isang katulong.
Nataranta kami ni ama. Kaagad niyang binuhat si ina na parang bagong kasal. Namumula ang palapulsuhan nito dahil sa pagkakatali. Nakabusal din ang kanyang bibig ng abutan siya ni ama. May pasa siya sa mukha at katawan, putok din ang gilid ng kanyang kanang labi.
"Ama dalhin mo na si ina, ako na ang bahala dito" pagtutulak ko sa kanila.
"Pero hannaniel" umiiyak na tawag ni ina sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. "Susunod po ako. Pangako..." paninigurado ko sa kanya.
Mabilis na nakipagpalitan ng putok ng baril sa akin ang dalawang guard. Isa sa kanila ay natamaan ko sa braso. Tinakbo ko ang daang tinahak namin ni ama papasok. Naligaw pa ako, kaya naman kung saan saang kwarto ako nakapasok.
"Castellana..." tawag sa akin ng isang babae.
Kaagad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses, nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si lily. Puno ng paso ng sigarilyo ang kanyang katawan, kagaya ni ina ay bugbog sarado din siya.
"Anong nangyari sa iyo?" Nagaalalang tanong ko.
Mas lalo itong naiyak. "Inabuso niya ako, sinasaktan..." umiiyak na sumbong pa ni lily.
Nanlabo ang aking paningin. "Dadalhin kita sa hospital"
Napailing na lamang siya. "Hindi ko na kaya..." nanghihinang sambit niya.
"Patawarin mo ako lily...hindi dapat nangyari sayo ito" umiiyak ng sabi ko.
Tipid itong ngumiti kahit pa nanghihina. "Ikinararangal kong makatrabaho at makasama kang lumaban, diwata ng bundok maranat..." nakangising sabi pa niya sa akin hanggang sa unti unti ng nawalan ito ng hininga.
Nabalot ng galit at poot ang aking puso. "Buhay ni Senator Gomez ang magiging kabayaran sa lahat ng ito. Handa akong pumatay sa huling pagkakataon..." punong puno ng pagkamuhi na pangako ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro