Chapter 47
The Masquerade
Iyak ako ng iyak habang naglalakad si Franco palayo kay Aziel. Halos malukot ko ang kanyang damit dahil sa higpit ng pagkakahawak ko dito. Kahit anong pigil ko na umiyak ng tahimik ay hindi ko na kaya. Napahagulgol ako kahit pa nasa harap ko si franco. Ramdam ko ang tingin niya sa akin.
"Sabi mo umalis na tayo duon, anong iniiyak iyak mo diyan?" Mahinahong tanong niya sa akin na para bang kahit gusto niya akong pagalitan ay hindu niya magawa.
Umiling lamang ako at mas lalong nagsumiksik sa kanyang dibdib para itago ang aking mukha sa kanya. Nang tuluyan kaming makalabas sa lumang gusaling iyon ay mas lalong bumilis ang lakad ni Franco ng marinig namin ang malalakas at sunod sunod na putok ng baril sa loob.
"Sigurado ka bang may mga sundalo na sa loob?" Nahihirapang tanong ko sa kanya dahil sa pagiyak. Ngunit pinilit ko pa ding itanong iyon dahil nagaalala ako sa kaligtasan ni Aziel.
Tamad akong tiningnan ni Franco. Napairap pa ito sa kawalan. "Wag kang magalala, may sa pusa ata ang lalaking yun...hindi pa mamamatay iyon" tamad na sagot niya sa akin kaya naman natahimik na lamang ako.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang kulay itim na hiace van na naghihintay na sa amin. Mabilis kaming sumakay ni Franco ko duon. Hindi na ako nagsalita pa, hindi ko na din nagawa pang itanong kung saan kami pupunta, may tiwala ako kay franco kaya naman ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinilit tanggalin ang masasakit na isipin.
I am half awake pagdating namin sa isang bahay, hindi iyon pamilyar sa akin ngunit kita ko ang ilang nakakalat na tauhan, maging ang mga sasakyan na sigurado akong pagmamayari ni tito napoleon. Isa nanaman siguro ito sa kanyang mga mansion. Muli akong binuhat ni Franco dahil sa panghihina. Bukas ang aking diwa, ngunit hindi ko magawang makipagusap sa kanila.
"Kamusta si Castel? Dalhin mo na siya sa kanyang kwarto, paparating na ang doctor na titingin sa kanya" rinig kong nagaalalang sabi ni tito Zacharius.
Hindi nagsalita si Franco ngunit ramdam ko ang kanyang paglakad maging ang pagakyat ng hagdan. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang paglapag ni Franco sa akin sa malambot na kama. Nang masigurado niyang maayos na ang aking pagkakahiga ay aalis na sana siya, ngunit kaagad kong hinawakan ang laylayan ng kanyang damit para pigilan siya.
"Maraming salamat franco" nanghihinang sabi ko.
Marahan nitong ginulo ang aking buhok. "Magpahinga ka na muna" sabi niya sa akin na tipid ko na lamang nginitian.
Hindi ko na napigilan ang pagkain sa akin ng antok nung mga oras na iyon. Tuluyan akong nakatulog at hindi ko na namalayan kung ilang oras akong walang malay.
Nagising na lamang ako isang araw dahil sa pagkasilaw ng tumatamang sikat ng araw sa aking mukha. Mariin kong sinipat ang nakatalikod na lalaking nagbukas ng kurtina. Nang makakita ako ng maayos ay duon ko nakita si ama.
"Ama..." tawag ko sa kanya.
Kita ko ang pagkagulat niya dahil sa aking pagising. Kaagad niya akong nilingon at tsaka siya mabilis na lumapit sa akin. "Mabuti at gising ka na anak..." emosyonal na sabi niya sa akin. He cupped my face at kissed my forehead.
"Pinagalala mo ako anak...tatlong araw kang walang malay" mangiyak ngiyak na kwento pa sa akin ni ama. Maging ako ay nagulat, dahil ang akin palang simpleng pagtulog na iyon ay aabot ng tatlong araw.
Umayos ako ng upo at mahigpit na niyakap si ama. "Patawarin niyo po ako ama" umiiyak na sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagiling iling nito ngunit ginantihan niya din ang aking mahigpit na pagkakayakap sa kanya.
"Wala kang kasalanan anak...nagmahal ka. At hindi kailanman naging kasalanan iyon" pagpapaintindi niya sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita pa, iyak na lamang ako ng iyak habang nakayakap sa kanya. Kahit ilang beses kong sinubukang lumayo o tumakas sa kanila ay iba pa din sa pakiramdam pag nararamdaman mo ang yakap sa iyo ng iyong sariling ama.
"Patawarin mo ako, dahil hindi namin kayo nailigtas kaagad...hindi namin kayo nailigtas kaagad ng apo ko" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
Napahiwalay ako ng yakap sa kanya. Gusto kong makita ang kanyang reaksyon. Sigurado kasing hindi nito nagustuhan ng malaman niyang muntik na kaming magkaroon ng anak ni Aziel. Pero nagulat ako ng makita kong lumuluha si ama, kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.
"Patawarin mo ako, dahil hindi natin siya nailigtas..." pagpapatuloy pa niya.
Muling bumuhos ang aking luha. "Wala kang kasalanan ama, walang may gusto ng nangyari, walang may gusto na mawala siya kaagad sa atin. Pero sigurado akong masaya siya, kasi kahit hindi pa natin siya nakikita, mahal ko na siya, mahal na din siya ng lolo niya" umiiyak na sabi ko pa dito kaya naman tipid itong napangiti.
"Gustuhin ko mang panagutin ang sundalong iyon sa ginawa niya sa iyo ay hindi ko alam kung paano gagawin, gusto ko siyang tutukan ng baril at piliting pakasalan ka. Pero hindi madali, dahil kalaban natin siya" sabi pa ni ama sa akin, alam ko naman na iyon talaga ang kanyang gagawin kung sakaling ibang lalaki ang aking minahal. Kung hindi ito isang sundalo, hindi kalaban, hindi si tadeo aziel herrer.
Matapos ang ilang sandali ay muli siyang nagsalita. "Bumalik ka na sa italya anak, kami na ang tatapos ng laban natin" suwestyon niya pa sa akin.
Tiningnan ko si ama diretso sa kanyang mga mata. "Hindi ako babalik sa italya magisa ama. Susundin natin ang plano, kumpleto tayong babalik sa italya. Ikaw, ako kasama si ina..." desididong sabi ko pa sa kanya.
"Pero ang sabi mo ayaw mo na ng madugong laban..." hindi ko na siya pinatapos pa.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Itutuloy natin ito, ngunit sisikapin kong wala ng dadanak pang dugo, wala ng magbubuwis ng buhay. Dahil ama, hindi tayo ang totoong kalaban ng gobyerno. Ipaglalaban lang natin ang karapatang matagal na nilang ipinagkait sa atin" paliwanag ko pa sa kanya.
Kita ko pa ang pagkamangha sa mga mata ni ama. Tipid ko siyang nginitian. "We will find justice for Captain Castillo Alonzo Hermosa" sabi ko sa kanya. Kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Lilinisin namin ang kanyang pangalan, na kahit hindi siya makabalik sa serbisyo bilang isa sa pinakamagaling na sundalo ng kanyang henerasyon ay maaalala siya bilang isang bayani at hindi isang rebelde na patuloy na ibinabato sa kanya.
Matamis na ngumiti si Ama, pagkatapos ay hinalikan ako nito sa ulo. "Isang karangalan ang lumaban kasama ka anak..." taos pusong sabi niya sa akin.
Muli kong hinagkan si ama, mahigpit na mahigpit. "Sasamahan kita sa kahit saang laban...pamilya muna" paninigurado ko sa kanya.
Muling bumalik ang dati naming samahan ni ama. Wala ng pagaalinlangan, parang muling nabuo ang tiwala namin sa isa't isa. Pinili ko mang unahin ang pamilya sa pagkakataong ito ay hindi ibig sabihin nuon na tatalikuran ko na si Aziel at ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil kagaya ng palagi kong sinasabi, parte na siya ng aking pamilya. Pamilya muna.
Makalipas ang isang linggo ay muli kaming bumalik sa aming plano. Hindi kagaya dati ay kasama na ako sa lahat ng meeting ng buong grupo. Mariin akong nakikinig sa lahat ng detalye. Nararamdaman ko ang paminsan minsang pagtingin sa akin ni tito napoleon na para bang hindi pa din siya makapaniwala na muli akong bumabalik sa kanila.
"Sa susunod na linggo na ang botohan, siguradong may plano si Senator Antonio, hindi papayag iyon na hindi makalamang sa halalan" seryosong paguusap namin ni Franco habang palabas kami ng sariling meeting room ni tito napoleon sa isa sa mga mansion niya sa may antipolo. Si senator Antonio Gomez ang asawa ni ina. Tumatakbo ito bilang presidente ng pilipinas, at ang kanyang pagkapanalo ay hindi namin hahayaang mangyari.
"Kailangan nating protektahan si senator Santi Gatchalian. Siya ang nangunguna sa survey, siguradong siya ang target ni antonio" seryosong sabi ko pa sa franco. Ito ang pinakamalakas na kalaban ni Gomez sa ratings.
"Kailangan nating mag gatecrash sa party ng anak ni Senator Gatchalian, kailangan nating masigurado na ligtas siya at ang pamilya niya hanggang sa eleksyon" suwestyon pa ni Franco sa akin.
"Sige, sabihan mo lang ako kung kailan at saan" utos ko pa sa kanya bago ako nagpaalam para dumiretso sa aking kwarto.
Ilang hakbang na lamang ang layo ko duon nang mapahinto ako dahil sa pagtawag sa akin ni Tito Napoleon. Tamad ko siyang nilingon. "Are you for real Castellana?" Mapanuyang tanong niya sa akin.
"Hindi niyo po kailangang maniwala sa akin tito napoleon. Pero ginagawa ko ito para kay ama...para makuha na namin si ina at makabalik na kami sa italya" seryosong sagot ko sa kanya.
Nagtaas ito ng kilay. "Sana naman panindigan mo na iyan Castellana, wala ng aatras sa mga oras na ito. Tuloy na tuloy na ang laban" pagbabanta niya sa akin.
Diretso ko siyang tiningnan sa mata. "Tuloy ang laban, ngunit hindi ang laban na gusto niyo tito napoleon, hindi na ulit ako papatay. Dadaanin ko ang lahat sa tama...sa batas" seryoso at paninindigan ko.
Napangisi siya. "Tingnan natin...cause castellana i am very ready for a bloody war" desididong saad niya pa sa akin.
Nakipagsukatan na lamang ako ng tingin sa kanya at hindi na sumagot pa. Ilang sandali lang ay walang ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig at tinalikuran ako para umalis na.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga sinasabi ni tito napoleon sa akin. Mabilis akong nagbihis at tsaka kinuha ang susi ng aking Subaru Brz. Sinuot ko din ang aking wig sa tuwing ako si Agent luna. Imbes na ang kulay pulang shoulder length wig ay ang itim na version nito ang aking sinuot. Nagsuot din ako ng malaking salamin sa mata para hindi ako gaanong makilala ng mga tao sa lugar na aking pupuntahan.
"Oh anak, saan ang punta mo?" Tanong ni ama sa akin ng magkasalubong kami pagkalabas ko ng aking kwarto.
"May kailangan lang akong sunduin ama, marami pa namang kwarto sa itaas, mayroon akong mga bisita. Ayokong madamay sila sa gulo, hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kung hindi ako nakakasigurado sa kaligtasan nila" paliwanag at pagpapaalam ko sa kanya.
Mabilis itong tumango. "Gawin mo ang kung anong makakagaan sayo anak, walang problema sa akin bukas ang ating bahay sa mga importanteng tao para sayo" sagot ni ama sa akin at pag payag kaya naman napangiti ako.
"Maraming salamat ama" sabi ko sa kanya bago ako tuluyang umalis.
Mula sa pamilyar na daan ay nakita ko ang tingin at pagkamangha ng mga taong nadaraanan ng aking magarang sasakyan. Kaagad na nagkumpulan ang mga ito sa gilid ng kalsada at sinundan ang aking dinaraanan. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng tenement ay nagkaroon ng mistulang dagat ng tao sa paligid nito. Pagkalabas na pagkalabas ko ay kaagad na namutawi ang mga bulung bulungan.
Kaagad akong dumiretso papasok sa may tenement, kung saan nagbalik sa akin ang lahat ng alaala ko dito, mabilis akong naging emosyonal ng maalala ko si nanay pilar. Bumigat ang aking dibdib sa aking bawat paghakbang paakyat sa aming dating apartment. Nang makarating sa tamang palapag ay hindi ko na napigilang maluha ng matanaw ko ang aking matalik na kaibigang si Ducusin, naglalaba ito sa labas ng apartment ni teacher ana.
"Ducusin..." paos na tawag ko sa kanya.
Sandali siyang napatigil sa ginawa, matagal siyang nakatingin sa akin na para bang sinisipat niya at kinikilala ang aking boses.
"Castellana!?" Gulat na tanong niya sa akin. Tipid akong tumango sa kanya. Kaya naman nagmamadali itong tumayo at mabilis na lumapit sa akin at tsaka ako niyakap ng mahigpit.
"Miss na miss na kita, akala ko patay ka na!" Umiiyak na sabi pa niya sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita pa, ginantihan ko na lamang ang mahigpit na pagkakayakap nito sa akin. Maging si teacher ana ay hindi makapaniwala ng makita ako. Nagiyakan kaming tatlo. Hanggang sa naging iyak tawa iyon dahil sa kabiliwan ni Ducusin. Hindi ko na sila binigyan pa ng pagkakataon na magayos dahil hindi ako umalis duon na hindi sila kasama.
Muling nagkaroon ng bulong bulungan sa buong tenement pagkababa namin. "Uy ana, saan ang punta niyo? Sino iyan?" Ilang mga tanong kay teacher ana. Pero pinili niya ang tumahimik.
Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat, gulat na gulat silang dalawa. Ngunit bukal sa loob nila ang pagsama sa akin, buo pa din ang suporta nila para sa akim kaya naman walang mapaglagyan ang aking tuwa. Kahit papaano ay gumaan ang aking dibdib dahil masisigurado kong magiging ligtas sina teacher ana at ducusin sa poder namin.
"Aling Cita, patingnan tingnan na lang po muna ng apartment namin, salamat po" bilin ni teacher ana sa isa sa aming kapitbahay.
Manghang mangha si Ducusin dahil sa aking minamanehong sasakyan. Hindi pa din siya makapaniwala na ang kilala niyang castellana ay hindi na katulad nuon. "Mayaman ka pala! Kala ko talaga dati, pober ka lang kagaya namin" sabi pa niya sa akin.
Nasa likod ito nakaupo samantalang nasa passenger seat naman si teacher ana. Ang ilang maletang dala dala nila ay nasa compartment.
"Si tito napoleon namin ang mayaman, hindi naman kami" nakangiting paliwanag ko kay ducusin.
"Tito mo pa din, ibig sabihin kayo pa din..." giit niya sa akin.
Nginitian ko na lamang siya at hindi na lumaban pa. Mas lalong namangha si Ducusin pagkadating namin sa mansion ni tito napoleon. Walang ibang sinabi ito kundi puro papuri dahil sa gara at laki ng buong bahay. "Talaga bang pwede kaming tumira dito?" Paniniguradong tanong ni Ducusin sa akin.
Napangisi ako. "Oo nga, ang kulit" natatawang sabi ko sa kanya kaya naman napapalakpak pa ito.
"Castel, nakakahiya naman na makikitira kami ng libre dito, pwede naman kaming magkasambahay habang nandito kami" suwestyon pa ni teacher ana.
Napailing ako. "Teacher ana, bisita ko po kayo. Hindi niyo kailangang pagtrabahuhan ang pagtira niyo dito dahil pamilya ko kayo" paliwanag ko sa kanya.
Ramdam ko pa din ang kanyang pagkailang. Kaya naman pareho ko silang hinawakan ni Ducusin sa kamay papasok sa bahay. Ang kanilang mga gamit ay kusa ng binitbit ng ilan sa mga tauhan ni tito napoleon.
"Pinuno..." gulat na tawag nina teacher ana at ducusin dito. Nang makabawi ay kaagad silang yumuko para magbigay galang ngunit pinigilan na sila ni ama na gawin ito.
"Hindi niyo na kailangang gawin iyan, kagaya ng sinabi ni Castel, pamilya tayo dito" paliwanag niya sa mga ito.
Matapos iwelcome ni ama sina teacher ana at ducusin ay inihatid ko na sila sa kanikanilang magiging silid. Naging kumportable din sina Ducusin at teacher ana makalipas ang ilang araw. Hindi naman ako nakadinig ng kahit anong pagtutol mula kay tito napoleon.
"Magandang umaga" pagbati ng kararating lamang na si tito Zacharius sa gitna ng aming pagkain ng agahan isang umaga.
Nginitian ko ito. Pansin ko ang pagbabago kay tito zacharius nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin ngunit mas lalo itong nageeffort na magayos, lalo na sa pananamit. Hindi naman siya ganuon dati, ngunit maging ang ayos ng kanyang buhok ay parang kalkulado din. Sa gitna ng aming pagkain ay pansin ko ang madalas na pagsulyap nito sa katabi kong si teacher ana. Palihim na lamang akong napapangiti sa tuwing naiisip kong mukhang may gusto ang aking tito Zacharius kay teacher ana.
"Castel, handa ka na ba para bukas?" Tanong ni franco sa akin pagkatapos ng agahan.
Sandali akong napaisip bago ko siya tinanguan ngunit napairap na lamang si franco. "May isusuot ka na ba?" Sunod na tanong pa din niya sa akin.
Kumunot ang aking noo. "Bakit ano bang kailangang isuot?" Tanong ko sa kanya kaya naman mas lalo itong napasimangot.
Hindi ako sinagot ni Franco pero ng gabi ding iyon ay inabot niya sa akin ang tatlong paper bag. "Yan ang isuot mo bukas, masquerade ang theme ng party ng anak ni Senator Gatchalian, hindi tayo mahihirapan makapasok" sabi pa sa akin ni franco na tinanguan ko na lamang.
"Maraming salamat" sabi ko pa.
Sina teacher ana at ducusin ang nagayos sa akin ng sumunod na araw para sa pupuntahan naming party. Isang long fitted long gown ang ibinigay sa akin ni Franco. Kulay pula iyon na saktong sakto sa hubog ng aking katawan. May kulay black and gold masquerade mask din ang kasama nuon.
"Wag mo na akong masyadong lagyan ng make up, trabaho ang punta namin duon. Hindi party" natatawang suway ko kay ducusin dahil todo ang pagaayos niya sa akin.
"Kahit na, dapat bongga ka pa din. Ganito yung mga napapanuod kong secret agents sa movie eh...exciting!" Excited at tuwang tuwang turan pa niya.
Kaming dalawa ni Franco, kasama ang ilang tauahan ni tito napoleon ang pupunta sa party ay magkukunwaring mga bisita para protektahan sina senator santi gatchalian at kanyang buong pamilya laban sa sakim na si antonio gomez.
Nang makarating kami sa venue ay sinigurado ni Franco na kumpleto ang aking mga gamit. May baril na nakatago sa aking hita, gumagana din ang ear device sa oras ba may kailangang sabihin sa akin at may kailangan akong ipaalam sa kanila.
Pumasok kami sa party na parang isang normal na bisita lamang. Halos lahat ay naka mascara kaya naman walang pakialamanan ang mga tao bukod sa totoong magkakakilala. Napahawak ako sa aking tenga ng marinig kong nagsalita si franco. "Double ingat, may nakita akong ilang mga sundalong civilian" anunsyo niya sa amin.
Mabilis kong hinanap sina senator santi gatchalian at ang kanyang pamilya. Naging mapagmatyag din ako sa buong paligid para maghanap ng kakaibang galaw ng mga tao kung meron man. Naging mapayapa ang pagusad ng programa, ngunit alam naming hindi pa dito nagtatapos ang lahat.
"Ladies and gentlemen, the dance floor is open for everyone" anunsyo ng emcee kaya naman kanya kanyang tayo ang mga tao para sumayaw.
Natanaw ko ang pagtayo ni Senator Santi at nang kanyang asawa para makisayaw sa dancefloor. Hindi na maganda ang aking pakiramdam kaya naman kaagad kong tinawag si franco para makalapit sa mga ito.
"Franco, meet me at the dance floor..." utos ko sa kanya para mas lalo naming malapitan ang mga ito.
Habang naglalakad sa gitna ng dance floor para hanapin si franco ay nagpalit ng music. Mas lalong naging intimate ang lahat.
The day we met,
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart
Beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone?
All of my doubt suddenly goes away somehow
Sa gitna ng aking paglalakad ay may isang lalaking naka itim na tuxedo ang humarang sa akin. Nakasuot din ito ng mascara, ang kanyang medyo may kahabaang buhok ay naka brush up. Ang malaking bulto ng kanyang pangangatawan ay mas lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso. Mayroong mga sundalong civilian...
Dahan dahan siyang lumapit sa akin, diretso ang kanyang tingin. Hindi ko alam kung bakit para akong biglang kinabahan kaya naman nakailang hakbang ako patalikod. Ngunit naabutan pa din niya ako.
One step close
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more
Hinigit niya ang aking bewang at inilapit niya ako sa kanya. "May i have this dance?" Tanong niya sa akin, nagtayuan ang balahibo ko sa batok hanggang sa braso dahil sa sobrang sexy ng kanyang boses.
"What are you doing here?" Sunod na tanong pa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "None of your bussiness, captain" mapanuyang sagot ko sa kanya.
Dahil sa aking ginawa ay mas lalo niyang pinagdikit ang aming katawan. Sumunod siya sa tunog at nagsimulang gumalaw.
Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this
"I miss you, everyday. It's killing me" bulong niya sa aking tenga.
Kumirot ang aking dibdib dahil sa aking narinig. "But i shouldn't. Para din sa atin ito castellana. Tama ka, we should still hope..." madamdaming sabi pa niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilang hindi maluha.
"Papakawalan kita ngayon, pero sa oras na bumalik ka sa akim. Sa oras na pagbigyan tayo muli ng tadhana, hinding hindi na kita papakawalan" paninigurado pa niya sa akin. Mariin akong napapikit dahil sa pagluha.
One step closer
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
I'll love you for a thousand more
Ohh
One step closer
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
Unti unti kong naramdaman ang pagtama ng hininga ni aziel sa aking pisngi. Hanggang sa tuluyan akong napapikit ng buong lambing niyang inangkin ang aking labi.
I'll love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
Namungay ang aming parehong mga mata pagkatapos ng halik na iyon. Marahang pinawi ni Aziel ang aking mga luha.
"Even if the world will go against us, You'll always have me" buong lambing na sabi niya sa akin.
Naputol iyon nang kaagad na nagkagulo ang buong paligid. Nagkaroon ng palitan ng putukan kaya naman mabilis akong humiwalay kay Aziel. Ngunit imbes na pakawalan ay hi awakan niya ng mahigpit ang aking kamay. "You'll always have me, I promise" muli niyang paninigurado bago kami naghiwalay ng landas at tsaka magkahiwalay na lumaban.
Mabigat ang aking dibdib, ngumit mabilis akong tumakbo patungo kina Senator Gatchalian para protektahan.
Habang nakikipagbarilan sa kampo nina Senator antonio gomez ay hindi pa din mawala ang mga sinabi sa akin ni Aziel.
"It is still worth fighting for..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro