Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Justice they deserve



Sobrang sakit at nangangalay na ang aking mga braso dahil sa pagkakatali nito sa aking likuran. Madilim din at mainit ang buong paligid. Tanging ang tawanan lamang ng apat na lalaki hindi kalayuan sa akin ang aking naririnig. Tanaw ko sila habang umiinom ng alak. Hanggang ngayon ay iniinda ko pa din ang aking paa na napuruhan dahil sa pagtakas ko sa mansion nu tito napoleon. Sigurado akong nagaalala na si Franco sa akin ngayon at alam na din nila ama ang aking pagkawala.

Tuyong tuyo na din ang aking labi, ni wala na akong lakas na humingi pa sa kanila ng maiinom. Lumakas ang tawanan ng mga ito dahil na din sa kanilang pinaguusapan. Ang talukap ng aking mga mata ay bumigat at tuluyan ng bumagsak.

Mula sa isang malalim na pagkakaidlip ay nagising ako. Nagulat ako ng makita ko ang malawak na palayan. Hanggang tuhod na ang taas ng mga halaman duon. Malakas ang hangin kaya naman tinatangay nito ang aking suot na kulay puting bestida. Ang aking kulot at nakalugay na buhok ay sumasabay din sa galaw ng hangin.

Kalmado ang buong paligid, ngunit ang aking dibdib ay walang tigil sa pagkabog. Sobrang lakas ng pagtatambol sa aking dibdib dahilan kung bakit naging mabigat ang aking bawat paghinga. Mula sa malayo ay natanaw ko ang isang lalaking nakaupo sa isang kahoy na upuan. Nasa gitna ito ng malawak na palayan habang ang kanyang mga kamay at paa ay nakatali.

"Castellana anak...tulungan mo ako" tawag sa akin ni ama.

Nagulat ako dahil dito. Kaya naman mabilis akong tumakbo patungo duon. "Ama!" Tawag ko sa kanya at mas binilisan pa ang pagtakbo. Ngunit nagtataka ako kung bakit kahit anong bilis ng ginagawa kong pagtakbo ay hindi ko pa din magawang makalapit dito.

Sa kalagitnaan ng aking pagsubok na makalapit sa kanya ay napatigil ako dahil sa isa pang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Nagmumula ito sa aking bandang likuran. Napatigil ako at dahan dahan ko itong nilingon.

"Aziel..." gulat at emosyonal na tawag ko sa kanya.

Kagaya ni ama ay nakatali din ito sa upuan. Puno ng sugat at dugo ang kanyang bugbog sarado na mukha. Nakatingin ito sa akin, humihingi ng tulong. Lalapitan ko na sana siya ng makita ko si Tito napoleon na nanggaling sa kung saan.

Nakangisi ito habang may hawak na baril. "Anong ibig sabihin nito tito napoleon?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Castellana hija...hindi kita pinalaki at tinuruan na maging mahina. Masyado mong pinapairal ang pagmamahal mo sa sundalong ito" nakangising sabi pa niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Itigil mo na ito, kahit ano pangsabihin mo. Hindi magbabago ang nararamdaman ko para kay Aziel, paulit ulit ko pa din siyang pipiliin" matapang na sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.

Muli itong napangisi, hanggang sa unti unti niyang itinapat sa ulp ni Aziel ang baril. Naalarma ako dahil dito kaya naman sinubukan kong lumapit sa kanila ngunit pinigilan niya ako.

"Wag kang lalapit, hindi ako magdadalawang isip na iputok ito" pananakot niya sa akin.

Nanghina ang aking mga tuhod. Gulong gulo na din ang aking isipan. "Ano ba talaga ang gusto mo tito napoleon?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito. Nagulat ako ng dahan dahan niyang iabot sa akin ang hawak na baril. Punong puno ng pagtataka ang aking mukha dahil sa kanyang ginawa ngunit nanatili lamang itong nakangisi.

"Isang putok sa ulo, castellana...tapos ang kanyang paghihirap" sabi niya sa akin na ikinakunot ng aking noo. Nang mapansin niya anb aking pagtataka ay inginuso nito ang upuan na kaninang inuupuan ni ama.

Nanlaki anh aking mga mata ng makita kong imbes na si ama ang nanduon ay si Sachi herrer na ngayon. "Sachi?" Gulat na sambit ko ng kanyang pangalan.

Kagaya ng kalagayan ni Aziel ay puro sugat din ang mukha nito. Umiiyak ay humihingi ng tulong sa kanyang kuya Aziel.

"Kuya tadeo...tulungan mo ako. Ayoko pang mamatay, gusto ko pa kayong makasama nila mommy" umiiyak na pakiusap pa niya.

Parang dinudurog ang puso ko dahil sa nasasaksihan. "Go on Castellana, end her suffering" paguudyok ni tito napoleon sa akin.

"Hindi! Hindi ko siya papatayin" matapang na sabi ko sa kanya at tsaka ko ibinato ang baril malayo sa akin.

Napatawa ng malakas si tito napoleon. Hanggang sa magulat ako ng unti unti siyang humugot ng baril sa kanyang likuran at itinutok ito kay Aziel. "Kung ganuon, si aziel ang papatayin ko" pananakot niya sa akin.

"Wag!" Sigaw na pagpigil ko sa kanya.

Nagtaas ito ng kilay. "Your pick castel, si Aziel o si Sachi? Hindi tayo matatapos hangga't wala kang pinipili" patuloy na paguudyok pa niya sa akin.

Imbes na makapagsalita ay sumabat na si Aziel. "Wag mong sasaktan ang kapatid ko Castellana, parang awa mo na" pagmamakaawa ni Aziel sa akin.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. "Pero ikaw ang papatayin ni tito" umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Wala akong pakialam, wag mong sasaktan ang kapatid ko" umiiyak na pakiusap ni Aziel.

Nadudurog ang puso ko dahil sa nakikita. Gulong gulo na din ako, hindi ko na din alam ang aking gagawin. Muling inilagay ni Tito napoleon ang baril sa aking mga kamay.

"Isipin mo Castel, kaya mo bang mawala sayo si Aziel?" Pagpapaalala pa niya sa akin.

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Mariin akong pumikit at buong lakas kong hinarap si tito napoleon at tsaka ko tatlong beses na ipinutok ang baril sa kanya. Dahan dahan itong bumagsak sa lupa habang nakadilat ang mga mata.

Kusa kong nabitawan ang baril na hawak. Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang umiyak na lamang. "Kuya!" Tawag ni sachi dito.

Nilingon ko ang mga ito, kahit papaano ay gumaan na ang loob ko ng makita kong sa muling pagkakataon ay nagkita na si aziel at sachi. Pero unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng dahan dahang lumapit si Aziel sa akin.

"Aziel..." tawag ko sa kanya.

Dahan dahan niyang itinutok ang baril sa aking noo. "Matatapos lamang ang lahat ng ito pagnawala ka na" galit na sabi niya sa akin.

Parang namanhid ang aking buong katawan. "Pinili kita...isinakripisyo ko si tito napoleon para sayo, isinakripisyo ko ang aking pamilya para sayo" paalala ko sa kanya.

Pero hindi siya natinag. Matalim ang tingin niya sa akin habang nakatutok ang baril sa aking noo. "Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito, sana ay hindi na lang kita nakilala. Sinira mo ang buhay ko Castellana" galit na galit na sabi pa niya sa akin. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang sinasabi niya iyon.

"Ayoko ng makita ka..." pinal na sabi pa niya sa akin bago niya tuluyang ipinutok ang baril.

Mula sa isang masamang panahinip ay napaiktad ako. "Magandang umaga mahal na diwata" nakangising sabi ni olivia habang hawak ang timba ng tubig na wala ng laman ngayon.

Sa gitna ng aking pagtulog ay nagising ako dahil sa kanyang pagbuhos ng malamig na tubig sa akin. Basang basa ang aking buong katawan dahil sa kanyang ginawa.

"Mukhang maganda ang panaginip natin Castellana" pangaasar pa niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung gusto mo akong patayin, patayin mo na ako ngayon" panghahamon ko sa kanya. Nagulat siya kunwari pagkatapos ay tumawa.

"Not that easy my dear. Sobra pa diyan ang naranasan ni Miguel sa kamay niyong mga rebelde" galit at gigil na sabi niya pa sa akin, at hindi na nga siya nakapagpigil pa dahil mabilis niyang hinila ang aking buhok.

Kahit masakit ay walang kahit anong pagdaing ang lumabas sa aking bibig. "Patayin mo na lang ako olivia, gusto ko na lang mamatay" tamad na sabi ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. "Don't worry, dadating din tayo diyan...pero marami pa akong inihandang laro para sayo Castellana, madami pa" pagbabanta niya muli sa akin.

Padabog niyang binitawan ang aking buhok. Hanggang sa dumating ang dalawang lalaki, ang isa sa kanila ay may dalang latigo.

"Tatlumpung tama ng latigo sa likod ni Miguel ang nakita sa kanyang autopsy" anunsyo ni Olivia.

Nagtaka ako, hindi ko alam na may ganuong nangyari. Magsasalita pa lang sana ako para magpaliwanang ng mabilis niya ng inutusan ang mga ito. "Doblehin niyo ang sa babaeng iyan" pinal na sabi niya bago niya ako ipinaubaya sa dalawang iyon.

Malakas ang bawat paghataw ng latigo sa aking katawan. Basang basa ng pawis at luha ang aking mukha habang napapasigaw sa sakit. Ilang beses akong halos malagutan ng hininga dahil dito. Tinutoo nila ang inutos ni Olivia na doble ang gawing paghataw sa akin. Kusang lumupaypay ang katawan ko dahil sa sakit at pamamamhid.

"Kamusta Castellana?" Nakangising tanong niya sa akin.

Hindi ko na nagawa pang magsalita. "Pwede kitang pagbigyan. Ang kailangan mo lamang gawin ay ituro sa amin ang kuta ninyong mga rebelde" pagnenegosasyon niya sa akin.

Kaht nahihirapan ay inilingan ko siya. "Wala kang aasahan sa akin olivia. Mamamatay ako tikom ang aking bibig" pinal na sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ikinagalit.

"Buhusan ng malamig na tubig iyan" sigaw na utos niya sa mga ito.

Tumama ang napakalamig na tubig sa aking mga sugat sa katawan kaya naman napahiyaw ako at napaiyak dahil sa sobra sobrang hapdi. Wala ng lakas pa ang aking katawan, ngunit ang lahat ng sakit ay ramdam na ramdam ko pa din.

Wala na akong nagawa pa kundi ang umiyak ng tahimik, tiisin ang sakit. Maghintay ng aking kamatayan, dahil kita ko namang desidido si olivia na tapusin ang aking buhay.

(Tadeo Aziel Herrer POV)

Diretso ang tingin ko sa labas mula sa bintana ng aking kwarto. Ngayon ang labas ko sa Hospital. Nanatiling nakabenda ang aking kanang kamay na natamaan ng dalawang bala mula sa mga rebelde na nakasagupa namin. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan, hindi ko na pinagaksayahan pa ng oras ang pagtingin sa kung sino ang pumasok.

"Naayos ko na yung discharge paper mo, pwede na kang humayo at magparami sa labas" sarcastic na sabi ni piero sa akin. Sandali ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

Nagkibit balikat ito at tsaka ngumisi. "Tama lang na tinaboy mo ang babaeng iyon, hindi siya kawalan Tadeo. Isa siyang masamang tao" pagpapaalala pa niya sa akin.

Napairap ako sa kawalan. "Pwede ka ng umalis, kaya ko na umuwi magisa" seryosong sabi ko sa kanya.

Narinig ko pa ang pagngisi ng aking kapatid. "Kung makaasta ka ay parang mas nasaktan ka pa na nagkahiwalay kayo ng rebeldeng iyon, kesa sa pagkamatay ni Sachi" pangungunsencya niya sa akin.

Nilingon ko ito. "Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Hindi ba't ang pamilya natin ang pinili ko?" Pagpapaalala ko sa kanya.

Nakipagsukatan ng tingin si Piero sa akin. "Ipakita mo tadeo, ipakita mo sa amin na kami talaga ang pinili mo. Dahil hindi kapanipaniwala, naggagaguhan lang tayo dito" asik niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili at kaagad ko siyang kinweluhan.

Nagsukatan kami ng tingin ni piero, hindi naman siya nagpatalo. "Nagmahal ka na ba piero?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Mas lalong tumigas ang kanyang mukha dahil sa aking itinanong sa kanya. "Oo. Dahil tadeo hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Kaya wag kang umasta na para bang sa ating dalawa ikaw ang dapat kong intindihin dahil nagmamahal ka. B*llshit tadeo, nagmahal din ako, nawala siya...at natutunan ko siyang palayain. Where's your balls brother?" Pangaasar pa niya sa akin kaya naman padabog ko siyang binitawan.

"Iwanan mo na ako" utos ko pa sa kanya.

"Iiwan talaga kita, cause im so sick of all your dramas, fuck love!" Giit pa niya at nagmamadaling umalis duon.

Bitbit ko sa aking kanang kamay ang aking duffle bag palabas ng hospital. Sumakay ako ng taxi papunta sa aking pad, hindi pa ako pwedeng umuwi sa bahay dahil hindi ko kaya na makita si mommy na galit sa akin. Nagalit siya, ng malaman niyang si Castellana ang pumatay sa aming kapatid. Maging si Kenzo ay hindi din makapaniwala, ngunit hindi kagaya ni piero ay wala akong narinig na masakit na salita mula sa kanya tungkol kay castel.

Pagkalabas ko ng elevator ay kaagad kong natanaw ang isang bulto ng lalaki sa harapan ng aking pad. Kita sa mga galas nitong aligaga siya. Mabilis kong kinapa ang baril sa loob ng aking duffle bag. Pero napahinto ako sa pagkuha ng tuluyan ko na itong makilala.

Paru't parito ang kanyang paglalakad. Panay din ang tingin niya sa paligid na para bang nagtatago siya. Malalaking hakbang ang ginawa ko para makalapit sa kanya. Napahinto siya ng makita niya ako.

"Nasaan si Castellana?" Galit at may kasamang pagbabantang tanong niya sa akin. Kahit mas matangkad ako kesa sa kanya ay hindi pa din ito nagpatinag, sinunukan niya akong tapatan.

"Bakit sa akin mo siya hinahanap franco?" Tamad na tanong ko sa kanya. Nakakunot pa din ang noo ko, mukhang masyado kasing importante ang kailangan niya. Pwede ko siyang damputin ngayon at dalhin sa kampo, alam kong alam iyon ni franco pero ipinagsawalang bahala niya iyon para itanong lamang sa akin kung nasaan si Castellana.

"Nasaan si Castellana? Ikaw ang huli niyang pinuntahan sa hospital, kaninang umaga pa siya nawawala. Sigurado akong alam mo kung nasaan siya" giit pa din niya sa akin, kitang kita ang pagiging desperado nito.

Kumalma kahit papaano ang aking mukha. "Wala akong alam, pagkatapos ko siyang itaboy lumabas na siya ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung nasaan pa siya" tamad na sagot ko sa kanya na mas lalong ikinagalit niya.

Hindi pa siya nakuntento, kinwelyuhan din niya ako. "Ginawa mo yun kay castel? Tinaboy mo?" Galit at madiing tanong niya sa akin.

Tamad ko siyang tiningnan. "Makulit ang kaibigan mo, ilang beses ko ng sinabi sa kanya na wag nh lalapit sa akin. Pasalamat nga siya at nakalabas pa siya ng hospital. Hindi ko siya pinadampot sa militar" pagpapaintindi ko pa kay franco.

"Siraulo ka" gigil na gigil na sabi pa niya.

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko na lamang siya. Hahayaan ko siyang sabihin kung anong gusto niyang sabihin. "Wala kang kwenta, wala lang kwenta!" Asik niya sa pagmumukha ko.

Napahilamos ito sa kanyang mukha ng makita niyang wala lamang iyon sa akin, hanggang sa dinuro niya na ako. "Paulit ulit kang pinili ni Castel, tinalon niya yung 3rd floor para lang siguraduhin na ayos ka...tapos ganyan ka?" Panunumbat pa ni franco sa akin.

"Bakit franco, anong gusto mong gawin ko? Pakitunguhan siya na parang wala lang, na parang hindi ko nalaman na siya ang pumatay sa kapatid at kaibigan ko?" Tanong ko sa kanya.

Hindi na nakaimik pa si franco. "Wala ka pa ding kwenta" asik niya sa akin bago niya ako tinulak sa dibdib. Tipid na lamang akong ngumisi, masyado kasi itong mainit at hindi ko dapat siya sabayan.

Buong akala ko ay aalis na siya ngunit muli pa niya akong binalikan. "Ilabas mo na si Castellana" pamimilit pa niya sa akin.

"Hindi ko nga alam!" Sigaw ko sa pagmumukha.

Napatigil si Franco. "Kung ganuon, nawawala si castellana? Saan naman iyon pupunta?" Pamomorblema niya sa aking harapan.

Kumalma ako. Hindi ko alam kung bakit pero nagalala din ako para dito. "Anong oras mo siya huling nakita?" Panguusisa ko pa dahil baka makatulong ako.

Sinamaan ako nito ng tingin at inirapan. "Pakialam mo? Hindi ba't wala ka naman ng pakialam kay Castel..." galit na sabi niya sa akin at tangkang tatalikuran ako ng kaagad ko siyang pinigilan.

"Pwede akong tumulong" seryosong sabi ko sa kanya.

Napangisi si franco. Dahan dahang bumaba ang tigin niya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Mabilis niya iyong tinanggal. "Tutulong ka? Para ano..." panghahamon niya sa akin.

Hindi ako kaagad nakasagot sa kanya. "Gusto mo bang tulungan ka o ano?" Balik na tanong ko na lamang sa kanya para hindi niya na ako hintaying sagutin pa iyon.

Sa huli ay pinababa ni Franco ang kanyang pride para humingi ng tulong sa akin. Pinapasok ko siya sa aking pad, sa aking kitchen counter ay pareho kaming nakatapat sa aking laptop.

"Sure ka bang makakatulong yan?" Naiinip na tanong niya na sa akin.

"Pwede bang tumahimik ka na lang, bakit hindi sa ama ni Castel ka humingi ng tulong?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Papatayin ako ni napoleon pag nakita niya ako. Alam na nun ngayon na ako ang tumulong kay castel na makalabas kaninang madaling araw" tamad na kwento pa niya sa akin. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa.

Mula sa aking email ay nakatanggap ako ng mga report galing sa kampo. Ang iba ay itinago ko kay franco dahil masyado iyong confidential.

"Pwede tayong pumunta sa hospital para tingnan ang CCTV nila" sabi ko dito.

"Ayun mabuti naman at may nagawa kang tama" sabi pa ni franco sa akin kaya naman sandali akong nagayos.

Bumyahe kami ni Franco patungo sa hospital. Sandali kong kinausap ang mga dapat kausapin bago nila kami pinayagan na makapasok sa kanilang control room.

Ilang minuto naming hinanap ang oras ng pagkawala ni Castellana. "Ayan ayan!" Turo ni franco sa operator.

"Bakit ganyan siya maglakad?" Tanong ko habang pinapanuod ang cctv.

Nilingon ako ni Franco. "Tumalon nga galing 3rd floor para dalawin ka" tamad na sagot pa niya sa akin.

Sinundan namin ang mga daang dinaanan ni Castel hanggang sa makita namin ang pagdukot dito. Walang ginawa si Franco kundi ang magmura, kahit ilang beses niyang panuorin ang video ay hindi niya pa din mamukaan ang kumuha kay castel. Kahit may galit ako sa kanya ay inaamin kong nagaalala pa din ako.

Mabilis kaming lumabas ni Franco sa hospital dala ang copy ng cctv. Kailangan na naming maireport iyon sa pulisya. "Saan ba may mas malapit na daan?" Tanong niya sa akin.

"Hoy!" Tawag niya sa akin ng makita niyang napahinto ako sa paglalakad.

Inabot ko sa kanya ang kopya ng CCTV. Nagtatakang tinanggap iyon ni Franco. "Ano ito?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

"Hanggang dito na lang ako franco. Hindi ko na pwedeng biguin ang pamilya ko...sila na ang pinili ko" pagpapaintindi ko sa kanya.

Sandaling nabato si Franco, pero sa huli ay napatango na lamang din siya. "Naiimtindihan ko, ano nga naman ba ang laban ni Castellana sa pamilya mo? Sino ba naman siya para piliin mo" sabi niya sa akin.

Tinalikuran ako ni franco. May kung anong kumirot sa aking dibdib, gustong gusto kong tumulong. Bago siya tuluyang makalayo ay muli niya akong nilingon.

"Pero gusto ko lang malaman mo na kahit kailan hindi ka itinuring ni Castel na iba, pamilya ang turing niya sayo...sa kabila ng mga nagawa ni Castellana. Alam kong alam mo na isa siyang mabuting tao" pagpapaalala pa niya sa akin hanggang sa tuluyan na niya akong iniwan duon.

Mabigat ang aking dibdib habang pabalik ako sa aking pad. Binagsak ko ang aking katawan sa sofa pagkarating ko. Sumakit ang aking ulo dahil sa halo halong inisiip. Nagtatalo ang aking isip at puso, gulong gulo na din ako.

Napaiktad ako ng tumunog ang aking cellphone. Nakita kong si Olivia iyon kaya naman mabilis ko itong sinagot.

"Olivia" pagtawag ko sa kanya.

"Captain tadeo...i have a good news for you" paguumpisa niya.

Mariin akong nakapikit habang nakikinig kay olivia sa kabilang linya dahil sa sakit ng aking ulo.

"What is it?" Tanong ko.

"Miguel and sachi will have the justice they deserve..." sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Desperadong tanong ko sa kanya.

"Tell me Captain, do you want castellana dead or alive?"














(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro