Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Yolly at Rolando






Mahimbing ang aking pagkakatulog habang nakayakap ang aking hubad na katawan sa hubad ding katawan ni Aziel. Kahit pa natatakpan lamang kami ng manipis na kumot ay hindi ko naramdaman ang lamig dahil sa pinagsamang init ng aming katawan. Naalimpungatan ako ng madaling araw dahil sa kanyang maliliit na halik mula sa aking leeg patungo sa aking mga labi.

Hinayaan ko siyang gawin iyon, kahit pa sobrang sakit pa ng aking pagkababae dahil sa ilang beses niyang pagangkin sa akin. Hindi biro ang laki ni Aziel dahil kahit kalahati pa lang ang kanyang naipapasok ay ramdam ko na ang pagkapuno nuon sa akin. Muli niya akong inangkin ng madaling araw din iyon. Kaya naman hindi na ako nagtaka ng magising kami ng tanghali.

Pasado alas onse na ng magising ako. Wala na si Aziel sa aking tabi, napansin ko ding nakasuot na sa akin ang kulay puti niyang tshirt. Napahilamos ako ng mukha dahil sa pagod. Para kasing binugbog ang aking katawan dahil sa nangyari. Narinig ko mula sa labas ang pagsisibak ng kayong. Dahan dahan akong tumayo at naglakad palabas.

Tatawagin ko na sana si Aziel ng mapahinto ako ng makita ko siya. Wala itong suot na pangitaas, tumutulo ang butil ng kanyang pawis sa kanyang katawan. Kulay itim na pantalon lamang ang suot nito na itinupi ang laylayan. Seryoso siya sa pagsisibak ng kahoy ng mapatigil siya ng mapansin niya.

Nagulat pa ako at nahiya ng magtama ang aming mga mata kaya naman nagiwas ako ng tingin. "Good morning" paos na bati niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, ngunit ang pagsabi ni Aziel nuon ay parang napakalakas ng dating para sa akin.

"Magandang umaga" balik na bati ko sa kanya at pilit pa ding umiiwas na magtama ang aming mga mata.

"Nagising ba kita?" Tanong niya tukoy sa pagsisibak niya ng kahoy.

Napaawang ang aking bibig ng hawakan niya ako sa kamat at hinila ako sa aming lamesa. "Hi...hindi naman" naiilang na sagot ko sa kanya.

"Bumaba ako sandali sa bayan kanina para bumili ng pagkain natin. Hindi pa din ako kumakain, hinihintay kita" paliwanag niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian.

Kahit sa pagkain ay si Aziel ang umasikaso sa akin, bumili ito ng silog sa may bayan at talaga nga namang naparami kami ng pagkain pareho. Marahil ay dahil sa pareho kaming napagod dahil sa ginawa namin kagabi. Habang naiisip ko iyon ay hindi maiwasang hindi tumaas ang aking balahibo sa braso. May nangyari sa amin ni Aziel. Siya ang nakauna sa akin.

"Masakit pa ba?" Tanong niya out of nowhere kaya naman napatigil pa ako sandali sa pagkain.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Napangisi siya bago bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Imbes na sumagot ay inilapit pa niya ang kanyang bibig duon mismo sa aking tenga. Bahagya akong napausod palayo sa kanya dahil sa kiliting dulot ng kanyang hininga na tumama sa aking pisngi at tenga.

"Masakit pa ba yung..." hindi ko na siya hinayaan pang ituloy ang kanyang sasabihin dahil sa takot na baka may hindi siya magandang masabi na salita.

"Oo...oo, medyo masakit pa" mabilisang sagot ko na lamang sa kanya.

Mas lalo siyang napangisi. "Kawawa naman ang baby ko" malambing ngunit mapangasar na sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang sinimangutan at nagiwas ng tingin.

"Ayos lang yan, sa susunod hindi na masakit yan" nakangising sabi pa niya kaya naman halos itago ko ang aking mukha dahil sa paginit ng aking magkabilang pisngi.

Pagkatapos ng aming pagkain ay nagpaalam ako sa kanya na maliligo ako sa may talon. Sinabi pa nitong hintayin ko siya pero hindi ko na ginawa at nauna na ako. Habang nakababad sa tubig ang aking katawan ay hindi ko naiwasang hindi pagmasdan ang buong lugar. Ang lugar kung saan minsang napuno ng sigaw at tawanan ng mga bata sa nayon.

Nagulat ako dahil sa pagtunog ng tubig. Bahagya akong nagpanic at kaagad nilingon ang lugar kung saan ko iyon narinig. Bigla na lamang akong napasigaw ng walang sabi sabing sumulpot si Aziel sa aking harapan. Mabilis niya akong niyakap sa bewang.

"Nakakainis ka!" Galit na asik ko sa kanya.

Hindi siya natinag, tuwang tuwa siya sa kanyang ginawang kalokohan. "Ang sungit naman, buntis kaagad?" Pangaasar pa niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at tsaka pinalo sa braso. Kaagad itong umungol pagkahampas ko sa kanya kaya naman nagulat ako.

"Aziel ang bastos mo!" Suway ko pa sa kanya pero napakagat labi na lamang ito sa aking harapan kaya naman hindi na ako umimik pa pagkatapos nuon.

Pagkatapos maligo ay sabay din kaming bumalik sa aming kubo. Ayaw nitong bitawan ang aking kamay, masyado siyang naging clingy pagkatapos ng nangyari sa amin. Karaniwan sa mga nababalitaan ko ay mas nagiging clingy ang babae, pero iba ang sa amin ni Aziel.

"Gusto mong bumaba mamaya sa bayan? May pageant ata sa may plaza, magsimba na din tayo" yaya niya sa akin.

Tumango na lamang ako sa kanya at naghanap ng pwede kong suotin. Pagdating ng alas tres ng hapon ay nagsimula na kaming naglakad pababa ng bayan. Pinasuot ako ni Aziel ng itim na sumbrero kagaya ng sa kanya. Pagdating namin sa bayan ay madami na ang tao. Mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Aziel sa aking kamay.

"Alas kwatro imedya pa ang misa, alasais yung program. Gusto mo munang magmirienda?" Sabi at tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Sige"

Pinapili ako ni Aziel kung saan ko gustong kumain. Sa isang karinderya kami nagtungo. Habang naghihintay ng order ay napalingon kami sa Tv.

Kalat pa din ang balita tungkol sa aming dalawa, pinaghahanap pa din kami at paniguradong hindi lang militar ang naghahanap sa amin kundi maging sina ama at tito napoleon. Lumabas ang litrato ni Aziel sa screen ng tv kaya naman hindi ko naiwasang hindi siya lingonin. Nanatili itong tahimik, walang pakialam sa mga sinasabi sa kanya.

Hindi pa din sigurado ang media kung ano ang itatawag nila kay Aziel, at kung ano ang papel niya sa aking pagtakas. Hati ang opinyo ng publiko, ngunit ang militar ay naniniwala na inosente siya at muli nanamang nabihag ng mga rebelde.

Napatigil ako sa pagiisip ng marinig ko ang kanyang pagngisi. "Tsk, tsk. Nabihag nanaman ako ng isang magandang rebelde" pangaasar niya sa akin.

Napanguso ako. "Aziel, bumalik ka na kaya...linisin mo ang pangalan mo" pagtutulak ko sa kanya.

Hinawakan niya ang aking kamay na nasa itaas ng lamesa. Pinisil niya iyon habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. "Hindi kita iiwan, mahirap kang iwanan. Lalo na ngayon, na akin ka na" seryosong sabi niya sa akin.

Nang makita niyang malalim pa din ang aking iniisip ay marahan niyang hinaplos ang aking kaliwanag pisngi. "Wag mo ng isipin iyon, Castellana ikaw ang priority ko. Tandaan mo yan" paninigurado niya sa akin.

May parang kung anong naglalaro sa aking tiyan dahil sa kanyang sinabi. Sobrang sarap nuon sa aking pakiramdam.

"Eh paano ang pamilya mo?" Tanong ko pa, dahil sigurado akong nagaalala na si Ma'm maria para sa kanya.

"Nakausap ko na si Kenzo, alam niya na ang sasabihin kay mama. Alam naman nila na pag nagdesisyon ako, sigurado ako...alam ko ang ginagawa ko Castellana. Pinaglalaban ko yung tayo" sabi pa niya sa akin.

Halos magtubig ang aking mga mata dahil sa mga sinasabi ni Aziel. Ni minsan ay hindi ko inakala na may taong magmamahal at magpapahalaga sa akin ng ganito sa kabila ng mga masasamang nagawa ko.

Ngunit napawi ang lahat ng iyon ng muling sumagi sa aking isip ang mga kasalanan ko sa kanya. Napatitig ako kay Aziel, ramdam ko ang sinseridad ng mga salita niya, ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Ngunit hindi ko alam kung mananatili pa iyon sa oras na malaman niya ang aking mga ginawa.

Natahimik kaming dalawa ng magsinimulan ng iserve sa amin ang mga inorder naming pagkain. "Sayang yung sundalo, siguro may relasyon sila nung rebelde" pahayag ng isa sa kanila.

Kapwa kaming napayuko na lamang ni Aziel. "Grabe ka naman magisip, baka nga nadukot ulit" sabat pa ng kanyang kasama.

"Sus. Tsaka maganda kasi yung Castellana Castillo, yung anak ng pinuno. Yun nga yung usap usapan dito na diwata ng bundok maranat, sobrang ganda kasi nun sa personal. Minsang bumabayan dito, pinagkaguluhan ng tao" kwento pa niya sa mga ito.

Napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi. "So kung diwata nga iyong babae, may posibilidad na ginayuma niya yung sundalo?" May pamamanghang sabi pa ng isa. Bahagya akong napanguso dahil sa kanilang sinabi. Napatingin naman ako kay Aziel ng napangisi ito at mapangasar na tumingin sa akin.

"Pwede!" Pagsang ayon ng isa pa.

Nakahinga lamang kami ng maayos ng umalis na sila. Para tuloy akong biglang nawalan ng gana dahil sa nadinig.

"Ginayuma mo pala ako eh" bulong na pangaasar niya sa akin.

Siniko ko siya. "Ewan ko sayo!" Pagmamaktol ko pa sa kanya na mas lalo niyang ikinangisi.

Pagkatapos naming kumain ng mirienda ay dumiretso na kami sa may simbahan. Hanggabg duon ay patuloy pa din ang usap usapan tungkol sa aming dalawa. "Naglabas ng isang milyong pabuya para duon sa babae" rinig naming usapan ng dalawang matandang babae.

Masama ko silang tiningnan. Kapwa kasi kaming nakaupo na sa loob ng simbahan at naghihintay na lamang na magsimula ang misa.

"Sinong nagbigay ng pabuya? Ang gobyerno?" Tanong pa ng kanyang kasama.

Nagmake face pa ito. "Bakit naman magbibigay ng pabuya ang gobyerno ng ganuon kalaki? Sino ba ang babaeng iyon? Eh anak lang naman siya ng rebelde" giit pa ng isa.

Napayuko ako dahil sa aking nadinig. Naramdaman ko na lamang ang paghawak ni Aziel sa aking kamay at ang pagpisil niya dito. Tipid niya akong nginitian kaya naman kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Kahit ano pang aking marinig, basta at kasama ko si Aziel wala na akong pakialam sa sasabihin pa ng ibang tao.

"Eh sino ang magpapabuya ng ganuon kalaki?" Pilit na tanong pa ng isa.

"Yung pamilya nung babae, biruin mo. Mayaman pala ang pamilyang iyon galing sa italya" paguusap pa nila kaya naman kaagad akong nabato.

Bigla akong hindi na marunong huminga ng mapansin ko ang paglingon ni Aziel sa kanila. Maging ang paglunok ay nahirapan din ako. Hindi ko pa naaamin sa kanya ang bagay na iyon.

Natahimik ang lahat ng tumunog na ang kampana senyales na maguumpisa na ang misa. Si Aziel ay nanatiling tahimik sa aking tabi, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba dahil hindi ko alam ang kanyang iniisip.

"Pakihubad ang sumbrero, bawala iyan sa loob ng simbahan" suway sa amin ng isang matandang babae na naglilingkod sa may simbahan.

Napaawang ang aking bibig at napalingon kay Aziel. Dahil sa nangyari ay napatingin din sa amin ang ibang nagsisimbang malapit sa aming gawi. "Pakihubad" utos pa ulit sa amin ng matanda.

Dahil sa pagpansin sa amin ng mga ito ay hindi sinasadyang nakilala kami ng dalawang babaeng naguusap kanina. "Sila yun!" Gulat na sabi niya sa kanyang kasama kaya naman kaagad na nagkaroon ng bulungan.

Bago pa lumala ang lahat ay mabilis ng kinuha ni Aziel ang aking kamay at hinila ako palayo duon. May ilang nagtangkang habulin kami. Kung saan saan kami tumkbo at nagpasikot sikot. Hindi kami maaring dumiretso sa may bundok dahil malalaman ng lahat na duon kami nagtatago.

"Tigil! Hanggang diyan na lang kayo" pagharang sa amin ng hindi bababa sa limang lalaki. Kapwa sila may hawak na mahaba at malalaking kahoy.

"Sundalo ka! Ibigay mo na sa amin ang babaeng iyan!" Sigaw ng isa pa kay Aziel.

Kaagad niya akong itinago sa kanyang likuran. "Hindi" matigas na sagot niya dito.

Dahil sa sinabing iyon ni Aziel ay kaagad na umambang papalo ang mga ito. "Castellana lumayo ka" utos niya sa akin bago pa magsimula ang laban.

Humakbang ako patalikod. Ngunit ng makita kong sabay sabay na susugod ang mga ito laban kay Aziel ay kaagad na din akong sumugod. Dalawa laban sa lima, dehado pa dahil may hawak na mga kahoy ang mga ito.

Sa huli ay pare pareho silang nakahiga sa lupa, dumadaing dahil sa sakit ng kanilang katawan. Kapwa namin hinabol ni Aziel ang aming paghinga. Ngunit hindi nagtagal ay napatitig siya sa akin.

Nakakunot ang kanyang noo, hindi makapaniwala dahil sa nakita. "Pa...paano? Saan mo natutunan iyon?" Tanong niya sa akin.

"Aziel..." tawag ko sa kanya dahil gusto ko sanang magpaliwanag ngunit humahangos siyang lumapit sa akin para hawakan ang aking kamay.

Napalingon ako sa likod at nakita ang iba pang taong bayan na tumatakbo para habulin kami. Muli kaming tumakbo ng mabilis para makalayo sa kanila. Pumasok kami sa isang gubat at duon nakakita ng kubo sa gitna nito.

"Teka Aziel, baka may tao diyan" pagpigil ko sa kanya.

Pero hindi na ito nagpapigil pa. Desidido na talaga siyang makapagtago kami. Sa likod ng bahay kami dumiretso. Naghanap ng mapagtataguan ngunit nagulat kami ng bumukas ang isang pinto at iniluwa nuon ang isang matandang babae.

"Sige at pumasok kayo" yaya niya sa amin.

Hindi kaagad kami nakagalaw ni Aziel. Patuloy pa ding pinagaaralan ang sitwasyon.

"Hindi ako masamang tao..." sabi pa niya sa amin, kaya naman kahit may pagdadalawang isip ay pumasok kami ni Aziel duon.

"Wag kayong magalala, hindi susubukin ng mga taong pumunta dito. Dahil ang tingin nila sa akin ay mangkukulam. Walang nagtatangkang lumapit sa aking bahay" paliwanag niya sa amin.

Napatango na lamang kami. Pinaupo niya kami sa kanyang munting sala ay nagalok ng maiinom. "Hindi rin ho kami masamang tao" sabi ni Aziel sa kanya.

Napatango ang matandang babae. "Alam ko, napanuod ko sa bayan" sabi pa niya sa amin.

"Tawagin niyo na lang akong aling Yolly" pagpapakilala niya pa sa amin.

Kung ano ano ang ikinwento niya sa amin hanggang sa naramdaman namin ni Aziel na mukhang safe naman kami kay aling yolly.

"Minsan na din akong nagtago sa mga tao. Kasama ng aking dating asawa" paguumpisa niya ng kwento.

Magkatabi kami ni Aziel na nakaupo sa kanyang harapan. "Kagaya niyo din kami. Isang siyang sundalo. Kinupkop niya ako simula ng mamatay ang aking mga magulang. Nahulog ang loob namin sa isa't isa...hanggang sa nagpakasal kami at namuhay ng tahimik dito sa gitna ng gubat" pagkwekwento pa niya.

Napatingin siya sa malayo na para bang sinasariwa pa niya ang lahat ng nangyari nuon. "Pero hindi duon nagtatapos ang lahat. Isang araw nalaman ko na lamang na hindi pala siya isang mabuting tao, siya pala ang klase ng tao na hindi ko dapat nilapitan, hindi ko dapat pinakasalan" medyo malungkot na saad pa niya.

"Ba...bakit po?" Tanong ko.

Napatingin sa akin si aling yolly. "Dahil nalaman kong, siya ang pumatay sa aking mga magulang. Matagal niyang isinikreto iyon sa akin" sagot niya kaya naman nakaramdaman ako ng kung ano sa aking dibdib.

"Galit na galit ako, gusto ko siyang patayin. Biglang nawala yung pagmamahal ko para sa kanya. Ayoko na siyang makita, pinilit kong lumayo sa kanya kaya naman kahit hindi niya gusto ay pinalaya niya ako" patuloy na pagkwekwento pa niya sa amin.

"Naiwan akong magisa dito sa gubat, bumalik siya sa kanyang serbisyo. Pero pagkalipas ng mga araw, nang tuluyan ng naghilom ang masugat. Napatunayan kong mahal ko siya, na mas nanaig ang pagmamahal ko para sa kanya kesa sa galit dahil sa kanyang nagawang kasalanan"

"Nagkabalikan po kayo?" Tanong ko dahil maging ako ay nakakarelate sa kanyang kwento.

Tipid itong ngumiti, umiling bago tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Huli na ang lahat...namatay si Rolando sa gyera. Nangako pa naman akong sa oras na bumalik siya mula sa laban ay babalik na ako sa kanya" emosyonal na sabi pa ni aling yolly.

Nalungkot ako para sa kanya. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang sobra sobrang kalungkutan. Dahil dito ay hindi ko na din napigilan pang tumayo at lumapit sa kanya.

"Hanggang ngayon ho ba ay sinisisi niyo pa din ang inyong sarili?" Malungkot na tanong ko pa sa kanya.

Mariin itong napapikit at sa kanyang pagdilat ay nakita ko ang pagtutubig ng kanyang mata. "Nasayangan lamang ako, sa mga oras ay dapat magkasama sana kami. Na nagawa pa namin ang mga bagay na gusto naming gawin ng magkasama. Sayang..." malungkot ba sabi pa niya.

Hinawakan niya ang aking kamay. Pagkatapos ay nagpabalik balik ang tigin niya sa akin at kay aziel. "Kaya kayong dalawa, kung talagang sigurado na kayo sa inyong nararamdaman, wag niyong hahayaang may masayang na oras. Maikli lamang ang buhay" payo pa niya sa amin.

Duon na din kami kumain ng hapunan kay aling yolly. Nang dumilim at nakita naming ligtas ng lumabas ay nagpaalam na din kami sa kanya. Panay ang payo nito sa amin, ayaw niyang mangyari din sa amin ni Aziel ang nangyari sa kanila.

"Ang lungkot ng nangyari kila aling yolly" malungkot na sambit ko habang maingat kaming naglalakad ni Aziel paakyat ng bundok.

Pinisil niya ang aking kamay. "Wag kang magalala, hindi mangyayari sa atin iyon" paninigurado sa akin ni Aziel.

Tipid ko siyang nginitian. Sana nga, sana ay hindi mangyari sa amin ang ganuon. Dahil kagaya ni aling yolly ay paniguradong sisisihin ko din ang aking sarili.

Pagkauwi sa may kubo ay kaagad kong kinausap si Aziel tungkol sa kanyang mga narinig sa may simbahan. "Yung tungkol sa..."

"Tungkol sa katotohanan na mayaman ka talaga? Na nanggaling ka sa isang mayamang pamilya?" Pangunguna niya.

Napayuko ako. "Patawarin mo ako...hindi ko kaagad nasabi sayo" paghingi ko pa ng paumanhin.

Nagulat ako ng ikulong ni Aziel ang aking pisngi gamit ang kanyang magkabilang kamay. "Wala akong pakialam Castellana, kahit saan ka pa nang galing. Kahit sino ka pa...mahal kita, at sigurado ako sa nararamdaman ko" muling paninigurado niya pa sa akin bago niya inangkin ang aking labi.

Matapos niya akong halikan ay lumipat ang kanyang mga labi sa aking noo. Nagpaalam ito sandali para ayusin ang aming panggatong. Nakatalikod na si Aziel sa akin hanggang sa naalala kong sa lahat ng nangyari sa amin ay hindi ko pa nasasabi sa kanya kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Hindi ako naging vocal kagaya niya.

"Aziel!" Tawag ko sa kanya at bago pa man niya ako lingunin ay kaagad na akong tumakbo papalapit sa kanya at tsaka siya niyakap.

"Mahal kita Aziel...mahal na mahal" buong pusong sabi ko sa kanya.

Ramdam ko ang kanyang pagkagulat. Dahan dahan niyang tinaggal ang pagkakayakap ko sa kanya para harapin ako.

"Mas mahal kita Castellana, i will give up everything for you" paninigurado niya sa akin. Gusto ko sanang umiling, gusto ko sanang sabihin sa kanya na wag, hindi niya kailangang bitawan ang lahat para sa akin. I don't deserve it. Pero hindi na ako nakaimik pa ng hilahin niya ako para yakapin ng mahigpit.


Nagising ako ng sumunod na araw na magisa na lamang sa may papag. Wala ng bakas ni Aziel, ngunit nagulat ako ng makita ko ang kulay puting bistida na nakalapag sa may upuan. May note na nakalagay duon na suotin ko iyon.

Sinunod ko ang kanyang sinabi. Napangiti pa ako ng makita ko ang isang flower crown na sinabi niyang suotin ko din. Hindi ko alam kung para saan ang lahat ng iyon pero sinunod ko na lamang ang nakalagay sa note.

Ganuon ang aking ayos ng magtungo ako sa gitna ng nayon. Kagaya ng nakasaad duon. Nakangiti akong naglalakad papalapit sa gitna kung saan nakita ko ang nakatalikod na bulto ni Aziel. Nakasuot ito ng kulay puting polo. Maayos din ang pagkakasuklay ng kanyang may kahabaan ng buhok.

"Aziel..." pagtawag ko sa kanya.

Dahan dahan itong humarap sa akin. At halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung ano ang hawak hawak niya. Kaagad na namuo ang luha sa aking mga mata.

"Aziel" umiiyak na sambit ko. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata lalo na ng dahan dahan siyang lumuhod sa aking harapan.

"Castellana, i've never been this so sure all my life. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay" madamdaming sabi pa niya sa akin.

Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil sa kanyang sinabi. "Are you will to give up everything with me? Iiwan natin ang lahat sa syudad. Handa akong mag stay dito kasama mo. I'll give up my city life for you" sabi pa niya sa akin.

"Will you accept me in your life Castellana hermosa? Will you marry me and be my wife?" Tanong niya sa akin matapos niyang itaas ang hawak na singsing sa aking harapan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko siya sinagot. "Oo Aziel, magpapakasal ako sayo" sagot ko sa kanya.

Sagot kasabay ng pagbitaw ko sa lahat ng tungkulin ko kay ama, pagbitaw sa aming misyon. Lumuluhang isinuot ni Aziel sa akin ang singsing na hawak niya.

"Saksi ang bundok maranat, sayo na ako Castellana...bihag mo na ako" malambing na sabi pa niya bago niya ako hinalikan.

"You found me Castellana, you found the lost soldier"















(Maria_CarCat)



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro