Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Ang kubo at ang papag





Mabilis na tinanggap ni Aziel ang aking pagyakap sa kanya. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin ng magsimula na akong humikbi. Halos malukot ang likod ng unipormeng suot nito dahil sa pagkakahawak ko sa kanya.

Marahan akong bahagyang inilayo ni Aziel sa kanya para ako ay harapin. Kaagad niyang ikinulong ang aking magkabilang pisngi ng kanyang mga kamay. Ang kanyang hinlalaki ay marahang pinupunasan ang aking mga luha.

"Bakit anong problema?" Mahinahon ngunit may diing tanong nito sa akin na para bang aaksyunan niya kaagad kung ano man ang isusumbong ko sa kanya.

Halos manlabo ang tingin ko sa kanya dahil sa mga luha sa aking mata. Hindi ko din nagawa pang magsalita dahil sa aking pagiyak. Titig na titig ito sa akin habang patuloy pa ding iniisip kung ano ang problema. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo na naghihintay pa din ng sagot mula sa akin.

"Castel..." malambing na tawag niya sa aking pangalan, para sana pagsalitain.

Hindi pa bumubuka ang aking mga labi ng kaagad na nagkagulo ang mga sundalo. Kaagad naghari ang sunod sunod na putukan.

"Mga rebelde!" Sigaw ng isa sa kanila.

Mabilis na humugot ng baril si Aziel mula sa kanyang tagiliran at tsaka niya ako hinila palayo duon. Nagulat ako sa nangyari kaya naman nagpahila na lamang ako sa kanya papasok sa may kampo. Sandali kong nilingon ang barilan. Ang sinasabing rebelde ng sundalo ay ang mga tauhan ni Tito napoleon. Napaawang ang aking bibig, napaisip ako. Bakit sila nagpaputok? Ibig bang sabihin nuon ay totoong ipapapatay niya ako sa oras na sabihin ko sa militar ang lahat ng alam ko?.

Dinala ako ni Aziel sa isang ligtas na lugar. "Stay here, umupo ka lang. Wag na wag kang tatayo hangga't hindi ako bumabalik" giit niyang utos sa akin kaya naman nakanganga lamang ako sa kanya.

"Babalik ako" paalam niya at tangkang iiwan na ako ng mabilis ko siyang hinawakan sa kanyang braso.

"Wag mo akong iwan..." natatakot na pakiusap ko sa kanya.

Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. Ngunit hindi din iyon nangtagal, dahil kitang kita sa kanyang mukha ang tapang, na para bang wala itong kinatatakutan. Handang handa sa lahat ng laban.

Hinalikan na lamang ako nito sa aking noo. "Babalikan kita" paninigurado niya sa akin at hindi na ako nagtagumpay pang pigilan siya.

Napatakip na lamang ako ng aking magkabilang tenga habang naririnig ko ang sunod sunod at palitan nila ng pagputokng baril. Kahit pa lumaki akong sanay sa tunog nuon ay hindi ko pa din maiwasang hindi matakot, lalo na't lumalaban si Aziel at ako ang dahilan nito.

Napakagat labi na lamang ako habang unti unti kong sinisisi ang aking sarili. Ilang inosenteng tao nanaman kaya ang madadamay dahil sa akin? Ilang buhay ang masasayang para sa laban na kami lamang din ang gumagawa?.

Sandaling huminto ang aking paghinga ng makita ko ang pagtakbo ng isang sundalo patungo sa aking gawi. Nakakunot ang kanyang noo na para bang inaalala niya ang aking mukha. Nang tuluyang makalapit ay nakita ko kung paano lumaki ang kanyang mga mata.

"Ikaw ang anak ni Castillo, nakita kita nuon sa bundok maranat!" Galit na akusa niya sa akin.

Napailing iling ako. "Hindi ko po..." hindi ko na natuloy pa ang dapat ko sanang sasabihin ng kaagad ako nitong hinawakan ng mahigpit sa aking palapulsuhan.

"Dadlahin kita sa kampo" galit na sabi pa niya kaya naman kaagad akong nagpumiglas.

"Bitawan mo ako, bitawan mo ako" pagpupumiglas ko.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin habang hila hila niya ako ay kaagad ko ng ginamit ang mga self defense na natutunan ko. Kaagad na lumagapak ito sa lupa ng tuhurin ko siya sa taguliran. Napadaing ito dahil sa sakit at sa gulat kaya namn lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin dahilan kung bakit nagkaroon ako ng tyansa na makatakbo.

Sandali ko siyang nilingon at kaagad kong nakita na unti unti na siyang nakakabawi. Nagsimula na din siyang tumakbo para habulin ako. Napasigaw ako at napahinto ng magpaputok ito ng baril.

"Hihinto ka o babarilin kita?" Pananakot niya sa akin.

Huminto ako at itinaas ang aking dalawang kamay tanda na hindi ako manlalaban. Kusang tumulo ang aking mga luha dahil sa hindi ko malamang dahilan. Ramdam ko na ang paglapit niya sa akin, hinanda ko na ang pangdepensa ko sa kanya sa oras na hawakan niya ako ngunit kaagad akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Aziel.

"Captain Herrer, isa itong rebelde" sabi pa niya dito.

Kita ko ang paghangos ni Aziel papalapit sa aming gawi. Matalim din ang tingin niya sa sundalong humahabol sa akin. Pagkalapit na pagkalapit ni Aziel sa kanya ay malakas niya itong sinuntok. Mabilis na natumba ang sundalo pahiga sa sahig.

Napatakip ako sa aking bibig. Kahit alam kong magigising dito iyon ano mang minuto ay hindi ko inakala na gagawin niya iyon sa kapwa niya sundalo.

"Aziel..." gulat na tawag ko sa kanya.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, umalis na tayo dito. Alam na ni major general na nandito ka" seryosong sabi pa niya sa akin bago niya ako hinila papunta sa kung saan.

Mabilis ang aming naging pagtakbo. Paminsan minsan ay kinailnagan naming magtago dahil sa mga sundalong tumatakbo sa kung saan saan na para bang may hinahanap. Hinayaan mo lamang si aziel sa aming direction dahil siya naman ang nakakalam dito.

Dalawang sundalo pa na bantay sa labasan ang kinailangang patulugin ni Aziel para makalabas kami ng kampo. Pumara siya ng taxi at may sinabi na isang lugar na hindi ako pamilyar. Habang nasa loob ay kaagad niyang hinubad ang pangitaas na uniporme kaya naman naiwan na lamang sa kanya ang kulay itim na fitted na tshirt na mas lalong nagpadepina sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. Bahagya ding sumilip ang tattoo sa kanyang braso dahil dito.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako pagkatapos ay ang driver ng taxi. "Basta" sabi niya sa akin at tinapunan ako ng tingin na para bang wag na akong magtanong pa.

Napatango na lamang ako at nanahimik. Bahagya pa akong napausog ng maramdaman ko ang paglapit sa akin ni Aziel. Napayuko na lamang ako at hindi na nagabala pang tingnan siya. Huminto ang taxi at bumaba kami sa may bandang ortigas kung saan madaming nagtataasang building at mga condominuim. Hila hila pa din ako ni Aziel, ang aming paglalad ay dalawang beses na mas mabilis sa normal naming lakad.

Pinagtitingnan kami ng lahat ng aming makakasalubong. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang nilingon si Aziel ay nagkaroon na ako ng ideya. Masyado kasing malakas ang dating niya dahil sa kanyang suot. Nakahawi pataas ang kanyang basa at medyo mahabang buhok dahil sa nangyari kanina.

"Dalian lang natin. Siguradong alam na sa kampo na itinakas kita duon" sabi pa niya sa akin kaya naman nakaramdam nanaman ako ng pagkahiya, dinamay ko nanaman siya.

dumiretso kami sa Condo unit nito para kumuha ng mga gamit. Nakatayo lamang ako sa gitna ng kanyang condo habang siya ay nagmamadali para magligpit ng gamit. Ipinasok niya ang lahat ng nakuha niya sa isang itim na duffle bag.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Magtatago muna tayo" sabi niya pa sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

"Pero wala akong gamit, wala akong dalang mga damit" giit ko sa kanya.

Tiningnan niya ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa hanggang sa napailing na lamang siya. "Madali na lang iyon pag dating natin sa pupuntahan natin" sabi pa niya sa akin kaya naman hinayaan ko na lamang siya.

Hindi din nagtagal ay umalis na kami sa kanyang condo. Hindi na ulit ako nagtanong sa kanya hanggang sa muli kaming sumakay ng taxi at nagpahatid sa terminal ng bus.

"Teka, babalik tayo sa bulacan?" Gulat na tanong ko sa kanya ng makita kong duon kami patungo sa bus kung saan pabalik sa norzagaray ang byahe.

"Hindi nila maiisip na duon tayo pwedeng magtago, matagal ng sira ang nayon" paliwanag niya pa sa akin.

Hinayaan ko si Aziel sa kanyang nga plano, ibinigay ko sa kanya ang aking buong tiwala, alam ko na pinagisipan niya itong mabuti kaya naman susunod ako sa kung ano ang kanyang gusto. Ito ang hiningi ko sa kanya, ang ilayo niya ako sa syudad. Pareho lamang kaming nakatanaw sa bintana buong byahe, ngunit patuloy pa din ang pagkakahawak ni Aziel sa aking kamay.

Matapos ang halos isa't kalahating oras na byahe ay nakarating na din kami sa Norzagaray. Kaagad kong nalanghap ang sari at pamilyar na hangin. Part of me was happy because this is the kind of life that i really want, simple ang peaceful.

Muli kaming umakyat sa bundok maranat, patungo sa nayon. Ngunit hindi kami duon huminto. Dumiretso kami sa maliit na kubo na dating ginawa ni Aziel. "Buti na lamang at nandito pa ito" sabi niya sa akin ng makita naming buo pa iyon.

Bahagya din akong dumungaw sa balon ay nakitang may tubig pa iyon. "Dito na muna tayo, habang iniisip ko kung anong pwede nating sunod na gagawin" sabi pa niya sa akin kaya naman tumango na lamang ako.

Ibinaba niya ang dalang duffle bag sa loob kung saan may maliit na papag na sapat na para sa aming dalawa. Bahagya akong napakagat sa aking labi ng maisip kong duon kami matutulog mamayang gabi, magkatabi.

Nilinis din niya ang labas at ang paligid. "Bababa ako ng bayan mamaya para bumili ng pagkain natin" sabi niya sa akin kaya naman tumango ako.

Bago magdalim ay bumaba si Aziel patungo sa bayan. Imbes na maghintay sa kanya duon ay kaagad akong pumasok sa gubat para maghanap ng panggatong na kahoy. Habang naghahanap ng panggatong ay nakakita din ako ng saging. Kinuha ko iyon duon mismo sa puno, binuhat ko iyon pabalik sa aming kubo.

"Saan ka nanggaling?" Galit na tanong ni aziel sa akin, humahangos pa itong lumapit sa akin.

"Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin? Bakit napakatigas ng ulo mo?" Galit na sabi pa niya, napanguso na lamang ako.

"Kumuha ako ng panggatong natin. Tsaka nakakita ako ng saging" sabi ko pa sa kanya.

Hindi nagtagal ay unti unti ding lumambot ang mukha nito. Kinuha niya mula sa aking pagkakabuhat ang saging na nakuha ko.

"I just got worried, akala ko kung napano ka na" pagpapaliwanag pa niya sa akin.

Tipid ko na lamang siyang nginitian. "Ayos lang, pasencya na din" sabi ko pa.

Maraming nabili si Aziel. Ilang gamit sa bahay din na kailangan namin ay mayroon siya. Halata talagang alam niya kung ano ang ginagawa niya. Kumain kami gamit ang dalawang platong binili niya. Pagkatapos nuon ay inayos na din niya ang mga kahoy na magsisilbing ilaw namin sa oras na dumilim na.

"Pupunta ako sa talon para maligo, pero wala akong damit" pamomorblema ko.

Tumayo ito, pumasok sa loob at sa kanyang paglabas ay may dala na siyang kulay puti na tshirt. "Yan na muna ang suotin mo, pagbalik ko sa bayan sa susunod na araw bibilhan kita ng damit" sabi pa niya sa akin kaya naman kinuha ko iyon.

Maglalakad na sana ako papunta sa talon ng mapahinto ako ng mapansin kong nakasunod siya sa akin.

"Saan ka pupunta?" Gulat na tanong ko.

Tinuro niya ang direksyon na pupuntahan ko. "Sa talon babantayan kitang maligo" sagot niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

"Pero..."

"Hindi ako titingin" tamad na sabi pa niya.

Sa huli ay hindi ko napigilan si Aziel na hindi sumama. Ipinakita naman niya sa akin na hindi ko kailangang mangamba dahil tinutoo naman niya ang kanyang sinabi.

Nang dumilim ay magkatabi kaming umupo sa harapan ng apoy na  ginawa niya. Nakatitig lamang kaming dalawa duon hanggang sa basagin niya ang aming katahimikan.

"Ano ba talaga ang problema? Sabihin mo sa akin" tanong pa niya.

Napayuko ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. "Alam mo ba, na si ama ay dati ding sundalo?" Paguumpisa ko.

Nakita kong nagulat si Aziel dahil sa aking sinabi. "Dati siyang sundalo. Magaling na sundalo, parang ikaw" sabi ko pa at tsaka ko siya nginitian.

Dahil sa aking sinabi at ginawa ay nakita ko ang pamumula ng tenga nito sabay iwas ng tingin sa akin. "Siya yung pinakamagaling sa lahat, hanggang sa nakilala niya si Ina. Ang kaso hindi pabor ang pamilya ni ina sa kanya kaya naman siniraan nila si ama..." pagpapatuloy ko.

"Mahal ni ama ang bayan, kahit pa naging rebelde siya. Gobyerno lang ang kalaban namin, hindi ang mga tao" paliwanag ko pa sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong pa niya.

"Natanggal siya sa serbisyo. Nagkaroon siya ng patong pato na kaso. Mga kaso na wala naman siyang kinalaman. Kaya nagtago na lamang siya, kasama si ina. Pero ayun..." malungkot na kwento ko pa sa kanya.

"Ibig sabihin kaya nagibg rebelde ang iyong ama dahil mayroon siyang gustong balikan?" Panguusisa niya.

Bahagya akong napanguso bago napatango. "Oo, ganuon na nga. Yung tito ko, hindi na siya makakalakad dahil din sa mga taong iyon" kwento ko pa.

"Tito mo?" Gulat na tanong niya.

"Tito Zandrius ko" sambit ko.

Napaisip siya sandali. Mabuti na lamang at hindi sumagi sa isip niya si tito napoleon dahil hindi pa ako hadang ikwento iyon sa kanya sa mga oras na iyon.

Imbes na ako ang pagkwentuhan namin ay nagkaroon ako ng chance na maitanong sa kanha kung bakit hindi sila magkasundo ni Doc kenzo. Nagulat ako sa aking mga nalaman mula kay Aziel. Naintindihan ko na din kung bakit siya palaging nanunuod ng korean novela.

"Akala ko nga bakla si Doc kenzo eh" nakangising sabi ko pa kaya natawa din ito.

Si Doc kenzo ang pinagusapan namin nung gabing iyon kaya naman kahit papaano ay gumaan ang aking loob. Aaminin ko din kay Aziel ang lahat, paunti unti.

"Tulog na tayo" yaya niya sa akin.

"Pero isa lang yung kama eh" giit ko.

Napangisi siya. "Ano naman? Tayo naman eh, walang problema duon" sabi pa niya sa akin kaya naman humaba ang aking nguso.

Hindi na niya ako hinintay pang magsalita ulit o makapagreklamo dahil mabilis niya ng kinuha ang kamay ko at hinila ako papasok sa aming kubo.

Una akong pinahiga ni Aziel kaya naman sa pader ang side ko. Dahil sa aking paghiga ay nakita kong kakaunti na lamang ang space na natira para sa kanya.

"Kasya ka pa ba dito?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita pero humiga na lamang din siya. Kaagad itong tumagilid paharap sa akin kaya naman kaagad akong nagsumiksik sa may pader. Napangisi ito ng makita niya ang aking ginawa.

"Yakapin mo na lang ako para hindi ako mahulog" nakangiting sabi pa niya sa akin at siya na mismo ang nagdala ng aking kamay payakap sa kanya. Halos tumama ang ilong ko sa dibdib ni aziel dahil sa lapit namin.

"Good night" malambing na sabi pa niya bago ko naramdaman ang kanyang labi sa aking noo.

Nang gabing iyon, ramdam na ramdam ko na ligtas ako. Na walang pwedeng manakit sa akin. Na hindi ako si castellana na lumaki sa italy, na hindi ako si agent luna, pagkatabi ko si Aziel  ako si Castellana na lumaki sa nayon. Mas gusto ko iyon.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Wala na si Aziel sa aking tabi kaya naman mabilis akong lumabas para hanapin siya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siya. May maliit na kahoy na lamesa na sa aming inuupuan kagabi.

"Ikaw nagluto niyan?" Gulat na tanong ko.

Inirapan niya ako. "Malamang tayong dalawa lang naman ang nandito" pangaasar niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

Kakain na sana kami ng kaagad ko siyang sinuway. "Pwede bang magdamit ka naman" pakiusap ko.

"Kung magsusuot ako ng damit, mauubos yung damit na dala ko" paguumpisa niya pa.

"So anong mas gusto mo? Ako ang nakahubad o ikaw ang maghuhubad?" Mapangasar na tanong niya pa sa akin kaya naman kaagad ko siyang hinampas sa braso. Tinawanan lamang ako nito habang kumakain kami ng almusal.

Bago magtanghali ay pareho kaming bumaba ng bundok ni Aziel. Nagsuot na lamang kami ng sombrero para hindi kami gaanong mapansin ng mga tao. "Dito sa karinderya na lang tayo kumain ng lunch para magkasustansya ka naman, pagkatapos na tayo bumili ng damit mo" sabi pa niya sa akin kaya naman pumasok kami sa isang karinderya.

Si Aziel na ang umorder para sa aming dalawa. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng kaagad naming marinig ang balita sa Tv. Kalat na sa media ang nangyari sa kampo. Napatingin din ako kay aziel ng ibalitang maging siya ay pinaghahanap na ng kapwa niya sundalo. Hindi dahil sa nawawala siya, kundi dahil pinatakas niya ako.

Hindi na lamang ako nagsalita. Kumain kasi ito na para bang wala siyang narinig. Na para bang wala lang iyon sa kanya.

"Kumain ka ng madami, ubusin mo yan" puna niya sa akin ng parang akong nawalan ng ganang kumain.

Ginawa ko iyon kahit pa halos hindi ko na malunok ng maayos ang aking kinakain. Ayokong dumating din ang araw na matanggal si Aziel sa serbisyo nang dahil sa akin.

Hapon na ng makabalik kami sa bundok. Hindi pa din ako nakarinig ng kahit ano mula kay Aziel tungkol sa balita. Naging mas abala pa ito pagdating namin para ayusin ang siga para magkaroon kami ng liwanag.

"Aziel" tawag ko sa kanya

Nilingon niya lamang ako. "Pwede mo naman na akong iwan dito, kailangan mong bumalik sa kampo para linisin ang pangalan mo" sabi ko pa sa kanya.

Umiling siya. "Dito lang ako" matigas na sagot niya sa akin.

"Pero Aziel" giit ko pa.

Tumayo ito at pumasok sa kubo, halatang ayaw niyang pagusapan namin iyon. Pero masyado akong makulit at sinundan ko pa siya duon.

"Ayokong mawala ka sa serbisyo ng dahil sa akin" laban ko sa kanya.

"Castellana pwede ba" suway niya sa akin.

Naluha na ako. "Please, ayokong mawala ka sa..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hilahin niya ako palapit sa kanya, halos sumubsob ako sa kanyang dibdib.

"Ang sabi ko dito lang ako. Wag kang makulit" sabi pa niya.

Napakagat ako sa aking labi. "What the f..." hindi na natuloy ni Aziel ang kanyang pagmumura ng mabilis niyang inangkin ang aking mga labi.

Pareho kaming halos maubusan ng hininga dahil sa lalim ng kanyang pagkakahalik sa akin. Unti unti kong nararamdaman ang kusang paglakad ng aming mga paa palapit sa may papag.

"Ahhh..." napadaing ako ng magiwan si Aziel ng marka sa aking leeg.

Kung saan saan na din humawak ang kanyang kamay. Kumunot ang aking noo ng may maramdaman akong kung ano sa aking pagkababae. Dahan dahan akong inihiga ni Aziel sa aming munting papag. Mabilis siyang dumagan sa akin at tsaka ako muling hinalikan. Kapwa namin habol ang aming mga hininga, habang unti unti niyang hinuhubad ang aking mga saplot.

Kaagad ko ng naramdaman ang lamig ng hanging. Hanggang sa halos mapaliyad ako ng dahan dahang bumaba ang kanyang halik sa akin, sa leeg, sa may dibdib, pababa ng aking tyan patungo sa puson.

"Aziel..." nahihiyang sambit ko ng makita kong hawak hawak niya ang aking magkabilang binti.

Titig na titig siya sa aking mga mata habang dahan dahan niyang pinaghihiwalay ito, napakagat ako sa aking labi ng dahan dahan niyang hinarap iyon.

"Aziel...ughhh!" Daing ko sa unang pagdampi ng kanyang labi sa aking pagkababae.

Halos mapasabunot ako sa kanya ng maramdaman ko ang paglalaro ng kanyang dila duon. Napaliyad ako sa dahil sa aking sobra sobrang nararamdaman, halos dumugo ang aking labi dahil sa kanyang ginagawa sa akin.

Panay ang tawag ko sa kanyang pangalan kasabay ng ungol at daing. Napahiyaw ako ng makaramdaman ako ng pamumuo ng kung ano sa aking puson. Nang marating ko na ang sukdulan ay para akong biglang nawalan ng lakas. Kusang lumupaypay ang aking katawan dahil duon. Pero hindi pa din tapos si Aziel. Lumuhod siya sa aking harapan sa gitna ng aking nakaparteng mga binti.

Sandali niyang pinisil ang aking magkabilang dibdib bago niya hinubad ang kanyang lahat na saplot. Automatic na napalunok ko ng bumulaga ang kanyang sa akin, handang handa na iyon. Malaki at mahaba. Sandali niyang hinawakan iyon, itinaas baba niya ang kanyang kamay duon bago siya muling dumagan sa akin.

Bayolente akong napalunok dahil sa tindi ng pagkabog ng aking dibdib. Naramdaman ko pa ang dila niya sa gilid ng aking leeg kaya naman napapikit ako dahil sa naramdaman kiliti.

"Medyo masakit baby..." paos na bulong niya sa akin.

Mabilis akong yumakap sa kanya. Muli niyang inangkin ang aking mga labi kasabay ng dahan dahan niyang pagpasok sa akin. Pinilit kong umiwas sa kanyang mga halos, gusto kong umiyak dahil sa sakin, gusto ko din sana siyang itulak palayo ngunit hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.

"Aziel masakit" nahihirapang sabi ko habang umiiyak.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay mas lalo pa niya akong nilasing ng kanyang mga halik. Bumaon ang aking mga kuko sa kanyang likuran. Hindi pa nangangalahati si Aziel ay pakiramdam ko ay punong puno na ako.

"Shhh...relax" sabi niya sa akin ng sandali siyang tumigil sa pagpasok.

Ginawa ko ang kanyang sinabi. Hanggang sa naramdaman niyang nasanay na ako sa kanyang laki kaya naman dahan dahan siyang naglabas masok sa akin.

Napuno ng mga hinaing at pangalan naming dalawa ang buong kubo. Rinig na rinig din namin ang paglangitngit ng hinihigaan naming papag. Halos masira ang paa nuon, kita ko din ang bahagyang pagalog ng aming kubo dahil sa pagtama ng papag sa may dingding na gawa lamang din sa kahoy.

Hindi nahusto si Aziel sa unang beses, hindi niya ako tinigilan hanggang siya na lamang din ang sumuko. Pagod na pagod ang aking katawan kahit pa wala naman akong ginawa kundi ang humiga lamang duon.

Sandali niya akong hinalikan bago siya umayos ng higa paharap sa akin. Dahil sa pagod ay kusa akong yumakap sa kanyang hubad na katawan habang nakaunan ako sa kanyang braso.

"Aziel..." tawag ko sa kanya, nakapikit ito.

"Uhhmm..."

"Paano yung balita, paano pag natanggal ka?" Tanong ko pa din sa kanya kahit sobra ang nararamdaman kong pagod.

Mas lalo niya akong hinila papalapit sa kanya. "Maraming sundalo, maraming pwedeng magtanggol sa bayan" paguumpisa niya.

"At sayo?. Gusto kong ako lang ang magtatanggol sayo"















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro