Chapter 4
Bata
Mabilis akong pumanik sa aking kwarto at kaagad na isinara ang pintong gawa sa plywood. Yakap yakap ko ang maliit na basket na may lamang mga hinog na bayabas na ibinigay sa akin ni Aziel. Umiiyak akong umupo sa aking kamang gawa sa kawayan ng hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto namin sa may baba.
"Castellana" seryosong tawag sa akin ni ama mula sa ibaba.
Sa tono pa lamang ng kanyang pananalita ay ramdam na ramdam ko na ang galit niya. Malayong malayo sa malambing na pagtawag niya sa akin.
Hindi ko na hinintay pang akyatin niya ako sa kwarto ko. Kaagad kong binuksan ang aking pintuan at sandaling sumilip. Naabutan ko siyang nakapamewang sa baba ng hagdanan nakatingin sa akin.
"Magusap tayo" seryosong sabi niya sa akin.
Napatango ako at tsaka bumaba sa may hagdanan papalapit sa kanya, pero kaagad bumaba ang tingin niya sa yakap yakap kong basket. Nang mapansin ko iyon ay kaagad ko iyong binitawan at inilapag sa may lamesa.
"Bakit ka sumama kay pilar pababa ng bayan?" Galit na tanong niya sa akin.
Nakayuko lamang ako habang pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay.
"Hindi ba't ilang beses ko ng sinabi sa iyo na delikado!" Galit na pagpapatuloy pa din niya.
Bayolente akong napalunok, pinilit kong tinanggal ang kung anong nakabara sa aking lalamunan para makasagot sa kanya.
"Gusto ko lamang pong makita kung ano ang itsura ng bayan" magalang na sagot ko sa kanya, naiiyak pa din.
Narinig ko ang bayolenteng pagbuntong hininga ni ama. "Bakit pa? Hindi pa ba sapat sa iyo ang nayon, kung saan nandito na ang lahat ng pwede mong kailanganin at siguradong ligtas ka" sabi pa niya sa akin kaya naman kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkahiya. Tama naman talaga si ama, dito na ako lumaki at lahat naman ng kailangan ko ay nakukuha ko dito sa nayon.
Pero may parte pa din sa aking pagkatao na naghahanap ng bagong bahay, na may gustong marating. Matagal na akong kinikwentuhan ni aling pilar tungkol sa kung ano ang itsura ng syudad at gustong gusto ko talagang makapunta duon.
"Patawarin niyo po ako ama" naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Ipangako mo sa aking hindi na ito mauulit" pagpupumilit niya. Napakagat ako sa aking ibabang labi. At kahit labag man sa aking loob ito ay napatango na lamang ako sa kanya.
"Ipinapangako ko po" sabi ko pa.
Dahil sa aking pagsunod sa kanya ay kaagad na lumambot ang mukha nito, nilapitan niya ako at tsaka niyakap. "Wala akong ibang gusto kundi ang ikabubuti mo Castel...nangako ako sa iyong ina na aalagaan kita, proprotektahan kahit na anong mangyari" sabi pa ni ama kaya naman muli akong naiyak at mahigpit na napayakap sa kanya.
Hinaplos haplos nito ang aking buhok. "Walang pwedeng makapanakit sayo hangga't nabubuhay ako" paninigurado niya sa akin bago niya ako hinalikan sa ulo.
Sandali kaming natali sa ganuong posisyon hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob para itanong kay ama ang mga bagay na narinig ko mula sa mga taong taga bayan.
"Pero ama, bakit po ang tingin nila sa atin ay masasamang tao?" Nagtatakang tanong ko sa kanya kaya naman bahagya siyang napatigil.
"Sabi nila mga rebelde daw tayo, masasamang tao...pumapatay, kalaban ng gobyerno" sunod sunod na tanong ko pa sa kanya.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Wag mo silang pakinggan anak, hindi kasi nila alam kung ano ang nangyayari sa loob ng laban. Hindi kasi nila naiintindihan kung ano ang ating ipinaglalaban" pagpapaliwanag pa niya sa akin na pinilit ko na lamang intindihin.
Napatango na lamang ako at napayuko ng maramdaman ko ang kamay ni ama sa aking balikat. "Hindi mo kailangan ang lugar sa labas ng bundok na ito Castel, nandito na ang lahat ng kailangan mo...at bilang naiintindihan ko na kailangan mo ding matuto ay papayagan na kitang pumasok sa klase sa kabilang nayon" sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata at halos mapatalon ako sa tuwa.
"Salamat ama! Maraming salamat po!" Tuwang tuwang sabi ko sa kanya at napapatalon na lamang ako habang nakayakap.
Dahil sa ibinalita ni ama sa akin ay naging maganda ang aking tulog. Maaga din akong magising kinabukasan at mabilis na hinanap si Ducusin para ibalita sa kanya ang aking pagpasok sa klase ni teacher ana sa kabilang nayon.
"Magandang umaga po" nakangiting bati ko sa lahat ng nakakasalubong ko sa daan.
Karga karga ko ang aking alagang si Rafa habang tumatalon talon pa. "Castel!" Sigaw ni ducusin mula sa may bukana ng talon.
Kaagad niyang itinaas ang kanyant kamay para palapitin ako sa kanya. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. "Tara maligo tayo sa talon" yaya niya sa akin pero napanguso ako.
"Hindi pwede, dala ko si rafa" sabi ko sa kanya pero napasimangot ito.
"Ikaw ang bahala, maglalaro kami ng paunahan" sabi pa niyasa akin at kaagad akong iniwang nakatayong magisa duon habang kitang kita ko ang pagtatalunan ng iba pang mga kabataan pababa sa may talon.
Panay ang hampas ng tunog ng tubig dahil sa mga pagtalon ng mga ito kaya naman mas lalo akong nainggit. Sandali kong hinimas si rafa. Inilapag ko siya sa may batuhan. "Rafa, dito ka lang ha...magkikipaglaro lang ako sa mga kaibigan ko. Dapat pag balik ko nandito ka pa ha"pagleleksyon ko sa kanya. Iniwanan ko pa siya ng ilang damo para makakain siya.
Nang mapansin kong hindi na siya gumagalaw ay napangiti ako. "Ang galing mo talaga rafa, ang bait mong kuneho" puri ko pa sa kanya at tsaka ako excited na tumalon sa may tubig para sumali sa karera sa paglanggoy.
Nagkakatuwaan na kami ng aking mga kaibigan ng matanaw ko mula sa taas si Aziel, nakaupo ito sa malaking bata at nanunuod sa amin.
Napahilamos ako ng aking mukha para tanggalin ang iilang butil ng tubig. Napanguso ako ng makita kong matalim nanaman ang tingin niya sa lahat ng bagay na tingnan niya. Kunot na kunot ang kanyang noo, medyo nahiya tuloy akong tawagin siya at pansinin.
"Pagkatapos nito magpunta tayo sa burol, igagawa kita ng koronang gawa sa bulaklak" sabi pa ni ducusin sa akin kaya naman kaagad akong napapalakpak.
Lalangoy pa sana ako muli patungo sa ilalim ng talon ng muli kong maalala si Rafa. "Teka, titingnan ko lang si Rafa" paalam ko kay ducusin at kaagad akong umahon.
Hinawi ko ang buhok ko patungo sa likod dahil sa pagkabasa nito. Ang kulay puti kong bistida ay kaagad na humapit sa aking katawan dahil basa.
Nailang ako ng mapatingin ako kay Aziel. Nakakunot nanaman ang noo nito habang pinapanuod akong maglakad sa mga batuhan patungo sa pinagiwanan ko kay rafa, kung saan malapit siya.
Napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi dahil sa pagkailang. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay nagtiim bagang ito at may binulong na kung ano bago siya mabilis na nagiwas ng tingin.
Maingat akong naglakad palapit sa pinagiwanan ko kay Rafa dahil na din sa nabasang mga bato na nakakadulas.
"Rafa?" Gulat na tawag ko ng makita kong wala na siya duon.
Kaagad akong nagpalinga linga. Halos maiyak ako dahil sa kabang nararamdaman. Hindi ko pwedeng mawala si rafa. Kaagad akong napakagat sa aking ibang labi dahil sa takot na hindi ko na siya mahanap.
"Rafa!" Kaagad na sigaw kong muli.
Naglakad ako palayo duon, papasok sa gubat ng nakapaa lang habang patuloy ang pagtulo ng tubig dahil sa basa kong katawan. Pero napahinto ako sa paglalakad ng may humawak sa aking braso.
"Anong ginagawa mo dito? Saan ka pupunta?" Seryosong tanong sa akin ni Aziel.
"Nawawala yung alaga kong kuneho, kailangan ko siyang makita" sumbong ko sa kanya.
Mas lalo tuloy kumunot ang noo nito. Pero napatingin ako sa braso kong hawak niya, nang mapansin niya iyon ay dahan dahan niya din akont binitawan.
"Delikado sa gubat na magisa ka lang, lalo na't ganyan pa ang itsura mo" mahinahon pero galit na sabi niya sa akin habang sa kung saan nakatingin.
Napababa tuloy ang tingin ko sa aking katawan. Bakat na bakat ang manipis na tela ng akint suot na puting bestida sa aking katawan. Naginit kaagad ang aking magkabilang pisngi dahil dito. Mabilis kong hinawi ang aking mahabang buhok paharap para matakpan kahit papaano ang aking dibdib.
"Uhmm...ayos lang ako, sanay naman ako dito sa gubat. Kabisado ko na ito" paninigurado ko pa sa kanya at kaagad ko siyang tinalikuran.
Ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Rafa, may ilang bato akong naapakan kaya naman nagkaroon ng maliliit na sugat ang aking mga paa pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil ang importante para sa akin ngayon ay ang mahanap ko ang aking alagang si Rafa.
"Rafa!" Pagsigaw kong muli.
Dahil sa aking paglinga linga ay hindi ko napansin ang malaking ugat ng puno sa aking harapan dahilan kung bakit kaagad akong nadapa.
Napadaing ako dahil sa sakit ng aking tuhod at kamay dahil ito ang aking ginawang pantukod. Hindi pa man ako nakakabawi ay kaagad ng mag matigas braso ang pumulupot sa bewang ko para itaayo ako.
"Hindi ka nagiingat" seryosong sabi nito, ramdam ko ang pagiging maawtoridad ng kanyang mga salita.
Mabilis ko siyang nilingon at duon ko nakita ang seryosong mukha ni Aziel. Nakapulupot pa din sa aking bewang ang kanyang matigas na braso.
Bahagyang tumama ang pangupo ko sa kanyang harapan kaya naman kaagad kong naramdaman ang matigas na bagay sa aking likuran dahil na din sa nipis ng tela ng suot kong bistida. Ng mapansin niyang naiilang na ako ay maingat niya din akong binitawan.
Bumaba ang tingin niya sa aking tuhod at mas lalong nalukot ang kanyang mukha dahil dito. "May sugat ka" sabi niya kaya naman kaagad ko iyong tiningnan at nakitang may sugat nga ang aking tuhod at may iilang gasgas.
"Hindi ka rin ba marunong magsuot ng sapin sa paa?" Maawatoridad na tanong niya sa akin kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi.
"Ayoko kasing magsuot ng tsinelas. Hindi ako makatakbo ng mabilis" sagot ko sa kanya.
Hindi nagtagal ay hinubad nito ang suot na kulay abuhing polo at isinuot sa akin. Natira na lamang sa kanya ngayon ay puting sando kaya naman muli kong nakita ang kalahati ng kanyang tattoo sa katawan. Kagaya nung unang beses ko iyong makita ay namangha nanaman ako, napatulala sa ganda nuon na bumagay sa kanyang pangangatawan.
"Sa uulitin, magdadala ka ng pangsapin sa katawan mo kung maliligo ka sa talon" sabi pa niya na kaagad kong tinanguan.
"Salamat" nahihiyang sambit ko.
Napahinto ako ng kaagad akong makarinig ng kaluskos sa kung saan, sinundan ko ang tunog nuon sa likod ng mataas na damo. Dahan dahan ang ginawa kong pagkilos dahil na din sa ayokong mabulabog ito. At mula duon ay nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Rafa na kumakain ng damo.
"Nandito ka lang pala Rafa...napakakulit mo talaga, hindi na kita isasama ulit" pagkausap ko sa kanya.
Nanatiling nakikinig sa akin si Aziel pinapanuod ang aking ginagawa. Kaagad ko siyant nginitian, "ito ang alaga kong si rafa, nahuli ko siya sa may burol" nakangiting kwento ko sa kanya habang hinihimas himas ang aking alaga.
"Hinuli mo siya? Paano kung may pamilya siyang naghihintay sa kanyang umuwi?" Seryosong tanong niya sa akin kaya naman napatigil ako.
Kaagad akong nakaramdam ng lungkot dahil sa kanyang sinabi sa akin. "Sa tingin mo?" Malumanay na tanong ko sa kanya habang nakanguso.
Humalukipkip ito dahilan kung bakit maa lalong nadepina ang ganda ng hubog ng kanyang mga braso.
"Malamang ay may pamilya ang kunehong iyan, pero hindi na niya nakita pa dahil ikinulong mo siya" sabi pa niya sa akin kaya naman halos maging emosyonal ako ng maisip ko ang nararamdaman ni rafa.
"Pero inaalagaan ko naman siya" laban ko.
Nagtaas ito ng kilay sa akin. "Pero iba pa din, pag nakasama na niya ang kanyang pamilya" sagot pa niya kaya naman kaagad kumunot ang noo ko at napayuko.
"Ang ibig mo bang sabihin, kailangan kong pakawalan si Rafa?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
"Wala akong sinasabing ganyan, pero nasa iyo ang desisyon niyan" balik niya sa akin.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Hindi ko siya kayang pakawalan, mahal ko si rafa...sila ng mga alaga ko" giit ko sa kanya at pagdidiin na din.
Dahil sa nararamdamang inis ay kaagad kong tinalikuran si Aziel, naglakad ako papalayo duon habang nagmamartsa. Hindi ko na inisip kung nakatingin pa ba siya o sumunod pa. Dirediretso ang lakad ko pauwi sa aming bahay.
Mabilis kong inilagay si Rafa sa kanyang kulungan. Habang ginagaw ako iyon ay muli nanamang nagpakita sa aking harapan si franco. Kagaya ng dati ay hindi nanaman ako sanay sa kanyang pagtingin sa akin. Kagaya nga ng paulit ulit na sabi sa akin ni ducusin, halatang may gusto ito sa akin at hindi ako kumportable duon.
Matalim ang tingin niya sa akin kaya naman kahit nakayuko ako ay ramdam na ramdam ko iyon. "Kanino ang damit na iyan?" Seryosong tanong niya.
Muli kong naalala ang damit na ipinasuot sa akin ni Aziel. Napaawang tuloy ang aking bibig dahil dito. "Uhmmm..." hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang aking dapat na sasabihin, walang salita ang gustong lumabas sa aking bibig.
Mabuti na lamang at kaagad na lumabas si ama. "Oh franco, may kailangan ka ba?" Tanong ni ama dito.
Napailing ito. "Wala po pinuno, kinakamusta ko lang si Castel" sagot nito sa aking ama.
Narinig ko naman ang pag ngisi ni ama sa aking likuran. "Hindi ko pa pinaliligawan ang anak ko franco. Dadaan muna sa akin ang lalaking magtatangkang kuhanin ang anak ko" nakangising sabi ni ama pero ramdam na ramdam mo sa kanyang mga salita na seryoso siya.
"Alam ko pinuno, at nirerespeto ko ang inyong desisyon" sabi ni franco at kaagad na nagpaalam para umalis.
Tumabi si ama sa akin at tsaka nanuod sa aking ginagawa. "Oras na may lalaking mag bigay ng motibo sa iyo, isumbong mo kaagad sa akin, naiintindihan mo?" Pangangaral niya na kaagad ko namang tinanguan.
Napangiti si ama. "Walang basta bastang makakakuha ng aking kayamanan. Ikaw na lamang ang natitira sa akin, ikaw ang pinakamahalaga" sabi pa nito kaya naman kaagad akong napangiti at napayakap sa kanya.
Pagkatapos ay muli akong nalaigo at nagpalit ng bagong damit. Naghanap ako ng decolor na damit, pero halos lahat ng bistida jo ay puti. Napakamot na lamang ako sa aking batok at wala ng nagawa kundi ang suotin kung ano ang meron ako.
Humarap ako sa maliit na salamin na nakasabit sa dingding ng aking kwarto at sinuklay ang aking mahabang buhok. Pakanta kanta pa ako ng muli kong makita ang damit ni Aziel na ipina hiram sa akin, ang alam ko ay nagambag ambag ang mga kasapi para may masuot siya. Duon din siya tumutuloy ngayon sa bahah pagamutan kasama sina aling doray at mang istong.
Mula sa ilalim ng aking kama ay inabot ko ang kulay itim na tsinelas na ipinasalubong sa akin ni ama ng maglakabay sila sa ibang bayan. Simula ng ibigay niya sa akin iyon ay ito pa lamang ang pangalawang beses na masusuot ko iyon.
Lumabas ako ng bahay dala dala ang damit ni Aziel para isaoli sa kanya iyon ng kaagad akong hilahin ni ducusin patungo sa burol. "Kung saan saan ka nanaman nagsususuot!" Pagmamaktol niya at kaagad akong dinala sa may burol.
Pagkadating duon ay kaagad niyang inilagay sa aking ulo ang koronang gawa sa bulaklak. "Ang inyong korona, aming mahal na prinsesa" sabi pa niya sa akin na may kasama pang pagluhod kaya naman napatawa ako.
"Maraming salamat, alipin" sabi ko sa kanya kaya naman kaagad na sumimangot si Ducusin na lalo kong ikinatawa.
Nagpaalam ako sandali sa kanya para bumaba ng burol, kailangan kong maisaoli kay Aziel ang kanyang damit. Panay ang puri sa akin ng mga taga nayon sa tuwing makakasalubong nila ako. Tuwang tuwa sila dahil sa suot kong koronang gawa sa mga bulaklak. Gusto ko sanang ipagmalaki sa kanila na si Ducusin ang gumawa nito pero mas pinili ko na lamang na manahimik dahil hindi ito pwedeng makarating sa kanyang ama.
Dumiretso ako sa bahay pagamutan at duon ay naabutan ko sina mang estong at aling doray na may inilalabas na mga damit mula sa isang maleta.
"Andito po ba si Aziel?" Tanong ko sa kanila.
Napatingin sa akin si Mang estong. "Aba't napakaganda mo ngayon hija" puri niya sa akin kaya naman kaagad akong nagpasalamat.
"Kakarating lang ng aming apong si Lily, kakatapos lamang niyang mag aral ng nursing...siya na ang magiging bagong nurse dito sa ating nayon" kwento pa sa akin ni aling doray.
Napagalaman kong si ama ang nagpaaral sa apo nilang si lily. Kaagad na may namuong tampo sa akin dahil nagawa nitong ipadala si lily sa syudad para pagaralin gayong ako na sarili niyang anak ay ayaw niyang palabasin sa nayon.
"Nasa may kakahuyan si Aziel kasama si lily, sila na ang naguha ng panggatong" sabi pa sa akin ni mang estong.
Sa hindi malamang dahilan ay kaagad akong nakaramdam ng pagkainis. Hindi ko alam kung bakit, pero naiinis talaga ako ngayon.
Dumiretso ako sa may kakahuyan. Nagpalinga linga ako para hanapin ang dalawa.
"Aziel!" Sigaw ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang isang babaeng halos kasing edaran lang ni franco at aziel. Maganda ito at morena, balingkinitan din ang kanyang pangangatawan at mas matangkad ng bahagya sa akin.
Nang makita ako ay kaagad niya akong nginitian. "Bata anong ginagawa mo dito sa kakahuyan?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad naginit ang aking ulo.
"Hindi na ako bata" laban ko sa kanya pero nginitian pa din niya ako.
Hanggang sa dumating na si Aziel. "Oh castel, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya sa akin.
Hindi ko naiwasang mapasimangot ng tingnan ko siya. "Ibabalik ko lang sana ang damit mo" nakasimangot na sabi niya sa akin.
Bahagya itong napangisi habang nakatingin sa akin. "Akala ko ay galit ka sa akin" sabi niya kaya naman nanlaki ang aking mga mata.
"Sino naman ang nagsabi galit ako" pagmamaktol ko pa.
Biglang sumingit si Lily. "Ikaw na ba ang anak ni pinuno? Nung umalis ako dito sa nayon ay batang bata ka pa" namamanghang sabi niya sa akin.
"Napakaganda mong bata, hindi ko masisisi ang mga taga bayan na paghinalaan kang isang diwata" natatawa tawang sabi niya habang namamangha pa din.
Napanguso ako at napaiwas ng tingin, medyo nahiya dahil sa pagpuri niya sa akin.
"Bakit nga pala nasa iyo ang damit ni Aziel?" Panguusisa pa niya.
Medyo nainis ako duon at napanguso. Parang ilang minuto lang akong nawala ay naging close na sila kaagad.
"Naligo kasi siya kanina sa talon, wala siyang baong damit" sagot ni Aziel sa kanya.
Napatawa si Lily. "Naligo ka din?" Tanong niya dito.
Umiling lamang si Aziel. Pero hindi pa din humihinto si Lily. "Akala ko ay nakikipaglaro ka na sa mga bata" nakangising biro niya pero hindi na ako nagsalita pa.
"Aalis na ako, makikipaglaro pa ako sa mga bata..." mapanuyang sabi ko sa kanila at kaagad akong tumalikod.
Nagmartsa ako palayo duon hanggang sa hindi ko namalayang nakasunod pa pala sa akin si Aziel.
"Teka..." pagpigil niya sa akin ko siyang nilingon at nakita kong may hawak itong tatlong pirasong carrots.
"Para ito kay rafa...hiningi ko iyan sa taniman" sabi niya sa akin kaya naman unti unting humupa ang aking pagkainis.
Kinuha ko iyon. "Ibig sabihin hindi mo na ako pipilitin na pakawalan si Rafa?" Tanong ko sa kanya kaya naman napangisi siya.
"Nakita kong mahal na mahal mo ang mga alaga mo..." sabi oa niya na ikinatango ko.
"Kaya sigurado akong ayaw ni rafa na malayo sayo" dugtong pa niya kaya naman napanguso ako at napaiwas ng tingin. Oeeo hindi pa din pala tapos si Aziel.
"Kung ako din naman ang nasa kalagayan ni Rafa, hindi ko gugustusin na pakawalan mo ako" sabi pa niya sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro