Chapter 38
Not so innocent
Mabilis akong hinila ni Aziel paalis duon pero hindi siya nagtagumpay ng kaagad na humarang si Doc kenzo sa aming harapan. Matalim ang tingin nito sa kapatid hanggang sa mas lalong nalukot ang kanyang mukha ng mapatingin siya sa magkahawak naming mga kamay.
Kaagad na kinuha ni Doc kenzo ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. "Saan mo dadalhin ang date ko?" Galit na tanong ni Doc kenzo sa kanya. Kaagad akong itinago nito sa kanyang likuran.
Hindi natinag si Aziel. Tamad din siyang nakatingin sa kapatid, nakapasok ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang suot na pangibaba. "Date mo? Date ko din si Castel" seryosong sabi nito kaya naman napaawang ang bibig ko.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Doc kenzo at tsaka nagtatakang nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Aziel.
"What do you mean?" Galit na tanong niya sa kapatid bago niya ako nilingon.
"Jandi anong ibig sabihin nito? Anong pinagsasabi nito?" Tuloy tuloy na tanong niya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot, para akong biglang nawalan ng boses.
"Hin...hindi po" magulong sagot ko sa kanya.
Imbes na tanungin pa ako ay muli niyang hinarap si Aziel. "Layuan mo si castellana...stay away" matigas na sabi nito at pagtataboy kay Aziel.
Napatingin na lamang ako dito at hindi na nakaimik pa. Tahimik siyang nakatingin sa akin habang hinihila ako ni Doc kenzo palayo sa kanya. Dinala ako nito sa isang round table kung saan ang ilan sa mga tao na nanduon ay mga kakilala din niya.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na layuan mo iyong si Tadeo, isa ka ring matigas ang ulo eh" suway niya sa akin. Napanguso ako at napayuko na lamang.
Hindi na nagsalita pa si Doc kenzo natahimik na din kami dahil nagsimula na din ang program. Hindi ko maiwasang hindi hanapin sina tito napoleon at tito zacharius. Nang makita sila ng aking mga mata ay muli akong nasabik na mayakap sila. Halos taon na din ang nakaraan ng huli kaming magkita kita.
Sa unahang lamesa sila nakaupo. Duon ko lamang din nalaman na nanduon si Lady Henrietta, si Lily at ang Senador na asawa nito. Halos ang tatlong naunang lamesa ay naglalaman ng mga kilalang tao, malalaki at mga importanteng tao sa lipunan at sa mundo ng negosyo.
"Ayos ka lang ba?" Maya't maya ako kung tanungin ni Doc kenzo. Panay naman ang ngiti at tango ko sa kanya.
Sa muli kong paglingon sa kinauupuan nina tito napoleon at tito zacharius ay nagulat ako ng makita kong si tito napoleon na lamang ang nanduon. Kaagad kong inilibot ang aking paningin para hanapin ito.
"Sa comfort room lang po ako" paalam ko kay doc kenzo na busy sa kanyang kausap na isa ding doctor.
Kaagad akong lumabas sa venue para sundan si Tito Zacharius, tulak tulak siya ng kanyang personal nurse na lalaki. Nang makarating kami sa dulo ng hallway kung saan malayo na sa venue ay kaagad kong nakita ang pagalis ng nurse. Lakad takbo ang ginawa ko para makalapit dito.
"Tito Zacharius!" Sigaw na tawag ko dito. Mabilis ko siyang niyakap patalikod.
Narinig ko ang kanyang pagtawa. "Miss na miss na po kita" medyo emosyonal na sabi ko pa sa kanya. Hinawakan niya ako sa kamay para paikutin paharap sa kanya. Nang tuluyan na akong makaharap sa kanya ay siya na din mismo ang yumakap sa akin. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa akin sa aking ulo.
"I miss you too...baby girl" malambing na sabi pa niya sa akin.
Halos ayaw naming bumitaw sa yakap ni tito Zacharius, sa kanya kasi ako pinakaclose dahil hindi halos nagkakalayo ang aming edad. Kaya niyang sabayan ang mga hilig ko, hindi kagaya ni ama at tito napoleon na masyadong seryoso sa buhay at sa trabaho.
"Kamusta na po ang theraphy niyo? Balita ko hindi naman po kayo nagpapacheck up eh" nakangusong suway ko pa sa kanya.
Nagpalipat kami sa may Garden ng hotel kung saan mas private at wala gaanong tao. Hawak hawak pa din ni Tito Zacharius ang aking kamay habang nakatanaw kami sa kung saan.
"Nahihirapan ka ba dito?" Tanong niya sa akin.
Napanguso ako at napakibit balikat. "Hindi naman po, hindi pa...dahil hindi pa nagsisimula ang plano nila ama" sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay.
"Pwede namang hindi mo na ito gawin, kami na ang bahala" suwestyon pa niya pero bumagsak ang aking balikat.
"Gusto ni ama na sumali ako sa misyon na ito, hindi siya papayag na bumalik ako sa italy" malungkot na kwento ko pa kay tito Zacharius.
Naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking pisngi. "You are a true princess, hindi ito isang gawain ng isang prinsesa Castellana. You we're supposed to be in your castle" malambing na sabi pa ni Tito Zacharius sa akin.
"Pero, gusto kong makuha ni Ama ang hustisya na gusto niya" giit ko pa kaya naman napabuntong hininga na lamang si tito Zacharius.
We are part of the Casa Savoia a royal dynasty that grew in power from a small country in the alps north-west of italy. Thanks to our half blooded ancestors. Dito ako sa pilipinas ipinanganak ngunit nang dumating ako sa pitong taong gulang ay lumipad kami duon ni ama at limang taong nanirahan duon kasama ang aming pamilya, kasama sina tito napoleon at tito Zacharius. Bumalik lamang kami dito sa pilipinas at nanirahan sa nayon bago ako magdiwang ng aking ikalabing tatlong kaarawan, at duon nabuo ang lahat ng plano ni ama.
"Hanggang kailan Castellana? Hanggang kailan ka makikipaglaban sa away na hindi ka naman dapat kasali?" Madamdaming tanong pa niya sa akin.
Pagod ko siyang nginitian. "There is no way out tito. Tatapusin natin ang laban..." desididong sabi ko pa sa kanya.
Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "At pagnatapos?" Mapanghamong tanong pa niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. " Babalik tayo sa italy, mamumuhay ng tahimik. Kakalimutan ang pilipinas, kakalimutan ang pagiging rebelde" sagot ko pa sa kanya kaya naman nagiwas na lamang siya ng tingin sa akin.
Hindi din nagtagal ang aming paguusap. Hindi rin pwedeng may makakita na naguusap kami ni Tito Zacharius. Delikado, masyadong delikado para sa aming mga sikreto. Mas lalong lumakas ang kapit namin sa Casa Savoia ng maikasal ang aking tito Napoleon kay Princess Thiahara, Duchess of Aosta. Sila ang nagbibigay sa amin ng pera para maisagawa ang aming plano, mula sa pagbili ng mga bagong armas, at mga sasakyang pandigma na maingat na itinago nila ama. Maging ang nga bomba at Canyon.
"Castel?" Nakakunot ang noo ni Aziel ng salubingin niya ako sa may entrance ng hotel.
Kinabahan ako kaya naman kaagad akong nabato sa aking kinatatayuan. "Anong ginagawa mo sa garden?" Tanong niya pa sa akin.
Huminga ako ng malalim. Pinilit na maging normal ang aking mga kilos at pagsasalita. "Nagpahangin lang, alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganitong okasyon" palusot ko sa kanya. Mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanya, hindi ki kayang tumingin sa kanyang mga mata.
Lumakad siya papalapit sa akin kaya naman muli kong naamoy ang kanyang pabango. "Sinabi ko na sayo na delikadong magisa sa lugar na ito...maraming maimpluwesyang tao, baka mapagdiskitahan ka pa" inis at galit na sabi pa niya sa akin.
Napanguso ako. "Eh bakit naman ako pagdidiskitahan? Hindi ko naman sila inaano" giit ko pa sa kanya dahilan para mas lalong mainis si Aziel.
"Pinipilosopo mo pa ako ngayon?" Asik niya sa akin.
Sinimangutan ko siya. "Eh totoo naman eh, hindi ko naman sila kilala. Tsaka hindi naman ako papansinin ng nga yun, hindi naman ako kilalang tao at mayaman kagaya nila" laban ko pa dito, nanatili siyang nakatitig sa akin.
"Dahil maganda ka. At castellana hindi mo alam kung ilang Doctor at Businessman na ang napatay ko sa isip ko dahil sa pagtingin tingin nila sayo. Ang ilan diyan, naghahanap lang ng tiempo para lapitan ka" mahaba at seryosong pagpapaliwanag niya pa sa akin.
Napaawang ang labi ko. "Eh bakit yung isang sundalo hindi mo pinatay?" Panghahamon ko sa kanya. Nakita ko ang pagtiim bagang nito.
"Castellana..." nakakatakot na tawag niya sa aking pangalan.
Imbes na sagutin siya ay mabilis akong tumakbo at nilagpasan siya. Sinubukan pa ako nitong habulin ngunit masyado akong naging mabilis sa aking pagtakbo kaya naman hindi niya na ako naabutan pa.
"Ay sorr..." kaagad akong napatigil ng makabangga ako ng isang lalaki.
"Castellana" seryosong tawag nito sa aking pangalan.
Parang naubos ang dugo sa aking mukha ng makita ko kung sino ang nasa aking harapan ngayon. "Tito Napoleon" sambit ko pa.
Hindi na ako nakapalag pa ng yayain ako nito sa isang pribadong kwarto. May kasakasama siyang dalawang body guard.
"Kamusta ka na Hija?" Tanong niya sa akin ng tuluyan na kaming makapasok.
"Ayos lang po tito..." sagot ko sa kanya. Hindi kagaya ng kay tito Zacharius ay hindi ako pwedeng makipagbiruan kay tito napoleon.
"Handa ka na ba?" Tanong pa niya sa akin kaya naman nagulat ako.
"Po?" Sambit ko.
Napangisi siya. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Franco? Malapit na tayong magdeklara ng laban" nakangisi pa ding paliwanag niya.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Pero tito..." pagpigil ko sana sa kanya ngunit hindi niya ako hinayaang makapagsalita pa.
"Pero tito? Mukha atang masyadong nadedelay ang trabaho mo Castellana? Ang buong akala ko ay nandito ka para tulungan ang iyong ama na makuha ang hustisya para sa kanya" mapanuyang sabi pa niya sa akin.
Mabilis akong napatango tango. "Opo tito, pero po hindi po ba masyadong mabilis? Kung pagplaplanuhan pa po natin ito ng as mabuti, kaunti lang ang madadamay na mga tao..." paliwanag ko pa.
Tinitigan niya ako kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng aking mga balahibo sa braso. "Nakalimutan ka ata hija..." nakangising sabi pa niya.
Sumimsim muna ito ng wine bago siya muling nagsalita. "Ang humarang damay...sa planado man o hindi" pagpapaalala pa niya sa akin.
Bayolente akong napalunok at napaiwas ng tingin. "Gusto ko pong makausap si Ama" giit ko sa kanya.
"Marami pa siyang ginagawa, naghahanda" sagot niya sa akin.
Maghahanda na sana ako para tumayo ng mabilis akong inunahan ni Tito napoleon. "Wait here, may kakausap pa sa iyo" sabi niya pa sa akin.
Imbes na magtanong ay naghintay na lamang ako. Ilang minuto lang ang lumipas ng makita ko ang pagpasok ng aking ama. Mabilis na nagsilaglagan ang aking mga luha. Tumayo ako at patakbo siyang sinalubong.
"Ama!" Sigaw ko at tsaka siya mabilis na niyakap.
Masyado akong maging emosyonal lalo na ng gantihan niya ang aking mga yakap. Ramdam ko din na sabik na sabik din si ama na makita ako. "Masyado niyo po akong pinagalala...ang tagal niyo pong hindi nagpakita" umiiyak pang sabi ko sa kanya.
"Pasencya ka na anak. Kailangan nating magtiis, para ito sa ating mga plano" sabi pa niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang hinarap.
"Yun nga po ama, gusto ko po kayong makausap tungkol duon" giit ko pa.
Hinayaan niya akong makapagsalita, hinayaan niyang ipaliwanag ko kung ano ang naisip kong iba pang paraan upang hindi maging madugo ang pagkamit namin ng Hustisya. Mas tahimik, mas ligtas at walang madadamay na inosenteng tao.
"Hindi ba ama, pwede naman iyon?" Pakiusap na tanong ko sa kanya ng masabi ko na sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin.
Nagiwas siya ng tingin sa akin. "Hindi ko pa alam castellana, paguusapan pa namin iyan ng iyong tito napoleon" sagot niya sa akin kaya naman parang unti unting may kung anong tumusok sa aking dibdib.
"Ama...hindi ko na po kaya na may magbubuwis pa ng buhay para dito. Pagkatapos ng lahat ng ito, kung aalis man tayo at babalik sa italy. Gusto kong iwan silang lahat na buhay" laban ko pa at paliwanag habang hindi matigil ang pagtulo ng aking mga luha.
Tinitigan ako ni ama, marahan niyang pinahiran ang luha sa aking mga mata. "Nakain ka na ng nararamdaman mo para sa sundalong iyon" malumanay na pagkakasabi niya sa akin ngunit ramdam na ramdam ko ang pait duon.
Mabilis akong napailing iling. "Hindi po iyan totoo ama..." laban ko.
Napatango tango na lamang ito. "Pagiisipan ko" sambit niya bago niya ako dahan dahang binitawan.
Gustuhin ko pa man siyang yakapin pa ng mas matagal ay alam kong hindi pwede. Nanghihina na lamang akong napaupo sa may upuan at iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang makabawi ay mabilis kong inayos ang aking sarili at bumalik sa Venue na parang walang nangyari.
"Jandi saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo" nagaalalang salubong sa akin ni Doc kenzo.
"Umiyak ka ba?" Tanong pa niya kaya naman pinilit kong magiwas ng tingin sa kanya.
Umiling ako. "Hindi po, napuwing lang po ako sa labas" palusot ko sa kanya.
Alam kong hindi iyon pinaniwalaan ni Doc kenzo pero ramdam niya marahil na ayokong magkwento kaya naman hinayaan na lamang niya ako.
Highlight ng program ang pagpapataas ng Donation para sa foundation. Isa isang pinakilala ang mga Business tycoons na nagdonate ng malalaking halaga. Isa sina tito napoleon ang may pinakamalaking halaga na idinonate.
"Let's Go?" Yaya sa akin ni Doc Kenzo pagkatapos ng party. Hindi ko na naabutan pa sina tito napoleon at tito Zacharius. Mabilis silang umalis sa venue dahil masyado silang mailap sa tao at sa media.
Inihatid ako ni Doc kenzo pauwi sa tenenement, ni hindi na nga ako nagawang lapitan ni Aziel kahit pa alam kong gusto niya.
"Ayos ka lang ba? May problema ka ba Jandi?" Tanong ni Doc kenzo sa akin. Mas lalong bumigat ang aking dibdib, ramdam na ramdam ko kasi ang pagaalala nito sa akin.
"Ayos lang po ako Doc kenzo" sabi ko pa sa kanya at nagmadali ng bumaba dahil sa takot na baka maiyak pa ako sa kanyang harapan.
Pagod na pagod akong umakyat patungo sa aming bahay. Bagsak ang aking balikat. Ngunit napahinto ako ng sa kabilang dulo ng hallway ay may nakita akong nakatayong sundalo. Nakasilip ito at nakatingin sa aming bahay. Hindi kaagad ako nakagalaw, pero ng makita niyang nakatingin ako sa kanya ay kaagad itong tumakbo paalis.
"Teka!" Sigaw ko sa kanya at tangka ko sana siyang hahabulin ng hindi ko na siya naabutan.
Kinabahan ako kaya naman tumakbo ako pauwi sa amin. Halos maiyak ako ng yakapin ko sina teacher ana, nanay pilar at Ducusin. "Mabuti na lang at ligtas kayo" maluha luhang sambit ko.
Natawa si Ducusin at teacher ana, pero si nanay pilar ay mukhang nakahalata. Alam ni nanay pilar ang lahat, ay sobrang swerte ko dahil ni minsan ay hindi niya inisip na iwanan ako.
"Oo naman, bakit ba?" Natatawang tanong ni Ducusin sa akin hindi ko siya sinagot. Mas lalo ko lamang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
Hindi na ako umimik pa pagkatapos nuon hanggang sa makatulog na sina teacher ana at ducusin. Nanatili ako sa may sala, habang nakadungaw sa may bintana hindi ako dinadalaw ng antok. Nanatili akong nakatitig sa kawalan.
"Castel anak" pagtawag ni nanay pilar sa akin.
Hindi ko na nacontrol ang aking sarili dahil mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Hindi ko na po alam ang gagawin ko nanay pilar, maguumpisa na sila ama...hindi ko po alam kung gusto ko pang gawin ito" umiiyak na sumbong ko sa kanya.
"Castel anak..." problemadong tawag niya sa akin, ramdam na ramdam kong nalulungkot at nahihirapan din siya para sa akin, sa aking kalagayan.
"Gusto mo bang kausapin ko ang iyong ama?" Tanong niya sa akin.
Napailing ako. "Buo na po ang desisyon nila, wala ng makakapagbago pa" nanghihinang sabi ko pa sa kanya.
Maaga akong nagising kinaumagahan para pumasok sa trabaho. Palabas ako ng tenement ng makita ko nanaman ang nakaunipormeng sundalo. Sinubukan nanaman sana niyang tumakbo ng makita niya ako pero hindi ko na siya hinayaan pang makatakas.
"Sino ka, anong ginagawa mo dito, anong kailangan mo sa amin?" Matapang at sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Nandito ako para hanapin si Castillo Hermosa" sagot niya sa akin na ikinagulat ko.
"Anong ibig mong sabihin? Matagal ng patay ang aking ama" pagsisinungaling ko sa kanya.
"Kalat na sa buong kampo na buhay siya, at pinaghahanap na siya ngayon ng mga militar. Alam naming may alam ka" akusa niya sa akin.
"Wala akong alam, hindi ko alam kung anong sinasabi mo" giit ko sa kanya pero nagulat ako ng hawakan ako nitonsa braso, mahigpit at masakit.
"Bibigyan kita ng palugit, sa oras na hindi mo sabihin kung nasaan ang iyong ama...makikita mo" pagbabanta niya sa akin.
Gusto ko pa sana siyang labanan ngunit kaagad na siyang umalis duon. Hindi nawala sa aking isip ang sundalong iyon, tandang tanda ko pa ang kanyang mukha. Kaagad kong naisip na humingi ng tulong kay Aziel tungkol sa sundalong iyon, alam kong masama ang tingin nila sa aking ama ngunit hindi tama ang ginawa niyang pananakit ay pagbabanta sa akin. Labag iyon sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang sundalo.
Naglalakad na ako malapit sa Hospital ng kaagad akong makakita ng kumusyon. Isang estudyante ang nagsisigaw ng may umagaw ng kanyang cellphone. Saktong sa gawi ko dumaan ang magnanakaw kaya naman kaagad kong ibinaba ang aking mga gamit at tsaka siya kinastigo. Nahawi ang mga tao at napasigas ang lahat ng maglabas ito ng patalim.
"Matapang ka ha!" Galit na sabi niya sa akin at tangka akong sasaksakin ng mabilis ko siyang nasipa. Tumilapon ito dahil sa aking ginawa sa kanya.
Nasa italy pa lamang kami at nasa murang edad pa lamang ako ay iba't ibang klase na ng martial arts ang itinuro sa akin, paghahanda iyon para sa aming misyon.
Hindi nannakatayo pa ang magnanakaw ng muli ko siyang sinipa sa kanyang mukha, hilong hilo ito at napapadaing na sa sakit. Naibalik ko sa estudyante ang kanyang cellphone, hindi naman magkamayaw ang usap usapan ng mga nakikiusyoso.
Pinulot ko ang aking nga gamit, at inayos ang aking sarili ng may biglang humarang sa aking harapan. Nagulat ako, dahil sa kakaibang tingin niya sa akin.
"I remember" sambit niya habang matalim ang tingin sa akin.
Kinabahan ako. "Sir Piero" kinakabahang tawag ko sa kanya.
"Alam ko na kung saan kita nakita, sinasabi ko na nga ba...pamilyar ang mukha mo" pagpapatuloy pa niya.
"Hindi ko po kayo maintindihan" naiilang na sabi ko pa at tangkang lalagpasan na siya ng kaagad niya akong pinigilan.
"You are part of the La agrupación" bintang niya.
Pagkatapos ay ngumisi ito. "One of their non suspicious, not so innocent hired killers"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro