Chapter 36
Isang Babae
Hindi ko na lamang pinansin ang patuloy na pangaasar sa akin ni Lily. Mas lalong humaba ang aking nguso kasabay ng aking paghalukipkip. Sa aking harapan ay nakatayo si Franco na nakasandal sa may pintuan at nakapamewang. Nakatingin sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Padabog akong tumayo at tsaka mabilis na lumapit sa kanyang ref.
"May Ice cream ka ba dito?" Tanong ko sa kanya.
"Meron" tamad na sagot niya sa akin.
Kaagad akong napangiti ng makita kong may dalawa siyang Flavor ng Ice cream. Imbes na kumuha ng mangkok ay kutsara na lamang ang kinuha ko at muling bumalik sa aking kinauupuan kanina.
Tahimik kong kinain ang Rocky Road flavored ice cream. Ramdam ko naman ang panunuod sa akin nina Lily at Franco pero hindi ko na lamang sila pinansin. Hanggang sa maamoy ko nanaman ang sigarilyo ni Lily.
"Lily sigarilyo mo nga" suway ko sa kanya at reklamo.
Nginisian niya lamang ako at pinagpatuloy ito. Inirapan ko siya at tsaka muling itinuon ang aking pansin sa pagkain ko ng ice cream.
"Ang tito Napoleon mo ay nandito na sa pilipinas, gusto ka niyang makita" kaagad na sabat ni Franco.
Tamad ko na lamang siyang tinanguan. "Kasama ang Tito Zandrius mo" dugtong pa niya kaya naman nanlaki ang aking mga mata at kaagad na nakaramdam ng Excitement.
"Talaga? Kailan ko sila pwedeng makita?" Excited na tanong ko pa kay Franco. Umirap muna ito bago nagiwas ng tingin.
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko pa alam, wala pa akong natatanggap na order mula kay pinuno" sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako. Sina Tito Napoleon at Tito Zandrius ay ang mga kapatid ni Ama.
Pagkatapos kong kumain ng Ice cream ay kaagad na akong tumayo para sana magpaalam sa kanilang dalawa ngunit kaagad akong pinigilan ni Lily. "Hannaniel" nakangising tawag niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang nilingon ay sinamaan ng tingin.
"Wag mo nga akong tawagin sa pangalan na iyan, Castellana ang pangalan ko" pagtatama ko sa kanya at tsaka mabilis na umalis duon. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Franco pero hindi ko na lamang iyon pinansin pa at tsaka ako nagpatuloy sa pagalis duon.
Ang kaninang matigas kong mukha dahil sa galit ay unti unting humupa ng ilang hakbang na lamang ang layo ko sa aming tinutuluyang tenement. Kaagad ko din natanaw ang nagbabasketball na sila Kiko at ang mga kaibigan nito.
"Castellana" pagtawag niya sa akin at tsaka siya humarang sa aking daraanan.
"Oh kiko" balik na tawag ko sa kanya.
"Ang bilis talaga ng Karma ano? Hindi ba't si mang roger ang nambastos sa inyo kahapon?" Tanong pa niya sa akin.
Bahagya na lamang akong napatango sa kanya. "Pero hindi naman namin ginusto ang nangyari iyon, kahit pa sinaktan niya si Ducusin, nagulat din kami sa nangyari" malumanay na sabi ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan.
"Alam naman namin iyon" nakangiting sabi niya sa akin.
Nagpaalam na ako kay kiko na mauuna na ako dahil gusto ko na ding magpahinga. Pagdating sa aming bahay ay kaagad kong narinig ang pamomorblema ni teacher ana.
"Magandang hapon po" pagkuha ko ng atensyon nila ni nanay pilar.
"Oh andito ka na pala Castel, mag mirienda ka na muna" pagsalubong sa akin ni nanay pilar at tsaka ako inalukan ng turon.
Umiling ako, lumapit ako sa lamesa kung nasaan ang na momorblemang si teacher ana. "May problema po ba?" Tanong ko sa kanila.
"Natanggal ako sa trabaho" sabi ni teacher ana sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.
Kaagad akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya. Hinawakan ko ito sa balikat. "Wag po kayong magalala teacher ana, makakahanap din po kayo ng bagong trabaho, mas maganda pa duon at mas malaki ang sweldo" pagpapalakas ko ng kanyang loob.
Tipid akong nginitian. "Sana nga, dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para suportahan ang pamilya ko sa San jose" problemadong sabi pa niya sa akin.
Nung hapon ding iyon ay kaagad na naging abala si teacher ana sa paghahanap ng bagong pwede niyang pasukang trabaho. Hindi naman kami nagkulang ni Nanay pilar na palakasin ang kanyang loob.
"Si ducusin nga po pala?" Tanong ko kay nanay pilar ng mapansin kong wala ito.
"Nasa labas, kanina pa nga iyon umalis...hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik" sagot ni nanay pilar sa akin kaya naman kaagad akong nagalala para sa aking kaibigan.
Mabilis akong tumayo. "Lalabas po muna ako, hahanapin ko siya" paalam ko kina nanag pilar at teacher ana.
Mabilis akong dumiretso sa kaninang pinagtatambayan nila kiko. Pero wala na duon si kiko at ang ilang mga kaibigan na lamang niya ang natira.
"Nakita niyo ba si Ducusin?" Tanong ko sa mga ito.
Nagkatinginan ang tatlong lalaking tinanong ko at tsaka sabay sabay na umiling. "Sige salamat..." sabi ko pa sa kanila at tsaka ko pinagpatuloy ang paghahanap ko.
Magulo ang daan paglabas ng aming tenement. Kung magulo sa loob at maingay ay mas doble ang paglabas. Dagdag pa ang mga maiingay na makina ng pampasaherong jeep.
"Isaw kayo diyan" sigaw ng tinderang babae na nagpapaypay sa kanyang mga tinitindang mga ihaw.
Sandali ko lang siyang tiningnan at tsaka ipinagpatuloy ang paghahanap ko kay Ducusin. Hindi ko alam kung bakit, ngunit dinala ako ng aking mga paa sa isang makipot at mahabang eskinita. Sa dulo ng eskinita na iyon ay ang likod ng aming tenement.
"Pero hindi mo talaga ako matutulungan kay Castel?" Rinig kong paguusap ng hindi bababa sa limang katao.
"Hindi ka magugustuhan nuon, may iba ng gusto si Castel eh" rinig ko namang sagot ni Ducusin.
Alam na alam ko ang kanyang boses. Sigurado akong si Ducusin iyon. "Eh wala ka pala pare eh, bakit ka pa namin kinaibigan kung hindi mo naman pala kami matutulungan kay Castel?" Giit ng lalaking umaastang leader leader nila. Sumubok akong sumilip at duon ko nakita si Kiko.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Kaya niyo lamang ba ako kinaibigan para mapalapit kay Castel?" emosyonal na taninong ni Ducusin dito.
Napangisi si kiko. "At ano pa ba? Sa tingin mo ba kakaibiganin ka namin, eh kalat nga sa buong tenement na bakla ka" sabi pa nito tsaka nila pinagtawanan ang aking walang kalaban laban na kaibigan.
Kahit may kalayuan ay kitang kita ko ang galit sa mukha ni Ducusin. Mabilis itong umambang susuntok ng naunahan siya ni Kiko ng pagsuntok. Mabilis na nagtawanan ang mga ito ng lumagapak si Ducusin sa sahig.
"Wala ka naman pala eh! Bakla!" Pamamaliit ni Kiko kay Ducusin.
Nang makita kong tumayo na si Ducusin para tumakbo paalis duon ay kaagad ko na siyang inunahan. Nagmadali ako at nag tago para hindi niya ako makita. Umiiyak itong umalis sa lugar na iyon. Naikuyom ko ang aking kamao dahil dito.
Imbes na kausapin sina kiko dahil sa ginawa nila kay Ducusin ay sumunod na din ako pauwi.
"Oh saan ka ba galing? Tumatakbo si Ducusin papasok sa kwarto, may nangyari ba?" Nagaalalang tanong ni Nanay pilar sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo. "Wa...wala naman po, kakausapin ko lang po si Ducusin" sagot ko pa at mabilis na pumasok sa kwarto nito.
Naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kanyang higaan, umiiyak.
"Ducusin..." pagtawag ko sa kanya pero hindi niya na ako nagawa pang lingonin.
"Wag mo na muna akong kausapin" umiiyak na sabi niya sa akin pero nagmatigas ako.
Nilapitan ko siya at tsaka ako umupo sa kanyang tabi. "Ducusin sabihin mo sa akin, ano problema? Hindi ba bestfriend tayo?" Pamimilit ko pa sa kanya.
Ilang pag pilit pa ang aking ginawa bago niya ako tuluyang sinagot. "Hindi totoong si Mang Roger ang bumugbog sa akin" sabi niya na ikinagulat ko. Para akong sandaling nalagutan ng hininga dahil sa kanyang ibinunyag sa akin.
"Sina kiko at ang mga kaibigan niya ang tunay na magkagagawan nito" umiiyak na sumbong pa niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamo.
Ibig sabihin lamang nuon ay, all this time ginagamit niya lamang si ducusin. Nagpapanggap lamang ang mga ito na tanggap nila ang aking kaibigan gayong ang totoo ay may iba pala talaga silang pakay dito.
Ikinwento ni Ducusin sa akin ang lahat. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanya ngunit naguumapaw na ang aking inis at galit kina kiko at sa mga kaibigan nito.
"Wag kang magalala Ducusin, pagbabayaran din nila ang ginagawa nila sayo" pagpapagaan ko pa sa kanyang loob.
Kinaumagahan ay mas naunang nagising si teacher ana kaysa sa amin. Naabutan ko siyang nagaayos ng lamesa at luto na ang aming almusal.
"Magandang umaga po teacher ana" pagbati ko sa kanya.
Nginitian niya ako at tsaka binati pabalik. "Kumain ka na muna Castel bago ka maligo, ipaghahanda na din kita ng baon mo" sabi niya sa akin kaya naman tinanguan ko na lamang siya at tsaka ako nagpasalamat.
Matapos kumain ay naligo na din ako at nagayos. Ngayong araw ang balik ni Doc kenzo kaya naman kailangang duon niya ako maabutan sa kanilang bahay.
"Aalis na po muna ako...ducusin" paalam ko kina teacher ana, nanay pilar at kay ducusin.
Pagkababa na pagkababa ko sa tenement ay nakita ko nanaman ang grupo nina Kiko. Muli nanaman siyang naglakad palapit sa akin para salubungin ako.
"Magandang umaga Castellana" nakangiting bati sa akin, masyado siyang mabait ngayon. Malayong malayo sa kiko kagabi na mapamintas at masama ang ugali.
Tinitigan ko lamang siya, sinigurado kong walang kaemoemosyon ang aking mukha habang nakatingin ako sa kanya. Nang mapansin niya ay unti unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"May problema ba Castellana?" Alanganing tanong niya sa akin.
"Simula ngayon, wag ka ng lalapit sa akin lalong lalo na kay Ducusin, dahil sa oras na saktan mo ulit siya. Sinasabi ko sayo kiko..." pagbabanta ko sa kanta.
"Bakit anong gagawin niyo sa amin?" Nakangising tanong niya sa akin.
"Kabago bago niyo pa lang dito sa tenement kung makapagbanta ka sa akin, bakit Castellana? Ganda lang naman ang meron ka, ganda lang ang lamang mo sa ibang mga babae dito" pangiinsulto pa niya sa akin.
Ngayon napatuyan ko na, hindi lahat ng taong mabait sa una niyong pag kikita ay tunay. Kagaya na lamang nitong si Kiko na may tinatago naman pala talagang baho.
"Bakit kiko? Natatakot ka ba?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. Nang hindi na siya makapagsalita pa ay mabilis na akong umiwas sa kanya at umalis duon.
Pagdating ko sa bahay ng mga herrer ay bukas ang kanilang malaking gate. "Magandang umaga po" bati ko sa Guard.
Binati din niya ako pabalik. Sinabi nitong dumating na si Sir Alec herrer pero hindi pa nito kasama si Doc kenzo. "Nahuli lang si Sir kenzo, ngayong araw din ang uwi niya. Hintayin mo na lang" sabi pa niya sa akin na tinanguan ko na lamang.
Mga kasamabahay lamang ang naabutan ko sa may salas. Abalang abala ang mga ito habang isa isang inakyat ang mga maleta na mukhang dala ni Sir Alec.
"Oh Castellana, wala si Sir Tadeo dito. Madaling araw pa lang ng umalis" sabi sa akin ng isa sa kanilang mga kasambahay.
Napaawang ang aking bibig pero kaagad din naman akong nakabawi. "Salamat po, hinihintay ko din po si Doc kenzo" sabi ko pa sa kanya. Inalok pa ako nito ng maiinom pero tinanggihan ko.
Naninibago ako dahil wala si Aziel sa paligid. Hindi ko tuloy maiwasang hindi siya hanapin. Nagulat ako ng biglang bumukas ng malaki ang kanilang Front door. Unang pumasok ang isang kasamabahay na may dala ng itim na maleta. Sa kanyang likuran ay si Sir Piero.
Nagulat pa siya ng makita ako pero kaagad ding nakabawi. Kagaya ng mga nakaraang araw ay itim na itim nanaman ang suot nitong damit. Ni kahit anong masayang kulay ay hindi pa ata siya nakakapagsuot. Imbes na dumiretso siya sa itaas ay naglakad siya papalapit sa akin kaya naman napatayo ako para batiin siya.
"Magandang umaga po Sir Piero" bati ko sa kanya at bahagya pang napayuko.
Hindi ito bumati pabalik, ngunit nakakunot ang kanyang noo habang ang kanyang nga mata ay nanliliit habang tinitingnan ako, para bang pilit na inaalala kung saan niya ako nakita kagaya ng sinasabi niya nung huli kaming nagkita na pamilyar ang mukha ko sa kanya.
"Sigurado ako, nakita na kita dati" giit niya sa akin.
Bayolente akong napalunok. "P...po?" Kunwaring naguguluhang tanong ko sa kanya. Alam na alam ko kung saan ang lugar na tinutukoy ni Piero. Hindi ko lang inaasahan na makikila niya ako kahit wala akong suot na magarang damit at hindi maiksi ang aking buhok.
"I've seen you in La agrupación de las Justicia" sabi niya kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi.
"Pasencya na po, pero hindi ko po alam ang lugar na iyon" patuloy na pagtanggi ko sa kanya.
Hindi pa din siya natinag. "Hindi ako pwedeng magkamali, nakita na kita duon...tatlong beses siguro kitang nakita duon" pagpupumilit pa niya pero patuloy ko pa ding itinanggi iyon.
Nasa ganuon kaming sitwasyon ng kaagad na pumasok si Aziel. "Anong nangyayari dito?" Parang isang kidlat na tanong niya sa amin.
Hindi ako nakapagsalita, dahil ang talim ng kanyang tingin ay diretso sa kanyang kapatid na si sir Piero.
"Lo que está pasando aquí?" Tanong at pageespanyol ni Aziel sa kanyang kapatid.
"Nothing" tamad na sagot ni Piero dito at tsaka kami kaagad na tinalikuran.
Hindi nawala ang tingin ni Aziel sa kapatid hanggang sa tuluyan na itong makaakyat at mawala na siya sa aming paningin. Pagkatapos nuon ay mabilis na lumipat ang tingin ni Aziel sa akin, ang kanyang tingin ay may kasamang pagbabanta.
"Anong ginawa sayo ni Piero?" Seryosong tanong pa niya pero mabilis ko lamang inilingan.
"Wa...wala" parang nauutal at takot pang sagot ko sa kanya.
Kita ko ang bahagyang pagtaas ng kanyang kilay. "Sigurado ka?" Paninigurado pa niya sa akin na ikinatango ko na lamang dahil walang ni kahit anong salita ang gustong lumabas sa aking bibig.
Saktong mananaghalian ng dumating si Doc Kenzo kasama ang kanilang Tito Axus. Walang pagkakailangang kambal nga talaga ito ni Sir Alec, kagaya nito ay magandang lalaki din ito, mukhang nasa kanilang dugo na nga talaga ang ganitong itsura.
"We are all flying sa France next week for Eroz race" rinig kong paguusap ng mga ito.
Kumpleto ang lahat sa hapag, si Sir cairo lamang ang wala dahil busy pa din ito sa office. Nahiya pa nga ako nung una na kumain kasama sila dahil hindi naman ako parte ng pamilya pero pinilit ako ni ma'm maria, hindi ko naman naramdaman na iba ako sa kanila, hindi sila matapobreng klase ng tao.
Nalaman kong isa itong race car driver. Hindi naman bago pa iyon sa akin, masyadong matunog ang pangalang iyon sa larangan ng mga sports at sa pagkakarera na naman ng kanyang nagiisang anak na lalaki.
"Kamusta ka dito?" Tanong ni Doc kenzo sa akin pagkatapos ng tanghalian.
"Mabuti naman po" sagot ko sa kanya.
Kagaya kahapon ay maaga din akong pinauwi ni Doc kenzo para sa araw na ito dahil bukas ng umaga ay balik na kami sa Clinic at sigurado daw na puno ang schedule namin bukas.
"Ipapahatid na kita kay mang..."
"Isasabay ko na siya" pagsingit ni Aziel.
Sinamaan ni Doc kenzo ng tingin ang kapatid. "Hindi na, wala akong tiwala sayo kay mang ju..."
"Wala ang mga driver, ano bang ikinakatakot mo? Hindi ko naman kakainin yang secretary mo" nakangising sabi pa ni Aziel dito kaya naman narinig ko ang mahinang pagmumura ni Doc Kenzo dahil dito.
"Doc kenzo, ayos lang po ako...wag po kayong magalala" paninigurado ko pa sa kanya.
Sa huli ay hinayaan niya na akong sumama kay Aziel. Tahimik naman kami sa byahe patungo sa aming tenement. "I need to tell you something" paguumpisa niya.
"Ano iyon?" Tanong ko pa.
"Nakakuha kami ng lead sa kinaroroonan ng iyong ama..." sabi niya sa akin na ikinagulat ako. Hindi ako nakapagsalita kaagad.
"Si...sigurado ka ba diyan?" Emosyonal na tanong ko kay Aziel.
Kita ko ang sakit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Mabilis niya akong hinila para mayakap niya. "Wag kang magalala, hahanapin namin ang iyong ama...pero hindi ko maipapangako sayo na hindi niya pagbabayaran ang mga kasalanan niya sa bayan" malungkot na sabi pa niya sa akin na tinanguan ko na lamang.
"Pakiusap, wag niyong sasaktan ang aking ama" umiiyak pang pakiusap ko sa kanya.
"Shhh...gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Para sayo" paninigurado pa niya sa akin.
Matapos kong bumaba ng sasakyan ni Aziel ay marahan kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. May mga oras na ayoko na ding magpanggap pa ngunit ito ang kailangan. Kailangan ko itong gawin para matupad lahat ng plano ng aming pamilya. Para malinis ang aming pangalan.
Masakit din sa dibdib ang ginagawa ko kay Aziel, ngunit hindi na ako pwede pang umatras, nandito na ito...nadamay na siya at ang kanyang pamilya.
"Wala akong kasalanan! Wala akong kasalanan!" Sigaw ng mga binatang lalaki.
Muli nanamang nagkaroon ng kaguluhan sa tenement. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong ang mga kabataang lalaki na inaakay ng mga pulis ay ang grupo nila kiko.
"Ale ano pong nangyayari dito?" Tanong ko sa mga babaeng nakikiusyoso din.
"Naraid sina kiko, nakitaan ng shabu sa loob ng bahay nila" sagot niya sa akin na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan na gumagamit sina kiko ng ipinagbabawal na gamot.
"Set up ito! Set up ito!" Sigaw ni kiko habang akay akay sina ng mga pulis papasok sa patrol. Basang basa ang kanyang mukha dahil sa pagiyak. Tamad ko lamang siyang pinanuod, tunay ngang mabilis ang pagdating ng karma.
Hindi ko na pinansin pa ang mga usapan sa paligid. Dumiretso ako sa aming bahay. Maging sila teacher ana at nanay pilar ay hindi makapaniwala ng malamang magagawa iyon ni kiko. Dahil pati sa kanila ay mabait din ang turing nito, nagpapanggap.
"Impossible eh, matagal ko ng kilala ang batang iyon" giit ni teacher ana.
Hindi na lamang ako nagsalita pero kaagad akong napaiwas ng tingin ng tingnan ako ni nanay pilar. May laman ang kanyang mga tigin. Naging tahimik si Ducusin sa kabila ng mga nangyari, wala din siyang balak na magsalita tungkol dito kaya naman hinayaan ko na lamang siya.
Kinabuksan ay excited akong pumasok sa hospital, namiss ko din iyon kaya naman napaaga talaga ang aking pasok. "Castel!" Sigaw na salubong sa akin ni rita.
Kaagad ko din siyang sinalubong at ginantihan ang kanyang yakap sa akin. "Hoy kaloka sa lugar niyo ang daming ganap ha!" Puna pa niya.
"Kaya nga eh..." sambit ko.
Hindi din nagtagal ang paguusap namin ni Rita dahil kagaya ko ay maaga ding pumasok si Doc kenzo. Pero nagulat ako ng kasunod nitong pumasok si Aziel.
"Magandang umaga po" pagbati ko na sa kanilang dalawa.
Si doc kenzo lang ang bumati pabalik sa akin si Aziel ay nanatili lang na nakatingin sa akin, nakatitig.
"Jandi i forgot to give this to you kahapon, chocolates ang mga iyan, iba't ibang klase ng chocolates" sabi pa ni Doc kenzo sa akin sabay abot ng isang bag ng iba't ibang klase ng chocolate sa akin.
Kaagad lumawak ang aking ngiti. "Maraming salamat po Doc kenzo" excited na sambit ko at kaagad na natakam sa mga iyon.
"What's with the chocolate, magkakasakit ka lang diyan" mapanuyang pagsabat ni aziel pero hindi namin siya pinansin.
Inirapan ko na lamang siya. "Maraming salamat po ulit dito Doc kenzo" sabi ko pa sa kanya.
Hindi nagtagal ay lumabas si Aziel para pumunta sa kung saan. Maya maya ay muli itong pumasok sa clinic at nagulat ako ng makita ko si Olivia ang Fiance ni Miguel na nakilala ko sa may kampo.
Mabilis siyang sinalubong ni Doc kenzo at tsaka nakipagkamay dito. "Kamusta ang result?" Tanong ni Doc kenzo.
Kita ko ang panghihina ni olivia, kitang kita na mayroon siyang problema.
"Lumabas na ang result..." paguumpisa niya.
Nasa kanya ang buong atensyon ni Aziel at Doc kenzo. Maging ako ay ganuon din. Pero lahat kami ay nagulat at nabato sa ibinunyag ni Olivia.
"Babae ang pumatay kay miguel...isang babae" emosyonal na sabi pa niya at tuluyan ng napaiyak.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro