
Chapter 34
Still on control
Imbes na dumiretso na pauwi ay nagtungo kami ni Franco sa isang karinderya dalawang kanto mula sa aming tenement. Malalim ang iniisip nito habang umiinom ng softdrinks. Hindi ko naman magawang galawin ang akin dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na buhay si franco ay nasa tabi ko siya ngayon.
"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Ayos naman, kahit papaano ay nakakasabay sa buhay dito sa syudad" malumanay na sagot ko sa kanya.
Napatango siya. "Sinong kasama mo dito?" Panguusisa pa niya sa akin.
"Si Ducusin tsaka si nanay pilar. Kinupkop kami ni Teacher ana" sagot ko pa sa kanya.
Muli kaming natahimik na dalawa. Hanggang sa narinig ko ang paghugot ni franco ng paghinga.
"Bumalik na tayo sa bundok, kukuhanin na kita dito" biglaang sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
"Ayoko..." kaagad na sagot ko sa kanya na ikinagulat ni Franco. Napatitig siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
"At bakit? Hindi naman tayo kabilang dito. Kailangan nating bumalik kung saan tayo ng galing" giit pa niya sa akin.
"Pero franco..." laban ko.
"Hindi tayo taga rito Castel, sa bundok ang buhay natin" patuloy na laban pa niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Gusto ko dito" sambit ko.
Narinig ko ang mapanuyang pag ngisi ni Franco. Ramdam na ramdam ko ang kanyang galit dahil sa kanyang mabibigat na pag hinga.
"Sa tingin mo ba ito ang gusto ng iyong ama? Sa tingin moba matutuwa siya pag nalaman niyang nandito ka sa syudad?" Laban na tanong niya sa akin.
Napanguso ako. "Pero wala na si ama, at alam kong maiintindihan niya ako. Masaya na ako dito" paliwanag ko pa sa kanya.
Mariing napapikit si franco at mahinang napamura. Habol habol niya ang kanyang paghinga dahil sa pagpipigil na sumabog siya.
Nang napansin kong unti unti ng humihinahon si franco ay hinawakan ko siya sa braso. Kita ko sa kanyang mukha ang kanyang pagkagulat.
"Dito ka na lang din Franco. Wag ka ng bumalik sa bundok, magbagong buhay na tayo dito, magsimulang bagong buhay" pamimilit ko sa kanya.
Napaiwas ng tingin ito. "Walang pagbabagong mangyayari Castellana, sa mata ng mga taong kilala ako, rebelde pa din ako...kalaban pa din ako" seryosong sabi pa niya sa akin kaya naman bumagsak ang aking balikat.
"Kayo pwede kayong magbagong buhay dito, tutal ay wala namang nakakaalam na dati kayong rebelde. Pero ako? na nakulong na nuon..." pagpapaliwanag niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib dahil sa aking narinig mula kay franco.
Kahit papaano ay naiintindihan ko na siya. Nakita ko naman din at naransan ang hindi pagtanggap sa amin nung mga unang araw namin dito sa syudad. Hindi naging madali pero paunti unti ay sinubukan naming kayanin nina ducusin at aling pilar. Hanggang sa ito ngayon at ayos na ang buhay namin dito.
"Kung mayroon lang akong pwedeng gawin franco, gustong gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin..." pamimilit ko pa sa kanya.
"Castel wala ka ng magagawa. Kung gusto mo dito sige dito kayo." Sabi niya at kaagad na tumayo. Nabigla ako kaya naman muli akong napakapit sa kanya.
"Franco naman, hindi ka ba masaya na nagkita tayo...aalis ka kaagad?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
Napairap ito sa kawalan bago siya may kinuhang kapirasong papel sa bulsa ng kanyang jacket. "Ayan ang address ko, umuupa ako ng isang maliit na kwarto sa kabilang baranggay" sabi niya na ikinatuwa ko.
"Sigurado akong magugustuhan mo din dito franco" nakangiting sabi ko pa pero inilingan niya ako.
"Bibigyan kita ng kaunti pang panahon Castel, babalik pa din tayo sa nayon" seryosong sabi niya sa akin bago niya ako hinila paalis duon.
Kahit medyo galit si Franco sa akin ay hindi pa din niya ako hinayaang umuwi ng magisa, inihatid pa din niya ako pabalik sa tenement.
"Kailan ulit kita makikita?" Pahabol na tanong ko sa kanya bago siya tuluyang lumakad palayo sa akin.
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam" tamad na sagot niya sa akin.
Napanguso na lamang ako. Masungit din talaga itong si Franco pag may topak. Bagsak ang aking balikat papasok sa tenement.
"Oh bakit ngayon ka lang?" Masungit na salubong sa akin ni Ducusin.
"May dinaanan lang" sagot ko sa kanya pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.
"Nagenjoy ka nanaman duon sa bahag nila Aziel. Baka mamaya niyan hindi ka na umuwi nagasawa ka na pala!" Pangaasar niya sa akin.
Natawa ako at tsaka ko siya kaagad na hinampas sa braso. "Isip neto" akusa ko sa kanya.
Maaga akong nagising kinaumagahan kaya naman tumulong na ako kay Ducusin na magluto ng almusal.
"Castel napansin kong medyo napapadalas ata ang paguwi mo ng gabi" sabi sa akin ni nanay pilar pagkalabas niya ng kwarto.
Kaagad akong napatingin kay Ducusin, kaagad siyang sumenyas sa akin na lagot ako tsaka siya lumayo sa akin.
"Medyo marami po kasing gingawa sa clinic" pagsisinungaling ko tsaka ako napakagat sa aking pangibabang labi.
Pinanlakihan ako ng mata ni Ducusin na nakatayo sa likuran ni nanay pilar. "Ganuon ba? Eh ang sa amin lang naman, nagaalala kami dahil masyado ng delikado ang lugar natin dito. Lalo na sayong dalaga, pansinin ka pa" mahabang sabi nito.
Damang dama ko ang pagaalala ni nanay pilar sa akin dahil una pa lang, ay parang anak na ang turing niya sa akin at ganuon din kay Ducusin.
"Wag po kayong magalala nanay pilar. Magiingat po ako palagi" paninigurado ko pa sa kanya.
Sabay kaming lumabas ni Ducusin para makasakay. Habang nilalakad namin ang eskinita patungo sa kanto kung saan may mga jeep ay napadaan kami sa mga lalaking nagiinuman sa gilid ng daan.
Nagkatinginan kami ni Ducusin dahil napansin namin ang tingin nila sa amin. Nang mas lalo kaming napalapit sa kanila ay tumayo na ang isa.
"Tagay muna ms. Beautiful" pagyaya niya sa akin at sinubukan pa niyang hawakan ako sa braso kaya naman kaagad ng umaksyon si ducusin.
Humarang ito sa aking harapan para harapin ang lasing na lalaki. "Hindi umiinom ang kaibigan ko" matapang na sabi niya dito.
Napangisi ang lasing na lalaki at pagkatapos ay natatawa tawang nilingon ang kanyang mga kainuman. "Pinapahiya mo ba ako tutoy?" Nakangising tanong niya kay ducusin pero alam naming napikon na ito.
"Hindi po ako tutoy!" Maarteng laban ni Ducusin dito.
"Eh bakla naman pala ito eh" natatawang sabi ng lasing na lalaki na dinuro pa si Ducusin.
Mabilis na tinabig ni Ducusin ang kamay nito. "May problema ba tayo sa bakla?" Masungit na tanong ni Ducusin dito.
Kita ko ang mas lalong pagkainis ng lalaki kaya naman ng bumwelo na ito para sana suntukin si Ducusin ay kaagad kong ibinaba ang lahat ng gamit na hawak ko at sinipa ito sa mukha.
Nagulat ang lahat maging si Ducusin. Ang mga kainuman nito ay napatayo at parang biglang nawala ang kalasingan. Unti unting kumapal ang mga nakikichismiss na mga tao kaya naman mabilis naming pinulot ni Ducusin ang mga gamit ko sa sahig at tsaka kami mabilis na tumakbo palayo duon.
Imbes na tumakbo ng mabilis dahil sa takot ay tawa pa kami ng tawa dahil sa nangyari. Nang makalayo layo ay sabay din kaming huminto ni Ducusin para habulin ang aming hininga.
"Grabe, ang tagal ko ng hindi nakita iyon ah!" Natatawang sabi niya sa akin.
Nginisian ko siya tsaka inilagay ang hintuturo ko sa aking labi. "Shhh..." sabi ko pa sa kanya tsaka kami muling tumawa. Naghiwalay lamang kami ni Ducusin ng nauna na itong bumaba ng jeep.
Magaalas otso na ako dumating sa bahay ng mga herrer. "Magandang umaga po" pagbati ko sa Security guard.
Nginitian ako nito at tsaka niya ako pinagbuksan ng pintuan. "Magandang umaga din sayo..." nakangiting balik na bati niya sa akin ngunit kakaiba ang tingin nito sa akin.
"Castellana" matigas na tawag ni Aziel sa akin kaya naman nagulat kaming dalawa ni kuya guard.
"Pumasok ka na" seryosobg utos pa niya bago niya kami tinalikuran at tsaka diretsong pumasok sa kanilang bahay.
Parang isang malakas na kulog ang kanyang boses ng tawagin ako nito kaya naman hindi ko na din nagawa pang lingonin si kuya guard dahil mabilis na din siyang bumalik sa kanyang pwesto.
"Magandang umaga po" bati ko pa sa mga kasambahay na nakakasalubong ko.
Isa sa kanila ang nagturo sa akin sa may dinning area. Mabilis akong dumiretso duon at tsaka ko nakita si Aziel na nakaupo na sa may lamesa. Marami na ding nakahandang pagkain sa kanyang harapan.
"Umupo ka, let's eat" utos niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Kumain na ako sa bahay namin eh, ikaw na lang. Sa may garden na lang muna ako" sabi ko pa sa kanya at tangkang tatalikuran ko na sana siya ng magulat ako dahil sa biglaang pagtayo nito.
"Hindi na ako kakain kung ganuon" seryosong sabi niya na ikinagulat ko. Mabilis akong humarang sa kanyang daraanan.
"Aziel naman eh, kumain ka na kasi" pagpupumilit ko sa kanya. Nagiinarte pa kasi ito, at hindi pwedeng hindi siya makakain dahil may mga gamot siyang kailangang inumin.
Tamad siyang tumingin sa akin. Parang batang walang balak na sumunod. "Sige na, kumain ka na iinom ka pa ng gamot eh. Papagalitan ako niyan ni ma'm maria, arte arte" pagmamaktol ko. Halos magpapadyak ako dahil sa inis.
Mas lalo akong nainis ng tawanan ako nito. "Bakit?" Galit na tanong ko sa kanya.
"Ang cute mo eh" nakangising sabi niya sa akin kaya naman sinamangutan ko siya.
Dahil sa inis ay wala ng salitang gusto pang lumabas sa aking bibig kaya naman tatalikuran ko na sana siya ng mabilis niya akong niyakap sa bewang.
"Hay ano ka ba baka may makakita sa atin!" Suway ko sa kanya at pilit kong kumawala sa kanya ngunit masyadong malakas ang braso nitong nakayakap sa aking bewang.
Tawa ito ng tawa ng pakawalan niya ako. Gustong gusto ko siyang suntukin ngunit maging ako ay napatigil din ng makita kong masaya ito. Nawawala ang kanyang mata dahil sa sobrnag pagtawa. Mas lalong gumagawapo si Aziel sa tuwing ganuon ang kanyang itsura, malayong malayo sa sundalong si aziel na nakilala ko.
Pagkatapos nitong makakain ay uminom na din siya ng kanyang gamot. Dumiretso kami sa may garden para duon ko linisin at palitan ng benda ang kanyang sugat.
"Baby, please be gentle" pangaasar niya sa akin kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran. Halos umangat ang kanyang pwet mula sa pagkakaupo dahil sa aking ginawa.
Natigil lamang ang pangaasar niya sa akin ng tumunog ang kanyang Cellphone. Sandali akong lumayo para bigyan siya ng espasyo. Wala naman akong narinig kundi oo o kaya naman ay sige ang sagot niya sa kanyang kausap.
Nang makita kong tapos na siyang makipagusap ay bumalik na ulit ako sa paglilinis ng kanyang sugat.
"After this aalis tayo" seryosong sabi niya sa akin.
"Ha, saan tayo pupunta?" Tanong ko pa.
"Basta, wag ng madaming tanong" sagot pa niya sa akin kaya naman napanguso na lang ako.
Pagkatapos kong linisin ang sugat ni Aziel ay sandali itong nagpaalam para magbihis sa kanyang kwarto. Naiwan naman ako sa may garden para duon siya hintayin.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay bumaba na si Aziel. Naka suot na ito ngayon ng kulay abuhing tshirt at itim na pantalon. Sa suot ni Aziel ay mas lalong nadepina ang ganda ng kanyang katawan. Maging ang laki ng muscles nito sa kamay ay sobra nga namang nakakapangakit din.
"Let's go" tawag niya sa akin kaya naman tumakbo ako palapit sa kanya. Ilang hakbang pa ang layo ko kay Aziel ay amoy na amoy ko na ang kanyang pabango.
"Saan ba tayo pupunta?" Medyo nautal pang tanong ko ulit sa kanya para itago ang palihim kong pagpuri sa kanya.
"Ang kulit" sabi niya sa akin kaya naman muli nanamang humaba ang nguso ko. Hindi niya iyon pinansin bagkus ay tinawag niya si mang julio.
"Ano po iyon sir tadeo?" Kaagad na bungad na mang julio sa kanya.
"Pwede mo ba kaming ipagdrive. Sa BGC tayo" sabi niya dito kaya naman walang pagdadalawang isip na sumunod si mang julio.
Hinawakan ako ni aziel sa aking palapulsuhan at tsaka ako hinila patungo sa gilid ng kanilang bahay kung nasaan ang kanilang malaking garahe. Iba't ibang magagarang klase ng sasakyan ang nakaparada duon.
"Ibinebenta niyo ba ang mga ito?" Tanong ko sa kanya.
Napangisi si aziel. "Bakit bibili ka?" Balik na tanong niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.
Bago pa ako muling makapagsalita ay nagsalita na ulit siya. "Amin ito, mahilig kasi si Piero at Cairo sa sasakyan. Kagaya ni tito Axus, car racer iyon kaya mahilig sa sasakyan" kwento pa niya sa akin na ikinatango ko.
"Ano ba yung Car racer?" Tanong ko pa sa kanya.
"Karera ng mga sasakyan" sagot pa niya.
Napatango ako at muling iginala ang paningin ko sa hindi bababa na sampung sasakyan sa kanilang garahe. "Asaan ang sayo diyan?" Panguusisa ko pa.
"Ayun" turo niya sa isang may kalakihang kulay itim na sasakyan. Nakit ko na din iyon nuon. Bagay na bagay kay aziel, halatang matapang ang may ari.
"Isa lang sayo?" Gulat na tanong ko sa kanya.
Muli siyang napangiti. "Ilan ba ako?" Mapangasar niyang tanong sa akin.
Inirapan ko siya. "Isa" sagot ko din.
"Oh edi isang sasakyan lang sa akin" nakangising sagot pa niya sa akin.
Tumaas na lamang ang isang gilid ng aking labi. Pinagbuksan kami ni mang julio ng pintuan ng sasakyan. Duon niya ako pinaupo sa likuran sa tabi ni Aziel. Hindi ko na nagawa pang magreklamo dahil kung gagawin ko iyon ay baka kung ano pa ang isipin ni Mang julio.
"Sa mckinley tayo" sabi pa niya kay mang julio bago kami tuluyang umalis.
Tahimik lamang kami sa buong byahe. Ayoko mang gawin ay bahagya kong sinilip si Aziel. Presko itong nakaupo at nakasandal, nakapikit din siya. Kaya naman itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa may bintana at pinanuod ang lahat ng daanan namin.
"Mang julio ano pong tawag diyan?" Tanong ko kay mang julio ng may makita akong mataas at malaking puno.
Tiningnan ako ni mang julio sa may salamin sa harapan. "Christmas tree iyan, hindi mo ba alam ang christmas tree?" Sagot at tanong niya sa akin pabalik.
Inilingan ko siya. Hindi na din nagsalita pa si mang julio pagkatapos nuon pero muli niya akong nilingon na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi sa kanya. Nakaramdam ako ng hija kaya naman sa mga sumunod na lugar ay hindi na lamang ako nagtanong pa sa kanya at nanahimik na lamang.
Huminto ang sasakyan sa isang magarang lugar, itsura pa lang ay halatang pang may kaya na ang lugar na iyon. Itinago ko na lamang sa aking sarili ang aking pagkamangha.
"Tara na" sabi niya sa akin at tsaka niya pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Hindi naman nakaligtas sa akin ang tingin ni mang julio sa amin na pinili na lamang manahimik.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay aziel.
"May kikitain tayo dito" sagot pa niya sa akin.
Pagkalabas ng mall ay halos mapanganga ako dahil sa malaki at mahabang swimming pool. Kaagad akong tumakbo patungo duon. Naramdaman ko naman si Aziel sa aking tabi.
"May bangka din" nakangiting sabi ko.
"Gusto mong sumakay diyan?" Tanong niya sa akin na mabilis kong ikinatango.
"Pwede?" Pagkamangha ko pa.
Tumango si Aziel. "Oo naman"
Pinangako sa akin ni Aziel na papasakayin niya ako duon mamaya. Ngunit kailangan muna naming kitain ang sinadya ni Aziel dito. Kagaya kanina ay hawak pa din niya ang aking kamay. Hindi na ako nagabala pang bawiin iyon sa kanya dahil ang aking buong atensyon ay nasa ganda ng lugar.
Ponte Rialto Ristorante Italiano
Nahihirapang basa ko sa kainan na pinasukan namin. Walang katao tao sa loob ngunit kaagad kong napansin ang mga nakaputing body guard na nakatayo sa loob at ang ilan ay nasa labas.
"Castellana!" Kaagad na tawag sa akin ni Lady henrietta.
Mabilis itong tumayo at tsaka lumapit sa akin. Mabilis niya akong sinalubong at niyakap, walang pagaalinlangan ko iyong tinanggap at ginantihan ngunit hindi ako naging kumportable dahil sa tingin ng babaeng kasama nito.
"Namiss kita hija" sabi pa ni lady henrietta sa akin.
Matapos niya ding salubungin si Aziel at batiin ay inakay na ka i nito paupo sa kanilang lamesa. Magkatabi kami ngayon ni Aziel habang si Lily naman ang nasa aking harapan.
Ibang iba na ang kanyang itsura, malayong malayo sa lily na nakatira nuon sa nayon, ang lily na pinaaral ni ama para magsilbing nurse ng mga rebelde. Magara na ang kanyang suot na damit, puro ginto ang suot na alahas. May kolorete na din ang kanyang mukha. At ang dati niyang nakaunat na buhok ay kulot na ngayon, kagaya ng sa akin.
"I heard about what happen, mabuti na lamang at ligtas din ang mother mo, tsaka si Castellana" paguumpisa ni Lady henrietta na pakikipagusap kay Aziel.
Bago pa humaba ang usapan ay sandali silang huminto para umorder ng pagkain. Hindi ko maiwasang hindi panuorin si lily ag lady henrietta. Alam kong mali ngunit nakakaramdam ako ng inggit dahil sa aking nakikita ngayon.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Aziel sa akin.
"Ah Oo" sagot ko pa sa kanya.
Tiningnan ko ang menu, wala ni isang pamilyar sa akin kaya naman tiningnan ko ang ginagawa ni Aziel. Nang mukhang napansin niya ang pagtingin ko sa kanya ay mas lumihig siya papalapit sa akin para ipakita sa akin ang hawak niyang menu.
"Ito gusto mo to?" Tanong niya sa akin.
Siya na ang pumili ng kakainin ko dahil hindi ko naman alam ang mga iyon. Napapayuko na lamang ako minsan sa klase ng tingin ni lily sa akin, nakapanliliit.
Pagkatapos kumain ay isinama pa nila kami sa pamimili. Lahat ng ituro ni Lily ay binibili ni lady henrietta para sa kanya. Ilang beses niya akong sinabihang pumili ngunit tumanggi ako.
"May gusto ka ba? Ako ang bibili para sayo..." tanong ni Aziel sa akin. Napanguso ako at napailing.
"Wala naman akong gusto, tsaka hindi ko naman kailangan ang mga iyan" sagot ko kay Aziel.
Halos mamungay ang aking mga mata ng bigla nitong haplusin ang aking buhok. "So innocent..." malambing na sambit niya.
Natigil lamang si Aziel ng tawagin kami ni Lady henrietta para lumipat sa ibang botiques. Sa labas pa lang ay napahinto na ako ng makita ko ang kulay puting dress na nakasuot sa mannequin. Maganda iyon, kagaya ng mga sinusuot kong bistida nuong nasa nayon pa kami.
"Let's go" pagyaya sa akin ni Aziel kaya naman sumama ako sa kanya papasok.
"I want the dress in the mannequin" turo ni lily sa saleslady.
"Nauna na ako diyan" biglang singit ni Aziel.
Nagulat si lily maging ako. "Baka meron pang iba" pagsingit ni lady henrietta.
"Last piece na po iyan ma'm" sabi ng saleslady sa kanya.
"I ask for that first" giit ni Lily.
Napailing si Aziel parang walang balak magpatalo. "Nauna na ako diyan" sabi pa niya.
Napangisi si Lily. "Para kanino? Para sayo?" Pangaasar sa kanya ni lily.
"Para kay Castel" kaagad na sagot ni Aziel sa kanya na ikinagulat niya.
Napangiti si Lady henrietta. "Sige na hannaniel, ibigay mo na ag dress na iyan para kay Castel" paglalambing ni lady henrietta sa anak.
Sa huli ay nagpaubaya na si Lily na sobra nga namang nakakagulat. Hindi ako nakapagsalita pinanuod ko lamang si Aziel na bayaran ang dress na iyon.
"Hindi mo naman kailangang bilhin yan para sa akin eh" nahihiyang sabi ko sa kanya.
Sinimangutan niya ako. "Gusto kong bilhin eh" masungit na sabi pa niya kaya naman natahimik na lamang ako.
Pagkatapos namin duon ay inihatid na ako diretso nila Aziel sa tenement. "Wag ka ng bumaba, baka pagkaguluhan ka pa akalain artista ka" sabi ko dito bago ako bumaba.
Natawa siya. "Silly" mahinang sambit niya.
Inabot niya sa akin ang paper bag. "Salamat dito..." nahihiyang sabi ko pa.
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa palapulsuhan, titig na titig siya sa akin hanggang sa tiningnan niya si mang julio.
"Mang julio ibili niyo po muna ako ng bottled water duon sa tindahan" utos niya dito kaya naman walang magawa si mang julio kundi ang sundin ito.
Pinanuod namin si mang julio hanggang sa makababa siya at maisara ang pintuan, walang ilang segundo ay kaagad akong hinila ni Aziel.
"You're always welcome baby" malambing na sabi niya bago niya buong lambing na inangkin ang aking labi.
Wala ako sa sarili ng bumaba sa kanilang sasakyan. Nakalutang pa din ako dahil sa ginawa ni Aziel. Hindi ko na tuloy alam kung may mukhang ihaharap pa ako kay mang julio bukas. Tinanaw ko ang sasakyan nito hanggang sa tuluyan na silang makalayo.
Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Franco sa aking harapan. "Anong nangyayari Castellana?" Seryosong tanong niya sa akin, nakakatakot.
"Ha?"
Nakatitig siya sa akin, galit na galit hanggang sa magulat siya ng ngumisi ako. "You don't have to worry about it franco, i'm still on control" sabi ko sa kanya.
Napairap ito sa akin. "Good. Dahil hindi natin pwedeng sayangin ang lahat" sabi pa niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro