Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Long Distance Relationship


Nagiba ang lahat kinabukasan. Hindi na ako nilapitan ni Aziel. Hindi katulad kahapon na todo bantay ito sa amin ni Doc kenzo. Kahit ganoon ay hindi ko pa din maiwasan ang minsang pagsilyap nito sa amin. Kita ko ang tamis sa ngiti ni Lily dahil sa nakikita. Hindi na lamang ako umimik pa.

"May problema ka ba?' Tanong sa akin ni doc kenzo habang inaayos namin ang kanyang table.

Kaagad ko siyang inilingan. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Doc kenzo. Ngayon kasing hindi niya suot ang kanyang salamin sa mata ay kitang kita ko ang pagkakahawig nila ni Aziel. Ang pagkakaiba nga lang ay ang mukha ni Aziel ay talaga nga namang pang gyera, kung makikita mo kasi ito ay nadedepina ang kanyang pagiging matapang, stricto, walang kinakatakutan, tunay ngang lalaking lalaki dahil sa tindig niyang matatag, matigas. Samantalang si Doc kenzo ay ganuon din ang kaso ay ramdam mong malambot ang kanyang puso, malambing at maalahanin.

Medyo basa pa ang buhok nito, halatang kakagising lamang ngunit naligo na. Suot suot na niya ngayon ang kanyang white coat kaya naman mas lalong lumakas ang kanyang dating. Malinis din ang pagkakagupit ng kanyang buhok. Hindi kagaya ng kay Aziel na may kahabaan na.

"May muta pa ba ako sa mata? Bakit ganyan ka makatitig sa akin?" Natatawang tanong niya kaya naman kaagad akong napaiktad at nagiwas ng tingin.

"Wa...wala po" natatarantang sabi ko at kaagad kong itinuon ang aking buong atensyon sa pagaayos ng kanyang lamesa.

"Naku, mukhang nagwagwapuhan ka na sa akin ha" pangaasar pa niya kaya naman kaagad ko siyang tiningnan ng masama.

"Hindi po. Hindi naman talaga" giit ko na mas lalo niyang ikinatawa.

Nagiwas ako ng tingin dahil dito pero sa aking pagiwas ng tingin ay si Aziel naman ang aking nakita. Masama ang tingin nito kay doc kenzo, matalim. Nakapamewang siya habang ang kanyang mga ugat sa leeg ay parang puputok na sa pagkainis.

"Handa na ang breakfast!" Sigaw na anunsyo ng isang babaeng sundalo.

Kaagad na nagsipuntahan ang lahat para pumila. Sandali pang inilapag lahat ni doc kenzo ang kanyang mga gamit sa lamesa bago niya ako hinila patungo sa pila.

"Bumalik na ng maynila si Lady henrietta kaninang umaga, hindi na siya nakapagpaalam sa iyo. Ibinilin ka niya sa akin, kaya kailangan mong kumain ng madami patay ako duon pag nakita niyang patpatin ka pa din pag balik natin ng maynila" natatawang pangaasar niya sa akin.

Napanguso ako. "Hindi naman ako patpatin. Tama lang ang katawan ko sa edad ko sabi sa akin ni Teacher ana" nakangusong sabi ko pa sa kanya.

Tinaasan ako nito ng kilay pagkatapos ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, pero nahinto ang lahat ng iyon ng kaagad na may umubo ng malakas sa aming tabi. Mabilis naming nilingon iyon, si Aziel.

"Manghahawa pa ng sakit niya" inis na inis na sambit ni Doc kenzo.

Hindi naman iyon pinansin pa ni aziel na nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkaroon ng samaan ng loob. Pero alam ko at ramdam ko na mahal pa din ni Doc kenzo ang kapatid, ganuon din naman si Aziel. Pero dahil pareho silang lalaki at mukhang parehong walang may balak na magpakumbaba ay mas lalong tumatagal ang samaan nila ng loob.

"Eh kayo po nung iba niyo pang kapatid? Bati po kayo?" Tanong ko sa kanya. Kaagad na lumambot ang kanyang mukha at napangisi.

"Masyado namang pambata yung bati" nakangising sabi niya sa akin.

"Pero ayos naman, may sariling mundo din kasi ang mga iyon. Si Cairo ang namamahala sa companya namin, yung companya nina daddy. Si Piero naman yung namamahala sa companya ni Mommy" pagpapaliwanag niya sa akin.

"Madami po kayong companya?" Namamanghang tanong ko sa kanya kahit pa parang hindi ko na dapat ikinagulat iyon dahil sa laki ng companya nila na pinapasukan ni Ducusin.

Napatango ito. "Bago ikinasal ang mga magulang ko, may sariling companya na ang mga pamilya nila." Sabi pa niya naikinatango ko na lamang.

"Eh bakit si Aziel nagsunadalo?" Kaagad na tanong ko na ikinabigla niya.

"Aziel?" Gulat na tanong niya sa akin.

Nataranta ako. "Ibig ko pong sabihin, ayun po. Yung kapatid niyong bugnutin" sabi ko na lamang at tsaka itinuro si Aziel.

Imbes na intindihin ang pagtawag ko ng Aziel sa kanyang apatid ay napatawa na lamang ito. "Si Tadeo yun. Ewan ko diyan, gusto atang mamatay ng maaga" sabi niya na may kasama pang pagirap.

"Eh bakit po kayo Doctor?" Tanong ko pa.

Tiningnan niya ako sa aking mga mata. "Eh bakit ikaw ang dami mong tanong? Reporter ka ba?" Nakangising balik na tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong napatameme.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Eh sa gusto kong mag Doctor eh, bakit ba?" Nakangising sabi pa niya kaya naman tumango na lamang ako.

Kumuha kami ng pagkain ni Doc kenzo at naghanap ng mauupuan. Hindi na din kasi ito nakisama sa malaking table ng mga doctor sa loob ng isang tent. Mas gusto niyang kumain sa labas kung saan kita namin ang ganda ng kapaligiran.

"Paano kayo yung nakatira sa mga ganito noh? Parang masyado silang out of place pagdating sa mga bagay bagay" sabi niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Naupo kami sa nakatumbang sanga ng isang puno. Napatingin din ako dito. "Mukha ngang mas masaya pa dito kesa sa syudad" sabi ko dahilan kung bakit napatingin si Doc kenzo sa akin.

"Mas masaya dito kasi, tahimik ang buhay, wala kang hinahabol na trabaho, hindi kailangan ng mga mararangyang kagamitan. Magiging kontento ang tao, sa syudad kasi parang kahit anong gawin mo hindi ka makukuntento" mahabang paliwanag ko.

Nagulat ako ng kaagad na pumalakpak si Doc kenzo. "Very well said Jandi, ikaw talaga ang manok ko eh" natatawang pangaasar niya sa akin.

"Doc naman eh, kakapanuod mo po yan ng Korena drama" pangaasar ko sa kanya.

Natawa ulit siya dahil sa aking sinabi tungkol dito. Hindi ko alam kung bakit nanunuod siya ng ganuon kahit ang totoo ay sa tuwing naglilinis ako ng clinic niya ay kita kong tamad na tamad ito. Pinagtyatyagaan niya lamang tapusin iyon.

"Doc kenzo may nobya na po ba kayo?" Biglaang tanong ko sa kanya kaya naman nasamid ito habang umiinom ng tubig.

Bago pa ito makabawi ay muli kaming napaiktad sa malakas na pagsigaw ni Aziel na ilang hakbang lamang ang layo sa amin. Inanunsyo nito na ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang medical mission. Tinapunan muna kami nito ng masamang tingin bago siya tuluyang lumayo dala dala ang kanyang pinagkainan.

Mas dumoble ang bilang ng mga taong pumila ngayon kesa kahapon kaya naman mas naging doble ang trabaho namin.

"May magandang talon daw sa loob ng bundok maranat" rinig kong usapan ng mga estudyanteng volunteer.

"Tara puntahan natin mamaya" sabi pa ng isa.

Nagkunwari akong walang pakiaalam ngunit ang aking pandinig ay sa kanila nakatuon.

"Pero sabi marami daw engkanto duon. Alam niyo ba may nakausap akong isang taga bayan. May diwata daw ang bundok maranat, magandang babae, maputi at makinis ang balat at ang kanyang buhok ay makapal, itim na itim at kulot" pagsasalarawan pa ng isa sa kanila.

Nabato ako ng lumapit ang isa sa akin. "Parang si Castel?" Natatawang sabi niya kaya naman nagtawanan silang lahat.

"Mukha talagang diwata yan si Castel, pero hindi naman siya taga dito" pagtanggi ng isa.

"Saan ba ang probinsya mo Castel?" Panguusisa sa akin ng isa kanila.

Hindi kaagad ako nakasagot. "Ha eh..." paguumpisa ko sana ngunit kaagad na sumulpot si lily.

"Taga guimaras" sabi niya.

Nakangisi siyang tumingin sa akin. "Hindi ba Castel, taga guimaras ka?" Tanong pa nito.

Hindi ko naman alam ang lugar na iyon, pero tumango na lamang din ako. Naniwala ang mga estudyante kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

"I save you again, malaki na ang utang mo sa akin" nakangising sabi pa niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano nanamang gusto mo?" Tamad na tanong ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito. "Ilang hibla ng buhok mo" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Ano namang gagawin mo sa buhok ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Bahagya akong umiwas sa kanya. Pero kaagad din akong napadaing ng siya na mismo ang kumuha ng ilang hibla ng aking buhok.

"Aray" pagdaing ko dahil sa pagkakahila niya.

Ngumisi lamang ito. "Salamat" sambit niya.

Pagkatapos nuon ay iniwan niya na lamang din ako. Napahawak naman ako sa aking anit, masakit ang pagkakahila niya duon. Hindi ko alam kung anong gagawin ni lily duon pero napailing na lamang ako.

Alas tres ng hapon ng matapos ang medical mission. Kanya kanyang ayos ang lahat ng kanilang mga gamit. Kahit pa maaga natapos ay ala sais pa ng hapon ang nakatakda naming pagalis. Ang mga sundalo ang nagayos ng mga tent na ginamit. Nawala ang mga estudyante na mukhang itinuloy ang paliligo sa talon.

"Gusto mong mamasyal?" Tanong ni Doc kenzo sa akin.

"P...po?" Sambit ko.

"Gusto mo ba kakong mamasyal? Sabi nung mga estudyante maganda daw sa loob ng bundok maranat. May mga talon daw" sabi pa niya sa akin.

Napaawang ang aking bibig. Gusto kong umiling. Ayoko ng bumalik pa duon sa ngayon dahil siguradong babalik lamang sa akin ang masasakit na alaala.

"Doctor herrer" tawag sa kanya ng isang may edad ng Doctor.

Kaagad na nagpaalam sa akin si Doc kenzo para kausapin ito. Tumango na lamang ako. Nakuha ng pansin ko ang pagdating ng isa pang sasakyan ng mga sundalo. Kararating lamang nila galing sa bayan, hinatid kasi ng mga ito ang matatandang pasyente kanina.

Bumaba mula sa harapan nuon si Aziel na may hawak hawak na plastick. Nagiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at kaagad na umalis duon. Naglakad lakad ako at tsaka ko nakita ang puno ng alatires. Napangiti ako ng maalala kong inaakyat ko pa ang puni nuon para sa mga bata. Gustong gusto nila iyon dahil matamis.

Nang makapitas ako ng ilang piraso ay naglakad na din ako pabalik sa aking kinauupuan kanina kung nasaan ang mga gamit ko. Nagulat ako ng may nakapatong ng plastick sa aking bag. Nang makita ko ang laman nuon ay napaawang ang aking bibig. Mga tsokolate iyon, mga candy na kagaya ng pasalubong sa akin ni aziel nuon sa tuwing manggagaling siya sa bayan.

Dahil sa nakita ay kaagad ko siyang nilingon. Nagtama ang aming mga mata ngunit siya na ang naunang nagiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang aking dapat na maramdaman ngunit nagkagulo ang lahat ng humahangos na bumalik ang mga estudyante.

"Nawawala po si Alyssa!" Sigaw ng mga ito.

Nagkagulo ang lahat maging ang mga sundalo. Si Aziel ang kaagad na nilapitan ng mga ito. "Bigla na lang po siyang nawala, aahon na sana kami mula sa talon para bumalik dito" umiiyak na kwento ng isa sa kanila.

Kaagad silang pinakalma ni Aziel. Mabilis niyang pinulong ang kanyang mga sundalo para hanapin ang nawawalang estudyante.

"Teka Aziel, sasama ako. Mas kabisado ko ang bundok" paghaharang ko sa kanya.

Nagsitaasan ang balahibo ko sa braso ng hawakan ako nito. "Dito ka na, ayokong pati ikaw ay mapahamak pa" seryosong sabi niya sa akin at kaagad akong tinalikuran.

Mas lalong nagalala ang lahat ng dumilim ang kalangitan. Walang ilang minuto ay bumagsak na ang ulan. Mula sa aking kinauupuan ay hindi pa din ako mapakali. Gusto kong tumulong maghanap, kabisado ko ang pasikot sikot sa bundok kaya naman alam kong kung maghahanap ako ay malaki ang tsyansa na pwede kong makita si Alyssa.

Habang abala ang lahat ay wala ng nakapigil pa sa akin na tumakbo patungo sa bundok. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Doc kenzo pero hindi ko na lamang iyon pinansin. Tinakbo ko ang layo ng aming kinalalagyan patungo sa bukana ng bundok. Mabilis ang aking naging pagkilos kahit pa medyo madulas na ang daan dahil sa malakas na pagtulo ng ulan.

"Alyssa!" Pagtawag ko sa kanya.

Mas dumilim sa loob ng bundok dahil na din sa mga naglalakihang puno at sama ng panahon. Muli akong sumigaw.

"Castel!" Sigaw na tawag ni Aziel sa akin.

"Si alyssa nakita na ba?" Kaagad na salubong ko sa kanya ngunit imbes na sumagot ay niyakap lamang ako nito.

Mahigpit ang ginawa niyang pagyakap sa akin. Halos hindi na ako makahinga. "Akala ko ay nawala ka nanaman sa akin" mahinang sambit niya.

Pagkatapos nuon ay kaagad niya akong hinila sa kung saan. Pamilyar ang daan na iyon sa akin. Patungo iyon sa may balon, kung saan siya binihag nila franco ng ilang araw. Nagulat ako ng makitang buo pa ang maliit na bahay bahay duon. Mabilis kaming pumasok ni Aziel duon.

"Napakatigas ng ulo mo!" Galit na sigaw niya sa akin.

Napayuko ako dahil sa takot. Yakap yakap ko din ang aking sarili dahil sa lamig. "Sinabi ko na sayo na wag ka ng umalis duon! Napakatigas ng ulo mo" galit na sabi niya pa din sa akin.

Nanginginig ang aking labi dahil din sa lamig. "Gusto ko lang namang tumulong" sagot ko sa kanya.

Kahit hindi ko siya tingnan ay ramdam ko ang bigat at talim ng tingin nito sa akin. "May humingi ba ng tulong mo?" Tanong pa niya sa akin.

Kaagad kong naikuyom ang aking kamao dahil sa inis at galit ko sa kanya. "Hindi naman ikaw ang tinutulungan ko, si alyssa!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

Tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata. "Sa tingin mo bakit kita pinagbawalang sumama? Dahil ayokong mapahamak ka! Hindi mo na naiintindihan na pinoprotektahan lang kita Castellana?" Matigas na sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakasagot. At mas lalo akong nabato ng higitin niya ang aking braso ay hinila niya ako papalapit sa kanya. Kaagad niya akong niyakap at mabilis niyang inangkin ang aking labi. Kusang pumungay ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong napapikit ng magsimula ng gumalaw ang kanyang labi.

Nang makabawi ay kaagad ko siyang tinulak palayo sa akin. Habol habol ko ang aking hininga dahil duon. Mabilis akong tumalikod sa kanya.

"I won't say sorry for that" matigas na sabi niya na hindi ko na lamang pinansin.

Iniwasan ko siya habang nanduon kami. Ni ang tingnan siya ay hindi ko ginawa. Ilang minuto lamang ang lumipas ay dumating na din ang iba pang mga sundalo.

"Captain" tawag sa kanya ng mga ito.

Pagbalik sa site ay kaagad akong sinalubong ni Doc kenzo. Alalang alala ito sa akin.

"Bakit ka pa kasi sumama duon?" Malumanay na tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot at hindi naman siya nangulit pa. Pagsapit ng ala sais ay umalis na din kami duon, nahanap na din si Alyssa at nasa maayos na siyang kalagayan. Sa sasakyan ni doc kenzo ako sumakay. Bago pa kami tuluyang makaalis ay hinarang ni Aziel ang sasakyan nito.

"Ano?" Galit na tanong ni Doc kenzo sa kapatid. Ramdam ko ang tingin niya sa akin mula sa labas ng sasakyan ngunit nanatili akong nakayuko.

"Magingat kayo" sabi na lamang niya.

"Hinarang mo kami para sabihin lang yan?" Inis na tanong ni doc kenzo sa kapatid.

"Tonto" inis na sambit ni Doc kenzo at tsaka niya na tuluyang pinaandar ang sasakyan.

Sa mismong tenement niya ako inihatid. Maaga pa ang pasok ko bukas para sa trabaho at ganuon din siya kaya naman hindi na namin napagusapan pa ang nangyari kanina.

"Kamusta naman ang dalawang araw na magkasama kayo ni Aziel?" Tanong sa akin ni ducusin ng pareho kaming hindi makatulog kinagabihan.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko...ayoko na malapit kami sa isa't isa" sagot ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo na ba sa kanya?" Tanong niya sa akin. Pero imbes na sumagot ay natahimik na lamang ako. Hindi ko din kasi alam kung ano ang aking dapat na isasagot sa kanya.

"Lagi mong tandaan, hindi masamang sundin kung anong gusto ng puso mo..." pagpapaalala niya sa akin.

"Delikado. Maraming pwedeng mapahamak kung lagi na lang nating susundin kung ano yung nararamdaman natin" kontra ko sa kanya.

"Castel, hindi naman yung relasyon niyo ni Aziel nuon ang sumira sa nayon eh, yung away ng gobyerno ay mga rebelde. Wala namang may gusto na maging parte kayo nuon, hindi niyo naman pinili iyon" pagpapaalala pa niya sa akin.

Maaga kaming gumising kinabukasan kahit pa hindi kami nakatulog ng maayos nung gabi.

"Hoy balita ko sinama ka ni Doc kenzo sa medical mission sa bulacan" kaagad na salubong sa akin ni Rita.

Inilingan ko siya. "Si lady henrietta ang nagsama sa akin, hindi si Doc kenzo" pagtatama ko sa kanya para naman hindi nila lagyan ng ibang dahilan ang mga bagay bagay.

"Naku iyan pa ang isa, nadoble ngayon ang body guard ni lady henrietta. May banta kasi sa buhay niya at sa dating presidente. Yung asawa kasi netong si lady henrietta, nauugnay ang pangalan sa droga" kwento pa sa akin ni rita.

"May asawa si lady henrietta?" Gulat na tanong ko.

Napatango si Rita. "Oo, si Sentor Miguel Fabriegas" sabi pa niya sa akin.

Napatango na lamang ako. "Bago pa sila makasal, may mga anak na sa unang asawa si Senator, yung panganay kasing edaran mo lang siguro tapos isang lalaking bunso" pagpapatuloy pa niya.

"Tumatakbo kasing presidente si Senator kaya ayan, madaming issue" sabi pa niya sa akin.

Tanghali na at napansin kong hindi pa din pumapasok si doc kenzo. Hanggang sa nalaman ko na lamang kanyang secretary na hindi ito papasok ngayong araw.

"Castel" salubong na tawag sa akin ni lady henrietta na ikinagulat ko.

"Magandang araw po" bati ko dito.

Pero hindi iyon ang aking lubos na ikinagulat. Sa kanyang likuran ay ang hindi nakauniporme na si Aziel. Diretso ang tingin nito sa kung saan hindi man lang siya nagtapon ng tingin sa akin.

"Lunch break mo right? Gusto kong bumawi sayo" sabi niya na ikinagulat ko.

"P...po?" Naguguluhang tanong ko.

Panay ang pag hingi niya ng tawad dahil sa pagalis niya sa site ng hindi nagsasabi sa akin. Ilang beses ko namang sinabi sa kanya na ayos lang iyon sa akin ngunit ayaw niyang tanggapin. Dinala niya ako sa isang mamahaling kainan.

"Captain, sumama ka na sa amin" pagyaya niya kay aziel. Tumanggi pa ito ngunit hindi rin siya tinigilan ni lady henrietta kaya naman wala siyang nagawa kundi ang umupo at sumama sa aming kumain.

"Na assign si Captain sa akin para sa security ko" kwento niya sa akin.

Panay ang kwento nito tungkol sa nangyaring medical mission hanggang sa nabanggit niya sa amin ang tungkol sa nawawala niyang anak na si hannaniel.

"Malapit ko ng makita si Hannaniel. Ang result ng DNA na lang ang hinihintay ko. Lahat ng ikinwento niya sa akin ay tugma sa nangyari sa amin ng aking anak" kwento niya sa amin.

Kaagad akong naging masaya. "Masaya po ako para sa inyo lady henrietta" nakangiting sabi ko sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil.

"Salamat castel, sana ay mahanap mo na din ang iyong ina" malambing na sabi pa niya sa akin.

Patuloy pa din kami sa aming pagkain hanggang sa napunta ang usapan kay Aziel.

"May Girlfriend ka na ba Captain?" Nakangiting tanong ni Lady henrietta dito.

Bago siya sumagot ay tumingin muna siya sa akin kaya naman napayuko ako para umiwas ng tingin.

"Meron na po" sagot niya at sa hindi malamang dahilan ay kaagad na bumagsak ang aking balikat. Parang may kung ano ding nagwawala sa aking dibdib.

"Talaga? Taga saan siya, bakit hindi ko pa siya nakikita? Siguradong maganda iyon" tuwang tuwang sabi ni lady henrietta dito.

"Taga bulacan po" sagot niya kaya naman napatingin ako sa kanya, siguradong si lily na iyon. Sinasabi ko na nga ba.

"Long distance relationship ba kayo ngayon? Edi nagkita kayo nitong weekend kasi nasa bulacan naman tayo" sabi pa nito.

"Dati po, pero ngayon hindi na. Nandito na siya sa syudad" sagot pa din ni Aziel ay panay pa din ang tingin sa akin. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin.

"Ikaw ha, siguradong miss na miss mo yung girlfriend mo ano?" Pangaasar pa ni lady henrietta sa kanya.

Naikuyom ko ang aking kamao lalo na ng marinig ko ang pagngisi ni Aziel.

"Opo. Kaso matigas po ang ulo eh, kaya pinagalitan ko...tsaka ko hinalikan" kwento niya kaya naman may kung kumiliti sa aking tiyan.

Tuwang tuwa si lady henrietta dahil sa kwento nito. "So bati na kayo?" Tanong pa nito.

"Hindi pa po eh, tinulak po ako nung hinalikan ko" kunwaring malungkot na kwento pa niya.

"Naku captain, mukhang galit talaga sayo" sabi pa ni lady henrietta.

Hindi nakapagsalita si Aziel. "Suyuin mo lang ng suyuin. Halikan mo ng halikan!" Natatawang sabi pa ni lady henrietta na lumalabas ang pagiging pilya.

Napangisi si Aziel pagkatapos ay tumgin sa akin. "Sabi niyo po yan lady henrietta ha." May pagbabatang sabi pa niya na diretso ang tingin sa akin. Kaagad kong naramdaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi.














(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro