Chapter 29
Halik sa Hangin
Walang lingon lingon akong sumama kay Doc kenzo papunta sa kanyang table. Habang hinihila ako patungo duon ay hindi pa din matigil ang kanyang pagbulong na tanda ng kanyang pagkainis kay Aziel.
"Oh yan diyan ka, wag ka masyadonh kumalat kalat dito dahil masyadong maraming loko diyan" inis na sabi niya sa akin at padabog na umupo sa kanyang lamesa. Nakatayo lamang ako sa gilid nito habang pinapanuod siyang bumalik sa pagchecheck up sa mga pasyente.
Nanatili ang mga mata ko sa ginagawa nito, maybtakot pa din sa akin na baka kung subukan kong igala ang aking mga mata ay makita ko lang si Aziel. Magkahalong takot, kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ikakaila na masaya akong nakita ko siyang muli, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung hanggang saan pa ang galit niya sa akin, sa aking ama at sa buong nayon.
"Hingan mo ako nito, diyan sa likod" sabi ni doc kenzo sa akin sabay abot sa akin ng reseta.
Itinuro niya ako sa isang mahabahg lamesa hindi kalayuan sa amin kung nasaan nakalatag ang iba't ibabg libreng gamot. May mga babae naman na naruon kaya naman ibinigay ko sa isa sa mga ito ang resetang hawak ko. Tatlong gamot ang ibinigay nila sa akin.
"Ikaw ba ang bagong secretary ni Doc kenzo?" Tanong sa akin nung babae.
Napaawang ang aking bibig, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. "Hi...hindi po. Tumutulong lang po ako" sabi ko na lamang.
"Ah..." gulat na sambit niya at pagkatapos ay tumango na lamang din.
Bumalik ako kay Doc kenzo na dala dala ang gamot. Ngunit pabalik pa lamang ako ay nakita ko na ang pamilyar na bulto ni aziel malapit sa kinalalagayan namin. Nakayuko na lamang akong lumapit pabalik kay doc kenzo para hindi na magtama pa ang aming paningin.
"Ito na po yung gamot Doc" sabi ko sabay abot.
Kahit hindi ko tingnan ang nakatayong si aziel malapit sa amin ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig nito sa akin. Mas lalong naging busy si Doc kenzo ng humaba ang pila ng mga gustong magpacheck up sa kanya.
Napapangiti naman ako sa tuwing magbibiro ito at lolokohin ang pasyente sa kanyang harapan.
"Nako iho, wala talaga akong Asawa. Dalagang dalaga ako" sabi ng isang matandang babae. Natawa si doc kenzo maging ang apo nitong kasama niya. Napangiti naman ako, kahit matanda ay nagkakagusto dito.
"Nako lola, baka naman sinasadya niyong kalimutan na wala kayong asawa. Lagot kayo niyan kay tatang" natatawang sagot ni Doc kenzo sa kanya.
Habang nakikinig sa paguusap nila ay hindi nakaligtas sa aking pansin ang paglapit ni lily sa nakatayong si Aziel ilang hakbang lamang ang layo sa akin.
"Tadeo, hindi ba't dapat ay nanduon ka lang sa tent?. Hayaan mo na yung ibang sundalo na magbantay, lumilibot naman yung iba eh" rinig kong sabi pa ni lily dito.
Hindi ko napigiling hindi sila lingonin pero kaagad lamang akong nagsisi dahil ang matalim na tingin kaagad ni Aziel ang sumalubong sa akin. Nakakapaso iyon.
"Dito na lang ako" seryosong sagot niya kay Lily.
"Pero Tadeo" giit ni lily sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nangyari, wala din naman akong narinig basta na lamang nagmamartsang umalis si lily duon.
"Castel. Pasuyo naman si nanay ng bottled water" utos sa akin ni Doc kenzo na kaagad ko namang sinunod.
Tumakbo ako patungo sa mahabang lamesa ng may mga pagkain at duon ay kumuha dalawang bote ng tubig. Pabalik na sana ako ng kaagad kong nakita si aziel na malalaki ang hakbang palapit sa akin. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata. Sa kaba ay kaagad akong nagiba ng daan at mabilis na tumakbo pabalik sa pwesto ni Doc kenzo.
Habol habol ko pa ang aking paghinga ng makabalik ako kay doc kenzo. Kumunot ang noo niya ng mapansin niya iyon.
"Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Pero nalipat ang tingin niya sa tao sa aking likuran. Ang kaninang nakakunot niyang noo ay mas lalong nalukot.
"What are you doing here? Lumayo ka nga" pagtataboy niya sa kanyang kapatid.
Hindi ko nilingon si Aziel pero alam kong nasa likuran ko lamang siya, ramdam na ramdam ko siya. "I was assigned here" matigas na sagot ni Aziel sa kanya.
"Duon ka nga banda, mas lalo kaming nagiging delikado pag malapit ka eh...pahamak" inis na pagtataboy sa kanya ni Doc kenzo.
Tila hindi naman natamaan si Aziel. "Hindi naman ikaw ang binabantayan ko eh" seryosong sagot ni Aziel sa kapatid na nagpatameme kay Doc kenzo.
Masama na lamang siyang tiningnan nito at pagkatapos ay muling bumalik sa kanyang ginagawa. Pagsapit ng tanghali ay nagkaroon ng isang oras na pahinga para na din sa mga Volunteer doctors at nurses. May mga estudyante din na tumutulong.
"Kumain na muna tayo" yaya sa akin ni Doc kenzo. Sa isang malaking tent ay nagsama sama duon ang mga Doctor at mga importanteng tao. Nahiya tuloy akong sumama sa loob ang kaso ay si Lady henrietta mismo ang tumawag sa amin ni Doc kenzo para umupo sa katabi niyang upuan.
Ang mga tao sa lamesa ay nabato ng makita ako, nagpabalik balik ang tingin nito sa akin at kay lady henrietta. Nakaramdam tuloy ako ng takot na baka alam nilang anak ako ni Castillo hermosa.
"You look like a twins" sabi ng isa na hindi ko naman gaanong naiintindihan.
Matamis na ngumiti si Lady henrietta sa mga ito. "Kaya nga, sobrang gaan ng loob ko sa batang ito. Naaalala ko sa kanya ang aking anak na si Hannaniel" malungkot na sabi pa ni Lady henrietta.
Natigil ito ng makita niya ang pagdaan ni Aziel. Kaagad tuloy akong napaayos ng aking upo. "Captain, seat with us" tawag niya dito. Tumango si Aziel dito at pagkatapos ay tumitig sa akin.
Nagulat ako ng tumayo si lady henrietta para lumipat ng upuan. Napagitnaan tuloy ako nina Aziel at Doc kenzo. Para akong nanigas ng halos mabunggo pa niya ako pagkaupo niya. Masyado na iyong malapit.
Nagumpisa ang aming pagkain. Kaagad na nilapag sa aming harapan ang iba't ibang uri ng pagkain. "Ito rice, kumain ka ng madami, ang payat payat mo" sabi ni Doc kenzo sa akin na siya na mismo ang naglagay nuon sa aking plato.
"Salamat po" sabi ko naman.
Kaagad kong ginala ang aking paningin sa mga pagkain sa may lamesa. Ngunit kaagad na may naglagay ng ulam sa aking harapan. Nagulat ako ng makita kong galing kay Aziel iyon, kaagad ko siyang nilingon pero nakatingin na din siya sa akin.
"Tikman mo, masarap iyan" sabi niya sa akin. Hindi na ako nakasagot pa. Hinayaan ko na lamang siya. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni Doc kenzo dahil kung nagkataon ay magbabangayan nanaman sila sa aking harapan.
Habang kumakain ay hindi maiwasang hindi ako mapairap kay Aziel. Masyado kami nitong idinidikit ang braso niya sa akin, kahit anong layo ko dito ay pilit niya pa ding idinidikit. Masama ko siyang tiningnan pero umakto ito na akala mo ay wala siyang ginagawang masama.
Nang maglaon ay isa isang nagtayuan ang mga kasama namin sa lamesa. Maging si Lady henrietta ay naging abala na din sa mga kausap niyang importanteng tao. Patuloy pa din ang pagkain ko sa fruit salad na kinakain ko. Maging ang kay doc kenzo ay ibinigay niya sa akin.
"Ngayon ka lang ba nakakain niyan?" Namamanghang tanong ni Doc kenzo sa akin.
Kaagad ko siyang nginitian at tinanguan. "Sige ubusin mo pati yung akin" nakangiting sabi pa niya.
Nauna na nitong sinabi na hindi siya mahilig sa matatamis na pagkain. Hindi pa sana ito tatayo ng kaagad siyang tawagin ng isang lalaking doctor. "Teka, diyan ka lang" paalam niya sa akin na ikinatango ko.
Huli ko na ng maisip na kami na lamang ni Aziel ang naiwan sa lamesa. Gusto ko ng tumayo at lumayo duon ang kaso ay hindi ko magalaw ang aking katawan.
Nagulat ako ng kuhanin nito ang fruit salad na ibinigay ni Doc kenzo sa akin. Kaagad niya iyong inilayo sa akin at ipinalit ang sa kanya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa ginawa niya pero mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
"Akala ko hindi na kita makikita" paos na sabi niya sa akin.
Parang may kung anong kumirot sa aking dibdib dahil dito. "Hinanap kita pagkatapos ng pagsabog. Pero hindi na kita nakita, ilang beses akong nagpabalil balik sa nayon para hanapin ka...pero wala ka" sabi pa niya sa akin. Gusto kong maiyak, ngunit inipon ko ang buong lakas ko para pigilan ang aking sarili na lumuha.
"Wag mo akong kausapin, hindi ba't hindi mo naman ako kilala" galit na sabi ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita. Pareho naming pinakiramdaman ang isa't isa hanggang sa kaagad na lumapit sa amin si Lily. "Tadeo..." tawag niya dito.
Hindi naman si pinansin ni Aziel. "Tadeo halika na" pagtawag pa ulit ni lily dito.
Pero hindi natinag si Aziel, nakatingin pa din siya sa akin. Kaya naman kaagad ko siyang hinarap at marahang tinulak tulak sa dibdib. "Aziel tawag ka na" inis na sabi ko sa kanya pero nagulat ako ng hawak nito ang aking kamay.
"Tadeo...Tadeo herrer" seryosong pagtatama niya sa akin.
Nahirapan akong lumunok habang nilalabanan ang kanyang pagtitig sa akin. Nahinto na lamang iyon ng kaagad na dumating si Doc kenzo at siya na mismo ang kumuha ng aking kamay mula sa pagkakahawak ni Aziel.
"Pwede ba tadeo, lubayan mo nga ang secretary ko" galit na sabi niya sa kapatid.
Hindi na nito hinintay pang magsalita si Aziel dahil kaagad niya na akong hinila palayo duon. "Wag kang lalapit sa lalaking yun ha, sinasabi ko sayo..." pagbabanta niya sa akin.
"Opo Doc kenzo" magalang na sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman ito na para bang may malalim talaga siyang pinanghuhugutan ng kanyang galit dito.
Hindi naman na nagpakita pa si Aziel pagkatapos nuon. Kaya naman mas tahimik at matiwasay ang sumunod na mga trabaho. Saktong alasingko ng hapon ng pinatigil na ang pagpapapila sa mga tao.
May malalaking tent ang nakalatag para sa mga Doctor at mga Volunteer. Ang mga sundalo naman ay nanatiling nakakalat para siguraduhin ang kaligtasan ng lahat. Isinama ako sa tent ng mga volunteer na estudyanteng mga babae. Mababait naman ang mga ito. Nang dumilim ay nagkaroon ng tatlong malalaking siga ng apoy sa paligid ng camp site. Bonfire ang tawag dito ng mga estudyante.
"Castel tara jamming tayo sa labas" yaya sa akin ng mga ito.
Tumango at ngumiti na lamang ako sa kanila kahit hindi ko naman naintindihan kung ano iyon. "Sige susunod ako" sabi ko pa sa kanila.
Nakapagpalit na ito ng mga damit. Kaya naman nagpalit na din ako ng pwede kong ipantulog. Isang kulay puting bistida ang isinuot ko. Pamilyar ang aking itsura ngayon, para bang muling nagbalik ang dating castel ng nayon. Bagsak ang aking buhok dahil basa pa ito. Paglabas ko ng aming tent ay kaagad kong nakasalubong ang isa sa mga estudyante.
"Uy castel! Akala ko kung sinong diyosa ikaw lang pala. May Empanada at juice duon sa table, kuha ka lang" sabi niya pa sa akin kaya naman kaagad ko siyang nginitian.
"Empanada?" Mahinang tanong ko sa aking sarili.
Pumunta na lamang ako duon para kumuha din. Pero naglalakad pa lamang ako ay halos mabigat na ang nagawa kong paghakbang dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Duon sa table ay nabigla pa ako ng makita ko si Aziel. Nakatalikod ito sa aking gawi kausap ang lalaking naghahanda ng aming pagkain.
Pero ang lalaking iyon ay sa akin din nakatingin kaya naman inasahan kong ilang sandali lang ay titingin na din si Aziel. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang saglit lang ay dahan dahan na itong lumingon sa akin.
Nabigla siya sa nakita, napaawang ang kanyang bibig. Gustuhin ko mang wag ng tumuloy ay masyado ng huli. Kaya naman nilakasan ko na lamang ang loob ko na dumiretso duon.
Nilagpasan ko ang nakatingin na si Aziel ay lumapit duon sa mesa. Kaagad akong inabutan nung lalaki ng pagkain.
"Salamat po" sabi ko sa kanya at kaagad na lakad takbo ang ginawa ko palayo duon. Dumiretso ako sa kumpulan ng mga estudyantent volunteer. Sa gitna ay isang lalaking sundalo na may hawak na guitara.
"Tara Castel, kakanta si alyssa" tawag sa akin ng isa sa kanila at tsaka nila ako pinaupo sa kanilang tabi.
Umupo na din ako duon at tsaka sinimulan ang pagkain. Maingay sila at nagtatawanan, nagkakagulo kasi ang mga ito sa kung ano ang gusto nilang tugtugin at kantahin ng mga ito.
Busy ako sa pagkain ng mapatingala kaming lahat dahil sa dumating.
"Captain!" Tawag ng mga ito kay aziel.
Umupo ito duon mismo sa aking tapat. Napapagitnaan kami ng malaking apoy. Gaya nung huli namint pagkikita. Kaya naman imbes na makipagtitigan sa kanya ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa aming kasama.
Ramdam namin ang lamig ng gabi. Hanggang sa tumahimik ang lahat ng magsimula ng tumugtog ang guitara.
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Natahimik ang lahat habang nakikinig sa mala anghel na boses ni alyssa, isa sa mga estudyanteng volunteer.
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Sa hindi malamang dahilan ay parang kusang hinanap ng aking mga mata si aziel. Damang dama ko ang bawat salita sa kantang tinutugtog nila ngayon. Nakaramdam ako ng sakit ng maalala ko ang mga nangyari sa amin. Ang mabilis na pagbawi ng tadhana sa akin kay Aziel.
Sabik na sabik na akong makasama siya
Gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya
Pwede bang ibalik pa yung pag-ibig naming dal'wa
O wala na talaga
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Hindi ko na tinapos ang kanta. Mabilis akong nagpaalam sa kanila at tumayo na. Kusa akong dinala ng aking mga paa sa daan patungo sa aming nayon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naramdaman ko ang pagpatak ng aking mga luha kasabay ng aking bawat paghakbang patungo duon.
Wala akong naramdamang kahit kaunting takot, madalim ang daraanan ngunit alam kong hindi kailanman ako mapapahamak sa aming sariling nayon. Umakyat ako patungo sa nayon. Nanghihina ang aking tuhod ng tuluyan na akong makabalik duon.
Napakasakit ng dinaranas ko ngayon
Para bang ako'y sinaksak at sa puso ko'y binaon
Ang pinakamahaba at makalawang na balisong
Para din wala ng buhay ang katawan ko
Bulong ng bulong ng bulong ang hangin
Tapusin ko na itong paghihirap ko
Mahirap harapin ang panahon kung wala na siya talaga sakin
Hindi ko na kaya yon
Kailangan ko yung pag-ibig na ibig ibigay noon
Yung mga araw na may araw pa akong nakikita
Bago nawala ang liwanag sa aking kapaligiran
Bago pa nangyari na bumagsak ang aking mundo
Bago nawasak ang lahat ng mga pinapangarap ko
Di ko na yata talaga kaya manatiling ganito
Naubusan nako ng luha umiiyak ng dugo
At kahit masama sana maunawaan mo po
Ayoko lang na masaktan sa tuwing maaalala ko
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Ang aming dating buhay na buhay na nayon ay naging isa na lamang ala ala. Wala na ang mga tao, wala na ang mga matatandang bahay na naitayo na bago pa ako nabuhay sa mundo. Inilobot ko ang aking paningin natanaw ko ang aming dating tahanan. Tatlong hakbang pa lamang ang nagawa ko patungo duon ng kaagad ng may humawak sa aking kamay para pigilan ako.
"Delikado dito Castel..." paos na sabi ni Aziel.
Hindi ko man siya lingonin ay alam kong siya iyon. Hindi ko na naitago ang aking paghikbi. Mabilis kong tinabig ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.
"Bumalik na tayo sa site" pakiusap niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao. Dahan dahan ko siyang hinarap.
"Anong ginagawa mo dito?" Matigas na tanong ko sa kanya.
"Sinundan kita, dahil baka kung anong mangyari sayo. Delikado na dito, hindi ka na dapat nagpunta dito" giit niya sa akin.
Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. "Naging delikado lang naman ang nayon namin nung dumating ka" akusa ko sa kanya.
Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang mukha. "Sana pala, hinayaan ko na lamang sina ama sa mga plano nila. Kung sinunod ko lang sana sila, andito pa sana ang nayon ngayon" umiiyak na paninisi ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita. "Kasalanan ko. Kasalanan kong lahat ito" paninisi ko din sa aking sarili.
"Castel..." pagtawag niya sa akin.
"Kasalanan ko dahil minahal kita ng sobra, tinalkuran ko silang lahat para sayo..." pagpapatuloy ko.
"Nung sinabi ko sayo nuon na mahal kita, totoo ang lahat ng iyon. Hindi naging laro para sa akin ang kung anong mayroon tato castel" giit na laban niya din sa akin.
"Kung mahal mo ako, dapat hindi mo na dinamay pa ang nayon...wala silang ipinakitang hindi mabuti sa iyo" panunumbat ko pa.
"Hindi ko ginusto ang nangyari sa nayon. Si castillo hermosa lang ang habol ko dito" matigas na laban niya sa akin.
"Ama ko siya!" Pagpapaalala ko sa kanya.
"At pinatay niya ang kapatid ko. Pinatay niya ang kapatid namin. Sa tingin mo ba pag nalaman ni kenzo na anak ka ng taong pumatay sa kapatid namin...ituturing ka pa din ba niyang kaibigan? Sa tingin mo?" Mapanghamong tanong niya pa sa akin.
Hindi ako nakasagot. Alam kong may punto si aziel. "Patay na si ama, tama na ba iyong kabayaran para sa buhay ng kapatid mo?" Matapang na tanong ko sa kanya.
Napaawang ang bibig ni aziel dahil sa aking sinabi. "Bakit ganyan ka magsalita? Parang kang..." hindi ko na siya pinatapos pa.
"Parang ano? Parang rebelde?" Mapanghamong tanong ko sa kanya.
"Hindi ikaw yan Castel" sabi niya sa akin.
Inilingan ko siya. "Ito ako Aziel. Ito ako bago ka pa dumating. Isang rebelde. Kalaban ng gobyerno, kalaban mo" giit ko.
Siya naman ngayon ang umiling. "Ang ama mo lang ang kalaban ko, hindi ikaw..." sabi pa niya.
Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. "Aalis na ako" paalam ko na sana sa kanya pero humarang siya.
"Marami pa tayong kailangang pagusapan" sabi niya sa akin.
"Ayoko na, ayoko ng makipagusap sayo" lumuluhang sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya lamang ako sa palapulsuhan. Muling tumulo ang masaganang luha ko. "Sana hindi na lang ulit tayo nagkita. Kasi ang sakit...sobrang sakit. Araw araw akong sinasampal ng mga kasalanan ko"
"Na ikaw ang pinili ko kesa sa pamilya ko..." umiiyak pang sabi ko.
"Hindi kailanman magiging tama ang mali..."
"Lahat ng nangyari sa atin? Mali? Wala bang tama sa lahat ng iyon?" Malungkot na tanong niya sa akin.
"Habang buhay kong dadalhin ang pagiging rebelde ko. At hindi ko kailanman tatalikuran kung saan ako nanggaling" sabi ko pa sa kanya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro