Chapter 27
Teritoryo
Napaisip ako dahil sa sinabi sa akin ni Doc kenzo. Tahimik lang din siyang nakatingin sa akin pinapanuod ang aking ekspresyon. Napanguso ako dahil dito, hindi naman nakaligtas sa akin ang sandaling pagtataas niya ng kanyang kilay.
"Edi parang lolokohin natin si Ma'm?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
Dahil sa aking tanong ay kaagad siyang nagiwas ng tingin at kunwaring naging abala sa mga papel na nakalagay sa taas ng kanyang mesa. Napangiwi ako ng mapansin kong mukhang wala na itong balak na sagutin pa ako.
"Doc kenzo..." pagtawag ko sa kanya.
Nanatili itong nagbibingibingihan. "Doc kenzo naman eh" pagpupumilit ko pa sa kanya para makuha ang kanyang atensyon.
Napabuntong hininga ito at tsaka niya ako mariing tinitigan. Pinagsiklop niya ang kanyang magkabilang kamay. Dahil sa malalim na pagtitig nito ay parang biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa braso. Bayolente akong napalunok.
"Ayoko pong magsinungaling, masama iyon" sabi ko pa sa kanya habang dahan dahang humina ang aking boses dahil sa pagtitig nito sa akin.
"Bibigyan kita ng Extra job, extra job means extra income" seryosong sabi pa niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kanya.
"Income po?" Tanong na paguulit ko.
Napatango tango siya. "Income, sweldo...pera" sagot niya pa sa akin.
"Babayaran mo ako para magsinungaling?" Nagtatakang tanong ko pa.
Nalukot ang kanyang mukha, mariin siyang napapikit at napabulong bulong pa.
"Gusto mo ba ng extra income o hindi?" Medyo may bahid na ng galit na tanong niya sa akin.
Napayuko ako dahil dito. Ayoko naman sanang gawin iyon, ayokong magsinungaling kay Ma'm Henrietta dahil alam kong magiging masakit iyon para sa kanya. Pero alam ko ding kailangan kong magkaroon ng extra na pagkukuhanan ng pera para makatulong kina teacher ana at nanay pilar.
"Castel, hindi ka pa ba nakapagsinungaling buong buhay mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Doc kenzo sa akin.
"Nagsinungaling na po" malumanay na sagot ko sa kanya.
"Ayun naman pala, so anong mahirap dito? Matutulungan mo pa si lady Henrietta" madiing pagpapaintindi niya sa akin.
"Pero gusto ko ng iwasan ang magsinungaling!" madiing giit ko sa kanya.
Napaawang ang kanyang bibig dahil sa aking sinabi sa akin. "What are you, saint? Mukha ka lang anghel pero hindi ka santo" tuloy tuloy na sabi niya na pareho naming ikinagulat.
"Po?" Pagpapaulit ko sana sa kanya pero inirapan niya na lamang ako.
"Wala, kung ayaw mo edi wag. Sa iba na lang ako hihingi ng tulong" masungit na sabi niya sa akin.
"Makakaalis ka na" tamad na sabi pa niya sa akin habang sa kung saan nakatingin.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nataranta dahil pakiramdam ko ay galit siya sa akin. Marahil ay ayoko lang na magkagalit kami dahil siya ang isa sa mga una kong naging kaibigan dito sa syudad. Kahit pinakitaan niya ako ng kasungitan nung mga una araw ay lumabas naman ang tunay na kabutihan nito.
"Sige na nga po, sige na..." pagsuko ko sa kanya kaya naman kaagad na nagiba ang hitsura nito at kaagad na ngumisi.
"Good. So now, magkano ang gusto mong sweldo?" Preskong tanong niya sa akin kaya naman napatameme ako.
"Ako po ang magsasabi kung magkano ang gusto ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, hindi ako makapaniwala.
Napangisi muli ito. "Yeah, your call" mayabang na sabi pa niya sa akin.
"Naku hindi na po, kayo na po ang bahala" pagtanggi ko pa sa kanya.
Magsasalita pa sana ako ng kaagad ng bumukas ang pintuan at iniluwa nuon ang ngiting ngiting si ma'm henrietta. Kaagad siyang dumiretso palapit sa akin. Umupo siya sa upuan kaharap ng sa akin. Nagulat ako ng kaagad nitong hinawakan ang aking mga kamay. Nakangiti niya akong tinitigan na para bang isa akong bagay na sobra niyang pinapahalagahan.
"Hannamiel..." mahinang sambit niya.
Tumikhim si Doc kenzo. "Jandi, lady henrietta" seryong pagtatama nito kay ma'm henrietta.
Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. "Castellana" giit ko sa kanya.
Inirapan niya lamang ako. Pero naputol ang tingin ko kay Doc kenzo ng hawakan ni ma'm henrietta ang aking pisngi, malambing niya itong hinaplos.
"Napakaganda mong bata..." malambing na puri niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian.
"Sa...salamat po" medyo nahihiya pang sambit ko sa kanya.
Inilingan niya ako. "Kumain ka na ba? May kailangan ka ba?" Sunod sunod na tanong niya sa akin.
Kaagad ko siyang inilingan. "Wala po, ayos lang po ako. Nakakain na din po ako kanina" sagot ko pa sa kanya.
Hindi maalis ang tingin niya sa akin na para bang gustong gusto nitong titigan ang aking mukha.
"Pwede ba kitang imbitahang kumain mamaya, pagkatapos ng trabaho mo?" Tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako kay doc kenzo pero tinanguan niya lamang ako.
"Pwede naman po" hindi pa siguradong sagot ko sa kanya pero ngiting ngiti itong umalis ng clinic ni Doc kenzo.
Pagkaalis ni ma'm henrietta ay bumalik na din ako sa aking trabaho. Sobrang nakakapagod ang maglinis ng isang malaking gusali, lalo na't maya maya ang pagbalik ng kalat dito. Pero wala naman akong magagawa, wala akong karapatang magreklamo dahil ito lang naman ang kaya kong gawin.
Pagkasapit ng tanghali ay bumalik ako sa aming headquarters para magpahinga sandali at tsaka lumabas para bumili ng aking kakainin. Lumapit ako sa water dispenser para uminom ng tubig. Tipid kong nginitian ang dalawang janitress na nakatambay duon. Imbes na ngitian pabalik ay inirapan lamang nila ako.
"Iba na talaga ngayon pag maganda ka ano? Nakakaakyat ka kaagad sa itaas..." pagpaparinig ng mga ito.
Hinayaan ko na lamang sila, ipinagpatuloy ko ang aking paginom. "Ano yun sipsip? O baka naman..." hindi niya na itinuloy ang sasabihin niya hanggang sa nagtawanan na lamang silang dalawa.
Hindi ko maintindihan ang kanilang mga pinagsasabi kaya naman, lumayo na lamang ako sa kanila. Maya maya ay dumating na din si Rita. May laman ang bawat tingin nito sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw ha, masyado na kayong nagiging close ni Doc kenzo, balita ko pati si Lady Henrietta" seryosong sabi nito sa akin kaya naman napalunok ako.
"Ba...bakit may problema ba duon? Bawal ba?" Inosenteng tanong ko sa kanya.
Napailing iling ito ay napakamot na lamang sa kanyang batok. "Ewan ko ba sayo Castel, masyado kang mabait para dito sa earth. Kumain na nga lang tayo ng madumi, baka sakaling dumumi yang utak mo kahit konti" pagaya niya sa akin.
"Ha?" Nagtatakang tanong ko ulit sa kanya pero halos mapapadyak na ito sa pagkainis.
Naghihintay kami na maluto ang mga fishball ni manong ng kaagad naming napansin ang paghinto ng isang kulay itim na magarang sasakyan sa harapan ng hospital. Binuksan ng driver ang likurang bahagi nito at hindi nagtagal ay iniluwa nuon ang isang lalaking nakasuot ng kulay itim. Itim na itim ang kanyang suot dahilan kung bakit mas lalong nangingibabaw ang kaputian nito.
Nasamid ako sa sarili kong laway ng mapansin kong kamukha ito ni Doc kenzo at Aziel. Nakuha ni rita ang atensyon ko ng mahina itong tumili.
"Piero Herrer" sambit niya habang hibang na nakatingin dito.
"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako at tsaka inirapan. "Syempre, nagreresearch ako. Pag crush mo magreresearch ka about sa kanya para mas lalo mo siyang makilala" pagdadahilan niya sa akin.
Napatango tango na lamang ako. Tungkol kina Doc Kenzo at sa mga kakambal niya ang naging usapan namin ni rita habang kumakain kami ng pananghalian.
"Quadruplets sila eh. Si Sir Kenzo, Tadeo, Cairo at piero" pagpapakilala niya sa akin sa mga ito.
"Si sir kenzo ayan doctor. Yung tadeo sundalo, nawala na iyon eh akala nga nila patay na. Yung cairo naman ang CEO ng Herrer estate, tapos yung Piero siya naman yung namumuno sa Herrer Steel...alam mo parang pang Korean novela yang magkakapatid na yan eh, pero panay snobber. Hirap na talaga pag masyadong gwapo" kwento pa niya sa akin.
Napakunot ang noo ko. "Ano ba yung Korean novela?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Napanganga siya. "Sa lahat ng ikinwento ko sayo, iyon talaga ang itatanong mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin kaya naman napanguso na lamang ako at tsaka ipinagpatuloy ang pagkain namin.
Pansin ko ang mga tinginan ng aming mga kasama sa akin. Sa klase ng tingin na ibinibigay nila sa akin ay alam kong may iba na silang iniisip tungkol sa akin. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lamang sila sa kung ano ang gusto nilang isipin tungkol sa akin.
"Yung maganda ka lang pero mangmang ka" muling pagpaparinig nila tsaka sila tumawang dalawa.
Nilunok ko na lamang lahat ng iyon kahit pa alam kong ang lahat ng patamang iyon ay para sa akin. Alas singko ng matapos ang aking trabaho. Pagkalabas na pagkalabas ko ng Hospital ay kaagad na sumalubong sa akin ang dalawalang may kalakihang lalaki. Pamilyar ang mga ito, kabilang sila sa nagbabantay sa seguridad ni ma'm henrietta.
"Naghihintay na si Lady Henrietta sa iyo" sabi nito sa akin kaya naman tinanguan ko na lamang siya. Sinundan ko ito patungo sa isang mahabang sasakyan, sobra ang haba nuon kesa sa mga normal na sasakyan na nakikita ko. Pinagbuksan ako nito ng pintuan.
"Hannamiel..." maling tawag niya sa akim na may kasama pang pagyakap.
Tipid ko na lamang siyang nginitian at hindi na nagawang itama pa. "Ok ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Opo, kaso kasabay ko po laging umuwi yung matalik kong kaibigan, magtataka po kasi iyon kung hindi ako makakasabay sa kanya pauwi" kwento ko dito, sandali siyang nagisip at sa huli ay nakaisip din siya ng pwede naming gawin.
Natuwa ako ng sabihin nitong isasama na lamang namin si Ducusin sa aming pagkain sa labas. Inutusan niya ang kanyang driver na magtungo sa Companyang pinagtratrabahuhan nito para kami na mismo ang sumundo sa kanya. Huminto ang mahabang sasakyan ni Ma'm henrietta sa harapan ng companyang pagmamay ari nila Aziel. Todo tingin ako mula sa bintana para bantayan ang paglabas ni Ducusin.
Maya maya ay may humintong kulay itim na magarang sasakyan sa aming harapan. Ang klase ng sasakyan na iyon ay parang pang laban din, malakas ang dating. Hindi na ako nagtaka at napatameme na lamang ng lumabas ang nagmamay ari ng sasakyan na iyon. Muli nanaman akong nakaramdam ng Kirot sa aking dibdib. Lalo na ng bumabalik sa aking isipan ang nakita kong magkasama sila ni Lily.
"Oh si tadeo pala iyon" biglang sambit ni Ma'm henrietta. Bigla akong kinabahan sa kung ano ang pwedeng sumunod na mangyari.
Sa huli ay nagpaalam siya sa akin at siya na mismo ang bumaba para puntahan si Aziel. Kahit papaano ay gumaan ang aking dibdib, pero nagumpisa nanamang magtambol ito ng mapansin ko ang pareho nilang pagtingin sa sasakyan. Na para bang ikinikwento ako ni ma'm henrietta sa kanya. Nahigit ko ang aking hininga ng makita kong para bang interisadong interisado si Aziel sa tao sa loob ng sasakyan.
Gusto kong tumakbo palabas ng makita kong papalapit na silang pareho dito. Mabuti na lamang at may dumating na isang lalaking kamukha din ni Aziel, marahil ito na si Cairo. Nagpaalam ito kay Ma'm henrietta at sumama papasok kay Cairo. Duon lamang bumalik ang aking normal na paghinga.
"Sayang, ipapakilala na sana kita kay Tadeo, ang kaso biglang nagkaroon ng emergency. Hayaa mo, next time" sabi pa niya sa akin kaya naman napangiting aso na lamang ako.
Maya maya ay ako naman ang bumaba para salubingin si ducusin. Gulat na gulat ito ng makita niya akong bumaba sa magarang sasakyan na iyon. Pero hindi lang pala iyon ang naging dahilan ng kanyang pamumutla. Bago pa siya makalabas sa companya ay muntik na silang magpangabot ni Aziel.
Kagaya ko ay hiyang hiya din si Ducusin sa presencya ni Ma'm henrietta. Pero hindi naman kami nahirapan dahil sa taglay nitong natural na kabaitan ay nakakasunod din kami sa kanya. Hindi niya kami itinuturing na iba, mababa. Pantay ang tingin niya sa amin at sa mga taong kalevel niya sa syudad na ito. Tunay ngang may mga tao pang busilak ang puso sa gitna ng magulong syudad na ito.
Pinakain kami nito sa isang mamahaling kainan na kami lang ang tao. Binayaran na daw kasi nito ang buong gabi para sa amin.
"Pag may gusto kayo, sabihin niyo lang...kahit ano" panghihikayat niya sa amin ni Ducusin.
Gustong gusto namin ang lasa ng pagkaing spaghetti ang tawag. Sobrang sarap nuon. Tuwang tuwa kami ni Ducusin sa iba pang pagkain na nasa harap namin, para kaming nakarating nanaman sa ibang lugar. Kakaiba, bago ang lahat ng ito sa amin. Ang mga lasa ng pagkain at itsura ay hindi kailanman namin inakala na mayroong ganuon.
Sa nayon ay puro lutong ulam lamang ang alam namin, at kung may kaarawan man ay pancit. Sa aming panghimagas naman ay ube o kaya naman ay saging na minatamis. Hanggang duon na lamang iyon. Duon umiikot ang lahat para sa amin.
"Sabihin mo nga sa akin Hana...castel. Ano ba ang gusto mong maging?" Nakangiting tanong niya sa akin na halatang interisadong interisadong makilala ako.
Maghahanda pa lang sana akong sumagot ng si Ducusin na kaagad ang nagsalita.
"Ang pangarap po ni Castel ay makapunta ng syudad, nandito na po kami sa syudad kaya naman wala ng pangarap iyan" sabi nito na ikinatawa din ni Ma' henrietta. Kaagad ko itong pabirong hinampas sa kanyang braso.
"Ikaw talaga Ducusin, sigurado naman akong may iba pang pangarap itong si castel. Mga bata pa kayo, kung mayroon man kayong gusto, pwede niyo pang makuha, marami pa kayong oras at pagkakataon" malumanay na pangaral sa amin ni Ma'm henrietta. Kaagad kong dinilaan si Ducusin pero umirap lamang ito sa akin at tsaka ngumiti kay ma'm henrietta.
"Sa totoo po niyan, gusto ko po talagang maging nurse. Manggamot, tumulong sa may mga sakit...nuon nga po sa nayon namin ako ang gumagawa ng mga gamot" pagkwekwento ko sa kanya pero napatigil ako ng bahagya akong sikuhin ni Ducusin.
"Taga nayon ka? Saang nayon?" Kaagad na magkasunod na tanong sa akin ni ma'm henrietta kaya naman kaagad ko ng naintindihan ang ginawang pagsiko sa akin ni Ducusin.
"Sa...bulacan po, hindi kilalang bundok sa bulacan" sagot ko sa kanya na may bahid ng kaba kaya naman nagiwas na lamang ako ng tingin.
Madami pa kaming napagusapan nina ma'm henrietta, pero pilot naming iniiwasan ni ducusin na makapagsabi pa ng kung anong bagay tungkol sa aming nayon.
Bago matapos ang lahat ay nagulat ako ng hawakan nito ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"Gusto kitang tulungan Castel, sana ay hayaan mo akong matulungan ka" pakiusap niya sa akin kaya naman ako pa ang nagulat.
"Naku ma'm henrietta, malaking bagay na po para sa amin ang pagtingin niyo sa amin na hindi kami mababang uri ng tao. At ayos naman na po kami, masaya na po kami dito" sabi at paliwanag ko sa kanya.
"Pagaaralin kita, gusto mong maging nurse? O doctor?. Kahit saang unibersidad...sa ateneo? Sa sto thomas?" Sunod sunod na suwestyon niya sa akin. Pero pinisil ko lamang ang kamay nitong unang humawak sa akin.
"Napaka buti niyo po, napakaswerte po ni Hannamiel dahil kayo ang kanyang ina. Kaya naman po ang hiling ko, sana po ay makita niyo na siya" malumanay na sabi ko dito kaya naman unti unting namuo ang luha sa kanyang mga mata at tuluyan ng naiyak. Kusang gumalaw ang aking mga paa patayo papunta sa kanya para yakapin siya na kaagad naman niyang ginantihan.
Pagkatapos ng aming pagkain ay hindi na kami nagpahatid pa sa kanila, sobra sobra na iyon. "Alam mo Castel, kanina nung nagyayakapan kayo ni Ma'm henrietta. Para talaga kayong mag ina, kung hindi lang siya anak ng presidente ay baka maisipan ko pang ikaw talaga ang nawawala niyang anak" sabi ni ducusin sa akin.
Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Mabigat din kasi ang aking dibdib para kay ma'm henrietta. Naaawa ako sa kanya dahil ang mga katulad niyang may mabuting kalooban ay hindi dapat nakakaranas ng ganuon. Naiintindihan ko ang kanyang pangungulila dahil maging ako ay nangungulila din sa akinh ina at ama.
Nang mga sumunod na araw ay naging normal na para sa akin na linisin ang clinic ni Doc kenzo, wala namang masama duon dahil sakop pa din iyon ng mga lugar na kailangan kong linisin.
"Hoy castel" tawag sa akin ng iba pa naming kasamahan na janitor isang umaga bago kami pumunta sa kanya kanyang naming tokang lugar.
"May kailangan kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Akala mo siguro hindi namin alam na halos buong araw kang nakatambay sa loob ng clinic ni Doc kenzo. Parang ang kapal naman ata ng mukha mo para magpahinga duon sa oras ng trabaho" mahabang litanya niya sa akin.
"Hindi yan totoo, nililinis ko din anh loob ng clinic ni doc kenzo. At kung minsan ay nagpapatulong siya sa akin na..." hindi ko na natapos ang aking pagpapaliwanag ng kaagad nila akong pinigil na dalawa.
"Sus, mga palusot mo. Paano naman magpapatulong si Doc kenzo sayo eh mangmang ka" panlalait pa nila sa akin. Walang nagawa anh iba pa naming mga kasamahan. Wala pa din kasi si rita ay ang iba ko pang mga kaibigan.
Hindi ako nakasagot, ayoko na silang sagutin dahil ayoko nh humaba pa ang hindi pagkakaintindihan na ito. "Yang mukha mo lang naman yang puhunan mo. Kunwaring malaanghel pero may tinatagong baho ka din naman" sabi pa nito sa akin.
Imbes na sumagot at manatili pa duon ay mabilis na lamang akong umalis duon. Dahil sa marami na ang nakakapansin ng pagiging magkaibigan namin ni Doc kenzo ay sinubukan kong hindi pumunta sa kanyang clinic, ni ang magtagal nga sa lugar malapit duon ay iniwasan ko din para hindi kami magkita.
"Janitor, kailangan ni Doc kenzo ng tulong. May sumukang pasyente" sabi nung guard sa akin.
Napakagat na lamang ako sa aking labi at napabuntong hininga. "Trabaho ito Castel" pagkausap ko sa aking sarili. Hindi naman pwedenh iwasan ko si Doc kenzo at hindi linisin ang kanyang clinic dahil lang sa mga issue sa amin ng aking mga kasamahan. Dapat lang na hindi ko iyon pagtuunan ng pansin dahil wala namang katotohanan ang lahat ng iyon.
"Kanina pa kita hinahanap. Pasensya ka na, nasuka yung pasyente ko" aligagang sabi nito habang may kung anong inaayos sa kanyang office table.
"Nagpatawag ng meeting ang admins, i need to go. Sandali lang naman iyon" paliwanag niya sa akin na bahagya ko lang tinanguan.
Isinuot nito ang white coat na nakasabit sa likod ng kanyang upuan. Mas lalong lumakas ang dating ni doc kenzo. Hindi ko masisisi ang mga babaeng nagagalit sa akin dahil sa pagiging magkaibigan namin, kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanila na hindi ko kailanman magugustuhan si Doc kemzo dahil si Aziel ang mahal ko, pero hindi iyon pwede. Siguradong pagtatawanan lamang nila ako.
Nagtagal ako sa clinic dahil nagspray pa ako ng air freshener para mawala ang amoy. Muli kong naamoy ang pamilyar na amoy na sa clinic lamang ni Doc kenzo mo maaamoy. Kung pipikit ako at papapasukin ako dito ay kahit hindi ko nakikita ay alam na kaagad na clinic iyon ni Doc kenzo.
Nasa gitna ako ng pagwawalis ng biglang may kumatok ng dalawang beses. "Teka lang po..." sabi ko dito at lalakad na sana ako palapoit duon para buksan ang pintuan ng kaagad na iyong bumukas.
Nabitawan ko ang hawak kong walis ng makita ko kung sino ang tao sa may pintuan. Kagaya ko ay nagulat din siya, nanigas sa kanyang kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
"Castel...buhay ka pa?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Sa klase ng kanyang pananalita ay para bang hindi siya natuwa sa kanyang nalaman.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
Napangisi siya. "Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Anong ginagawa mo dito?" Madiing tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot. Parang biglang naputol ang aking dila. Nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Doc kenzo na pabalik sa clinic. Wala akong nagawa kundi lapitan ang hindi inaasahang panauhin namin para magmakaawa sa kanya.
"Parang awa mo na, wag mong sasabihin kahit kanino" pakiusap ko sa kanya.
Napangisi siya. "Hindi ka nababagay dito sa syudad. Bumalik ka na sa bundok na pinanggalingan mo" gigil na gigil na sabi niya sa akin.
"Oh lily. Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Doc kenzo dito. Pero alam kong nakahalata na siya sa tensyon sa pagitan namin.
"Magandang umaga Doc Kenzo. Pinapunta po ako dito ni Ma'm Maria para kumuha ng gamot" sabi niya dito na tinanguan ni Doc kenzo. Pero ang kanyang mga mata ay hindi maalis sa aming dalawa ni lily.
"Magkakilala ba kayo?" Tanong ni doc kenzo sa kanya.
Nagkatinginan kami ni Lily, tumaas ang isanh sulok ng kanyang labi kaya naman kinabahan ako. Sa oras na sabihin niya ang totoong pagkatao ko ay paniguradong magugulo ang lahat. Ang inaasam naming pagbabagong buhay ay mawawala na parang bula.
"Hindi po Doc kenzo" pagsisinungaling niya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Naunang umalis si Doc kenzo, kaya naman naiwan kami ni Lily sa clinic. Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtatakip sa akin ngunit sa dami ng kanyang kasalanan hindi lamang sa akin kundi sa buong nayon ay naisip kong baka wala siyang karapatan para sa salitang iyon.
"Pinagtakpan kita ngayon...malaki ang utang na loob mo sa akin Castel" nakangising sabi niya sa akin.
Nilabanan ko lamang ang kanyang tingin sa akin. "Hawak ko sa leeg ang diwata ng bundok maranat, ano kaya ang pwedeng hilingin?" Natatawang sabi niya sa akin.
"Walang sino man ang may hawak sa akin sa leeg. Gagawin ko kung ano ang gusto ko" matapang na sabi ko sa kanya.
Napatawa siya at napailing. "Sayo marahil ang nayon, pero akin ang syudad...nasa teritoryo kita. Ikaw ang dayo...ikaw ang bihag."
"Castellana Castillo...ikaw na ngayon ang bihag ng syudad"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro