Chapter 25
Jandi
Hindi ako mapakali pagkalabas ko sa Clinic ni Doc kenzo. Marami akong naiisip na pwedeng dahilan ngunit hindi ko alam kung ano sa mga iyon ang tunay na nagpapakaba sa akin, malakas ang pagtatambol sa aking dibdib dahul sa nararamdamang kaba. Marahil ay dahil kapatid siya ni Aziel, dahil sa masamang pakikitungo nito sa akin, o dahil sa babaeng pumasok sa kanyang clinic.
"Oh castel, ayos ko lang ba? Namumutla ka ah...para kang nakakita ng multo" puna sa akin ni rita ng makita niya ako sa pasilyo malapit sa lugar niya.
Sandali kong pinakalma ang aking sarili bago ko siya sinagot. "Ayos lang ako..." sagot ko sa kanya pero hindi pa din maalis ang tingin niya sa akin at ang nakataas niyang kilay.
Nang maglaon ay napabuntiong hinga na lamang din siya. "Nga pala, usap usapan sa baba na may gwapong Doctor daw dito ah" sabi niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko.
"Talaga? Parang wala naman..." nakangusong sagot ko sa kanya.
Humaba ang nguso nito. "Basta balitaan mo ako pag nakita mo na. Doc Kenzo daw eh, medyo masungit sa mga nurse lalo na sa mga nagpapapansin sa kanya..." kwento pa niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.
Napaiwas tuloy ako ng tingin kay Rita. "Nakita ko na" medyo mahinang sabi ko sa kanya kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata.
"Kamusta? Gwapo ba talaga?" Excited na tanong niya sa akin.
Humaba ang nguso ko. "Hindi naman ganuon ka gwapo, mas gwapo pa din si Aziel...matipuno, mabait at matapang" wala sa sariling sabi ko pa sa kanya habang nakatingin sa malayo.
Kaagad niyang pinitik ang kanyang daliri sa aking harapan kaya naman bigla akong parang bumalik sa aking wisyo. "Anong Aziel, sino naman iyon? Si Doc kenzo ang pinaguusapan natin dito" pagtataray niya sa akin.
Hindi na namin naituloy ni rita ang aming paguusap ng kaagad kaming sinaway ng aming head janitor. Kaagad kaming bumalik sa aming kanya kanyang puwesto.
Sa mahabang hallway na parte sa aking nakatokang lugar ay nakita ko ang mahabang helera ng mga pasyente na naghihintay sa labas ng isang clinic. Iba iba iyon, may mga bata, matatanda at mga buntis.
"Ay miss!" Tawag sa akin ng isang babae.
"Ano po iyon ma'm?" Tanong ko sa kanya.
Kaagad niyang itinuro sa akin ang basang sahig dahil sa natapong tubig. "Pasencya na, natapon ng anak ko" paghingi niya ng paumanhin.
"Wala po iyon" nakangiting sagot ko sa kanya.
Kaagad kong kinuha ang mop ko para punasan ang basang sahig. Pero sa gitna ng aking pagmomop ay kaagad na tumayo ang isang babaeng nakaupo malapit sa lugar na aking nililinis.
"Ano ba yan! Kanina mo pa tinatamaan yung paa ko ah! Ang dumi dumi niyang mop mo eh!" Singhal niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa gulat. "Pa...pasencya na po ma'm" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
Mabilis kong kinuha ang puting bimpo na nakasabit sa aking bewang at lumuhod sa kanyang harapan para punasan ang kanyang paa. Buong akala ko ay sapat na iyon para mawala ang kanyang galit pero mas lalo pa itong tumindi. Tinabig niya ang aking kamay gamit ang pagsipa niya sa akin kaya naman kaagad akong sumalampak sa sahig.
"Ang tanga tanga mo naman! Eh madumi din iyan eh!" Sigaw niya sa akin habang napapapadyak na dahil sa sobrang pagkainis.
Hindi ako nakagalaw mula sa aking pagkakasalampak sa may sahig. Hiyang hiya ako sa mga tao sa paligid dahil ang kanilang buong atensyon ay nasa aming dalawa. Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil sa pagpipigil ng pagtulo ng aking mga luha.
Magaayos na sana ako para tumayo na ng kaagad na may lumapit sa akin para tulungan ako.
"Tayo na diyan hija..." malambing na sabi nito sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang mga kamay dahil sa paghawak niya sa aking siko. Kakaiba din ang amoy niya, sobrang bango na halos kahit sinong tatabi sa kanya ay mahihiya sa kanilang amoy. Nagulat ako ng lingonin ko ito, siya yung babaeng pumasok sa clinic ni Doc kenzo.
Hindi ako nakapagsalita, natulala na lamang ako sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa likod ko si Doc kenzo at siya na mismo ang tumulong sa akin para makatayo habang inaalalayan pa din ako ng magandang babae.
"Lady Henrietta Agustus" gulat na gulat na sabi ng babaeng galit sa akin. Napayuko ito at kita ko ang pagkahiya sa kanyang mukha.
"Ano ang ginawa niyang mali sa iyo?" Tanong ng babaeng tinawag nilang lady henrietta. Kahit pa seryoso ang kanyang tanong ay ramdam na ramdam mo pa din ang pagiging malambot ng kanyang boses. Boses pa lamang niya ay alam mong isa siyang mabait na tao, dagdag pa ang malaanghel niyang ganda.
Hindi nakasagot ang babae, halos hindi na niya magawa pang tumingin dito. "Kung ano man ang nagawa niyang mali sa iyo, ako na ang humihingi ng tawad" sabi pa ni lady henrietta. Kaya naman mas lalong nahiya ang babae.
Napaawang ang aking bibig. Sasabt pa sana ako ang kaso ay hindi ko na iyon nagawa pa ng kaagad na akong isinama nito sa kanyang paglalakad habang hawak hawak pa din ang aking kamay. Hindi maalis ang kamay niyang nakahawak sa akin, hindi ko inakala na hahayaan niyang makahawak ang kanyang malinis at malambot na kamay ng kamay ng isang hamak na janitor na katulad ko. Hindi naman pala pare pareho ang mga mayayaman, may roon pa ding may mabuting puso at hindi nang mamaliit ng kanilang kapwa.
Dinala niya ako sa isang hallway na may mga upuan. Pinupo niya ako duon at tsaka niya kinuha ang kanyang panyo sa dala niyang magarang bag.
"Hindi..." pagtanggi ko sana ng kaagad niyang marahang pinunsan ang aking mukha na bahagyang nabasa dahil sa pagkakasalampak ko sa sahig kanina.
"Nasaktan ka ba?" Malambing na tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit ngayon ko lamang naramdaman ang klase ng pagkalma ng aking dibdib habang nasa harap ko siya at siya mismo ang nagpupunas sa aking mukha.
"Hindi naman po, kasalanan ko dim naman po" malumanay na sagot ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya. "Hindi mo dapat hinahayaan na maliitin ka ng iba lalo na at wala ka namang kasalanan" pagpapaalala niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang.
Napansin ko ang nakatayong si Doc kenzo sa gilid namin na nanunuod lamang din sa ginagawa ng babae sa aking harapan.
"A...ayos na po ako ma'm. Maraming salamat po" medyo nahihiyang sabi ko pa sa kanya. Tipid ako nitong nginitian.
"Ako si Lady Henrietta Agustus...ikaw?" Pagalok niya ng kanyang kamay at pagtanong niya sa aking pangalan.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Castel po, Castellana Hermosa..." pagpapakilala ko sa kanya at tsaka ko tinanggap ang kanyang kamay.
Pero wala pa mang ilang segundo ang nakakalipas ay kaagad ng namilipit ito sa sakit ng kanyang ulo. Mabilis na nagsilapitan ang mga body guard na kasama nito maging si Doc kenzo.
"Lady henrietta" nagaalalang tawag ni doc kenzo dito.
"Dalhin natin siya sa clinic!" Nagmamadaling utos nito sa mga lalaking kasama nila.
Nataranta din ako, hindi ko din alam ang aking gagawin. Nakasunod lamang ako sa kanila hanggang sa makarating kaming muli sa clinic ni Doc kenzo.
"Bawal ka dito miss" pagpigil sa akin ng isang bodyguard niya ng tangka akong papasok din duon.
Wala na akong nagawa kundi ang maghintay na lamang sa labas. Nakasandal ako sa may gilid ng pintuan habang naghihintay. Halos kalahating oras ang tinagal hanggang sa bumukas na ulit ang pintuan kaya naman umayos na ako ng tayo. Pero hindi ko na nagawa pang makausap o malapitan man lang si ma'm henrietta dahil may dumating pang ilang lalaki, dumoble na ang kanyang bantay.
Nanatili na lamang ako sa aking kinatatayuan habang nakatanaw sa paglayo nito. Hindi ko napansin ang nakatayong si Doc kenzo sa may pintuan kaya naman ng makita ko ito ay napahakbang ako patalikod. Pero hindi na natuloy ang pagalis ko ng bumaling siya sa akin.
Kumunot ang kanyang noo. "Bago ka dito?" Tanong niya sa akin.
Napatango tango na lamang ako. "Unang araw ko po" sagot ko sa kanya.
Bahagya na lamang itong tumango sa akin at tsaka niya mabilis na sinara ang kanyang pintuan. Nuon lamang ako nakahinga ng maluwag.
Pagdating ng alas dose ay bumaba na din ako para makakain na ng tanghalian. Pinabaunan kami ni nanay pilar ng kanin kaya naman ulam na lamang ang kailangan kong bilhin sa labas. Maraming mabibilis pagkain sa labas na pwedeng gawing ulam.
"Bibili ka ulam?" Tanong ni Rita sa akin.
Tinanguan ko siya. Sabay kaming lumabas ng hospital. Busog na busog nanaman ang aking mga mata sa magagarang sasakyan na dumadaan sa aking harapan.
"Nandyan pala kanina si Lady Henrietta" kwento niya sa akin habang hinihintay naming maluto ang nakasalang na fishball ni kuyang tindero.
Nagulat ako dahil sa kanyang sinabi. "Oh kilala mo siya?" Tanong ko sa kanya.
Inirapan niya ako. "Sino namang hindi makakakilala sa anak ng presidente Henry Agustus?" Tanong niya sa akin.
"Anak ng presidente si ma'm henrietta?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Nalukot ang mukha nito. "Hindi ba sa pilipinas ang probinsya niyo? Wala ka talagang alam ate?" Mapangasar na tanong niya sa akin.
"Wala kasing komunikasyon sa nayon namin, nasa gitna kami ng bundok" sagot ko sa kanya. Parang nagliwanag ang mukha ni rita.
"Talaga? Saang bundok?" Panguusisa pa niya.
Sasabihin ko sana ang totoo, ang kaso ay nabanggit na din sa amin ni aling pilar na mas mabuti ng wag na naming ipaalam sa iba na galing kami sa bundok maranat lalo na't iba ang tingin sa amin ng mga tao.
"Hindi kilalang bundok" pagpapalusot ko na lamang.
Mabuti na lamang at hindi na nagtanong pa si Rita dahil kanya kanya na kaming tumusok ng fishball. "Sampung piso lang po sa akin" sabi ko sa tindero sabay abot ng aking bayad.
Dinamihan ko ang suka dahil pwede na din iyong ulam. "Yan lang ang uulamin mo? Ayaw mo nitong kwek kwek?" Tanong niya sa akin pero umiling na lamang ako sa kanya.
Gusto ko din kasing magtipid lalo na't wala pa kaming sweldo si titser ana pa din ang gumagastos ng lahat para sa amin. "Ayos na ako dito" pahabol ko pa.
Buong akala ko ay titigil na si Rita sa pagtatanong sa akin ngunit nagpatuloy ito sa gitna ng aming pagkain. "Pero alam mo yung tungkol sa bundok maranat?" Tanong niya sa akin.
Sandali akong napahinto ng pagsubo. "Hi...hindi" nautal pang sagot ko sa kanya.
"Marami ngang natakot nung nalamang yung ibang nakaligtas na rebelde ay pumunta dito sa syudad. Naku, kailangan na talagang magingat" kwento pa niya sa akin.
"Bakit naman kailangang magingat?" Tanong ko pa sa kanya.
Inirapan nanaman niya ako. "Haler! Syempre, mga rebelde iyon. Masasama, malay mo bigla na lang silang magpasabog kung saan saan" pagdadahilan pa niya sa akin.
Parang may kung anong malaking bagay ang bumara sa aking lalamunan. Tama nga ang sabi ni aling pilar. Iba ang tingin sa amin ng mga tao.
"Hindi naman lahat ng rebelde ay masasama" sabi ko kay rita.
Pero umirap lamang ulit ito. "Hay naku, basta kaaway ang mga rebelde" pagpupumilit pa niya.
Hindi na lamang ako sumagot pa pagkatapos nuon. Hinayaan ko na lamang si rita. Siguro pagdating ng araw ay mapapatunayan ko din sa kanya na hindi lahat ng rebelde ay masasama. Papakitaan ko siya ng puro kabutihan at tsaka ako aamin sa kanya na ako ay taga bundok maranat. Hindi ko kailanman ikakahiya ang aking pinanggalingan.
Pag sapit ng alas otso ng gabi ay naghanda na din ako para umuwi. Magkikita kami ni Ducusin sa may kanto kung saan kami sasakay ng jeep. Nauna na siya sa akin, may hawak itong mga stick na kinakain niya.
"Ano iyan?" Tanong ko sa kanya.
"Isaw iyan" sagot niya sa akin sabay abot nuon.
Tinanggap ko na lamang ang tatlong stick ng isaw na ibinigay niya sa akin. Nagustuhan ko din iyon.
"Uy gusto ko itong ulam bukas, saan mo ito binili?" Tanong ko sa kanya.
"Sa may street vendor sa may gilid gilid. Malapit sa amin, wala ba niyan sa inyo?" Tanong pa niya.
Napanguso ako. "Wala, mga fish ball lang ang meron duon" sagot ko sa kanya.
Traffic nanaman kaya naman napapikit na ako habang nasa jeep. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Napatingin ako kay ducusin pero maging ito ay hindi din mapakali.
"May problema ba?" Tanong ko kay ducusin.
Kaagad itong tumingin sa akin. "Anong problema ka diyan eh nananahimik nga ako dito" sabi niya sa akin. Pero ramdam na ramdam ko talagang may mali.
"Hindi ko din alam, pero pakiramdam ko may problema ka eh" nakangusong sabi ko sa kanya.
Inirapan niya ako kagaya ng ginagawang pagirap sa akin ni rita. "Ano, may super powers ka na ganun?" Pangaasar pa niya sa akin kaya naman napatawa ako.
"Alam mo para kang yung kasama kong si rita, palagi na lang ako iniirapan" pagsusumbong ko sa kanya.
"Hay naku, wag mo akong piliting magsalita baka matahimik ka diyan" sabi pa niya sabay iwas ng tingin sa akin kaya naman natahimik ako.
"Sabi na eh!" Kaagad na sabi ko ng makabawi.
Hindi naging madali ang pagpilit ko kay Ducusin na sabihin sa akin kung ano ang kanyang problema. Panay ang pagtanggi nito sa akin, hanggang sa makababa na kami ng jeep at naglalakad na papunta sa may tenement.
"Sabihin mo na kasi sa akin, di ba dapat wala tayong secrets?" Pangungunsencya ko sa kanya at patuloy na pagpipilit.
"Eh kasi naman eh, baka maiyak ka nanaman diyan eh" pagmamaktol pa niya.
Natawa tuloy ako. "Oh sige promise, hindi ako iiyak!" Paninigurado ko sa kanya.
Mariin akong tiningnan ni Ducusin na para bang pinagaaralan niya ang aking ekspresyon. "Ano sige na, promise nga" pagpupumilit ko pa din sa kanya.
Napabuntong hininga si Ducusin. Mariin itong napapikit bago niya isiniwalat sa akin ang kanina pang gumugulo sa kanyang isipan.
"Nakita ko si aziel! Boss siya sa companya namin" mabilis na sabi niya kaya naman nabato ako at napaawang ang aking bibig.
Hindi ko nagawang makapagsalita. "Huy ano!" Pagtawag niya sa aking pansin.
"Kamusta siya?" Medyo emosyonal na tanong ko. Halo halo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ano iyon basta ang alam ko ay masaya ako sa aking nalaman.
Nagkibit balikat si Ducusin. "Aba malay ko, alanga namang tanungin ko yun. Baka nagkabarilan pa duon pag nakita ako nuon" sabi pa niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Hindi iyon gagawin ni aziel sa iyo" laban ko pa sa kanya.
Napangisi si Ducusin. "Galit na galit nga iyon sa atin, baka nahighblood pa iyon pag nakita isa sa atin" pagpapaalala niya sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng kung ano, kumirot ang aking dibdib dahil dito. "Sa tingin mo, galit pa din siya sa ating hanggang ngayon?" Nanghihinang tanong ko kay ducusin.
Napanguso siya at napakibit balikat. "Namatay ang kapatid niya, hindi yun sugat na ilang linggo lang ay maghihilom na" pagpapaintindi niya sa akin.
Mariing ibinilin ni ducusin sa akin na hayaan ko na lamang si Aziel. Dahil gagawin niya din ang lahat para hindi sila magkita duon. May pagsisisi pa din siya na sinabi niya iyon sa akin. Buong magdamag ko iyong inisip. Hindi mawala si Aziel sa aking isipan, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang kamustahin. Gusto ko siyang yakapin.
Habang iniisip ko ang lahat ng iyon ay hindi ko maiwasang hindi maluha. Ang bigat sa dibdib dahil hindi ko pwedeng lapitan ang lalaking mahal ko.
Pansin nina nanay pilar at titser ana ang pagiging matamlay ko kinabukasan. Pero mas pinili namin ni Ducusin na wag ng sabihin ang aming nalalaman.
"Pag hindi mo na kaya sabihin mo sa akin, baka naman mamaya niyan eh magkasakit ka na" paalala pa sa akin ni Titser ana bago kami maghiwahiwalay sa sakayan ng jeep.
Tipid ko siyang nginitian. "Ayos lang po ako titser, kayang kaya ko po ito" sabi ko sa kanya. Para gumaan na din ang kanyang loob. Ayoko na din namang bigyan pa siya ng alalahanin.
"Ingat po kayo" paalam namin ni Ducusin sa kanya ng humiwalay na siya sa amin.
Inibatid ako ni Ducusin sa may hospital. "Wag ka ng malungkot, ang importante...buhay si Aziel. Namumuhay na ulit siya ng marangya, wala siya sa kapahamakan. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo?" Pagaalo pa sa akin ni Ducusin.
Tumango na lamang ako sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko inalog alog ako para daw magising ang katawang tao ko.
"Wag ng malungkot. Uunat yang kulot kong buhok sige" pangaasar niya sa akin kaya naman napairap ako at natawa.
"Siraulo" sabi ko pa sa kanya.
Imbes na tuluyang isipin si Aziel ay nilibang ko na lamang ang aking sarili sa pagtratrabaho. Maging si rita ay may napansing kakaiba sa akin.
"Hoy dahan dahan, hindi pa din tataas ang sweldo mo kahit linisin mo buong hospital" natatawang sabi niya sa akin.
"Eh ito naman talaga ang trabaho natin eh" sabi ko na lamang sa kanya.
Pagkatapos mananghalian ay bumalik kaagad ako sa trabaho. Napahinto ako sa pagwawalis ng may dumaang babae na may hawak na bata. Hindi napansin nito na nahulog ang sandals ng kanyang anak.
"Excuse me po ma'm" pahabol ko sa kanya.
"Nahulog po ng baby niyo" nakangiti ko pang sabi sa kanya.
Ako na sana ang magsusuot nun sa baby niya para hindi siya mahirapan pero tinarayan ako nito. "Ako na ako na, baka madumi pa yang kamay mo" pagpigil niya sa akin kaya naman napahinto na lamang ako dahil sa pagkahiya.
Nilunok ko na lamang ang lahat ng sinabi niya sa akin. Ilang beses na din akong nakakaramdam ng pangmamata nila sa akin, hindi lang sa akin kundi sa mga kapwa ko din Janitor.
Dahil sa nararamdaman ay hinabol ko pa siya. "Excuse me po ma'm. Hindi naman po porket janitor ako ay madumi na ako, opo naglilinis kami ng mga basurahan, nag mo-mop, nagwawalis. Pero tao pa din po kami" pagpapaintindi ko sa kanya pero inirapan lamang niya ako at tsaka niya ako iniwanan duon magisa sa may hallway.
Bagsak ang balikat ko habang nakatanaw sa kanyang paglayo. Pero nagulat ako ng may biglang pumalakpak sa aking likuran.
"Doc kenzo" gulat na sambit ko.
Nakangisi ito. "You really amaze me jandi" sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.
"Hindi po jandi ang pangalan ko, castel po" sabi ko pa sa kanya.
Nawala ang ngisi nito at kaagad akong inirapan. "Come with me, madumi yung office ko" sabi niya sa akin at tsaka niya ako tinalikuran.
Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanya dala ang aking walis at mop. Pagkapasok sa kanyang office ay kumunot ang noo ko ng mapansin kong malinis naman iyon.
"Wala naman pong kalat eh" wala sa sariling sabi ko.
Napangisi siya. "Clean my table, pinusan mo yung mga picture frames" utos pa niya kaya naman walang pagdadalawang isip ko iyong ginawa.
Habang ginagawa ko iyon ay panay naman ang nuod ni Doc kenzo sa kanyang malaking Cellphone. Hindi ko alam ang tawag duon pero mas malaki iyon ng triple sa cellphone ni rita.
Paminsan minsan ay napapangiti ito kaya naman nabibigla din ako. May family picture duon, pero ni isang picture ni aziel ay wala akong nakita. Nakita ko din ang babae niyang kapatid na mukhang si sachi.
"Nanunuod ka ba ng korean novela?" Tanong niya sa akin na ikinabigla ko.
"Po? Hindi ko po alam iyon" sabi ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin, hindi makapaniwala. "Wow, bago yun ha." Sabi niya sa kanyang sarili.
"Po?" Tanong ko.
Napangisi siya. "Sabi ko na nga ba iba ka sa mga babae dito eh. Lahat kasi sila nahihilig sa korean drama. Kaya naman lahat ang gusto sa lalaki, perfect, yung ideal type" sabi niya sa kawalan.
"Eh mukha naman po kayong ganuon" sabi ko pa.
Tumaas ang isang kilay nito. "Baka may gusto ka ba sa akin?" Tanong niya.
Kaagad nanlaki ang aking mga mata. "Wala po ha, may gusto po akong iba...siya lang po ang gusto" laban ko sa kanya kaya naman napangisi siya.
"Buti naman, magkakasundo talaga tayo jandi" sabi pa niya.
"Hindi nga po jandi ang pangalan ko" laban ko pa.
Nagkibit balikat siya. "Pwede na din, katunog naman ng janitor...Jandi" pinal na sabi pa niya na para bang wala na akong magagawa pa para baguhin iyon.
Napahinto kami ng may kumatok sa kanyang pintuan. "Come in!" Sabi niya dito.
Dumungaw ang isang babae. "Doc kenzo, nagiwan po ng message si sir tadeo...pupunta daw po siya ngayon" sabi nito kaya naman halos manginig ang aking mga kamay.
Sumama bigla ang timpla ni Doc kenzo. "Tell him, ayoko siyang makita" masungit na sabi nito.
Hindi nakasagot kaagad ang babae sa may pintuan. "Eh sir, tungkol daw po kay ma'm Fideliz" takot na sabi nito.
"Damn it" singhal ni sir kenzo.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro