
Chapter 16
Lieutenant
Napatulala ako sa harapan ng aking ama. Hindi pa din tuluyang nag proproseso ang lahat ng sinabi niya sa akin. Nakatitig lamang din siya aa akin, pinapanuod ang aking pagkabigla at pagtataka.
"Anak..." pagkuha niya ng aking atensyon.
Duon lamang ako tuluyang nakabalik sa aking sariling wisyo. Napailing iling ako.
"Ibig sabihin ba ama, si Aziel ang sundalong lulan ng bumagsak na eroplano?" Paniniguradong tanong ko sa kanya.
Mariin itong napapikit, napabuntong hininga hanggang sa matapang niya akong sinagot. "Siya nga, si Captain Tadeo Aziel Herrer, isa sa mga Special Forces ng gobyerno" sagot niya sa akin dahil para halos manlambot ang aking mga tuhod.
Para akong matutumba dahil sa panghihina, hindi ko inaasan ang rebelasyong ito ni ama. Napakunot ang aking noo, "Kung ganuon, sino ang dayuhang may pangalang Tadeo sa kabilang nayon?" Tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat lamang ito.
"Hindi na namin iyon sakop castel, hindi naman iyon kilala. Marahil ay isa sa mga sundalong kasama ni Aziel" sabi niya sa akin at kunklusyon din.
Napahilamos ako sa aking mukha, kusang may tumulong luha sa aking kanang mata. "Kailangan malaman ni Aziel ang totoo" sabi ko at tangkang tatalikuran si ama ng kaagad niya akong hinawakan sa braso.
Pinigilan niya ako at kaagad niyang isinarado ang pintuan ng aming bahay.
"Isipin mong mabuti ito Castel. Sa oras na malaman ni Aziel ang lahat...mawawalan ng tirahan ang mga taga nayon, makukulong ang buong hukbo at magkakahiwa hiwalay ang kanilang mga pamilya" mariing pagpapaintindi ni ama sa akin.
Dahil dito ay mas lalong sumikip ang aking dibdib. "At isa pa, mawawala si Aziel. Hindi mo na siya makikita..." malumanay na sabi nito sa akin na para bang alam niyang iyon ang aking kahinaan.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Nanatili na lamang akong nakalugmok at nakaupo sa aming upuan at umiiyak. Dahan dahang lumapit si ama sa akin at tsaka ko naramdaman ang kanyang kamay sa aking balikat.
"Wag ka masyadong magpadala sa iyong emosyon anak, hindi lahat ng nararamdaman mo ay totoo. Marahil ay naninibago ka lang, wag mo hayaang ang puso mo ang magdidikta ng magiging desisyon mo sa buhay...mapanlinlang ang pagibig" malaman na pagpapaintindi sa akin ni ama.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil sa pinipigilang paghikbi. "Bakit kayo ama..." mahinang paguumpisa ko na ikinabato niya.
"Anong ako?" Nagtatakang tanong niya.
"Alam ko, ramdam ko...na mahal mo pa din si ina. Kahit pa ilang beses mong sabihing totoo ang nararamdaman mo para kay ate wena, alam kong si ina pa din ang mahal mo" akusa ko sa kanya.
Napatigil si ama dahil dito hindi siya kaagad nakasagot. "Mahal mo pa din si ina...hindi ba ama?" Pagpupumilit ko. Gusto ko na sa kanya mismo manggaling ito kahit pa ramdam ko, kita ko sa kanyang mga mata.
Dahil hindi pa din siya sumasagot at tiningala ko na siya, at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagtutubig ng mga mata nito. Ngayon ko lang siya nakitang parang iiyak kaya naman tumayo na ako at hinarap siya.
"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit hindi natin kasama si ina?" Tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pagtaas at baba ng kanyang adams apple. "Hindi kami pwede dahil nasa magkabilang panig kami. Magkalaban..." parang ipit ang kanyang boses na sabi niya sa akin dahil marahil sa pinipigilang tuluyang pagiyak.
Mas lalong nalukot ang aking mukha. "Kung ganuon paano po kayo nagkakilala ni ina?" Panguusisa ko pa.
"Dahil dinukot namin siya, binihag" pinal na sagot ni ama na para bang hindi na ito sasagot pa ng kahit anong susunod kong itanong sa kanya.
"Tama na ito Castel, tapos na ang usapan" matigas na suway niya sa akin at tangkang tatalikuran ako ng kaagad ko siyang pinigilan.
"Ano pong gagawin natin kay Aziel? Hindi pwedeng habang bubay siyang mawalay sa kanyang totoong pamilya" giit ko sa kanya.
Nanatili siyang nakatalikod sa akin. "Itatago natin siya hangga't hindi siya nakakaalala" sagot niya sa akin.
Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pagasa. "Pagnakaalala na siya, ibabalik na natin siya sa kanila?" Tanong ko pa.
Mula sa pagkakatalikod ay umiling lamang si ama. "Papatayin nayin siya, dahil siguradong isusumbong niya tayo sa gobyerno" sabi niya pa sa akin at tuluyan na nga niya akong iniwan duon.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi ni ama. Gusto kong tulungan si Aziel, pero hindi ko din alam kung paano. Tama si ama, kailangan kong mamili sa pagitan ni Aziel o sa mga taga nayon.
Dahil dito ay mas pinili ko na lamang na mapagisa sa may sapa. Malayo ang aking tanaw. Hindi ko gustong manatili sa aming tahanan dahil nanduon nanaman si ate wena, nagkulong nanaman sila ni ama sa kwarto at mukhang alam ko na ang kanilang gagawin. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ito ni ama.
Halata namang mahal niya pa si ina pero hindi niya ito magawang ipaglaban, at nagagawa niya pang makipagsiping sa babaeng hindi naman niya talaga mahal.
"Sinasabi ko na nga ba't nandito ka lang" biglang singit ni Aziel na kararating lamang.
Nakangiti siya sa akin, pero nagiwas lamang ako ng tingin sa kanya. Ni hindi ko nga nagawang suklian ang kanyang pagngiti sa akin. Hindi ko kayang harapin siya ngayon lalo na't alam ko na ang totoo. Pwedeng pwede ko sabihin sa kanya kung sino talaga siya at kung ano ang tunay niyang pagkatao, ngunit hindi ko pwedeng gawin dahil marami ang nakasalalay dito.
"May problema ka ba Castel?" Tanong niya sa akin.
Napailing lamang ako habang ang aking mga mata ay nanatiling nakatanaw sa malayo.
"Pwede mong sabihin sa akin" panghihikayat pa niya.
Napanguso na lamang ako sa huli. Ang pader na unti unti kong binubuo sa pagitan namin ay muli nanamang natibag ng kanyang presencya. Parang hindi ko kayang hindi pansinin si Aziel, hindi ko kayang magalit sa kanya.
"Kung mahal mo yung isang tao, hindi ba't dapat ay ipaglaban o siya?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko na lamang ang pagupo niya sa aking tabi. "Oo, ganuon naman talaga. Ipaglalaban mo kahit mahirap" pagsangayon niya.
"Kahit impossible?" Pahabol ko pa.
Narinig ko ang pagngisi niya. "Wala namang impossible kung mahal mo talaga yung isang tao" sabi pa niya sa akin pero imbes na matuwa ay mas lalo lamang akong nalungkot.
"Paano kung yung taong mahal mo, kalaban niyo? Halimbawa, ako nandito tapos ikaw kalaban nina ama..." pagbibigay ko ng halimbawa na totoo naman talaga.
Hindi kaagad nakasagot si Aziel kaya naman nilingon ko na siya pero ang kanyang mapupungay na mga mata ang kaagad na sumalubong sa akin.
"Ano?" Mapanghamong tanong ko sa kanya.
Malambing nitong hinawakan ang aking pisngi. "Wala akong aatrasang giyera para sayo...pero kung ikaw na ang makakalaban, walang pagdadalawang isip akong susuko" malambing na paninigurado niya sa akin kaya naman muling binalot ang aking dibdib ng sarisaring emosyon.
Hindi na ako nakapagsalita pa at kaagad na akong yumakap kay Aziel. "Wag kang aalis..." sambit ko.
Hinagod nito ang aking likuran. "Hindi ako aalis. Hindi ako aalis na hindi ka kasama, pangako" seryosong sabi niya sa akin.
Kahit may pagdududa ay nilakasan ko na lamang ang aking loob ay pinanghawakan ang sinabi ni Aziel sa akin na hindi siya aalis. Hindi niya ako iiwan.
Nang sumunod na araw ay kinailangan na ni ama na bumalik sa kanilang pinagtataguan kasama ang buong hukbo. Mahigpit niya akong niyakap bago niya ikinulong ang aking magkabilang pisngi gamit ang kanyang mga palad.
"Mahal na mahal kita Castel. Pagbalik ko, aayusin natin ang lahat. Sasagutin ko na ang lahat ng tanong mo sa akin" paninigurado ni ama sa akin.
Mahigpit ko siyang niyakap. "Mahal na mahal din kita ama, magiingat ka" pakiusap ko sa kanya.
Hindi niya alam kung gaano parang nahahati ang puso ko aa tuwing kailangan niyang umalis para sumabak sa laban. Kalahati ng aking puso at isip ay kasama niya sa laban.
Hinatid ng aking paningin si ama hanggang sa tuluyan na itong makalayo. Napayuko na lamang ako sa lungkot hanggang sa mapatigil ako ng marinig ko nanaman ang nakakairitang boses ni lily.
"Alam na ni pinuno, at sigurado akong pinapalayo ka na niya kay Aziel" nakataas ang isang kilay ni Lily na para bang siguradong sigurado siya sa kanyang sinasabi.
Tiningnan ko lamang siya habang walang kaemoemosyon ang aking mukha. "Walang sinabi si ama na ganuon, gusto niyang maging masaya ako" laban ko sa kanya kaya naman halos hindi na din maipinta ang mukha niya ngayon.
"Anong ibig mong sabihin? Hinayaan niya kayo?" Galit ma tanong niya sa akin na para bang akala mo ay siya ang nanay ko.
"Wala ka na duon" sabi ko at tangkang tatalikuran siya ng kaagad niyang hinila ang aking mahabang buhok.
Dahil dito ay mabilis ko ding hinila ang buhok niya. Ayoko ng magpaapi sa kanya kaya naman lalaban na ako. Mabilis na nabuo ang kumusyon dahil sa mga sigaw namin, hindi nagtagal ay kaagad ng lumapit ang ibang mga taga nayon sa amin para sana awatin na kami. Hanggang sa mabilis kaming pinaghiwalay ni Aziel.
Napalakas ang tulak niya kay lily dahilan upang mapasubsob ito sa may lupa.
"Tigilan mo na ito lily. Hindi na maganda ang ginagawang pananakit mo kay Castel" sigaw ni aziel sa kanya habang ang ugat sa leeg nito ay parang ano mang oras ay puputok na dahil sa galit.
"Hindi ko siya sinasaktan, siya ang unang nanakit sa akin!" Sigaw nito, nagpapaawa din para humingi ng simpatya sa mga nanunuo na tao.
"Bakit hindi mo ikwento sa mga taga nayon kung paano mo ihinulog si Castel sa lumang balon" panghahamon ni Aziel sa kanya kaya naman kaagad na nagkaroon ng bulungan.
Namuti si Lily habang pabalik balik ang tingin sa buong paligid. Ayoko din naman sanang mapahiya siya sa mga taga nayon, ngunit ayaw niya talagang tumigil.
"Hindi yan totoo! Nahulog si Castel duon dahil sa sarili niyang katangahan" giit pa niya, wala talaga siyang balak na magpatalo.
"Pero iniwanan mo siya kahit alam mong delikado duon, ilang beses ka naming tinanong" sabi pa ni aziel kaya naman nagiba na din ang tingin sa kanya ng mga taga nayon.
Dahil sa sobrang kahihiyan ay tumakbo palayo si lily duon. Si aziel naman ay hinila din ako palayo sa mga nagkumpulang mga tao.
Galit nanaman ito habang tinatanggal ang mga tuyong dahon na sumabit na sa aking buhok. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya, hindi ko na alam kung paanong pagpapaintindi pa ang aking gagawin para tigilan ka na niya" pamomorblema nito.
Habang ginagawa niya iyon ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko kasi ay para bang may mga matang nakatingin sa amin. May mga nagmamasid. Ayoko namang sabihin kay Aziel dahil abala ito sa kanyang ginagawa at reklamo dahil sa mga pinaggagagawa ni lily.
"Ayoko din naman siyang isumbong kay ama. Tinitingnan ko na lamang sina mang istong at aling doray. Sila na lang ang iniisip ko" sabi ko pa sa kanya na tinanguan niya.
Pero hindi talaga ako mapakali. Ramdam ko na hindi lamang kami ni Aziel ang tao dito sa gitna ng gubat kaya naman mabilis kong hinawakan ang kamay nito.
"Bumalik na tayo" yaya ko sa kanya pero kaagad lamang ako nitong niyakap.
"Ayoko pa, gusto pa kitang masolo" malambing na sabi niya sa akin.
Gusto ko din sana iyon ang kaso ay hindi ako kumportable sa ngayon. "Aziel, balik na tayo please..." sabi ko pa.
Sa huli ay wala na din siyang nagawa pa kundi ang bumalik kami pabalik sa nayon. Malayo pa lamang kami ay tanawna namin ang pagkakagulo ng mga tao. Mula sa paglalakad ay tinakbo namin ni Aziel ang layo namin sa gitna ng nayon.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Aziel sa nakasalubong.
"Inatake sa puso si Aling doray" humahangos na sagot niya.
Nanlaki ang aking mata kaya naman walang sabi sabi naming tinakbo ni Aziel ang daan patungo sa tahanan ng mga ito. Nagkakagulo ang mga tao, hindi din alam ang gagawin. Kahit masikip ay sumingit kami. Naabutan naming wala ng malay si aling doray, iyak naman ng iyak si lily.
"Lola..." umiiyak na sambit niya.
"Dalhin na natin siya sa hospital" mabilis na pagaksyon ni aziel at tsaka niya mabilis na binuhat si Aling doray at tumakbo.
Naiwan si mang istong duon na pinapaypayan ng mga tao dahil sa pagkahilo at pagsama din ng pakiramdam. Humahangos kaming nakasunod ni lily kay aziel habang walang kahirap hirap nitong binuhat si Aling doray pababa ng bundok.
Pagkababa ay kaagad pumara si lily ng tricycle. Isinakay ni aziel si aling doray duon, sumunod naman si lily papasok sa loob. At dahil hindi na kasya ay sa likod ng driver na lamang ako umupo.
Mabilis ang takbo ng tricycle, kaya naman hindi nagtagal ay nakarating na kami sa sinasabi nilang Hospital. Napatulala ako duon, may kalahiyan ang establisimentong iyon. Sinalubong kami ng mga babae at lalaking nakaputing uniporme.
Inihiga nila si aling doray sa higaan na may gulong papasok duon. Iyak pa din ng iyak si lily. Mabilis akong hinawakan ni Aziel ng makita niyang pinagtitinginan ako ng mga tao at nagbubulungan na din ang mga ito.
Dahil sa takot ay napakapit din ako sa kanyang braso. "Basta at wag kang bibitiw sa akin" paalala ni Aziel sa akin na kaagad ko lamang tinanguan.
Isinugod si aling doray sa sinasabi nilang emergency room. Iyak ng iyak pa din si lily. "Nurse din ako, nurse din ako" pagpapakilala niya ng tinatanong siya ng isa pang nakaunipormeng nurse.
Kinakabahan din aki para kay aling doray. Parang pangalawang magulang na din ang turing ko sa kanilang dalawa ni mang istong. Kaya nga kahit anong gawin ni lily sa akin ay hindi ko siya magawang isumbong kay ama dahil alam kong masasaktan sina aling doray at mang istong.
"Natatakot ako..." natatakot at kinakabahang bulong ko kay Aziel.
Hinaplos nito ang aking buhok. "Magiging ayos lang si aling doray wag kang magalala" malambing na paninigurado niya sa akin.
Naghihintay kami sa labas ng emergency room ng magulat ako ng kaagad na may umiiyak na babae ang lumapit sa akin. Nanlaki ang aking mga mata ng bigla na lamang itong lumuhod sa aking harapan.
"Mahal na diwata ng bundok maranat, nakikiusap po ako. Pagalingin niyo ang aking anak" umiiyak na pakiusap niya sa akin.
Dahil dito ay kaagad na natawag ang pansin ng iba pang mga tao duon sa hospital. Sinubukan siyang patayuin ni Aziel pero masyadong siya matigas. Mabuti na lamang ay dumating ang ilang mga lalaking may nakalagay na security guard sa kanilang suot na damit para patayuin ang ale.
"Pwede ba aziel, iuwi mo na nga iyang weirdo na yan. Isa din yang malas eh" galit na sabi ni lily kaya naman napayuko na lamang ako.
"Pero sinong makakasama mo dito?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Kaya kong magisa, hindi naman ako tulad mong tanga" asik niya sa akin.
"Pwede ba lily! Nagaala si castel kay aling doray at sayo...hindi mo ba nakikita yon?" Galit na suway sa kanya nito.
Inirapan niya kaming dalawa. "Wala akong pakialam" sabi pa niya bago niya kami tinalikuran.
Kahit labag sa aking loob ay wala na kaming nagawa ni Aziel kundi ang maglakad pabalik sa bundok. Bagsak ang aking balikat habang naglalakad kami pabalik. Nanatili ang pagkakahawak ni Aziel sa akin habang maging siya ay tahimik din.
"Siguro tama si lily, may dala nga siguro akong malas" malungkot na sabi ko.
"Shhh wag mong sabihin yan. Alam mong hindi yan totoo" suway ni Aziel sa akin.
Pero nanatiling mahaba ang aking nguso. "Sa may bukana paakayat sa bundok mo na lamang ako ihatid, balikan mo siya. Baka kailanganin niya ng kasama" sabi ko kay Aziel pero umiling ito.
"Ayoko, baka magselos ka nanaman. Ayokong magalit ka sa akin" sabi niya pa sa akin.
"Aziel promise hindi ako magagalit. Gawin mo ito hindi para sa akin o kay lily. Para na lang kay aling doray" pakiusap ko sa kanya.
Matagal ito bago nagisip. Ayaw niya talagang iwanan ako sa may bukana lamang, gusto pa niyang masiguradong makakaakyat ako ng ligtas pabalik sa nayon. Pero mapapagod lamang si Aziel kung gagawin pa niya iyon.
Sa huli ay sinunod na din niya ako. Sinigurado ko din naman sa kanyang makakabalik ako sa nayon ng ligtas. Nangako ako sa kanyang magiingat ako.
Habang naglalakad paakyat sa bundok ay muli nanaman akong nakaramdam ng pagkailang. Yung naramdaman ko kanina bago kami bumalik sa nayon, para nanamang may nanunuod sa akin, nakamasid sa may kung saan. Kitang kita niya ako pero ako hindi ko siya makita.
Ilang beses kong sinubukang suyurin ang ng tingin ang paligid pero wala naman akong nakitang kakaiba. Hanggang sa halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko ang nakatayong si tadeo. Hindi kalayuan sa akin, walang ka emo emosyon ang mukha nito
Napahawak tuloy ako sa aking dibdib. "Oh tadeo anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan gayong kilala ko naman siya, kaibigan.
"Magisa ka lang?" Seryosong tanong niya sa akin habang dahan dahan siyang lumalapit sa akin.
Bayolente akong napalunok. "Ah eh oo" medyo nauutal ng sagot ko sa kanya.
"Mabuti kung ganuon, gusto kitang makausap" sabi niya at kaagad niya akong hinawakan sa palapulsuhan.
Wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Tadeo papunta sa kung saan. "Ano bang kailangan nating pagusap?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil masyado itong seryoso nakakatakot.
Hindi niya ako sinagot kaagad. "Tadeo" pagtawag ko sa kanya.
Umiling ito. "1st lieutenant Miguel Castro" pagpapakilala niya kaya naman napanganga ako.
"Pero yung suot mong..."
Nalaman kaagad niya kung ano ang tinutukoy ko kaya naman hinawakan niya ang suot na dogtag. "Pag mamay ari ito ni captain herrer, isinuot niya sa akin bago kami sumabak sa giyera" kwento niya sa akin.
"Nakakaalala ka na?" Tanong ko na kaagad niyang tinanguan.
"Alam kong kalaban ka din castel. Pero nakikita kong totoo ang ipinapakita mo kay captain, siguro nga mahal mo siya...kaya naman kailangan namin ng iyong tulong" sabi niya sa akin.
"Anong tulong?" Tanong ko kaagad sa kanya.
"Kailangan naming umalis dito, kailangan na naming bumalik sa manila" sabi niya sa akin kaya naman halos mahigit ko ang aking hininga.
"Pero..."
"Kailangan siya ng kanyang pamilya. Kailangan siya ng kanyang bunsong kapatid" giit niya sa akin.
"Pero hindi madali ang hinihingi mo sa akin, ang gusto mong mangyari ay talikuran ko ang aking ama at ang buong nayon namin" laban ko sa kanya.
"Kung mahal mo talaga si captain, gagawin mo ito castel" panghahamon niya sa akin.
Bumagsak ang balikat ko. "Hindi ko kaya...hindi ko alam" magulong sagot ko sa kanya dahil hindi ko na din talaga alam ang aking dapat na gawin.
"Hindi ito ang buhay ni Captain. Kumportable, marangya at malaya ang buhay na mayroon siya sa maynila. Kaya naman castel kung maha..."
Napatayo ako kaya naman hindi na niya natapos ang kanyang dapat na sasabihin. "Mahal ko si Aziel at sigurado ako duon, pero hindi mo ako kailangang papiliin. At wala akong kailangang patunayan sayo" laban ko sa kanya at tatalikuran na sana siya ng kaagad akong mapatigil dahil sa kanyang ibinunyag.
"Ang iyong ama ang utak sa pagpatay kay Sachi Herrer..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro