Chapter 15
Bihag
Hindi mawala sa aking isipan ang mga lalaking nakita ko sa litrato. Walang pagdadalawang isip, walang pagdududa mukhang pamilya nga iyon ni Aziel. Pero bakit herrer? Herrer ba ang apelyido ni Aziel?.
"Siya kaya si tadeo? Pero impossible nasa kabilang nayon si tadeo" pamomorblema ko at pagkausap sa aking sarili.
Hanggang sa hindi ko na napansin ang lumipas na mga oras, nang tiningala ko ang butas na hinulugan ko ay medyo madilim na ang langit. Dahil sa nakita ay kaagad akong nataranta.
"Lily!" Sigaw kong muli para makahingi ng tulong.
Ang sabi niya sa akin ay hihingi lang siya ng tulong sa nayon pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya bumabalik. Kinain na ako ng takot lalo na't hindi ako sigurado sa kung ano ang mga kasama ko dito sa baba.
Napayakap ako sa aking sarili habang nagsisimula ng magtubig ang aking mga mata. "Tulong!" Malakas na sigaw kong muli pero nageecho lamang iyon pabalik sa akin.
Tanging hikbi ko na lamang ang naririnig ko sa ibaba. Nagsumiksik na lamang ako sa gilid dahil sa matinding takot. Ipinikit ko ang aking mga at nagdasal na lamang habang naghihintay ng tulong.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog dahil na din sa pagod at sakit na iniinda dahil sa aking napilay na paa. Bahagya pa akong naalimpungatan ng maramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa aking mukha at buong katawan. Mas lalo akong natakot ng mapagtanto kong unti unti ng lumalakas ang buhos ng ulan. Sinubukan kong tumayo pero sobra akong nahirapan.
"Tulong!" Sigaw kong muli.
Kung magpapatuloy ang malakas na buhos ng ulan ay may possibilidad na mapuno ang balon na ito at malunod ako.
(Third person's POV)
"Ano nakita na ba ang batang iyon?" Nagaalalang tanong ni aling doray sa asawang si mang istong.
Nagkagulo ang buong nayon ng mapansin ng matalik na kaibigan ni lily na nawawala ito. Dahil sa pagaalala ay naging abala ang lahat para hanapin ito.
"Wala pa din, nakaabot na nga kami sa kabilang nayon. Ang iba ay bumaba na sa bayan para magtanong tanong" problemadong sagot ni mang istong sa kanyang asawa.
Kaagad na napa sign of the cross si aling doray at napapakit. "Naku po Diyos ko, sana naman po ay walang masamang nangyari sa batang iyon" sambit niya.
Sa gitna ng pagiging abala ng lahat ay ang pananahimik ni lily. Kahit namumuo na ang tensyon sa buong nayon ay nagawa pa din niyang prenteng umupo sa kanilang sala at kumain ng prutas.
"Oh Aziel, may balita na ba?" Tanong ni mang istong sa kararating lamang na si Aziel.
Humahangos ito, basa ng pawis ang kanyang damit. Habol habol ang kanyang hininga dahil sa walang tigil ma paglakad, takbo at paghahanap sa nawawalang si Castel.
"Andyan ho ba si lily? Pwede ko ho ba siyang makausap?" Tanong nito sa dalawang matanda na kaagad din namang narinig ni lily.
Gumuhit ang pagtataka sa mukhang ng dalawang matanda pero wala na silang nagawa pa kundi ang hayaan si Aziel na makapasok sa kanilang tahanan. Nang tuluyang makapasok ay kaagad niyang hinarap ang dalaga. Mula sa pagiging kalmado ay nakaramdam ito ng tensyon at napatayo.
"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong niya kay aziel habang pinipilit pa ding maging normal ang kanyang boses sa kabila ng nararamdamang kaba.
"Nabanggit sa akin ni Ducusin na ikaw ang huling kasama ni Castel bago siya mawala" seryosong sabi ni aziel.
Pumagitna si mang istong sa dalawa. "Teka Aziel, pinagbibintangan mo ba ang aming apo?" Tanong nimang istong dito na handang ipagtanggol ang kanyang nagiisang apong si lily.
"Hindi po sa ganuon mang istong, nagtatanong lamang po ako...naghahanap ng mga impormasyon sa huling napuntahan o kasama ni Castel" kalmadong sagot ni Aziel sa matanda.
Napatango tango ito. "Naiintindihan ko" sabi niya at tsaka niya nilingon ang apo.
"Totoo ba iyon apo? Ikaw nga ba talaga ang kasama ng batang si castel bago siya nawala?" Tanong ni mang istong dito.
Kaagad na itinggi ni lily iyon at mabilis na nakagawa ng alibi. Sa huli ay kahit anong pilit ang ginawa nila ay wala silang nakuhang kahit ano mula kay lily. Imbes na pigain si lily ay mas pinili na lamang ni Aziel na bumalik sa paghahanap.
Lumipas ang buong magdamag at muling pumutok ang araw, kasabay ng pagsapit ng bagong umaga ay ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Kaagad na nagtipon tipon ang lahat sa isang malaking kubo upang pagplanuhang maigi ang kanilang gagawing hakbang sa paghahanap sa nawawalang si Castel.
"Impossibleng nasa bayan si castel, dahil kung bumabaman siya. Siguradong pagkakaguluhan siyang muli ng mga tao" konklusyon ng isa.
"Eh paano kung itinago siya" sabi pa ng isa kaya naman nagkaroon ng bulungan ang iba.
Sa gitna ng paguusap na ito ay ang tahimik na si Aziel. Patuloy ang pagiisip sa kung saan niya pwedeng makita si castel.
"Siguradong makakapatay si pinuno sa oras na malaman niya ang nangyari kay Castel. Kailangan nating makita si Castel bago pa man makabalik ang hukbo" sabi ng iba pang mga taga nayon.
Walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Mas lalong bumibigat ang dibdib ni Aziel dahil dito. Pero napatigil ang lahat ng kaagad na humahangos na dumating si lily. Umiiyak ito na para bang takot na takot.
"Hindi kaya...hindi kaya nahulog siya sa isa sa mga balon?" Suwestyon niya.
Ang totoo ay kinain na siya ng kunsensya at pagiisip sa kung ano ang pwedeng mangyari kay castel. Pag napuno ng tubig ulan ang balon ay paniguradong mamamatay ito. Pilit niyang pinapakalma ang sarili at sinasabing tama lamang iyon kay castel pero hindi niya kinaya ang kanyang kunsensya. Kailangan na niyang magsalita bago pa mahuli ang lahat.
Kaagad na napatayo si Aziel at naihampas niya ang dalawa niyang kamay sa taas ng lamesa. "Saang balon?" Galit na galit na tanong niya kay Lily.
Bayolenteng napalunok ang dalaga. "Hindi ko alam eksakto pero may lumang balon sa may kakahuyan" pagsisinungaling pa din niya. Pilit na inilalayo ang sarili sa ginawa niyang kasalanan.
Walang sabi sabing tumakbo si Aziel palabas ng kubo, hindi nito ininda ang malakas na buhos ng ulan kahit pa tinawag siya ng ilang taga nayon.
(Castellena's pov)
Kasabay ng pagtulo ng ulan ay ang walang tigil na pagtulo din ng aking mga luha. Halos bandang hita ko na ang tubig. Pinilit ko ng makatayo kahit pa iniinda ang sakit ng aking pilay sa aking kanang paa.
Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng kung ano mula sa itaas. Sinubukan kong tumingala kahit pa nahihirapan dahilna din aa pagtama ng ulan sa aking mukha.
"Castel!" Sigaw ng nakadungaw na si Aziel.
Kaagad akong nakaramdam ng pagasa nang makita ko na si Aziel. "Aziel tulungan mo ako" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Sandali, iaalis kita diyan" paninigurado niya sa akim at tsaka siya nawala sa taas.
Hindi kagaya ng ipinangako sa akin ni lily na babalikan niya ako ay mas panatag ang loob ko sa sinabi ni Aziel. Mas sigurado akong tutuparin niya ang ipinangako niya sa akin at babalikan niya ako.
Hindi nga nagtagal ay bumalik na si aziel. May dala na itong mahabang tali, at hindi na lamang siya nagiisa, maging ang ibang taga nayon ay nanduon na din kasama niya para tumulong.
Kahit pa nandiyan na sila ay hindi pa din huminto ang unti unting pagtaas ng tubig sa aking kinatatayuan. Hindi ko marinig ng maayos ang pinaguusapan nila sa itaaa pero hindi nagtagal ay dahan dahang bumaba si aziel. "Kukuhanin kita diyan" sabi niya sa akin ma tinanguan ko na lamang.
May lubid na nakatali sa kanyang bewang bukod pa sa mahabang tali na hinahawakan niya. Dahan dahan siyang bumababa palapit sa akin at ng malapit na sa baba ay tinalon na lamang niya ang pagitan naming dalawa.
Muli akong naiyak ng patalon akong yumakap sa kanya. "Akala ko hindi ka na darating" umiiyak na sabi ko sa kanya.
Ginantihan niya ng mahigpit na yakap ang yakap ko sa kanya kaya naman pakiramdam ko ay safe na safe na ako. "Shhh tahan na, nandito na ako..." pagaalo niya sa akin kaya naman kahit humihikbi ay pinilit kong pahiran ang luha sa aking mga mata.
"Kumapit ka ng mabuti sa akin, hihilahin nila tayo paakyat" utos niya sa akin bago niya ipinulupot ang kanyang braso sa aking bewang.
Mahigpit akong kumapit kay Aziel. Dahan dahang kaming hinila pataas ng mga taga nayon. At nang magtagumpay ay pareho din kaming nakaakyat.
Halos pumapalakpak ang lahat dahil na din sa kanilang pagkakaligtas sa amin. Hindi pa din nawala ang pagkakayakap ko kay Aziel. Pero nang maglaon ay humiwalay na din ako dahil nakikita kami ng ibang taga nayon.
"May masakit ba sayo?" Tanong kaagad ni Aziel sa akin.
"Yung paa ko" turo ko sa may pilay kong paa.
Kumunot ang noo nito, at walang sabi sabi niya akong binubat na parang bagong kasal at nagmamadali siyang bumalik sa nayon.
"Aziel..." tawag ko sa kanya.
Gusto ko sana siyang pakalmahin ngunit masyado siyang tensyunado maging ang mga ugat sa kanyang leeg at braso ay galit din. Imbes na idiretso ako sa bahay pagamutan ay sa aming bahay niya ako dinala.
Dirediretso siya papunta sa aking kwarto at maingat niya akong ibinaba sa aking kama.
"Asaan ang pang palit mo?" Tanong niya sa akin habang siya na mismo ang lumapit sa aking tukador at naghanap ng damit na pwede kong ipangpalit.
Nang makakita siya ay kaagad siyang lumapit sa akin at walang sabi sabi niyang hinawakan ang laylayan ng suot kong bestida. Nang bumalik siya sa kanyant katinuan ay nagulat din siya at nabato. Nakanganga lamang ako habang nakatingala sa kanya. Maging ako ay nabigla din.
"Kaya mo ba?" Tanong niya sa akin kung kaya kong magbihis magisa.
Wala sa sarili lamang akong napatango. Kaya naman inabot niya sa akin ang aking damit. "Tatalikod na lang ako" sabi niya at tsaka siya lumapit malapit sa may pinto at tumalikod sa akin.
Nang makapagbihis na ay kaagad kong sinabihan si Aziel. Nagpaalam naman siya sandali para kumuha ng panggana at bimpo. Napangiwi ako ng subukan kong galawin ang kanyang paa ko kaya naman tinigilan ko na lamang.
Pinunasan ako ni aziel ng bimpo at inabutan pa niya ako ng tuwalya para patuyuin ang aking buhok.
"Ikaw din, baka magkasakit ka" nagaalalang sabi ko sa kanya at pupunasan ko din sana siya ng tuwalya pero kaagad niyang pinigilan ang aking kamay.
Nagulat ako dahil sa ginawa ni aziel. "Ba...bakit?" Tanong ko aa kanya.
Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi maipinta ang mukha ni Aziel. Kitang kita ko ang galit nito. "Sino ang gumawa sayo nito?" Tanong niya sa akin.
Madaling isumbong si lily pero hindi ko alam kung bakit parang ayokong sabihin iyon kay Aziel. Natatakot kasi ako na sumabog siya dahil kitang kita naman ang umaapoy na galit nito sa kanyang mukha.
"Castellana" may pagbabantang tawag niya sa akin.
Bayolente akong napalunok dahil dito. Ni isang salita ay walang gustong lumabas sa aking bibig na para bang maging ang mga ito ay natatakot kay Aziel.
Napakagat ako sa aking labi dahil sa kasinungaling binuo ko sa aking isipan. "Nahulog lang akong magisa" sagot ko aa kanya.
Mas lalong nalukot ang kanyang mukha, muling nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Sa akin ka pa ba magsisinungaling?" Nakakatakot na tanong niya sa akin kaya naman muli akong napakagat sa aking labi at napayuko.
"Si lily di ba? Siya ang kasama mo nung nahulog ka duon" siya na mismo ang nagakusa kay lily.
Napailing ako pero hinampas ni Aziel ang pagpag ko. "Castellana" galit na sambit niya sa aking pangalan.
"Kaya ka paulit ulit na ginaganyan ni lily dahil hindi ka nagsasalita, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ka dapat nagpapaapi " galit na suway niya sa akin kaya naman nanatili akong tahimik.
Nataranta ako ng padabog na tumayo si Aziel. "Teka saan ka pupunta?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Kakausapin ko si lily" seryosong sagot niya sa akin at walang sabi sabing lumabas ng aking kwarto.
Kahit hirap at sinubukan ko pa ding tumayo at tsaka sinundan si aziel. Nasa may hagdanan pa lamang ako ay napatigil na ako ng makita ko si Aziel.
Sa kanyang harapan ngayon ay ang umiiyak na si Lily. "Bakit ka nandito?" Ako na ang magtanong sa kanya.
Patuloy pa din ang pag agos ng kanyang luha. "Nandito ako para kamustahin ka at humingi ng tawad" umiiyak na sabi niya.
Pero napatingin ako sa nakatalikod na si Aziel. Kahitnakatalikod ay kitang kita ko pa din ang hindi pa humuhupa niyang galit. At duon na nga tuluyang nanlaki ang aking mga mata ng kaagad niyang sinugod si lily, mahigpit niya itong hinawakan sa braso dahilan kung bakit halos mamilipit si lily.
"Aziel" tawag ko sa kanya. Pinilit kong makababa ng hagdan ng mabilis kahit sobrang hirap at sakit ay pinilit ko pa ding makalapit sa kanila.
"Aray aziel nasasaktan ako" daing ni lily.
"Hindi ko ugaling manakit ng babae pero sa oras na saktan mo si castel hindi ko alam kung ano pang pwede kong magawa sayo" pagbabanta ni Aziel dito galit na galit.
Nang tuluyang makalapit ay kaagad ko siyang hinawakan sa braso. Pagkatapos kong gawin iyon ay dahan dahan niyang binitawan si Lily. Nang makawala ay kaagad na tumakbo si
Lily palabas. Susundan pa sana siya ni Aziel ng kaagad na akong humarang sa kanyang harapan at niyakap siya ng mahigpit para hindi na siya makaalis.
"Tama na aziel...tama na, natatakot na ako" umiiyak na sumbong ko sa kanya.
Duon lamang siya tuluyang kumalma. Dahan dahan kong naramdaman ang kanyang kamay sa aking likod at hinahagod ito.
"Pasencya ka na, hindi ko na talaga napigilan ang galit ko." Paghingi niya ng paumanhin.
Hindi umalis si aziel sa aming bahay kahit pa dumating si Ate wena para asikasuhin ako. Tama nga ang hinala nila at nang kinagabihan ding iyon ay inapoy na ako ng lagnat. Wala akong ginawa kundi ang matulog dahil sa bigat ng aking pakiramdam. Pero kahit nakapikit ay ramdam na ramdam ko pa din ang presencya ni Aziel sa aking tabi.
Pagkalipas ng dalawang araw ay nataranta ang lahat ng biglaang dumating si ama. Nagtataka ang mga ito kung bakit siya lang at hindi niya kasama ang buong hukbo. Kumakain kami ng champorado nuon ni aziel sa may hapagkainan. Kaagad akong napatayo ng pumasok ito.
"Ama!" Sigaw na salubong ko sa kanya at kaagad ko siyang niyakap.
"Napauwi ako kaagad ng mabalitaan ko ang nangyari sayo...kamusta ka na?" Nagaalalang tanong sa akin ni ama.
"Ok na po ako" paninigurado ko sa kanya.
Hindi pa din nawala ang pagaalala sa mukha nito. Hanggang sa nalipat ang tingin niya kay Aziel.
"Humihingi po ako ng paumanhin sa nangyari pinuno. Sinisigurado ko po sa inyo na hindi na mauulit iyon" sabi ni Aziel sa kanya.
"Dapat lang...sige na at iwanan mo muna kami ng anak ko" utos ni ama sa kanya.
Sandali akong tinapunan ng tigin ni Aziel kaya naman nginitian ko na lamang siya at tinanguan.
Maraming pasalubong si Ama para sa akin. Bukas ng gabi ay muli din siyang aalis para bumalik sa kanilang kampo. Hindi pa tapos ang laban. Mas lalo ko tuloy nasigurado na mahal na mahal ako ni ama. Ipinagpalit niya ang laban para lang makamusta ako dito. Napaka swerte ko talaga sa kanya.
"Wow ubas!" Excited na sabi ko. May dala itong mga prutas na bihira lang naming makain dito sa nayon. Yung mga prutas na sa bayan mo lamang makikita.
Hinawakan nito ang aking buhok. "Magiingat ka kasi,para ka kasing lalaki, kung saan saan kanagpupunta. Akyat ka ng akyat sa mga puno" sabi ni ama sa akin pero nginitian ko lamang siya.
"Mabuti pa siguro'y ipakasal na kita para may magaalaga na sayo" sabi niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.
"Talaga po?" Excited na tanong ko dahil kung iisipin kong kay Aziel ako makakasal ay naeexcite na ako.
Nang makita ni ama ang pagkatuwa ko ay kaagad niyang pabirong piningot ang aking tenga.
"Nagbibiro lang ako, masyado ka atang masaya anak" natatawang sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Ayoko pang mabalitaan na may lalaki ng pumoporma sayo. Masyado ka pang bata para duon" pagpapaintindi niya sa akin kaya naman kahit labag sa aking loob ay tipid ko na lamang nginitian si ama at tsaka tumango.
Napahinto ang aming paguusap ng may kumatok mula sa aming sala.
"Ako na po ang magbubukas" pagprepresinta ko.
Tumakbo ako para buksan ang aming pintuan at halos mawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko kung sino ang hindi namin inaasahang bisita.
Nagtaas ito ng isang kilay. "Nabalitaan kong nandito na si pinuno. Gusto ko siyang makausap" matapang na sabi sa akin ni lily kaya naman kaagad na nagtambol ang aking dibdib.
"Hindi pwede" asik ko sa kanya at tsaka ko muling hinawakan ang pintuan para sana isara ulit ngunit hindi iyon hinayaan ni lily. Nakipagsukan lamang siya ng tigin sa akin.
Halos manlambot ang aking tuhod ng marinig ko si ama na papalapit na sa amin. "Sino ang bisita anak?" Tanong ni ama mula sa kusina pero rinig na rinig namin ang mga hakbang nito papalapit.
"Oh lily ikaw pala iyan, anong kailangan mo?" Tanong ni ama sa kanya.
Ngiting ngiti si lily habang ako ay nabato na sa aking kinatatayuan at hindi na alam ang aking gagawin.
"Gusto ko po sana kayong makausap pinuno" sabi nito.
"Ganuon ba? Oh siya sige pumasok ka" paganyaya sa kanya ni ama.
Nginisian niya ako bago niya tinabig ang aking balikat para tuluyang makapasok sa aming bahay.
"Gusto ko po sanang tayong dalawa lang" sabi pa niya kaya naman napatingin si ama sa akin.
"Castel anak, sa labas ka na muna" utos sa akin ni ama sa akin.
Gusto ko sanang magsalita, pigilan si lily pero wala na akong magawa kundi ang lumabas. Naghari ang takot sa akin habang nakaupo ako sa kahoy na upuan sa tapat ng aming bahay. Para akong unti unting pinapatay habang naghihintay ng bawat minuto na naguusap sina ama at lily sa loob.
Matapos ang halos ilang minuto ay lumabas na si lily. Ngiting ngiti ito sa akin na para bang nagtagumpay siya sa kung ano man ang ginawa niya.
"Castellana!" Sigaw ni ama mula sa loob ng aming bahay.
Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko. Naabutan ko ito sa may sala nanatiling nakaupo at nakayuko na para bang problemado siya.
"Ama" kinakabahang tawag ko sa kanya.
"Totoo ba? Ang tungkol sa inyo ni Aziel?" Diretsahang tanong niya sa akin.
Bigla akong nawalan ng hangin sa katawan dahil sa gulat. "Hindi pwede ito castel. Kung ano man ang nararamdaman mo para sa dayong iyon ay itigil mo na" sabi niya sa akin kaya naman naiyak ako.
"Pero ama..." pakiusap ko sa kanya.
"Tapos na ang usapan natin, itigil mo iyan" sabi niya at tangkang aalis na duon ng pigilan ko siya.
"Mahal ko po siya" matapang na sabi ko.
Napangisi si ama. "Pag ibig ang papatay sayo castellana, katulad lang din si Aziel ng iyong ina" sabi niya na ikinagulat ako.
"Hindi yan totoo ama" giit ko.
"Iiwan ka lang din niya...masasaktan ka lang" laban niya sa akin.
"Paano niyo po nasasabi iyan ama? Hindi niyo pa po kilala si aziel" sabi ko pa din.
"Si Aziel, ang iyong ina...parte ng gobyerno. Kalaban...mga kalaban at sa takdang oras aalis din sila at babalik sa syudad" sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Sundalo siya. At hindi lang aziel ang kanyang pangalan...Siya si Captain Tadeo Aziel Herrer. Bihag siya Castel, bihag natin siya" pagpapaintindi sa akin ni ama.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro