Chapter 13
Pagbabanta
Hindi ko alam kung bakit ang bigat sa aking dibdib ang ginawa naming paglayo sa lugar na iyon. Nagpatuloy kami sa paglakad papasok sa perya habang hawak hawak ni Aziel ang aking kamay. Maya maya ay huminto ito at kaagad niya akong pinatingala dahilan upang magtagpo ang aming mga mata.
"Anong problema?" Malambing at pagaalalang tanong niya sa akin.
Dahil sa kanyang ginawa ay mas lalong humaba ang aking nguso at tsaka ako nagiwas ng tingin aa kanya. Mas lalo ko kasing nararamdaman ang lungkot sa tuwing may nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako, o kung may nakakapansin ng aking pagiging tahimik.
"Castellana" malambing pa din na tawag niya sa aking pangalan at tsaka niya pinilit na paharapin akong muli sa kanya para muling magtagpo ang aming mga mata.
"Bakit?" Tanong niyang muli. Sa paraan ng pagtatanong ni aziel ay mararamdaman mo ang sobra sobrang sekyuridad. Na para bang hindi ka mapapano dahil kasama mo siya, dahil sa presencya niya. Na para bang masyadong siyang malaki para sa kung ano mang iniintindi ko.
Bayolente akong napalunok. "Hindi ko din alam...ok lang naman ako" hindi rin siguradong sagot ko sa kanya.
Totoo namang wala akong problema. Ayos na ayos ako, ang saya saya ko nga kanina bago kami makarating dito. Pero dahil duon sa babaeng nag ngangalang henriette ay parang may biglang nawala na parte sa aking pagkatao. Hindi ko din maintindihan.
Ikinulong ni Aziel ang aking pisngi gamit ang kanyang magkabilang palad. Kaagad kong naramdaman ang init nuon. "Wag kang matakot, akong bahala sayo..." paninigurado niya sa akin kaya naman pinilit kong nginitian siya pabalik.
Bago niya ako bitawan ay hinalikan pa muna ako nito sa noo dahilan kung bakit muli nanamang naginit ang aking magkabilang pisngi.
"Tara na?" Yaya niya pa na kaagad ko namang tinanguan.
Napuno ang aking mga mata ng mga bagay na ngayon ko lamang nakita. Bahagya akong napatakip sa aking tenga ng dumaan kami sa ilalim ng isang rides. Isa iyong mahabang tren.
"Caterpillar?" Pagbasa ko sa pangalan ng rides na iyon.
"Gusto mo subukan?" Nakangiting tanong ni Aziel sa akin.
Kaagad akong napakagat sa aking pangibabang labi dahil sa excitement na naramdaman. "Pwede?" Namamanghang tanong ko sa kanya.
Nakangiti akong tinanguan ni Aziel bago siya humugot ng pera sa kanyang bulsa. Kaagad na nawala ang ngiti sa aking labi. "!ay bayad, baka mahal...sayang naman ang kinita mo" nagaalalang sabi ko sa kanya.
"Nagtrabaho ako para dito, kaya lahat ng gusto mong sakyan pwede" paninigurado niya sa akin bago niya ako tuluyang hinila patungo sa bayaran.
Hindi na ako nakasagot pa. Mukha kasing hindi sin magpapapigil si aziel kaya naman hinayaan ko na lamang siya. Mahaba ang pila at sobrang dami ding tao. Marami akong nakitang kabataan na kasing edaran ko. Sobra akong namamangha sa kanilang mga kasuotan. Ibang iba iyon sa mga kasuotan namin pag nasa nayon kami.
Maiiksi at hapit na hapit sa katawan ang damit ng mga babae dito. Iba din ang kulay ng kanilang buhok. Mga miatulang ginto. Ang kanilang mga ngipin ay may nakadikit na mahabang alambre. Ganito pala dito sa bayan.
Sa likod namin ay may dumating na grupo ng mga kabataang babae, nakahalukipkip ang isa dito na nagmimistulan nilang leader. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay tatawa tawa siyang lumingon sa kanyang mga kasama at tsaka sila ng bulungan.
Nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi tuloy maiwasang hindi ako mapatingin sa aking sarili. Ayos naman ako, maganda ang aking suot na bestida na bigay pa sa akin ni titser ana. Nakapusod din naman ang aking buhok pataas kaya sigurado akong hindi iyon sabog hindi kagaya ng nakasanayan kong nakalugay.
"Akala ko lola" natatawa tawang bulungan nila.
Napayuko na lamang tuloy ako bago ko naramdaman ang pagpisil ni aziel sa aking kamay. Napatingala ako sa kanya para tanungin kung ano iyon pero nilingon niya ang mga babae sa aking likuran dahilan kung bakit naramdaman ko ang pagsinghapan ng mga ito.
Kunot noo ko silang nilingon pero wala na sa akin ang kanilang atensyon kundi nakay aziel na. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanila at sa walang pakialam na si Aziel.
"Bakit ang daming nagkakagusto sayo?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya habang nakabusangot at nakanguso.
Napangisi ito habang nakatingin sa akin. Lumingon lingon siya sa paligid. "Nasaan? parang wala naman" nakangising tanong niya kaya naman mas lalo akong nainis.
"Sus, kunwari ka pang walang alam" nagmamaktol na sabi ko sa kanya kaya naman muli siyang napatawa at kaagad na tinanggal ang pagkakasiklop ng kamay naming dalawa at inilipat iyon sa aking bewang.
Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang dahilan kung bakit dikit na dikit na ngayon ang aming katawan. Wala naman na akong nagawa kundi hayaan iyon. Narinig ko ang iilang protesta ng mga babae sa aming likuran pero hinayaan ko na lamang.
Nagtaasan naman ang balahibo ko sa batok ng ilapit ni Aziel ang kanyang bibig sa aking tenga. "Nagseselos nanaman ang baby ko" sabi niya sa akin kaya naman halos mabali na ang leeg ko sa kakayuko.
Naramdaman ko na lamang ang paghalik ni Aziel sa aking ulo. Habang nagtataas baba ang kanyang kamay sa aking bewang.
Kapit na kapit ako kay Aziel habang nakasakay kami sa rides na iyon. Sobrang saya din dahil may kalayaan akong sumigaw kahit gaano ko pa kalakas gusto. Tawang tawa naman si aziel sa akin, nakakamangha ngang parang wala lamang iyon sa kanya.
"Hindi ka natakot?" Tanong ko habang hinihingal hingal pa dahil sa pagkakasigaw. Nagbabaan na ang lahat pagkatapos ng ilang pagikot.
Napailing siya. Napanguso na lamang tuloy ako at napangiti. Kung ano anong rides ang sinakyan namin ni Aziel. Nagawa din naming pumasok sa haunted house. Dahilan kung bakit halos hindi na namin maramdaman pa ang oras.
"Gutom ka na?" Tanong niya sa akin pagkalabas namin sa giant octopus.
Napahawak na lamang ako sa aking tiyan at napatango tango. "Oo, naubos yung lakas ko duon" natatawang sabi ko sa kanya kaya naman kaagad kaming pumili ng makakain ni Aziel.
Naglakad kami sa kahabaan ng tindahan ng mga pagkain. Masasarap sa mata ang lahat ng nanduon pero walang pamilyar sa akin lahat ay bago sa aking paningin.
"Ano yung pula na yun?" Tanong ko kay Aziel.
"Hotdog yun, gusto mo yun?' Tanong niya sa akin.
Napatango na lamang ako bilang sagot. Malaki iyon at mahaba, unang kagat ko pa lamang at nanlaki na ang aking magkabilang mata dahil sa sarap.
Ganuon din ang binili ni Aziel at tsaka buko juice. Umupo kami sandali sa may gitnang lamesa para makapagpahinga.
"Nagenjoy ka ba?" Tanong niya sa akin.
Hindi ako magkandamayaw sa kakatango dahil sa sayang nararamdaman.
"Sobra" paninigurado ko sa kanya.
Sandali niyang itinaas ang kamay patungo sa gilid ng aking labi para punasan iyon. "Kain ka lang, may pupuntahan pa tayo pagkatapos" sabi niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.
Sa gitna ng aming pagkain ay nakita ko ang biglaang paghawi ng mga tao. Sa gitna ng perya ay naglalakad ang mayor ng bayan kasama ang tinawag nilang Henrietta. Salita ng salita ang mayor habang nagtuturo ng kung ano ano. Hindi ko naman magawang tanggalin ang tingin ko sa babaeng iyon. Para kasing kilala ko siya, hindi ko alam.
"Bibili lang ako ng tubig, wag kang aalis dito" paalam sa akin ni aziel na tinanguan ko na lamang at hindi ko na nagawa pang lingunin.
Sa pagkawala ni Aziel ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at kusa ng naglakad ang aking mga paa patungo duon sa babae. Nanatili akong nakasunod sa kanilang paglakad habang hawak hawak ko pa din ang hotdog na nakatusok sa stick.
Dahil sa pagkawala sa aking sarili ay hindi ko na nakita ang malaking bato sa aking daraanan dahilan upang mapasigaw ako sa gulat. Dahil na din sa lapit ko sa mayor at sa kasama niyang si Henrietta ay muntik ko na siyang matusok ng hawak kong stick. Mabuti na lamang ay kaagad akong naitulak palayo ng mga kasama niyang armadong lalaki.
Napasalampak ako ng pagkakaupo sa lupa. Ang hotdog na aking hawak ay kaagad na tumapon sa lupa. Pero kaagad akong nagulat ng tutukan ako ng baril ng mga bantay niya.
"Sino ka? Balak mong saktan si ma'm henrietta!?" Galit na sigaw ng mga ito.
Kaagad na natahimik ang buong paligid dahil sa pangyayaring iyon. Maging ang mayor at ang babaeng nag ngangalang henrietta ay napatigil at nakatingin sa akin.
"Hindi po, natisod lamang ako" mangiyak ngiyak na sagot ko sa kanya dahil sa takot ay sa baril na nakatutok sa akin.
Nakita ko ang mabilis na pagtakbo ni Aziel papalapit sa akin. Mabilis niyang hinawa ang baril na nakatutok sa akin.
"Bakit mo tinututukan ng baril ang nobya ko? Alam mo bang pwede ka naming kasuhan dahil diyan!" Galit na galit na sabi niya dito.
"Tirso, ibaba mo na" biglaang singit ni ma'm Henrietta.
Nahihiya akong napatingin sa kanya pero bago pa man iyon ay nakatingin na din pala siya sa akin.
Tipid niya akong nginitian at tsaka siya lumapit sa akin. Gusto pa sana siyang pigilan ng kanyang mga bantay pero hindi siya nagpapigil. Nilapitan niya pa din ako, lumunod siya sa aking narapan para punasan ang aking nadumihang mga kamay.
"Ayos ka lang ba? May sugat ka?" Malambing na tanong niya sa akin.
Parang may nabuhay na kung ano sa aking pagkatao. Literal na nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan dahil sa pagkakahawak niya sa aking kamay. Ang lambot nuon, at sobrang bango niya. Mas lalo din siyang gumanda ng tuluyan ko na siyang makita ng malapitan.
"Maraming salamat po" medyo nahihiya pang sabi ko sa kanya.
Nginitian niya ako, at ganuon na lamang ang gulat ko ng haplusin nito ang aking pisngi. "Napakaganda mong bata hija...ano ang iyong pangalan?" Malumanay na tanong niya sa akin.
"Castellana po" sagot ko sa kanya dahilan ng kanyang biglang pagkabato.
Titig na titig siya sa akin kasabay ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero bago pa man siya tuluyang makapagsalita ay mabilis na siyang inakay palayo duon ng kanyang mga bantay dahil sa unti unting pagbuhos ng ulan.
Hindi mawala ang tingin niya sa akin, pilit siyang lumingon at ilang beses gustong kumawala pero wala siyang magawa.
"Anong nangyari bakit ka tinutukan ng baril ng mga iyon?" Galit na tanong sa akin ni aziel pero ramdam ko pa din ang kanyang pagaalala sa akin.
Hindi na niya ako hinayaan pang makasagot ng bigla niya na lamang din akong hilahin sa kung saan para makahanap ng masisilungan. Yakap yakap ako nito habang nakikisiksik din kami sa iba pang mga taong nakikisiling sa maliit na bubuong.
Nanatili akong tahimik at hindi nagbigay ng kumento tungkol sa posisyon namin ni aziel ngayon. Para pa din akong naputulan ng dila dahil sa nangyari kanina, iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng nag ngangalang henrietta.
Nang makabawi ay napatingala ako kay Aziel. Tiim ang bagang nito at lapat na lapat ang kanyang labi. Matalim din ang tingin niya sa kung saan.
"Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
Parang ano mang oras ay uusok na ang ilong nito. "Gusto kong gumanti" may kasamang panggigigil na sabi pa niya.
"Hindi dapat nila ginawa sayo iyon" galitna utas pa din niya.
Wala sa sarili akong napahawak sa kanyang dibdib. "Tama na, wala namang nangyaring masama sa akin" pagpapakalma ko sa kanya.
Napatingin siya sa kamay kong nakalapat sa kanyang dibdib bago siya unti unting huminahon. "Nabigla lang din naman siguro sila" sabi ko pa para patuloy na pababain ang tensyon.
Napairap na lamang ito sa kawalan bago ko naramdaman ang paghigpit ng kanyang pagkakayakap sa akin. Hindi din nagtagal ay huminto na ang buhos ng ulan at dahan dahan na ding bumalik ang lahat sa normal.
"Sayang yung hotdog ko, ang sarap pa naman" panghihinayang ko.
"Gusto mo ba ulit? Ibibili kita" sabi pa ni Aziel sa akin pero inilingan ko na lamang siya.
"Wag na, ok na ako..." sabi ko pa sa kanya.
Napatango na lamang ako at tsaka niya muling hinawakan ng mahigpit ang aking kamay ay naglakad lakad kami para tingnan pa ang ibang palaro.
"Uy ang daming laruan" sabi ko pero tinawanan lamang ako ni Aziel.
"Stuffed toys ang tawag diyan" sabi niya sa akin at tsaka kami lumapit sa isa sa mga iyon.
Nagbayad si Aziel para makapaglaro. Kailangan lamang niyang patumbahin ang mga bote na nakatayo sa hindi kalayuan gamit ang maliit na bola. Sobra sobra ang pagkamangha ko ng isa isang mapatumba iyon ni aziel. Walang mintis.
"Sige, pumili ka na daw ng gusto mong premyo" sabi niya sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata. "Kahit ano?" Excited na tanong ko pa.
Tumango si Aziel kaya naman kaagad kong iginala ang aking mata para maghanap ng aking matitipuhan. Nanlaki ang akingmga mata sabay turo ng maliit na stuffed toy na dragon. Kulay pula iyon at may pakpak pa.
"Ayun oh, dragon katulad ng alaga mo" sabi ko pa. Pero humagalpak ng tawa si Aziel sa aking tabi.
Napaawang ang aking bibig dahil sa pagtataka. Inabot na din sa akin nung lalaki yung gusto kong stuffed toy na dragon. Pulang pula iyon at nakangiti pa.
Halos mamula si Aziel sa kanyang pagtawa. "Bakit ba?" Nakasimangot na tanong ko.
Napailing siya habang pinipigilan pa din ang pagtawa. "Para kang si Ducusin pinagtatawanan niyo lang ako" nagtatampong sabi ko sa kanya.
Dahan dahang huminahon si Aziel. "Sorry" sabi niya sa akin.
"Pati si Ducusin ganyan din. Pinagtatawanan niyo ako pag tungkol sa alaga mo" sabi ko pa sa kanya. Muntik nanaman tuloy siyang humagalpak ng tawa, pinigilan niya lang ang kanyang sarili.
Nagtaas ito ng kilay sa akin. "Ikinwento mo sa kaibigan mo ang tungkol sa alaga ko?" May bahid pa din ng pagpigil sa pagtawa ang kanyang boses.
Napatango ako. "Oo, tinawanan din niya ako. Sabi pa niya...mala ahas na dragon daw yan" sabi ko pa at tuluyan na nga siyang kinain ng kanyang pagtawa.
Nakabusangot tuloy ako habang nasa pila kami pasakay ng tinawag niyang ferris wheel. Pulang pula ang mukha ni Aziel at hindi nagtagal ay dahan dahan din siyang huminahon.
Dahil sa pagkainis ay ako naman ang natahimik. Ipinangako ko sa aking sarili na kahit anong mangyari ay hindi ako magsasalita kahit pa anong itanong niya sa akin. Hindi ko din siya tinatapunan ng tingin. Pero hindi rin naman ako pinapansin ni Aziel kaya naman mas lalong nakakainis.
Hanggang sa makasakay kami sa ferris wheel ay wala kaming pansinan, pero ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ni Aziel. Nang hindi ko na makayanan ay nilingon ko na siya at sinamaan ng tingin.
"Wag mo nga akong titigan!" Bulyaw ko sa kanya.
Tumaas ang kabilang dulo ng labi nito. "Paano mo nasabing tinititigan kita eh hindi ka naman nakatingin sa akin" mapanuyang sabi niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot hinayaan ko lang siya. Maya maya ay tumayo siya dahilan para gumalaw ang sinasakyan naming bagon ng ferris wheel. "Umaalog wag!" Suway ko sa kanya.
Nginisian niya ako. Umupo siya patabi sa akin at kaagad na itinapat sa mukha ko ang kamay niya, sa loob nuon ay isang kwintas. Itim ang tali nito at may palawit na bilog na kahoy na may nakaukit na paru paru sa gitna.
"Para sayo..." sabi niya at siya na mismo ang nagsuot nuon sa akin. Hindi ako makapagsalita sa gulat at saya na nararamdaman.
"Paru paru..." sambit ko.
"Parang ikaw yan. Maganda...at darating ang araw na makakawala ka din sa nayon, makikita mo din ang ganda ng ibang lugar ng syudad. Makakalipad ka din" sabi pa niya sa akin na sobrang nagpaantig ng puso ko.
Akala ko nuon ay hindi nakikinig si Aziel sa aking mga sinasabi at himutok sa buhay. Nagkakamali pala ako, naalala niya.
"Maraming salamat, sa lahat...sa buong araw na to. Hindi ko kailan man naisip na mararanasan kong makalabas ng nayon ang magsaya ng ganito" buong sinseridad na sabi ko sa kanya.
Bilang pasasalamat ay kaagad kong inilapit ang mukha ko sa kanya at sandali siyang hinalikan sa labi. Nakaramdam ako ng hiya pagkatapos ng aking ginawa lalo na't hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa akin si Aziel.
"Uhmmm" magsasalita na sana ulit ako ng kaagad niyang kinabig ang aking batok para buong buo niyang maangkin ang aking labi.
Saktong tumigil ang pagikot ng ferris wheel sa pinakatuktok. Dahil sa intensidad ng paghalik sa akin ni Aziel ay napahigpit na lamang ang hawak ko sa kanyang damit. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking ulo basta at hinahayaan ko na lamang siya.
Napatigil kaming dalawa ng naghiyawa ang ilang tao sa mga sumunod pang bagon. Kaagad tuloy akong napahiwalay kay azisl at napaiwas ng tingin.
"Hayaan mo sila, inggit lang yan kasi wala silang baby" nakangising sabi pa ni Aziel sa akin.
Mag aalas nuebe na ng bumalik kami paakyat sa nayon. Dala dala ko ang maliit na dragon na stuffed toys at binilhan pa niya ako ng kulay pink na pop corn at cotton candy. Madilim na at tahaimik ang buong lugar pero nagawa pa din akong ihatid ni Aziel sa aming bahay.
"Ikaw lang magisa dito? Hindi ka ba natatakot?" Tanong niya sa akin.
Nakangiti ko siyang inilingan. "Wala naman dapat katakutan, tsaka matapang ako...kaya ko ngang makipaglaban" pagmamayabang ko pa sa kanya pero inirapan niya lamang ako at muling hinila papalapit sa kanya para yakapin.
"Sige na matulog ka na, bawal sa baby ang nagpupuyat" sabi niya pa sa akin. Hindi pa siya nakuntento at sandali pa niyang inangkin ang aking labi bago niya ako pinakawalan.
Masarap ang tulog ko kinagabihan. Ngiting ngiti tuloy ako nung magumaga.
"Aba ang ganda ng gising natin ah. Parang may dalawang nawala sa nayon kahapon ah" pagpaparinig sa akin ni Ducusin.
Patuloy ko pa din siyang nginitian pero siniko lamang niya ako. "Magkwento ka naman!" Sita niya sa akin.
Napakagat tuloy ako sa aking labi. Hindi pa man din ako naguumpisa ay kaagad na naming natanaw si lily na naglalakad patungo sa amin. Kita ko sa mukha niya ang galit at pagkainis.
"Castel pwede ba tayong magusap?" Seryosong tanong niya sa akin.
Nagkatinginan kami ni Ducusin. "Pwede naman..." alanganing sagot ko sa kanya.
Nagpaalam si ducusin sa akin na aalis na muna sandali kaya naman kami na lamang ni Lily ang naiwan.
"Anong meron sa inyo ni aziel?" Diretsahang tanong niya sa akin.
Napaawang ang aking bibig. "Castel hindi kayo bagay ni Aziel. At siguradong sa oras na makilala mo na ang tunay mong ina at maranasan mo ang marangyang buhay kasama siya...siguradong makakalimutan mo na si Aziel, masasaktan lang siya" akusa niya sa akin.
"Hindi yan totoo...mahal ko si Aziel, hindi ko siya sasaktan kagaya ng sinasabi mo" laban ko sa kanya.
Pero nginisian niya lamang ako. "Alam ko kung nasaan ang iyong ina Castel. Kung gusto mo dadalhin kita sa kanya ngayon mismo..." panghahamon niya sa akin na ikinabato ko.
"Ngayon din mismo?" Paninigurado ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan.
"Tara, bababa tayo sa bayan...dadalhin kita sa kanya" panghihikayat niya sa akin at hindi pa siya nakuntento at hinawakan pa niya ang palapulsuhan ko para hilahin akin.
Kaagad akong nagpumiglas sa kanyang hawak. "Bitawan mo ako, hindi ako na iniwala sayo" akusa ko sa kanya.
"Dadalhin kita sa syudad kung gusto mo! Mawala ka lang dito sa nayon!" Sigaw niya sa pagmumukha ko kaya naman hindi ko naiwasang mangilid ang luha sa aking mga mata.
"Walang espesyal sayo castel, hindi ka diwata...hindi ka maganda! Isa ka lang babaeng taga bundok na madaling mauto" puna pa niya.
"Tama na..."
Nginisian niya ako. "Uto uto ka, mahina, walang alam...isip bata. Hindi ka nababagay kay Aziel. Magiging pabigat ka lang sa kanya" pagpapatuloy pa niya.
Hindi na ako nakaimik pa hanggang sa pareho kaming napatigi ng biglang dumating si Aziel.
"Anong nangyayari dito?" Seryosong tanong niya.
Walang may gustong magsalita. Kaya naman si Aziel na mismo ang lumapit sa akim at inalo ako.
"Bakit baby?" Malambing na tanong niya sa akin.
"Totoo pala?" Hindi makapaniwalang sambit ni lily.
"Makakarating ito kay pinuno. Paghihiwalayin niya din kayo" pagbabanta niya pa sa amin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro