Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Herrer Residence

(Sachi Pov)

Halos magdadalawang buwan na simula ng nawala ang aking kuya Tadeo. Dahil sa nangyari ay hindi na bumalik ang dating sigla ng aming tahanan. Nagbago na ang lahat at hindi ko na alam kung paano pa maibabalik sa dati ang lahat.

Mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng aking kama at nakatulala sa may sahig ay bahagya akong napaiktad ng makarinig ako ng tatlong katok.

Mula duon ay bumukas ang pintuan sa aking kwarto at tsaka pumasok ang isa sa aming mga katulong na may dala dalang tray.

"Ma'm ito na po ang tanghalian niyo..." anunsyo niya pero bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang hindi nagalaw ang tray na ibinigay niya din kanina para sa aking breakfast.

"Ma'm hindi niyo po ginalaw ang pagkain niyo?" Malungkot at nagaalalang sabi niya sa akin.

Hindi ko siya magawang ngitian para ipakitang ayos lang ako at hindi nila kailangang magalal para sa akin. "Hindi po ako gutom " sagot ko.

Mas lalong puminta ang pagaalala sa kanyang mukha pero hindi na lamang siya nagsalita ulit. Iniwan pa din niya ang pagkain para sa aking tanghalian. Simula ng mangyari ang trahedya at ang pagkawala ni kuya tadeo ay hindi na kami muli pang nakakain sa hapag kainan ng sama sama.

Labas masok si mommy sa hospital dahil na din sa sakit niya sa puso. Hindi niya kinaya ang nangyari kay kuya, masyadong mahina ang kanyang puso para dito.

Imbes na kumain at ipagpatuloy ang pagmumokmok sa aking kwarto ay lumabas ako. Tahimik ang buong bahay, tanging ang mga kasambahay na naglilinis lamang ang aking nakikita sa kung saan saang sulok ng bahay. Mas lalong bumagsak ang aking balikat dahil dito.

Sinubukan kong pumunta sa kwarto nina mommy at daddy pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay narinig ko nanaman ang kanilang pagaway. Dahil sa sobrang pagaalala ni daddy ay hindi niya maiwasang hindi magalit kay mommy sa tuwing sobra sobra ang nagagawa nitong pagiyak. Hindi kasi iyon makakabuti para sa kanya pero naiintindihan din siya ng lahat. Hindi biro ang kinakaharap ng aming pamilya ngayon, nawawala si kuya tadeo at walang nakakaalm kung kamusta na siya.

Imbes na dumiretso ay bumaba na lamang ko papunta sa may kitchen para kumuha ng tubig.

"Hindi pa rin maka move on si ma'm maria sa pagkamatay ni sir tadeo" rinig kong bulungan ng mga kasambahay.

"Kaya nga, dapat ay tanggapin na nila...sumabog ang helicopter na sinasakyan niya, impossibleng mabuhay pa siya duon" sabi pa ng isa kaya naman hindi ko na kinaya at nagpakita na ako sa kanilang dalawa.

Gulat na gulat ang mga ito, halos mamuti ang kanilang mga mukha sa sobrang takot at gulat dahil sa aking biglaang pagpapakita sa kanilang harapan.

"Ma'm sachi" nahihiyang tawag nilang dalawa. Sabay silang napayuko.

"Hindi pa patay ang kuya tadeo ko, hangga't walang katawang naipapakita...araw araw akong maghihintay sa pagbabalik niya, makikita niyo" seryosong sabi ko sa kanila at tsaka sila kaagad na tinalikuran.

Habang pabalik sa taas ay hindi ko naiwasang hindi mapaluha dahil dito. Sa tingin marahil ng lahat ay matapang ako, o walang pakialam sa pagkamatay niya. Ni hindi kasi nila ako nakitang umiyak sa kanilang harapan. Dahil alam ko at ramdam ko na babalik ang kuya tadeo ko.

"Sachi" tawag sa akin ng kararating lamang na si kuya kenzo. Kakahubad lamang niya ng kanyang white suite, nakasabit pa sa kanyang leeg ang stethoscope.

Napahinto ako sa pagakyat sa hagdan at mabilis na pinahiran ang mga luha sa aking mata.

"Anong nangyari? May problema ba?" Tanong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagaalala niya sa akin. At sa tuwing tumitingin ako sa kanya maging kina kuya piero at cairo ay nakikita ko si kuya tadeo.

Mabilis akong napayakap kay kuya kenzo at kaagad din naman niyang ginantihan iyon. "Namimiss ko na si kuya tadeo" umiiyak na sumbong ko sa kanya. Naramdaman ko tuloy ang mas lalong paghigpit ng kanyang pagyakap sa akin.

"Kailangan nating tanggapin..." hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng kaagad ko siyang pinigilan.

Napahiwalay na din ako ng yakap sa kanya. "Pati ba naman ikaw kuya? Naniniwala ka din sa kanila na patay na si kuya tadeo!" Asik ko sa kanya habang umiiyak.

Kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha. "Sachi, dalawant buwan na ang nakakalipas...ginawa na nila ang lahat" mariing pagpapaintindi niya sa akin pero pumasok at lumabas lamang iyon sa aking magkabilang tenga.

"Kung naririnig kayo ni kuya tadeo ngayon, sigurado akong malulungkot siya. Hindi niyo man lang siya ipinaglaban, dapat ay malakas pa din ang loob niyo at maniwalang buhay siya at babalik siya sa atin" patuloy na pangungunsensya ko sa kanya.

Hindi na lamang nakapagsalita pa si kuya kenzo. "Kahit anong sabihin niyo, palagi ko pa ding hihintayin ang pagbabalik ng kuya tadei ko" laban ko sa kanya at tangkang tatalikuran na siya ng kaagad siyang magsalita.

"Sachi wag mo ng bulagin ang sarili mo sa katotohanang kusa ng nagpapakita sayo. Wala na si tadeo, at wala ka ng ibang dapat gawin kundi ang paunti unting tanggapin iyon" seryosong sabi pa niya sa akin.

Sandali ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. "I hate you kuya kenzo, palagi mo na lang inaaway si kuya tadeo" sigaw ko sa kanya at tsaka ako mabilis na tumakbo patungo sa aking kwarto.

Lumipas pa ang ilang araw, hanggang sa tatlong araw na lang ang natitira at sasapit na ang aking kaarawan.

"May tatlong araw ka pa kuya tadeo, sabi mo babalik ka bago ang birthday ko" bulong at pagkausap ko sa hangin.

Kahit papaano ay nakakalabas labas na din si mommy sa kanyang kwarto. Panay tuloy ang absent ni daddy sa work para bantayan ito.

"Ma'm sachi, handa na po ang dinning. Naghihintay na po ang mommy at daddy niyo. Pati ang mga kuya niyo" sabi sa akin ng isa sa aming mga kasambahay.

Hindi kagaya ng ibang araw na hahatiran niya lamang ako ng nakatray na pagkain, ngayon ay tinawag niya na ako para bumaba at kumain sa dinning kasama ang aking pamilya. Nagulat ako nung una pero ng makabawi ay kaagad din akong naghanda para makababa na.

Kagaya ng sinabi nito sa akim ay kumpleto na silang lahat duon. Si kuya kenzo, Piero at Cairo ay nakaupo na. Una akong lumapit kina mommy at daddy para humalik sa kanila, sumunod naman akong lumapit kina kuya piero at cairo para humalik din. Pero sinadya kong wag halikan si kuya kenzo.

Hindi naman nagreact ang mga ito. Nagsimula na din kaming kumain. Kain na para bang iniisip namin na nasa isang mission lang si kuya, at babalik ano mang oras.

"Sachi anak, malapit na ang birthday mo..." paguumpisa ni daddy pero pinangunahan ko na siya kaagad.

"Ayoko na po magcelebrate daddy, ayoko na pong magdebut...ayos na po sa akin ang simpleng family dinner. Kumpleto tayo kasama si kuya tadeo" sabi ko na halata namang ikinagulat nila.

"Sach..." pagtawag ni kuya cairo sa akin.

Lahat sila ay nagaalalang napatingin kay mommy. Pabalik balik ang tingin nila sa aming dalawa. Nakasimangot si kuya kenzo na nakatingin sa akin pero hindi ko na lamang siya pinansin.

"Sachi anak..." tawag ni daddy sa akin.

"Ayoko na po ng engrandeng debut daddy" pinal na sabi ko na lamang sa kanilang lahat kaya naman kaagad na binalot ng katahimikan ang hapagkainan.

Ang buong akala namin ay hindi mangengealam si mommy sa usapan namin pero nagulat kaming lahat ng hawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa lamesa.

"Yan din ang gusto ko anak, ang simpleng family dinner na kumpleto tayo ulit" emosyonal na sabi ni mommy kaya naman hindi ko na napigilang hindi maluha at tsaka ko siya mabilis na niyakap.

Masaya ako dahil hindi ako nagiisa, kagaya ko ay naniniwala din si mommy na babalik ang aking kuya Tadeo. At wala kaming ibang gagawim kundi hintayin ang kanyang pagbabalik. Kahit pa anong mangyari.

Pagkatapos ng almusal ay kaagad akong ipinatawag ni kuya kenzo sa library sa second floor. Hindi ko sana siya sisiputin ang kaso ay nalaman kong kasama din duon sina kuya cairo at piero.

"Tara" pagtawag sa akin ni kuya Cairo sabay tap sa katabi niyang upuan. Sa kaharap na upuan ay ang magkatabing sina kuya piero at kuya kenzo.

"You need to know the issues too...para mas maging aware ka, hindi pwedeng palihim ka lang naming proprotektahan, mas maganda kung alam mo kung ano talaga ang nangyayari" pagsisimula ni kuya cairo.

Kumunot ang aking noo. "Bakit ano pong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko sa kanila. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang tatlo pero seryoso lamang sila.

"May death threat na dumadating sa bahah natin araw araw, ikaw at si mommy lang ang hindi nakakaalam, pero dahil araw araw kang may pasok sa school, kailangan mo ding maging alert at maingat" pagpapaliwanag ni kuya kenzo.

Pero imbes na sa kanya magtanong muli ay kay kuya Cairo pa din ako nakatingin.

"Ano pong kailangan nating gawin kuya cairo? Bakit may ganuon?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Malaking grupo ang nakalaban nina tadeo sa norzagaray, mukhang gumaganti sila sa pagkamatay ng kanilang leader" seryosong sabat na ni kuya piero.

Napaawang ang aking bibig. "Pero nawawala na nga si kuya tadeo. Hindi pa ba sapat iyon para sa kanila?" Mangiyak ngiyak na sabi ko sa kanila.

Hindi nakapagsalita sina kuya cairo at kuya piero pero nagawa pang manumbat ni kuya kenzo.

"Hindi ba't proud na proud ka naman sa pagiging sundalo niya, so ito, this is the consequence." Sumbat pa niya sa akin kaya naman inirapan ko na lamang siya.

"We want you to be extra careful Sachi. Wag ka munang pumunta sa kung saan saan, school at bahay ka na muna" paalala pa sa akin ni kuya cairo na kaagad ko namang tinanguan.

"Opo kuya" sabi ko pa.

Pagkatapos ng paguusap na iyon ay bumalik na ako sa aking kwarto. Sa tuwing magisa ako ay para akong aatakihin sa puso, nakamamatay na sakit at bigat ng dibdib ang palagi kong nararamdaman sa tuwing naaalala ko si kuya tadeo. Gusto ko pa siyang makita ulit.

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng pagkatok mula sa labas, ang buong akala ko ay isa sa mga kasambahay lamang namin iyon. Pero kaagad akong napatayo ng makita ko si mommy.

"Mommy" gulat na tawag ko sa kanya.

Nakangiti ito sa akin, at pagkalapit na pagkalapit ay kaagad niya akong niyakap. Ginantihan ko din iyon ng mahigpit at nagtagal kami sa ganuong posisyon ng ilan pang minuto bago niya ko hinila paupo sa aking kama.

"Siguradong tuwang tuwa ang kuya tadeo mo, kasi nararamdaman niyang hinihintay mo pa din siya" sabi nito sa akin kaya naman kaagad ko siyang nginitian.

"Dahil nararamdaman ko din po mommy na buhay pa siya" sagot ko sa kanya kaya naman matamis siyang ngumiti sa akin at tsaka niya hinaplos ang aking pisngi.

"Napaka swerte namin sayo anak" punong puno ng sinseridad na sabi niya sa akin.

"Mas maswerte po ako sa inyo mommy...kay daddy, kay kuya tadeo, cairo, piero...kenzo" emosyonal na sabi ko pa sa kanya.

Hindi ko makukuha ang lahat ng bagay na meron ako ngayon kung hindi dahil sa kanila. Ibinigay nila ang lahat ng pwede nilang ibigay sa akin higit pa sa mga pangangailangan ko.

"Mahal na mahal kita anak...hindi ko kailan man inisip na hindi ka nanggaling sa akin" paninigurado pa ni mommy.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. "Kung magkakaroon po ulit ako ng pangalawang buhay, kayo pa din po ang pipiliin kong maging mommy" malambing na sabi ko sa kanya kaya naman narinig ko ang kanyang pagsinghap.

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para pumasok na sa school. Hindk ko pa din pinapansin si kuya Kenzo, kahit sa aming almusal. Tinabihan ako ni Kuya Kenzo sa habang nakatayo ako sa may front door. Hinihintay ko si Kuya Piero, siya ang maghahatid sa akin papunta sa school. 

Humalukipkip ako at tsaka nagiwas ng tingin. Pero nanatili siyang tahimik kaya tinubuan ako ng pagkaguilty.

"Mabait kasi si kuya tadeo, kaya hindi ko alam kung bakit palagi mo siyang inaaway" sabi ko na may kasamang panunumbat.

"May malalim akong dahilan sachi" sabi niya sa akin pero napanguso lang ako.

"Si tadeo nakikipaglaban, pumapatay ng tao...ako, i save life" seryosong sabi niya sa akin.

Mas lalo tuloy humaba ang aking nguso. Proud ako sa mga kuya ko, si kuya tadeo bilang isang sundalo, si kuya piero and cairo na namamahal sa companya at si kuya kenzo na doctor. Proud din ako sa kanila pero hindi ko lang masabi dahil palagi naman silang wala sa bahay, busy masyado kaya naman mas napalapit talaga ako kay kuya tadeo.

"Proud din naman ako sayo kuya, sa inyong lahat" paguumpisa ko.

Napatingin siya sa akin, kita ko ang paglambot ng ekspresyon ng kanyang mukha. Kaya naman tipid ko siyang nginitian, "Proud ako sayo kuya kenzo, proud ako sayo cause you save life" sabi ko pa sa kanya at ganuon na lamang ang gulat ko ng kaagad niya akong yakapin.

Walang mapadsidlan ang tuwa ni kuya kenzo dahil sa aking sinabi, hinayaan ko na lamang siya dahil ayoko naman na masira pa ang araw niya, maaapektuhan lang ang mga pasyente.

"Sama ako sa hospital, manunuod ako ng operations mo" nakangising sabi ko sa kanya.

Napatawa siya at napailing. "Pumasok ka sa school, papagalitan tayo nina mommy at daddy" sabi niya pa sa akin.

Napanguso ako at napatahimik. "Paano pag ako? Isasave mo din ba ang life ko?" Out of nowhere na tanong ko sa kanya.

Dahil duon ay unti unting napawi ang ngiti sa kanyang labi. "Anong klaseng tanong naman iyan sachi" sabi niya sabay iwas ng tingin. Sa itsura pa lang niya ay ramdam ko na na ayaw niyang sagutin iyon. Kaya naman hinayaan ko na lamang siya.

"Aalis na nga ako" paalam ko sa kanya ng huminto ang sasakyan ni Kuya Piero sa tapat namin. Humalik sa kanyang pisngi kagaya ng ginagawa ko sa iba ko pang mga kapatid.

"See you later..." pahabol pa niya.

"See you later" balik na sabi ko habang kumakaway kaway pa.

Diretso ako sa room pagdating namin sa school. Pagkapasok ko sa room ay kaagad nanamang sumalubong sa akin ang mga tingin ng aking kaklase. Ang mga dati kong kaibigan ay biglang nawala kasabay ng pagkawala ni kuya tadeo. Kung dati ay kasama ko silang humahanga dito, ngayon ay hindi na. Tumigil na din sila ng nawala ito.

Kaya naman simula nuon ay magisa na lamang ako. At ipinangako ko sa aking sarili na makikita nilang tama ako, buhay pa ang aking kuya tadeo. Makikita nilang lahat...

Matapos ang tatlong subject ko para ngayong araw ay kaagad na akong naghintay para sa pagdating ni kuya Piero. Mahigpit niyang ipinagbawal sa akin na lumabas ng school kaya naman sa may bench malapit sa guard house lang ako umupo.

Pero lumipas ang dalawang oras ay wala pa ding kuya Piero na lumitaw. Sa sobrang pagkainip ay kaagad na akong lumabas para pumara ng taxi. Sa kabilang lane ang nakuha kong taxi kaya naman kinailangan ko pang hintayin ang stop light. Mula sa kanang bahagi ay natanaw ko ang kulay itim na van, hindi ko alam kuny bakit pero hindi maalis ang tingin ko duon.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon ng pumula na ang ilaw kaya naman pwede na kaming tumawid. Nasa kalagitnaan ako ng pedestrian lane ng kaagad akong mapahinto sa gulat ng makita ko ang itim na van na papunta sa akin, mabilis ang takbo nito habang nagpapatay sindi ang ilaw sa harapan.

Isang mahaba at malakas na pagbusina ang aking narinig hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagangat ng katawan ko sa lupa at ang malakas na pagkakahulog ko. Nahigit ko ang aking paghinga dahil dito. Hindi ako makagalaw, ni ang magsalita para humingi ng tulong ay hindi ko magawa. Nakatulala lamang ako sa langit, habang patuloy ang pagagos ng aking luha.

Hindi ko na maramdaman ang aking katawan, basta ang alam ko lang ay nakasalampak na ako sa lupa ngayon. Nagkagulo ang mga tao, pero walang may gustong lumapit sa akin o galawin ako. Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang tunog ng ambulansya, kasabay ng unti unting pagsikip ng aking dibdib, unti unting nahihirapan na akong humingin.

"Ma'm wag po kayong pipikit" utos sa akin ng isang taga rescue team.

Maingat nila akong isinakay sa ambulansya, pero ang aking paghinga ay unti unti ng humihina, gusto na ding pumikit ng aking mga mata. Nanatili lamang akong nakatulala sa itaas, hindi ko na kontrolado ang aking katawan, nalaman ko ding may sugat ako sa ulo base na din sa ginagawang first aid sa akin. Tuluyan na akong kinain ng dilim sa aking pagpikit. Wala na akong naramdaman, wala na akong mararamdaman. Tapos na...

(Castellana Pov)

Dahil sa sinabi ni Aziel ay natahimik ako sa pagkagulat. Napaawang ang aking bibig habang nakatulala sa kung saan. Klaro ang aking pagkakarinig sa mga salitang lumabas sa bibig ni Aziel pero hindi ko iyon maprocesso ng maayos sa aking utak.

"Hey, ok ka pa ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Napatango na lamang ako. Napatawa ako ng mahina, hirap pa din dahil sa sama ng aking pakiramdam dahil sa sakit. "Paano mo naman nasiguradong nagseselos ako?" Panghahamon ko sa kanya.

"Nakikita ko" matapang na sagot niya sa akin.

Napanguso tuloy ako. "Hindi naman" nanghihinang laban ko pa sa kanya.

Hindi na lamang nagsalita si Aziel. Nanatili pa din siyang nakayakap sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, pero iba yung pakiramdam ko...parang may nawala sa akin. Isang napakaimportanteng bagay...o tao? Hindi ko alam, hindi ko maalala" wala sa sariling sabi pa niya.














(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro