Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 | Ψίθυρος

Zharinna's POV

"Today is the day," bulong ko sa'king sarili habang nag hahanda ako para sa gaganaping okasyon mamaya.

Pasado alas tres na din ng hapon at asa kwarto lang ako para magpahinga at maghanda. Hindi ako yung tipo ng babae na pupunta pa sa iba't-ibang salon or spa para magpa-relax at magpa-ayos.

Humiga muna ako sa aking kama nang makarinig ako ng katok kaya napatingin na lang ako nang bumukas ito. Bumugad sa akin ang aking ina na may kasamang dalawang babae.

Sa itsura pa lang nila ay masasabi kong eto ang mag aayos sa'kin ngayung gabi. Hindi ko pa alam kung ano ang aking susuutin, dahil wala naman akong napili kahapon. Pero ang sabi sa akon ni mama ay siya na raw bahala dun, kaya hindi na'ko nag aksaya ng oras para magtanong pa kung ano ang itsura nito dahil hindi naman ako mapili pagdating sa damit.

"Hija, andito na ang mag aayos sayo. Na sa dressing room mo na din ang damit na susuutin mo. By the way, this is Kelly and Haide. Girls, she's my unica hija, Zharinna. Please take care of my daughter. Pagandahin niyo ng bonggang-bongga dahil wala man lang kaayos-ayos sa katawan. Sayang lamang ang ganda"

Tila namula naman ako at napahawak sa tali ng roba na suot ko nang marinig ko ang sinabi ng aking ina. Tila napansin naman nila yun kaya napahalakhak na lang sila at maya-maya rin ay nagpaalam na ang aking ina dahil maghahanda lamang daw ito ng miryenda.

Lumapit sa'kin ang babaeng singkit ang mata at morena at nakangiting naglahad ito kamay. Dahil ayaw ko naman itong mapahiya ay tinaggap ko naman ito.

"Hello Zharinna, I'm Haide, your hairstylist for today and this is Kelly my twin sister. She'll do you make up and nails."

Tinuro naman niya ang kasama pa nitong babae na nakatitig sa kanya nang daretso. Pinagkaiba lamang nila ay may mahabang buhok si Kelly na hanggang bewang at kulay na blonde, habang si Haide naman ay maitim ang maikli nitong buhok na aabot naman sa balikat nito.

"Hello po, ako po si Zharinna," natawa naman silang parehas pero bigla rin silang napahinto at nag simula nang ayusin ang mga gamit na gagamitin nila.

"Wag kang mahiya sa amin. Halika na at maupo ka na para maayusan ka na namin. Sisiguraduhin kong lulutang ang ganda mo sa party mamaya." Excited nitong sabi sabay lapag ng unan sa kanyang hita nang siya ay makaupo.

Habang tinititigan ang kanyang sarili ay nagulat na lamang siya ng natakpan ang salamin na kanina lamang ay kaharap niya. Nagtataka naman niyang tignan ang isa sa kambal.

"It's a surprise, Zharinna."

Nakangiti namang tinignan siya ni Kelly at napatango naman siya at sinimulan na nga nila ang pag aayos.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako, nagulat na lang ako dahil inalalayan na akong umupo ng maayos.

"Mabuti naman ay gising ka na, patapos na kaming ayusan ka binihisan ka na rin namin dahil baka mahuli ka pa. Anong oras ba ang simula ng okasyon?"

"Oras?"

Nanlalaki naman ang mata ko nang masulyapan ko ang orasan. Pasado alas siyete na ng gabi at halos mahulog ang phone ko nang makita ko ang mga missed calls and text ni Thea. Kulang na lang ata ay umabot ito ng dalawang daan.

"Hala! late na late na 'ko!"

"Oh my gosh! You must hurry Zharinna, halika na at ihahatid ka na namin sa ibaba, na sa sala na rin ang pouch mo at andun na din sa loob ang mga dapat mong dalhin."

Inalalayan naman nila akong lumabas ng dalawa pababa ng hagda. Napansin kong natigilan ang mga kasambahay namin sa kanilang trabaho, kahit ang aking ina at ama na nag uusap sa sala ay tila ba natuos at may pagkamanghang bumakas sa kanilang mga mukha.

"Ma! Pa, aalis na po ako. Late na po ko, kanina pa ako hinahanap ni Thea,"

Humalik muna ako sa pisnge ng mga magulang, hindi ko na hinintay ang mga sasabihin nila dahil late na talaga ako.

Habang nilalagyan ako ng kung ano sa kamay ng isa sa kambal, naririnig ko tumutunog ang cellphone ko.

Thea's calling...

"He-"

"WTH, WHERE ARE YOU ZHARINNA?"

Nabuhay naman ang kaba na pumapaloob sa'kin nang marinig ko ang galit na boses ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"I'm on my way," kagat labing sagot ko.

"Geez you're late! Andito na ang mga espesyal na panauhin pati ang mahahalagang tao, ikaw na lang din ang wala sa atin. Ms Polly is looking for you!"

"I'm near okay? Hintayin mo'ko sa labas."

"Wait Zh-"

Binaba ko na ang tawag ng aking kaibigan dahil na rin sa kaba ko ay hindi ko na namalayan na na sa tapat na pala kami ng isang sikat na hotel sa lungsod. Akmang bababa na rin ako ngunit pinigil akong muli ng isa sa kambal at may inabot na sobre, doon ko naman napansin na iyon pala ang imbitasyon at pinaalalahanan nila akong muli bago sila umalis.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ko sinimulang lumakad ng daretso papasok. Ramdam ko ang titig ng mga nagbabantay sa labas ng isang ginto at malaking pintuan habang may ilan-ilan ding napatingin sa'kin, akmang bubuksan ko na ang pintuan ngunit hinarang ako ngunit hinarang na kami ng babae na kasabay ko kanina. Pinakita n'ya ang imbitasyon n'ya gano'n na rin ang hawak ko.

Nang nilingon ko ang babae ang nginitian na lamang ako at nag lakad na papasok.

Makikita sa'king kinatatayuan ang isang hagdan pababa at ang mga musika na tila ba nakakahumaling sa pandinig. Rinig ko na rin ang ingay sa loob.

Dahan-dahan akong nag lakad papasok at huminto sa gitna ng hagdan na siyang ikinaagaw ng pansin sa mga mata ng mga tao, na naging sanhi ng pagtigil ng musika at ng kanilang mga kwentuhan.

Kapansin-pansin din mula sa sa'king pwesto ang mga tao na na sa stage na animo'y napaka importanteng panauhin dahil sa tindig at mga suot pa lamang nila, isama pa ang awra na bumabalot sa kanila.

Naisipan ko nang bumaba ng hagdan dahil pakiramdam ko ay sobrang laking kahihiyan na ang aking dinala. Pansin ko pa rin ang pagsunod ng kanilang mga mata sa bawat hakbang na aking ginagawa, at nang ako'y tuluyan ng makababa ay may mga pares ng kamay ang biglang humablot sa'kin.

"A-aray, Thea, wait-"

Huminto kami sa sulok. Doon ko lang napansin na napaka ganda nito sa suot niyang puting gown na may itim na disenyo sa laylayan, habang ang buhok din nitong maikli ay naka braid at may clip na feather sa likuran ng tenga.

"Zha-zha ba't ngayon ka lang? Buti hindi ka naabutan ni Ms. Polly," bakas na bakas sa maamo nitong mukha ang takot at kaba habang nakahawak sa'king kamay.

"Pasensya na Tams, naka tulog kasi ako kanina eh at saka bakit ka ba kinakabahan?" Kamot ulo naman akong nagpapaliwanag dito dahil baka magbugha ito nang apoy anumang oras.

"Grabe ang kaba ko nang makita kita kanina, sobrang dami ng nakatingin sayo,"

Bigla na lamang nagdilim ang aming paligid sa kalagitnaan ng amin pag uusap. Bumukas muli ang pintuan kung saan ako nang galing. Mula sa itaas ay kitang kita namin ang pag pasok ng apat na tao, pero nang tuluyan kong makita ang kanilang mukha ay nagulat na lamang ako. Para bang magkakasing edad lamang kami pero mas nagulat ako dahil nakita ko ang ang mga tao na tila ba natahimik at mas lalong lumakas ang awra ng makita harapan ang apat na kadarating lamang.

"Anong meron?"

Narinig ko ang bulong ni Thea kaya napalingon ako dito, nagulat ako dahil maski ito ay tulala lang din sa taong naglalakad na ngayon ay pababa na ng hagdan. Masasabi ko ngang karespe-respeto talaga sila dahil sa kanilang itsura.

Tatalikod na sana akong muli para kausapin ang aking kaibigan ngunit napatigil ako dahil nakatingin na sa'kin ang tatlong pares ng mga mata na tila ba kinikilatis kung sino ako at kung ano ang aking ginagawa. Gano'n na lamang ang aking gulat ng biglang may sumulpot na dalawa pang lalaki pero mas nakaagaw sa aking pansin ang huling lalaki na tila ba bagot na bagot dahil sa itsura nito. Meron itong maliit na peklat malapit sa mata niya pero hindi humadlang iyon sa kakisigan nitong taglay, ngunit napatigil din ito ng makita ako. Sumilay sa mukha nito ang pagkabigla pero napalitan din iyon ng isang ngisi na tila nang aasar. Sinundan ko lang ito ng tingin dahil parang nakilala kona siya sa kung saan pero hindi ko naman alam at matandaan.

Maya-maya lamang ay bumalik muli ang musika at muling nagsiyahan ang mga tao na tila ba may napakagandang nangyari ngayung gabi. Inalalayan naman ako ni Thea papalapit sa'ming lamesa ngunit napatigil ako sa paglalakad dahil sa bigla na namang sumakit ang aking ulo.

"Sino kaya ang mga iyon? Lalo na yung isang lalaki. Sobrang cute n'ya." Bungisngis na saad ni Thea

"Ha?"

"Ano ba Zharinna!"

"Hakdog este bakit ba? Ano bang nangyari?" nalilito pa rin ako sa nangyari kani-kanina lang. Dahil sa sobrang lito ay napaupo na lang ako malapit sa silya sa aking tabi.

"Duh, hindi ka man lang ba nagwapuhan sa mga 'yun?" kinikilig nitong sabi habang kumukuha ito ng tubig at inabot sa'kin.

"Teka, sino ba sila? Bakit kailangan pang matulala kayo sa kanila, eh kaedaran lang natin sila, ah." Nanggagalaiti kong sabi na ikinalaki naman ng mga mata ng aking kaibigan.

"Ano ka ba, baka may makarinig sayo at saka aminin mona kasi na ang cute nung maliit na lalaki." sambit pa nito habang nag lalagay ng makakain sa harapan namin.

"Ang mabuti pa ay pupunta muna ako sa restroom, hintayin mo ako at baka mamaya ay mag collapse ako bigla." Mukhang nabigla naman ito sa'king sinabi kaya pumayag ito agad na umalis ako.

"Bumalik ka agad, ha?"

Kumaway na lang ako patalikod habang naglalakad patungo sa restroom upang magpakalma saglit.

Nang makapasok sa banyo ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Nang matapos ay dumaretso ako sa salamin para maghugas.

"Hoooh, enhale, exhale, gutom lang yan."

Kinakausap ko ang sarili ko habang nakayukong hinahanap ang panyo ko sa loob ng pouch ko, pero napahinto ko sa paghahanap ng mapansin ko ang itsura ko sa salamin.

"S-sino 'to? Oh, my gosh ako ba 'to?"

Nanlalaki ang aking mata habang sinisipat ng husto ang itsura ng babae sa harapan ng salamin, at hindi nga ako nagkakamali dahil sa'king mga kilos ay gayang gaya rin nito.

Nakasuot ako ng isang baby blue gown na off shoulder at may kwintas itong kapares, samantalang ang aking buhok ay tila humaba. Sa sa tingin ko ay dinugtungan nila ito at ginawang messy bun, may ibang buhok rin ang nakalaylay sa gilid ng aking tenga pero bakit may tiara akong suot samantalang sila ay wala?

"Hindi ko akalaing ganito kaganda ang kalalabasan, ibang iba ako ngayun, napakaganda ko," Bulong ko sa hangin ngunit napatigil ako sa aking pagpapantasya ng madinig kong nagsasalita na ang MC sa programa kaya lumabas na ako.

Lakad, takbo ang ginawa ko pabalik ngunit may nabunggo akong tao na kasing tigas ata ng bakal ang katawan. Pakiramdam ko ay nahilo ako sa lakas ng impact nito kaya napayuko ako at napahilot sa ulo habang nilalagpasan ko ang taong 'yun.

"Watch your step."

Nang lingunin ko yung taong nabangga ko ay bigla na lamang iyon nawala at umihip ang malakas na hangin na nagmumula sa bukas na binta sa aking tabi.

----------------------

[Hello sa inyo!! Merry Merry Christmas
pasensya na ang tagal ng update hahahahaha but dahil sabi ng nanay ko ipopromote niya story ko sige gora lang kahit wala akong napamaskuhan kahit piso hahah shout out sayo ma lab na lab moko talaga hahaha.

So ayun nga thank you so much for your support,have a great day...hihi merry christmas uli💖]

April 23, 2020 (Update)

Hi, sa mga nakabasa na nito last update madami po akong binago at dinagdag sana po wag kayo malito haha yun lang salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro