Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Habang bumabagsak ay nananalangin na siya dahil sa sobrang taas nito, pero imbis na hangin ang marinig, ay nakarinig lang siya nang malalakas na katok kaya natigilan din siya at nagtaka-takang luminga sa paligid para hanapin kung saan nga ba ito nang-galing.

Sunod-sunod na katok ang kanyang naririnig na nakapagpagising sa kanya.

Malabo pa ang kanyang paningin nang tumigil din ang katok, marahil ay nangawit na.

Muli pa siyang pumikit upang ipagpatuloy ang pagtulog dahil baka panaginip muli ang lahat pero, "Ma'am Zharinna,"

Isang malakas na katok muli ang nakapag padilat sa kanyang nang husto dahil malakas na sigaw na kanyang narinig.

Tila nabuhayan siya ng lakas, kaya bigla siyang napatayo at napansin niya ngang nakabalik na pala talaga siya sa kwarto niya.

"Totoo ba ito? nakabalik na ako?! Hala, oo nga, mabuti at nakauwi ako. Shit! baka mapatay talaga ako ng lalaking yun. Sa paraan pa lang ng mga titig niya nakakatakot na. Pasalamat siya at yung lang ang ginawa ko sa kanya" bulong niya sa hangin habang yakap-yakap nang napakahigpit ang paburitong baboy na unan.

Nahiga siyang muli ng pumasok na naman sa isipan niya ang nangyari sa panaginip pero nabasag din ito nang kumatok muli ang taong nagligtas sa kanya mula sa bangungot.

"Ma'am Zharinna? Gising na po ba kayo? Pinapatawag na po kayo ng iyong Papa sa dining area," sigaw nito habang kumakatok pa.

"Gising na po ako. Pakisabi po kay papa na susunod na lang ako. Maliligo lang po'ko at gagayak na rin." magalang at pasigaw niyang sagot habang gumugulong sa higaan.

"Masusunod po."

Narinig niya pa ang papalayo nitong mga yabag paalis kaya naman ay nahiga siyang muli nang maayos.

Nang akmang tutuwid ay nakaramdam naman siya ng sakit sa kanyang likuran na tila ba binali at dinurog ang mga buto niya.

"Zharinna, enhale...exhale. Hindi totoo yang napaginipan mong iyon. 'Yan kasi kaka wattpad mo kaya kung ano-ano ang naiisip mo" pag babawal pa nito sa kanyang sa isipan.

Nang makumbinsi naman niya ang kanyang diwa, ay bumangon na din siya para magbihis. Napatingin naman siya bigla sa orasang nakasabit kan'yang kwarto. Doon ay damang dama niya na talaga ang ang salitang..

..SOBRANG LATE NA LATE NA SIYA.

Pinilit niyang kumilos nang mabilis habang ininda ang sakit ng likuran nang makita ang oras. Panigurado na naman siya na naman ang pag i-initan ng guro nilang baboy.

Mabilis siyang nagpunta sa banyo at walang patumpik-tumpik na naghubad sa harapan ng salamin. Pero natigilan na lang siya nang makita niya na para bang may marka sa likod ng kanyang. Pero kahit nagtataka ay binaliwala niya na lang ito.

Habang nag hahanda si Zharinna sa pagligo ay napansin din niya ang pangingitim ng kanyang pulsuhan. Tila kumikirot pa ito lalo na ang kanyang likod sa tuwing nabibigla siya nang galaw.

"T-teka saan ko ito nakuha? Sa pag kakaalala ko la---. Oh, my god! Sinasabi ko na nga ba. Hindi panaginip ang lahat ng iyon dahil kung panaginip lang naman 'yon, ay hindi ako magkakaroon nito." Nanghihina niyang bulong habang iniinda ang sakit.

Sinubukan pa rin niyang gumalaw nang mabilis kahit pa halos mangiyak-ngiyak na siya habang sinasabon niya ang kanyang katawan.

Maingat ang bawat paggalaw niya lalo na sa mga kamay dahil pakiramdam niya ay dinaig pa niya ang nadurugan ng buto.

Makalipas ang limang minutong paliligo ay sinimulan niya nang gamutin ang mga sugat sa kanyang pulso.

Tinapalan niya iyon ng benda hanggang sa matabunan ang pangingitin nito. Nang matapos ay humarap na siya sa salamin at sinuklay ang kanyang maikling buhok na umaabot lang sa leeg ang haba. Ang makintab at malambot na abong kulay ng buhok niya ang mas lalong nagpangibabaw sa kulay ng balat niya.

Nagpahid din siya ng kaunting liptint sa namumutlang labi pero natigilan din nang mapatitig nang matagal sa kanyang mukha hanggang sa unti-unting nagbabago ang repleksyon niya sa salamin na nakapagpagulat sa kanya.

Hindi niya maiwasang magtaka sa nangyari lalong-lalo na sa sarili. Dahil sa tuwing tititig na lang siya nang matagal sa salamin ay parang may ibang tao siyang nakikita dito.

Isang napaka gandang babae na nakasuot ng puting bistida at may napakagandang kutis. Mahahaba ang buhok na lumagpas sa bewang nito ang lagi niyang nakikita at hindi niya maikakaila ang ganda nitong taglay.

Pero mas nangingibabaw doon ang mga mata nitong nag mimistulang ginto at tanso na masarap titigan.

Kaya din siya nagtataka dahil malayong malayo sa itsura niya dito dahil kung siya ang tatanungin ay higit pa sa salitang "Dyosa" ang maibabansag niya sa dalagang iyon kumpara sa simpleng itsurang meron siya.

"Zharinna, 'wag ka nang mangarap pang magiging kasing ganda ka nung babaeng iyon. Baka nga pag dumikit ako dun ay maging dumi lang niya ako sa kuko." Saad ng kanang isipan niya.

"Pero sabagay napaka imposible ata madumihan yun dahil napaka linis at napaka ganda niya talagang tignan. Daig pa niya ang diyamante na sobrang mahal," saad niya sa sarili habang inaayos ang uniporme at mga gamit sa bag.

"Kung ganun lang talaga ang mukha ko baka napatulala ko na din yung ulupong na iyon." bulong niya sa hangin nang matapos niya ang ginagawa.

Lumabas na si Zharinna sa kanyang silid para kumain ng umagahan.

"Magandang umaga sayo, hija." isang malaking ngiti ang sumalubong sa kanya nang makita niya ang kanilang kasambahay o ang pangalawa niyang ina.

"Mas maganda pa po kayo sa umaga, nanay Lita." nakangiti niyang saad sa kanya.

Pagkalabas na pagkalabas niya pa lang kasi sa kuwarto ay bumungad na sa kanyang harapan ang isa sa pinagkakatiwalaan nilang kasambahay habang nag lilinis ito ng ilang kwarto malapit sa kanyang silid.

"Nako, napakahilig mo talagang mang bola, oh s'ya. Bumaba ka na doon nang makakain kana. Kanina ka pa hinahantay ng mama mo sa kusina kasama ang bisita."

Nabuhayan naman siya lalo nang marinig ko ang salitang 'Kain'. Pero natigilan din nang ma-realize niya ang huling sinabi sa kanya ng matanda.

"Sino po pala ang bisita na sinasabi mo, Nay?" tanong niya habang hinihigpitan ang hawak sa bag.

"Hindi ko kilala dahil si Dona ang pinatawag sa kusina. Pero kasama siya ng papa mo kagabi nang makauwi sila galing trabaho." medyo napapakamot ulong sagot ng matanda.

Napatango naman siya dahil hindi niya alam na may bisita palang darating ngayon. "Sige po nay, bababa na po ako. Kumain po kayo mamaya ah." Paalam niya at dumaretso na sa paglalakad.

Habang bumababa sa malawak na hagdan ay dahan-dahan siyang napatigil dahil sa pamilyar na pangyayari pero hindi niya na matandaan kung ano iyon.

Pinalibot pa ni Zharinna ang tingin sa buong kabahayan. Napakatahimik at tila walang ibang nakatira maliban kanya.

"Bakit parang may mali? pakiramdam ko ay may nakalimutan ako." Bulong niya sa hangin.

Pagkabulong na pagkabulong niya ay bigla na lang humangin ng malakas kasabay noon ang pag tingin niya sa labas ng kanilang bahay.

Nakatayo ang kanilang bahay sa isang pribadong lupain kaya madalas niyang makikita ang berdeng mga kulay ng dahon ng puno. Hindi ganun kalakihan ang kanilang bahay pero masasabi niya na isa na ito sa pinakamalaking tahanan na kanyang tinirhan.


Sa pagpasok pa lamang ay bubungad na agad sa mga bisita ang ilan sa mga atinque na naitabi ng kanyang ina na nakahilera sa pasilyo.

Sa unang palapag naman ay mayroon namang tatlong kwarto para sa mga katulong, at meron ding teresita at malawak na sala na pwedeng matanaw ang buong lupain ng Laguna. Ang kusina naman ay nasa likuran ng hagdan paakyat ng ikalawang palapag.

Ang mga pader ng bahay ay gawa sa marmol na puti na may halong itim samantalang ang pang desenyo naman ay gawa sa ginto at pilak. Sa ikalawang palapag naman ay mayroong limang kwarto kasama na doon ang Master Bedroom. Ang kwarto niya ay katabi lang ng kwarto ng kanyang mga magulang at ang tatlong natitira naman ay nagsisilbing guest-room.

"Oh, hija? Akala ko naman ay naka-alis ka na. Bakit ka pa nakatayo d'yan?"

Nabasag ang katahimikan ng sumulpot sa kanyang harapan si Tatay Allen habang hawak hawak ang vacuum at malalaking kurtina.

Si Tatay Allen ang hardinero namin at ang asawa ni Nanay Lita. Katiwala na sila ng aking mga magulang bago pa lang siya ipanganak kaya ganun na lang ang turing niya sa kanilang lahat.

"Magandang umaga po Tay. May naalala lang po kasi ako, sige po aalis na po ako." Sagot niya at dali-daling binaybay ang hagdan pababa at mabilis na naglakad papuntang kusina.

Pero napatigil na lang din siya nang marinig ang hindi pamilyar na boses, ngunit pakiramdam niya ay narinig niya na mula sa hindi kalayuan ng kanyang kinatatayuan.

------------

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro