Letter to Yuan
Yuan,
Kung nababasa mo man ito. I'm really sure na hindi naging successful ang operation ko. Kasi kung naging successful man, hindi ko rin ito ibibigay sa'yo haha.
Alam ko na magiging masaya ka rin sa feeling niya. It takes time to move on, but I know you can. She knows you more than me kaya alam kong hindi ka niya pababayaan. Please accept her feelings. Siya lang 'yong taong pinagkakatiwalaan ko para agalaan ka at mahalin ka.
I'm sorry dahil hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol sa sakit ko. Naalala mo ba noong kinuwento ko sa'yo 'yong story na nakita ko sa Facebook? That was all lie. Gawa-gawa ko lang ang lahat ng iyon. Ang galing kong writer 'di ba? Sayang at hindi nila ako makikilala.
Pero alam mo ba na hindi ko alam ang sasabihin ko sa naging reaskyon mo roon? Gusto kong humingi kay God ng another chance para makasama ka. Pero may taning na ang buhay ko. Naalala mo ba 'yong kasama ko na pinagselosan mo? That was my doctor. Lagi siyang nakabantay sa akin if ever man na bumagsak ako kasi alam nila na hindi ko na makakaya.
And don't worry, 'yong gusto mong malaman ng parents ko 'yong tungkol sa relasyon natin? Alam na nila bago mo pa sabihin. Lagi nga kitang pinagmamalaki sa kanila at natutuwa naman sila sa'yo, gusto ka pa nga nila makilala to say thank you to you. Pero lagi ko silang pinipigilan baka kasi madulas sila at may masabi tungkol sa sakit ko kaya lagi ko na lang nililihim sa'yo 'yon.
Sana kahit wala ako, huwag mong pabayaan ang sarili mo. Lagi ka sanang mag-ingat, kumain ka sa tamang oras at katulad ng sinabi mo sa akin noon. Na okay lang maging mataba at least healthy. Tatandaan mo na lagi lang ako nandito para bantayan kayo. Hindi niyo man ako nakikita, pero alam kong nararamdaman niyo ako dahil nandiyan na ako sa puso niyo.
Mahal na mahal kita, Yuan.
I hope our paths will cross again.
-Alicia
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro