Day 37
Yuan: Anong ibig mong sabihin? Anong ayaw mo na?
Yuan: Alicia
Yuan: Baby
Yuan: Anong ayaw mo na?
Yuan: Please naman oh! Sagutin mo ako. Nababaliw na ako rito kakaisip
Yuan: Anong titigilan natin, baby?
Alicia: Magbreak na tayo
Yuan: Bakit tayo magbe-break? Wala naman tayong pinag-aawayan 'di ba? Kung nagagalit ka sa akin, saktan mo na lang ako pero huwag ganito baby, ayoko ng ganito. Huwag ganito, please. Hindi ko kaya.
Alicia: Ayoko na, tigilan na natin 'to.
Yuan: Please, 'wag naman. Hini ko kaya na wala ka. Dahil ba sa pinipilit ko na sabihin mo sa parents mo ang relasyon natin? Dahil ba doon?
Alicia: Hindi
Yuan: Eh ano? Promise, hindi ko na sasabihin 'yon sa'yo. Hindi na kita kukulitin tungkol doon. Hahayaan na kita sa magiging desisyon mo, pero huwag mo lang ako iwan. Huwag mo akong iiwan, Alicia.
Yuan: May nagawa ba akong kasalanan?
Yuan: Baby please, kausapin mo ako.
Yuan: Anong kasalanan ko?
Yuan: Nagkulang ba ako?
Yuan: Nasasakal na ba kita?
Yuan: Sobrang higpit ko na ba?
Yuan: Promise, gagawin ko na ang gusto mo.
Yuan: Baby please
Seen 3:00 pm
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro