Day 25
Yuan: Sino 'yong kasama mo kanina? Bakit nakaalalay siya sa'yo? Bakit noong kumaway ako hindi ka lumapit? Bakit mo ako iniiwasan?
Yuan: Kailangan ko ng paliwanag baby.
Alicia: Wala lang siya.
Yuan: Paanong wala? Parang meron Alicia e. Nakita ko pa kung paano ka niya alalayan na para bang may sakit ka. Parang ang sweet niyo sa isa't isa. Nagseselos ako baby.
Alicia: Wala lang 'yon. Huwag mo na lang pansinin.
Yuan: Sige. Sabi mo 'yan ah? May tiwala naman ako sa'yo. Nakausap ko pala ang Daddy mo kanina.
Alicia: What? Anong sabi mo? May sinabi ba siya?
Yuan: Sabi ko girlfriend kita.
Alicia: Sinabi mo 'yon?
Yuan: Hindi haha. Ang sabi ko lang kaibigan mo ako at hinahanap ka ng professor mo para pumasok pero totoo nga 'yong sinasabi mo sa akin noon na titigil ka na talaga sa pag-aaral.
Alicia: Oo, hindi ka naniniwala sa akin?
Yuan: Naniniwala naman pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi ka titigil sa pag-aaral. Gusto kong makasama pa kita.
Alicia: Siguro kailangan mo na ring sanayin ang sarili mo na mag-isa. Na hindi mo na ako kasama.
Yuan: Bakit? Iiwan mo na ako? Saan ka naman pupunta?
Alicia: Sa malayo.
Yuan: Iiwan mo na nga ako?
Alicia: Hindi.
Yuan: Paanong hindi, e aalis ka na? Iiwan mo na ako. Puwede ba akong sumama sa'yo?
Alicia: Bawal
Yuan: Bakit?
Alicia: Basta
Yuan: Sige, susunod na lang ako kung saan ka pupunta. Hindi ba nangako tayo ng walang iwanan?
Alicia: Alam ko. Natatandaan ko, pero hindi naman kita iiwan, magiging malayo lang ako sa'yo.
Yuan: Kailan alis mo?
Alicia: Next month
Yuan: Malapit na :(
Yuan: Pero puwede bang bago ka umalis, sulitin muna natin 'yong mga araw?
Alicia: Sige gagawa ako ng paraan para magkita tayo.
Yuan: Bukas sa may park.
Alicia: Susubukan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro