Day 23
Yuan: I miss you! Puwede na ba tayong magkita?
Alicia: Sorry, pero hindi talaga puwede. Ayoko lang malaman nila Daddy na may boyfriend na ako.
Yuan: Kahit patago man lang?
Alicia: Sorry. May pupuntahan din kami ngayon tapos iiwan ko itong phone ko kasi bawal magdala ng phone doon sa pupuntahan namin.
Yuan: Kailan naman tayo magkikita?
Alicia: Kapag lumipad na sila Daddy papuntang ibang bansa.
Yuan: Kailan naman 'yon?
Alicia: Next month pa siguro
Yuan: Sigurado ka d'yan?
Alicia: Sorry pero mas maganda siguro na huwag na lang din natin sabihin sa kanila.
Yuan: Paano naman ako?
Alicia: Hindi kita maintindihan.
Yuan: Naiisip mo ba 'yong nararamdaman ko? Araw-araw ikaw palagi ang nasa isip ko. Araw-araw inaalala ko kung nasabi mo na ba sa parents mo. Kinakabahan din ako, pero mas nananaig pa rin 'yong kagustuhan ko na malaman ng parents mo. Gusto ko ng makilala ang parents mo. Hindi ba 'yon pwede?
Alicia: Sorry talaga. Sige na, aalis na ako.
Seen 8:09 am
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro