Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 22

Alicia: Good morning!

Yuan: Nasaan ka?

Alicia: Nasa bahay.

Yuan: Bawal ba talaga kitang makita? I miss you, baby. Gusto na kitang makita.

Alicia: Sorry, hindi talaga puwede. Kahit ako gusto rin kitang makita.

Yuan: Why? Nandiyan pa rin ba ang parents mo? Hindi mo pa rin ba nasasabi sa kanila?

Alicia: Oo, sorry. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanila.

Yuan: It's okay baby. Maghihintay naman ako.

Yuan: Kumusta ka?

Alicia: I'm good. Ikaw ba? Hindi ka ba nahihirapan sa studies mo?

Yuan: Nahihirapan pero kung nandito ka, madali na lang sa akin 'yon. You know, you are my inspiration. Titignan pa lang kita, ang gaan na kaagad ng pakiramdam ko. Kaya please baby, don't torture me. Hindi ko kayang hindi ka makita. I miss your hugs and kisses. :(

Alicia: Are you familiar about the story My Facebook Boyfriend?

Yuan: My Facebook Boyfriend?

Alicia: Yeah!

Yuan: Not familiar. Saan mo naman nabasa 'yan?

Alicia: Sa Facebook. Gusto mo bang malaman kung ano 'yong story na 'yon?

Yuan: Ikukwento mo ba?

Alicia: Oo naman. So here it goes... Hintayin mo 'yong chat ko kasi mahaba ito.

Yuan: Sige, sanay naman akong maghintay

Alicia: haha drama mo!

Yuan: Nahawa sa'yo.

Alicia: So, eto na nga...

Alicia: May isang babaeng mahilig mag-facebook. Actually, araw-araw lagi niyang ginagawa 'yon. Before and after niyang matulog, hinahanap niya 'yong cellphone niya. She can't live without her phone. Mahilig siyang magphone at magpuyat gabi-gabi.

Yuan: Hulaan ko. May boyfriend siya kaya nagpupuyat siya tapos ang tawag niya roon, My Facebook Boyfriend. Tama ako nu?

Alicia: Partly yes, but partly no. Wait mo 'yong kasunod kong ssabihin.

Alicia: So itong girl. Wala siyang boyfriend. Actually, she was using Facebook to stalk her crush na hindi siya pinapansin sa school. She's in love with this boy since elementary. Pero hindi niya naman magawang kausapin 'yong boy kasi natatakot siya sa magiging reaction nito. Kaya gumawa siya ng dummy account.

Yuan: Wait! Parang familiar ako sa story na ito.

Alicia: Hindi pa tapos, wait lang. Mamaya ka na magchat.

Yuan: Oo na baby haha.

Alicia: After gumawa ng girl ng dummy account kinausap niya si boy. Hindi siya tumigil hangga't hindi siya pinapansin nito. May times pa nga na na-block siya sa sobrang kulit nito. Pero dahil mabait si boy, in-unblock niya si girl. Kaya nangako 'yong girl na magpapakabait na siya. Nagfirst move 'yong girl, sinabi niya na may gusto siya sa guy. Pero ang sabi ng guy may iba siyang gusto. Kaya nasaktan 'yong girl, ilang beses siyang hindi nagparamdam doon sa boy. Iniisip niya na sana hindi niya na lang iyon ginawa. Sana hindi niya na lang iyon sinabi. Pero dahil gusto niya talaga si boy, wala na siyang nagawa. Tinanggap niya 'yong kagustuhan ng boy. Pinangako niya sa sarili niya na okay lang basta maging kaibigan niya lang 'yong boy.

Yuan: Kawawa naman 'yong girl, sana hindi niya na lang iyon sinabi doon sa lalaki.

Alicia: Araw-araw silang nag-uusap. Kinukwento ni guy 'yong babaeng gusto niya roon sa kachat niyang babae. Si girl naman ay wala na ring nagawa. She keeps on supporting him even if it hurts. Sa araw-araw na kuwentuhan nila mas napapalapit na rin sila sa isa't isa. Pero 'yong girl hindi pa rin niya sinasabi 'yong totoong pagkatao niya roon sa boy. Ayaw niya kasing layuan siya nito kapag nalaman niya ang totoong siya.

Alicia: Pero dahil nga mas napapalapit na sila sa isa't isa. May nafa-fall ulit, pero hindi na 'yong babae kasi pati 'yong lalaki nafa-fall na sa kaniya. Inamin 'yon ng boy sa kaniya at nagulat siya. Akala niya, siya na naman ulit ang talo sa huli. Nagkagustuhan sila sa isa't isa kaya nagkaroon ng My Facebook Boyfriend. Doon kasi sila nagkaaminan sa Facebook.

Yuan: Paano 'yong katauhan ng girl? Hindi niya sinabi 'yon sa boy?

Alicia: Wala namang pakialam 'yong boy sa katauhan ng girl. Ang gusto niya lang ay makausap si girl, but this is the twist. Nalaman ng boy na nagkaroon ng sakit 'yong babaeng gusto niya kaya hindi na siya nagkaroon pa ng chance na mag-online sa Facebook. Gumagawa kasi siya ng way para makatulong doon sa babaeng gusto niya. Lagi siyang tinutulungan ng kaibigan niya na iabot 'yong prutas na bigay ng lalaki roon sa babaeng gusto niya.

Alicia: Nakakalungkot dahil nawalan na ng communication 'yong dalawa sa Facebook. Kahit hi o hello man lang, wala. Parehas silang tahimik. And then one time nalaman na lang ng boy na patay na 'yong babaeng gusto niya dahil sa malubhang sakit. Sa sobrang depressed niya sa araw na iyon. Isang babae lang ang pumasok sa isip niya para kausapin at iyon 'yong babaeng nakakachat niya palagi sa dummy account. Pero noong sinearch niya iyon sa Facebook, wala na. Siguro ay dinelete na o kaya naman nag-deactivate na 'yong account niya.

Yuan: Alam ko na. Siguro dahil hindi na siya pinapansin ng boy kaya siguro siya nagdelete ng account niya.

Alicia: Siguro nga. Pero ito 'yong kinagulat ng lalaki may babaeng nagmessage sa kaniya. Wait, copy paste ko 'yong nakalagay roon.

Alicia: Hi Dave! Kumusta ka na? Alam kong busy ka na sa kaniya. Alam ko kasi na kapag hindi ka online, siya ang sinasabi mong dahilan sa akin. Huwag kang mag-alala naiintindihan ko naman 'yon. Mahirap talaga pigilan lalo na kung siya 'yong babaeng unang minahal mo. 

Pasensya ka na at ngayon lang ako naglakas loob na magpakilala sa'yo. Mahirap kasi talaga umamin lalo na at classmate kita. Ayoko namang maging awkward ka sa akin. Siguro nalilito ka kung bakit kita chinat sa real account ko? Gusto ko lang kasing magpaalam sa'yo. I mean, hindi na talaga kita makakausap sa susunod nitong araw. Hindi ka na tatawa sa mga corny kong jokes. Hindi ka na iiyak sa akin kapag may isusuggest ako sa'yong mga sad movies. Pero siguro puwede mo iyon gawin sa kaniya. Sa taong mahal mo na nandiyan lang sa tabi mo. Siguro mas bagay kayo. 

Magpapaalam na ako, sasama na kasi ako sa kaniya. Pupunta na ako sa malayong lugar. 'Yong tahimik, walang hirap, walang sakit at wala ka. Alam ko naman na makakaya mo kapag wala na ako sa tabi mo kasi nandiyan naman siya sa tabi mo. Siya muna ang bahala sa'yo. Siya muna ang papalit sa akin. Ay mali pala haha. Siya naman pala talaga. Walang papalit sa puso mo kung hindi siya. Tama ako nu? Galing ko talaga haha. 

Pero salamat sa'yo. Sa sandaling oras ko rito, naranasan kong maging masaya, naranasan kong mainlove at naranasan kong mapasaya ka. Sana kahit wala ako sa tabi mo, huwag mo pababayaan 'yong sarili mo. Kumain ka sa tamang oras, mag-aral ka ng mabuti para maabot mo 'yong sinasabi mong aeronautics. Tandaan mo na mahal na mahal kita kahit sa Facebook lang talaga tayo madalas nag-uusap. Pero sige na. Papatayin na ni mommy yung wifi, bawal na kasi ako magpuyat, matutulog pa kasi ako ng matagal haha. Bye!

-Karina in dummy world pero Aramina sa real world. Ang babaeng cute sa paningin ko.

Alicia: Ayan 'yong last message niya sa lalaki at alam mo 'yong masakit? Dahil 'yong Karina sa dummy world ay ang babaeng gusto ni Dave sa real world at siya si Aramina na ngayon ay wala na.

Yuan: That's it?

Alicia: Ang sakit 'di ba?

Yuan: Hindi masakit

Alicia: What? Eh ang sakit kaya ng sinapit ng girl.

Yuan: Dahil sobrang sakit.

Alicia: Aww! :(

Yuan: Kaya ikaw, huwag mo akong iiwan. Alam kong sa Facebook lang din tayo nag-usap dati at sana huwag mo ring gawin si Facebook ang dahilan kung bakit mo ako iiwan. Mahal na mahal kita baby.

Alicia: Hindi kita iiwan. I love you more!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro