Day 21
Yuan: Anong nangyari Alicia? Bakit mo ako blinock? Sinabi ko na sa'yo ang lahat. Mali ka ng iniisip.
Alicia: I know.
Yuan: Bakit hindi ka nagparamdam?
Alicia: Umalis kami papuntang ibang bansa.
Yuan: Bakit? Anong nangyari? Nasaan ka ngayon?
Alicia: Nasa bahay, kakarating lang namin. Pasensya na kung hindi ko sinabi sa'yo. Ayoko lang mag-alala ka.
Yuan: How about your studies? Alam ba nila ang dahilan kung bakit hindi ka na pumapasok?
Alicia: I stopped.
Yuan: What do you mean?
Alicia: Tumigil na ako sa pag-aaral. :)
Yuan: Bakit?
Alicia: Malalaman mo rin sa tamang panahon.
Yuan: Huwag mong sabihin na pupunta kang ibang bansa para doon mag-aral? Alicia, please huwag mo akong iwan.
Alicia: Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan.
Yuan: Kung ganoon, bakit ka tumigil?
Alicia: I don't have any reasons to continue my studies.
Yuan: Ano bang problema? Naghihirap na ba kayo? Tutulungan kitang mag-aral. Please, Alicia. Ituloy mo ang pag-aaral mo.
Alicia: Thank you but I can't.
Alicia: Tinatawag na ako nila Daddy, bukas na lang ulit. I forgot to tell you, huwag ka munang pumunta sa amin.
Yuan: Bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro