Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 15

Yuan: Asan ka?

Alicia: Room. Bakit?

Yuan: Hintayin mo ako sa harap ng gate mamaya, sabay tayo.

8:00 pm

Alicia: Nakakainis ka!

Yuan: Bakit?

Alicia: Sabi mo, sabay tayo? Ilang oras akong naghintay, muntik pa tuloy akong ma-hold up buti na lang dumating si crush. Buti na lang talaga nandoon siya. T_T

Yuan: Aww si crush na naman.

Alicia: Kasalanan mo 'yan. Sabi mo susunduin mo ako.

Alicia: Pero kanina ko lang naisip. Paano pala kita makikilala, e hindi naman talaga tayo nagkikita?

Yuan: May pinagawa sa akin 'yong professor namin e. Kumusta naman kayo ng crush mo?

Alicia: Ayon nga e! Buti na lang talaga hindi ka dumating kasi nagkaroon din ako ng time para kausapin siya.

Yuan: Sobrang gwapo ba niya? Mas gwapo pa sa akin?

Alicia: Paano ko malalaman kung gwapo ka, e wala ka ngang picture diyan sa facebook mo? Puro mukha lang ni spongebob. Yung totoo, bata ka ba?

Yuan: Ayiee ini-stalk niya ako.

Alicia: -.-

Yuan: Edi gwapo nga crush mo?

Alicia: Oo! Super. Ang bait at super gentleman pa. ^___^

Yuan: -.-

Alicia: Sobra nga akong thankful sa kaniya, siguro kung wala siya baka kung ano na ang nangyari sa akin. At isa pa hinatid niya ako sa bahay namin para lang malaman na safe ako, para hindi na daw magtangkang sumunod 'yong ng hold up sa akin.

Yuan: Gusto mo ba siyang makita at makausap ulit?

Alicia: Oo naman yes! ^__^

Yuan: Pwede ba kitang sunduin sa bahay niyo bukas?

Alicia: Ha? E hindi mo nga alam bahay namin e.

Yuan: 143 Maligaya Subdivision, Quezon City.

Alicia: O___O 

Alicia: Paano mo nalaman?

Yuan: Naiwan mo 'yong folder mo sa akin sa sobrang pagmamadali mo pumasok sa bahay niyo. Kinilig ka nu?

Alicia: Ikaw?

Yuan: Yong crush mo? Haha Oo, ngayon ko lang din nalaman na ako pala 'yon. Don't worry. Crush mo ako, mahal naman kita. Kwits lang. ^___^

Yuan: Goodnight! See you tom.

Seen 9:12 pm

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro