Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Help

Isang araw nalang at aalis na si Kell para sa internship niya. Iniisip ko palang ay hirap na ako. Nasanay akong lagi ko siyang nakikita. Hindi ko talaga alam kung kakayanin kong mawala ang bestfriend ko kahit na ilang buwan lang.

Wala pa akong tulog dahil sa dami ng mga assignments namin. Isama mo pa yung mga exams na dapat naming paghandaan. Hindi ko talaga alam kung paano ako makaka-survive ngayong second year ng college.

Buti nalang at may vacant period kami ngayong araw kaya naisipan kong tumambay sa library. Kanina ko pa hinihintay ang text ni Kell. Inaya ko siyang lumabas at mag-dinner kasama si papa bago siya umalis. Pero hindi man lang niya na-seen yung message ko.

Naglakad ako sa aisle para hanapin 'yong libro ng Community Health Nursing. Kailangan ko pang mag-review para sa exam namin tapos tatapusin ko pa yung nursing care plan ko. Kung bakit ba kasi nakalimutan kong kunin yung libro ko ngayon?

Nang makita ko yung makapal na libro sa may pinakamataas na shelf, tinaas ko ang kamay ko at pinilit kong abutin ito pero hindi ko magawa kahit na naka-tiptoe na rin ako.

"Need help?" Biglang may nagsalita sa may likuran ko.

Pagtingin ko sa may-ari ng boses, nakita ko ang mukha ni Jalen na nakangiti sa akin. Kung makangiti siya parang ang close na namin. Porke't hinatid niya ako ng ilang beses close na kami?

"Hindi na. Kaya ko." Tinaas ko ulit ang kamay ko sabay talon ng kaunti para subukang kunin yung libro. Bakit ba kasi nasa pinaka-taas 'tong libro na 'to? Kainis naman.

Narinig ko ang pagtawa niya sa likuran ko pero hindi ko ito inintindi at pinilit ko pa ring kunin yung libro. As if namang maaabot ko kahit na anong talon pa ang gawin ko.

"Let me help you." Bigla siyang lumapit sa akin at naramdaman ko agad ang init galing sa katawan niyang bumalot sa may likuran ko.

Napalunok ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tinaas na niya ang kamay niya at walang kahirap-hirap nitong kinuha ang libro galing sa top shelf.

Akala ko papakawalan na niya ako pero imbes na lumayo siya ay kinulong niya ako gamit ang mga kamay niya.

"A-Akin na yang libro," sabi ko habang pinipigilang huwag sumigaw sa loob ng library.

"You said you didn't want it," bulong niya sa may tainga ko at naamoy ko ang hininga niyang parang orange flavor. Nag-lollipop na naman siguro o baka vape.

"Sabi ko hindi ko kailangan ng tulong mo pero iyang libro kailangan ko," I corrected him.

He chuckled, sending a shiver up my spine. "But you needed me, didn't you?"

"I didn't..." I paused, trying to break away from his trap.

"Miss, okay ka lang?" May isang lalaking biglang dumaan at nakakita sa amin.

"She's fine." Agad na binaba ni Jalen ang mga kamay niyang kumukulong sa akin.

Umalis na rin ang lalaki at agad akong naglakad palayo. Kahit na kilala ko ang pamilya niya, hindi ko pa rin siya kilala kaya hindi dapat ako maging kampante sa kanya.

Naghanap na ako ng mauupuan kong silya. Pumunta ako sa may gilid kung saan may solo table na kaharap yung bintana. Mas gusto kong nag-aaral na may nakikita akong view. Buti nalang at walang masyadong pumupunta sa spot na ito.

Gagamitin ko nalang ang iPad ko para mag-review. Sinuot ko ang AirPods ko para wala nang makaistorbo pa sa akin.

Nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa kaya agad ko itong kinuha. Akala ko si Kell na yung nag-text pero unknown number.

Sorry

Alam ko na agad kung kanino galing ito. Alam pala niyang mali yung ginawa niya tapos ngayon magso-sorry siya. Tsaka, paano naman niya nakuha ang number ko?

Umiling ako at nilagay sa tote bag ko yung phone ko para wala na akong distractions.

Binaling ko ang atensiyon ko sa makapal na libro sa mesa ko. Binuksan ko na ang iPad ko at sinimulang mag-review. Kailangan kong ma-perfect ang exam namin para hindi ako matanggal sa Dean's List.

Maya't maya pa ay may biglang naglagay ng libro sa mesa ko. Muntik pa akong mapasigaw sa gulat. Nakita ko ang librong gusto kong kunin kanina na nakapatong na sa mesa ko. May kasama pa itong lollipop at sa hawakan nito ay may nakadikit na maliit na note.

I didn't mean to scare you.

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko ang likuran ng lalaking naka-itim na denim jacket. Kung hindi lang talaga siya kapatid ni Kell, hindi ko talaga siya papansinin.

#

"Tito dok, buti naman at nakalabas na rin tayo para magdinner." Masayang sumubo si Kell sa kinakain niyang barbecue. Paborito niya ito sa tuwing kumakain kami sa karinderya.

Dito kami laging kumakain noon ni papa sa tuwing tinatamad siyang magluto. Ito kasi yung pinakamalapit sa bahay namin. Walang masyadong pumupunta rito kasi maliit at masikip tsaka iisa lang yung electric fan nila.

"Oo naman. Nabalitaan kong aalis ka na raw para sa internship mo. Malulungkot na naman 'tong si Koleen niyan," sagot ni papa at nabilaukan ako sa kinakain kong garlic fried rice.

Inabot sa akin ni Kell ang baso ng tubig niya dahil wala ng laman yung akin. Habang umiinom ako, doon ko na-realize na uminom na rin si Kell sa basong ito. Hala, indirect kiss?

"K, okay ka lang?"

Napailing ako sa sarili ko. "H-Ha? Oo. Si papa kasi. Kung anu-ano ang sinasabi. Hindi ako malulungkot 'no. Sanay na akong naiiwan."

"Babalik naman ako. Don't worry," Kell assured me sabay kuha ng baso niya pero kinuha ko ito ulit. Napakunot ang noo niya. "Iinom ako."

"Iinom rin ako. Kuha ka nalang ng ibang baso," sagot ko sabay ayos ng salamin sa mga mata ko.

Ngumuso siya pero kumuha na rin siya ng ibang baso.

"Pwede ka namang umuwi anytime, hindi ba, hijo?" Tanong ulit ni papa.

"Oo nga pala. May private plane kayo," paalala ko, hindi sa kanya, kung hindi sa sarili ko.

"What? Kay dad lang yun," defensive na sagot ni Kell. "By the way, kumusta na po si tita? May results na ba yung test niya?"

Napatigil ako. Ang totoo niyan hindi ko pa tinatanong si papa tungkol dito. Dahil na rin siguro sa takot ko na baka hindi maganda yung resulta ng test.

Tumango si papa sabay tingin sa akin. "Okay naman yung results. Wala naman raw naapektuhan at clear naman yung findings."

"That's good to know po," sagot ni Kell.

Huminga ako nang maluwag sa narinig ko. Buti naman at okay ang lahat. Kahit na galit pa rin ako sa nanay ko, hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

"Kapatid mo pala yung tumulong noon kina Koleen?"

"Si Enrico?" Napatingin sa akin si Kell. Hindi ko pala nasabi sa kanya na nandun noon yung kuya niya. Tsaka, hindi ko naman alam noon na magkapatid pala sila.

Tumango si papa. "Oo, buti nalang at nandun siya. Di ba, anak?"

Napalunok ako sa tanong ni papa. Ramdam ko rin ang tingin ni Kell sa akin ngayon. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko na hindi ko nasabi sa kanya. Pero at the same time, bakit ko naman sasabihin? Hindi rin naman niya sinasabi lahat sa akin.

"Ah ganun po ba. Buti nalang pala at nandun siya," sambit ni Kell sabay subo ng isa pang barbecue. Pang-sampung stick na niya ata ito.

"Tsaka nakita ko ulit siya sa ospital nung nakaraan. Tinanong rin niya ako kung kumusta na ang mama mo, anak," usal ni papa.

May biglang kung anong kumurot sa bituka ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kinain kong isaw o dahil sa sinabi ni papa. Basta ang alam ko masakit na ang tiyan ko.

#

Matapos naming kumain sa karinderya, nanatili pa sa bahay si Kell para tumambay. Tuwing walang duty si papa, umuuwi kasi ako sa bahay. Gabi na pero ayaw pa umuwi ni Kell dahil wala rin naman siyang gagawin. Okay lang naman sa akin para makasama ko pa siya bago ang flight niya bukas. Hindi ko pa naman siya maihahatid dahil may OJT kami.

"Siya pala yung tumulong sa inyo noon?" Biglang tanong ni Kell habang nakaupo sa sofa sa sala namin. Nakatingin siya sa cellphone niya kaya hindi ko alam kung ako ba kausap niya o hindi.

"Ha? Sino? Yung kuya mo?" I asked back, lowering the volume of the tv with the remote.

Kell lifted his head, looking at me. "Oo, si Enrico."

I nodded. "Hindi ko naman alam na kuya mo pala siya. Tsaka, bakit ba hindi mo nasabi na may kuya ka?"

"Half-brother," Kell corrected, his voice almost fainting.

"Half-brother o full-brother, parehas lang yun na kapatid mo siya," I pointed out.

"K, hindi ako ang nag-decide na itago ang kuya namin," Kell explained, letting out a sigh. "I only found out recently na may nauna palang babae si dad. How do you expect me to react to that?"

Napasinghap ako. "Kell, I'm sorry. Hindi ko naman alam. Pero kung nasabi mo sana sa akin, eh di sana mas naintindihan ko ang kalagayan mo."

"Ayaw kitang idamay pa," Kell mumbled.

"Kell, hindi mo kailangang solohin ang mga problema mo. Kaya nga nandito ako oh," I told him.

The guy looked down the floor. Hindi na siya nakasagot pa. Laging ganito si Kell. Hindi nagsasabi ng nararamdaman niya. Most of the time kailangan ko pang hulaan. Kahit na matagal na kaming magkakilala, hindi ko pa rin alam ang tumatakbo sa isip niya.

"Kell, ano? Promise sasabihin mo na sakin ang mga problema mo?" I spoke again.

He finally looked at me and nodded. Pero sa mga tingin niya parang hindi naman ako convinced. Maglilihim pa rin siya panigurado.

🍭

A/N: Hay nako Kell magsabi ka kasi kay K ng nararamdaman mo... 🤧  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro