Chapter 6
Sweet Dreams
Sa tagal naming magkakilala ni Kell, never niyang nabanggit na may kuya siya. Ang weird lang na hindi ko ito alam. Pati nga rin sa mansion nila, walang kahit anong litrato ang kuya nila.
Napatingin ulit ako sa best friend ko na nakakunot pa rin ang noo. Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit si Kell sa kuya niya. Marami akong katanungan sa isip ko ngayon.
Bago pa ako makapagsalita ulit, may biglang sumulpot sa entrance ng kusina kung saan nakatayo kami nina Kell at ang kuya niya.
"Guys, sama kayo sa truth or dare!" Excited na announcement ni Brianna sabay kuha ng aking kamay.
Wala na akong nagawa kung hindi sundan siya hanggang sa makarating kami sa may living room kung saan maraming nakaupo nang dikit-dikit sa malalaking couch pati na rin sa carpeted na sahig.
Ang tagal ko nang hindi naglalaro ng Truth or Dare. Sa totoo lang, iniiwasan ko talaga ito. Ayaw kong mabuking ang sarili ko sa harap ng lahat.
Umupo ako sa tabi ni Brianna na kasama ang date niyang si Hans. Nakita ko na rin si Kell na paparating kaya inaya ko siya na umupo sa tabi ko sa sahig.
Nakabuntot naman si Enrico sa likod ni Kell at kahit na hindi ko inayang umupo ay bigla siyang lumapit sa tabi ko. Ito namang si Brianna binigyan pa ng space yung lalaki kaya tuluyan na siyang nakaupo sa may kanan ko, kaya ngayon pinapagitnaan ako ng magkapatid na Atkinson.
Maya't maya pa ay dumating na si André na nakasuot ng puting button-down shirt. Naka-costume siya ngayon bilang si Light Yagami na paborito niyang character sa Death Note na anime.
"All right guys! Everyone ready?" Excited na tanong ni André habang naglalakad na pa-ikot sa may gitna ng sala. Naghiyawan naman ang mga kasama namin habang tahimik lang akong nanonood.
Nilagay na ni André ang walang lamang bote ng beer sa gitna ng sahig at inikot ito. Ilang segundo ang lumipas at tumigil ito sa harap ni Brianna.
"Truth or dare?" Tanong ni André na ginawa pang microphone ang bote.
Nilingon ko si Brianna at walang pasubali siyang sumagot. "Truth."
"Okay, any question for Brianna?" Naghanap si André ng maghahagis ng tanong kay Bri.
"Do you still love Tyler?"
Napatingin kaming lahat sa boses ng babaeng nagsalita na katabi ni Tyler sa may kabilang side ng circle. Nandito pala talaga ang manloloko. Ang kapal talaga ng mukha.
Tinignan ko agad si Brianna. Napatigil siya saglit habang nakatingin sa baba.
"Bri, hindi mo kailangang sumagot-"
"Yes, I still do," Brianna's answer cut me off.
Tumayo bigla si Hans sa tabi ni Brianna. "Bullshit!" Padabog niyang sabi sabay walk-out.
"Hans, wait!" Umalis na rin si Brianna para sundan si Hans.
Tatayo na rin dapat ako pero naramdaman ko ang kamay sa aking braso. Paglingon ko sa kaliwa ko, nakita ko si Kell na umiiling sa akin.
"K, let her talk to him," advise ni Kell sa akin.
"Pero-"
"She will be okay," Kell assured me.
I let out a breath. "Fine."
André clapped his hands, catching back our attention. "All right! Why don't we go back to our game?"
Inikot na ulit niya 'yong bote at nang huminto ito, napatingin kaming lahat sa katabi ko.
"Truth or dare, bro?" André asked the guy on my right.
"Dare," walang pasubaling sagot ni Enrico.
André smirked, amusement painting all over his face. "Kiss any girl that you like here."
Napalunok ako sabay tingin sa sahig. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng malamig na pawis na namumuo sa aking mga kamay.
Ilang segundo ang lumipas at tila wala namang balak gawin ni Enrico ang kanyang dare. Inangat ko ang aking tingin at lumingon sa tabi ko.
A pair of ash gray eyes met mine, inviting me in and letting me know that I was the one he was aiming for.
"Can I?" Enrico hushed, his breath hitting my nose in an instant. It was as sweet as the smile painted on his face right now.
Lumunok ulit ako para pigilan ang tuksong pilit na gustong kumawala sa aking katawan. Bakit ba ako nagpapa-apekto? I don't like this guy. I don't even know him.
Instead of pulling his face away from me, mas lalo pa siyang lumapit hanggang sa naramdaman ko ang init ng kanyang pisngi sa gilid ng aking mukha.
I gasped at his warmth and manly scent. He was so close that a single mistake of moving my head would lead me to colliding in his arms.
"I want to kiss you, but, that would be disrespectful so..." He whispered close to my ear and suddenly, his lips landed on my cheek. It was soft and quick and everything that I shouldn't be feeling right now.
In that little span of time, I felt my whole body shiver in heat.
"The hell?"
Nang biglang may nagsalita sa tabi ko, doon ko na-realize na marami ang nakatingin sa amin ngayon. Isa na dito ang aking best friend...
Agad kong tinulak ang lalaki sa harap ko habang pilit na binabalik ang normal na huwisyo ko.
"All hail, Jale Enrico Atkinson!" Rinig ko ang pag-cheer ni André na sinabayan pa ng panunukso ng ibang mga kasama namin sa grupo.
Nilingon ko si Kell sa kaliwa ko. Nakatingin siya sa akin na walang ekspresyon ang mukha. Tinagay niya ang baso na hawak niya na hindi ko alam kung pang-ilang baso na niya ngayong gabi.
"Kell," sambit ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
Binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago ito tumayo sa kinauupuan niya at umalis na rin nang wala man lang paalam. Teka, galit ba siya?
Habang patuloy pa rin ang hiyawan ng mga kasama namin, sinundan ko si Kell na lumabas at nagtungo sa may pool area. Naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin lalo pa at naka-sleeveless at skirt lang ako.
Hinagis ni Kell ang hawak niyang plastic cup sa kung saan bago ito umupo sa may gilid ng infinity pool.
"Kell! Markell!" Tawag ko sa kanya kaya napatingin naman ito sa akin. Wala pa rin siyang imik kahit na umupo ako sa tabi niya. Amoy alak na talaga siya. "Uy, okay ka lang? Lasing ka na ba?"
Umiling siya. "Hindi."
"Hindi ka okay? O hindi ka lasing?" Tanong ko ulit.
Tahimik lang siya.
"Huy! Hindi kita kayang buhatin ha," paalala ko sa kanya habang nakahalukipkip na ako sa lamig. "Ano, tawagin ko na ba ang kuya mo?"
"Kuya?" Napatigil siya saglit at tumingala sa madilim na kalangitan. Walang buwan at bituin ngayong gabi kaya sobrang dilim. Buti nalang at maraming ilaw galing sa mga building na katapat ng penthouse nila. Nasa 30th floor pa naman kami kaya ayaw na ayaw ko talagang nagpupunta dito sa pool area nila.
"Oo yung kuya mo. Hindi mo man lang nasabi sa'kin na may kuya ka. Kaya pala kilala niya ako," sagot ko habang nag-flashback sa akin 'yong unang beses kong na-meet ang kuya niya. It all made sense now how Enrico knew my mom as well.
"I don't know why he's here. Why the fuck is he here?" Kell muttered, gritting his teeth.
Napatigil ako sa pag-curse niya. Bihira lang siyang bumitaw ng masamang salita kaya alam kong sukdulan ang galit niya ngayon.
"Kell, kalma ka lang. Lasing ka na yata. Ano, kaya mo pa ba?" Nilagay ko ang isang kamay ko sa kanyang likod para tapikin ito.
Lumingon siya bigla sa akin at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Do you like him?"
Namalikmata ako sa tanong niya. Ha? Ano bang sinasabi nito? "Kell, seryoso ka ba? Ni hindi ko nga siya kilala."
"Then, why did he kiss you?" Mariing tanong ng aking kaibigan.
"Hindi ko alam. Tsaka, isa pa..." Ikaw naman talaga ang gusto ko.
"K, si Bri!"
Isang boses ng babae ang nagpatigil sa akin sa muntik ko ng pag-amin ng feelings ko sa aking best friend.
Binaling ko ang aking atensiyon sa matangkad at morenang babae na papalapit sa amin. Her round eyes stared back, waiting for me to speak. Si Hailey David ay classmate at kaibigan ko rin na mas mature mag-isip kaysa sa akin. Kahit na magkaedad lang kami, pakiramdam ko ay mas matanda siya sa akin.
"Ano'ng nangyari kay Bri?" Tanong ko.
"Nahimatay siya sa cr," Hailey answered with a sigh.
Without another word, sinundan ko si Hailey pabalik sa loob and finally, nakita ko si fake Taylor Swift na nakahiga sa bathroom floor, nagkanda-dikit-dikit na ang kulot niyang blonde na buhok sa iba't ibang direksiyon.
"Bri! Gising!" Sinampal ko siya nang mahina sa mukha pero nanatiling nakapikit ang mga mata nito.
"Buhusan kaya natin ng tubig?" Suggestion ni Hailey na may hawak na baso ng tubig. Tinanong pa niya ako eh ready naman na pala siya.
Alam kong hindi ito magugustuhan ni Bri pero wala na kaming choice. Last resort namin ay ang dalhin siya sa emergency room at alam kong mas ayaw niya 'yon. The last time she was wasted like this, it didn't go well. Bilang may reputasyon siya, kailangan niyang maging isang role model, so she always made sure she acted like one.
Bago pa namin buhusan ng tubig si Bri, bigla siyang gumalaw sa kanyang posisyon. "Nasan ako?"
"Welcome to hell," ani ko sabay hawak sa kamay niya para alalayan siyang tumayo. I gestured Hailey to stay on the other side para matulungan niya ako.
Mas matangkad si Brianna kaysa sa amin kaya imagine ang struggle namin para buhatin siya. Nagkagasgas pa tuloy ang siko ko nang maitama ito sa lababo habang palabas kami ng cr.
Nakita ko si Tyler sa may labas ng cr na nakatingin lang sa amin. Hindi man lang nag-offer na tulungan kami. Ano pa nga ba ang ieexpect ko sa taong ito?
"Hatid ko na kayo," sabi ni Kell na papalapit na sa gilid ko para tulungan kami.
"Nakainom ka." Pagkasabi ko nito ay naamoy ko ulit ang alak mula sa kanya. "Baka kung mapano pa tayo sa daan."
"Let me drive you home. I didn't drink." Napatingin ako sa may-ari ng boses na lumitaw mula sa may labas ng cr... ang kuya ng best friend ko.
"No, ako ang maghahatid sa inyo," pagpupumilit naman ni Kell.
"Sorry Kell, pero mahal ko ang buhay ko and I'm sure ganun din sina K at Bri," Hailey suddenly answered.
Tinignan ko si Kell na mukhang dismayado.
"Kell, mas safe para sa ating lahat kung hindi ikaw ang mag-da-drive para sa amin," pangungumbinsi ko sa kanya.
Kell let out a sigh, looking at his brother. "Fine. Drive them home safely."
The other guy tapped Kell's shoulder. "I will. Don't worry."
#
Half an hour later, nakarating na rin kami sa apartment namin nina Hailey at Bri. Tinulungan ako ni Hailey na buhatin si Bri patungo sa kwarto niya. Nang makabalik ako sa sala, nakita ko yung driver namin na nakaupo sa couch, pikit ang mga mata at nakahalukipkip ang mga kamay. Nakatulog na siya.
Dahan-dahan akong nagtungo sa kinauupuan ng lalaki. Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Kahit na magulo ang buhok niya, bumagay naman ito sa kanya at parang gusto ko tuloy itong hawakan at ayusin.
"Can I sleep here?" bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako. Nakapikit pa rin siya. Sleep talking ba 'to?
Napatitig lang ako sa kanya. Nang angatin niya ang mukha niya, kumislap ang mga mata niya. Walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o joke time lang.
When his lips curved into a smile, I suddenly felt my heart skip a beat. "I'm kidding," he blurted out.
Napatawa ako nang mahina hindi dahil sa biro niya, kung hindi dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ako kinabahan bigla?
"Thank you pala ulit sa paghatid sa amin," sambit ko habang lumalayo na sa kinauupuan niyang couch.
"No problem. Anything for my sugar mommy's daughter," he finished with a smirk.
I frowned at him, unamused with his remark. Akala ba niya nakakatawa?
The guy chuckled, standing up from his seat. "Okay, okay, I'm sorry, let me introduce myself formally before you think I'm actually your mom's new boyfriend or husband or whatever. Jale Enrico Atkinson."
"Jalen," sambit ko.
"Jalen?" litong tanong ng lalaki.
Unconsciously kong napagsama ang pangalan niya. Ang haba naman kasi ng Jale Enrico. Parehas sila ni Kell kaya pinaikli ko nalang ulit. "Sorry, Kuya Enrico pala," I corrected myself.
A wide smile crossed his face. "I don't mind you calling me Jalen. But, you don't have to call me kuya."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Pero mas matanda ka sa akin."
"Yes, by six years. But, just pretend that we're the same age. I'm more comfortable when people just call me by my name."
Okay. Mukhang sanay siya sa Western culture na hindi uso ang honorifics. Eh di fine. Hindi ko na siya tatawaging kuya.
Napatingin ako sa mga labi niya at bigla kong naalala 'yong nangyari kanina sa truth or dare. Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ako kahit sa pisngi lang. Siya ang first kiss ko. Ilang beses kong ni-imagine ang magical moment na yun. Pero si Kell dapat yun, hindi ang kuya niya.
"Are you thinking about the kiss earlier?" The guy suddenly questioned me, licking his lips a bit, as if teasing me.
"H-Ha? Hindi ah!" Nauutal ko pang sagot para mabaling ang kaba ko. Ang totoo niyan, nag-iinit na ang buong katawan ko. Ramdam ko na ang pawis sa magkabilang kili-kili ko. Grabe, ang init talaga dito.
Humakbang siya papalapit sa aking direksiyon habang titig na titig pa rin na para bang nakadepende ang buhay niya sa akin.
Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin hanggang sa marinig ko ang pagbulong niya. "Good. 'Cause it was just a dare, remember?"
Napasinghap ako at agad akong humakbang paatras. "Aminin mo nga sa akin. Ano talaga ang relasyon mo sa mama ko?"
The guy let out a chuckle. "Do you still think that way? Isn't kissing you enough proof that your mom is not my type?"
I clenched my teeth. "No, that only proves that you're a pervert."
Umiling ang lalaki ng paulit-ulit habang nakangisi pa rin. "Ah, you're making my life extra fun these days. I love it."
I raised a brow at him. "I'm not here to give you entertainment."
Jalen suddenly smirked, sabay hila ng aking kamay kaya nagkadikit ang aming katawan. He tilted his head and kissed my lips gently.
Napakurap ako. "A-Ano ba-"
Imbes na bitawan ako ay mas lalo niyang diniinan ang paghalik sa akin. Hindi na ako nakagalaw pa sa aking posisyon nang maramdaman ko ang pagpasok ng dila niya sa loob ng aking bibig.
Hindi na ako makahinga sa bilis ng mga nangyayari.
Hinawakan niya ang aking mukha habang bumaba ang mga labi niya patungo sa aking leeg. Nanatili siya doon na parang gustong sipsipin ang aking dugo.
Hindi naman ako makagalaw sa kakaibang sensansiyon na nararamdaman ko ngayon.
Gusto ko siyang itulak palayo, pero hindi ko magawa.
Napapikit nalang ako nang biglang tumigil siya sa kanyang ginagawa.
"How's that for entertainment?" biglang sabi pa ng lalaki.
Agad kong binuksan ang aking mga mata at nakita siyang nakangisi sa akin. "B-Bakit mo ginawa yon?"
Jalen let out a cackle. "Your mom is not my type, okay?"
Tumalikod na rin siya at bago umalis ay sabi pa, "Sweet dreams."
Buti nalang at napigilan ko ang aking sarili na huwag sumigaw sa mukha niya. Nakakainis talaga. Muntik na niyang manakaw ang pagkababae ko.
🍭
A/N: Ano ang masasabi niyo kay kuya Jale? Tingin ko kasi pa-fall siya. Kayo rin ba? 😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro