Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Promise

Bipolar disorder... isang problema sa utak na nagdudulot ng hindi pangkaraniwang pagbabago sa mood, enerhiya at abilidad ng isang tao para gawin ang pang-araw-araw na gawain. Maaari ring maapektuhan ang pakikitungo nila sa tao nang dahil sa matinding highs and lows ng kanilang emosyon.

Ilang araw akong nagbasa sa internet tungkol sa bipolar disorder. Naririnig ko lang ito noon pero ang totoo niyan ay wala akong idea tungkol sa sakit na ito.

Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang tulungan. At gusto kong maramdaman niyang nandito pa rin ako sa kabila ng nalaman ko tungkol sa kanya.

Nakasulat na ako ng labing-pitong mensahe para maidikit sa lollipops. Kaunti nalang at matatapos ko na ito.

"K, anong oras na?" Tanong ni Markell na nakaupo sa harap ko habang tinutulugan akong itali yung mga notes sa lollipop.

Tumingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras. "2:30."

"2:30 na ng madaling araw," inulit ni Markell.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat ng notes sa papel. Ano pa ba ang pwede kong isulat?

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ulit niya.

"Kailangan ko pa itong tapusin." Inunat ko ang leeg ko sabay ayos ng upo ko sa sahig.

Tumayo bigla si Markell sa kinauupuan niya at iniwan ako. Hindi man lang nagpaalam. Alam ko namang hindi niya obligasyon na tulungan ako pero sana man lang sinabihan niya ako na matutulog na siya.

"Goodnight!" Mahina kong sigaw sa papalabas na lalaki mula sa kwarto ko.

Tinignan ko yung mga lollipops na nasa loob na ng transparent na jar. Malapit na itong mapuno. Hindi ako matutulog hangga't hindi ko ito natatapos. Sabi ng doktor ni Jalen na simula bukas ay sasailalim siya sa isang treatment routine kaya hindi muna namin siya mabibisita hanggang sa maging stable ulit siya.

"You're strong as a rock."

"Keep your head up."

"Don't let it drown you."

"I'll be waiting for you."

"You're my king."

"My love for you is constant."

Iyan ang ilan sa mga naisulat ko na. Hindi ko alam kung makakatulong ito kay Jalen pero I'm hoping na kahit papaano ay mapasaya siya ng mga mensahe ko.

Ilang minuto ang nakalipas at biglang may kumatok sa pintuan ko. Nagulat ako ng bumalik si Markell na may dalang baso. Nilapag niya ito sa maliit na mesa kung saan ako nagsusulat.

"Avocado smoothie para may energy ka," aniya sabay upo ulit sa tabi ko.

"Salamat." Kinuha ko ang baso at uminom dito. Agad naman akong nabuhayan sa lamig at tamis ng ginawang smoothie ni Markell.

"Kailan kaya ako makakatanggap ng ganito?" biglang parinig ng lalaking kasama ko.

"Hindi ka naman kumakain ng lollipop," I pointed out.

"Hindi nga, but still..." Kinunot ni Markell ang ilong niya sabay kuha ulit ng lollipop para maitali yung maliit na papel dito.

"Ang dami ko na kayang naibigay sa'yo. Huwag ka ngang magtampo diyan," sagot ko.

"Kung hindi lang talaga kita mahal, hindi ko 'to gagawin," sambit niya.

Tinignan ko ulit siya. "Kell, alam kong may magmamahal rin sa'yo at mamahalin mo ng higit pa sa pagmamahal mo sa akin."

Bumuntong-hininga ito. "I might not love anyone else."

"Kell, huwag mong sabihin 'yan." Nilagay ko ang kamay ko sa braso niya kaya napatingin siya sa akin. "Sigurado ako na kapag dumating na siya, makakalimutan mo rin ako."

"Paano naman kita makakalimutan kung lagi tayong magkasama?" He pointed out.

I pressed my lips shut. "Sige, aalis na ako dito sa mansion bukas na bukas."

"K, you know that's not what I meant," seryoso niyang sagot.

I smiled. "Biro lang. Pero seryoso, Kell, marami namang mas maganda, matalino at mabait kaysa sa akin."

"Yeah, but they're not you."

"Tapusin na nga natin ito. Baka sisihin mo pa ako pag inabot tayo ng umaga dito."

#

Ilang linggo ang lumipas simula nung maibigay ko ang mga lollipop kay Jalen. Hindi ko siya nakita nung araw na iyon dahil umatake na naman raw ang manic episodes niya. Gayunpaman, umaasa pa rin ako na mabasa niya yung mga mensaheng isinulat ko para sa kanya.

Ginugol ko rin ang bakasyon ko sa pagbabasa tungkol sa bipolar disorder. Ang hirap itong intindihin. Wala pa akong kilalang may ganitong klaseng kondisyon kaya hindi ko alam kung paano at ano ang pwedeng gawin.

Nanatili ako sa mansion ng ilang linggo hanggang sa dumating ang bagong taon. Bumalik na ulit kami sa klase. Panibagong sem na naman. Sana lang ang maka-survive ako.

Nang matapos ang klase ko ng araw na iyon, may natanggap akong message sa isang taong hindi ko inaasahan pero gustong-gusto ko nang makita.

"Meet me here at the park. I'll be waiting."

Agad akong tumakbo palabas ng building namin. Malayo ang park mula dito pero for some reason, mabilis akong nakarating sa park kung nasaan yung fountain. Nilibot ko ang mata ko at nakita ang nakatayong lalaki sa gitna ng fountain. Naka-itim na tshirt siya at cropped na pantalon. Usual get-up niya.

"J-Jalen..." Habang papalapit ako sa lalaki, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Nakapikit ang mga mata nito na parang nagwi-wish sa fountain.

Isang buwan ko siyang hindi nakita pero pakiramdam ko ay isang taon na ang nakalipas sa tagal nito. Hindi ako makapaniwalang nandito ulit siya sa harap ko.

"Jalen," sambit ko nang makarating ako sa tabi niya.

Minulat niya ang mga mata niya at nakita ko ang pag-ismid nito. "Konstant."

Tinanggal ko na ang hiya ko sa katawan at agad ko siyang binalot ng aking mga kamay para mahagkan siya. "Jalen, namiss kita."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "I missed you too, Konstant."

I buried my face in his chest, feeling his warmth and inhaling his scent. Akala ko dati na kay Kell lang ako makakaramdam ng ganito. Pero ibang klaseng saya ang nararamdaman ko ngayon kay Jalen. At sa sobrang saya ay parang lalabas ang puso ko.

"Konstant, you can let go now. People can see us," Jalen whispered in my ear, but I didn't mind. Ayaw ko siyang pakawalan.

"Baka umalis ka na naman," sagot ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

He chuckled, taking my arms away from his shoulders to see my face. "I won't leave you... not now... not ever."

I pressed my lips. "Promise?"

He nodded. "Promise."

"Okay ka na ba?" Tanong ko.

"You mean if I'm normal now?" He asked back.

I shook my head. "Kung okay ka lang."

He cupped my face with his hands. "I will always be okay when I'm with you, Konstant."

Napapikit ako para damahin siya. Hindi ko lubos maisip na kaya kong magmahal ng isang tao ng ganito.

"I'm sorry, Konstant," Jalen spoke again, looking at me with his crystal gray eyes. "I'm sorry I didn't tell you. I'm sorry I put you through all of that."

"Okay lang. Hindi ko alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo. Pero nandito lang ako. Hindi kita iiwan," I assured him.

"I don't know what I did to deserve you," he hushed. "I might not be able to live a normal life. I might not be fixed."

Tumango ako. "You don't have to be fixed, Jalen. I love you for everything that you are."

Jalen suddenly planted a kiss on my lips, catching me off guard. "You don't know how much I badly want to do things with you now, Konstant."

Napalunok ako. "T-Things?"

His smile grew wide as he tucked the loose strands of my hair behind my ear. "But... I can wait."

#

"Jalen, ano'ng ginagawa natin dito?" Tanong ko habang hinayaan kong kaladkarin ako ng lalaki papasok sa sementeryo. Nakalubog na ang araw kaya sobrang dilim ng lugar. Ang lamig pa ng simoy ng hangin kaya mas lalong nanginig ang kalamnan ko.

"Bibisitahin natin papa mo," he answered, looking at me. "Bakit? Takot ka?"

I frowned at him. "Pwede naman kasi tayong pumunta dito nang may araw."

Jalen chuckled. "This can't wait."

Nakarating na rin kami sa puntod ng tatay ko. Nilagay ni Jalen yung dala naming basket ng Chrysanthemums habang sinisindihan ko yung binili rin niyang kandila. Mukhang pinaghandaan niya ito dahil may dala rin siyang lighter.

"Tito, sorry for visiting you at this hour. But, I just wanted to formally ask permission from you if I can have your daughter for the rest of her life," Jalen suddenly spoke, taking my hand and squeezing it.

"F-For the rest of my life?" Inulit ko.

Nagpro-propose na ba siya ngayon? Ito na ba iyon?

Tumango si Jalen. "Why? Are you backing out? I'm giving you ten seconds to run away from me now, Konstant. Because if not-"

"Nasaan ang singsing?" Pabiro kong tanong sabay taas ng kamay ko.

Napatigil si Jalen habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi siya prepared. Hindi naman pala ito proposal. Na-disappoint ako bigla.

Bumuntong-hininga ako sabay kuha ng ballpen sa bag ko. "Amin na." Kinuha ko ang kamay niya at sinimulang gumuhit sa palasingsingan niya. Hindi ako magaling mag-drawing pero kaya ko namang guhitin ang simpleng singsing kaya ito ang ginawa ko. Sinulat ko rin ang pangalan ko sa loob nito.

"Konstant," binasa ni Jalen ang sinulat ko.

Tumango ako at binigay ang ballpen sa kanya. "Ikaw naman."

Kinuha na rin niya ang kamay ko at ginaya ang guhit ko. Mabilis niya itong natapos pati na rin ang pangalan niya.

"Yes, I do," sabi ko nang matapos niya ang singsing ko.

Jalen blinked at me, his lips parted in awe.

"I'm spending the rest of my life with you, Jale Enrico Atkinson," I finally blurted out.

At that, he took me in his arms and I had never felt more sure.

🍭

A/N: Happy ending for K and J ❤️

#promise

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro