Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Stalker

"Kung inamin mo lang sana ang feelings mo kay Kell, eh di sa'yo sana siya magpo-propose ngayon," boses ng aking kaibigan ang nakakuha ng aking atensiyon habang nakaupo ako sa silya sa loob ng isang coffee shop.

Inayos ko ang pag-upo ko at tumingin sa babae na nakasuot ng vintage sunglasses na alam kong galing sa paborito niyang designer bran. Si Brianna Castillo lang naman ang walking human Dior sa campus at dahil galing siya sa angkan ng mga artista at modelo, may reputasyon siyang inaalagaan.

Tinanggal ni Bri ang sunglasses niya, exposing her heavy eyeliner. "Anyway, sino nga yung guy na tumulong sa mama mo?"

I exhaled a breath. Sabi ko na nga ba, kung hindi si Kell ang topic namin ay ibang lalaki naman. "Wala. Hindi ko alam."

Namilog ang mga mata ni Brianna. "Girl, baka mamaya stalker mo."

Kumunot ang noo ko. "Stalker? Eh first time ko nga siyang makita."

"Exactly! I suggest mag-ingat ka pa rin. Tsaka isa pa, baka may magselos."

I pressed my lips, unamused. "Sino naman ang magseselos eh wala naman akong boyfriend?"

"Mag-move on ka na kasi sa one-sided love mo sa bestfriend mo." She taunted me with her magenta lips as she twirled a few strands of her long ash blonde hair.

"Koleen?" Biglang may tumawag ng pangalan ko at nang inulit pa nito, doon ko na-realize na 'yong barista ang tumatawag sa akin.

Napatingin ako kay Brianna. "Hindi ako umorder nun. May kape na ako."

"Just go get it. Baka libre niya." Brianna wiggled her brows at me.

Sighing, lumapit ako sa may counter para kausapin ang barista. "Ah, sorry. Hindi ako umorder niyan."

"May nagpapabigay lang, ma'am." Tumingin yung barista sa table sa may gilid kaya sinundan ko ang tingin niya.

I took the cup from him and walked towards the stranger on the corner of the shop. "Hi. Sa'yo ba galing 'to?"

Napakamot sa ulo yung lalaki na naka-flannel shirt habang nakatingin sa akin. "Hi miss. Mahilig ka raw sa chai. Rance, nga pala." He held his hand out with a smile.

"Hi Rance," bati ko pero hindi ko kinuha ang kamay niya. Mukhang nasa high school palang siya kaya ayaw kong i-assume niya na okay lang ito sa akin. "Salamat sa kape ha pero hindi ako tumatanggap ng libre sa hindi ko kilala."

Napangisi siya na para bang inexpect na niya ang sagot ko. "Tama nga si André. Hindi ka bibigay."

I narrowed my eyes at him. "André? As in Alexandré?" Inulit ko, trying to confirm if what I heard from him was right.

Rance lifted his hand, pointing outside the window and true enough, I saw André leaning on his black motorbike. Kasama rin niya yung ibang kaibigan nila sa labas na nagtatawanan habang nakatingin sa direksiyon namin.

I pressed my lips, turning to Rance again. Pinilit kong huwag magalit sa inosenteng lalaki sa harap ko pero hindi ko mapigilang hindi magalit. What the hell?

"Sorry miss, ni-dare lang nila ako. Nice meeting you ulit." Tumayo na si Rance at agad agad na lumabas sa coffee shop. Muntik pa siyang madapa sa daan dahil sa pagtakbo niya.

Bumalik na rin ako sa table namin ni Brianna at sinalubong niya ako ng isang nakakapikon na tawa. "Bakit mo naman tinakot yung manliligaw mo?"

I shook my head at her. "Naghe-hazing na naman siguro sila at ginawa pa akong dare ng lalaking yun. Kainis." Napatingin ulit ako sa labas at nakita kong humarurot na 'yong mga sasakyan nila palayo sa coffee shop.

Brianna continued to snicker at me. "They just want attention," she paused, sipping from her coffee.

I huffed a breath, fixing the glasses over my eyes. "Kung anu-ano talaga pinaggagawa nila sa frat."

Just then, Brianna's smile faded away, her dark-tinted eyes glued outside the coffee shop.

Sinundan ko ang tingin niya. Puro mga kotse lang naman ang nakikita ko sa labas ng shop. Traffic na naman sa ganitong oras dahil uwian na ng mga nagtatrabaho. "Bri, anong meron?"

"He's dead! He's seriously dead!" Tumayo si Brianna sa kinauupuan niya kaya sinundan ko na rin siya.

"Bri!" Tinawag ko siya pero patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa may makita akong pamilyar na lalaki sa may kabilang sidewalk na may kasamang ibang babae. Ito ay walang iba kung hindi si Tyler Kendrick na boyfriend ni Brianna.

Nakita kong sinabunutan na ni Brianna 'yong buhok ng kasamang babae ni Tyler. "Hoy, mang-aagaw! Boyfriend ko yan!"

Tumili ang babae at tumakbo na palayo bago pa ulit siya masabunutan ng kaibigan ko.

"Sino yon ha?" Pasigaw na tanong ni Brianna sa boyfriend niyang manloloko.

"Bri! Kalma ka lang. Maraming nakatingin sayo ngayon," paalala ko sa kanya. I knew how badly she had been trying to protect her image for a long time.

"I'm sorry, babe. I swear siya yung unang nakipag-flirt sa akin," defensive na sagot ni Tyler.

Honestly, kahit naman anong gawin ni Tyler, papatawarin pa rin siya ni Brianna. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ito mapakawalan. Mahal na mahal niya si Tyler kahit na obvious na ang mga kasalanan niya.

Nang hindi sumagot si Brianna, ako na ang nagsalita para sa kanya. "Hoy Tyler, ilang beses mo bang sasaktan si Bri ha? Akala mo ba tama yang ginagawa mo?"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko Koleen," he countered back, his thick brows shooting up at me.

Anger seethed in my veins as a scoff escaped from my mouth. "Wala akong pakialam. Ito na ang huling beses na sasaktan mo ang kaibigan ko. Tara na nga, Bri!"

At that, hinila ko ang kamay ni Brianna palayo sa lalaking hindi man lang marunong umako ng kasalanan niya. If I was Bri, hindi ako magdadalawang-isip na suntukin ang hayop na 'yon.

#

Unang araw ng pasukan pero tambak na ulit kami ng mga assignments at readings. Bigla akong napaisip kung itutuloy ko pa ba ang course kong nursing. Isang taon palang naman ang natapos ko at masasayang ko if ever.

"K, lunch tayo sa The Grounds?" Pag-aya ng isa ko pang kaibigan na si Hailey matapos ang klase namin sa umaga.

"No! Baka makita ko dun si Ty," reklamo naman ni Bri habang inaayos niya ang mahaba at nakalugay niyang buhok.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So, san ka kakain?"

"Sa office nalang ako ng Gen L. I'll see you later." Waving her hand, she just walked away, leaving me and Hailey in awe. Alam ko namang fresh pa ang sakit na nararamdaman ni Bri pero nag-aalala lang ako kasi baka hindi na naman siya kakain niyan.

"Bili nalang tayo ng coffee at lunch tapos punta tayo sa office," sabi ko kay Hailey na sinang-ayunan naman niya.

True enough, nang makarating kami sa famous tambayan sa campus na tinatawag na "The Grounds" ay nakita agad namin ang anino ng ex-boyfriend ni Bri sa may tapat ng coffee shop na co-owned niya.

"Buti nalang hindi na sumama si Bri," Hailey muttered.

Hinila ko si Hailey papasok sa isang restaurant para hindi na kami makita pa nung lalaking 'yon. Habang namimili kami ng pagkain, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa aking bulsa.

Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni papa. "Hello, pa? Bakit po kayo napatawag?"

"Anak, nasa campus ka pa ba? Kakatapos lang kasi ng duty ko ngayon dito sa hospital niyo. Nag-lunch ka na ba?"

"Ah hindi pa po. Puntahan ko na kayo diyan." Binaba ko na ang tawag at binalikan si Hailey.

"Oh, ano order mo?" Tanong ng kaibigan ko.

"Hail, lunch lang ako kasama ni papa sa ospital. Alas-dos pa naman yung next class natin, di ba?"

Tumango naman siya. "Hay, maiiwan na naman ako."

"Thanks, Hail." Niyakap ko siya bago ako umalis.

Agad akong nagtungo patungo sa university hospital na halos sampung minuto ang layo mula sa kinaroonan ko ngayon. Wala naman itong kaso sa akin. Ilang araw na rin kaming hindi nagkasamang kumain ni papa dahil sa duty niya kaya naman hindi ko siya pwedeng tanggihan.

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa loob ng FU Hospital. Hindi pa naman ako nakainom ng kape ngayon kaya kulang ako sa energy.

Saktong pagliko ko sa hallway ay may nabangga akong malaking tao. Muntik pa akong matumba sa impact nito.

"Are you stalking me?"

Napatigil ako sa boses ng isang lalaki na hindi naman pamilyar sa aking pandinig. Lifting my head and fixing the glasses over my eyes, a pair of unusual gray marbles stared back at me, sparkling as if they were speaking to me in silence.

"If you want my number, you can just ask me, you know." His lips curved up as soon as he finished his bold remark.

My brow raised, seeing the smirk playing across his lips. Sino ba ang lalaking ito? "Excuse me? Do I know you?"

This time, the guy burst out into laughter, like actual laughter. Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako nagbitaw ng joke para tumawa siya ng ganyan kalala.

"I'm sorry, but I don't have time for you, whoever you are." The moment I stepped forward, I felt a hand gripping my arm, stopping me from my post. "What do you want?"

"Do you really have to pretend that you don't know me? That's kind of harsh. I'm actually offended right now," he muttered, his grip still tight on my arm.

Nanggigigil na talaga ako at malapit na akong sumabog. Kahit pa pogi si kuya, hindi ko hahayaang i-harass niya ako ng ganito. "Kung hindi mo ako bibitawan, sisigaw ako ng rape."

The guy tilted his head, as if calculating my move with his gray eyes. "You won't do that."

Without my hesitation, I shouted, "Rape!"

Agad niya akong binitawan at tinakpan ang aking bibig gamit ulit ang kanyang kamay. Marahas ko siyang tinulak palayo para hindi na niya ako mahawakan pa. Nagtitinginan na rin ang mga taong naglalakad sa hallway sa amin.

"Miss, okay ka lang?" Tanong ng isang staff nurse na lalaki sa akin.

"She's okay. She's with me," sagot naman ng lalaking kanina pa akong hindi tinatantanan.

"Okay po, dok." Umalis na rin ang nurse matapos sumagot ng lalaking doktor pala dito.

I creased my forehead at the guy wearing a black shirt, black ripped jeans and black high-top Converse. Hindi naman siya mukhang doktor. "Sino ka ba talaga? Doktor ka ba dito?"

"Why do you want to know?"

"Bakit ba hindi mo nalang ako sagutin?"

"If I answer you, will you treat your mom better?"

His question suddenly clicked in my mind. Unti-unting bumalik sa aking isip ang araw kung saan huli kaming nagkita ni mama kasama ang lalaking ito. "Ikaw ba ang bagong lalaki ni mama?"

The guy messed his already-messy dark brown locks with one hand. "Is that what you think of your mom?"

Umiling ako. "I don't know. I don't know her anymore."

"Then, why don't you ask her?"

"You know what, forget it. Makaalis na nga."

Before I completely walked away, I heard the guy say, "She's still your mom, and that will remain unchanged."

He was right about that. But, the painful memories that she left will remain unchanged as well.

🍭

A/N: Guys, know your worth! Hindi deserve ng isang taong maloko ng paulit-ulit gaya ni Bri. 😮‍💨

Anyway, makikilala niyo na ang executives ng fraternity sa susunod na chapter! Stay tuned!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro