Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Nothing More, Nothing Less

Lutang pa rin ako. Pakiramdam ko nakaupo ako sa kama ng ulap at any moment ay pwede akong mahulog. Isang araw pa lang ang nakalipas simula nung nangyaring kissing booth, pero dahil sa dami ng nag-video at nag-tag sa akin sa social media, hindi ko tuloy maalis sa isipan ko ang mukha ni Jalen.

"Miss Fernandez, nasaan na ang care plan mo?" Tanong ng clinical instructor namin na nakalagay ang kamay sa beywang habang nakatingin sa akin na papalapit sa nurse's station. Sa taas ng kilay nito, pakiramdam ko tuloy may ginawa akong krimen at gusto akong ikulong sa selda.

Nandito ako ngayon sa medical ward kung saan naka-assign yung terror na CI namin. Hindi naman toxic ang duty ko ngayon. Toxic lang talaga yung CI namin dahil sa dami ng katanungan niya sa tuwing may gagawin kami sa pasyente.

"Ito na po, ma'am." Inabot ko sa kanya yung bond paper kung saan naka-print yung ginawa kong care plan.

Tinignan niya saglit yung papel na pinasa ko bago tumingin ulit sa akin. "What's the case of your patient?" She started to interrogate.

I took a breath. "Chronic kidney disease, ma'am."

She nodded, peeking at my paper again. "Explain the pathophysiology of CKD."

Huminga ako ng malalim habang inaalala yung nabasa ko kagabi. "Uh, so in CKD, there is irreversible nephron loss, which can lead to glomerular hyperfiltration. This is a compensatory mechanism of the kidneys. Because of this, it leads to decreased GFR and-"

"Why is there nephron loss in the first place?" Our CI asked, cutting me off.

"Uh... there is nephron loss because..." I paused, racking my brain. Pero mukha lang ulit ni Jalen ang nakikita ko. Kainis na kissing booth na 'yan.

"Focus, Miss Fernandez," our CI caught my attention again, bringing my senses back. "Bakit nagkakaroon ng pagkawala ng nephrons? Bakit nagkakasakit ang isang tao dahil dito?"

Napayuko ako sa hiya. May mga nurses ngayon sa station at alam kong naririnig nila ang nangyayari. Kung pwede lang sanang mawala nalang ako ng bula, kanina ko pa ginawa.

"Miss Fernandez, kailangan ko bang ibalik ulit itong care plan mo?" Our CI spoke again, catching my attention.

"Uh... sorry ma'am..." I mumbled, still not looking up.

"Alam kong nagluluksa ka pa rin sa nangyari sa tatay mo and I'm sorry that it happened. But, I'm sure na mas magiging proud siya sa'yo kung magagawa mo ng mabuti ang pag-aaral mo," our CI advised. "Vying for cumlaude ka pa naman, hindi ba?"

Natamaan ako sa talas ng mga salita niya. Pero totoo naman ang mga sinabi niya. Hindi magiging proud si papa kung ganito ako.

Kung hindi nalang kasi ako sumali sa kissing booth event, sana mas napag-aralan ko ng mabuti yung care plan ko. Nakakainis talaga.

"I know you're smart, Miss Fernandez and you can do better. Just make sure to be prepared next time." Binalik ng CI namin yung pinasa kong care plan.

Hindi na talaga ako sasali sa kahit na anong event na makakasira sa pag-aaral ko.

Nang matapos ang duty namin, sinabayan ulit ako ni Darren sa pag-uwi.

"Beh, okay ka lang?" Tanong ni Darren sabay kapit sa kamay ko paglabas namin sa ospital. Nakita rin pala niya yung nangyari kanina sa ward.

"Okay lang ako," tipid kong sagot. Ramdam ko agad yung mainit na buga ng hangin paglabas namin. Tirik pa ang araw dahil alas-tres pa lang. Buti nalang tinanggal rin agad ni Darren yung hawak niya sa akin kasi panigurado lalo kaming pagpapawisan ngayon.

"Kumusta naman ang labi ni Doc Jale? Masarap ba?" Tanong ulit niya kaya napatigil ako.

Pinandilatan ko siya. "Huy Darren, baka may makarinig sa'yo."

"Ano naman? Nakita na ng lahat yung nangyari. Yung video niyo kaya yung may pinakamaraming views sa social media."

My mouth dropped. "Ano?"

"Oo beh. Ang daming comments. Karamihan mga inggitera."

I let out a deep sigh. "Fundraiser lang naman yun. Walang malisya."

"Talaga ba? Eh ang lagkit nga ng tingin niya sa'yo nung gabing yun. Parang ayaw ka niyang pakawalan."

Bigla kong naalala yung mukha ni Jalen bago niya ako hinalikan. Hindi ko inasahan na gagawin niya yun. Sigurado akong nadala lang siya sa moment na yun. "Sigurado akong wala lang yun sa kanya."

"Eh bakit sa'yo? Wala lang rin ba?"

Napalunok ako sa tanong ni Darren. Hanggang ngayon, paulit-ulit na nag-pe-play yung scene na yun sa utak ko. 

At sa tuwing naaalala ko ito, parang nandun ulit ako sa gabing iyon. Pati yung bugso ng emosyon ko parang naiwan doon. 

#

Akala ko makakatakas ako sa birthday party ni Brianna. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako a-attend ng parties pero wala naman akong magawa kasi kaibigan ko siya. Ang awkward lang kasi baka makita ko si Markell doon. Simula nung nangyari sa mansion nila, hindi pa kami nagkaka-usap ulit.

Hindi ko tuloy alam kung panaginip ko lang ba yung nangyari o talagang gusto rin ako ng bestfriend ko.

Not to mention, baka makita ko rin si Jalen sa party. Bakit ba kasi ang daming nangyari nitong nakaraan? Parang lahat na yata ng maganda at pangit na pwedeng mangyari sa buhay ko ay nangyari na. Quota na ako.

"Nafi-feel ko pa rin ang labi niya sa akin," Alexis spoke, hugging the pillow on the couch and resting her chin over it. She had been saying this since last night, after she fortunately got paired up with her crush.

"Swerte mo kasi gusto mo yung naka-match mo." Hailey shook her head as she sat next to me on the couch.

"Bakit? Si Ben naman yung naka-match mo, di ba?" Mia asked back.

"Oo nga kaya malas ako," Hailey answered.

"Kumusta ka na pala, K?" Alexis turned to me.

I turned to her with a small smile. "Okay lang ako."

Hailey pressed her lips. "Nandito lang kami, K."

"Oo nga, K. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang." Alexis nudged me by the elbow, breaking my silence.

Bago pa ako nakasagot, biglang bumukas yung pintuan at isang grupo ng kalalakihan ang isa-isang pumasok sa loob ng apartment. "Omega Phi in the house!" Sigaw ng ilan sa kanila at isa na dito si André.

Akala ko pa naman kami lang ang bisita ni Bri. Ininvite rin pala niya sila. Buti nalang at mukhang wala naman si Markell. Hindi pa ako ready para makausap siya ulit. Masyadong magulo ang isip ko ngayon.

"Teka, nasan na ba yung birthday girl?" Pinilit kong ibaling ang atensiyon nila.

"Baka nasa kwarto niya. You know, change outfit," sagot ni Alexis sabay tagay ng hawak niyang baso na may lamang alcohol.

"Hanapin ko lang siya." Nag-excuse ako sa mga kasama ko sa living room.

Tumungo ako sa kwarto niya at nakitang bukas kaunti yung pintuan niya. "Bri?" Mahina kong tanong sabay tulak ng pinto.

Akmang papasok ako sa loob ng kwarto nang makita ko ang dalawang taong naghahalikan sa may gilid ng kama. Alam kong si Bri yung babae dahil sa ash blonde na buhok nito.

Wala na akong balak alamin kung sino yung lalaki. Agad akong tumalikod nang biglang natapik ng hawak kong maliit na box yung door knob.

"Who's that?"

Napatigil ako sa boses ni Bri kaya nilingon ko siya. "Sorry, hindi ko-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ko yung lalaki sa tabi niya.

Nakatingin si Jalen sa akin habang inaayos ang magulo niyang buhok.

"K, ikaw pala yan." Lumapit si Bri sa akin sabay hawak sa labi niya na sobrang pula hindi dahil sa lipstick kung hindi sa sobrang maga. Baka kanina pa sila naglalampungan. Hindi man lang sinabi sa akin nina Hailey na nandito pala si Jalen.

"Sorry, Bri. Ibibigay ko lang sana yung gift ko." Inabot ko sa kanya yung maliit na kahon na hawak ko. "Happy birthday."

"Aww, thank you, K." Niyakap ako ni Bri ng mahigpit.

"Walang anuman. Nasa labas na rin pala sina André," sagot ko. "Hintayin ka nalang namin."

"Ah, no need. We're coming. Let's go, Jale?" Inaya ni Bri si Jalen at tumango lang yung lalaki.

"Knock, knock!" Malakas na sigaw ni André galing sa pintuan kaya napatingin kami sa grupo ng mga lalaki na papalapit na kay Bri para hatakin siya palabas ng kwarto.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday Brianna... Happy birthday to you..."

Kinantahan nila si Bri na parang bata sabay lagay ng party hat sa ulo nito. Tahimik lang akong pumapalakpak sa gilid at pinapanood sila habang kinaladkad na ni André si Brianna patungo sa living room.

Susundan ko na rin dapat sila nang maramdaman ko ang mainit na hawak sa braso ko. "Konstant."

Nanginig ang kalamnan ko sa boses ni Jalen. "B-Bakit?" Mahina kong tanong habang nakatalikod sa kanya. Ayaw ko siyang tignan.

"What are you doing?" Tanong niya na parang galit ang tono at hindi ko mawari kung bakit.

"Ano'ng ginagawa mo, Jalen?" Binalik ko ang tanong sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa may pintuan na nakabukas. Malakas ang sigawan sa labas ng kwarto pero for some reason, rinig na rinig ko ang paghinga ko ngayon.

Hindi sumagot si Jalen pero hawak pa rin niya ang kamay ko. Gusto ko nang lumabas ng kwarto dahil pakiramdam ko, ang sikip ng dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

"Jalen, ano ba'ng gusto mong sabihin?" I asked again, slowly turning to face him. Muntik nang mabunggo yung ulo ko sa balikat niya.

Nagulat ako sa lapit ng distansiya namin. Kanina pa ba siya nakatayo sa likod ko nang ganun kalapit?

"You're not good for me, Konstant..." Jalen started to speak in a low voice, leaning closer to me. Nilapit niya ang mukha niya sa may gilid ng ulo ko at narinig ko ang paglanghap niya ng hangin na parang inaamoy niya ang buhok ko.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" Humakbang ako paatras kaya binitawan na rin niya ang kamay ko.

"You're not good for my system. You know that, right?" Patuloy na sabi ni Jalen.

Pero hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi niya.

Napailing siya sabay tingin sa kabilang direksiyon. "I need you to stay away from me, Konstant."

Kumunot ang noo ko. "H-Ha?"

Jalen let out a chuckle. "Don't act like you don't know what you're doing because you do."

I shook my head in confusion. "Jalen, hindi kita maintindihan."

He pressed his lips together, messing his hair again. "Never mind. I'll just do that myself."

Nagpatuloy ang party ni Brianna habang gulong-gulo ang isip ko sa nangyari. Hindi ko na rin nakita si Jalen buong gabi. Siguro nga mas mabuti nang hindi ko siya makita. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya pa yung galit matapos niyang halikan yung kaibigan ko.

Hindi ba dapat ako ang galit dahil nahuli ko siyang kahalikan ang kaibigan ko?

🍭

A/N: Dapat nga bang magalit si K? 🤧

#nothingmore #nothingless

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro