Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Let Go

For the first time simula nung mawala si papa, nakatulog ulit ako nang mahimbing. Baka dahil pagod lang ako sa shooting na ginawa namin ng dalawang araw kaya halos sampung oras ang tulog ko. Buti nalang at public holiday ngayong Lunes kaya may ekstrang araw pa ako para mag-recharge ulit.

Nagising ako sa malakas na tunog galing sa labas ng kwarto ko. Steadying myself in bed, I stretched my arms and grabbed my phone from the bedside table. Ilang araw ko nang hindi tinignan ang cellphone ko kaya sobrang dami ng notifications galing sa Messenger, Instagram at Messages ko. Alam ko naman ang laman ng lahat ng iyon.

"Condolence K..."

"Condolences K. Praying for you."

"Stay strong, K. Condolence."

Hindi ko na tinuloy basahin yung iba. Maaalala ko lang ulit si papa at mas lalo ko lang siyang ma-mimiss ulit.

Hindi ko alam kung dahil ba sa mga "condolence" messages o dahil sa lakas ng speakers sa labas ng kwarto ko kaya biglang sumakit ang ulo ko.

Rising in bed, I dragged my ass towards the door to yell at the person who decided to turn the apartment into a party den in the middle of the day.

In a snap, the world turned silent as I saw a familiar person chilling in the living room.

"Good morning, Koleen!" Lumapit si Hailey sa akin habang nakangiti ng malaki.

"Mas maganda sana ang araw ko kung hindi mo ako ginising sa napakalakas na music," tugon ko sabay hawak sa sentido ko para i-masahe ito.

Kinuha ni Hailey ang kamay ko. "Mas gaganda pa ang araw mo, K."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Talaga lang ha?"

Hinila ako ni Hailey patungo sa kusina at nakita ko ang likuran ng isang matangkad na lalaki na naghuhugas sa lababo. Kahit na nakatalikod siya, alam ko na agad kung sino ito.

"Jalen?" I mumbled.

The guy suddenly turned around, greeting me with a huge smile. "Good morning! Here," he answered, handing me a glass of juice.

Taking it from his hand, I rolled my eyes at him. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

Pinunasan ni Jalen ang mga kamay niya gamit ang paper towels at inabot sa akin ang plato na may lamang kanin at dinakdakan. "Kain ka muna."

"Maiwan ko muna kayo guys. May pupuntahan pa ako." Umalis na rin si Hailey kaya naiwan kaming dalawa ni Jalen sa kusina.

Umupo ako sa harap ng bar counter nang wala pa ring imik. Tinignan ko yung plato sa harap ko. Ang sarap rin ng amoy ng dinakdakan pero wala pa rin akong ganang kumain.

"You're not going to eat?" He asked, dismay painting all over his face.

"Sabihin mo muna kung bakit ka nandito," I blurted out.

"To make sure you're eating and sleeping well," he answered.

"Kumakain at natutulog naman ako ah," sagot ko.

He crossed his arms over his chest, leaning his back against the sink. "Really? Your eyebags don't say so."

"Dati na yang eyebags ko," I reasoned out.

Jalen chuckled. "Right. I told you I will be here for you, Konstant..." he paused, his voice turning into a serious tone. "I mean it."

Napatigil ako habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang bumagal ang oras at kita ko ang bawat pagpikit ng mga mata niya pati na rin ang pagtaas at pagbaba ng Adam's apple niya habang lumulunok siya.

Napansin ko ang pagbukas ng mga labi niya para magsalita. May sinasabi siya sa akin pero hindi ko maintindihan. Pumikit ako saglit para kalmahin ang sarili ko pero mas lalo lang akong nabingi sa lakas ng pitik ng puso ko.

Ano ang nangyayari sa akin?

"Konstant, are you okay?" Jalen snapped his fingers in front of me.

Natauhan ako bigla habang nakatingin sa lalaking nakatingin sa akin na puno ng pag-aalala. "H-Ha? Oo, okay lang ako," I stammered, looking away. Ayaw kong mahulog sa kulay abo niyang mata.

"Finish your food and then we're going to fix your dad's belongings," sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Bakit? Ano'ng gagawin natin sa mga gamit ni papa?"

"We need to sort them out, Konstant. I'll help you. Don't worry."

I swallowed hard. Hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok sa kwarto ni papa. Iniisip ko palang na kailangan ko nang pakawalan ang mga gamit niya ay nababaliw na ako sa pangungulila.

Inabot ako ng dalawang oras bago ko natapos ang pagkaing hinanda ni Jalen sa akin. Hindi rin siya umalis sa tabi ko hanggang sa maubos ko ito. Baka raw hindi ko galawin ang pagkain ko kapag inalis niya ang tingin niya sa akin. Kaya wala akong nagawa kung hindi pilitin ang bituka kong huwag isuka ito.

"Ready?" Tanong ni Jalen habang kumakatok sa kwarto ko.

Naligo at nagbihis ako matapos kong kumain kanina. Sinadya ko pang tagalan ang pagligo ko para mabagot si Jalen at baka maisipan niyang umuwi nalang at iwan ulit ako ng mag-isa. Pero hindi ito gumana.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Isang maliit na ngiti ni Jalen ang sumalubong sa akin habang nakatitig ang mga mata nito.

"I know you're not ready, but you have to do this, Konstant," he reminded me again. "Let's go?"

Tahimik lang akong tumango sa kanya sabay lakad patungo sa kwarto na kaharap ng akin. Nakasara ang pintuan nito at nang iangat ko ang kamay ko para buksan ito, nakita ko ang pag-nginig ng kamay ko. Pinilit kong pigilan ito pero nanginginig pa rin ako na parang may sarili itong buhay.

"Hey, it's all right," Jalen hushed beside me as he reached for my trembling hand.

Napasinghap ako sa mainit niyang kamay na nakahawak sa akin. Sabay naming binuksan ang pintuan at agad kaming binati ng dilim sa loob. Nakasara lahat ng bintana kaya walang kahit anong ilaw galing sa labas ang tumatagos dito.

Sinundan ko si Jalen papasok sa loob matapos niyang buksan ang ilaw. Napatigil ako nang makita ko ang puting doctor's coat ni papa na nakahiga sa kama.

"Papa..." mahina kong sambit habang papalapit sa kama. Hinaplos ko ang puting coat niya na dapat siguro ay gagamitin niya sa susunod niyang duty.

Naalala ko nung unang beses ko siyang makita na nakasuot nito. Naakit ako sa kulay puting uniform niya dahil nagmumukha siyang anghel. Simula noon ay pinangako ko na magiging katulad rin niya ako.

Napapikit ako hanggang sa malunod ako sa masasayang alaala ko kasama si papa. Gusto ko nalang manatili doon. Kung pwede lang sana...

CLICK.

My eyes shot up at the sound of a phone capturing something inside the room. Paglingon ko ay nakita ko si Jalen na pinipicturan ang isang litrato na nakalagay sa isang frame sa may mesa ni papa.

"You look cute here," komento nito habang nakatingin pa rin sa litrato.

Binitawan ko ang coat ni papa sa kama at lumapit sa lalaking aliw na aliw sa tinitignan niya. Napatingin ako sa litrato at nakita ang isang batang babaeng kasama ang kanyang mga magulang.

Limang taong gulang siguro ako dito at nasa amusement park kami dahil may carousel sa likod namin. Hindi ko masyadong maalala ang nangyari dito noon pero batid kong masayang-masaya ako dahil sa laki ng ngiti ko.

"I want to see you smiling like this again," biglang sabi ng lalaki sa tabi ko.

Turning to my side, nakita ko si Jalen na nakatingin sa akin. Kumikislap ang mga mata nito na parang papatak ang luha mula rito.

I forced a smile at him. "Salamat, Jalen."

The guy shook his head, letting out a chuckle. "This isn't for free, Konstant. I'm supposed to be at work now."

Agad kong binawi ang ngiti ko sa kanya. "Teka, hindi naman kita pinilit na pumunta dito ah."

Jalen burst into laughter. "Hey, I'm kidding."

I squinted at him. "Hindi nakakatawa."

Naayos rin namin ang mga gamit ni papa matapos ang ilang oras. Akala ko aabutin pa kami ng umaga pero kaunti lang pala ang gamit niya. Buti nalang at nandito si Jalen para tulungan ako. Hindi ko talaga ito magagawa ng mag-isa lang ako. Baka hindi ko rin kayanin na pumasok dito sa kwarto niya.

"What do you want to do with them?" Tanong ni Jalen habang nilalagay ang mga huling gamit ni papa sa isang kahon.

Kung ako si papa, ano ang gagawin ko dito? Ayaw ko namang itapon lang ang mga ito. Sigurado akong gugustuhin ni papa na magamit ang mga ito ng mga taong mas nangangailangan.

"Idodonate natin," sambit ko.

Jalen turned to me with a smile on his face. "I figured as much."

#

Matapos naming ibigay sa donation center ang mga gamit ni papa, sinamahan rin ako ni Jalen para mag-grocery. Wala raw laman ang ref namin kaninang tinignan niya ito. Dahil sa tagal ko nang hindi nagluluto, hindi ko alam na wala na pala itong laman. Tsaka si papa naman lagi ang nagpapaalala sa akin para mag-grocery.

Hinayaan ko nalang si Jalen na pumili ng mga gusto niyang bilhin. Hindi ko alam kung gagalawin ko ang mga yun pero at least may laman ang ref.

Ilang minuto lang ang inabot ni Jalen para mag-grocery. Normally, inaabot ako ng isang oras kapag ako lang. Naalala ko ulit si papa dahil mabilis rin siyang mag-decide sa mga gusto niya. Tsaka may listahan na rin siya para raw mabilis at hindi na niya kailangang mag-isip kapag nandun na siya.

Nang makabalik kami sa kotse ni Jalen, akala ko uuwi na kami. Pero bigla niya akong dinala sa isang lugar kung saan maraming nakahilerang kotse. Nakita ko ang isang malaking screen sa may pinakaharap at doon ko narealize na nasa Drive-In Cinema kami.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya nang itigil niya ang kotse sa isang bakanteng spot.

"I don't want you to be alone at your house and stare at the ceiling all night," he stated matter-of-factly. Kinuha niya yung bag ng groceries sa likod ng kotse at nilabas ang Pringles na binili niya kanina. Inabot rin niya sa akin ang tetra pack ng Chuckie.

Nakatingin lang ako sa binigay niyang inumin sa akin. "Chuckie talaga?"

Jalen nodded. "So you can sleep easily when you get home. You haven't been sleeping well, right?"

His question caught me off guard. Hindi na ako sumagot pa. Pati pagtulog ko pinoproblema niya. Ganoon na ba kalala ang mga eyebags ko?

Nagsimula na rin ang palabas sa screen kaya nabaling ang atensiyon niya rito. Hindi ko rin naman ma-enjoy yung palabas dahil hindi ko masyadong marinig. Uminom nalang ako ng Chuckie na bigay niya habang nakatingin sa labas. Kung nasa bahay ako ngayon, malamang ay nakatunganga lang ako habang pinipilit ang sarili kong matulog.

"You know what my mom used to do to get me to fall asleep?" Binasag ni Jalen ang katahimikan sa loob ng kotse kaya napatingin ako sa kanya. Binaba niya ang hawak niyang can ng Pringles.

Nakatingin lang ako sa kanya at pinanood siyang maghalungkat ng kung ano sa may compartment box ng kotse. Isang ballpen ang kinuha niya mula rito.

"Can I take your hand?" He asked, extending his hand at me and waiting for me to take it.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nang sinimulan niyang magsulat sa may pulso ko, inatras ko ang kamay ko. "Teka, ano'ng gagawin mo?"

Jalen chuckled. "Relax. I'm just drawing something. It's supposed to help you fall asleep."

I pressed my lips shut, giving my hand to him again.

He smiled. "Let's try it on you. What do you want as a tattoo?"

Kumunot ang noo ko. "Tattoo?"

"Hmm..." Tahimik siyang nag-isip ng ilang segundo at nang simulan niyang mag-drawing sa kamay ko, parang akong nakikiliti sa bawat galaw ng tinta. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako nito.

"Nakakatulog ka sa ganito?" Tanong ko.

He nodded in silence. Focused lang siya sa ginagawa niya na parang totoong tattoo ang ginagawa niya.

Sa lapit ng distansiya namin ngayon, hindi ko maiwasang hindi mataranta. Pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam. Ganito ang nararamdaman ko sa tuwing may ginagawa sa akin si Kell.

Shaking that thought away, I looked at Jalen's scribbles. Mukhang abstract ito pero napansin ko ang letrang "K" na nakaukit ngayon sa pulso ko.

Wala akong ideya kung ano ang gusto niyang i-drawing. At dahil dito, mas lalo akong na-curious sa kung ano ang kalalabasan nito.

Sa sobrang tahimik ng paligid, pati paghinga niya ay naririnig ko na rin. Mahina at mabagal ito na kaya ko na ring bilangin sa kabagalan.

Maya't maya pa ay hinalikan niya ang aking kamay.

"J-Jalen, anong ginagawa mo?"

Hindi niya tinigil ang paghalik hanggang sa nakarating siya sa aking labi. Mabagal at malumanay ang paghalik niya sa akin na parang nag-iingat siya ngayon kumpara noong una niya akong hinalikan.

"Hmm... Jalen..."

"I'm in love with you, Konstant," he suddenly mumbled in between kisses. "I know you love my brother, but I can wait until you change your mind."

"Jalen..." I mumbled. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko... partly because he was right.

All my life, in love ako sa bestfriend kong si Kell. But, the past months that I'd spent with Jalen, magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong nararamdaman para sa kanya.

"Will you give me a chance to prove my worth to you?" Jalen asked, stopping to look at me.

Tumango nalang ako sa kanya. Paano ba ako makakahindi sa lalaking ito?

He flashed me a wide smile, kissing my cheek again. "I'll make sure you won't regret it."

🍭

A/N: Ano kaya ang ni-drawing ni Jalen sa kamay ni K?

#letgo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro