Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter Nine

Bumuntong-hininga akong pumasok sa loob ng kotse. Wala eh, ayaw niyang sumakay edi, bahala na nga siya. Why would I even convince him, di'ba?

"Tara na po, Kuya."  Sinandal ko ang aking balikat sa bandang bintana ng kotse at pinanood ang bawat dinaraanan namin. At this moment, while staring at the view outside, I feel like a main character that just had her tragic conflict minutes ago. Mabagal lamang ang pagda-drive ng driver dahil madulas ang daanan. Namataan ko naman ang malaking hakbang ni Ryden sa di kalayuan.

Ang kaninang maitim na langit ay biglang bumigay. Malakas ang buhos nu'n at bigla ko nalang naisip si Ryden! Walang masisilungan dito dahil wala masyadong bahay! Sisinyasan ko na sana ang driver ng bigla itong huminto at binuksan ang bintana.

"Hijo! sumakay ka nalang! ang lakas ng ulan oh, baka magkalagnat ka pa,” tugon niya rito.

"Okay na po ako, maliligo nalang ako ng ulan."

What? I rolled my eyes midair. Ang arte. Tapos ano? paano pag lalagnatin siya edi ako ang sisisihin niya? I know it's not my fault because I wasn't even capable of stopping the rain pero what if lang di'ba? Gosh, ang arte niya! Ang tigas ng ulo nitong si Ryden.

"Hey! sumakay ka nalang pwede? H'wag ka na ngang pa-hard to get diyan!" ‘di ko na napigilan kaya nasigawan ko na siya.

Halatang gulat siya sa ginawa kong pagsigaw because I saw it in his face. He stopped for a second pero in the end, pumasok pa rin naman iyon nga lang, parang may pag-aalinlangan. Tinuro niya ang direksyon na patungo sa kanila. Medyo malapit lang nga sa amin, pero kailangan mo pang dumaan doon sa mga bahay na nagsisiksikan. Nang makarating na kami sa bandang kanila, lumabas na si Ryden at sinulyapan ako at bahagyang ngumiti. Patakbo siyang tumawid sa kabahayan.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong nag-shower para hindi ako lagnatin kinabukasan, medyo nabasa kasi ang buhok ko.

"Aye, let's eat dinner na," kumatok si Mommy sa kwarto ko at agad kong sinagot ng:

"Sige po, my."

I just wore a simple printed t-shirt and usual dolphin shorts. Sinuot ko naman ang scrunchie kong ginamit kong pampusod ko sa buhok kanina, sinuot ko iyon sa wrist ko.

"Good evening Ayezza, your mom told me na na-late ka daw ng uwi?" Nasalubong ko si Daddy na nakaupo sa pang-huling upuan ng dining table. It was like a miracle when I saw him again joining us for dinner.

Sumulyap ako kay Mommy na nagsasalin ng tubig sa baso. "Uh, may ginawa kasi akong assignment dad, pero sinundo naman ako ng driver."

"Assignment? Bakit ‘di mo nalang dito sa bahay gawin besides, you have laptop naman na magagamit sa pagre-research?"

Bringing Ryden here at our place? Nakakahiya naman kung aayain ko siya. Baka 'di pumayag. Iyon pa eh hard-to-get nga masyado iyon. That thought made my cheeks turn red.

Ugh, bakit naman nagtatanong pa si dad ng further questions? Hindi ko naman siya tinanong kung bakit dito niya lang din asikasuhin iyong sa business eh meron naman siyang office sa taas?

"Eh kasi po, by pair iyong thesis namin and napagdesisyunan namin na doon nalang sa library gagawin iyon." mahinhin kong sagot.

"By pair? hmm who's your partner, si Arin ba?"

Tumigil ako sa pagnguya ng kanin para sagutin siya. Guilt crept within me. Hindi ko alam kung bakit. "No dad, lalaki po iyong ka-partner ko." Kinakabahan kong sagot, baka kasi mag-iisip sila ng kung ano-ano eh.

"A boy? who's that?"

"Ryden Saldivar po ang pangalan niya."

Napaangat naman ako ng tingin ng marinig kong sabay na bumagsak ang kubyertos nilang dalawa. Napataas ako ng dalawang kilay.

Agad binalot ang paligid ng nakakabinging katahimikan kaya bahagyang lumakas ang tibok ng aking dibdib. Ano naman kayang iniisip ni Daddy? If he's concern is I might be put in danger because of that guy, then he shouldn't get worried at all. Kaya ko namang gumanti.

Nang ilang sandali ang lumipas ay binaba niya ang kubyertos sabay tayo. "Uhm, naalala ko, may aasikasuhin pa pala ako sa laptop ko, I have to prepare for my upcoming proposal sa negosyo, mauna na ako, Aye, Harriet."

Para namang biglang nabangga ng malaking bato ang aking damdamin ng tumayo siya at pumunta na sa taas. Bakit palaging works ang inuuna niya? minsan ko na nga lang siyang makasama sa dinner tapos ganiyan pa. When my eyes darted at mom, I saw a ghost of disappointment in her eyes as she looks at him pacing towards the stairs above. Then her eyes went to his food that's almost untouch. We have no choice, mom. Dad's always been like that and I guess, we have to deal with it.

"Aye, kumain ka ng maayos, ako ang nagluto ng gulay na iyan kaya sana magustuhan mo." Mommy genuinely caressed my hands. Tumango nalang ako.

Nang matapos kami sa pagkain, nagpaalam ako na mag-aaral sa room ko kaya dumiretso na ako paakyat.

Iniisip ko pa rin kung bakit naging ganun ang asal ni Daddy.

Nag-aral ako saglit dito sa study table ko. May gaganapin kasing quiz and oral recitation bukas. Napakamot ako sa ulo ko habang di ko matandaan ang inaaral ko. Ugh! why is this like this? At the end, nang tingin ko ay may natutunan naman na ako, humilata na ko sa kama ko at binalot ng kumot ang buong katawan.

Kinabukasan ay balik-eskwela na naman ulit. As usual ay nagpahatid lang ako sa driver namin patungong school and the moment I got out of the car, I knotted my brows when I feel those eyes of people glued at me. Anyare kaya? I sighed at nagpaalam na lang sa driver at nagsimula nang maglakad sa hallway.

“Gosh, it's her nga! I can't believe it!”

“Yes it was her! Naalala ko ganiyan ang looks ni Ayezza kahapon same goes kay Ryden.”

Ryden? What the hell is happening right now and why is his name got involved in mine?

“Sweet nila tingnan pero ayoko, hindi ko sila ship.”

“Same, halata kasing may gusto si Ayezza kaya ayan mukhang nagpa-cute pa. Like, excuse me? Hindi bagay.”

“Luh, nagsisimula nang lumandi ang ate niyo girl,”

Oh di'ba, mangba-backstab na nga lang, pinahalata pa. I rolled my eyes in midair and didn't mind what they're saying about me. Lumalandi? Does she mean me? Tungkol saan naman? I don't remember flirting with anyone at this school at mas lalong I don't remember myself na nagpapa-cute kay Ryden! Halos kumukulo nga lagi ang dugo ko roon so paano ko kumuhang magpa-cute? And excuse me, what are they talking about?

I sighed again and sighed again—in relief nang makarating ako sa classroom at nakitang naroon na si Arin at Quinn.

“Aye!”

“Aye! Are you okay?”

Kung kumunot ang noo ko kanina sa hallway, mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa inasal nila. Of course I'm fine, hindi naman ako nadapa or something while I'm on my way here.

“O-Oo naman—why not?”

Napatakip sa kaniyang bibig si Arin at lumingon kay Quinn at may bahagyang ibinulong eh rinig na rinig ko pa rin naman. “Hala, feeling ko wala pa siyang alam o sadyang wala lang talaga siyang pake sa kanilang dalawa ni Ryden.”

“I don't think she'd react this way if nakita niya na. I think we ought to ask her,” sagot naman ni Quinn.

“Ano bang pinag-uusapan niyo?” I curiously asked.

“Are you sure hindi mo pa alam?”

“Arin, hindi naman ako magtatanong pa kung may alam na'ko. Even if it's just a hint!”

Arin sighed. Nag-iba ang kaniyang ekspresyon sa mukha at bahagyang lumapit sa akin. Pareho kasi silang dalawa ni Quinn na nakaupo sa kanilang desk at ako nama'y napadaan sa aisle ng room. She then handed me her phone which is may isang short clip roon na may kasamang stolen shots and it was familiar. Kumunot ang aking noo nang mapagtanto ang mga nangyayari. What the fuck, it was me! Not just me but me and Ryden! I don't know where did they got this one and who the hell took this video—I swear, so disrespectful! This has been uploaded without even my permission—well, I don't know to Ryden.

It was the scene yesterday. As I watch the video intently, ito iyong part na hinatak ni Ryden ang aking kamay at sabay kaming nagakad. It was obvious na sinundan pala kami ng kung sinong nagkuha ng video na ito dahil hanggang sa pagtakip ni Ryden sa akin gamit ang jacket niya'y naroon din. The video was detailed except on the words that we both speak. Natapos iyon doon sa pagpasok namin ng sabay ni Ryden sa tindahan kahapon ng isawan. And from this view, medyo madilim ang lugar na iyon kasi gawa na rin sa mga puno at sa pangit ng panahon. If you're green-minded, you'd think greenish here probably.

“I don't know what really happened yesterday, Aye but I don't know, anong meron sa mga taong nagpakalat nito sa twitter. I swear pagkagising ko, imbes na naghahanap ako ng pa-giveaways na ticket sa online concert, ito ang bumungad sa akin! At first hindi ako makapaniwala, but then I knew it was you!” pahayag pa ni Arin.

“Ano bang iniisip nila? Pati sa comment section ay puro pang-aatake sa'yo, Aye. Sumusobra na sila, ha!” wika rin ni Quinn.

I was left there mouth half-open at nakatanga. “W-Wala naman kaming ginagawang masama ah...”

“I know, Aye! But these people right here, ang kakalat ng utak! Ewan ko nai-stress ako sa kabobohan ng mga walangyang iyan! Dapat sa kanila natatamaan ng kidlat eh!”

Napailing na lamang ako at naupo sa aking upuan. Napahawak ako sa aking sentido. “Pabasa ng comsec.”

“Sure ka ba, Aye?”

“Oo, Quinn. Gusto ko lang mabasa kung anong pinagsasabi nila sa'kin. Promise, ‘di ko papatulan.”

“Aba! Kung ako ang nasa sitwasyon mo'y makikipag-trashtalkan talaga ako sa mga nang-slutshame sa'kin! Mas deserve nila makatanggap ng masasakit na salita!”

Tumahimik na lamang ako at binawo ang cellphone ni Arin. Hindi naman siya umangal. Nang i-scroll ko ang comment section, tumagos agad sa dibdib ko at feeling ko nanginginig ako sa mga nababasa ko.

“Yuck! what a cheap way to flirt with Ryd! talagang dinala sa maruming lugar ni ate gurl!”

“Hala, nakipag-akbayan pa kay Ryd. Kapal ni ante LMAO kating-kati yarn?”

“Tinanong ko ate ko at kilala niya si girl! They go to the same school. Nun nga dawng naging mag-seatmate sila ay halatang nagpapa-cute agad daw yan! HAHAHA ew hindi bagay.”

“Talandi spotted (kasama ni Ryden)”

“Nagpadilig agad si girl, oh! Siguro kating-kati na at ‘di nakatiis. Hindi makahintay makarating sa bahay! HAHAHA”

“Sinadya pang huli umuwi, ah. Hmm.”

“Ang landi niya tingnan I swear. Halatang nagmamaganda sa harapan ni Ryden.”

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. My heart was pounding so fast and my knees began trembling. I never had any publicity before—except my Bookstagram, though it's not because they have seen my face. Halos maiyak ako sa aking nababasa. What makes it sadder is only rare people have been defending me in that place. Are they too blinded with their desires and attraction towards Ryden? Tangina, kung alam lang nila na wala akong pakialam sa lalaking iyon.

Binawi ni Arin sa akin ang cellphone at nag-insist rin siya na tumabi kay Ryden for the meantime while the issue was still spreading. Kaya naman ay narito ako sa katabi ni Quinn. Sa sobrang kahihiyan na natamo ko, I don't know if I could face Ryden even though I did nothing wrong. I just couldn't erase their thoughts about what happened yesterday at natatakot ako na baka paniwalaan iyon ni Ryden at kakampihan niya pa ang mga taong iyon dahil taga-hanga niya sila.

Nang mag-tanghalian ay dumiretso na kami sa cafeteria. Pinagitnaan ako ni Arin at Quinn and I thanked them for doing that. In that way, parang naiibsan ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko alam kung paano i-explain.

“Ayan na si landi.” I sensed how people whispers while looking at the three of us and I don't need any confirmation. I know their attention is on me.

“Yuck, feeling unbothered, oh!” Malakas ang naging halakhak nung isa.

“Mayaman na kasi ang magulang kaya hindi na magiging problema kung mabuntis siya. Mabubuhay niya iyon, eh. Kaya kahit araw-araw pa siyang lumandi, walang problema iyon.”

Wala na sana akong panahon para pakinggan pa sila nang biglang huminto si Arin sabay lingon doon sa mga babaeng nagkukumpulan.

“Anong sabi mo?!”

“Arin!—”

“Pakiulit ng sinabi mo sabi, eh! Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang? Harapin mo'kong baliw ka!”

Me and Quinn both gasped when we both realized what's happening. Hinarap lang naman ni Arin ang mga babaeng iyon at sinigawan.

“Arin, please. Baka ma-guidance tayo,” bulong ko sabay higit sa braso nito ngunit mas malakas siya sa'kin kaya parang wala lang din.

“Aba, ang mga ito ang dapat nagu-guidance! Kasing-itim ng leeg nila ang budhi nila, kadiri!” Singhal ni Arin sa harapan ng mga ito. “Hoy Trisha sagutin mo'ko ha!”

“Can you step back? Bakit, eh totoo naman, ah. Bakit mo pa pinagtatanggol ang pinsan mong talandi? Bulag ka girl?”

Matapos iyon sabihin ni Trisha ay biglang dumapo ang palad ni Arin sa kaniyang mukha at sa lakas nuon ay halos mapaupo siya. Ngunit hindi pa doon natapos ang eksena dahil bigla itong pinatungan ni Arin at sabay hila sa buhok nitong mahaba. Kahit ang mga kaibigan ni Trisha ay hindi makaawat at pawa bang takot na takot sila sa nakikita nilang Arin ngayon.

“Ouch!” Sigaw ni Trisha sa gitna ng pananakit sa kaniya ni Arin na wala siyang panlaban.

“Arin tama na!” Quinn went to her and tried to grab her arms but Arin just couldn't be stopped.

Patuloy pa rin sa paghihilahan ng buhok ang dalawa at may mga salitang binitawan pa si Arin dito at lahat ng iyon ay puro malulutong na mura.

“Oh my gosh,” ang tanging naging reaksyon ko dahil hindi na'ko makaisip pa ng kung anong aking tamang gawin. Ilang tawag na rin ako sa kaniyang pangalan ngunit hindi pa rin natitigil.

Not until Ashton came. He grabbed in her arms at doon lamang natigil ang gulo. Nang makita ko ang itsura nito'y halos nag-uusok na ang kaniyang ilong dahil sa halatang galit sa kaniyang ekspresyon.

“Arin?! Alam mo ba kung anong gagawin ni Lolo kapag nalaman niyang nakipag-away ka sa school?”

“Putangina, Ashton! Hindi ko naman 'to gagawin kung hindi kang nila tinatawag na malandi si Aye, eh! Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yan. Dapat nga sa'yo 'yang natanggap mong pasa ngayon!”

Kumunot ang noo ni Ashton. “What?! Anong sabi mo, Trisha? Tinawag mong malandi si Aye?”

Imbes na sumagot ay umirap lang ito. “It's true, Ashton. Narinig ko 'yun.” Malumanay na sagot ni Quinn ngunit halata sa kaniyang mukha na namomroblema siya sa nangyaring kaguluhan.

Ashton smirked. “Hoy, Trisha. Alam mo ba ang gagawin ng Lolo namin kapag nakarating sa kaniya ang balitang ito?”

“Ashton, tama na. Please calm down, okay?” saka ako lumingon kay Arin. “Are you okay, Rin?”

“Oo naman, ang dali lang naman palang patumbahin ng babaeng 'yan. Nagmamatapang.” Irap pa nito.

Hindi na nakaimik pa ang mga babae at nakayuko na lamang si Trisha. Kung may naririnig na bulungan kanina ay mas malakas ang ngayon. And just expected, after minutes ay agad pumunta sa kinaroroonan namin ang guidance counselor na nakapamewang at tinawag sa kaniyang opisina sina Arin at Trisha. Oh, gosh. This would be quite a mess!

Sinamahan naming tatlo si Arin patungo roon sa loob ng opisina na hindi naman kalayuan. Agad pinapasok ang dalawa at naiwan kami roon sa labas. I don't know why but I don't see anyone who's friends with Trisha here. Kani-kanina lang ay naroon sila sa cafeteria at ngayon ay nawala na.

“Aye,”

I immediately turn around when I heard someone muttered my name. I sighed. It was Ryden.

“C-Can we talk?”

Lumingon ako sa paligid. Namataan ko sa tabi ko sina Quinn at Ashton na halatang may pinag-uusapan. Yes, I probably need to talk to Ryden to clear all these mess up! Kaya naman ay nagpaalam ako kaagad sa dalawa at nakipag-usap kay Ryden sa tapat na corner.

“First, I want to say sorry for what happened. I know, it's because of me in the first place. Doon sa kumalat na video ay halata namang ako ay lumalapit sa iyo kaya naman ay hindi ko alam bakit hindi sila sa akin naiinis at binunton lahat sa'yo. I'm really, really sorry.”

“Wala ka namang kasalanan roon.”

He sighed. “Kahit na, at alam kong malaki ang naging epekto ng mga salita nila sa'yo, Ayezza. Kaya I'm sorry. Alam ko naman na hindi ka ganoong babae—iyong mga pinagsasabi sa'yo kaya ayaw kong makinig sa mga salita nila.”

I formed my lips a line. “Thanks, Ryden. Well, I just hope that this issue will vanish right away. Ayaw ko ng ganoong attention.”

“I promise, I'll do anything I can to call them out for their action. Lalo na iyong nag-upload ng video, Ayezza. You don't need to do anything or prove anything para sa kanila. I'll take the part and will make sure to clean your name that they tainted.”

I smiled. Well, that's quite helpful. “Thanks, a lot Ryd. Really, thank you.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro