Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Chapter Thirty

And then I held the letter and realized all of their stories makes sense to me... now. Infront of the letter, there are also words written...

“Sulat para sa kay Yzrael.”

Hindi ko maiwasang magkunot-noo. I stopped for a while to look for an air to breath. So it was indeed true that Mommy and Ryden's Dad knows each other. There was no bluff after all. Now that I confirmed things, parang sumasakit na ang ulo ko kakaisip.

I have to read this now so I'll find the information that I've been looking for. So I sighed and and held the letter firmly.

Dear Yzrael,

Una sa lahat, humihingi ako ng patawad sa lahat ng aking mga nagawa sa iyo. Alam kong hindi madali at alam kong hindi mo rin inaasahang ganito ang mangyayari sa atin sa huli. Sana'y hindi mo kakalimutan na minsan din kitang minahal. Simula highschool palang tayo ay doon ko lang napagtanto na may malalim na pagtingin ako sa'yo. Ngunit ayaw kong masira ang ating pagkakaibigan kaya nama'y inilihim ko na lamang ito.  Ngunit nang tayo'y nag-college, napagtanto ko na dapat hindi ko tinatago at inililihim ang mga ganitong bagay. Natatakot akong mawala ka't mabaling sa ibang babae ang atensyon mo kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa nung araw na iyon at umamin na sa aking tunay na nararamdaman.

Maraming salamat dahil pinagbigyan mo ang pagmamahal ko. Na sinuklian mo rin ang pag-ibig ko sa'yo. Walang maitutumbas ang kasiyahan ko nung araw na nalaman kong iniibig mo rin pala ako. Sa ating pagsasama, masaya ako. Ngunit nang mag-second semester, may isang lalaki ang bumihag sa aking mata at alam kong mali—hindi iyon ikaw. It was Chester

Ilang beses kong pinipigilan ang sarili ko na h'wag makaramdam ng kahit anong espesyal sa lalaking iyon. Ngunit sa bawat araw na nagdaan, talagang nagbago at unti-unting nabubura ang pagmamahal ko sa'yo. Siguro'y parte na rin siguro ng mga rason ko ang palagiang pag-aaway natin dahil halos wala na tayong panahon para sa isa't-isa.

Naiintindihan ko naman kung bakit nagalit ka sa araw na umamin akong may ibang lalaki na akong napupusuan. Kaya matatanggap ko kung hindi mo ako mapapatawad dahil alam kong hindi mo rin inaasahan ang lahat ng ito. Hindi ko mapigilang mahulog sa kaniya lalo na't kami na naman ang palaging magkasama. Patawad, Yzrael.

Kahit masakit, alam kong kailangan kong aminin ang totoo. Patawad sa lahat ng taon na itinapon ko ng ganoon lang. Akala ko'y ikaw na ang para sa akin ngunit sa tingin ko'y nagkamali ako. Patawad at iiwan kita. Nitong nakaraan ay sinagot ko na si Chester. Sana ay balang araw ay tuluyan na ring mabura ang lahat ng pagmamahal mo sa'kin at maghilom ang iyong mga sugat. Alam kong pagkatapos nito'y wala na ang dati nating pinagsamahan. Hindi na ulit tayo maging magkakaibigan muli. Basta ang hiling ko'y sana kapag tama na ang panahon para sa'yo, mahahanap mo ang tunay na pag-ibig na nakalaan sa'yo. Nararapat at kahit ilang taon pa ang magdaan, ito'y mananatili at matatag. Patawad at hinding-hindi iyon magiging ako.

Sana mabasa mo itong sulat ko para sa'yo, Yzrael. Patawad at sa lahat ng tao, ako pa ang makakapagdulot sa'yo ng sakit. Higit kong pinagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko. Kahit anong mangyayari, hindi ko kakalimutan na minsan rin tayong nagmahalan. Salamat sa lahat. Patawad at paalam.

Nagmamahal,
Harriete

I folded the letter back and put it back to it's place. Napatakip ako sa aking bibig nang matapos kong basahin ang lahat ng mga salita sa liham na iyon. If it's supposedly for Tito Yzrael, then why is that letter still here? Naibigay kaya iyan ni Mommy? Something in my mind tells me no. Dahil hanggang ngayon ay halatang wala pang closure sa kanila.

So it was actually true. Lahat ng mga sinabi sa akin ng Mama ni Ryden, lahat ay totoo. It was Mom who entered in his life and the one who let go. Is true love can't be helped? I didn't expect that love could end in that kind of way. Na kahit alam mong mahal na mahal mo ang isang tao, malaki ang posibilidad na sa isang iglap, lahat ng iyong nararamdaman ay maaaring mabura at unti-unting mawawala.

Love is scary, indeed. There are a lot of temptations around and you wouldn't know if you'll be capable of overcoming it or so be it. Taking it with you and throw away the love that you already have.

But in Mom and Dad's case, was that really a temptation? Maybe it is. Though I couldn't justify her actions, I think that's how true love could lure you and attempt you. Tito Yzrael, I know he's just Mom's great love.

Paano kung mangyari iyon sa amin ni Ryden? Malalabanan ko ba ito o gagawin ko rin ang bagay na ginawa ni Mommy. I hope not to. I don't want to be the one who will hurt Ryden's heart when the time comes.

But I know I could. Because I remember what her mother told me. To let go of him because it will just cause so much chaos.

It was indeed chaos. Especially now that I've got to know how the both of them fell apart.

Ang daming nasa loob ng box na iyon at nang napagdesisyunan kong isasauli ko na sana, nang buhatin ko ang box na iyon, mula sa ilalim ay may nahulog na naman na papel. Nakatupi rin ito and because by this moment, my curiosity is what leading me, I picked it up and unfold it.

And my jaw fell off again. Since it was then again,  a letter but it wasn't from Mom. It was from Yzrael when I looked down at the name whom it came from.

Dear Harriette,

Sa totoo lang ay wala naman na dapat akong sasabihin sa iyo pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin. Isan taon na rin simula nung tayo'y nawalay sa isa't-isa. Kahit papaano'y masaya naman ako rito sa probinsiya kasama ang taong mahal ko. Oo, nagmahal ulit ako. Masaya naman kami ni Stella ngayon sa isa't-isa. Alam kong kilala mo siya dahil dati silang magkasintahan niyang nobyo mo ngayon. Alam kong wala namang kasalanan si Chester dito kay kahit medyo nagalit ako sa kaniya, nawala din iyon kalaunan. Maraming salamat sa lahat ng pinagsamahan natin. Sana huwag mong saktan si Chester.

Ang pagsulat kong ito'y nilihim ko lamang kay Stella. Wala naman akong ibang intensyon kundi ang ipaalam sa'yo ang sitwasyon ko ngayon. Siya nga pala, magdadalawang-buwan na ang bata sa sinapupunan ni Stella. Oo at ako ang Ama. Kaya naman ay sa katapusan ay magpapakasal na kaming dalawa. Alam kong maaga pa pero naisip ko lang na baka ito ang nararapat na gawin at para na rin ito sa magiging anak namin. Sana ay maging masaya ka para sa akin. Salamat.

Nagmahal,
Yzrael

What the hell was that? So after Mom and Dad became together, that was when Tito Yzrael dated Tita Stella and they had Ryden right away. And for Pete's Sake, I didn't even know that Dad and Stella were past lovers. So actually, it was like the two couples exchange its partner for each other? That's kinda unbelievable.

And Ryden, was he accidental or not? Well, according on Tito Yzrael’s letter, he loves Stella. But then he married her right away when he knew that they're having a baby—No, Aye. I sighed and slapped my cheeks slightly to stop thinking whether Ryden was an accidental baby or not.

Napahawak na lamang ako sa aking sentido nang  naisip ko kung gaano nga kagulo ang mga taong nasa paligid namin. So Tita Stella were right. The idea of me dating Ryden is not actually right. It was like we are both disregarding the things that happened to our parents. It wasn't even a joke. It was pretty chaotic and until now, the fire still burns.

So do I really have to end it with Ryden? If so, could I take the pain? Pinahid ko ang luha na dumaloy sa aking mata. Mahal na mahal ko si Ryden. At kapag ako ang tatapos sa kung anong merosmn sa amin, I don't know how will I cope up with the pain. The pain hits different when it was you who has to let go even though you don't want to. I love Ryden but I guess walking away from him will fix the mess. Or will it be fix?

Kumikirot ang dibdib kong sinauli at ibinalik lahat ng iyon sa dati nitong lalagyan. Wala na akong pakialam kung ma-figure out man nila Mommy ang pagpasok ko dito sa kwarto nila ngayon.

Kagaya ng nakasanayan, pagkatapos nun ay bumalik ako sa aking kwarto at hindi na lumabas pa. Nanatili na lamang ako sa loob at iniisip lahat ng mga nangyari at lahat ng mga nalaman ko sa araw na ito. They are all exhausting and I am also torn on whether I'll tell this one to Ryden or I'll just keep it secret. What would be the difference, though?

***

When the next day came, I yawned the moment I woke up. Mabuti nga at medyo maaga akong nagising ngayon kaya hindi na ulit ako makakapag-absent. Walang gana akong bumangon sa aking kama at naghanda ng aking sarili. I think its really obvious that I look so down. Matapos kong gawin lahat ng morning routine ko, may time pa akong i-check ang cellphone ko habang hinihintay ang driver namin na maghahatid sa'kin. 

Pagkabukas ko nito, halos mabasag ang kabuuan ko nang may nakita akong message doon galing kay Ryden.

Ryden:

Happy monthsarry. I love you.

Muntik na akong bumagsak sa kinatatayuan ko nang mapagtanto ko kung ano ang date ngayon. It's our monthsarry for Pete's sake!

Naiinis ako sa sarili ko nang mapagtanto kong nakalimutan ko nga iyon. I felt guilty. Late ko pang nabasa iyon. He sent it 4 o'clock sharp yesterday in the afternoon. I don't know what to do with this. Sana hindi siya magagalit sa akin. Napasapo ako sa sariling noo. What's happening to me?

Hindi na ulit ako mapakali dahil nag-aalala ako. Kanina pa ako nag-iisip ng kung ano o paano ako magpapaliwanag sa kaniya nito mamaya. I just replied him na magkita kami sa school since it's school day naman.

“R-Ryden, sorry talaga…” nakayuko kong sambit.

Inamin ko sa kaniya na nakalimutan ko nga ang tungkol doon. Ayaw ko namang magsinungaling.

He then squatted infront of me. Nakaupo ako sa bench ng school namin.

“Is there something bothering you? Come on Ayezza, I'm your boyfriend. Nandito lang ako para sa'yo. You can tell me what's bothering you.”

Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi why is he so patient? Inaamin kong may mali ako pero hindi ganoong tanong ang inaasahan ko. I think, I deserve an anger and disappointment from him.

He's right. He's my boyfriend... Pero wala akong lakas para sabihin sa kaniya ang lahat. I kept it all to myself at ako-ako lang din ang nasasaktan.

Tanging iling lamang ang sagot ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin.

“Are you okay—tayo? Are we okay? May nagawa ba akong mali?” he softly asked.

Hindi ko napigilan ang luha ko na tumulo. Why is it his questions is like a knife stabbing in my chest?

“Sorry, promise babawi na talaga ako.” I looked at him.

Para naman akong dinurog ng paunti-unti nang makita ko ang namumula niyang mga mata. He's in pain. Bumuntong-hininga siya.

I gave him an assuring smile. This time, I swear to myself na hindi na ako matatakot na i-open up sa kaniya ang mga nararamdaman ko. He has right to know it all not just because he is my boyfriend. He is the one that I love and I know he does too.

Lumapit ako sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigit.

“Belated happy monthsarry… I love you too.” I gently whispered.

“Shush, it's okay… It's fine… we can still celebrate it even it's a bit late though.” Hinahaplos-haplos niya ang aking buhok. Ilang minuto ang lumipas ay tumitig ako sa kaniya.

Mas lumaki ang guilt ko.

Bakit ganiyan ka Ryden? Bakit hindi man lang siya magtampo—not that I want him to be disappointed to me pero I expected him na maging ganoon nga. Alam kong kasalanan ko na nakalimutan ang monthsarry namin and I feel so sorry about it. Alam kong sinasaktan ko siya.

“I understand you. Don't worry and don't be sorry, kahit hindi mo sabihin ay alam kung bumabagabag sa'yo. Ayos lang sa'kin kung ayaw mong sabihin but I just want you to know, nandito lang ako kung kailangan mo ako.” He caressed my hand na para bang assurance na iyon na dapat ko nga siyang pagkatiwalaan.

Pinunasan ko ang aking luha kahit patuloy lamang ito sa pag-daloy. Bumuga ako ng hangin saka humarap sa kaniya.

Lumunok ako ng ilang beses bago magsalita. “Ilang araw na din itong gumugulo sa'kin. Actually, hindi ko din alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Palagi nalang akong naiipit sa sitwasyon nina Mommy and Daddy. Ako iyong nahihirapan, not until I heard my name getting involve to their fight. Ano bang meron ba't ako nasali? Lahat ng bagay na malapit sa akin ay nasali rin. It was chaotic and suffocating. There were times that I wish I could get rid myself from that kind of household. Hindi na kasi iyon tulad ng dati. And they even never clarify things to me that's why I couldn't stop being so curious about it. Ewan ko ba bakit ang gulo nila!”

Sinabi ko sa kaniya lahat. Lahat-lahat at wala akong tinira. Maybe, kahit papaano ay baka gagaan pa ang pakiramdam ko. Umupo siya tabi ko matapos iyon.

Inayos niya ang ilang hibla ng aking buhok na tumatakip sa aking itsura at natahimik ng ilang segundo.

“So, ano nang gagawin mo?” he asked me after.

“I don't know either.” I only shrugged. “Hay, bahala na. They seems okay naman na kaya I decided na h'wag na lang problemahin iyon.” I lied, again.

Yes right. I just decided na h'wag na lang iyong isipin. Ayoko nang maulit pa itong ganito, unti-unti akong lumalayo kay Ryden nang hindi ko namamalayan. I don't want to lose him nor hurt him. Even though, I had to.

Tumango siya after that senyales na naiintindihan niya ang desisyon ko and respect it. I'm glad though. Sa wakas, medyo nawala rin ang bigat sa loob-looban ko.

Kagaya ng pinangako naming dalawa, we still celebrate our monthsarry even though it's already late. Kahapon pa naman iyon kaya hindi naman kami masyadong huli. Doon kami nagpunta sa may nagtitinda ng streetfoods at namula naman agad ang pisnge ko nang maalala ko ang kahihiyang nangyari sa'kin dito dati. Mabuti nalang ay parang nakalimutan na iyon ng nagtitinda at mga tao dito.

Nakaramdam naman agad ako ng ilang nang iabot ni Ryden sa akin ang isang piraso ng—ano nga ulit tawag doon? basta! Iyong tinawag ko dati na french fries! Nakalimutan ko na kung ano ang tawag doon eh. Tinanggap ko nalang iyon at kinain nang walang pasubali. Mahirap nang tanungin niya pa ako about doon. Siyempre ayokong malaman niya na nakalimutan ko talaga ang tunay na tawag doon, ano!

That day, I felt so happy somehow. Thinking that amidst of all the thinfs I'm going through, I still have Ryden that is always there for me. I'm thankful that I have him as my happy and safe place.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro