Chapter 26
Chapter Twenty-Six
“Ang harot mo.” Pabiro ko siyang inirapan but he just chuckled it away.
We went silent for a bit. Nasa harapan ko pa rin naman siya but I am looking at somewhere else. Damn, parang muntikan na kaming hindi makapagpigil doon, ah. I secretly shook my head. I better control myself the next time. Baka kung saan pa kami makarating sa kapusukan namin.
“Gusto mo ba ng isa pa?”
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa kaniyang sinabi. What the hell?!
“Huh? Magtigil ka nga, baka mahuli pa tayo ng librarian.”
He chuckled. “Fine. By the way, I want to say something to you.”
"Ano iyon?"
"Ipapakilala kita sa mga magulang ko."
And then suddenly, bigla akong nakaramdam ng kaba. Oh right, we've been dating for quite months now and Ma'am Dara and Ryla is still the people I know that's related to him. I was lost in my words. I know it takes time to be get prepared in those kind of occasion but I realized, I also want to do it now. Lalo na't Mom has been bringing up Ryden's dad which is I don't even know why.
We were more focused nung isang linggo ang nakaraan matapos nuon. Malapit na rin kasi mag-end ang second semester kaya mas focus na kaming dalawa pareho sa acads. Pero ganoon pa rin naman ang takbo sa amin ni Ryden dahil palagi siyang pumupunta sa SLP para makita ako. Napaisip tuloy ako na baka nahuli na kami ng mga tauhan ni Dad dahil halos araw-araw na kaming nagkikita.
"Kinakabahan ako Ryden, paano kung hindi nila ako magustuhan?" nag-alalang tanong ko. Naglalakad na kami patungo roon sa kanila.
It was even doesn't seem like a heavy neighborhood. Ngayon lang kasi ako nakapunta rito eh dahil nung una ay napaka-strict naman sa akin ni Mommy.
"Don't worry, kilala ka naman na nila eh. Lalo na si ate Dara at Ryla." Hinablot niya ang kamay ko.
I just hope it will go well. Especially that I'm not really a good conversationalist type of a person. Bumuntong-hininga ako, Ryden is with me so I shouldn't worry a thing.
Ryden held my hand and I followed his steps.
When we finally get there, my mouth opened in awe because of the house that welcomed my sight. It wasn't that big but it has a nice structure. It was even designed modernly. Ryden opened the gate for us at pagkatapos noon ay bumalik na naman ang aking atensyon sa kanilang kapaligiran. The lawn was cleaned neatly. Even the bushes were perfectly trimmed. I can only see a clean lawn with a lot of flowers around.
"Ma, Pa,” when we finally entered the entrance ay pumasok agad kami.
The interior was even nicer. Sobrang liwanag ng paligid nito at as expected, sobrang linis at simple lang. Come to think of it, it almost has the same vibes of Arin's house.
Umupo kami ni Ryden ng sabay doon sa may couch at bumaba mula sa hagdan si Miss Dara habang buhat-buhat si Ryla. May kasama din siyang lalaki sa likod niya at sa pagka-alala ko ay ang asawa niya iyon.
"Uy Ryden iyan na ba iyon?" Naroon lamang sa sofa ang Papa niya kaya nakita agad kami. Nagmano si Ryden dito, ganoon din ang ginawa ko.
Oh, he must be the Yzrael Saldivar. He's kinda familiar. Kung totoo man na magkakilala talaga sila. As I observe him, he has a lot of resemblance to Ryden. They almost has the same features. Matangkad rin ito katulad niya. This guy must be one of the heartthrob in his year. Kung totoo man iyong mga sinabi ni Mommy, no doubt the she had fallen for him. Pero siyempre mas pogi pa rin si Dad.
“H-Hello po, I'm Ayezza Acosta.”
“Girlfriend ko po, Pa.”
Ngumiti naman sa akin iyong Papa niya. As I have noticed it, he paused a bit when we shake hands. The reason why my tense got up but then he smiled eventually so I just did the same thing.
“Nice to meet you... Acosta.”
"Nasaan po si Mama?" tanong ni Ryden.
"May inaasikaso lang sa kusina," sagot nito.
"Hi Ayezza! Yiee sila na daw oh," Nakangiting salubong sa amin ni miss Dara.
"Hi po,"
"Siya si ate Ayezza kuya, di'ba?" Inosenteng tanong ni Ryla.
Pinakilala ako ni miss Dara roon sa asawa niya at nalaman ko rin na isang buwan na buntis pala siya. I congratulated the both of them.
Matapos ang pagpapakilala roon ay lumabas galing sa kusina ang mama nila Ryden. Ngayon ko pa lang din sila nakilala. Hindi naman kasi ako mahilig sa pagkilala ng mga tao sa paligid ko.
"Ma, si Ayezza po girlfriend ko." Malumanay na pagpapakilala ni Ryden na siyang dahilan ng pag-init ng aking pisnge. Kahit isang buwan na kami ay parang nai-ignorante pa rin ako lalo na kapag pinapakilala niya ako sa ibang tao bilang girlfriend niya.
Mahaba ang buhok ng mama niya. Unang titig ko palang sa kaniya ay nahahalata ko na ang pagtataray nito. Hula ko ay masungit din siya kagaya ni Mommy. Lalo na nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I bet Ryden felt my anxiousness because he immediately tightened his grip in my hands.
"Anak ka ni Chester?" Nakakapangilabot na tanong nito.
"O-Opo." I politely answered.
"Acosta ka?" biglaang tanong nito.
Sinagot ko siya ng "Opo" at napatango naman siya. Hindi kona siya nakitaan pa ng ibang emosyon. Her aura is intimidating, yes. Iyon yata ang namana ni Ryden sa kaniya. Wala ka talagang makikitang friendliness sa aura niya.
"Ako nga pala si Yzrael, siya naman ang asawa ko, ang mama nina Ryden at Ryla, si Stella. "
"Nice to meet you po."
"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" Biglaang tanong ng mama ni Ryden na ikinabigla ko.
"P-Po? Oo naman po," I smiled. Pilit akong ngumiti kahit na para akong matutunaw sa kaba. Phew, I guess she was just concerned about his son. Pumikit ako ng mariin palihim. I should understand her acting like this.
"Okay, baka kasi katulad ng mama mo ay bigla ka ring magsawa sa isang tao o kaya naman ay gamitin mo ang anak ko bilang panakip-butas."
Bakit naman nasali si Mommy dito?
"Stella, wag mong isali ang bata." Suway ng papa niya.
"Totoo naman ah, iyong Mommy mo noong college pa kami kilalang kilala ko iyon, nakakakita lang ng ibang lalaki ay nakalimutan niya na na mayroon na pala siyang nobyo."
Napayuko ako roon. I can feel that she don't like me. Pinagsasalitaan niya na ng kung ano-ano ang mommy ko. Wala naman akong alam roon kasi never pa naman niya iyong kinwento sa akin.
Naramdaman ko naman agad ang mahigpit ngunit mainit na kamay ni Ryden na humaplos sa kamay ko.
"Ma, kung wala kang magandang sasabihin wag mo namang bastusin si Ayezza ng ganyan."
However, instead of stop speaking, she said, "Ah, basta ako anak, sinasabi ko lang ang mga maaaring mangyari. Kapag ikaw sinaktan din ng babaeng iyan h'wag na h'wag kang magpapakita sa akin ng umiiyak."
She's wrong. Bakit ko naman sasaktan si Ryden? I don't why she's thinking that way. Oo nga't nangyari iyon dati kay Mommy which is I don't know how. I don't even know if it was true. Ngunit magkaiba kami. Hindi naman iyon namamana sa angkan.
"Baka nga nagmana pa iyan sa 'mommy' niya eh Diyos ko! nawawalan na ako ng tiwala!" Dagdag pa nito na dahilan ng pagramdam ko ng tusok sa aking dibdib.
Tiniis ko na lamang ang mga matatalim niyang salita.
“Stella, hindi tama na pagsasalitaan mo ng ganiyan ang nobya ng anak natin. Nagmamakaawa ako sa'yo, hindi pareho itong si Ayezza at si Harriette. At tsaka, matagal na panahon na iyon.”
“Yzrael, ang mga ganoong bagay ay hindi nararapat ibinabaon sa limot. Kung kaya mong kalimutan si Harriette, pwes ako hindi.”
Nahinto lamang ang kanilang usapan nang tumikhim si Ryden. “Saglit lang po, Ma, Pa. Lalabas muna kami ni Aye.” Malamig na ani nito.
Gusto ko sana siyang tanong kung bakit kami lalabas ng bahay but I didn't have the opportunity to ask since he immediately pulled my hand away from that place. Nang makalabas na kami ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag.
Hanggang sa matapos ang meeting na iyon, I don't know what to feel anymore. I am curious on what did I do to her but then I realize, siguro may nagawang mali si Mommy sa kaniya which is hindi ko talaga alam kung ano man iyon. I didn't even expected that magkakilala pala sila.
"Sorry kanina. Hindi ko naman alam na ganoon ang sasabihin ni Mama." Nasa labas na kami ng bahay nila at para akong nabunutan ng tinik.
"It's okay." I coldly answered.
"No, it's not."
Biglang tumulo ang isang patak ng luha ko mula sa aking mata. Agad siyang lumapit sa akin at pinunasan iyon.
"Hindi ko naman alam kung anong klaseng tao si Mommy dati, at ang sakit lang isipin na iniisip niya na sasaktan kita." My voice cracked. Sa totoo lang, sa relationship namin ni Ryden, wala na akong ibang gustong gawin kundi mahalin lang siya sa makakaya ko. I am trying my best to reach his standard knowing that I don't even know what to do as a girlfriend.
"I know you'll never hurt me. Don't worry."
“I'm sorry but it was just so suffocating to be out there. I don't even know what had happened between your parents and mine, Ryd. It just hurt me when there are people judging me even though never get to know me well. But I know I had to respect her. After all, she's your mother.” I smiled painfully.
Kitang-kita ko kung gaano gumalaw ang kaniyang Adam's apple sa aking sinabi. Umiwas ito ng tingin at agad din namang ibinalik sa akin. “I'm really sorry, Aye.”
Umiling ako. Sa totoo lang, hindi naman ako galit sa kaniya. I'm just frustrated. This thing, me being here in their house is just frustrating. “Don't worry, Ryd. I don't hold any grudge.” I forced a smile but then there was a traitor tear duct that dropped from my eye.
Hindi niya yata iyon natiis. Ibinaon niya ang mukha ko sa dibdib niya. I cried there. Hinagod-hagod niya rin ang likod ko para patahanin ako.
"It hurts everytime I see you in pain, I see you crying. Pero wala naman akong magawa para pigilan ang luha mo. Ayoko rin na magkimkim ka ng nararamdaman."
Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Nilabas ko lahat ng aking luha sa habang nakayakap ako sa kaniya.
"Ang importante ay alam na nila na mayroon akong ikaw. Sapat na iyon dahil alam kung alam nila kung gaano ako kabaliw kakaisip sa'yo, kung paano kita pakikiligin at kung ano ang gagawin ko para hindi ka magsasawa sa akin." He added.
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya.
"I love you."
I said wholeheartedly. It's an assurance for him that I will never do a stupid thing na ikakasira sa amin.
Humarap ako sa kaniya at tinitigan siya diretso sa mata.
"I love you more. More than what you think." he kissed my forehead. Napapikit ako roon. Dinarama ang lambot ng kaniyang labi.
Napalitan ng saya ang nararamdaman ko. I mean it, I really love him. Alam ko sa sarili kong hinding-hindi ko siya pagsasawaan at kayang iwanan.
Minsan, may mga taong medyo kinaiinipan natin dahil sa kanilang gawain but we can't deny na ayaw natin silang nakikitang nasasaktan. We still cared for them...
Kagaya ni Mommy. Minsan naiinis ako kasi bakit ganoon? Why does it seems she really hate Ryden? Wala namang ginagawang masama iyong tao. But I can't deny that I don't want to lose the both of them. Ayaw ko ring makarinig ng panlalait ng iba sa Mommy ko. Syempre nasasaktan ako eh. Mommy ko pa rin siya after all.
Sabi ng mama ni Ryden, kilala niya daw si Mommy since college. I got curious, friends ba sila or magkakakilala lang? Pero base kasi sa mga sinasabi ng mama ni Ryden, parang kilala niya talaga si Mommy kung ano siya at kung ano ang ugali niya. Pero bakit ganoon siya makapagsalita? does she hate my mom?
But whatever that is, mali siya sa sinabi niyang baka saktan ko rin si Ryden. Parte na siya sa akin. Kung sasaktan ko siya, parang sinasaktan ko na rin ang sarili ko.
That day, hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari dahil napagdesisyunan ni Ryden na i-uwi na lamang ako. I honestly feel bad for him about this whole thing. I feel like I need to say sorry for something.
Akala ko ay magiging mas maayos ang bagay-bagay pagka-uwi ko but it seems like I was wrong. Just when Ryden had left me in our gate, that's when I heard another screams.
I heard someone who's talking pero ganoon na lamang ang pighating naramdaman ko nang napagtanto kong nagtatalo na naman sila.
“Bakit ba palagi mo nalang hinahalungkat ang lahat?! Ano? nagsisisi ka na ba kung bakit ako ang nakatuluyan mo? Fuck shit naman oh!” I heard Dad shouted.
Biglang tumulo ang luha ko nang marinig ang pagmura niya. Did he just muttered a curse infront of my Mom?
“Bakit? ako ba ang tangang nagsulat ng isang buong libro at hindi nakatiis, you even made it as a physical book!” Mataray ang tonong pinakawalan ni Mommy.
“What? Hindi ba pinaliwanag ko na sa'yo? I liked writing back then. Dati pa iyon, bakit ba napaka-big deal sa iyo?
“But it is all nonsense! pinapagulo mo lang ang lahat!”
“Hindi gugulo ang lahat kung hindi mo pinapalabas na nagsisisi ka kung bakit ako ang pinili mo!” Dad said frustratingly. “You're just infatuated before, right?” he added.
What's about it? Anong ibig nilang sabihin?
Alam kong privacy na nila kung ano man iyong pinag-aawayan nila but I am really curious. Para na akong timang na nakanganga kakaisip kung bakit wala silang tigil. Nakakapagod din iyong ikaw nalang ang naiipit. Hindi mo alam kung sino ang tama at kung sino ang mali.
“Ch-Chester…”
“Nasabi ni Stella sa akin, you're really inlove with your best friend before tapos bakit bigla nalang naging ako? You told me a lot of reasons na pinapaniwalaan ko naman kasi mahal kita at ayaw kong masira ang pamilya natin pero habang tumatagal, hindi ko na kaya eh parang may mali.” Dad let a heavy sigh.
“Pero dati pa 'yon, hindi pa kita nakilala non,” Mom's voice broke.
Ano na naman 'to? Is this their college days life? May koneksyon ba to roon sa sinabi ng mama ni Ryden?
“I never regretted that I chose you, I chose this family. I'm s-sorry if you think that I've been a whore, flirt or what. I am thankful of what I have now, that I have you and Ayezza. Malaki ang kasalanan ko kay Yzrael kasi I broke him but doesn't mean hindi pa ako nakamove-on sa lahat ng iyon.” My Mom explained.
What's with Yzrael? Ang kilala kong Yzrael ay ang papa lang ni Ryden. Posible bang magkakakilala sila? Should I ask Ryden about this?
Hindi ko alam ang mga pinagsasabi ni mommy. Wala akong maintindihan. All I can say is, their college life is a kind of logic. And I know it won't be easy to figure things out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro