Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter Twenty-Four

Magkasama kaming naglakad pauwi ni Ryden pagkatapos no'n. Hinatid niya ako sa amin pero hindi kami nagkausap saglit kasi takot akong makita kami ni Mommy. Sa totoo lang, I don't want to hide everything about us pero takot rin ako na baka kung anong gawin ni Mommy na ikapahamak kay Ryden. I knew it, she don't want me to be with Ryden. She doesn't want me to be with anyone else but what else could I do?

I'm falling inlove.

"Sleep early, please." Ginulo niya ang buhok ko.

"Oo na, ikaw lang naman 'tong mahilig magpuyat eh." I rolled my eyes.

Tinawanan niya lang ako at nagpaalam na. Pumasok na ako sa gate at dumiretso sa kwarto ko.

Wala naman akong magawa kaya doon lamang ako sa aming terrace at nagpapahangin. I never thought na ganito ang pakiramdam. It makes you crazy to the point na gusto mo lang na ngumiti the whole day. I never regretted my decision na sinagot ko si Ryden. I just hope that our relationship will be peaceful.

Naalala ko tuloy ang characters nuong librong pinahiram sa akin ni Lolo. Chester was so happy there is nang malaman na mahal rin siya ng babaeng mahal niya na si Solari. Kaya masasabi kong nakikita ko ang sarili ko ngayon kay Chester. Pareho kami ng nararamdaman; sayang nararamdaman dahil minamahal kami ng taong mahal namin.

"Ayezza?" Napabalik ako sa aking diwa ng maramdaman kong tumabi sa akin si Daddy. Seryoso ang kaniyang ekspresyon habang dahan-dahang naupo doon sa high chair na hinatak niya sa tabi ko. This is something strange, parang gusto niya yata akong makausap.

"I saw you earlier." Iyan agad ang salubong niya sa'kin.

I gulped. Nagkaroon kaagad ako ng clue. Did he mean iyong kami ni Ryden?

"He's your bestfriend, or boyfriend or what?" He asked coldly.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Lahat ng kaba ay nararamdaman ko. Takot ako sa susunod na salitang maririnig.

"Answer me Ayezza," kalmang pagkasambit nito.

"He's my boyfriend dad..." Mariin akong pumikit matapos kong sagutin iyon.

Mahabang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin matapos kong sabihin iyon. Pati siya ay napabuntong-hininga na rin.

"Oh? I see." Tanging sagot nito na ikinalma ng loob-looban ko.

"S-Sorry for hiding it dad, takot lang naman po ako kay Mommy eh." Nakokonsensyang paghingi ko ng tawad.

He chuckled. "No problem my princess, if that's what makes you happy, kaligayahan mo lang naman ang hangad ko dahil alam kong marami akong naging pagkukulang sa iyo. Just don't cross the line and I hope, hindi ka niya sasaktan." He smiled.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad ko siyang niyakap. I am so thankful to hear those words. Niyakap ako ni dad pabalik. Somehow, it lessen my pain ng naalala ko kung ano ang ikinatatampo sa kaniya dati.

Iba ang saya kapag kayakap ka ng tatay mo. I hugged my Dad tightly dahil sobrang na-miss ko siya biglang ganito. Masaya akong tinanggap niya whatever my relationship with Ryden is.

Weeks after, our Ryden's relationship made stronger. Mas close na kami ngayon at wala naman akong worries sa kaniya. Tama nga ako, he's a good boyfriend. Hindi ganoon ka-possesive at ka-territorial.

“So kailan naging kayo?” tanong ni Ashton habang abala sa pagdi-dip ng biscuit sa chocolate cream.

Narito kami ngayon sa isa sa kwarto ko. It's weekend and we all decided to spend a night here in my room. Sabay kaming tatlo umuwi kanina galing school and our driver brought us here. Nakapagpaalam na rin naman sila sa parents nila and there's no problem with it.

“Few weeks ago na rin. Noong February 2,” I answered while my eyes are on my phone. Ka-text ko kasi si Ryden and I'm just waiting for his reply kasi inutusan daw siya saglit.

Napatakip si Arin sa kaniyang bibig. “Pota, seryoso?! Hala, Aye akala ko M.U. M.U. pa rin kayo!”

“Tsk. Deserve ni Aye ng label 'no!”

“Ano namang problema mo si M.U.? Okay lang din naman iyon, ah.”

Umiling si Ashton. “Ewan ko ba kung makikipag-settle ka ba sa ganiyang set-up, Rin. Hindi naman pang-matagalan.”

“Wow, kailan ka pa nakakapag-isip ng ganiyan? Ano? Date-to-marry era mo na ngayon, Ash?”

I pasted my eyes on him. His eyes were also focused on his phone and as if he's waiting for a reply from someone there or something. May mga segundo kasing hindi siya napapakali tapos agad namang kumakalma kapag tumitig sa screen after ilang minuto.

“I didn't say anything.”

Tinaasan siya ng kilay ni Arin. “Hindi mo rin sinabing hindi.” Tumawa ito ng malakas. “Sa wakas, nauntog ka rin."

Ashton shifted his gaze on her. “Ikaw kaya, kailan?”

“Teka nga, ba't napunta sa akin ang usapan? Di'ba dapat si Aye ang pinag-uusapan natin dito? Isipin mo nga, Ash. After so many years, nagka-jowa din 'tong isang 'to for the first time! Nauntog ka rin pala, Aye?”

I chuckled. “There's nothing wrong about it naman di'ba?”

“Of course! Dapat the both of you should make it strong ha, kasi kung sasaktan ka niyang si Ryden ipapasabotahe ko siya. Sasabihan ko si Lolo at mga tauhan niya.”

Malakas na humalakhak si Ashton. “Tangina, member ka na ba ng mafia ngayon? Di bagay.”

Bumusangot ang mukha ni Arin. “Alam mo ikaw? Ang sarap mong tirisin. Siyempre nag-aalala lang naman ako sa pinsan natin. First time niyang maging in a relationship!”

“Don't worry about me Arin. Wala naman akong naging problema kay Ryden. He's acting just fine. It's not like we're fighting from time to time.”

Totoo naman iyon. Though, hindi maiiwasan na naiinis ako kay Ryden dahil wala lang. Hindi ko kasi alam kung paano makaganti sa mga pang-aasar niya sa'kin kaya naman tinatarayan ko nalang. Kaso mas lalo pa yatang natuwa. Mas lalo akong inasar!

“Saglit lang guys, ah. Sagutin ko lang 'to.” Turo ko sa hawak kong cellphone. Nag-ring kasi bigla ito, pahiwatig na tumatawag ang boyfriend ko. I immediately went to the terrace to answer the phone.

“Hello...” I greeted.

“Hello, have you eaten?”

“Kakatapos lang. Sabay kami nina Ashton at Arin. Ikaw, kain kana rin.”

“Later, I wanna talk to you first.”

“Hindi ka pa kumakain?” Medyo tumaas ang tono ng aking pananalita.

I heard his chuckle. “Pinapatulog ko pa si Ryla. Tsaka, hindi pa tapos si ate sa pagluluto ng hapunan.”

“Hmmm, fine. How's Ryla?”

“Eto tulog. Sayang, dapat pala kanina ako tumawag para magkausap kayo. My sister misses you so much.”

Hindi ko naman maiwasang mapangiti roon. I remember how her eyes glimmers at me. At iyong ilong na kasing-tangos ng kay Ryden. “Pwede naman natin siyang isama next time sa date natin, ah.”

“Sure. She misses you a lot.”

“I miss her too.”

“Paano naman ako?”

Hindi ko maiwasang matawa. “Grabe ka naman, kakakita lang natin kanina. Halos whole day mo pa nga akong hinaharot sa library.”

“I miss you.”

“So, anong dapat kong gawin?”

“Kiss me.”

Namula ang aking pisnge at napairap naman ako sa kawalan. “Kung hahalikan man kita ngayon, screen lang mahahalikan ko.”

“Atleast I know it's meant for me.”

Humalakhak ako. “Ewan ko sa'yo, ang harot mo!”

“Siyempre ikaw na 'yan eh.”

“Ano bang meron sa'kin?”

“Meron kang ako.”

Ngayon naman, napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang tumawa ng malakas. “Ryden, ikain mo nalang 'yan. Kung ano-ano nang ka-cornyhan ang naiisip mo, ah.”

I heard he chuckled. “I'm just telling what's on my mind.”

I bit my lower lip. “Sige. I love you.”

Kumunot ang noo ko nang mapansing biglang tumahimik ang kabilang linya. “Sorry, nabigla lang."

“Anong nakakabigla doon?” I raised my brows. Tsk, Aye. As if he's able to see your reaction now.

“Wala. Pakiulit nga, dugtungan mo na rin ng pangalan ko.”

“Next time kasi, linisin mo 'yang tainga mo at nang marinig mo naman mga sinasabi ko.”

I heard him chuckled for a bit. Base pa lang sa tawa niya'y naiimagine ko na ang itsura niya. He looks adorable when he laughs. “It's not that I didn't hear it. Gusto ko lang talaga marinig ulit.”

“Ryd, I love you. Thank you for loving me and makes me feel like I deserve those kind of love I've read in books.” I really mean it. He never treated me so shitty. Hindi man ganoon ang aking first impression sa kaniya, I realized that he's kind. He's always been kind. I remember that moment when he saved me at the  CR. I really admire his kindness and that's one of the things that made me fall for him.

“Wow pinahaba.”

“Ayaw mo? Edi kalimutan mo nalang.”

We feel in silence. But after minutes, he muttered something so gentle. “I love it. I love you, Aye. Thank you for trusting me. Being your first boyfriend means a lot to me. And I will make sure that I'll be your endgame.”

It was really hard for me to think about having boyfriends and who's the one that deserves me. I know some people might find me too ideal but is it illegal to raise your standard so high? Unless you don't insult people because they didn't reach your standard, I think it's just fine. Kasi actually, it's like our standard in everything sorround us serves as our shield from the bare minimum things that could harm us in the far or near future.

Gagamitin natin ang standard natin para hindi mag-settle sa mga mediocre lamang na mga bagay. We deserve something permanent. Friendship or romantic relationship. We doesn't deserve to be hurt but we deserve to be loved beyond we could imagine. Iyon ang mga narealize ko sa pagbabasa ng mga romance na libro.

Kaya naman, tinataasan ko talaga ang standards ko lalo na sa mga lalaki. And I know that there would be a time that you'll let someone to caress your heart the way you wanted. Or beyond that.

Alam kong may mag-iisip na baka naninibago lang ako sa commitment na ito. Yes, it's indeed my first time to be officially in a relationship but that doesn't mean I'm naive about that thing. I've witnessed a lot of pain and lovings in my sorroundings. Especially in books wherein I actually knows the whole story and somehow, I applied the lessons I've learned there in my life now. In my life with Ryden.

Mabilis lumipas ang mga araw at hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong gumising ng may ngiti sa labi. Today is our first monthsarry. Parang kailan lang ay nag-iisip pa ako kung paano ako aamin sa kaniya but here we are now.

"Ano ba kasing gagawin natin dito?" taka kong tanong kay Ryden.

Pagkatapos ng klase namin kanina ay nag-aya si Ryden na pupunta daw kami rito sa seaside ulit. Pagkarating namin sa kung saan kitang-kita ang sunset ay huminto siya pero magkahawak pa rin ang kamay namin.

"We'll watch the sunset together." He softly said and dropped a kiss on my lips. Tsk, walang warning!

Inakbayan niya ako habang nakaharap kami sa magandang tanawin. I can't deny na patagal ng patagal ay mas lalo akong kinikilig sa kaniya. Kaya naman, mas lalo kong dinikit ang distansya sa pagitan namin.

"Layo ka ng kaunti saglit, h'wag kang gumalaw ah, kuhanan kita ng picture."

Kinuhanan niya nga ng picture ang likod ko na nakaharap sa papalubog na araw. Nilipad pa ng hangin ang buhok ko na nakadagdag sa kagandahan ng tanawin.

“Ang ganda!”

“You're always beautiful though.” He caressed my cheek and gently pinched it.

“Thanks. I'll post this on IG later.” Now, ako naman ang nag-bigay ng halik sa kaniyang pisnge.

Pagkatapos nun ay kaming dalawa naman ang nagpicture. Napuno siguro ng pictures namin ang phone storage niya sa dami nun.

"Sabi nila, kapag daw magkamukha kayo ng taong mahal mo ay kayo talaga ang para sa isa't-isa,” he said in the middle of watching our photos together.

"Naniniwala ka roon?" Kuryuso kong tanong.

"Hindi eh. Depende na rin iyon sa mindset ng dalawang taong nagmamahalan, tatagal talaga sila hanggang sa maging panghabang-buhay,” he looked at me.

"Hmm, sa tingin mo? tayo kaya ang para sa isa't-isa?" I asked out of nowhere.

"I wish and hope to. But don't worry, let's work together to make that happen. Hindi naman natin alam ang takbo ng mundo. Gusto kong kasama ka sa susunod pang mga taon at hangga't maari ay panghabang-buhay na." He answered as he watched the sunset.

Napangiti naman ako roon. Parang may naglalakbay na mga paru-paro sa aking tiyan. There's always something on his words and actions that can lit up my world. Talento niya na yata iyon.

"What if the world won't agree?"

"Don't worry, I'll do everything just to make you mine. And I'll make the world agree." He winked. I chuckled.

Napalingon ako sa kaniya ng bigla siyang humarap sa akin.

"Akala mo siguro nakakalimutan ko ano?" He asked.

"Ang alin?" Nagtaka naman ako bigla.

Bigla siyang lumapit ng lumapit sa akin hanggang sa unti nalang ang distansya sa pagitan naming dalawa. Lumakas lalo ang kalabog ng dibdib ko dahil sa baka anong gagawin niya. Assuming na kung assuming pero kinakabahan talaga ako.

Lumapit ang mukha niya sa'kin at iyong dibdib ko'y feeling ko ay lalabas na anytime. Lumuwag ang pakiramdam ko nang naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Napapikit ako roon.

"Happy monthsarry, please stay... " He held my hand.

"Happy monthsarry..." Kusa akong napangiti habang nagkasalubong ang aming mga mata. "Yes, I'll stay basta h'wag ka lang maglihim." I laughed.

Bumalik kami sa panonood ng paglubog ng araw. Everything today is so fine. I hope that we can stay like this forever. Dati iniimagine ko lang ang ganito without knowing kung sino ang makakasama ko sa gantong moments. He's the first man who taught me so many lessons not just in life but also in... love.

One thing. We will both work for our love to make this last forever and make our dreams happen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro