Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter Twenty-Three

Hindi ko alam kung ano ang aking iisipin. Yes, I like Ryden but I don't think so na handa na akong pumasok sa isang relasyon. I can't imagine my self saying those sweet words kasi parang nakakahiya. I might have to do things just like those fictional girlfriends do! Parang hindi ko pa kaya. I want to be with him but I'm not yet ready, mukhang kailangan ko pang mag-isip ng ilang araw.

Masayang masaya ako sa araw na ito to the point na feeling ko parehong saya na ang nararamdaman namin nuong kinakasal kanina. Masaya akong marinig ang mga salitang kaniyang binitawan. I hope he won't fool me.

Narito ako sa backseat ng sasakyan namin habang tulalang nakatitig sa bawat dinadaanan namin. Iniisip ko ang mga bagay na aking gagawin.

Maiintindihan niya naman siguro ako 'no? I mean, I cleared things for him. I told him that I might not ready yet to enter those huge commitment. However, I want to think thoroughly about it so that I would not regret anything at the end. I want to be a girl who's deserving for his precious heart.

Payapa kaming nakauwi galing sa event at pagod na pagod naman ang nararamdaman ko. Kaya naman pag-uwi ko ay nagpaalam na ako kay Mommy para matulog na but the truth is, gusto ko lang talaga na makausap si Ryden ulit.

Ryden:

tara sa library bukas. I miss you :(

Me:

luh ganon? e kakakita lang natin sa isa't-isa kanina.

Ryden:

I miss u, aye

Dumaan ang ilang minuto ay nag-iisip pa sana ako ng irereply sa kaniya kaso bigla siyang tumawag! Halos mapabalikwas ako sa aking kinahihigaan nang nakita kong tumatak ang kaniyang pangalan sa aking screen. Kaya naman ay agad akong nag-ayos ng sarili bago sinagot ito sa FaceTime.

“Hey, gabi na ah, ‘di ka pa matutulog?”

Napalunok naman ako roon. Lalo na nang makita ko ang itsura nito ngayon. He's wearing a white shirt and obviously laying in his bed. Agad kong nilayo ang mukha ko sa camera para magtago ng ngiti. Hindi naman ito ang first time namin na nag-video call pero wala lang talagang pinagbago sa impact niya sa'kin. Shit, he's still courting me yet I'm already acting this way. Halatang marupok!

“Umm, later na. Hindi pa ako inaantok.”

Moments passed, I don't know if he's doing something in his phone kasi hindi siya nagsasalita. He was just there, staring at me—at the screen.

Sobrang nadedepina ang kaniyang makapal na kilay. Bumabagay ito sa mga mata niyang parang nang-aakit. He has piercing eyes at para bang kapag tumitig ka rito, you couldn't take away your eyes from him. For me, it is such a huge privilege to be stared by those mesmerizing eyes.

“You're handsome.” Wala sa sarili kong sambit. Ilang segundo ri’y napagtanto ko ang aking ginawa kaya naman agad akong napatakip sa aking mukha sa camera. “Shit,” I muttered.

I hear him chuckle that made me blush more. “Kaunti nalang talaga, iisipin ko rin na may nararamdaman ka rin para sa'kin.”

To defend myself, I rolled my eyes. “Tsk. I am just saying that I find you attractive.”

“Well atleast, you find me attractive. My girl finds me attractive.”

“I'm not yours.”

“Really? Fine. Soon, I'll turn you into one.”

Hindi ko alam pero parang namanhid yata lahat ng parte ng aking katawan. It was like I'm being electrified but the ironic thought about it, I'm loving the feeling.

“Confident mo naman. Bastedin kita diyan, eh.”

He cleared his throat. “Aye, I'm serious. I want you, I want to court you. Papayagan mo ba ako?”

“Ilang beses mo na 'yang tinanong sa'kin kanina pa ah.”

He smirked. “I mean it.”

“Pinapayagan naman kita... I am just thinking about it, okay? We'll get there din.”

“No problem, I'm not in a rush. I just want you to know that I'm courting you.”

“Fine. Pero kapag nalaman kong may nililigawan ka ring iba, ekis ka agad sa'kin, ah. Walang second chance second chance.”

Inabot pa kami ng hating-gabi kakausap sa isa't-isa. But I didn't mind it. I love talking to him at tsaka, it's not like he's forcing me to talk to him instead of sleeping. Hindi lang talaga namin namalayan ang pagdaan ng oras. Parang ang bilis kasi, eh.

Kaya naman nang maghating-gabi na, nagpaalam na kami sa isa't-isa at natulog ako kaagad at kinabukasan ay tanghaling nagising. Parang sa isang iglap lang ay lunes na naman. Nakakapagod mag-aral pero siyempre hindi iyon dahilan para umabsent ako. Also, I want to see him.

***

I am really happy about how my day went. I and Ryden spend another time at the library. Wala kaming ibang ginawa buong vacant time namin kundi magbasa lang ng libro doon. It means a lot to me. Especially when we are both reading my new favorite book.

“Why does it have to end that way, though.” Malungkot kong saad. Magkatabi kami ngayon ni Ryden habang nagbabasa ng libro at ang aking ulo nama'y nakasandal sa kaniyang balikat.

“Kasi red flag iyong lalaki. He's very abusive towards her girlfriend. Kapag sila ang nagkatuluyan sa huli, their relationship would be unhealthy. Kawawa iyong babae.”

Bumuntong-hininga ako. “Alam ko naman iyon. Naiintindihan ko naman iyong point but it's just so painful. Alam mo, masaya naman ako para sa kanila but it was just so painful that they have to end up that way.”

“Ganoon naman talaga. Kaya nga if a story is full of tragedy, I'd appreciate if it ends them being in separate ways. Kasi, kapag pinipilit mo ang isang pag-ibig, pareho lang kayong masasaktan. Kung hindi naman kayo, maaaring iyong mga tao sa paligid ninyong dalawa ang masasaktan. That's why, sometimes giving up is the best way to do.”

Napatango naman ako sa punto niya. Actually ay mas nauna pa niyang natapos iyong libro basahin kaysa sa'kin. Sinamahan niya lang talaga ako at hinintay kung kailan ako makatapos.

“Ryden, if I will give up on something that really means to me, or to us, magagalit ka ba?”

He shifted his gaze at me. “I may get frustrated but at the end of the day, I'll choose to understand you.”

I smiled and just buried my head on his shoulder.

***

“How's school Ayezza?”

Nang mag-uwian na ay namataan ko kaagad si Mommy na pababa mula sa hagdan. Sinalubong ko siya ng halik sa pisnge.

“Okay naman po, My”

“That's good to hear.” Ngumiti siya sa akin ng simpleng ngiti.

Matapos ang batian namin ay umakyat na akong kwarto para ilagay ang mga gamit ko roon. Ginawa ko na rin ang homework namin bago maghapunan.

“AYE!”

Nasa panghuling baitang palang ako ng hagdan ay rinig ko na agad ang boses na matinis mula kay Arin.

“Arin! Anong ginagawa mo dito?” Minsan lang kasi siya nagi sleepover dito sa amin kapag weekdays.

“Mamaya ko na lang sasabihin basta kumain daw muna tayo sabi ni Tita.” Tinitigan niya ako na para bang may pinaparating siya sa mga titig na iyon. Alam ko na agad na tungkol na naman sa nararamdaman ko kay Ryden iyon.

Matapos kaming kumain roon ay dumiretso na kami ni Arin sa kwarto ko para gawin ang homework niya. Isa sa mga dahilan niya na pumarito siya dahil ang hirap daw ng homework namin at magpapatulong daw siya kahit ang totoo naman ay balak niya lang talagang mangopya sa'kin.

“Hay, salamat natapos na rin. So ano na, Aye? Kamusta naman tayo diyan? Baka in a relationship na 'yan tapos di pinaalam sa'kin. H'wag ganon ha, nakakatampo 'yon,” pagsususpetsya ni Arin. Sinapak ko naman siya sa braso niya tapos ang oa pa ng reaction.

“Hindi noh! ganoon pa rin naman eh.”

“Weh, di ako naniniwala. Eh anong nangyari roon sa 'talkie talkie' niyo last time? pabulong naman!” Panay siya kalabit sa'kin na para bang hindi niya hahayaang lumipas ang araw na'to nang walang nalalaman.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa kadaldalan niya. 

Sinabi ko sa kaniya lahat ng nangyari sa araw na iyon. Iyong pinagtatawanan ako ng mga tao roon na kumakain din, kahit nakakahiya pero gusto talagang malaman ni Arin eh. Sarap na magpalamon sa lupa!

“Sana all, french fries.” Humalakhak ng malakas si Arin. Tinampal ko tuloy siya kasi baka marinig pa nina mommy na baka ngayon ay natutulog na.

“Ano pa? Anong nangyari after n'on?”

“Ayon, tinanong niya lang ako na baka gusto kong pumunta ulit roon next time na kasama siya.”

Nanlaki ang mata niya roon. Niyugyog niya ako ng pagkalakas-lakas feel ko na! malapit nang humiwalay ulo ko! “Yej! Alam ko na yang galawang yan may gusto rin yon sa'yo!”

“Tsk, ayon nga eh. Actually, nung isang araw sinabi niya sa akin na liligawan niya daw ako. Eh hindi ko alam kung anong gagawin ko, Arin!”

Mas lalong lumakas ang tili nito at para bang mas kinikilig pa siya kaysa sa akin. “OMG! Wow, ang haba naman ng hair mo! Crush mo pa talaga ang nanligaw sa'yo? Hoy, Aye, ah. Baka ginayuma mo na pala 'yun ah.”

Tumawa ako. “Sira, hindi ko nga alam kung sasagutin ko ba eh.”

"Eh, kailan mo ba balak sagutin?" Parang nanay na nagtatanong sa anak na tanong ni Arin. Narito kami ngayon at nakasandal sa railings ng terasa namin.

"Hindi pa kasi ako handa eh, baka hindi magtagal ay magsasawa din siya sa'kin kasi hindi pa naman ako marunong mag-handle ng mga ganyang bagay."

Iyon ang nakakapag-alala. Sabihin na nating napaka-ignorante ko pa sa bagay na iyan. Well, ewan ko kung sapat ba ang mga nalalaman ko at natutunan ko sa mga romantic stories na binabasa ko but those stories kasi, it's all fictional at malayo sa realidad. Magkaibang mundo ang ginagalawan kaya hindi ko alam kung paano ko malalaman kung magkapare-pareho lang ba ang takbo ng isang relationship.

"Kaya nga di'ba, just try it! It's a part of growing up girl! Well, ngayon nga ay hindi na ako nagsisisi kung bakit ko naging boyfriend si Kenneth. After all, he brings lessons to me. Ipakita mo lang ang tunay mong nararamdaman at magtiwala ka sa inyong dalawa. There's nothing wrong on taking risks. Just do it before it's too late, Aye," she answered.

It's a part of growing up, indeed and I might regret things I wouldn't try it, right? And I trust Ryden enough. I just hope that he's not capable of hurting me and breaking me into pieces.

"Dapat nga masaya ka eh kasi mahal ka din ng taong mahal mo, eh ako halos mapaos na ako kakasigaw sa nararamdaman ko roon sa kumag na Caerro, wala pa rin." Malungkot niyang sabi.

Pati ako ay nakaramdam din ng lungkot. Nasaksihan ko kasi ang pagiging ma-effort ni Arin kay Caerro pero hindi man lang siya nito pinapansin. Kahit kailan.

"Nakakapagod din eh, para akong umaasa sa wala. Kung sana lang ganoon lang kadali patigilin ang nararamdaman ko pero marinig ko lang ang boses niya, ayon nahulog na naman. Kaya minsan napaisip din ako, hanggang kailan ako aasang darating ang panahon na hindi ko na siya kailangang tawagan pa kasi siya na ang kusang lalapit sa akin? Napakarupok ko talaga ano?"

It's her first time na sabihin ang kaniyang nararamdaman sa akin na klarong-klaro. Pero nakakalungkot isipin na ang mga salitang iyon ay puno ng pighati.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Walang mali sa pagiging marupok Arin, ang problema roon ay kung paulit-ulit ka nang nagpakatanga to the point na kinakalimutan mo na ang sarili mo," I said.

That night ended

“Hoy pa-señorita ka? Gumising ka na diyan kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig!”

Inaantok kong kinukusot-kusot ang aking mata. “Oo na, eto na nga eh”. Kahit labag pa sa loob ko ay pinilit ko ang aking diwa na magising para hindi kami ma-late.

Magkasabay din kami ni Arin na pumasok sa classroom at pagkarating roon ay ang aga nga namin. Kaunti pa lamang ang mga estudyante na naglilibot sa campus at estudyante dito sa loob ng classroom namin.

Me and Ryden got closer each day passed by. Kung dati, kinamumuhian ko ang ugaling pinapakita niya hindi lang sa akin, now I'm starting to appreciate every inch of him. Lalong-lalo na't mas gentleman na siya ngayon.

He never let me to bring heavy things and also he never failed to make me smile and make my mood light up. Naiisip ko tuloy na if ever sasagutin ko siya, he will be a perfect boyfriend.

A few weeks passed by. Ilang gabi ko ring pinag-isipan iyong sinabi sa akin ni Arin the last time. At sa tuwing kasama ko si Ryden, isa lang ang naiisip ko. I'm scared to lose him.

Nang mag-uwian na ay nagpaalam na ako kina Arin at Quinn na hindi muna ako sasama sa kanila ngayon kasi may pupuntahan kami ni Ryden. We are planning to go to the nearest seaside to witness another sunset. Kapag wala kaming homeworks ay palaging ganoon ang ginagawa namin ni Ryden.

"Uh, congrats nga pala kanina." Ngumiti ako sa kaniya. Magkatabi kaming nakaupo sa bench dito at hinaharap ang dahan-dahang pagbaba ng araw.

He smiled. "Sorry, I didn't made it."

Kanina kasi ni-reveal ang honor students sa aming section. Quinn became the top one; with high honor. Pareho silang dalawa ni Ryden kaso mas lama ng isang puntos si Quinn and that made Ryden as the second one. Habang ako nama'y pang-lima. It doesn't matter to me that much, though.

What? Why is he sorry?

"Tsk. It's a great achievement already, Ryd."

“Thank you... for appreciating.” He smiled at me and kissed me on my forehead. Sinandal ko naman ang aking ulo sa kaniyang balikat while our hands are intertwined.

In that moment, I realized so many things. Naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Arin. Hanggang kailan ako magiging handa? dahil lang ba hindi ako marunong humandle ng relationship? I can learn that anyway. Inaamin ko, I don't want to lose this man. Yes, I trust him because I know that he's already a grown man. Kaya ano pa bang hinihintay ko?

Nakaupo lang ako dito sa kaniyang tabi.  Nababagabag ako sa mga bagay-bagay. Tahimik lang kami sa mga minutong nagdaan. We were just busy watching the sun goes down slowly from the horizon. Nag-antay kami nang dumilim na.

"Tara na, baka gabihin pa tayo."

"Uh, Ryden..."

Napabaling naman ang atensyon niya sa akin.

"About d'on sa sinabi mo last time,"

Gosh! I don't know how to say! Ngayon ay ramdam ko ang lahat ng kaba na para bang nagpaulan ng kaba ang kalangitan. To the point na nawalan na ako ng salita sa bibig ko.

Since hindi ko naman alam ang sasabihin ko, I just grab him and hug him tight. In this way, sana maintindihan niya ang pahiwatig ng aking yakap.

"Is this a... yes?" he asked in the middle of my hugs. Tango lamang ang sinagot ko sa kaniya.

Sa bigla niya ay hinarap niya ako sa kaniya. I dropped a kiss on his lips.

"Really? You are mine now?" he asked gladly.

I want to cry while seeing the happiness on his eyes! Tumango ako bilang sagot. And just that, he hugged me very tight.

Gosh, hindi ko alam na ganito ang pakiramdam. Para akong nilipad sa ulap!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro