Chapter 21
Chapter Twenty-One
“Seriously, why did you kiss me?”
“Seriously, why did you kiss me back?”
Halos mapairap na lamang ako ngayon sa aking kinatatayuan. And yes, I didn't stopped myself from rolling my eyeballs at itong isang 'to ay parang natutuwa pa.
“Kailan mo ba ako sineseryoso, Ryden?”
Because of my tone, nawala ang kaninang multo ng ngiti sa kaniyang labi at natahimik ito. He loosened up a bit and I even saw him shifted his gaze and how he licked his own lips as if he doesn't know what to do. Kanina ko pa kasi siya tinatanong ng maayos, ayaw namang sagutin. Hibang ba siya? Seriously? Why did I even fall for him?
“Okay, sorry about that.” His voice softened.
“About the kiss?”
“No! I mean, about me teasing you.” He paused. “Gusto ko lang na nakikita kitang naaasar. You're so cute when you're pissed off, Aye. Lalo na pag pinagtaasan mo'ko ng kilay.”
I managed myself not to be distracted. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. He's basically saying that I'm actually a short-tempered type of woman. Well, I don't care. He must deal with it. Besides, siya naman ang dahilan kung bakit laging kumukulo ang dugo ko.
“Ewan ko sa'yo, para kang ewan.” Umirap na lamang ako at nilampasan siya para pumunta na sa counter.
He suggested me a book a while ago and I also chose a book, iyong enemies-to-lovers trope. Iyon ang bibilhin ko for today. Ayaw kong damihan kasi nagsisiksikan na sila sa bookshelf ko. Saka na siguro kapag nalagay ko na iyong old books ko sa library ni Lolo. It still has a huge space there.
“Aye, I'm sorry.”
“Ang harot mo, may CCTV.” Tinampal ko ang kaniyang kamay na agad-agad natagpuan ang akin. Nasa bulsa ko lang kasi iyon kaya naman hinigit niya agad-agad mula sa aking likuran.
“And then? I just want to say sorry.”
“Hindi nga ako galit.”
“You're lying. I know you are.”
“Gusto mo pagalitan nalang talaga kita? Get off your hands off me! May CCTV!” mahina kong singhal rito. Plano pa niya kasing harutin ako dito sa counter. Pasalamat siya kakaunti lang ang tao dito ngayon kundi ibabalibag ko talaga siya.
“Ano bang problema mo sa CCTV? Hindi naman nangangagat diyan?”
“Tsk. Paano kung makita tayo ni Daddy? And, my goodness, a lot of employees here knows who I am and I would never get shock kung may makakaabot man na balita kay Dad bukas na bukas na may kaharutan ang anak niya habang pumipila sa counter.”
He chuckled at my back ngunit mahina lamang iyon. “Okay, fine. Let's just talk later, hmm?”
“Oo na.”
Nang matapos ko nang bayaran iyong pinamili naming libro, sabay na kaming lumabas sa store na iyon and Ryden even insisted na siya nalang ang magdala ng pinamili namin. Hindi nako pumalag pa dahil magaan lang naman iyon. It just contains three books.
I was busy checking my phone while we're walking. Wala namang problema at hindi na'ko dapat pang mag-alala kung madadapa ba ako o mabundol dahil hawak-hawak ni Ryden ang aking kamay at halos magkadikit na kaming dalawa habang naglalakad. Nang makadaan kami sa isang wall na may salamin, I decided to stop by to check on how do I look.
“You look gorgeous, Aye.”
Nagpigil ako ng ngiti ng marinig ko iyon galing kay Ryden. “Haggard ko na nga eh.” I sighed.
“Huh? Haggard na 'yan sa'yo?”
Pabiro ko siyang inirapan. “Tigil-tigilan mo nga ako diyan, Saldivar.”
He let out a soft chuckle. “I'm not kidding, Aye. You're so beautiful. One of the reason why I like you; you always know how to make yourself looks pretty in any moment.”
Really, huh? Was I really like that? Hindi ko man lang iyon napansin sa sarili ko.
“Thanks!” I smiled at him and immediately dropped a kiss on his cheek. Halata namang kinagulat niya ang galawan kong iyon. Tsk, I'm just giving a hint that I also likes him. Ayaw ko pa ring umamin, parang ang aga pa para sa aming dalawa. You know, I wanna take things slowly.
“Damn, ang sweet ng crush ko.”
“Halika lapit ka, picture tayo.” I pulled him closer beside me. Agad ko namang si-net ang phone ko sa camera and I took us a mirror shot. Ilang takes rin iyon. Sa ibang pictures naman, Ryden snaked his arms around my shoulder and leans his head onto mine. I couldn't stop my smile. Damn, kinikilig nga ako. Hindi ko na iyon pinalampas at dinamihan ko na ang picture na kinuha ko.
“Is it fine if I'll post this on my story?” Hingi ko ng permiso dito. We were just both leaning towards the handrails behind us. Narito kami sa ibabaw kaya naman kapag dumungaw ka'y kitang-kita mo ang mga nasa baba. We're actually at the second floor of the building.
“I wouldn't mind, please mention my name.”
I turned to him and smiled. “Of course!”
Habang ina-arrange ko ang pictures namin para sa story ko, he was watching me while his chin are on my shoulder. He obviously could see anything that I am doing right now though, I don't mind. Ito lang naman ang ginagawa ko.
“Anong ica-caption ko?”
“Hmm, do you want me to decide?”
Tumango ako. “Pwede rin. Bakit? May naisip ka ba?”
I am expecting him to do so that's why I handed him my phone and let him do what he wants with it. Bahala na kung anong gusto niyang i-caption. I wouldn't mind. Agad naman niya itong tinanggap at nagtipa siya ng kung ano roon. Ilang segundo lang ay binalik niya na iyon sa akin.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa nilagay niyang caption. It was ‘wednesday date w/ @rydn_sldvr’ Hindi na'ko pumalag sa mga ginamit niyang terms doon. Gusto ko rin naman eh. Kaya naman, agad ko ring pinindot ang button para ma-post na iyon.
After that, we continued walking. I am thinking that he's actually planning on having this kind of date kasi parang alam na alam niya na ang gagawin next. It was like he has a secret itenerary in his mind. Though, sa mga ginawa at pinuntahan namin ay hindi naman ako na-bored. Ganoon siguro talaga kapag nahulog ka sa isang tao. Hinding-hindi ka mabo-bored as long as kasama niyo ang isa't-isa.
Palabas na sana kami ng mall ng pareho naming napagtanto na malakas pala ang ulan. Kaya naman ay paglabas namin doon ay agad kong niyakap ang sarili dahil sa lamig na naramdaman. Damn! We doesn't have any umbrella with us. Paano na'to? Paano kung hindi titila ang ulan? Paano kami uuwi ni Ryden? Dumagdag pa iyon sa mga iniisip ko.
Nakatingin lamang ako sa bawat patak ng ulan ng naramdaman kong may bumalot sa akin. Napaawang ang aking labi nang mapagtantong isinuot ni Ryden sa akin ang kaniyang itim na hoodie.
“Paano kung lamigin ka?” malumanay kong tanong rito.
“Ayaw ko rin namang lamigin ka.”
“Thanks, Ryd.”
“Anything for you.” This time, he was the one who kissed my on my cheeks. Halos mapako ako sa aking kinatatayuan dahil sa ginawa niya. Goodness, how dare he do things as if they were just nothing? Does he even think how his acts affects my whole freaking system?
Ngunit, ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at sinuot na ang jacket niya dahil nilalamig na talaga ako. I can even smell his scent at para bang nahawaan ako sa bango niyang iyon. At dahil mas kalakihan naman ang katawan ni Ryden kaysa sa'kin, nagmukha akong cartoon character sa jacket niya. But I didn't mind, it's much better that way kasi hindi na ako masyadong nilalamig.
“Hindi ka ba nagugutom?” Ilang minuto ang dumaan ay tinanong niya ako.
“I'm fine. Nilalamig lang talaga ako. By the way, are you sure you're okay? Halata namang nilalamig ka rin.”
He shook his head. “Okay lang nga sa'kin. Don't worry about me, okay?”
“What if let's just find something to eat atleast? Hapon na rin naman na.”
“Okay fine.”
I was watching him almost trembling in coldness and I want to do something about it kasi ayoko naman siyang hayaan na nakatayo lang roon at nilalamig. Kaya naman, nang naglalakad na kami ay hinawakan ko ang kaniyang kamay. That is my way to lessen his coldness and I hope it's effective.
We stopped by a bistro. It was the nearest food hub that I could think off. I and Arin had been here so many times and the quality of their store wasn't even bad. Worth it naman ang prizes ng mga pagkain kasi hindi naman siya mabigat sa bulsa. Kaya nga dati kapag wala kaming choice at tinatamad nang maghanap pa ng mga fast food restaurants ay dito nalang kami.
“Uy Ryden—Uy ikaw iyong anak ni Ma'am Harriette di'ba?” When we both settled with our seats, a guy went to us. I doesn't even know who he is pero tumango lang ako. Baka akalain pang masama ang ugali ko 'no.
“Opo,” I smiled at him.
“Jowa mo ba to pre? Ang ganda ah, iba talaga pag pogi.”
Tumango lang si Ryden sa lalaki at halata pang tinatamad itong makipag-usap. “What are you doing here anyway?”
“Pucha, english?” Tumikhim ito. “Kumain lang ako saglit pero aalis na rin naman ako. Sige, mauna na'ko sa inyo, bye.” Paalam nito at naglakad na paalis.
Sinundan ko iyon ng tingin at hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi makita. I immediately shifted my gaze to Ryden afterwards. I even caught him staring intently at me while holding his phone.
“Kilala mo ba 'yun?”
He raised his brows. “Kaibigan ko lang dati. Sa previous school ko.”
Tumango lang ako. “Wew, how did he even recognize me?”
“Nagpa-part time siya dati sa SLP. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba'y sa SLP pa rin siya nagtatrabaho.”
Tumango-tango na lamang ako. Abala ako sa pagmamasid sa paligid ng maliit na kainan nang maramdaman kong lumingon si Ryden sa akin. “Anong sa'yo? ”
“Kahit ano na, ikaw nalang bahala.”
So, Ryden ordered isaw for us. Mayroon pang iba pang mga streetfoods na hindi ko naman alam kung anong tawag. Most of the time kasi ay burgers lang and sandwich ang kinakain namin ni Arin dito. Kaya naman ay tinitingnan ko talaga ng maigi ang mga pagkaing in-order ni Ryden para sa amin.
Sa totoo lang hindi naman ako maalam sa ganitong uri ng mga pagkain kasi hindi naman ako pinapayagan ni Mommy sa pagkain ng isaw. Marumi daw iyon lalo na ang laman. Pero hindi naman siguro sila magbebenta ng marumi dito di'ba? Kaya gusto ko na ring i-try.
Naupo na kami ni Ryden doon sa may table na malapit lang sa counter. Nilagay ni Ryden sa plato ko iyong parang french fries na tinuhog sa stick. I don't know the name of it, gosh. I stared intently to it. Doon sa nakatuhog pa. Well, it looks exactly like french fries kasi medyo mahaba-haba naman siya kaso lang, parang naka-C shape siya and it looks much softer.
“French fries 'to di'ba?” Medyo napalakas pa ang boses ko.
Pinagsisihan ko naman agad iyon ng lumingon ang ibang customers sa'kin at kitang-kita ko pa ang nagpipigil na tawa ni Ryden. What? Why are they staring at me? Did I do something wrong? wasn't this a french fries? But it looks exactly like one! Nakakailang ah, may nagawa ba ako?
“Sosyal, french fries pa nga. Iba talaga 'pag mayaman.” Dinig kong bulong niya na natatawa pa ng bahagya.
Narinig kong bulong sa likuran ko, mas napahiya naman ako ng tumawa na nga si Ryden ng mahina. Dahil sa inis ko'y binato ko siya no'ng tissue kaya huminto rin siya kaagad. Kitang-kita ko ang pag-alog ng balikat niya kanina, huh. Lagot ka sa'kin mamaya, Saldivar!
He then stared at me so I raised a brow.
“What?”
“Hindi kasi yan french fries, tempura tawag diyan. Ang layo naman niyan sa french fries.”
Tawang-tawa pa rin siya.
“Tawang-tawa ka? What's nakakatawa ha? Kasalanan ko bang ngayon ko lang nalaman?” Irap ko sa kaniya. Nakaramdam agad ako ng pagkapahiya.
Bigla naman siyang naging seryoso.
“Hmmm, seryoso ka hindi mo alam 'to? Grabe naman, ang lapit lang ng tindahan na'to sa SLP eh.”
“Yeah, but Mom would never allow me.”
“Bakit naman? There's nothing wrong eating with this kind of foods.”
I shrugged. “Maybe she was just being conscious. Dati pa rin naman iyon at bata pa ako. Tumatak lang talaga iyon sa isipan ko kaya hanggang ngayon ay sinusunod ko pa rin.”
“Well, I couldn't blame them.”
Hindi na ako umimik at kinain na lamang iyon.
“Did you know? this is my first time to eat street foods. Okay naman pala no?”
I stared at him hanggang sa tumitig siya pabalik. Gosh, I think parang nawalan ng balat ang mukha ko!
Tumitig siya sa akin na para bang kinakabisado niya ang bawat detalye sa mukha ko saka siya nagsalita.
“Wanna go here with me next time?” tanong nito sa malalim na boses.
May next time pa? Habang ini-imagine ko ang thought na iyon, hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Feeling ko tuloy, unti-unti na akong nagaya kay Arin sa pagiging obsess sa taong gusto niya.
Iyong mga tuhod ko ay bigla nalang nagnginginig dahil sa mga titig niya. Okay, I'm falling really deep. Kasing lalim ng boses niya. Hulog na hulog na ba talaga ako?
Tahimik lang kaming kumakain doon kaya naman dinalaw ko ulit ang socmed accounts ko habang abala sa pagnguya ng pagkain. I went to my Instagram to check up my story with him. Ngunit pagkapindot ko roon ay may agad na pamilyar na post ang bumungad sa aking news feed. Napaawang ang bibig ko.
It was Ryden's post. A photo of me—looking away. It was posted just minutes ago so that means kakakuha lamang rin ng litrato. I was wearing his black hoodie jacket habang ang tingin ay nasa malayo. Hula ko'y kanina ito habang sinundundan ko ng tingin iyong lalaki nang umalis na ito.
“R-Ryden?” I stuttered. Though, hindi naman nakikita ang kabuuan ng aking mukha kasi may pagka-blurry iyon.
“What?”
“What's with the caption?”
Agad kong pinakita sa kaniya ang sarili niyang post. And yes, what also caught my attention is the caption!
‘I'm hers, Only her.’
He smirked. “I don't care if you won't claim me as yours, Aye. Basta para sa'kin, sayong-sayo ako at para sa'kin. Ikaw at ikaw lang.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro