Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter Twenty

Pagkatapos ng mahaba-habang usapan namin na iyon, ay kinatok kami ni Tita Aria para maghapunan. Bumaba na kami ni Arin matapos kong magbihis. Nanghiram lang ako sa kaniya ng t-shirt at shorts.

Nang makarating na kami sa hapag, naroon na si Tito Dave at pati na rin si Rianne. Sa aming magpipinsan, si Rianne talaga ang pinaka mahiyain. Minsan lamang siyang nakikipaghalubilo sa amin at napaka-tahimik pa.

Marami kaming pinag-usapan sa hapag dahil maraming kinwento si Tita Aria. Siya iyong uri ng tao na napaka enthusiastic talaga na para bang may gana talaga siya sa lahat. Hindi na talaga ako magtataka kung saan nagmana si Arin. Si Tito Dave naman, siya iyong mahilig magbiro at masasabi kong nagmana siguro sa kaniya si Kuya Vourne and Rianne? I don't know much about her.

That night, I feel so much at peace. I and Arin sleep late at that night. Nang mag-alas dose na ay saka palang namin napagdesisyunan na matulog kasi tinapos lang namin iyong bagong release na movie ngayon sa Netflix. Nauna nang matulog si Arin kaysa sa'kin kasi nag-CR pa ako saglit at nag-check pa ako sa mga socmed accounts ko.

Nang mapadpad ako sa aking Instagram, nakita kong may story si Ryden. I got curious so I clicked it without thinking twice. It was an annotated qoute from a book.

“She is like a book that I would never get tired of reading. All the words printed into her page are all beautiful. It may have sadness written but the beauty was still there. I'm like a curious reader when it comes to her. Everything that I've learn about her sinks in to my soul and it will forever stay there, fresh and alive just like the first time.”

Napaawang ng kaunti ang aking labi nang mabasa ang qoute na iyon. I'm not even sure which book it was. Pero ang isa pang bagay na nagpagising sa inaantok kong diwa ay ang caption na nilagay niya sa ibaba. ‘Aye love you.’

What was that?

Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at natulog nalang.

Nagdaan ang mga normal na araw na puro pag-aaral ang inaatupag ko. Napakabilis talaga lumipas ng mga buwan dahil malapit na naman ang aming exam para sa ikalawang markahan. Parang nag-time laps lang ang lahat ng weekend na dumaan. Ngayon palang ay napapagod na'ko sa tuwing iniisip ko na magrereview na naman ako.

“Ayun, oh! Aye, lapitan mo na dali!” palagi kong binababa ang kamay ni Arin na walang alinlangan na tinuturo si Ryden sa di kalayuan. Nandito kasi kami ngayon sa pathway ng field habang si Ryden ay nakaupo sa isa sa mga bench doon sa unahan.

“Tumahimik ka nga baka mahalata tayo, ano ka ba!” Pigil ko sa kaniya.

“Goodness, perfect timing na 'yan oh para magconfess. Sige ka mauunahan ka ng ibang haliparot diyan.” She grinned.

“Magco-confess nga ako pero hindi na muna ngayon okay!”

“Sinong magco-confess?"

Para akong nalagutan ng hininga ng marinig ang boses na iyon. Kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari no'n! Saka ko lang narealize kung bakit nalapit kami sa kaniya, kanina pa pala ako tinutulak- tulak ni Arin patungo sa mismong harapan ni Ryden! Narinig niya kaya lahat? Sana naman hindi. Nakakahiya at hindi pa ako prepared!

Hindi ko nilingon si Ryden at para lang kaming estatwa ni Arin dito.

“Hoy, anong nangyari sa inyo?” Saka lang kami nagising ng tumayo si Ryden at humarap sa akin.

“U-Uh, nandoon sa kabila si Caerro, bye na, Aye! Hindi ka naman makaka relate sa fangirling life ko kaya diyan muna kayo ha! Mag talkie talkie nalang kayo ni Ryden!”

Napaawang ang aking bibig na tinanaw si Arin. Para akong pinagkaisahan ng mundo. Iiwan ba naman niya ako dito sa harapan ni Ryden? Gosh anong sasabihin ko?

“Ayezza, kanina ka pa diyan, may stiff neck ka ba?”

Unti-unti kong nilingon si Ryden at grabe! Newly trimmed ang buhok niya na mas na-depina ang itsura niya. Sa mga sandaling iyon ay nakatitig lamang ako sa kaniya. My heart is beating so fast again. Bigla naman akong nakaramdam ng init sa magkabilang pisnge. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano talaga siya ka-gwapo!

“H-Hi,” nahihiya kong bati sa kaniya. Nagising na lamang ako sa aking diwa.

“Wanna have some ‘talkie talkie’ with me?” nakitaan ko ng amusement ang expression niya.

“H-Ha?”

Bakit ganoon? okay naman ako kanina pero bakit bigla akong nalutang ngayon?

“Mamaya, I-aannounce na half day ngayon so, baka lang gusto mo, bookstore tayo.” He smiled gently.

“Ah, okay...”  Wala sa sarili kong tugon.

Hindi ko alam kung bakit o asaan na ang mga salita sa bibig ko dahil tila naubusan ako ngayon.

“Yehey!”

Parang nanalo naman sa kung anong paligsahan ang section namin ng iannounce ng school principal na half day daw muna ngayon. Sinamahan ako ni Ryden na bumalik sa classroom namin para kuhanin ang mga gamit ko.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang kunin sa kamay ko ang bag ko. “Ako na magdadala, okay lang naman.”

“Okay lang din naman kung ako na ang magdadala.” Sumuko nalang ako dahil para nang sasabog ang dibdib ko.

Sabay kaming naglakad palabas ng gate ng walang nagsasalita. Tahimik lang kaming naglalakad pero nate-tense ako.

Nang nakarating na kami sa gate, naabutan namin doon sina Arin at Caerro na magkaharap. Wow, nakakausap niya na si Caerro ngayon? I wonder if Arin had already gave the scrap book she made for him?

“Arianna!” Lumingon naman agad siya sa gawi namin at ang kaninang matalim niyang titig ay napalitan ng gulat.

“Ay naks hindi pa kayo tapos mag ‘talkie talkie’?” May halong panunuya ang tono niya kaya naman pinandilatan ko siya ng mata.

“Dami mong sinasabi, di'ba sabi mo ikaw na bahalang magdala sa bag ni Aye?” Aangal sana ako kaso tinanggap naman agad ni Arin ang bag ko.

May usapan sila?

“Of course! why not?! Hindi ko naman nakakalimutan iyon. Kaya sige umalis na kayo and enjoy your date!” Nakangiti ito ng mapilya sa amin.

“Date? Hindi naman kami magde-date.” Kailangan kong klaruhin ang bagay na iyon, napaka malisyosa pa naman ng babaeng 'to.

“Oo nga, talkie talkie lang daw 'to hindi date, tsk, sige na mauna na kami. Umalis na kausap mo eh.” Ryden chuckled. Kumunot ang noo ni Arin at sabay lingon sa likuran. Kanina pa nga pala naglakad paalis si Caerro kaya para nang tinubuan ng sungay si Arin. Wow, may gana na siyang magalit ngayon?!

“Hoy, Aguirre! Ang bastos mo ah, bumalik ka rito kinakausap pa kita!” pareho kaming tumawa ni Ryden sa nakitang inasal ni Arin. Iniwan na lang namin sila roon at nagsimula ng maglakad paalis.

Napaka-awkward ng paglalakad namin, kung may kasama lang siguro kami rito ay paniguradong kanina pa nauumay. Though, deep inside me, it was never boring dahil kanina pa tumatahip ang aking dibdib sa kaba na nararamdaman and I don't know what to do with it. Hindi naman siguro ako magkaka-heart attack sa harapan niya ngayon, 'no?

“Saan mo gustong pumunta?” Nilingon ko si Ryden.

Sa totoo lang hindi ko alam.

“Depende sa'yo, ikaw na ang bahala.”

Pati ang pananalita ko ay hindi ko na alam ang gagawin, ganoon ba kalala ang nararamdaman ko? Sana lang ay hindi niya naririnig ang pag-hehisterical ng damdamin ko.

“Okay, sabi mo eh.”

Halos mapatalon ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatitig ako sa kaniya pero parang wala siyang pakialam sa magiging reaction ko. Mainit na masyado ang pisnge ko lalo na ng nararamdaman kong napakalambot ng kamay niya. Nararamdaman niya siguro na hindi ako humawak pabalik kaya hinigpitan niya. Nakakahiya man ay dahan-dahan kong hinawakan pabalik ang malambot niyang kamay and I was biting my lips while doing that. Iyong dibdib ko parang wala ng mapaglalagyan!

Pumunta kami roon sa waiting shed para maghintay ng dadaan na taxi. Hindi ko naman alam kung saan niya ako dadalhin kasi nagpapatianod lang naman ako. When a minute passed, may dumaan rin na taxi at sabay kaming sumakay roon.

Saka ko palang napagtanto na we're actually heading towards SLP. Ano naman kayang gagawin namin dito? We were just silently walking and our hands are still intertwined. Hindi niya man lang pinapakawalan.

“Anong gagawin natin dito?”

“May bagong release iyong favorite writer ko. I want to read it with you.”

Tumango na lamang ako. Nagpigil na lamang ako ng ngiti at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bookstore. Kagaya ng dati, books and library still give me the same comfort. We both like the peacefulness here and the smell of books. These is how I define heaven.

Noong nakaraan ay binilhan ulit ako ni Dad ng Series novel at isang bundle iyon. Medyo hindi naman ganoon karami ang mga kabanata na nakapaloob doon kaya mga tatlong araw pa lang ay natapos ko na kaagad. Na-guilty tuloy ako dahil mas nauna ko pa iyong tapusin kaysa sa Unlively Heart. Pero hindi naman siguro masama iyon, di'ba? I mean I know there's a lot of bookworms that tends to read newly buy books than those old books in their bookshelves. Okay naman ang story nung series kaya pinagpatuloy ko siya hanggang sa nasa ikalawang nobela na bahagi sa series na iyon.

We are both busy strolling towards the sea of books. May bitbit na akong dalawang books and both of them are romance. Gusto ko muna mabaliw sa enemies-to-lovers trope kasi na-miss ko iyon. While Ryden, I don't know what's he's exactly looking for. Kanina pa siya sulyap ng sulyap sa mga libro pero wala namang napipili. Magkatabi lang kami at sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon, ay lihim ko siyang tinitigan habang tinatakpan ang kalahati ng aking mukha gamit ang libro na aking dala-dala.

“Iyang titig ng titig diyan, ayaw mag-concentrate sa pamimili, patago-tago pa eh kanina ko pa namang nahahalata.”

Patay-malisya kong binaba ang libro ko at kunware naubo. Hindi ko naman inakala na maniniwala siya sa ubo ko dahil nilabas niya mula sa bag niya ang isang grey na tumbler at binigay iyon sa akin.

“Uminom ka,” tanging sabi niya.

“Ano? Ayoko nga! may laway mo na 'yan.” Asik ko.

“Ayaw mo no'n, kahit indirect kiss lang ay nahalikan mo na talaga ako. Hindi mo na kailangan pang magday-dream.” He grinned.

Tsk! Nang-iinis ba 'to? Excuse me, hindi naman ako nagdi-daydream ah. I just want to watch him while holding a book. It was just a beautiful sight seeing him busy scanning the description of the books at the back of it. Para bang pinag-iisipan niya talaga ng mabuti kung anong klaseng libro ang nararapat na bilhin.

However, that stare doesn't mean anything special 'no! I just appreciate him. Tsk. Napaka-assuming pa rin talaga ng lalaking 'to.

“Hindi ako nagdi-daydream no!” tanggi ko dahil totoo naman talaga.

“Kunware ka pa, basta ako alam kong kayang-kaya kitang halikan ngayon lalo na't tayo lang ang nandito.” He grinned again.

Nanlaki naman ang mga mata ko doon. I know na may tendency talaga na maghahalikan kami of course! we're both like each other—pero hindi pa naman ako nag-confess. Though, I bet he already has a hint. For Someone like him na may pagka-assumero? Pero natatakot ako na baka may makakita sa amin. H'wag naman ngayon pwede naman siguro sa susunod nalang, please.

“Seriously, kailan ka pa natutong magtake—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang lumingon sa akin at agad kong naramdaman ang malambot niyang labi na lumapat sa aking labi. Ilang segundo nang mapagtanto ko ang nangyayari ngayon, he's kissing me!

Nang mapagtanto ko iyon ay para akong may last 60 days na lang sa mundo. That was so fast and I was caught off-guard! Hindi ko alam kung saan kukuha ng hangin. I don't even know how to do it since—what the hell, it's my first time! He's making me crazy through his kisses. Akala ko'y mabilis lang iyon kaso parang naganahan siya nang mapagtantong hindi ako pumalag. He kissed me intently and he held my arms palapit sa kaniya.

Ang mga kamay niya ay nasa pisnge ko para mas maayos ang access niya sa labi ko. Kahit nakakahiya ay humalik ako pabalik. I gently closed my eyes and let him get access that he wants. Pulang-pula na yata ang mukha ko ngayon. Hindi naman ako marunong humalik!

“Tapusin mo na ang sasabihin mo.”

Magagalit sana ako dahil bigla niya akong binitawan pero parang nakakahiya naman iyon. Nanginginig ang buong sistema ko matapos ang pangyayaring iyon at humihingal-hingal ako.

Parang nakalimutan ko ang mundo at parang lumayo sa akin ang mga salitang sasabihin ko sa kaniya kanina. Nakakaliliyo naman kasi iyon!

“Nakakainis ka.” Tanging asik ko at sabay irap sa kaniya.

Akala ko'y susuyuin niya ako pero bigla nalang siyang tumawa ng mahina. It made me felt chills.

“Para namang hindi mo ini-enjoy iyon.” Binalik niya ang kaniyang atensyon sa librong binasa.

Pumikit ako ng mariin pero wala eh! hays napakayabang nga naman ng lalaking 'to. “Seriously kailan ka pa natutong mag-take advantage huh,” I acted like I gritted my teeth.

“Simula nung makilala kita.” He looked at me again. “And I'm not kidding.” He looked at me directly in the eyes.

Napa “huh” naman ako dahil hindi ko siya nagets.

“Remember nung nabuhusan kuno kita ng coke, It's not an accident tsk, hindi naman ako clumsy.”

Nanlaki ang mga mata ko doon. What?! Sinadya niya iyon? Oo naalala ko 'yon and it was very embarassing at nakakainis! pero bakit naman eh I think hindi niya pa ako kilala no'n.

“Y-You mean, sinadya mo 'yon?” I asked curiously.

“Hmm.” Tango niya. “Pero hindi ko inaasahan na parang ginawa mong remembrance 'yong pinahiram ko na panyo.” There's a little amusement in his lips.

Hala! Oo nga pala! Isosoli ko dapat sa kaniya iyon pero nakakalimutan ko na! Gosh, it's been months na pero hindi ko talaga naalala. Nilabhan ko pa nga iyon para isoli na sa kaniya pero hindi natuloy.

Napatutop ako sa aking bibig at pumikit ng mariin dahil napahiya ako doon. “N-Nakalimutan ko lang.” I said awkwardly.

After a peaceful minutes...

“Eh bakit mo nga ako hinalikan?” Pataray kong tanong.

“Bakit? bawal ba? wala ka naman sinabing bawal ah. Kanina ka pa nga titig na titig sa akin.” He answered.

Napabuntong hininga nalang ako dahil nawawalan na ako ng salita. Wala na akong makapa na salita!

Napansin ko nalang na tumititig na siya sa akin. “But seriously, I don't regret to be the one who tasted your lips first.” He grinned again.

Well, I didn't regret my first kiss either.

I gasped to find air because he's only staring at my lips as if he's wanting more of it kaya umiwas nalang ako ng tingin. Matutumba na yata ako sa kinatatayuan ko anytime!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro