Chapter 19
Chapter Nineteen
"Bakit? may boyfriend ka ba? Naging cold na ba kayo sa isa't-isa? Baka mamaya niyan biglang may sumugod sa'kin dito kasi yakap-yakap kita?" bigla niyang tanong na kinailing ko bigla.
"Huh? hindi 'no!"
"Defensive pa 'to! Hindi kayo magtatagal niyan kung isesekreto niyo. Sumbong kita sa Daddy mo e."
"Tsk! Excuse me! Wala nga di'ba?! Nagtatanong lang ako kasi curious ako! Bahala ka na nga, kanina pa ako naiinis sa'yo e, alis na'ko salamat nalang sa pagsagot."
Inis akong naglakad palabas ng library at naglalakad sa hallway. Pinunasan ko na rin ang luha ko at buti nalang at tumigil na ito sa pagdaloy. Kung iniisip kong hindi niya ako sinundan, nagkakamali ako. Nararamdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.
"Hoy! ito naman napaka-pikunin mo!"
Hindi ko pa rin siya nilingon pero pasaway na puso, parang nanlalambot. Wow, wala pang kami pero ramdam ko na rumurupok na'ko. My goodness!
"Ayezza, sorry na! Promise, 'di na'ko mang-iinis!"
Rinig na rinig ko ang sigaw niya dito habang naglalakad ako sa gilid ng field. Bahala siya riyan, hindi ko talaga siya lilingunin.
Muntik na akong madapa sa damuhan ng maramdaman kong may maramdamang mabigat na dumagan sa akin
"Akala mo ikaw na mabilis maglakad? Maaabutan pa rin kita!"
"Argh! Ryden bumitaw ka nga! Papatayin mo naman yata ako e!"
Malapit na talaga akong malagutan ng hininga kasi ang higpit ng yakap niya sa leeg ko! Oo problemado nga ako pero ayoko pang magbigti!
"Oh, sorry!" He chuckled. Napaka-rare niyang tumawa kaya hindi ko alam kung anong nakain niya ngayong tumatawa siya. Pero kahit ang pogi niya tingnan na tumatawa, I still managed to hide my smile. Huwag ngayon, Aye!
Mas lalong nag-init ang aking pisnge.
"Tara cafeteria, I'm hungry."
Hinatak niya ako at wala na akong nagawa kaya nagpatianod nalang ako. Nagutom din naman ako eh kaya sige.
"Ikaw na umorder, magc-CR lang ako." Tumayo ako ng maramdaman kong naiihi ako.
"Ilolock ka ulit doon."
Pinagtagpuan ko ulit siya ng kilay. Tingnan mo nga 'to! Magso-sorry nga pero mang-iinis pa rin naman.
“Joke lang, sige na. Hihintayin nalang kita roon.” As he said those, he messed the top of my head. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
Wala masyadong estudyante sa CR kaya pagdating roon, dumiretso ako sa cubicle. Naalala ko na dito pa mismo ako na-lock no'ng nakaraan. Sana naman h'wag maulit di'ba?
Tapos na ako kaya lumabas na akong cubicle. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin at thankfully, hindi na namumugto ang mata ko. Gosh, hindi na ulit ako iiyak kapag papasok ako. Pwede akong umiyak kapag Friday night na para walang worries kinabukasan.
Lalabas na sana ako ng CR nang bigla akong makarinig ng paghagulgol sa isa sa mga cubicle. As in, umiiyak talaga. Ilang minuto akong nanatili roon para makiramdam hanggang sa kumalabog ang pinto n'on. Bigla akong nakuryuso.
Bumukas iyon at inuluwal si Alice! Medyo nagulat pa siya nang makita akong nakatitig sa gawi niya. Pati ako ay nagulat rin. Pero hindi niya pinansin ang presensya ko at naglakad na siya palabas. Ano naman kayang nangyari sa kaniya?
Ilang minuto akong nanatili roon bago napagdesisyunan na lumabas na. Naalala ko na may naghihintay pala sa akin sa cafeteria, si Ryden.
"Sorry, natagalan." Umupo ako sa tapat niya. Nandito kami ngayon sa usual spot namin na table. He ordered a burger at apple juice. Pareho kami.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nakitang umiiyak na si Alice kanina. Napaano kaya siya? Medyo nainis ako roon sa part na pinahamak niya akong ilock sa loob ng CR pero ngayon parang nag-alala pa ako sa lagay niya.
"You're so silent."
Napansin siguro ni Ryden na medyo tahimik ako.
"May iniisip lang." Simple kong sagot.
"Something's bothering you?" Huminto siya sa pagkain at tumingin sa'kin. Parang huminto ang lahat ng nilunok kong burger sa lalamunan ko.
What is this feeling everytime I'm with him? Ano bang meron sa kaniya para makaramdam ako ng kakaibang kaba? Iyong mga panlalambot ko? Bakit ganoon?
"Nah, don't worry" I assured a smile to him.
"Tsk, sabi mo eh." Nagkibit siya ng balikat.
"YOU FREAK!"
Napalingon kaming pareho ni Ryden sa likuran ko ng sabay naming marinig ang isang paglagapak ng kung ano. Pisnge pala iyon ni Alice! What—what is happening here? Dahil sa pangyayaring iyon ay agad na nagkumpulan ang mga estudyante sa kinaroroonan nila Alice at Trisha. Ryden turn his head but afterwards, binalik niya rin ang atensyon sa kinakain. Kaya hindi na rin ako naki-usyuso baka sabihin ni Ryden chismosa pala ako.
"You fake! Tingin mo hindi ko nahahalata? Ano ako tanga?"
Narinig namin na sigaw ni Alice. Inagaw nila ang atensyon ng lahat ng narito sa cafeteria. Mas nagulat ang lahat nang biglang sumugod si Trisha kay Alice. Hinablot niya ang buhok nito at napahiga naman si Alice sa bakanteng table. Walang naglakas-loob na umawat sa dalawa hanggang sa tinulak ni Alice si Trisha ng napakalakas. Natumba ito sa sahig at saka lang humupa ang gulo ng dalawa.
“Ang kapal-kapal ng mukha mo! Hindi ka man lang nahiya! You're such a parasite bitch! User!” Singhal ni Alice habang pinagsasampal sa mukha si Trisha. Bilang depensa naman ng isa, hinihila niya ang buhok nito but Alice is way stronger than Trisha.
“Kesa naman sa'yo, social climber! Feeling rich!”
“Pakialamera ka talaga, tangina ka!”
Anong nangyayari sa kanila? Nakita ko pa nga silang magkasama the last time sa classroom eh, they seems okay pa naman no'n. So I wonder what went wrong with their friendship?
"Fake friends pa nga." Nilingon ko si Ryden sa harapan ko. Napatingin naman ako sa kaniya. Patuloy lamang siya sa pag-kain.
“Tsk, hayaan mo na. Baka madamay pa tayo sa gulo nila.”
He sighed. "You know why I don't pick any friend?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Oo nga, napansin ko nga na wala siya masyadong kakilala rito sa campus bukod sa akin at sa ate niya.
"Hmm, why?" I asked curiously.
"Kasi kadalasan, hindi natin alam na iyong sa tingin mo nagpakatotoo sa'yo, ang hindi mo alam, kinaibigan ka lang pala kasi may kailangan sila sa'yo materially." He seriously said. "You are trying hardly to became their BEST friends hanggang sa binigay mo na ang lahat. Pero pagdating ng panahon, iiwanan ka rin nila kapag ikaw na naman ang may kailangan sa kanila. Kasi, they actually doesn't want to help you. They are willing to look for your presence just for their convenience.”
Tama naman, kaya maswerte iyong mga taong nakahanap na ng totoong kaibigan na hindi nila kailangan ng materyal na bagay mula sa'yo. Iyong uri ng kaibigan na palagi talagang nandyan sa tabi mo through ups and down. Hindi basehan ang mga materyal na bagay na binibigay nila sa'yo. Having a friend doesn't have to cost material things, if so, that probably couldn't define as friendship. Asan ang pagkakaibigan roon, nasa pera?
***
"Oh? bakit?"
Hiningal ako nang maabutan ko siya. Hindi ko na yata kayang itago ito nang walang napagsasabihan. I don't know what's happening to me. And by this time, Arin is the safest place that I could think of.
"Pa-sleep over ako sa inyo, please!" Pag-aaya ko kay Arin at parang interesado naman siya.
Napatutop naman siya sa labi niya at nagliwanag ang kaniyang mga mata. "What?! As in?! Oo ba! Tara na dali! Parating na driver ko!"
Sabik siyang hinatak ako papunta sa kotse nila nang dumating na ang driver.
"Hindi tayo matutulog." Pinanliitan niya ako ng mata. Nandito kami pareho sa backseat. Tahimik lamang ang driver sa pagmamaneho pero pareho kaming maingay ni Arin sa likuran na seat.
"Huh? seryoso ka?"
"Oo! sanay akong hindi natutulog no! I will introduce you to the world full of lightstick. Tsaka sa mga photocards ni Caerro sa room ko!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Agh! Bakit di ko naisip iyon. Pero hayaan niyo na, as long as I wouldn't hear arguments. Kaya naman, agad kong tinext si Mommy na dito muna ako matutulog kina Arin and I reasoned, we have to do a homework by pair. I know I was lying but I just want to save myself. Hindi pa ako handang makarinig ng pag-aaway pa.
"Hi Mommy! Dady! Rianne! Nandito si Aye!"
Napatakip ako ng tenga dahil sa grabeng lakas ng boses ni Arin! umalingawngaw sa buong bahay! Nang makarating kami sa kanila ay hinatak niya ako at patakbong pumasok sa kanila.
Si Tita Aria, Mommy ni Arin ang unang nakita ko na sa living room magkatabi sila ni Tito Dave habang nanonood ng TV. Nakaakbay si Tito sa asawa habang nakasandal naman ito sa kaniyang balikat.
"Hello po Tito, Tita. "
Dahil sa pagbati kong iyon, biglaang napatayo si Tita. "OMG! Ayezza matagal na kitang hindi nakita ah, buti naman nagkaroon ka rin ng panahon na dumalaw rito?" Abot tenga ang ngiti ni Tita Aria kaya napangiti na rin ako.
"Magi-sleep over daw siya dito My, di'ba ang saya?"
"OMG, that's great! Okay, okay, Dave! Let me cook for dinner na."
"Ikaw naman talagang magluluto mahal, joke joke lang iyong sinabi ko kaninang ako na magluluto!" Tumawa ng malakas ang Daddy ni Arin.
Actually, mas bata pa tignan ang Daddy niya kesa sa Daddy namin ni Ashton. Bunso kasi sa lahat ng magkapatid ang Daddy niya. Pati na rin ang Mommy niya ang bata pa rin tingnan.
"Daddy, sa kwarto lang po kami." Paalam ni Arin.
Dinala niya nga ako sa kwarto niya. Nagulat pa ako ng makita ang ilang stolen shots ni Caerro na nakadikit sa walls niya. As in? Para siyang sindikato na pini-picture-an ang kaniyang target para mag-isip ng plano. Alam ko namang obsessed ang pinsan ko pero I didn't know na aabot sa ganto! May pictures din na nagpeperform si Caerro iyon yung foundation day namin last year kung tama ako.
"Gulat ka na nyan?" tinawanan ni Arin ang expression ko." Actually, may ginawa pa nga akong scrapbook about sa kaniya, e. Plano ko ibigay sa kaniya next time na magkita kami." she giggled.
"What? are you really doing this?" Nakaawang pa rin ang bibig ko.
"Coz why not diba?"
"Seriously, I can't believe you." I chuckled.
"Duh! Maghanap ka na kasi ng pwede mong mai-crush para maka-relate ka na rin sa'kin. Oh di kaya, si Ryden nalang crush mo, yieee!"
Uminit ang pisnge ko ng mabanggit niya ang pangalang iyon. Umiwas ako ng tingin sabay tikhim and I don't even know why. Naalala ko lang muli ang mga galawan niya.
"Hala shit! namumula ka, Aye! Crush mo nga si Ryden no?"
I swear hindi talaga ako tatantanan ng babaeng 'to kapag hindi ko siya sinagot. Napakagat ako sa aking labi kasi hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
"Arin naman eh," nagmamakaawa na talaga ako. Alam ko na talaga ang susunod nito.
"Umamin na kasi, yieee, Aye h'wag kang pahalata masyado, tsaka kung aamin ka nga you're feelings are safe basta ako sasabihan mo." Kinindatan niya pa ako.
Sa daldal niya all the time, safe ba talaga? I kinda doubt it. Gosh!
"Oo na, okay na? kaya tigilan mo na'ko." Nakapikit kong pag-amin sa katotohanan.
Napatutop siya ng labi niya matapos marinig iyon. Pagkatapos ay tumili siya at nagpagulong-gulong siya sa kama niya.
Hindi naman ako tanga para hindi iyon mahalata, I am just not sure nung una. I just confirmed it lately. Simula no'ng araw na umamin siya sa'kin, I was confused about my feelings towards him kaya naman I started seeking for books and read about the perks of falling inlove. Lahat ng iyon natamaan ako. Hindi naman kasi mahirap gustuhin si Ryden—I mean, despite sa rudeness niya, I know that there's kindness within him.
“Aye, seryoso ka ba? Gosh ako 'yung kinikilig sa inyo! Pero tanungin nga kita ulit, crush mo talaga si Ryden?”
Napakamot nalang ako sa tenga ko, hay si Arin ayaw pa maniwala, umiinit ang pisnge ko kapag naririnig ang pangalan niya, ayaw pa akong tigilan?!
Kanina pa niya ako kinukulit kong talaga bang may gusto ako kay Ryden kesyo daw, hindi raw siya makapaniwala.
“Edi bahala ka nga kung ayaw mo akong pinawalaan.” Humiga ako sa kama niya at sinubsob ang mukha sa unan.
“OMG, Aye! Finally nagka-crush ka na rin! Ilang taon ka na ding walang nililingon na lalaki ah, grabe ang tagal mo sigurong naka-move-on doon sa last crush mo.”
Bumangon ako at hinarap siya. Nakapagbihis na siya ng damit at ngayon ay nagsusuklay.
Last crush? kailan nga ba iyon? I think nasa mga grade nine ako no'n pero hindi naman sa hindi ako makamove-on sa kaniya. Sadyang wala lang talaga akong nagugustuhan na lalaki dito sa amin. Kusang nawala ang feelings ko ro'n eh.
“Hindi ah, matapos niya akong ireject nakamove-on agad ako sa kaniya 'no!”
Yes, I did confess to him dati. Nakakahiya iyong mga panahong 'yun pero consistent talaga akong mag-confess. Iniisip ko na kapag ire-reject niya ako ay titigil na lang ako. That's why I stopped.
“Ah talaga ba?” Mapanuya niya akong tinitigan sa mata. Nakakairita tuloy. “Edi sana all.”
“Pero mabalik tayo doon sa feelings mo kay Ryden, kailan 'yan nagsimula?”
Hinarap niya sa akin ang upuan ng kaniyang study table at umupo roon. Nasa kama niya pa rin ako at magkaharap kami.
“Argh, hindi ko maalala, basta nararamdaman ko lang bigla—hay nako ewan.” Irap ko sa kawalan.
“Tsk, ano ba naman 'yan buti pa ako, naalala ko kung kailan ako nagka crush kay Caerro. Since grade nine.”
Nakita ko naman agad ang pagkislap ng kaniyang mata.
“So, magka-confess ka sa kaniya?” Biglang lumiwanag ang mata niya.
Magka confess ako kay Ryden? Hindi ko alam basta iyon nga! may gusto nga ako sa kaniya pero kailangan niya ba talagang malaman iyon? But I am still not ready, marami pa akong bagay na iniisip. Mas mabuti na sigurong hindi ko muna sasabihin sa kaniya.
“Wala akong balak gawin iyan.” Tanging sagot ko na kinakunot ng noo niya.
“Ano?! Nag-iisip ka ba? Siyempre sasabihin mo yang nararamdaman mo sa kaniya.”
Para niya na akong babalatan ng buhay gamit ang mga titig niya.
“Hindi naman na kailangan iyan, tsaka ikaw nga eh ang tagal mo nang crush si Caerro pero hindi mo naman inaamin sa mismong harapan niya,” panggaganti ko.
“Atleast sinisigawan ko siya ng ‘I love you’ kapag nakikita ko siya, eh ikaw kaya mo bang isigaw kay Ryden ang salitang iyon?” Iyong pinsan ko, nagtataray na. Pikon na 'yan ng medyo.
Tumahimik lamang ako at iniisip ang tungkol sa bagay na iyon. Nakaka-stress naman.
“Aminin mo nalang kasi sa kaniya, malay mo gusto ka din nun palagi pa naman siyang umaaligid sa'yo, yieee kinikilig na'yan.” Sundot niya sa tagiliran ko.
Tsk, kakaaamin niya nga lang sa'kin na gusto niya ako. But would we risk us? Paano kung hindi naman kami magwo-work ni Ryden? Edi masasaktan ako?
“Tumahimik ka nga Arin. Hindi ako magugustuhan nun okay?” Lies, I know.
“Saka na ako tatahimik kung sasabihin mo sa kaniya ang nararamdaman mo.”
Napabuntong-hininga na lamang ako. “Oo na, oo na pero huwag muna ngayon.”
Agad naman siyang napatili at dinaganan ako saka niyakap ng mahigpit.
“Sige, sige. Change topic naman tayo. Bakit ka nagdecide agad na dito matulog ngayon? I'm sure may dahilan di'ba kasi napaka-rare mong pumunta dito eh.”
Argh, ito na nga bang sinasabi ko. Tatanungin na naman ako nito eh hindi ko naman alam ang isasagot.
“Basta something you don't need to know.” Tanging sagot ko pero hindi iyon sapat sa kaniya.
“Wow, nagsesecret ka na sa'kin ngayon, Aye? Katampo ka naman.” Umaakto pa siyang malungkot nagmumukha tuloy siyang tuta. Gusto ko siyang tawanan ngayon pero wag nalang kasi nasa seryosong sitwasyon kami.
Wala akong takas pagdating sa kaniya kaya para saan pa't ililihim ko di'ba? Since gusto ko rin ng mapaglalabasan ng nararamdaman ngayon.
“Sige na sasabihin ko na, makinig ka ah.” Tumango naman siya na parang tuta na naghihintay ng pagkain sa amo niya.
Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Mula roon sa unang beses ko silang nasaksihan na nag-aaway. Hanggang doon sa mga pala-isipan na naririnig ko sa kanila. Pinipigilan ko lamang ang mga luha ko sa pagbuhos. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa. Nang matapos kong i-kwento ang lahat ay nakaramdam agad ako ng gaan sa kalooban.
Mapait akong ngumiti sa kaniya ng makitaan ko ng awa ang mata niya sa akin. Lalo na ng bigla siyang naging seryoso.
“Bakit hindi mo ako sinabihan?” malungkot nitong sambit.
Bigla akong nakaramdam ng guilt. Palagi siyang nandyan sa tabi ko pero hindi ko naman masabi ang mga nararamdaman ko. “I'm sorry.”
“'Di joke lang. Alam mo, wala naman talaga akong alam na comforting words eh pero kung kailangan mo ng makakausap, idaldal mo lang sa'kin ang lahat. Makikinig naman ako. Kagaya nga nung sinabi ko kanina, you're feelings is safe with me.” Mapilya siyang ngumiti sa'kin.
Napangiti naman ako ng mababaw roon. Hindi na lamang ako nagsalita pa dahil baka mababasag ang boses ko.
“I know na hindi okay iyang nararamdaman mo so kung may gusto kang mapaglabasan ng salita, sabihin mo lang sa akin. Kahit gawin mo pa akong punching bag sa susunod basta ikaw Aye, Okay na okay lang sa'kin.” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako. “H'wag mo lang masyadong problemahin ang problema ng pamilya mo, h'wag puro iyak Aye, dapat alagaan mo rin ang sarili mo para h'wag kang malugmok… Naiiyak kaya ako kapag nakikita kitang naiiyak din,”
Napangiti ako ng mapait. “Salamat, Rin. Sorry talaga at ngayon lang kita napagsabihan nito…” Tinawanan ko naman siya ng mahina sabay angat ng tingin sa kaniya. “Sure ka na okay lang sa'yo na maging punching bag ko? sige nga try kitang suntukin ngayon.” Pabiro kong hamon.
“Asa ka naman 'no? may sinabi ba akong physically ha, Aye” napailing siya sa'kin habang ako ay tumawa.
Pagkatapos ng mahaba-habang usapan namin na iyon, ay kinatok kami ni Tita Aria para maghapunan. Bumaba na kami ni Arin matapos kong magbihis. Nanghiram lang ako sa kaniya ng t-shirt at shorts.
Well, atleast I felt kinda light in my chest. Thank you, Arin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro